Sept 21, 2016 – Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the camp visit at 9th Infantry Division
Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the camp visit at 9th Infantry Division |
Camp Elias Angeles San Jose, Pili, Camarines Sur |
21 September 2016 |
Magandang hapon po.
Sorry, I wanted to be early to talk to you but I had so many things to discuss with the — your officers. Secretary Delfin Lorenzana, Undersecretary Tabaquero, Lieutenant General Miranda, Lieutenant General Año, Lieutenant General Quidilla, Major General Orense, the officials, men and women of the Armed Forces of the Philippines, my beloved countrymen. Ang pinag-usapan namin una is the drug problem. When I was a mayor of Davao, may problema ako na matindi but it became peaceful because I was a hardliner. Noong sa Davao na mayor ako, I was beset with so many fronts, komunista, holduppers, criminals and all of them — the guys under droga. But I talked a hardline… Could you give the tikas pahinga for the troops, sir? And I succeeded a little bit. Okay ang Davao, one of the most peaceful. Ang problema noong I was promising the people when I was campaigning for the presidency, sabi ko ‘yung una nating problema is drugs. I thought na hanggang diyan lang. Kalabas-labasan nito, noong piniga ko na nang piniga nung Presidente na ako talagang piniga ko lahat na magtrabaho at magbigay ng resulta sa trabaho, then nalaman ko na ngayon, to my horror, hindi ko alam ganun kalala. Ang sabi ni General Santiago noon sa PDEA and he was the incumbent na there would be something like three million. Pero ‘yung iba nagsabi masyadong marami ‘yan. I mean the numbers are just one-to-many ‘ika nga. Ngayong Presidente na ako, I realize that hindi lang talaga nagsasabi ng totoo si General Santiago. The hundred of thousands ‘yung 700 nag-ano, nag-surrender, parehong-pareho na rin sa Indonesia. When I was in Indonesia during the summit, nag-usap kami ni Widodo hardliner rin. Sabi niya na he has 4 million contaminated citizens. It appears now that we are nearing that number. Hindi ko talaga akalain kaya ko sabi ko three to six months. Kahit itong pangkaraniwan, mga bangketa diyan. I did not realize na tinamaan tayo nang lahat pati lahat. What is very disturbing in this country now among other headaches that you have to face and to fight and maybe to die — ang droga. Kasi ang droga is within government na ang away na ngayon. Okay. I gave this Secretary Lorenzana kasi noon by region. Tsaka may mga nasali dito na diskumpiyado ako kasi ang ginamit kong pag-assess a fiscal. Fiscal ako before I became a mayor. So ang ginamit kong assessment fiscal. Kung ilagay ko ito sa korte mananalo ba ako? Iyong mga ganun baka totoo hinayaan ko lang muna, so one of them is General Espino. Correct ‘yung matrix ‘yung last na ipinalabas ko. Si Dayan, tapos si Colangco, pati si Baraan na sinasabi nila na mabait na tao. Ayan lumalabas na ngayon. Ngayon there are public officials, personnel, judges, NBI and police. Paano ko makaya ‘to? Hindi ko naman ito madampot at patayin ko. Wala ‘yan e. Ayaw ko naman mag-Martial Law. Ngayon ito, this will destroy your children o ‘yung mga apo ninyo and the next generation. Kaya tayo dito nagpapakamatay hindi nga ninyo alam kung ang anak ninyo kung ano ang nangyari ni hindi makalabas ng bahay kung gabi dahil sasaksakin. Hindi naman naano ‘yon kung anak ba ng sundalo ‘yan anak ba ng presidente. We are not safe anymore. Ngayon ang sabi nila, crime has reduced to the barest minimum by almost 49 percent. Ngayon lang ‘yan. At saka itong away na ito barangay captain may sarili — because a barangay captain is a person in authority, makadala ka talaga ng baril diyan. Then the mayors are persons in authority makadala