Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Launching of Comprehensive Reform and Development Agenda (CRDA) for ARMM and other conflict areas in Regions IX, X & XII
Shariff Kabunsuan, Cultural Complex (SKCC) ARMM Compound, Gutierrez Ave.,Cotabato City
29 October 2016
 
Salamat po. Kindly sit down.

Secretary Judy Taguiwalo; Secretary Sueno; Secretary Cusi – nagbigay ng ilaw; Commissioner De Vera sa Commission on Higher Education; Secretary Guiling Mamondiong. Kaya ko talaga siya pinili, when I was trying to—you know, figure out the Cabinet, ito ang pinili ko kasi I want him out into the field. Eh itong trabaho nito niya, ganoon talaga ang maglabas. I had him placed dito sa ating CHEd pati, I got in also Mamao, si Abdullah who’s my fraternity brother and classmate ko sa San Beda. I don’t know why he is not here, but nilagay ko rin siya because sa special concerns ko, iyong nagkakaproblema tayo doon sa Middle East, iyong mga trabahante na nawalaan ng trabaho saka walang mapuntahan. I send Mamondiong and Dabs Mamao to the Middle East, and they did a very good job sa ating mga kababayan. (applause) Deputy Speaker Bai Sema; Undersecretary Dilangalen; Assistant Secretary Dumama – ay kaibigan kami nito (laughter) while I was still the mayor at that time, and he was a very good worker of government. Governor Esmael Mangudadatu; Governor Mujiv Hataman; Mayor Cynthia Sadyaya Sayadi, mali sila; (laughter/applause) Acting Executive Secretary Aristoza; mga kasama ko sa gobyerno; mga mahal kong mga kababayan: (applause)

You know wala kasing masyadong nakaalam, at noon ayaw naman namin na ipagyabang or whatever. But noon, maraming—kokonti lang ang tao, maraming hindi nakaalam about my lola who comes from the Maranao tribe. (applause) But it came obvious when my son Pulong, iyong Vice Mayor ngayon, married a lady – si Lovely. Ang nanay niya Maranao, ang tatay niya Tausug. Then it became open na sinabi na namin nga iyong roots nga namin, eh nagkita-kita kami doon sa Marawi. Pero, medyo nangingilabot ako magpasok doon sa bukid. Hindi kasi alam nila kung sinong i-ambush. Basta lahat na lang sabi ko, “Bantay kayo sa akin.” Kaya helicopter na lang ako nang helicopter. Hindi na ako napadaan doon sa…

Well anyway, I am happy kasi kung papasukan mo, makita mo iyong Duterte Empire. And for all of the—lahat ng Moro regions, nanalo po ako almost by a landslide. (applause) So, you made me president.

Ngayon, tapos naman iyong eleksiyon, at pangako ko sa inyo that wala na kayong makita na lider, maybe for a long time na talagang may pagmamalasakit sa inyo. And (applause) sinabi ko sa inyo that you will have a share of the national wealth. Sinabi ko sa inyo, na bubuhusan ko ang pera ang mga Moro region. (applause) Kasi po, nakikita ko sa statistics noon and… sasabihin ko na ito sa inyo, on the second Cabinet meeting, si Judy sa DSW sinabi ko, “Ma’am, please do something,” kasi nasa record nakita ko the highest incidence ng hunger. Kawawa ang mga bata. …ko, we have to do something about it pati kay…sabi ko, “Moro ka man, tignan mo daw kung mabuhusan natin ng tulong ang mga lugar ng ating mga ninuno.”

So, we are starting… ka sa inyo nga ngayon nag-umpisa ang massive talaga. I want the incidence of hunger stopped. Hanapan natin ng paraan, even man lang para sa pagkain….Sabi ko talaga itong gobyerno na ito luko-luko kaya pala talagang magulo ang ating bayan. Maski ako bakit ka maghingi ng counterpart doon sa farmer na walang pera, wala ngang pagkain. Oh how can he put up his share of the…yung counterpart na…Sabi ko ipamigay mo iyan sabi sabi niya yung…(applause) kaya yung COA sabi ko, hayaan mo iyang COA pagdating doon sa Maguindanao baka putulin ang ulo nila. (laughter/applause/crowd cheers) Kind of stupid and di ko talaga maintindihan why would you come up with a program that will be asking a counterpart? Binibigyan mo na nga eh kasi mahirap.

