MS. OW-YONG: Nasa linya na po natin si Secretary Attorney Salvador Panelo. Magandang hapon po, Sec. Panelo, si Karen po ito at live kayo sa DZRH.
SEC. PANELO: Magandang hapon.
MS. OW-YONG: Magandang hapon po, Sec. Unang-una po sa lahat, linawin lang po natin ang pag-file po ng leave ni Pangulong Duterte – three days na bakasyon. Ito po ay hindi dahil may mga medical conditions po kundi kailangan lang niya pong magpahinga, tama po ba Sec?
SEC. PANELO: Unang-una, wala namang akong sinabing magpa-file ng leave.
MS. OW-YONG: Opo.
SEC. PANELO: Sabi ko, maaari siyang magbakasyon nang tatlong araw na ayon kay Bong Go, marami siyang trabaho, kailangan niya ng magpahinga, kailangan niya ng kumpletong tulog. So, whether he will file a leave or not, hindi pa natin alam ‘yan. Ang schedule bukas, ‘yan ang sabi ni Senador Bong. Pero whether matutuloy ‘yan o hindi, hindi pa natin alam.
MS. OW-YONG: Okay. So, lately po ba kumusta naman po ang ating mahal na Pangulo, ang kaniyang kalusugan, ang kaniyang pangangatawan?
SEC. PANELO: Kausap ko siya nung isang gabi, okay naman siya. Nakita ko yung feature ng hitsura niya mukhang maganda. Napapansin ko kay Presidente ‘pag kumpleto ang tulog niya, maganda ang kanyang hitsura.
MS. OW-YONG: Maganda ang aura, ‘ika nga, Secretary Panelo.
SEC. PANELO: Pero pagka kulang ang tulog parang… siyempre, medyo mahina.
MS. OW-YONG: Opo. Lahat naman yata tayo, kahit sino ‘pag kulang ng tulog ganun po, ano?
SEC. PANELO: Exactly!
MS. OW-YONG: Yes, opo. So, for now po, sino po ang—If ever po magbakasyon po ano—maaaring magbakasyon si Pangulong Duterte, sino muna po magiging in-charge o caretaker ng ating pamahalaan, sir?
SEC. PANELO: Palagi naman ‘pag si Presidente either nasa abroad or—palagi naman si ES, Executive Secretary ang caretaker.
MS. OW-YONG: Si Secretary Medialdea po, ano. Okay, sir. If ever po ba, ano po ba ang mga activities po if ever mag-leave si Pangulong Duterte; ano po ba ‘yung mga activities na—
SEC. PANELO: Eh, ‘di magpapahinga lang. Ano pa bang gagawin? Siyempre, walang activity kung hindi magpahinga. Baka matulog [unclear].
MS. OW-YONG: Tulog na lang. Oo nga, beauty rest. Okay… Sir, itong mga—hingi naman po tayo ng comment galing po sa Palasyo. Tungkol ho sa pagkamatay ng isa sa mga pinakamayayaman po but at the same time, pinakakilala natin na hardworking na mga Filipino-Chinese businessmen po sa bansa, itong si John Gokongwei Jr. Ano po ang komento ng Palasyo po, ng Pangulo sa kaniyang pagkamatay, sir?
SEC. PANELO: I’m surprised na hindi mo nabasa ‘yung statement ko. Nasa diyaryo yata, nandun sa diyaryo.
MS. OW-YONG: Yes, sir.
SEC. PANELO: Ang sabi natin, it’s a great loss sa business industry ang pagpanaw ni John Gokongwei Jr. sapagkat isa siyang pillar. Ipinakita niya kung papaano from—you must remember that he was born with a silver spoon and yet at the age fifteen when his father died, all the luxury, the wealth was removed from the family and so at that age, fifteen, he had to sell breads, candles to earn money to provide for the family.
Sa madali’t-sabi, from wealthy to poverty and then he rose again and built that business empire that he has now through industriousness, determination, creativity, perseverance, and he is always telling… he was always telling the people in his speeches—ang magandang sinasabi niya palagi: “Don’t stop learning and always…” – sabi niya – “love your family, love your work, love your country.” ‘Yun ang legacy na ibibigay niya sa ating lahat.
MS. OW-YONG: Opo, ang ganda nga po ano? At mayroon na namang very sad news. Nasundan po ng pagkamatay ng anak po ni Lucio Tan naman po, ni El Capitan Lucio Tan.
SEC. PANELO: Yes.
MS. OW-YONG: ‘Yung junior, opo.
SEC. PANELO: Lahat tayo nagulat sapagka’t iyong huling balita stable na ang kondisyon niya but suddenly namatay siya. Kaya we express also our deepest condolences to the family [unclear].
Si Bong Tan ay kilala kong personal and he impressed me as a good friend, one with a very humble person, who has serious mien and always a ready smile when you meet him at any event whether social or official. Siya rin ‘yung tipong a very good brother to his sibling, a loving and a dutiful son to his parents, and an efficient and competent corporate man.” [unclear]
MS. OW-YONG: Okay, sir. Maiba naman po tayo, sir. Kaunting pahayag lang po, statement. Ano po ba sa inyong palagay ang magiging reaksiyon ni Pangulong Duterte? Kung magiging okay ba sa kaniya na si VP Leni – siya na po ang ating isa sa co-chair ng ICAD – kung okay lang po kay Pangulong Duterte na kakausapin niya daw po ang US and the UN para tulungan po tayo sa anti-drugs campaign?
SEC. PANELO: Hayaan na muna natin si VP Leni na dumiskarte kasi siya na ‘yung anti-drug czar. So, sabi ni Presidente, let her perform. Tingnan natin, baka marami siyang maiisip na mga bago na hindi pa natin nasubukan na makakatulong, sapagkat ang kanyang tagumpay tagumpay nating lahat; ang kanyang kabiguan [unclear]. Kaya tulungan natin siya.
MS. OW-YONG: Opo. Secretary, si VP Leni po ba mai-invite po ba siya sa mga susunod na Cabinet meetings?
SEC. PANELO: Ang sabi ni VP Leni, nag-aantay lang siya ng formal designation [unclear].
MS. OW-YONG: Opo.
SEC. PANELO: Kaya siguro [unclear]. So, siguro—sabi nga ni Presidente eh she will be appointed as member of the Cabinet.
MS. OW-YONG: Opo. But she’s always welcome naman po, sir?
SEC. PANELO: Oo! The fact that she was appointed ‘di common sense will tell us that she is welcome.
MS. OW-YONG: Ayun naman pala. Okay, Secretary Panelo, maraming salamat po sa inyong oras!
SEC. PANELO: Thank you.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)