Press Briefing by PCOO Sec. Sonny Coloma w/ Incoming PCOO Secretary Martin Andanar
Press Working Area, New Executive Building, Malacañang
20 June 2016

SEC. ANDANAR: ...Lahat naman ng media bibigyan ng accreditation. Of course, you can monitor it dito sa inyong building sa New Executive Building.

Lei Alviz (GMA-7): Kasama pa rin po kayo sir doon sa parang very limited access ng…

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi. Talagang masikip lang talaga sa loob, masikip sa loob ng Rizal Hall. Hindi siya ganun kalaki ang espasyo. Limang-daan lang kasi ang pwede na bisita. So, iyong atin namang mga kasamahan sa RTVM ay sanay naman sila sa mga broadcast pool. So I think you will not have a difficult time.

Q: Confirmed na po ba na 150 lang yung bisita sa loob?

SEC. ANDANAR: 500. Pero ‘yung personal na bisita po ni President-elect nasa mga 150 to 190. Kasi siyempre merong mga senador ‘di ba, merong mga miyembro ng Kapulisan, Kongreso, the usual, mga Cabinet officials.

Ms. Alviz: So kasama na po sila doon sa 500?

SEC. ANDANAR: Lahat na ito. Kaya nga ang pakiusap po ni President-elect Duterte sa amin po mga incoming Cabinet members ay hindi kasama ‘yung aming mga asawa.

Ms. Alviz: Meron na po ba siyang desisyon kung saan po siya titira?

SEC. ANDANAR: Hindi pa namin napag-usapan iyon.

Jayvee Arcena (TV-5): Final na rin po ba sir ‘yung decision niya na no-media interview sa six years niya?

SEC. ANDANAR: Wala naman siyang sinabi na six years. Wala naman siyang sinabing…Ang sabi yata ni France Noguera is “until the end of your term?” Ang tanong kung meron bang sinabi kung anong term sa inyo.

You know, kailangan kasi nating maging ano…Six years ‘yung presidency I don’t think na ‘yung Presidente naman ay hindi kayo kakausapin. Kasi kung matatandaan niyo doon sa Cebu ay nakausap naman siya ng GMA, nakausap naman siya ng ABS-CBN.

Willard Cheng (ABS-CBN): Sir, ano po ang napag-usapan niyo po ngayon sa meeting niyo po ni Secretary Coloma and incoming Secretary?

SEC. COLOMA: Patuloy ang aming pakikipag-ugnayan sa isa’t isa upang maibahagi kay incoming Secretary Martin Andanar ang mga mahalagang impormasyon tungkol sa trabahong ginagampanan ng Communications Office.

Kaya sinagot ko ‘yung iba niyang mga katanungan dahil kung maaalala niyo noong huli kaming nagkita ay isang ano lang iyon — isang buong araw kasama na ‘yung pag-ocular niya doon sa mga organizations based in Quezon City: Philippine Information Agency, People’s Television, National Printing at ‘yung APO Production Unit in the PIA Building.

Kanina ay nakipag-pulong siya sa mga nasa operations natin dito sa PCOO, kina Undersecretary Jan Co Chua, Assistant Secretary Cecille Javillonar at iyong iba pang kagawad ng ating tanggapan dito.

Bahagi lang ito ‘nung patuloy na pakikipag-ugnayan namin sa isa’t isa upang tiyakin ‘yung seamless transition. Ang palagi kong tinatalakay sa kanya ‘yung kahalagan na bigyan kayo, ng mga kagawad ng media, ng napapanahong impormasyon dahil ito ang mahalagang tungkulin na ginagampanan ninyo dito sa Tanggapan ng Pangulo at sa Palasyo ng Malakanyang.

Benjie Liwanag (DZBB): Sir, nakumpleto niyo na po ba ‘yung transition report, lahat ‘nung committee report, at na-submit niyo na po ba ito dito sa transition team ng Duterte?

SEC. COLOMA: Kung ang itinuturing mo, Benjie, ay ‘yung mga ulat ng lahat ng mga departments in the Executive branch, national agencies, kailangan nating kumuha ng update tungkol diyan sa office ni Executive Secretary (Paquito) Ochoa.

Ang batid ko lang ay sa bawat pagkikita nila at sa pagitan din naman ng mga pagpupulong na iyon, ina-update ‘yung mga counterparts ng ating Presidential Transition Committee hinggil doon sa ulat ng iba’t ibang mga tanggapan. At kung napansin din natin, marami din sa kanila ang nagkaroon na rin ng sarili nilang inisyatiba na makipagpulungan both outgoing and incoming at sa pagpupulong na iyon ay nagaganap na naman ‘yung pagsalin ng impormasyon, ‘yung pagbibigay ng gabay kung paano magagampanan nang mahusay ang mga tungkulin sa papasok na administrasyon.

Mr. Liwanag: May naka-schedule po bang pagpupulong between the two committees, the transition committees of the Duterte and the Aquino camp, sir?

SEC. COLOMA: On the part of the Presidential Transition Committee, I will have to inquire from Secretary Ochoa. Siguro doon sa bahagi naman ng incoming administration, sila naman ang makakapagbigay ng impormasyon hinggil diyan.