ng baril at may pulis. So maski tayo, maski ikaw general ka magpasyal ka diyan may nagkakalat diyan, kung wala ka namang specific objective, walang order, wala lahat e gaganun ka, hindi natin problema ‘yan. But the problem is now all encompassing and it is destroying our nation. Pati ako hindi ko alam ano talaga ang gawin ko dito, kasi kung ito ang shabu kailangan huliin mo ako nakahawak dito. Just like a gun. Kapag sinabi mo sa kanya, “saan ‘yung baril mo?” “May dala ka bang baril?” “Yes, sir, limang araw.” “Saan na?” “Tinapon ko, sir, sa dagat, pupunta ako dito sa iyo mag-surrender.” Like ‘yung shabu. “Yes, sir, nagpapabili ako noon por kilo, por sako pa e. “Saan na?” “Nabenta ko na, sir lahat, user lang ako ngayon.” “O saan ‘yung shabu?” “Wala, sir, wala na sa kamay ko.” It’s an instant crime kagaya ng baril. You cannot convict or prosecute or apprehend a person kung sinabi niya “naggamit ako noon”, “noong isang taon isang sako na ang naubos ko”. Ang masabi mo lang, “Are you ready for rehab?” “Ayaw ko, sir, hayaan mo akong maging gago.” Ganun ang situation natin. Kaya kung ko lang huliin ito isang araw, pati itong mga pulis idismiss ko pupunta ‘yang due process ganun. “O ikaw ba mayor, president may nahuli ka?” “Wala pero nag-push ito.” “Nahuli mo nag-push?” “Wala. Sabi niya kahapon, noong isang araw, siya.” That is the technicality of the law that makes it hard for me to deal with the problem and so lahat. Ngayon…Makinig kayo ha, ngayon wala na masyado sa labas. But if you want to buy shabu kung mag-negosyo ka, kailangan pupunta ka muna sa mga penal colonies pati diyan sa Muntinlupa. Totoo yan, ako abugado, hindi ako nagsisinungaling ang aming assessment ngayon kaya lalagyan ng jammer. Kita mo maggastos pa tayo. Tanggalin ko muna ‘yung mga ano lagyan ko ng SAF, ngayon maggagastos pa tayo ng mga jammer. Magdasal lang sila na hindi ako mabuwang. Kasi kapag ako ang na-buwang ako na ang magdala ng M-16, may mga ano lang ako siguro dalawang bundle iyon ubos lahat yan. Tapos na ang problema natin. Itong mga p******* Ginawa talaga tayong loko-loko. Well, anyway, I said, if that problem outlast me for whatever reason, mamatay ako, matanggal o ano sa buhay na ito, sinabi ko sa inyo at saka sa mga opisyal: Do not abandon your rank. Solbahin ninyo ‘yung problema na yan kasi sisirain ang Pilipinas diyan. Para tayong ininvade na pinakain muna hanggang nakatulog na nakalulong, yayariin tayo. Alam mo kaibigan natin ang Chinese but there is about one page here [refers to paper containing list of people allegedly involved in illegal drugs trade]. One page. Judges there are about, one, two, three, four, five, six, seven, eight — 40 distributed all around. Dito naman… Hu Juju (?), Kon Fu Chong (?), Hu Tian Jang (?), Huang Jan Bin (?), Huang Jan Pin (?), Xiang Xing Xu (?), Diana Lagman (?) [Note: Please double check the spelling of the names.] Pampanga. Bigyan ko kayo ng kopya kayong Armed Forces, pati ‘yung pulis. Bigay ko sa kanilang hepe. Bahala na kayo. Bahala na kayo. Ako hindi ko talaga alam kung… Kaya ko pag medyo patagalin pa ako dito pero pag nawala ako bigla, eh kung nahulog ‘yung eroplano. Ang taas-taas na ng bukid na ‘yan. Dinaanan namin ‘yan kanina sa Mt. Mayon. Diretso ako Davao eh. Galing akong Davao. Bahala na kayo. Gamitin ninyo konsyensya, ayaw ninyo, okay rin. If you do not want to make a move, fine. It’s your country, it’s my country, pero we have a problem. Second, ‘yung… Tutal wala pa namang encounter. I hope, I hope and pray that I’d be able to hack this thing. Na kung sakali man successful at least mawala na isang problema. But I assure you that there will be an inclusive government, as it is now. Marami na sila sa gobyerno ko but there will be no coalition