URI: Si Secretary Salvador Panelo nasa linya na natin, Missy. Marami tayong lilinawin sa mga sinabi ng Pangulong Duterte kagabi doon sa aming ambush interview. Secretary, good morning.
MISSY: Good morning, Secretary.
SEC. PANELO: Good morning.
URI: Yes sir, si Henry po at si Missy sa DZRH. Una, may pahayag na si dating SolGen Florin Hilbay na bakit daw po hindi na lamang i-surrender ng Pangulo iyong presidency kay Vice President Leni Robredo.
SEC. PANELO: Wala, kabalbalan lang iyong sinasabi ni Hilbay. Ang sabi ni Presidente, hindi ibibigay kundi bibigyan siya ng—ide-designate siya as drug czar para siya ang magpatupad ng batas dahil marami siyang reklamo eh, kesyo bigo, kesyo ganiyan. O ‘di sabi ni Presidente, “O magaling ka pala, o sige ikaw na mag-drug czar. Bigyan kita ng anim na buwan, tingnan ko nga kung anong magagawa mo.”
You know, I texted the VP because she’s a friend. I told her in my text that the President is offering her to be the drug czar for six months. Sabi ko, ‘will you accept?’ Hindi naman sinasagot. Kumbaga… o sige, ikoko-call ko ‘yung ano mo, ‘yung mga banat mo. Sige nga, tingnan nga natin ang galing mo.
URI: Oo. Pero paano po ito sinabi na kay Vice President Leni maliban po sa text ninyo? Mayroon bang official communications na coming from the Office of the President?
SEC. PANELO: Hindi ba sabi ni Presidente susulatan niya. Wala pa siguro, baka ginagawa pa lang. But nevertheless, hindi naman kailangan na isulat iyon. Eh publicly sinasabi na nga. If she is up to it, then she can accept. But if she’s not at baka makita na talagang mahirap nga pala, o to put a lie to what she is saying eh hindi niya tatanggapin iyon.
URI: Opo. Aba eh iyong—ang Pangulo po ba, is he serious about it o talagang frustrated lang siya sa sobrang malaking problema natin sa droga?
SEC. PANELO: Seryoso iyon kasi nga—here comes your former colleague in the Cabinet that when you launched the drug war was in full supported it. And then noong mawala siya, banat siya nang banat pagkatapos ngayon sasabihin niya failure ang drug. Noong binanatan ko siya bigla siyang nag-back track, sabi niya hindi naman daw niya sinabi. Eh very clear iyong sabi niya eh, ‘ineffective iyong drug war,’ ‘di ba, iyon ang sabi niya. Tapos sabi niya, “Hindi, hindi ko naman sinabing ganoon. Sinabi ko lang na tingnan, pag-aralan. Ganito, palitan natin kung…”
O kaya sabi ni Presidente, “O, eh sige magaling ka pala diyan. O sige bigyan kita, ikaw ang drug czar for six months.”
MISSY: Secretary, ano pong masasabi ninyo dito na da—na sabi ni Senator Kiko Pangilinan eh sana si Presidente na lang daw po ay i-surrender na lang ang kaniyang law enforcement powers kay VP Leni for three years at hindi lang six months?
SEC. PANELO: Iyon ang wishful thinking ng mga oposisyon na hindi mangyayari. Eh ‘yon ang kanilang bangungot.
URI: Okay. Atin lang sigurong kunan uli kayo ng pahayag dito. What would you consider na tagumpay sa anti-drug campaign ang Duterte administration? Para lamang dito sa mga ganito, na ang hinahanap eh iyong resulta.
SEC. PANELO: Gaya na nga ng sinabi ko, unang-una, ang unang tagumpay diyan sa digmaan sa droga ay malaman natin ang lawak at lalim ng sindikato ng droga sa atin sapagkat lahat tayo nagulat noong matuklasan natin ‘to, noong inumpisahan ni Presidente ito, kasi napabayaan ‘to nang maraming opisyales ng nakaraan. O, so noong nilunsad nila ito, ilang linggo pa lang isang milyon mahigit ang sumuko, nalaman na natin na ganoon pala kadami ang drug addicted persons.
Number two, marami tayong pina-rehabilitate; nagkaroon ng mga rehabilitation centers. Nag-donate ang Tsina at mga taong gustong makasugpo ng droga dito sa ating bayan.
Number three, marami tayong sinira/dinismantle na mga factory ng droga. Sa Muntinlupa lang nakita natin kung papaano natin sinira iyon at sa mga iba’t ibang lugar.
Number four, marami tayong nakumpiska na worth billions of pesos ng droga.
Number five, marami tayong mga buy bust operations na nagkaroon ng pagpaslang doon sa mga involved na lumalaban sa pulis during the police operations, marami din tayong dinidemanda.
At panghuli, iyong sinabi ni General Albayalde na iyong mga scalawags, gumawa siya ng task force, nagkaroon ng mga buy bust operations laban sa mga pulis na mga saliwa. And sang-ayon sa kaniya, 124 policemen were killed during buy bust operations, iyong nanlaban.
