BAJA:Secretary, magandang gabi po
SEC. PANELO: Good evening.
TABERNA:Good evening po sa inyo.
SEC. PANELO: Yeah.
TABERNA: Kumusta po ang kalagayan ng kalusugan ng Presidente, Secretary?
SEC. PANELO: Okay naman siya. Ang napapansin ko lang sa kaniya ‘pag kulang ang tulog niya, mukhang sleepy, mukhang antok, mukhang mahina; pero ‘pag nakakatulog siya nang otso oras eh ang ganda ng aura niya.
TABERNA: Talagang napakahalaga ng tulog.
BAJA:Ang importante—
SEC. PANELO: Pero mali ‘yung balita na may three-day leave siya. Wala siyang leave. Hindi siya magle-leave.
TABERNA:Paki klaro n’yo nga ‘yun. Opo…
SEC. PANELO: Hindi siya magle-leave, magtatrabaho lang siya sa Davao sa bahay niya. Marami siyang [unclear], maraming paperwork.
BAJA:Ah…
TABERNA:So, bibitbitin niya sa bahay… i-uuwi niya sa bahay ang trabaho, hindi sa Malacañang magtatrabaho?
SEC. PANELO: Hindi, kasi ‘pag sa Malacañang maraming istorbo sa Malacañang. Ang daming gustong makipag-usap sa kaniya, may gustong private meeting. Hindi talaga siya makakapagpahinga; samantalang sa bahay ‘pag natapos niya na ang paperwork puwede na siyang magpahinga.
BAJA:Tsaka ‘yung mga events na pinupuntahan, Secretary hindi ho ba?
SEC. PANELO: Oo nga, ang dami.
BAJA:So—Ang dami nun! So, itong tatlong araw na ‘yan ay wala munang mga events na pupuntahan ang Pangulo?
SEC. PANELO: Hindi at saka hindi lang tatlong araw, ganun pa rin ang trabaho niya kaya lang mas iba sa bahay kasi, ‘pag nasa bahay ka mas puwede kang makapagpahinga ‘pag natapos ka ng mga trabaho mo.
BAJA:So, mga paperworks lang muna ang Pangulo sa bahay?
SEC. PANELO: Maraming—Hindi. Mayroon din siyang event bukas. Mayroon siyang event eh.
TABERNA:Ganun? Eh, paano makakapagpahinga?
SEC. PANELO: Hindi, pero kasi iba talaga ‘pag nasa bahay ka; ‘yung pag nandiyan ka sa workplace mo talagang mahirap.
TABERNA:Pero ito daw po ay payo ng doctor, tama po ba ang balita?
SEC. PANELO: Hindi. Ang sabi ko kanina sa press briefing baka nga ho payo ng—Actually, ang payo sa kaniya magpahinga ‘yung mga… kami sa Cabinet, tapos ‘yung mga colleague niya sa world scene, ‘yung mga leaders dun nung nakita niya sa Bangkok. Sabi sa amin eh, “Mukhang overworked ‘yang Presidente n’yo, pahingahin n’yo naman.” Tapos, ang dagdag ko kanina, baka naman ‘ka ko pinayuhan din ng doktor niya. Nag-i-speculate lang ako pero mukha namang hindi dahil kausap ko lang siya eh. Sabi niya, ‘hindi, trabaho pa rin.’ – Sabi ko, backlog. – ‘Sa bahay na lang para medyo makapahinga ako after.’
BAJA:Ayun…
SEC. PANELO: Madaling maka-rest nga naman, di ba?
BAJA:At saka ‘yung paborito niyang higaan doon—
SEC. PANELO: Correct!
BAJA:Iba ‘yung nasa bahay ka talaga eh. Kung halimbawa, ‘yung kumot mo, ‘yung paborito mong kumot, paboritong unan. Kung nagkukulambo pa ang Pangulo eh ‘yung kulambo niya, ‘ di ba?
TABERNA:Komportable talaga siya dun.
SEC. PANELO: Matagal na niyang sinasabi ‘yun, ang comfort zone niya.
BAJA:Talagang sa bahay niya sa Davao. Wala hong dapat ipag-alala, Secretary?
SEC. PANELO: Wala naman. Other than ‘yung mga dati niyang reklamo wala namang nabago eh’ yun pa rin.
TABERNA:Mayroon po kasing kuwan… mayroong—passé na pala ‘yung tanong mo kanina, kumbatsero?
BAJA:Oo.
TABERNA:Na kung may caretaker ba o ganun? Wala pala eh.
SEC. PANELO: Ah, wala.
BAJA:Hindi kailangan.
SEC. PANELO: Nagkakaroon lang naman ng caretaker kung nasa abroad siya, kung wala siya rito; at saka hindi naman siya magle-leave.
TABERNA:Secretary, ang Pangulo po ay 74 years old, tama po ba ‘yun?
SEC. PANELO: Yes.
TABERNA: 74 years old. Kanina po pinag-uusapan namin ni kumbatsero ‘yung nangyari ba kay Ginoong Lucio Tan Jr.
BAJA:Kay Bong Tan.
