MODERATOR: Good afternoon Malacañang Press Corps; kasama na natin ngayon si Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
SEC. PANELO: Good afternoon, MPC.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Secretary, iyong DA sabi nila hindi naman daw isu-suspend iyong importation noong rice despite the President’s order. Can you give us a clarification on this?
SEC. PANELO: Yes, because according to the Secretary of Agriculture there is no need; they will just be strict on the requirements for the importation. So apparently, for now there is no need for that. What the President is going to do now is to help the farmers by subsidizing and buying rice from them.
‘Di ba iyon ang reklamo nga nila? Because of the rice importation, parang wala nang bumibili sa kanila kasi mas mura. So sabi ni Presidente, “O kahit malugi ang gobyerno, bibilhin na lang namin sa inyo.”
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So, tuloy iyong harvest—kahit harvest season, tuloy iyong importation ng rice?
SEC. PANELO: Oo, magiging istrikto lang.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Pero ginagawa na iyon dati Sec. eh, iyong mga stricter measures, iyong sa standards—
SEC. PANELO: Baka mas istrikto ngayon. Baka mas istrikto ngayon, kasi ‘pag ni-liberalize mo, hindi ka masyado istrikto ‘di ba dahil open iyong importation mo eh. So this time, they will be very strict on that.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So nagbago iyong isip ni Presidente after the meeting with Secretary Dar, tama ba Sec.?
SEC. PANELO: Eh parang ganoon nga, baka nakita niya na hindi pa kailangan.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So paano nila ia-achieve iyong objective na ma-address iyong reklamo noong farmers na ang baba nga noong farm gate? Kasi ang problema dito, since my influx ng imported rice, napupuwersa silang magbenta sa low farm gate price.
SEC. PANELO: Hindi, bibilhin na nga sa kanila na mataas na presyo eh, hindi na iyong mababa eh. Iyon nga iyong—‘di ba iyon ang sinasabi ni Presidente, “Kahit malugi kami, sige bibilhin namin to help you…”
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Sec., how much will be allotted to buy iyong produce?
SEC. PANELO: Hindi ko alam kung ano ang amount, pero definitely higher than the present one na nalulugi sila kaya walang bumibili.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Okay, Sec.
HENRY URI/DZRH: Sir, linawin lang namin. Tuloy ang import ng bigas—
SEC. PANELO: Pero istrikto.
HENRY URI/DZRH: Sa mahigpit na patakaran?
SEC. PANELO: Oo, mas mahigpit na patakaran.
HENRY URI/DZRH: Okay. Can you enumerate, anong klase ng paghihigpit ‘yan?
SEC. PANELO: Eh parteng ‘yan—ang parteng iyan kay Secretary Dar na ‘yan. Hindi ko na alam ang ano niyan…
HENRY URI/DZRH: Okay. ‘Yan eh nagbago, kasi ang unang sinabi ng Presidente talagang suspended iyong importation. So kailan at paano nagbago ‘yan, after the yesterday’s meeting?
SEC. PANELO: Eh according to what I gather is after the meeting with the President and the ES. Siguro napaliwanag ni Secretary Dar kung ano ang mas magandang gawin.
HENRY URI/DZRH: Okay. So it was a meeting with ES and Secretary Dar and the President?
SEC. PANELO: Yes.
HENRY URI/DZRH: And the President changed his mind?
SEC. PANELO: Eh siguro, parang ganoon ang lumalabas; kasi initially ang order niya ‘di ba suspension?
HENRY URI/DZRH: Okay. So tuloy ang importasyon…
SEC. PANELO: But there will be strict enforcement on the requirements.
HENRY URI/DZRH: Okay, thank you.
KRIS JOSE/REMATE: Sir, may sinasabi po si Senator Pangilinan na instead daw po na insultuhin ng Pangulo si VP Leni ay sibakin na lang daw po bilang Co-Chair ng ICAD.
SEC. PANELO: O, ito naman si Kiko… Anong—alam mo… anong ibig niyang sabihin na ininsulto si VP Leni?
