SEC. PANELO: Good afternoon, MPC. I’m ready if you are.
IAN CRUZ/GMA7: Secretary, magandang tanghali po. Sabi po ng DDB (Dangerous Drugs Board), inaallow na raw po nila iyong cannabidiol (CBD) tablet Epidiolex sa Pilipinas. Ibig sabihin po, iyong tableta ito pero may halo po itong marijuana. Pabor po ba ang Palasyo dito?
SEC. PANELO: Hindi ko alam kung nakarating na kay Presidente iyan. I’ll ask him.
IAN CRUZ/GMA7: Opo. Iyon daw po kasi ay gagamitin para doon sa may mga karamdaman—
SEC. PANELO: Ever since naman iyon ang sinasabi ni Presidente. Kung medical, okay lang sa kaniya.
FRANCIS WAKEFIELD/TRIBUNE: Sir, update lang kay Colonel Espenido. Kasi ‘di ba sabi ng DILG, kasama ho siya sa narco list ng Presidente and yet nag-isyu po kayo ng statement na full support pa rin po si Pangulo. Ano ho ang naging basehan niya at nasabi niya iyon, sir? So wala ho ba si Col. Espenido sa drugs list? Ano po iyong basehan, sir?
SEC. PANELO: Iyon ang sabi ni Presidente. Pero alam mo, alam ninyo, iyong listahan na iyon, noong year 2017, mayroon akong nabasang… or I was informed that 120 doon sa listahan na nilabas noon where removed after evaluation ng adjudicatory board. Sa madali’t sabi, hindi iyong original na nandoon sa listahan, ibig sabihin ay will remain there forever kasi nagba-validate sila eh. Like for instance, iyong mga initially ni-report na wala naman pa lang ebidensiya, tinatanggal iyon. Iyon namang ibang namatay na, tinatanggal din iyon. Iyong nagdu-double entry, tinatanggal din iyon. That’s why I understand 120 from the original list were removed, baka kasama doon si Colonel Espenido.
Moreover, I remember, in one Senate hearing, nili-link din siya doon pero napatunayan na hindi naman totoo nung mga dati niyang …o dating miyembro ng PNP. Madali’t sabi, si Presidente hindi naniniwala; para sa kaniya ay black propaganda iyon. You must remember na si Presidente unlimited ang resources niya with respect to this. So siguro na-validate niya na hindi totoo.
FRANCIS WAKEFIELD/TRIBUNE: So may possibility, sir, na iyong list ng nasa posible kay Secretary Año, luma na po iyon? Hindi pa siya nakakakuha ng bagong list, sir, ng narco—
SEC. PANELO: Hindi ko alam. Basta iyon ang sinasabi kong nagba-validate sila every…on a regular basis.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Sir, mag-i-inquire lang po kami regarding po doon sa statement po ni President Duterte noong Saturday regarding po doon sa reclamation sa Manila Bay. Iyong statement po ba niya ay maku-cover na iyong mga na-approve na mga projects, iyong four projects na na-approve noong December 2019—
SEC. PANELO: Parang nabanggit niya na hindi kasama iyon, doon sa speech niya. Try to see the transcript. Parang ang intindi ko, except iyong may joint venture ng government at saka iyong dati nang na-approve. Iyon ang intindi ko; hindi ko sigurado. I will ask him again that. Tatanungin natin para sigurado.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Sa ngayon po, sir, mayroon na po bang naka-line up na mga government reclamation projects?
SEC. PANELO: Hindi ko alam iyan. We’ll have to ask the Secretary of Department of Public Works.
ACE ROMERO/PHIL STAR: Sec., balikan ko si Col. Espenido. Sabi ni Secretary Año, Espenido will still have to go through adjudication process kahit nag-vouch na iyong Malacañang doon sa integrity—
SEC. PANELO: Tama iyon, correct.
ACE ROMERO/PHIL STAR: Okay. Pero hindi ba parang napangunahan na ng Malacañang iyong ginagawang proseso ng—
SEC. PANELO: Not necessarily.
ACE ROMERO/PHIL STAR: Kasi klinir na agad siya.
SEC. PANELO: No, hindi rin. May sinabi ka ngayon on the basis of your intelligence info, pagkatapos subsequently, may lumabas na mga bagong ebidensiya, eh di you’ll have to face that.