SEC. PANELO: Oo kay Bong.
TABERNA:53 years old! Grabe!
SEC. PANELO: Dati sabi stable condition tapos ‘yun pala mamamatay.
TABERNA:Nakausap n’yo na po ba ang pamilya o sino man sa pamilya?
SEC. PANELO: Nakausap ko na si Vivienne at saka si Michael. Nag issue na ako ng statement para sa—
TABERNA:Ano po ang—
SEC. PANELO: Lahat nagulat eh! Everybody was surprised.
BAJA:Kaya importante talaga, Secretary, ang pahinga pa rin, hindi ho ba? Tingnan n’yo ito, singkuwenta’y tres anyos, ang Pangulo ay sitenta’y kuwatro na, so dapat ay binibigyan din talaga ng pagkakataon ang Pangulo natin na nakakapagpahinga.
SEC. PANELO: Although si Presidente kasi fatalistic iyan eh. ‘Pag panahon mo na, panahon mo na,’ ‘yun ang palagi niyang sinasabi.
TABERNA:Eh, kung sabagay totoo din naman ‘yun. Kahit na nasa kasiglahan ng pangangatawan eh mababalitaan mo na lang namatay. Eh, pagka—
SEC. PANELO: Oo, kasi if it’s really time for you to leave the physical plane eh talagang may mangyayari.
TABERNA:Opo. Ano po ang mensahe ng Pangulo para doon sa pagpanaw ng—Dalawa agad ‘to eh! Pinag-uusapan namin kanina, bossing ng Philippine Airlines at bossing ng Cebu Pacific.
SEC. PANELO: Pinaaabot niya ‘yung kaniyang kalungkutan sa pagpanaw ni John Gokongwei Jr. sapagkat isa siyang pillar sa ating industry, marami siyang nagawa. Maganda kasi legacy ni John Gokongwei Jr. Ewan ko kung alam n’yo na ang palagi niyang sinasabi: “Do not stop learning,” sabi niya. Tapos in every speech na dini-deliver niya palaging ‘yun ang unang sinasabi niya, “Don’t stop learning. Love your work. Love your family. Love your country.” ‘Yan ang palaging paulit-ulit niyang sinasabi. “Do not forget from where you came from,” ‘yun ang palaging sinasabi niya sa mga… kung mayroon siyang nakakausap o mayroon siyang speech.
TABERNA:At isinabuhay naman ‘yun ni Ginoong Gokongwei hindi lang sa salita ‘yun. Secretary?
SEC. PANELO: At saka ang tandaan natin when he was born with a silver spoon on his mouth, kasi mayaman siya eh.
TABERNA:Mayaman, oo.
SEC. PANELO: Pero at the age fifteen, namatay ‘yung tatay niya so nawala lahat ‘yung luxury and wealth kaya he was forced to sell threads, candles, and soaps to earn money for the family. At dun nag-start nung fifteen years old siya, nung nagtrabaho na siya and he made a difficult journey until he built his huge business empire.
TABERNA:Oo.
BAJA: Uhm.
SEC. PANELO: Pero iba ang ipinakita niya kasi eh. He showed courage, he showed determination, he showed perseverance, he showed discipline, he showed humility. ‘Yun ang iniwan niya sa kaniyang mga anak at sa ating lahat.
TABERNA:Opo, opo. Okay. Kumbatsero, okay ka na ba?
BAJA:Itatanong ko lang kay Secretary, kung—nakikita natin si Secretary Sal ang lakas-lakas. Eh, kayo ho ba ay mayroong maishe-share sa amin, sa ating mga kababayan, Secretary, na sikreto para manatiling physically fit, malakas ang katawan kahit na ganiyang grabe din ang inyong schedule?
SEC. PANELO: Ako kasi, wala akong bisyo, I have no vice. Kumbaga, kumakain ako ng gulay, natutulog—although kung minsan kulang ang tulog ko nang straight, pero ako ‘yung tipong ‘pag lumapat ‘yung likod ko tulog ako kahit nasaan ako, nakakabawi ako.
TABERNA:Maka-masa pala kayo eh. Masandal tulog!
SEC. PANELO: Kailangan lang healthy living ka… healthy living.
TABERNA:Hindi saka may doktora kayong nagpapaalala lagi sa inyo eh.
SEC. PANELO: Oo! Halimbawa, pag nandiyan siya hindi ka na makakakain ng mga bawal.
BAJA:May regular exercise din kayo?
SEC. PANELO: At saka nga pala, alam mo, ibig ko lang sabihin sa inyo ang tungkol kay Bong Tan. Si Bong Tan kasi nakilala ko siya—ang impression ko sa kaniya, napakabait niyang tao. Given his stature, siya ‘yung tipong kahit na sinong lumapit sa kaniya kinakausap niya, may smile at ‘pag hiningan mo ng tulong, tinutulungan niya. He’s a very good friend, he’s a very loving and caring son to the parent and dutiful son at that; and he’s a very good brother to all his siblings, apart from being an efficient and competent corporate man. ‘Yan ang Bong Tan. Nakakalungkot na masyado siyang maagang umalis.