government. Isa lang talaga. Kaya makita mo, walang left na nailagay diyan sa [NA]POLCOM, pag ka-military pati pulis, sabi ko, wala kayo. But most of them nandiyan na ‘yan, lagay ko sa gobyerno. DSWD, sa DAR, oo diyan na, sige. At kung mag-surrender kayo, marami pa. Mga board board. Tutal mga pera-pera ‘yan, eh hindi naman magnanakaw ‘yan. Ang nasa ulo niyan mag-sira ng gobyerno. Learn to deal now. Make most of this time, come up with the doctrines and everything, how to deal with terrorism. Ang terrorism kasi, isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim. Hindi pwede dito. Ang raming islands eh. They would need so many men, they can generate that much. The most that they can have is by 200, 300. In Mindanao maybe the fighting would be really intense. But in the end, kung ayaw nila, makipagusap… MI, okay; MN, okay; Nur, okay. Ang Abu Sayyaf, ayaw ko makipag-usap sa kanila. But there are men, ‘yung mga scholars naririnig ko, and para maintindihan ninyo ako — ang nanay ko Maranao, ang lolo ko Chinese. ‘Yung anak kong si Pulong, ‘yung vice mayor, ang asawa niyan Maranao Tausug – Maranao ang nanay, Tausug… So inutusan ko ‘yung anak ko, magpili ka diyan ng mga scholars na, ‘yung mga scholars ang problema eh. ‘Di naman ‘yan naghawak ng… ‘Yung nagdadala ng— Bakit… Noon sinabi nila na mayor– ipinapakita nila ‘yung Davao massacre. ‘Yung puno ng… Hinulog doon babae, lalaki. Almost in one massacre by the American soldiers. Galing tayo sa Español, Amerikano, tapos ibinigay sa atin. But for you to understand everything, ‘nong si Magellan nag-landing sa Leyte, sabi niya discover daw niya ang Pilipinas. Napaka-ulol ng buwang. I-discover tayo na nandito naman tayo noon. Tapos they subjugated us for 400 years. Tiniis ng mga lolo natin ‘yun. Then the Spanish-American war, natalo ang Español. Ang in-embargo ng Amerikano, the Marianas Island, Guam, papuntang Pilipinas. ‘Yang corridor na ‘yan, nakuha nila ‘yan eh. Before proceeding Manila, Guam. Kaya sa Guam, Marianas Island, ang mga pangalan ng tao doon, pareho sa atin, mga Español, Español lahat ‘yan. ‘Yun ‘yan. So ibinigay ‘yan sa Amerikano. Ngayon ‘yung Amerikano– Actually ang Mindanao was questionably, because Mindanao, if you look at the archives, ‘yung library na nasa Malaysia pati Indonesia, was part of the Srivijaya empire, the Malay race, ‘yung mga Arab rin noon. So, ganon ‘yan. Kaya lang, napag-interesan talaga ng Amerikano nang husto because matagal sila dito, nakita nila walang typhoon ang Mindanao and they can plant. But they could not get workers to work for them. So they came up with the sloganeering – “Go to Mindanao because it is the land of promise.” So marami tayo doon… Pati tatay kong Bisaya, nagpunta doon, nakapag-asawa ng Mindanaoan. ‘Yun ang ano. But along the way, pagkuha nila. Para ma-conquer nila, they murdered, they massacred. Kaya ako nagagalit kasi kung magsalita sila, parang sabi ko, “Hindi nga kami magkaroon ng kapayapaan dahil sa ginawa ninyo.” Kaya sige ipinapakita ko ‘yung mga picture ‘nong ano. Sabi ng mga scholar, “Maybe mayor”— Mayor ang tawag nila sa’kin sa Mindanao eh. “Maybe mayor, we will talk to you. Paalisin mo muna ‘yung mga Amerikano. Why? Sabi nila because they feel that the Americans still control this country and are fighting them through the soldiers of the Armed Forces of the Philippines. ‘Yan ang nasa ulo nila. Kung kaya sinabi ko… In one of a very simple statement, maybe when the time comes, na pumayag ito makipag-usap, umalis muna ‘yung Amerikano. Huwag kayong magpakita dito. Nagalit ang… Ngayon, pag… Pati EU, pinapagalitan ako. Noong mayor ako, okay lang. Eh iba na itong president ako ngayon kasi I represent a country. Ako na ‘yung presidente ng Republika. Bakit mo ako insultuhin? Bakit