So, the next acquisition iyong mga tractor it’s a very small one pero hindi naman iyong tractor talaga nakikita mo iyong sa construction but it’s a farm tractor. And I will buy more and I will give everybody there their share para… (applause) Ang problema lang baka pagdating ko doon sa dealer pag-uwi ko nandoon na iyon, naibigay ko baka pinagbili na (laughter) diyan tayo magkaka problema. Well anyway, take care of those properties because it is not ours; it is the money of the people. So, kung ano ang maibigay lalo na iyong mga makinarya, the secret there is maintenance. Sundin mo lang iyong ano sinasabi doon sa libro para tumagal iyong bagay sa inyo. But I will provide sa karamihan, at galing man akong China. I can ask for more. Baka ibigay sa atin nang libre and so I can really develop Mindanao to its fullest extent. (applause)

May six years pa ako. Eh, apat na buwan lang, ang gulo na ng—pati iyong Amerikano nakisawsaw eh. Galit man talaga ako sa kanila. You know, whenever they criticize us, ito si Goldberg he was interviewed. I was—nandiyan na iyong kasi iyong helicopter, so I had to go down. But he seems to be oblivious to the reasons why we had the… ganyang away. At nasabi pa ng… ayaw ko lang magmura, sinasabi lang niya, “Wala, hindi kasi namin alam kung anong ibig sabihin ni…” Alam mo, simple lang man iyan, Amerika.

Ang problema sa atin ganito, kami may sama na ng loob noon pa. You know, you occupied my country for 50 years, and in your governance, pang-hold ninyo sa amin puro sheer force, takot at—kayo ang nag-umpisa ng patayan. Kung ayaw mo na ngang lumaban sa inyo, pinagpapatay ninyo. Tapos doon sa Jolo, Marawi, grabe ang Davao. Ang massacre, pila-pila ang mga katawan. Iyan pa lang, hindi na maganda sa amin iyan. But what really appalls me, I really do not know naman, hanggang ngayon hindi nila naintindihan. Kakabalik-balik ko lang, pati iyon ang sinabi ko sa China, ulitin ko lang ito uli, for your education para matuto ka. You are criticizing me sa drugs. Ayoko namang pumatay ng tao, sino bang may gusto? But you picture me as If I enjoy killing my countrymen. Kaya nga ako hirap na hirap, reaching out to everybody for peace.

Nakausap ko ang komunista, pumayag…by grace of Allah, baka maka-suwerte ako ng peace agreements sa MI pati MN. Ang problema ko na lang iyong mga hardcore, but they must understand, pati iyong Abu Sayyaf, that wala talaga tayong makuha kung magsige bitaw patayan. (applause) Ako na iyong nakikiusap sa inyo, I make the guarantee na kayo, we will treat you equally. I will see to it na iyong Moro o Kristiyanos o Igorot will be treated alike sa panahon ko. (applause) Ayaw ko ng patayan kasi wala talagang mangyari, kasi ang nahiharapan iyong mga babae pati bata. So, what’s the point of…ako na mismo ang nagsasabi, bigyan ninyo akong kaunting panahon. I will improve the Moro land, Mindanao. (applause)

Kaya gusto ko talaga, gusto ko nga iyang federalism. Iyon man rin ang gusto ng mga learned nasa gobyerno, matagal na sa gobyerno from one administration to the other, right after the Spaniards and the American occupation. Paano na lang, pahirap pahirapan lang pahirap—pahirap nang pahirap. Bigyan naman nating kaunting pahinga ang mga tao, and I said, “I will try my very best.” Tutal parang nakita ko wala ng maging…na may dugo lang naman ng kaunti. Hindi naman talaga ako full blood. Mayroon lang akong dugo sa lola ko, but still there is a connection. Eh, ang isang pamilya ko sila Omar, sila Rodrigo, siya, eh, puro talagang Muslim iyan eh. Nagsisimba talaga iyan because sumunod doon sa—no, if you want to marry a Muslim lady, you have to convert. That is why iyong isang linya ng apo ko puro Moro iyan. So, how could I turn my back? Pano ako kung magka-giyera? Saan ako kakampi? Kampi ako sa Kristiyanos o kakampi ako ng Muslim? (applause) Eh, ilagay ninyo ako sa alanganin eh. Anong gagawin? Mag-suicide na lang siguro ako para…(laughter)