BAJA:Oo nga.
TABERNA:Maiba lang po kami, Secretary ano. Ngayon po ay mukhang… habang umaarangkada ‘yung war on drugs ay mukhang may word war sa pagitan nina Vice President Leni Robredo at Speaker Alan Peter Cayetano. Sabi ho ni Speaker eh mukhang puro all-talk, puro salita. All-talk daw po ang Bise Presidente hindi pa nga nakakapag-meeting ng lahat ng tao na kailangan.
SEC. PANELO: Hindi naman siguro. Baka naman ‘yung sinasabi lang ni VP Leni kung ano ‘yung gusto niyang mangyari. Kumbaga—sabi nga ni Presidente, ‘bigay natin sa kaniya. Let’s give her a wide latitude.’ She’s now the anti-drug czar so let her perform her work muna. Huwag muna nating husgahan, huwag natin—hindi, marami… maraming quarters/matters na tinatawag eh.
TABERNA:Eh, siyempre!
SEC. PANELO: Maraming nagpapa-papel eh! Huwag na muna, hayaan muna nating magtrabaho ‘yung ale—
BAJA:Buong diskarte, Secretary, pinapasa talaga ni Pangulo kay Vice President?
SEC. PANELO: Hindi niya pinapasa, kung hindi binibigyan niya siya ng pagkakataon na makatulong sa digmaan sa droga; kasi kailangan naman talaga magtulungan tayong lahat.
BAJA:Uhm, okay.
TABERNA:‘Yun pong mungkahi o parang hamon ni PDEA Chief Aaron Aquino na sumama ang Bise Presidente sa anti-drug operations, kayo po ba ay sang-ayon doon?
SEC. PANELO: Unang-una, hindi siya nanghamon ha. Sa akin nanggaling ‘yung suggestion na ‘yun.
TABERNA:Ah, ganun ho ba? Ganun ba?
SEC. PANELO: Ang sabi ko kasi, baka ‘ka ko ‘pag anti-drug czar na siya… pupunta sa kaniya siyempre ‘yung mga operators, “ma’am, ganito ang plano namin sa raid.” Oh, puwede ‘ka ko siya sumama doon para—baka iba ‘yung naririnig mo lang na ganito, pinatay ng mga pulis nang walang laban kaysa nandoon ka at nakikita mo na nakatungo sa bingit ng kamatayan ‘yung pulis at nambaril kaya napatay. Baka ‘ka ko mabago ‘yung kaniyang perception.
TABERNA:Uhm.
BAJA: Uhm.
SEC. PANELO: Pero of course dapat ay sisiguraduhin natin walang mangyari sa kaniya.
BAJA:Ay, oo ang kaligtasan.
SEC. PANELO: Kailangan mayroon siyang ano.
TABERNA:Hindi saka baka naman masunog ‘yung operasyon pagka nandun ‘yung pangalawa—ang daming security nun!
BAJA:Eh, ‘yun nga… baka medyo mas mahirap ano?
SEC. PANELO: Actually—ako ang mungkahi ko diyan, puwede namang kahit wala siya doon pero namo-monitor mo ‘yung… ‘di ba?
TABERNA:Parang may command center na updated siya doon sa nangyayari on the ground.
SEC. PANELO: Oo, makikita mo.
BAJA:Puwede na ‘yun.
SEC. PANELO: Kasi sa—like in Davao, nakikita ni Mayor Duterte nung mga panahon ipinakita sa akin ‘yung at a particular time lahat ng screen all over the Davao makikita mo ‘yung nangyayari. Puwede naman ‘yun eh!
BAJA:Puwede na, oo. Secretary, panghuli na lang. Mayroon na ba tayong… may napili na ba ang Pangulo na susunod na PNP Chief?
SEC. PANELO: Tinanong ko siya kaniya, sabi niya, pinag-aaralan niya.
BAJA:Naka-limit lang ba siya dun sa shortlist, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi naman niya sinabi na naka-limit. Basta ang sabi niya, hindi pa.
BAJA:Wala pa.
TABERNA:Tapos na kasi ‘yung—ilang araw na ba nakakalipas?
BAJA:Biyernes.
TABERNA:O, Biyernes. Pero wala po siyang timeline, Secretary, na nabanggit kung hanggang kailan?
SEC. PANELO: Wala naman siyang sinabi.
TABERNA:Kasi may mga… of course, may mga nagsasabi pagka-OIC lang ‘yung naka upo ngayon, alam mo na… hindi mo malaman kung siya na nga ba talaga. May nagsabi pa nga, si General Banac ba ‘yun, kumbatsero? ‘Yung spokesman? Na baka may mga maapektuhan na sa mga administrative at operational matters.
SEC. PANELO: Sa tingin ko, hindi naman. Kung ano ‘yung—may OIC eh siyempre, may diskarte rin siya. So habang siya ang OIC, siya muna.
TABERNA:Secretary Panelo, maraming salamat po at magandang gabi sa inyo! Thank you po.
SEC. PANELO: Thank you also. Maraming salamat din!
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)