ACE ROMERO/PHIL STAR: Sabi ninyo parang apparently may black propaganda against him?
SEC. PANELO: Iyan ang sabi ni Presidente. Iyan ang paniniwala niya.
ACE ROMERO/PHIL STAR: Anong basis niya?
SEC. PANELO: Sabi ko na nga sa’yo, Presidente ito eh di marami siyang resources. Ibig sabihin, may sarili siyang independent investigation on the matter. Palaging ganiyan si Presidente, ang kaniyang posisyon on the basis of circumstances or info, intelligence info, information given to him; but if those circumstances changed, then necessarily, he will have to change his position. Lagi naman siyang ganoon eh.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Sir, can you walk us trough, paano iyong vetting process ni President when he said na hindi kasama si Col. Espenido?
SEC. PANELO: Hindi ko alam kung how he does it, basta iyon ang sabi niya. That’s why I issued a statement on the basis of our conversation.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Does it mean that he doesn’t trust Secretary Año kasi siya mismo ang nag-confirm eh?
SEC. PANELO: Not necessarily. No, ang labo naman ng conclusion ninyo. Si Secretary Año ay mayroon siyang sariling pag-aaral na ginagawa; ganoon din ang PDEA. Si Presidente mayroon din. Kung on the basis of the study of the President, para sa kaniya clean si Col. Espenido, iyon ang sasabihin niya. Pero subsequent to that, kung papakitaan siya ng mga bagong ebidensiya na nagpapakitang involved siya, eh di ibang usapan iyon. Ganoon talaga iyon eh. Palagi namang ganoon si Presidente eh, he always rely on the presumption of innocence of all people unless you show him na hindi.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Sir, what does it say sa illegal drugs campaign ni President?
SEC. PANELO: Eh di ganoon pa rin, still a success. Even all the things that we have already previously elaborated: the dismantling of drug factories, the arrest of so many people involved in the drug syndicate, iyong mga pag-neutralize ng mga drug lords, pagsira mo sa distribution, pagtaas ng presyo ng shabu which means ibig sabihin ay hirap na hirap silang pumasok, pagka-discover ng mga nakakapasok.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Sir, iyong narco list, is it still credible?
SEC. PANELO: Bakit naman hindi credible? Palaging the presumption is credible iyan, unless you introduce proof na mali iyon or siniraan ka lang.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Kasi, sir, ito mismo si Presidente na ang nagsasabi na hindi kasama si Col. Espenido?
SEC. PANELO: Iyon nga, iyon na nga ang sinasabi ko sa inyo. Iyon ang info niya eh, iyon ang intelligence info niya. Pero kung subsequent to his statement, mayroong kayong ipinakita sa kaniya and credible, magbabago ang posisyon niya.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Okay, Sec, so clarifications. So ibig sabihin iyong statement ni Presidente vouching for his [unclear] should not be construed as exonerating or totally clearing iyong si Espenido?
SEC. PANELO: Any statement that will run counters to subsequent evidence or proof or circumstances that will contradict your previous position to the matter will have to be changed.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: So that means, the PNP should not allow the statement to influence kung anuman iyong ginagawa nilang probe?
SEC. PANELO: Obviously it has not been influenced. As Secretary Año says, we will still investigate; which is the correct position.
IAN CRUZ/GMA7: So, sir, hindi pa off the hook si Espenido, iyon iyong gusto ninyong sabihin?
SEC. PANELO: Eh sabi na nga ni Secretary Año, mag-i-imbestiga pa rin sila.
IAN CRUZ/GMA7: Sec, sa COVID naman po ano. Ang plano ng DOLE magkaroon ng reduced work week and flexible work arrangement para po doon sa mga workers natin na nangangamba doon sa COVID, naipaalam na ba ito sa Palasyo at aprubado ba ito?
SEC. PANELO: Which one?
IAN CRUZ/GMA7: Iyong babawasan daw po iyong work week or magkakaroon ng flexible work arrangement ang mga manggagawa?
SEC. PANELO: Hindi ko alam kung naiparating na ni Secretary Bello. I’ll ask him.
IAN CRUZ/GMA7: Pero sa tingin ninyo, maganda ba iyon na magbabawas ng araw para lang hindi sila lumalabas lagi sa community?
SEC. PANELO: My thoughts on the matter are irrelevant. It has to be the President deciding for that.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Sir, update po doon sa mga Pinoy natin sa Japan cruise na ipapadala po, papauwiin po, update lang po?