So, basta panahon ko, marami kayong makuha. Iyang ospital sa…I think it’s in Basilan and in Jolo, it will come to rise. Bigyan ninyo, by next year tapos na iyan,(applause) ospital. At saka iyong trauma talaga. And there’s a businessman who offered to help. Ganito iyan eh, sinabi ko na noong kampanya, hindi ako tatanggap ng pera sa mga taong may transaction sa gobyerno, ayaw kong matali. Hindi na bali ako matalo, basta hindi ako tatanggap ng… iyang mga bilyonaryo.

So, ngayon tapos na ako, sige siyang gustong makipagsalita. Sabi ko, “Wala naman na iyan.” Ako na mismo ang nagsabi ayaw ko magtanggap eh. So, what’s the point? You do not have to explain to me. Tapos sabihin niya, “O sige,” sabi niya na mag-donate na lang sila ng one billion. Kung ganoon, sabi ko tatanggapin ko, gawin ninyong ospital sa Jolo o sa Basilan. (applause) Tanggapin ko iyan para tabla na, wala na kayong duda sa akin na may galit. Hindi naman ako nagagalit, nanggaling sa aking salita na iyon. So, ganoon. Kung ibigay nila by…I will start it next year, basta next time iyang Jolo tapos na ang ospital diyan, na sana huwag naman magdala ang ospital ng… baka ang dala eh iyong puro sugatan na…ng mga Abu Sayyaf pati sundalo. (laughter) Sana matapos lang naman.

Ang Abu Sayyaf naman, hintuan na lang ninyo iyan. Punta na lang kayo sa ISIS, kukunan ko kayo ng ticket. (laughter) No, no, talagang—you know, pareho ang history natin. Long long before, Europe pati America, nakita nila ang disyerto. Wala pang bayan noon, wala pang nasud. Pumunta sila doon dahil sa oil. They used the oil of the Middle East, mura pa noon. Wala pang may ari, wala pang mga bayan, and they built to their own industry kaya sila nag-industrial power. Sila ang nauna, ito naiwan dito sige lang supply ng oil. Just like in the Philippines, they came here just to chop the trees, do mining, at mga trabahante lang rin ang mga ninuno namin. Kaya ngayon…eh.

Ngayon iyong mga Arab, pagdating ng mga 18 something, pinaghati-hati nila. Sila mismo ang nagsabi ito iyong Libya, ito iyong Iran, Iraq, ito iyong Syria. Hindi kagustuhan ng mga tao doon. Kaya iyong tribu doon, iyong Shiite, pati iyong Shia—hindi na nila kino-consider iyong kultura, pinaghalo-halo nila. Makita mo ngayon, galit talaga. Ang mga tao, sila-sila na mismo nagpatayan habang nandiyan iyong Amerikano. Eh, kagaya rin dito, inutusan ko si Lovely pumunta doon sa Jolo, sabi ko kausapin ko sila. Iyong mga hardcore ko, huwag iyong ano, magdala ka lang tao na galing talaga doon sa loob, sa Abu Sayyaf. Ayaw talaga nila kasi galit sila. Wala naman akong magawa, pero huwag mong pahirapan ang bayan mo.

Noong araw sabi ko pagdating ng federal, tutal hati-hatiiin man iyan. Ako basta sabi ko, pagdating ng panahon, bilisan lang ninyo. Kayong mga congressman, bilisan ninyo ang federal, at maghanap tayo ng configuration ng gobyerno na talagang powerful, kaniya-kaniyang region, bahala kayo kung anong gusto ninyo dito. Bilisan lang ninyo, (applause) kasi ako, sabi ko, iyong federal type provides a president. Pag natapos iyan ng tatlong taon, ay asahan ninyo, I give you my word, pag nandiyan na iyang framework, I will resign to give way to a new president. Wala na kayong isipin pa. (applause) Basta ako, ako sana mismo ang magsabi alis na ako. Hindi ako maghintay ng six years. Just hurry up the process, pagka nandiyan na iyang federal tapos pag hati-hatiin na iyong region, federal region ganoon, at more power iyan sa baba, less power doon sa itaas. At kayo na ang bahala kung ano ang nakita ninyo dito.