KRIS JOSE/REMATE: Iyon pong sinasabi kasi ng Pangulo na hindi siya mapapagkatiwalaan.
SEC. PANELO: O hindi naman insulto iyon. Kasi iyong mga ginawa kasi naman ni VP Leni… like for instance, iyong nabasa ni Presidenteng tweet galing kay Mr. Kine na inimbitahan niyang pumunta rito na… hinusgahan na. This person and others have already prejudged the program of the government against illegal drugs as being violation of human rights as well as a crime against humanity. Tapos iimbitahan mo rito, kaya tingnan mo iyong tweet niya, “I’m packed and ready to go.” And ang suggestion niya kaagad, “Arrest President Duterte.” Eh papaano…
Q: [off mic]
SEC. PANELO: O, eh bakit sinasabi niya “I’m ready to pack…” Hindi, ang hindi niya raw inimbitahan iyong sa ICC, iyong mga Special Prosecutor, iyon ang sabi niya. Tapos, marami siya eh… sinabi naman ni Presidente mga missteps niya eh. Kasi gaya ng pinaliwanag ni Presidente, when she was appointed, ang unang dapat na ginawa niya—eh ‘di ba I’ve been suggesting to her, she should see the President and inquire from the President the scope of her authority – iyon ang dapat una mo kasing ginawa eh. Ilang—paulit-ulit kong sinasabi ‘yan during the press briefings eh.
But what she did was she went full steam ahead; tumawag kaagad siya ng meeting, tapos marami na siyang hinihingi… pati classified information, madami na siyang kinakausap. Sana pumunta muna siya kay Presidente. Ang naging problema niya kasi naman sabi niya, “Kung hindi ako iimbitahan, hindi ako pupunta.” Hindi pupuwede iyon. You cannot let the appointing power invite you. Kaya ka nga in-appoint eh, then it’s for the appointees to request for an audience with the appointing power para maklaro mo kung ano ba iyong scope ng authority ko rito.
Eh nagtatanong lang siya noong after she made missteps already. Pagkatapos ang—I just issued a statement, I’m responding to the dare and even taunt… taunting si VP Leni eh. Hindi ko malaman kung sino nag-advise sa kaniya na sabi niya, “Kung ayaw mo sa akin, tell me directly.” Alam mo that’s—to my mind, that’s a display of disrespect. It may be considered unethical. He is the President, ba’t mo sasabihan ng “Kung ayaw mo sa akin, sabihin mo.” Parang lumalabas pa may utang na loob si Presidente. Huwag naman ganiyan.
You know, just like resigning as well as accepting an appointment, that lies on the person being appointed. Resigning in a position does not lie on the appointing power. Discretion mo iyon kung tatanggapin mo o aalis ka. Now, what is the rule of thumb with respect to people who feel that they are unwanted?
If you are uncomfortable in a position or you cannot stand the heat in the kitchen, then the most appropriate and proper thing to do is to leave quietly. Hindi ba? Hindi iyong sasabihin mo, “Kung ayaw mo sa akin, ‘di sabihin mo. Tanggalin mo ako.” Masyado namang brusko naman iyon. Huwag naman ganiyan, this is the Office of the President, Presidente itong nag-appoint sa’yo, bigyan naman natin ng konting paggalang.
KRIS JOSE/REMATE: Sir, sa tingin ninyo doon sa mga naging pronouncement ni VP Leni, magkakaroon pa rin po ba sila ng chance na magkakausap ng Pangulo?
SEC. PANELO: Alam mo. sinabi ko na nga dapat si VP Leni ang humihingi ng audience with the President. Di ba sabi ko noon? Kasi, If I were in her shoes, I would have asked for an audience and then after knowing the scope of my authority, I would now give a program of how I will perform a job. Ipi-present ko kay Presidente, hihingi na naman ako ngayon, Mr. President, ito iyong iniisip kong gawin. Kasi iyong mga agencies, iyong ICAD as co-chairperson, she can direct, she can provide a policy, ‘oh ito na ang policy natin ngayon’, Iyon ang susundin naman ng mga agencies, dapat iyon ang ginawa niya eh.