So matagumpay talaga ang digmaan sa droga, sapagkat ito hindi ito nangyari sa mga nakaraang administrasyon. Hindi porke’t naririyan pa at mayroon pa tayong nakita, hindi ibig sabihin ay bigo. Nakikita lang natin na talagang ganoon kalawak ang sindikato ng droga dito sa ating bansa.
Kaya noong nagsasasalita nga si VP Leni na kesyo bigo, kesyo ganiyan… O sabi ni Presidente, “O sige mukhang magaling ka… you feel na magaling ka, o sige I’ll make you the drug czar for six months.”
URI: Okay. Pero sa tingin ba ninyo sa tingin ba ng Pangulo at ng Malacañang, mayroon bang galing na ibubuga nga si VP Leni rito?
SEC. PANELO: Eh iyon na nga eh, kumbaga kino-call niya na nga ito eh. “O sige.” Kumbaga, ‘ang dami mong yabang. O sige nga bigyan nga kita, tingnan ko nga iyong galing mo.’ O ngayon kung talagang magaling siya, eh tanggapin niya ang hamon ni Presidente. Eh kung hindi niya tatanggapin, eh alam na natin ang lahat-lahat – puro sa bibig lamang iyon, puro kritisismo lang, puro paninira lang ang ginagawa ng oposisyon na kinakagat niya naman.
Alam mo sabi ko sa kaniya – kaibigan natin siya eh – kailangang gamitin niya iyong kaniyang motherly instinct. Kasi ‘pag ika’y ina, nakikita mo ang kaligtasan ng iyong mga anak. Pareho rin iyon sa bansa natin, alam natin na nakaumang ang panganib diyan sa drogang ‘yan, kaya kung ikaw ay ina, ang palaging iniisip mo iyong kabutihan ng mga kababayan mo. Kaya sa halip na banatan mo, siraan mo ang drug war ni Presidente, tutulong ka.
O ngayon, ngayon binibigayan siya ngayon ng pagkakataon. Sinasabi mo ngayon na sa tingin hindi effective. O eh ‘di binibigyan ka na ni Presidente ng kapangyarihan bilang drug czar na gawin mo iyong sa tingin mo ay dapat – nang magkaalaman na.
MISSY: So Secretary, what if she calls… ayan, she calls iyong alok ng Presidente na ‘yan—
SEC. PANELO: Oh ‘di gagawin siyang drug czar.
MISSY: Yes, but she negotiates na hindi lang po six months ang kailangan ko, she wants more.
SEC. PANELO: Hindi na, basta tama na iyong six months. Huwag na siyang humirit pa. Kasi kung magaling ka, kung talagang magaling ka eh kaya mong gawin within whatever period of time.
URI: Pero ibibigay ba ng Pangulo ang suporta, logistics and of course ang pondo?
MISSY: Yes.
SEC. PANELO: That goes without saying.
URI: Sabagay, oho. Pero ano ho, hindi naman siguro—ayaw naman namin sigurong sabihin Secretary na biased tayo sa mga babae. Pero Sec., maligalig itong droga—
MISSY: Madugo.
URI: Ano ‘to eh, barakuhang trabaho ho ito Secretary. [laughs]
SEC. PANELO: Alam mo, kung ako naman si VP Leni tatanggapin ko para mapakita ko naman ang galing ko rin. At the same time kung mabigo ako, ma-enlighten ako na talaga nga palang ganito kahirap ito, kailangang suportahan natin si Presidente. So either/or pabor sa atin na kung tanggapin niya o hindi. Kung hindi niya tanggapin, eh nakikita lamang na talagang hindi siya suportado sa mga ginagawa ng administrasyon para sa kapakanan ng bayan.
URI: Alright. So hopefully—kaya lang, ilang oras na ba simula kagabi? Wala pa ring tugon si VP Leni kahit sa mga interviews ano ho?
SEC. PANELO: Eh wala pa eh. Di hintayin natin.
URI: May deadline ba kayong ibinibigay o ang Pangulo para tugunin niya iyong hamon?
SEC. PANELO: Continuing—palagay ko continuing ano ‘yan… continuing challenge. Kumbaga parang commute challenge. Hinamon ako, kinagat ko. O sige ito, mayroon siyang drug challenge.
MISSY: Secretary, tatanungin ko pa nga lang eh. Nag-commute ka ba ulit pagkatapos noong huling ano—
URI: Oo, nag-tricycle siya sa Bacolod eh.
MISSY: Sa Bacolod…
SEC. PANELO: Um-attend kasi ako ng MassKara Festival, kasali rin si Presidente doon. Eh kasi nagkaroon ng mga rerouting ang traffic so wala kang masasakyan. Ang puwede lang iyong tricycle. O sabi ko ‘di mag-tricycle tayo kaya kasama ko si Mayor, nag-tricycle kami, iyong Mayor ng Bacolod.
URI: Alright. Sige Secretary, salamat po nang marami sa inyo. Have a good morning.
SEC. PANELO: Salamat din.
URI: Thank you, Secretary Salvador Panelo.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)