But Mindanao holds a promise sa agriculture. Kung matanim lang iyan ang bukid lahat, iyong mga bakanteng lupa, you will be the richest. Huwag na muna ninyong away, sundin na ninyo ang Kidapawan. Kidapawan by 2020 to 23 would have overtaken sa Davao sa income dahil sa tinatanim. Kaya ninyo dito iyan. Ngayon, iyong Liguasan Marsh na iyan, pag may oil kaya totoo, e di sino may ari niyan, eh di kayo? E di kayo rin ang makinabang. Walang away, eh di somebody can do some drilling there. At kung sino iyong napili ninyo na gobyerno iyong ang magpatakbo, iyong ang maggagamit ng pera.

So you elect men, iyong honest na talagang may fervor na tulungan niya iyong kapwa niya na Moro. Iyan ang importante diyan. Kaya you can have your leader. Ako, huwag ninyo akong isipin, nagpapasalamat na lang ako sa tulong ninyo. Maraming salamat sa inyo, pero I will not stay long pagka nandiyan na iyan. Pag mag-eleksiyon, maghanap kayo ng presidente, pero kung ulol, di patayin ninyo. (laughter) Madali naman magpatay ng tao.

Iyan ang dream ko sa aking bayan. Iyan ang pangarap ko dito sa Mindanao. Hanapan lang natin ng paraan kasi wala talagang mangyari. This has been going on as far as I can remember 1972. Wala ng ginawa kung hindi magpatayan. I will assure you, hintuan na ninyo until 3, 4, 5 years. Things will improve, and I promise you, you will have your own share of development money. (applause)

Wala akong ibang ano– matanda na ako. Wala na ngang…maski gusto kong mag-asawa, sabi niya, “Matanda ka naman,” (laughter) edi wala…wala na. So, ang akin lang is… may mga apo kasi ako eh. May mga apo sila Omar, naaawa ako sa… anong pag-asa nitong mga bata na ito? I mean, if they can go back to Jolo and to Marawi and look beyond the ano doon– doon sila magnegosyo. Eh, di makapasyal sila sa bayan nila mismo. Nakakaawa naman kasi na huwag kang magpunta doon kasi ma-kidnap. Sayang ng ano, naaawa ako sa mga bata. And that is just among… kung lakihan mo iyan ganoon iyan eh. There is so much hatred. Stop it, for once.

Sabihin mo diyan, “Kayong lahat, pati lahat ng mga Kristiyano, hintuin nga ninyo iyan even for a while just to… para makapagpasok ang gobyerno. At sabi ko naman ibibigay ko sa inyo. Kung anong ibigay ko sa inyo, ibigay. Nauna nga kayo eh, nakita mo. Wala pa iyong iba. Hayaan mo na ang mga Cebuano, mga mayabang iyan. (laughter) Kayong mga… at saka kayo iyong kailangan talaga. So, where the need to help is urgent, we will be…basta ang gusto ko may project akong ospital para sa… para hindi na tayo ma…May Secretary of Health naman kayo, director lang iyan noon, ngayon undersecretary na, eh secretary, mamaya baka ma-presidente pa ng federal government iyan. (applause) Oo, mabait naman iyan si doctor. So, baka ewan ko kung ano, but hindi na ako mag… dadating iyong Prime… Deputy Prime Minister ng Malaysia pati iyong first Secretary ng…So, hindi masyado akong makatagal. Sabi nga sa airport sa akin noon sa mga military na nandoon sila because sasalubingin nila iyong Prime Minister. Gusto ko sana pagbaba niya sa eroplano nandoon ako. Malaysia is a very important ally.

