Press Briefing

Laging Handa Public Briefing hosted by PCOO Secretary Martin Andanar & Undersecretary Rocky Ignacio with Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino, Department of Social Welfare And Development Spokesperson Irene Dumlao, Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año and PNP Chief General Archie Gamboa and Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire and Cagayan De Oro Mayor Oca Moreno


Event Laging Handa - Public Hearing

SEC. ANDANAR:  Mabuhay Pilipinas! Welcome to the Public Briefing #LagingHandaPH, a gathering of Filipinos across the archipelago, of members of media and representatives of relevant government agencies online, on air at on the phone and in studio. Sa ngalan po ng Peoples Television, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service at ang Radyo Pilipinas Network, crisis communications platform ng PCOO, Radio Television Malacañang at sa pangunguna ng Presidential Communications Office, ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Bilang pagtupad sa ating mandato na maghatid ng mahalagang balita at impormasyon sa ating mga kababayan, binuo ng buong puwersa ng PCOO ang programang ito para magsilbing plataporma para sa mga mahahalagang usapin tungkol sa patuloy nating paglaban sa banta ng COVID-19

USEC. IGNACIO:  Ang programang ito ang magbibigay-daan para maitanong ang mga mahahalagang katanungan ng mga mamamahayag at ng mamamayan na agad namang bibigyang kasagutan ng mga kawani ng pamahalaan. Samahan ninyo po kami sa isa na namang makabuluhang talakayan ngayong araw dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

SEC. ANDANAR:  Public Briefing #LagingHandaPH. At upang sagutin mga kababayan ang mga katanungan ng ating mga kapatid, makakasama po natin live dito po sa studio sina Asec. Tony Lambino mula sa Department of Finance at si DSWD Spokesperson Irene Dumlao.

USEC. IGNACIO:  Samantala, tunghayan na po natin as of 12 noon, March 19, 2020, umabot na po sa 217 – dalawandaan at labingpito, ang dami ng kaso ng naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa. Samantala sa huling tala ng DOH kahapon, nadagdagan po ng isa ang naka-recover habang nananatili po sa labingpito ang bilang ng mga nasawi. Secretary…

SEC. ANDANAR:  Upang sagutin po naman ang iba’t ibang katanungan ng ating mga kababayan, nagtalaga nga po ng COVID-19 hotline and Department of Health, bukas po ito para sa lahat, nationwide. Tumawag lamang sa (02)8942-6843; para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, maari ninyo pong i-dial ang 1555.

USEC. IGNACIO:  Samantala iminungkahi naman po ni Senator Bong Go na bigyan ng tulong pinansiyal ang mga kawani ng gobyerno na Job Order at Contract of Service na apektado ng enhanced community quarantine. Ayon po kay Senator Go, higit na kailangan ng tulong at ayuda ng mga manggagawang ito lalo na at wala pa silang mga benepisyo tulad ng mga regular na empleyado ng gobyerno. Giit niya, mayroon namang pondo para sa mga Contract of Service at Job Order dahil nakakontrata naman sila kaya hindi na ito dagdag gastos para sa gobyerno. Nararapat lamang itong gawin ng pamahalaan bilang tulong na rin sa mga sakripisyo nila para masigurong mabubuhay nang maayos ang kanilang mga pamilya sa panahon ng quarantine.

SEC. ANDANAR:  All right, live na live po tayo dito sa PTV at dumako naman tayo sa ating mga studio guests. Ngayon po makakapanayam natin ang mga panauhin, good morning po sa ating DOF Assistant Secretary Tony Lambino.

ASEC. LAMBINO:  Good morning Sec. Martin, Usec. Rocky at sa lahat po ng nanonood at nakikinig ngayong umaga.

SEC. ANDANAR:  So, the question goes straight to Asec. Lambino. Asec., papaano ang magiging sistema para sa 27.1 billion package ng Department of Finance para sa mga nangangailangan ngayong panahon ng COVID-19?

ASEC. LAMBINO:  Sec. Martin iyong 27.1 billion package ay binuo po ng Economic Team ng administrasyong Duterte mula po sa mga existing funding sources pati na rin po doon sa mga additional funding sources. At ang paggastos po nito para mabigyan ng serbisyo ang ating mga kababayan ay through mga relevant agencies tulad ng DOLE, DSWD at iba-iba pa pong mga ahensiya, lalong-lalo na po ang Department of Health ‘no.