But it’s not too late, hindi naman sinabi ni Presidente na tatanggalin siya. Tatanggalin lang siya kung gumawa siya ng bagay na makakasira sa kaligtasan ng mga kababayan natin. Hindi ba sinabi niya, she will reveal classified information which she may have achieved in the course of her job that will endanger or imperil the safety and the general welfare of the people. Then, he had no recourse but to fire her.
But because of that nga, missteps niya, he changed his mind of not appointing her to the cabinet. Why, because as member of the Cabinet, she will have unlimited access to everything that is being discussed there including classified information, state secrets and many others. Kaya para hindi na siya ma-temp or magkaroon ng opportunity, oh di diyan ka na lang sa ICAD.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Pero Sec., based on previous report, sabi ni VP Leni, sumulat na daw siya kay Presidente, seeking the clarification.
SEC. PANELO: Hindi sumulat lang siya nung nagsalita na si Presidente, that was Tuesday eh, noong araw na iyon, saka lang siya sumulat, nagsalita na si Presidente – two weeks na eh.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Nasagot na ba ni Presidente?
SEC. PANELO: Hindi ko alam kung natanggap na. Alam mo naman kapag sumusulat ka, di ba, kahit na sino ang sumulat sa gobyerno, mayroong mga—dina-docket muna iyan bago makakarating sa mesa ng Presidente. And the President, you must remember, sinasabi na niya nga, madami siyang binabasa. So, hindi—
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Pero ganoon ka-crucial iyong sulat, parang kailangan yata ng urgent action and clarification.
SEC. PANELO: Kung ganoon ka-urgent iyong sulat niya, dapat on the first day that she was appointed, iyon na kaagad ang sinabi niya. In fact, I was telling her — hindi ba tinanong ninyo ako, what is the first thing to do – seek audience with the President. You don’t have to be invited, dahil in-appoint ka na nga eh, eh bakit hindi niya ginawa.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: For the record lang, Sec: Why does the Vice President need to seek clarification on the scope of her role given na iyong pagiging co-chair ng ICAD, nandoon na sa scope noong powers doon sa EO?
SEC. PANELO: Di, iyon ang tanungin mo sa kanya. Kaya siya nagtatanong ng ganoon, kasi marami siyang gustong gawin siguro na baka wala doon sa scope ng authority niya. Which is okay lang naman iyon – pero tanungin mo. Eh hindi niya kaagad ginawa kasi, di ba. In other words, what she did didn’t inspire confidence on her person relative to this thing of classified information.
Saka nakikinig kasi si VP Leni sa mga colleagues niya sa oposisyon na sa tingin ko, ayaw naman nilang magtagumpay ito, sa tingin ko kasi may pulitika rin eh. Eh malapit na iyong presidential, two and a half years from or two years and 8 months, puwede na namang may tatakbong presidente, eh si VP Leni whether she likes it or not, kasama iyan doon sa kino-consider na potential candidates for the presidency, may kanya-kanyang maniobra. Iyan ang sinasabi ni Presidente, eh may pulitika kasi.
Q: Sir i-clarify ko lang, kasi nabanggit niyo nga, siyempre medyo nag-iingay si Vice President Leni about hindi nga niya makausap pa si Pangulo ganoon, iyong sa powers nga niya as ICAD co-chair. Ang nabanggit ninyo kanina, if she cannot stand the heat, better na mag-resign na lang siya, pa-clarify lang sir.
SEC. PANELO: No, I am not referring to her I am speaking on a general term. You know why because sinabi na nga ni Presidente eh, I will only fire you if you do that, ang sabi niya naman, ba’t ko naman gagawin iyon. So, in other words, wala nang kuwestiyon doon sa tatanggalin ka. Pero iyong sasabihin mo, kung ayaw mo sa akin, di sabihin mo. Hindi naman, masyado namang—huwag naman.