Ang sakit lang…ko ang sakit ko sa Amerika ganito. Alam ninyo, may nangyayari na nga eh. Eh, may namatay na nga na mayor eh. Iwasan talaga natin ang droga kasi sisirain talaga ang bayan natin. Maniwala kayo kung makita lang ninyo diyan sa…mismo sa siyudad ko. Iyong matatandang mga mga sa Maranao…ganoon ang ngipin, iyan ang mga sa addiction sa ano. Kaya nauubos ang ngipin. Totoo, naga-grind. (applause) Kaya lahat ng adik sira ngipin, naga-grind, ganyan nakaupo, tapos kung magkapera, magbili ng shabu. Kaya sabi ko puta…bantay kayo sa akin. Hindi talaga ako papayag na sirain ang bayan natin. Hindi talaga ako. I will stake my life and the presidency itself. But it is really a matter of honor for me not to allow my country to disintegrate kasi ano, ang isip-isip ko rin, paano ang mga Moro? On the other hand, paano ang mga Kristiyanos dito sa Mindanao? Huwag na muna iyong ibang lugar.

At alam mo, sa totoo lang wala itong…from the heart. Puta mag abot ka, iyan si Governor Sueno magpunta kami doon sa Abra—doon nakikita ko yung mga Maranao. Mayor–mayor man ang tawag nila sa akin. Ang ako….magba bay ako tapos makita ko naman dyan lang but ang tatiyaga niyang mga tao na yan. They …dyan sa kanto ng kalsada over time magka pera sila. Iyung iba may magagandang …yung iba may bahay na. But look at the toil and sacrifice ang ginagawa, maawa ka talaga. Kaya ayaw ko silang na ano na. I’m very sensitive diyan sa iyang Moro bigotry. Ah, kasi ang Moro ganoon, talagang nagagalit ako na baka masapak kita iyang ganoon, iyang mga Moro, wala, madumi iyan kaya ganoon. Iyang bigotry na iyan, really—ito parang…I remember my lola, maski ganoon lang iyan, ang bait. She was a Moro lady, but she was really very kind and lahat.

So..but everywhere iyan. Saan mo makita nandiyan iyong mga Maranao. So, iyong may mga negosyante. Ako ay talagang… I’m pleading. Itong sa—huwag na tayong mag-asa ng mga tulong-tulong diyan sa Amerika. Kasi every time they criticize me hanggang itong Goldberg na ito, ayaw ko na lang mag-insulto, hindi niya alam siya ang nag-umpisa ng away during an election. Nakihalo siya ng salita which was not to be done by an ambassador, kung lalo na kung dayuhan ka. At ito ngayong maraming patay, at alam namin iyong lumalaban talaga iyan. Eh, ang gusto nila, sabi ng Amerikano, na kung hindi mahinto iyang…malay ko ba. Eh, nandiyan iyong pulis eh, anong pakialam ko, may trabaho iyan. Eh, anong engkwentro iyang araw na iyan, ako ang sinisisi. And I’d like to send this message once again and for the last time, you talk to us as if you are still under your mga colony time, na parang tauhan ninyo kami, na kung magbigay kayo ng aid, maraming kondisyones.

Dito sa droga, makinig kayong mabuti. Hoy, mga Amerikano, hindi ninyo—iyang style ninyo na pag hindi nahinto iyang patayan ganoon, iyong aid or assistance ninyo, hindi ninyo ibibigay sa amin. Para kaming aso na may tali na sabihin mo, next time iyong pan naming assistance itatapon namin doon sa malayo pero hahawakan ka. Para tayong aso na pagganoon na ganyan, hindi natin maabot na bunganga. Ganoon kayo eh. Ganoon kayo– napakasyadong mababa ang tingin ninyo sa amin. Kasi dumaan nga kami iyong colony ninyo, akala ninyo bata-bata pa rin kami ninyo. Eh, puwes hindi iyan.

Marami ang lumaban sa inyo iyong panahon na iyon. Marami ang nagpakamatay because ayaw nila kayo. Isa doon siguro ang mga ninuno ko kasi ako naiinsulto sa ginagawa ninyo. Huwag na kayong magsabi, “Ay anong ibig sabihin ni Duterte ganoon? Hindi namin siya maintindihan.” Hindi maintindihan. Simple lang, huwag mo kaming bastusin. Tutal mabubuhay rin kami maski na papano, mabuhay kami maski wala kayo. Iyon lang. Iyong pambabastos ninyo, so you are easy with words like iyon. Kasi kayong mga Amerikano, wala sa inyo iyan, pero sa aming mga orientals, lalo na Pilipino… lalo na Moro, sensitive sa insulto eh. Parang ganoon, magwawala iyan. Bakit, anong tingin mo sa amin? Buti’t na lang kasi ako ang naengkuwentro ninyo, ngayon kung iba, hindi kayo makabalik dito. (applause) Insultuhin ninyo nang ganoon iyan.