SEC. PANELO: Well, ginagawa natin ang lahat para maibalik sila, may mga protocols doon eh. Hindi naman ganoon kadali iyon. But we are doing our thing.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Sir, on another issue. Are you amenable for medical marijuana?
SEC. PANELO: Oh, hindi ba sinabi na ni Presidente, basta kapag medical okay sa kanya. Natanong na kanina iyon.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: So, in your own opinion?
SEC. PANELO: Irrelevant nga ang opinion ko. The President’s opinion should be the one.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Okay, I’m in favor of that, sir.
HENRY URI/DZRH: Secretary, doon sa—balikan ko lang, medyo na-late ako kay Espenido ano ho. Mayroon bang sinasabi ang Pangulo ngayon sa DILG o sa PNP na bago kayo maglabas ng mga pangalang umano’y involved sa narco-list, get a clearance first from the Palace?
SEC. PANELO: Wala, wala siyang sinasabing ganoon. Alam mo si Presidente, you just submit to him information, official reports, he goes over them, then he makes his own investigation.
HENRY URI/DZRH: So kumbaga walang any order na mag-iingat naman kayo sapagkat iyong ganyan ay malaki ang dagok sa credibility ng war against drugs?
SEC. PANELO: Unang-una, hindi na kailangang sabihin iyon, sa mga nag-i-imbestiga. They should know their job. They should know that putting names there na hindi naman kasama ay makakasira sa kanilang mga kasamahan.
HENRY URI/DZRH: Did Secretary Año talk to the President regarding this one?
SEC. PANELO: Hindi ko alam. It’s between him and the President. I am not informed if there were talks between them.
CHONA YU/ RADYO INQUIRER: Sir, balik lang sa marijuana.Kasi you said the President is in favor for as long as—
SEC. PANELO: Sinabi na niya noon eh, basta medical.
CHONA YU/ RADYO INQUIRER: Oo. Pero, sir, noong March 2019, sabi ni Presidente, ‘sabihin na medicinal, lahat na lang mag-medicinal na hindi ako pumayag, not in my time, maybe some other time.’ Sinabi niya iyon.
SEC. PANELO: Pero sinabi niya rin, kapag kailangan na kailangan sa ikabubuhay ng isang tao at mayroong scientific findings or medical findings na puwede iyon, hindi siya kukontra. Siguro case-to-case.
IAN CRUZ/GMA7: Sec, nabanggit po ng DOT at nagkaroon din ng video ang Pangulo na magbibiyahe siya sa iba’t ibang local tourist destination kabilang daw po diyan ang Boracay, Cebu at Bohol. At sabi po ng DOT kung sila lang ang masusunod, gusto nila weekly, pero iyon nga may mga schedule ang Pangulo. Ang Pangulo daw po ay magsisimula ng late February or March—
SEC. PANELO: Depende sa schedule niya eh. Actually ang gumagawa ng schedule ay iyong Appointments Office in coordination with the Protocol and PSG. Silang tatlo ang nag-usap-usap doon eh.
IAN CRUZ/GMA7: Sir, do you think iyong presence ni Presidente sa mga tourist destinations ay makakapag-encourage ng mga tourist papunta doon?
SEC. PANELO: I think so, yes. He is a magnet eh. He is always a magnet. His presence attracts people from attending an event.
IAN CRUZ/GMA7: Sir, anong mga aktibidad na plano ni Presidente doon? May nagtanong kanina doon sa briefing kung magdyi-jet ski ba siya o magbi-beach ba siya doon?
SEC. PANELO: Hindi, siguro pupunta lang doon to make his presence felt, to say hello.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Secretary, ibang paksa. Senators are planning to bring iyong sa VFA, iyong decision ninyo to abrogate the VFA before the Supreme Court—
SEC. PANELO: Four of them, I understand.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Yes, what is your take on this?
SEC. PANELO: Well, that is their right. If they have any constitutional issue to be raised and they are uncertain of what the Constitution really means, that is the job of the Supreme Court to tell us if they are right or wrong.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, ang sabi nila—sabi ni Senator Drilon, it’s intended daw to assert the Senate’s role in a foreign policy.