So ang atin pong layunin talaga ay una, tulungan po natin ang ating mga frontliners na lumalaban po dito sa COVID-19. May pondo na po diyan para sa mga personal protective equipment, mga masks at iba pa pong kailangan ng mga kailangan ng laboratoryo at iba pa pong mga testing services, pati po iyong mga case management ‘no noong mga mayroon na pong sakit ‘no.

At nandiyan rin po ang pag-invest ng gobyerno na tuluy-tuloy para po makabalik po sa trabaho ang ating mga kababayan kapag natapos na po ang community quarantine. So iyon po ‘yung dalawang layunin – suportahan ang Department of Health – sa kanilang paglaban sa COVID-19 – at saka mga frontliners natin; pangalawa, tuluy-tuloy po dapat ang investment ng gobyerno para po after the quarantine is lifted ay makaahon po ang ating ekonomiya.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat Asec. Tony. Balikan ka namin mamaya, ngayon naman ay makakasama natin si DSWD Spokesperson Irene Dumlao, magandang umaga po sa inyo, ma’am.

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO:  Magandang umaga Secretary Martin and of course Usec. Rocky; and of course sa lahat po ng nanonood at nakikinig ng inyong programa.

SEC. ANDANAR:  Sa ilalim po ng enhanced community quarantine, magpapatupad ang pamahalaan ng social amelioration measures – ano po ba ang mga ito at sinu-sino ang mga magiging benepisyaryo?

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO:  Okay. Sec. Martin, ang DSWD po ay gumagawa o mayroon po tayong binalangkas na polisiya at guidelines para po sa pagbibigay ng mga social amelioration services to those who are affected by this enhanced community quarantine. Tayo po ay nakikipag-ugnayan sa mga local government units in identifying iyon pong mga target beneficiaries, distribution points and distribution strategies para po sa pagbibigay natin ng mga family food packs and non-food essentials dito po sa ating mga kababayan, likewise, pinag-aaralan po natin iyong pagbibigay din ng financial assistance and of course livelihood assistance grants to all those belonging in the vulnerable sector.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat Ma’am Irene, balikan ka namin mamaya. Samantala mula naman sa New Executive Building sa Malacañang, naroon sina…

USEC. IGNACIO:  Makakasama po natin si PNP Chief General Archie Gamboa, Cabinet Secretary Karlo Nograles, DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, makakausap po natin sila. At siyempre via phone patch, sina Cagayan De Oro Mayor Oca Moreno; mula naman po sa iba’t ibang sangay ng PCOO, makakasama rin natin sa pagbibigay ng pinakahuling ulat sina Alexia Tinsay ng Philippine Information Agency, Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service, Daniel De Guzman mula sa PTV-Cordillera at Jay Lagan ng PTV Davao. Secretary…

SEC. ANDANAR:  All right. At ngayon naman diretso na tayo sa Malacañang, makakasama natin si CabSec. Karlo Nograles. Magandang umaga po sa inyo, CabSec… All right wala pa si CabSec, hindi pa ready. Okay, sige.

Sa ngayon alam mo Rocky, napakahalaga ng role ng ating Department of Finance at ng role din ng DSWD. Balik tayo doon sa Department of Finance, kay Asec. Tony. Asec. Tony ang tanong ng mga kababayan natin, kapag itong issue ng COVID-19 ay humaba pa ng isang buwan/dalawang buwan, mayroon bang sapat na pondo ang ating pamahalaan para tustusan ang mga basic needs ng ating mga kababayan tulad ng pagkain?

ASEC. LAMBINO:  Salamat, Sec. Martin. Mayroon po tayong sapat na pondo para pondohan ang buong expenditure plan ng gobyerno at maari ding dagdagan ito dahil as the situation progresses, nakikita natin na may mga karagdagang pangangailangan ang ating mga kababayan. Kaya nga po may pag-aaral na ginagawa ngayon para tingnan kung ano pa po iyong mga maidadagdag na mga serbisyo at iba pa pong mga benepisyo.