So, that is the long and short of really my quarrel with America. You do not know what dignity, the pride of the person is. Wala kayong—mawalaan ng mukha eh. Pagka mawalaan ng mukha, para mong sinampal sa publiko, tapos talaga tayo diyan. Iyan ang ibig kong sabihin, huwag kayong magpaikot-ikot, kayong mga Karen Davila na…sige ask. Iyan ang rason. Iyan ang rason kung bakit, diretsuhin ko na lang.

So, yung assistance ninyo, inyo na lang iyan kasi—at ako’y naghanap naman sa China. Sabi ng China “Okay, we will provide you with assistance.”

Sabi naman ng Japan…hindi namin pinag-usapan iyong aid, basta sabi nila tutulong sila.

Sabi naman nila sa Russia, sila Medvedev kasi nakausap ko sa Laos, “Pumunta ka rito at nandito iyong lahat na kailangan mo. Ibibigay namin, mag-usap lang tayo.” Eh di walang problema. Pag wala tayong pagkain, eh wala man rin silang tanim doon, kay snowman. Padalhan mo na lang kami ng snow. (laughter/applause) Snow na lang kakainin.

Ayaw ko na magmura kasi baka sabihin nila…(applause) Maghanap na lang kayo ng bayan na nakakasikmura sa insulto niyo. Kaming mga Pilipino, hindi naman kami patay-gutom kung iyan ang ibig ninyong sabihin. Hindi kami patay-gutom. Nakaka-survive kami. Iyong mga ninuno namin noon, oh bakit hanggang ngayon oh, nakapagpaganda pa ng building. Pero bilib ako sa… gawaan mo nga ako ng ganito. (applause) Is this an old building? Maganda… kaya maganda. Buti pa kayo. Sa totoo lang, wala akong nakita nito sa Davao, totoo. (laughter/applause) …Kayo taga-Davao. Ang mga pinakamalaki niyan noong…hindi ganoon, iyong paganun. Iyong paakyat doon sa likod. Sa Davao may ganoon, pero SM pinakamalaki. Kaya iyong tao doon, hindi niya ako makikita kasi pagganun niya, gaganun rin iyong isa. Pag-ganun ng isa… naggaganunan iyong ulo eh. (laughter/applause)

Wala ito sa Da—alam ko madalas kayo sa Davao—saan? Saan kayo nakakita ng ganito? Ako, pangalawang nakita ko Siliman University. Napakaganda, ganito…iyang paganun–European style iyan eh, di ba. Makikita mo iyong Congress na parliament, oo na pataas. Kaya iyong sa likod, walang ganun-ganunan. (laughter) Kami sa congress noon, wala naman kayong—ganoon rin. Ako ang nagsalita doon, ang mataas iyong sa rostrum, doon nakita. Ito dito sa inyo, walang masahe pagkatapos kasi may stiff neck, nakaganun ka eh. Iyong spine mo naka-baligtad. Dito, level. Bilib ako…(applause)

Sabi ko na nga eh…ayaw lang nila maniwala. Sabi ko bright iyong Maguindanao. (laughter/applause) Maniwala ka diyan, kunyari walang alam. Bright to oh. Wala ito sa Davao, totoo. Saan be…? So, siguro next convention sa Lions, dito na lang tayo. (laughter/applause) Kaya sabihin mo dyan sa mga ano, wala na iyang bomba-bomba na…paano– mga turista walang pera rin iyon eh, income rin. Huwag mo na…alam mo mga…ceasefire tayo mga six years, tignan mo gaganda ang…kasi…ay huwag kayo… baka magbomba. Bakit sa Davao, wala? Putang ina…hay naku…