AILEEN TALIPING/ABANTE TONITE: Sir, last Tuesday binanggit ni Pangulo doon sa media interview sa kanya sa Malacañang, iyong Naga City ay pugad ng shabu, hindi ba ito red light sana kay VP Leni para kumilos na bilang co-chairman ng ICAD. Kasi ang binigay na trabaho sa kanya ng Pangulo is to help in curbing the drug problem?
SEC. PANELO: Kaya nga dapat mayroon siyang programa, she will do it. Eh wala man tayong naririnig pa roon eh. Di ba iyon ang hinihingi kong matagal na, sabi ko dapat may programa na si VP Leni. Siguro mayroon na siyang ginagawa ngayon. Hopefully dapat mayroon na.
AILEEN TALIPING/ABANTE TONITE: Yeah, kasi mismong lugar niya yata iyong Naga, sir di ba?
SEC. PANELO: Yes.
AILEEN TALIPING/ABANTE TONITE: And so how do you rate the performance of the Vice President, halos half month na siya?
SEC. PANELO: Eh kaya nga, that is why nga, kaya nga kung ako si VP Leni, eh gawin na niya iyong dapat niyang gawin.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Sec., when can we expect to respond to the letter of the Vice President, para maayos na ito, para hindi na magulo iyong ping-pong about that scope?
SEC. PANELO: Hindi natin alam kung kailan niya mababasa iyon. Pero alam mo sabi ni Presidente kahapon – kagabi, sabi niya eh nandoon na iyon ah, klaro naman kung ano nag function ng co-chair or chair ng ICAD. So, there is no need for even an elaboration. Ano bang trabaho ng chair ng ICAD – that is supposed to be, these are agencies that are involved in the campaign against illegal drugs. So, they discussed there kung ano iyong mga programa nila. Oh iyon na nga ang trabaho niya dapat eh. Di ba sabi niya noon, oh, ineffective, oh kung ineffective dapat mayroon ka nang programa na ipe-present mo sa ICAD – oh sa tingin ko, itong binigay ninyo sa aking programa ninyo malabo, ito ang gawin natin – dapat ganoon.
ACE ROMERO/PHIL STAR: So klaro na iyong scope sinasabi ninyo, sir?
SEC. PANELO: Sa tingin ko. Kaya nga hindi ba sabi ko sa iyo, most likely, kaya gusto niya iyong scope, baka may gusto pa siyang gawin.
ACE ROMERO/PHIL STAR: Okay. Tatanungin ko sana iyong sinabi ninyo, “Without first inquiring as to the scope of her authority which she could have easily done by requesting an audience.”
SEC. PANELO: Yes.
ACE ROMERO/PHIL STAR: So you’re referring iyong sinasabi ninyo na baka mayroon pang beyond the scope.
SEC. PANELO: Yeah, iyong beyond. Kasi hindi ba mayroon siyang, initially, hindi ba ang daming sinasabi nang maupo siya, ‘Oh bakit hindi na lang siya bigyan ng ano, the power to appoint the PNP Chief. Puwede bang mag-appoint siya ng mga tao niya diyan?’ That’s already beyond the scope eh, so marami siyang hinihingi kaya ‘di ba ang suggestion ko, “You talk with the President.”
HENRY URI/DZRH: Secretary, paki-contextualize lang iyong sinabi po ninyo na namumulitika na ang opposition on this issue?
SEC. PANELO: Hindi, kasi from the very beginning kasi hindi ba ayaw nila si VP Leni na tanggapin eh samantalang… iyon na iyong malaking bagay iyon sa isang public official na mabigyan ng isang malaking posisyon kaugnay sa programa laban sa droga. But her colleagues in the opposition persuaded her not to accept.
In other words, pagkakataon na iyon ng ale na lumutang. Kasi kung naging successful ka doon, hindi ba I said, effectively you are being offered a ladder to the presidency. Kasi kapag naging matagumpay ka, ang tingin sa iyo ng tao, ‘Aba, okay ito, puwedeng presidente ito;’ siyempre ayaw naman ng mga gustong maging kandidato, ‘Kailangan huwag mong tanggapin iyan.’ Kumbaga, may mas advantage ka kaysa sa kanila kasi everyday nasa diyaryo ka kapag mayroon kang mga gagawin.