Pero pagdating naman po sa trabaho, nandiyan po iyong programa ng DOLE, nandiyan po iyong COVID… parang measures na na-announce na po ni Secretary Bello para tulungan iyong mga formal and informal employees. Doon naman sa mga formal, mayroon po tayong mga panawagan sa ating private sector partners na ituloy po ang pagbibigay ng suweldo at saka iba pa pong mga benepisyo sa kanilang mga employees. At sa mga informal workers naman na wala hong pinapasukan na opisina o business ay mayroon pong programa ang DOLE para bigyan sila ng mga trabaho; puwede pong mag-disinfect ng kanilang mga komunidad, ng mga bahay sa kanilang lugar at bibigyan po sila ng minimum wage.

So mayroon din pong mga social protection measures not just in terms of the very important programs of DSWD, pero iyong mga kuwan ho ano, iyong mga SSS, iyong mga GSIS at iba pa pong mga ahensiya ng gobyerno na nagbibigay din po ng mga emergency assistance sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO:  Okay, salamat Asec. Lambino. Nagpapasalamat din po tayo sa DZBB, Secretary sila po ay naka-hookup sa atin. Makibalita naman po tayo sa ating—o puntahan natin ang ating kasamahan na si Jay Lagang mula po sa PTV Davao. Jay..? Mauuna daw iyong ating sa Baguio – puntahan natin ang ating kasama at makibalita tayo kay Danielle De Guzman ng PTV-Baguio. Danielle…

DANIELLE DE GUZMAN/PTV BAGUIO:  Secretary, hinihintay na ngayon ang resulta isinagawang test sa dalawampu’t isang persons under investigation ng Rehiyon Cordillera na kasalukuyang nasa admitted status kaugnay pa rin sa COVID-19. Una nang nagnegatibo sa naturang sakit at na-discharge ang apatnapung iba pa. Ang Baguio General Hospital and Medical Center ng City of Pines ay isa sa limang subnational labs ng bansa na tinukoy mismo ng Kagawaran ng Kalusugan kung saan maaaring magsagawa ng testing para sa COVID-19.

Kaugnay riyan, inanunsiyo ng Regional Director ng DOH Cordillera kahapon na handa na ang naturang ospital upang magsagawa ng screening sa mga may sintomas ng sakit na maaaring sagutin ng PhilHealth para sa mga miyembro nito. Paglilinaw nila, prayoridad na gamitan ng test kits ang mga possible patients na kakikitaan ng sintomas ng naturang sakit.

Secretary, rundown lang po tayo sa mga inihanda pang programa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan dito sa rehiyon:

Prepositioned na ang nasa halos limang libong family food packs ng DSWD Cordillera sa mga strategic locations. Hinihintay na lamang ang pagdating ng procurement upang masimulan na ang production sa kanilang warehouse sa Baguio City at dito sa La Trinidad;

May dalawang adjustment measure packages namang inihanda ang DOLE para sa mga workers ng formal at informal sector na apektado ng umiiral na enhanced community quarantine dito sa Luzon. Limang libong pisong financial assistance ang naghihintay sa mga manggagawa ng pribadong sektor na maaaprubahan ang request para rito. Kailangan lang magsumite ng kanilang employer ng establishment profile report on COVID-19 at company payroll bago ang pagpapatupad ng community quarantine online;

Maari namang magparehistro sa mga barangay ang mga kasapi ng informal sector, ito po iyong ating mga PUV drivers, street vendors at mga ukay-ukay vendors para sa posibleng hiring sa ilalim ng ‘Bahay Ko, Barangay Ko Disinfection Work’. Nagkakahalaga ng P350 ang arawang sahod sa trabahong ito kung saan bawat indibiduwal ay maaaring i-hire mula sampu hanggang dalawampung beses.

Secretary, sa ilalim naman ng Special Proclamation No. 921 na pinirmahan mismo ni Executive Secretary Salvador Medialdea, idineklara ang araw na ito, March 20, bilang isang special non-working holiday dito sa munisipalidad ng La Trinidad bilang pagkilala sa ika-tatlumpu’t siyam na taon ng kanilang Strawberry Festival celebration. Pagtitipon na una nang nakansela sa botong 8-4 sa konseho na tutol sa rescheduling ng festividad na nakatakda sanang ganapin mula March 9-31 bilang pag-iingat na rin sa banta ng COVID-19.