But better still, hindi kasi lahat ng kapwa ano natin kapareho. Alam kong may mga radical, ganoon, but if…can just hold on to allow people a respite. Ilang… konting panahon lang para maka…Oo, nainggit talaga ako kaya kanina pa ako hangal nang hangal oh. (applause) Totoo, I’d like to congratulate you. (applause) Maraming talent ang Maguindanao na hindi talaga nakita. Hindi naka… sikreto lang. Hindi naman tinatanong kasi eh. But you know, I would like to guarantee you that in my time, panahon ko kasi ako lang ata ang talagang na-elect presidente na may dugo, in my time. Ay sabihin mo na lang, huwag muna ngayon, sa sunod administrasyon pa, pag niloko na naman uli tayo.

Pero, if there is the federal type already set, and there’s an election before five years, four years–ako mismo, I will resign. I give you my word, I will give way para federal. (applause) Hindi na ako magtagal because the Deputy Minister of…iyong assistant ni Najib is in Davao. Kaya pala now I remember why Mamao is not here. He’s there at the airport waiting for the plane of the Premier. So I… nagpapasalamat ako sa inyo for…maganda ang building and for your cooperation. (applause) At least may magpayabang ako pagdating doon. May masabi ako, “Tignan mo sa ano. Tignan mo sa Cotabato, punta kayo.” Pagdating mo, “Bakit? Akala ko ba ang dali lang ninyo?” “Sir, hindi man kami nakadaan. Eh pagdating dito checkpoint ng army, (laughter) tapos dito MILF, mayroong MN, may pulis. Sabi namin kung ganito, mauwi na lang kami.” Pero except really if it is necessary– only if it is necessary; only if there is specific reason to do it, I am ordering all checkpoints dismantled. (applause)

Ang sabi mo lang mag-ano ng…ngayon kung may suspek ka ganoon, tapos alam mo dadaan… there’s a probability or A1 information. Pero kung mag-ano lang kayo ng…diyan sa mutag na ba diyan, baka mayroon, baka wala, huwag iyan. And that is for the entire country. I do not want to check—mga checkpoint, sabi paano dito banda sa Mlang, Kidapawan, akala ko ba may NPA diyan? Eh sila na ang mag-checkpoint. Dito iyong MI, kung may purpose kayo. Pag wala naman, huwag ka mag-checkpoint; MNLF ganoon rin, pag walang purpose, huwag ka na lang mag-checkpoint, pampagulo lang buhay ng Pilipino.

There are things you have to correct along the way. But let me assure you again before I go there, I will commit a good part of the Philippines revenue dito sa Basilan, Jolo, Tawi-Tawi, pati itong ARMM. Ang ARMM, I want the hunger talaga, mga bata. Mahina ako diyan; mahina ako diyan pagka bata, talagang lalambot lang ako. Pag galit na galit ako na may bata akong kaharap, makaano ako. Maski iyong mga tao ko, pagka galit ako, pinapatawag ko. Tawagin mo… (laughter) Pagdating diyan, may dala-dala bata pati iyong anak. “Sir, pinatawag mo raw ako. Sir, anak ko pati asawa ko.” (laughter) Huwag mo na lang ulitin. Ako, noong mayor ako, maski magpara ako ng violators sa traffic, basta may nakita ako asawa pati anak, sabihin ko lang, “Huwag mo nang ulitin.” Ayaw ko kasi mapahiya iyong tao sa harap ng pamilya niya. (applause) Hindi maganda.

Iyan hindi naintindihan ng Amerikano. Hindi maganda iyan. Sa kanila siguro bubulyawan ka kagaya ng sa sine. Pero tayo, pagka…ano tayo, oriental eh, bulong lang, ganoon. Sila, “How much are…? We gave already funds for this project, until now…. (laughter/applause) So, if there is no project, why don’t you go home? (laughter) Sila nag-umpisa noon, hindi ako. Kini-criticize nila ako, iyong…

Basta diyan sa droga, buhay ko pati pagka-presidente ko itaya ko. Itataya ko talaga. Nakapusta iyon. (applause) Pero kung sa trabaho, serbisyo sa inyo, walang problema. At ako kilala naman ninyo ako even as mayor. Pag nagsalita ako, tutuparin ko iyan.

Maraming salamat po. (applause)

* * *