mo ako mumurahin akala mo under ninyo. Kaya talagang binu-b**** s*** ko sila lahat. Iyan ang istorya diyan. So but terrorism will come, very sure ako. When? Well, I do not know. But it will come. So learn to adjust. Kaya sabi ko, itong terrorism, hindi na ito M-16 eh. Puro side armour na lang ito kasi covert, all covert ‘yan, crime and detection. Kaya sabi ko, lahat kayo, lahat, bibigyan ko kayo ng sidearm. Glock 30. Alam mo kung bakit ang Glock 30? It’s a 45? Sino may sabi? 10 rounds sabi ni General Año. Bilihan ko kayong lahat, lahat hanggang doon sa sa Bucor, tag-isang…Katapos ngayon wala pa namang giyera sa komunista, kayong nasa likod, maghappy-happy kayo diyan sa bayan, dalhin niyo ‘yung Glock ninyo kasi Glock 30 bakit? Kasi Du30, Glock 30. [applause] Hindi… Kasi ito, alam ko, bigyan ko kayo ng 9 millimeter ayaw ninyo eh. Eh Handgunner ang–basta military, 45 talaga ‘yan. Hindi ‘yan tumatanggap ng– ngayon, sample lang ito pero I’m starting to purchase. Ngayon, may dala ako tatlo sample pero ibigay ko nalang. Sabi:“Congratulations! You have just won. You have been awarded with one unit Glock 30 caliber automatic safe action pistol blue-finished in grateful recognition for your invaluable service to the country. –Trust Trade.” Plus, apat na magazine para talagang mag-engkwentro sa terorista barilan. Ngayon, kung diyan sa bayan wala kayong makitang mga terorista, maghanap kayo ng pulis na nag-i-inuman rin. Ayan man ang sakit ninyo. Kung wala nang ibang kalaban, pulis na ang makipagbarilan. Binabasa ko ng newspaper, p***** ina talaga itong mga yawa na ito. Pag wala nang kalaban sila-sila na. So ibigay ko muna ito dito sa mga official dito sa kampo, itong dalawa. Raffle ’to. Raffle. Pag kayo nanalo na, pagdating ng staff, wag na ninyo kukunin, ibigay na ninyo sa iba. Nauna na nga kayo eh. Inyo na ‘to ha? Itong ibinibigay ko sa inyo, ‘di ito propedad ng gobyerno, bigay ko sa inyo, inyo na ‘yan. Tapos itong isa para sa tropa. Kung sino lang makatyamba sa inyo. So may dalawa, tatlong Glock ako na iiwan. Okay ‘yan. Then you learn how a terrorist acts, how he moves, how it is. Alam mo na ’yan, naka-shades, naka-ganon, ‘yung naka-ano sa Davao, hindi niya tinanggal ‘yung helmet niya. Hindi niya tinanggal yung mask niya ‘yung sa motor. So hindi mo talaga… Pero in one fleeting moment, nagkamali siya, so may nakakita. They are now being [inaudible] all over the country. ‘Di niya na tinanggal binuksan niya lang ‘yung ganon, tapos hindi niya tinanggal yung mask sa motor, yung tela kaya nahirapan tayo. But in the fullness of God’s time, yan ang pag-aralan ninyo. Ma- training kayo muna, bakasyon naman, walang NPA. Train about terrorism and I would suggest to Secretary Lorenzana to do it as fast as you can and ‘yung mga— You will have all the equipment that you will need. I have improved your hospital, I have ordered the conversion of the Presidential, ‘yung eroplano na ginagamit ng Presidente, gawaing air ambulance sa Armed Forces. Kung saan yung bakbakan, nearest airport maka-landing yan doon yan bigay ko na lang yan para sa medical corps. Marami tayong konting changes but only to make it, to prepare you for all of these things. Otherwise lahat, lahat, including yung vest ninyo. I have ordered also Secretary Lorenzana to purchase it immediately, walang bidding-bidding. Sabi ko bilhan na kaagad para may protection. At least your chances of survival, malaki. I said all that you need will be given to you, just give me a good and safe Republic, ‘yun lang. Mababa lang ang expectations ng sibilyan na Pilipino. Hindi na ako magtagal kasi I have to take off at 5, sunset time is sunset time. Hindi naman night-rated itong ano niyo airport ninyo. You have to say something ma’am? Go ahead. |