Isa sa mga pamosong pasyalan dito sa munisipalidad ay ang Strawberry Farm at sa ngayon ay nakikita ninyo po sa aking likuran, wala halos katao-tao dito sa lugar maliban na lamang sa mangilan-ngilang mga farmer at gayun din sa mga naglilinis. Bago ang quarantine, nasa P500 ang presyo ng strawberry picking dito sa lugar ngayon; nagkakahalaga naman ng P50 ang pinakamababang presyo kada kilo matapos ang quarantine. Malaking lugi ito para sa mga magsasaka ng strawberry farm, at nitong nagdaang mga araw, kaliwa’t kanang mga social media post na rin po ang ating nakikita kaugnay sa pagbebenta ng mga strawberry sa halagang P100 to P150 per kilo na iyong iba ay free delivery na rin po para lang makabawi sila ng kanilang kinita.

Secretary, kasunod na rin ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon, marami sa mga pasalubong stalls dito sa Strawberry Farm ang nananatiling sarado sa araw na ito. Nariyan namang nagsisimula na ring mabulok ang ilang mga gulay na pananim dito sa lugar dahil na rin umano sa mas mahabang oras na ginugugol sa biyahe na nagreresulta sa pagkabulok ng mga gulay at iyan nga po ay isa sa mga pinoproblema ng ating mga magsasaka dito sa lugar na sana po ay matugunan sa lalong madaling panahon.

At iyan na muna ang latest kaugnay sa sitwasyon ng Rehiyon Cordillera at ng La Trinidad, Benguet kaugnay sa COVID-19 at enhanced community quarantine. Live mula rito sa Strawberry Farm, Danielle Grace De Guzman ng PTV-Cordillera, para sa bayan.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat Danielle, at least narinig ni Asec. Lambino iyong concern ninyo. Puntahan naman po natin ang ating kasamahan na si Jay Lagang, live mula sa PTV Davao.

JAY LAGANG/PTV DAVAO:  Magandang umaga sa inyo diyan, Secretary Martin at Usec. Rocky. Nagpalabas na nga ng karagdagang kautusang ang lokal na pamahalaan ng Davao City at ang Davao Region COVID-19 Task Force upang mas lalong higpitan pa ang galaw ng mga tao sa layunin na mapigilan or maprotektahan ang publiko sa banta na dala ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Secretary Martin at Usec. Rocky, kahapon nga ay nagpalabas ng Executive Order No. 16 si Davao City Mayor Sara Duterte na nag-uutos na ipasara ang lahat ng mga tindahan or shop sa loob ng mga mall at mixed-use building sa lungsod, maliban na lamang sa kanilang mga supermarkets, pharmacies, bangko, hardware, in-house department stores ng mga mall, medical laboratories at opisina ng mga dentista simula ngayong araw at hanggang sa ma-lift ang state of public health emergency sa bansa. Nilinaw din ni Mayor Sara Duterte na puwede pa rin namang magbukas iyong mga restaurants na nasa loob at labas ng mga mall pero kailangang take out at delivery na lamang ng mga orders ang kanilang gagawin.

Maliban dito ay nagpalabas din ng Executive Order No. 15 si Mayor Sara Duterte na nag-uutos na ipasara din simula ngayong araw ang lahat ng mga internet shops, gaming stations, billiard halls, videokes, basketball courts, badminton courts, bowling alleys, movie houses, bingo outlets, e-gaming establishments, lotto outlets, kid’s playroom, video arcades, spa, massage parlor, beauty salon at parlors, at maging ang mga carnaval at peryahan. Mahigpit na ring ipinapatupad simula kahapon ang liquor ban dito sa Davao City simula 5 P.M. hanggang 8 A.M., pati na rin ang curfew hours simula alas nuwebe ng gabi hanggang sa ala singko ng umaga.

Nilinaw din sa kautusang na ipinalabas ng Davao Region COVID-19 Task Force na exempted sa naturang curfew hours ang mga empleyado sa mga public markets, supermarkets, groceries, convenience stores, hospital, medical clinics, pharmacies at mga drug stores. Exempted din maging ang mga food preparations and delivery services, water refilling stations, manufacturing at processing plant ng basic food products at medicines, kasama na ang mga empleyado ng mga bangko, money transfer services, power, energy, water at telecommunication supplies, government accredited facilities, media personnel at authorized government officials.