HENRY URI/DZRH: So si Vice President Leni mismo ang namumulitika?
SEC. PANELO: Hindi, ang sinasabi ko, sumusunod kasi siya sa mga payo ng mga nandiyan sa kabila na gusto rin sigurong maging presidente. Kasi I don’t know bakit pinagkakausap niya iyong mga supposed to be na ni-reject na ni Presidente. Hindi ko malaman kung bakit kailangan niyang makuha iyong mga classified information, mga sikreto na hindi naman kailangan. Unang-una, hinihingi niya iyong listahan eh dati na ngang inilabas ni Presidente iyon eh.
HENRY URI/DZRH: Having said that, you think si Vice President Leni Robredo ho ay walang sariling desisyon?
SEC. PANELO: Hindi ba sabi ko sa statement ko, she should be her own person. It is not wrong to seek or to listen to advice, but kailangan may sarili ka ring diskarte. Hindi porke’t in-advise ng kasama mo, susundin mo na. Tingnan mo iyong ginawa niya, by accepting that position, she did not listen to the advice of everybody against the advice of all of them. Kaya hindi ba pinuri natin siya, sinabi, “Finally, you are your own person.”
ACE ROMERO/PHIL STAR: Sec., balikan ko lang iyong bigas: Ano ang nakikitang consequence ng Presidente kapag sinuspend iyong rice importation? Kasi apparently hindi ba sabi ninyo, nagbago iyong isip niya after meeting with Agri officials. So ano ba iyong nakikita ninyong consequence kapag tinuloy iyong sabihin sana niyang order na i-suspend iyong rice importation, ano iyong iniiwasan?
SEC. PANELO: Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nila ni Secretary Dar. Wala ako doon eh kaya hindi ko masagot iyan – siguro si Secretary Dar ang tatanungin natin.
JENNY: Sir, other issue lang, sir. Reaction lang po regarding doon sa “PAL flight makes emergency landing in LA due to engine trouble.” What’s your reaction? And nakikipag-coordinate na po ba tayo sa mga agencies kasi more than 300 Filipinos iyong sakay po noon?
SEC. PANELO: Ang nabalitaan ko lang ay nagkadiperensiya yata iyong second engine – but that happens naman eh. That happens in the airlines industry. May mga nangyayari na mga—what is important to me is, walang nangyari – safe iyong mga pasahero.
HENRY URI/DZRH: Sir, ito lang sinabi ni Panfilo Lacson on Vice President Leni Robredo. Sabi niya, “What’s wrong with the Vice President having even if hindi siya na-appoint as co-chair of ICAD being the second highest official of the land, I think she is entitled to the information kasi ang security clearance niyan naman siguro ay mataas.” And may sinabi raw siya, “Stripped of authority, Robredo doomed to fail as anti-drug czar,” according to Senator Lacson.
SEC. PANELO: Hindi, ganito iyon: Hindi ba pinaliwanag naman ni Presidente iyon, as I also articulated in my statement – “Electing to the vice president does not automatically coats you with trust worthiness. You earn that.” Sabi nga ni Presidente, this is an unusual situation: You are from the opposition so, kumbaga kalaban ka na dati; Pangalawa, sabi niya, I do not know you personally also – kasi all the President’s appointees there in the Cabinet, kilala niyang mga personal.
In other words, he has dealt with them at pinagkakatiwalaan niya. Eh si VP Leni, hindi naman niya kakilala from the very beginning. Pagkatapos mayroon pa siyang mga missed steps eh di natural lang iyon kay Presidente.
MODERATOR: Okay na? Thank you so much, Malacañang Press Corps. Thank you so much, Secretary Salvador Panelo.
SEC. PANELO: Monday, Tuesday nga pala wala tayong press briefing because we will be flying to Busan tomorrow. But lahat ng tanong ninyo, i-text ninyo na. Mas marami ngang statements kung walang press briefing eh. Thank you.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)