SEC. PANELO: Actually, I understand what—ang sinasabi nila, ‘It’s not that we are against, what we just want is …’ they feel that the Constitution is clear para sa kanila, that not only concurrence, kapag nagkaroon ng treaties, kung hindi pati abrogation. So, iyong isyung iyon lang ang dadalhin nila sa Korte Suprema, and okay iyon.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, okay sa inyo iyon.
SEC. PANELO: Sa atin naman, kay Presidente, if you think there is any doubt, then go to the branch that is tasked by the Constitution to make a final decision on the matter.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Do you think their petition will fly?
SEC. PANELO: hindi ko alam, nasa Korte Suprema … we cannot be preempting whatever the Supreme Court will decide on the subject.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Okay. But how confident are you that you will be able to withstand the scrutiny ng decision—
SEC. PANELO: Well, as far as we are concerned in the Executive, there is no need for a concurrence in the Senate because the Constitution, if it’s clear to them, it’s also clear to us.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So…
SEC. PANELO: So we will let the Supreme Court decide if they file the appropriate action in court.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: And you’re confident you can defend it before the court?
SEC. PANELO: Definitely! Kayang-kaya ni SolGen Calida ‘yun!
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Okay. Salamat po.
IAN CRUZ/GMA 7: Sec, may patanong lang po ano. Nananawagan na raw po ang China na reassess na natin ang travel ban sa kanilang bansa. Ano pong plano ng gobyerno?
SEC. PANELO: Eh dati naman nating ina-assess regularly. Kita n’yo yung sa Taiwan na-lift na ang ban. Now, we are assessing travel ban on Macau and Hong Kong, so depende. Kasi ang mahalaga sa atin ‘yung …kay Presidente, palagi ‘yung safety ng mga kababayan natin.
Sa Taiwan, kaya tayo nag-lift because ipinakita ng Taiwan how strict their protocols are, ‘yung mga facilities nila maayos eh! So, kumbaga ligtas ‘yung mga kababayan natin.
IAN CRUZ/GMA 7: Anong puwedeng maging indikasyon, sir, para sa China mai-lift natin or kahit even doon muna sa Hong Kong and Macau muna?
SEC. PANELO: Kung ma-lift ‘yung Macau at saka Hong Kong, since part sila ng China, eh di magandang balita sa kanila ‘yun.
IAN CRUZ/GMA 7: Pero may plano na po ba na i-lift ang Hong Kong and Macau?
SEC. PANELO: No, as I said kanina, understudy ‘di ba? Magiging regular ang evaluation nila.
IAN CRUZ/GMA 7: Sec, sa ibang topic po. Baka puwede po kayong mag-react ‘yung sa sinabi po ni Senator Trillanes—
SEC. PANELO: Na?
IAN CRUZ/GMA 7: Na babalik pa rin siya ng Pilipinas and hindi daw siya matatakot kahit may mga warrant of arrest siya.
SEC. PANELO: You know, we cannot be wasting time responding to nonsense coming from a discredited, disgraced Senator. Hayaan mo na siya.
USEC. ROCKY: Questions, MPC? Wala na kayong tanong? Okay. Thank you, Secretary—
SEC. PANELO: You must remember na palaging ang posisyon ni Presidente ‘pag may kaso na, hayaan mo na ‘yung korte.
USEC. ROCKY: Okay. Thank you, MPC. Thank you, Secretary Panelo.
SEC. PANELO: Thank you!
USEC. ROCKY: Happy birthday, Vanz!
SEC. PANELO: And… kailangan siguro bigyan ng farewell ang isang miyembro ninyo.
MPC: [OFF MIC] Oh, my God!
SEC. PANELO: Ano ‘yung “Oh, my God”? ‘Di ba? We’ll have to give a… party! The President will be giving a party to Ina Andolong.
USEC. ROCKY: Henry?
SEC. PANELO: She’ll be traversing a new path, going to different horizon. Going to another planet!
USEC. ROCKY: Henry! May sasabihin ka ba kay—
SEC. PANELO: El Presidente!
HENRY URI/DZRH: Ah, hindi… We’re planning too. Sinabi mo na rin eh ‘di… Kaniya lang…
SEC. PANELO: Surprise pala ‘no?
HENRY URI/DZRH: Kaniya lang, Secretary, siguro kaunting salo-salo na lang kami bukas kasi medyo—
SEC. PANELO: Bukas na ba?