Alinsunod naman sa ipinapatupad na region-wide lockdown dito sa Davao Region ay papayagan lamang na makalabas ng kanilang mga bahay ay ang mga bibiyahe papunta at pauwi mula sa kanilang mga trabaho, iyong mga bibili ng pagkain at gamot at iyong mga kinakailangang magpaospital at nasa emergency situation.

Samantala Usec. Rocky, as of 6 P.M. kahapon, March 19 ay nagpalabas nga ng latest data ang Department of Health o DOH Region XI patungkol sa COVID cases dito sa Davao Region kung saan ay mayroon nang 96 patients under investigation dito sa Davao Region, kung saan 59 dito ay naka-admit pa sa mga government hospital ng rehiyon at 34 na ang na-discharge sa mga ospital. Samantala ay patuloy pa ring kinukumpirma hanggang sa mga oras na ito kung COVID nga ba ang rason ng pagkamatay ng tatlong mga PUI dito sa Davao Region. Sa persons under monitoring naman o PUM ay nasa 5,403 na, kung saan 584 dito ay cleared na at ang 4,818 ay under observation pa hanggang sa mga oras na ito.

Ngayong araw nga Usec. Rocky at Secretary Martin ay nananatiling nasa isa pa ang confirmed case ng COVID dito sa Davao Region. Iyan muna ang latest mula dito sa Davao City. Jay Lagang para sa bayan.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat, Jay Lagang.

SEC. ANDANAR:  Mula naman sa New Executive Building sa Malacañang, naroon din sina Cabinet Secretary Karlo Nograles at PNP Chief General Archie Gamboa. Magandang umaga sa inyo Sec. Karlo…

USEC.  IGNACIO:  Kay Cabinet Secretary Karlo Nograles. May tanong po si Pia Gutierrez ng ABS-CBN, kung ako ano daw po ang ibig sabihin ng ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaninang umaga na lockdown – ano po ang istorya dito ng IATF?

SEC. NOGRALES:  Siguro binanggit ni Pangulo na ang ine-emphasize niya dito is that ang ating mga LGUs ay dapat sumunod po sa mga guidelines na ipapalabas ng Inter-Agency Task Force. So, inaatasan po natin ang lahat ng mga LGUs na mag-cooperate po sa DILG at sa  Inter-agency Task Force.

USEC.  IGNACIO:  Mayroon din pong tanong si Rosalie Coz. Papaano daw po ang implementation tungkol naman po dito sa POGO. Kung binibigyan daw po sila ng permit na makapag-operate.

SEC. NOGRALES:  Hindi na po. POGO has already been closed down.

SEC. ANDANAR:    All right, we also have question for the PNP Chief. Sir, marami pa po sa ating mga kababayan  ang nagre-report na sila ay nahaharang, may mga media, mayroon pa ring mga mangilan-ilan na mga health workers. At bukod po diyan, mayroon din pong mga nagrereklamo na sila po ay wala na po silang makain, kaya ang sabi ng iba ay baka magnakaw na ito. Ano po ba ang tugon ng Philippine National Police, number one, doon sa mga hinarang, at number two doon po naman sa  mga naglalabasan na mga istorya na baka magkaroon ng looting?

PNP CHIEF GAMBOA:  Okay, first doon ‘no, on a daily basis nire-remind namin iyong aming mga kapulisan on the exemptions para ma-guide sila. So again, iyong media they can use their own company IDs para makalagpas sa checkpoint exempt kapag mayroon nang ilalabas ang PCOO by March 21.

Now, second  iyong  sa mga fake news na nilabas kahapon, lahat iyon fakes news at ito nga binabalaan namin iyong publiko na huwag mag-post ng mga fake news because you can be  liable under the law. And additionally, I have directed the CIDG and the Anti-Cybercrime Group  na hanapin na nila iyong mga nag-post kahapon at mag-antay kayo at pupuntahan kayo ng police para arestuhin kayo.

USEC. IGNACIO:  Mayroon din tanong si Pia Gutierrez para kay PNP Chief kung may katotohanan daw po na mayroong homicide murder dito sa Parañaque, nilooban daw po ang bahay?