Mr. Arcena: Sa side ninyo, sir, sa incoming administration?

SEC. ANDANAR: Iyong transition committee namin sa PCOO at ang transition committee po ni Secretary Sonny Coloma ay continuous ang pagpupulong mula po noong tayo ay nagkita after ‘nung June 2 announcement ni President-elect Digong. So, today, ngayon po ang ikalawang pagpupulong namin na pormal ni Secretary Sonny Coloma pero halos araw-araw po kami nagte-text kung meron pong mga tanong from our side, from my side. Of course, kailangan po nating malaman kung ano ‘yung mga dapat gawin, kung anong mga ahensiya ang dapat tutukan nang husto at kung ano pa ‘yung mga dapat na pagbabago na dapat gawin para mas lalo maging efficient ‘yung pagpapatakbo ng ating mga ahensiya sa ilalim po ng PCOO.

So wala naman hong problema sa akin dahil tulad ng binanggit ko noon sa inyo e propesor ko po si Sonny Coloma. Magaling po na propesor ito, magaling na titser. Kaya rest assured po na sa simula po ng June 30, pag-take over po ng grupo namin dito po sa PCOO ay lahat po ay magiging smooth sailing.

SEC. ANDANAR: Napag-usapan na namin ni Secretary Sonny kung ano ang pinakamagandang pangalan.

Ms. Alviz: Ano po ang magiging pangalan?

SEC. ANDANAR: Ang suggestion ko ay PCO (Presidential Communications Office):

SEC. COLOMA: Dagdag lang, kung maaalala natin noong inilabas ‘yung Executive Order No. 4, in July 2010, ang title ‘non: “Renaming the Office of the Press Secretary as the Presidential Communications Operations Office.” Kaya sa simula’t sapol iyon namang PCOO natin iyon din ‘yung dating Office of the Press Secretary. Ang kaibahan lang doon sa set up ‘nung nakaraang Arroyo administration, pati ‘yung mga media organizations na nakabase sa Quezon City na dati ay pinapangasiwaan ni then Secretary Conrado Limcaoco ay inilagay din sa ilalim ng PCOO, pinag-isa na lang. So that was really an effort to unify and integrate all of the offices. So, iyon din naman ang pinanggalingan ‘non. At noong kami ay nag-usap ni incoming Secretary Martin, iyon ang aking ibinahagi na impormasyon sa kanya at siya rin naman ay pinag-aralan niya kung ano ‘yung maaaring maging mainam na kaayusan na nais nilang ipairal sa ilalim ng papasok na administrasyon. So iyon ang aking backgrounder doon sa aming pag-uusap diyan.

Ms. Alviz: So mawawala na, sir, ‘yung PCDSPO? Mawawala na ‘yon, sir?

SEC. ANDANAR: Nasa ilalim na ‘yon ng PCO. Iyong opisina ni Undersecretary Manolo Quezon. Tapos simple na lang siguro ang division na ‘yon magiging strategic communications division ng PCOO. Pero ang kagandahan po nito ay hindi na po magiging, you know, medyo magulo iyong ating set up. Isa na lang ang magre-report sa Presidente, iyong Secretary na lang ng PCO at pati po ‘yung spokesperson, pagdating sa kanyang mga administrative work ay ako na po ang magre-report sa Gabinete para isa lang po ang panggagalingan ng report, administratively.

Ms. Alviz: Sir, may info na po doon sa inaugural speech po ni President-elect Duterte? Gaano po ba kahaba ito, ilang minuto?

SEC. ANDANAR: Wala pa, Lei. Kasi kasalukuyang isinusulat pa ‘yung inaugural speech ni President-elect Duterte. Kamakailan ay nagkaroon po ng direktiba ang secretariat po ng President-elect at bawat Gabinete ay pinagsumite po ng kanilang mga panukalang polisiya para ito po ay maisama doon sa talumpati.

Ms. Alviz: Will it be in Filipino, Bisaya, English or combination?

SEC. ANDANAR: Wala pang final decision doon. So malalaman ko kung ano ‘yung lengguwahe ng speech once na na-review ko na po ito bukas or Wednesday.

Marie Peña-Ruiz (Radyo ng Bayan): Sir, ima-maintain niyo rin ‘yung Official Gazette?

SEC. ANDANAR: Yes. I think the Official Gazette ay kasama iyon sa mandato ano pero printed form. Ang ginawa po ni Usec. Manolo ay ginawa niya pong online. Pero itutuloy po natin ‘yung digital at lalung-lalo na ‘yung print form. We will build on the success of the Official Gazette online.

SEC. COLOMA: Sa kasalukuyan ay periodically naglalabas din ng hard copy edition ito, ano, at ito ay inililimbag sa National Printing Office. Kaya lang ang pamilyar tayo ay ‘yung online, which is the Official Gazette na nakikita natin sa Internet. Pero sa simula’t sapol, co-existent naman iyon both the online at saka iyong printed copy of the Official Gazette as required by law.