HENRY URI/DZRH: Medyo bad timing ho dahil kami po ay personal ding nakikiramay sa pagyao ng aming isa sa mahal na kasapi ng NPC. Si Ginoong Rudy Andal ay sumakabilang-buhay na po at ang libing po para sa mga kamag-anak at kakilala ay bukas sa Apalit, Pampanga.
SEC. PANELO: We condole with the passing of Mr. Andal, to the family. Na-meet ko na ba siya?
USEC. ROCKY: Yes, sir.
SEC. PANELO: Dito?
MPC: [OFF MIC] Yes, sir.
SEC. PANELO: Saan siya? Nagtatanong rin ba siya noon?
MPC: [OFF MIC] Nagpapatanong, sir.
SEC. PANELO: Hindi siya masyadong present dito. Anong ikinamatay niya?
MPC: [OFF MIC] Heart attack
SEC. PANELO: Oh… the heart just stopped beating.
USEC. ROCKY: May question pa—
SEC. PANELO: Baka diabetic?
USEC. ROCKY: Birthday girl, may question daw po, Secretary.
MPC: [OFF MIC] Okay na.
SEC. PANELO: Oh, Chona! Hindi ka na tumawag kahapon?
USEC. ROCKY: Sir, ‘di ka sumasagot eh…
SEC. PANELO: Eh, tulog pa… tulog na tulog pa. Alas kuwatro na ‘ko nakatulog.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Sir, sinabi po ni Joma—
SEC. PANELO: Happy birthday!
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Yes, sir. Thank you! On another line. Sir, sinabi po ni Joma Sison na ang ating Pangulo ay puwedeng maging “Greatest President” if there kung ginawa niya po ‘tong being … if he asserts sovereignty and national territorial kasi sabi—
SEC. PANELO: Only history will write him to be a great or greatest President—
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Kasi—
SEC. PANELO: —of the Filipino people. Not him, not Joma, not anybody.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: This is in—sa comment niya po regarding dito sa VFA.
SEC. PANELO: ‘Yun na nga. ‘Yun na ang aking sagot doon.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Okay, thank you.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Sir, ibe-verify lang po namin ‘yung nilabas pong statement ni Senator Bong Go po. ‘Yung mayroon na raw pong Executive Order expanding list of medicines under MDRP (Maximum Drug Retail Price).
SEC. PANELO: Baka mayroon na. Itatanong ko, hindi ko alam ‘yung parteng iyon.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Sige po.
HENRY URI/DZRH: Secretary Sal, si President Duterte says President Donald Trump—
SEC. PANELO: Yes!
HENRY URI/DZRH: —deserves to be reelected, right?
SEC. PANELO: He is a good president according to him and deserves to be reelected because of his judicious remarks on the termination of the VFA.
HENRY URI/DZRH: Does it mean na ipinapangampanya po ng ating Pangulo si President Trump specifically sa mga Filipino in the US.
SEC. PANELO: He is expressing his sentiment about it, not necessarily campaigning and he explained it. Sabi niya, given the character of the man pagdating sa mga national interest issues tumatayo siya eh, kumbaga, prinsipyadong tao. Sabi ni Presidente, if I were in his shoes, I would be doing the same and I’m sure he would have done the same kung siya ‘yung Filipino President kaya that makes him a good president and he deserves to be reelected. ‘Yan ang exact quote niya.
HENRY URI/DZRH: No update for possible talks over the phone?
SEC. PANELO: Wala. Wala siyang ano—
MPC: [OFF MIC] Unclear
HENRY URI/DZRH: Thank you, sir.
SEC. PANELO: Siya nga pala. Itong si Rappler talaga, “Panelo contradicts Panelo” daw. Sinasabi niya na sinabi ko daw may phone call. I did not say na may phone call. Hindi kasi nakikinig si Pia eh. Ang sabi ko, expected. Ginagawan ng paraan ng mga nasa baba na magkaroon ng phone conversation na hindi natuloy kasi nga na-overrun na by events, ayaw na ni Presidente. So I was not contradicting anything, you are the one creating the contradiction, Rappler as usual.
USEC. ROCKY: Okay. Thank you, Secretary. MPC, may tanong pa kayo?
MPC: [OFF MIC] Wala na.
USEC. ROCKY: Okay. Thank you, Secretary Panelo.
SEC. PANELO: Thank you.
USEC. ROCKY: Thank you, MPC.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)