PNP CHIEF GAMBOA:  As of this time, wala kaming natanggap na report, but I will have it double-checked doon sa specific na sinabi ninyong station commander.

USEC. IGNACIO:  Kay DILG Secretary Eduardo Año. Ano na po iyong mga plano at assessment ninyo  at kung saan daw pupuwedeng magreklamo tungkol doon sa mga LGU na hindi po susunod sa mahigpit na patakaran na nais ipatupad  ni Pangulong Duterte?

SEC. AÑO:  Unang-una ay bukas iyong ating tanggapan para sa lahat ng complaint para sa LGUs. Mayroon din kaming action number na pinaiikot na natin sa social media. Lahat ng complaints against LGUS, from Barangay up to the Office of the Governors, para siguraduhin natin na tumutupad sa tungkulin iyong ating mga LGU officials sa panahong ito.

SEC ANDANAR: All right, may tanong ako para kay CabSec Karlo. CabSec, marami na po tayong mga natatanggap din na mga reports mula sa ibang mga regions or province na labas pos a Luzon. Halimbawa na lamang ang pinakabagong report dito, dito sa Region X, kung saan ako ay CORDs ay nag anunsyo na po si Mayor Oca Moreno ng isang community quarantine. Ano po ang inyong maibibigay na payo sa mga probinsiya, mga siyudad na labas po n gating Enhanced Community Quarantine sa Luzon na sila po ngayon ay nagpapatupad na rin ng community quarantine.

SEC. NOGRALES:  Ang panawagan po natin sa lahat ng mga LGUs ay para coordinated po  ang lahat ng efforts natin ay mag-coordinate po kayo sa ating DILG. Iyon lang po ang pinakamabilis na paraan kung paano natin masisiguro na lahat po tayo ay marching in one cadence.  So lahat po ng gagawin ng mga LGUs, ang reminder po natin, always consult po and coordinate with our DILG kasi  sila po iyong  inutusan ni Pangulong Duterte to coordinate with different LGUs para  maganda po ang flow po natin.

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat, CabSec Karlo Nograles. Maraming salamat Chief PNP, Sir Archie at maraming salamat po, Secretary  Año. Ngayon naman.., Rocky?

USEC.IGNACIO: Puntahan naman natin si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec, klaruhin lang po natin, lumalaganap po ang impormasyon na airborne na po ang virus – totoo po ba ito?

USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Sec. Andanar and Usec. Rocky. Ito pong kumakalat na impormasyon regarding the airborne transmission nitong COVID-19 ngayon ay wala  pa hong sapat na ebidensiya, wala pa hong rekomendasyon o kaya ay statement na nanggagaling sa  ating mga eksperto. Noong isang araw po, lumabas po itong balitang ito dahil ang WHO o ay natanong tungkol sa ganitong sitwasyon na airborne transmission of the virus. Kanila pong ipinaliwanag na ang airborne transmission ay maaring mangyari sa isang lugar na confirmed katulad ng hospital setting na kung saan may ginagamit tayong mga procedures that might produce aerosols at itong mga aerosols na ito ang mga mas tumatagal sa ating environment and would therefore cause airborne transmission.

Pero dito ngayon sa atin, sa communities, wala po tayong ganyang depinisyon, hindi pa rin po iyan ang ating ginagamit. Until now ang ating pamantayan – it is still droplet infection.

SEC. ANDANAR:    Usec. Vergeire, ma’am, matanong lang po kita, dahil kung babasahin mo iyong mga bansang apektado nitng COVID-19, halimbawa, Italy more than 3,000 po ang namamatay tapos pataas nang pataas. As a matter of fact, na-overtake na niya iyong China. Kung babasahin mo naman iyong report sa Amerika, 40 to 60% ang biglang pagtaas noong mga cases ng COVID. Talagang nakakabahala po ito, Usec.  Ano po ang pinagkaiba ng sitwasyon doon sa Italy, dito sa Amerika at dito po naman sa Pilipinas pagdating po sa vulnerability ng mga kababayan natin o mga tao doon, mga Amerikano, mga Italyano sa COVID?

USEC. VERGEIRE:    Yes, sir. Kapag pinag-uusapan po natin ang vulnerability ng isang lugar at kapag pinag-uusapan natin ang datos ng mga kaso, pagtaas, pagbaba, iba-iba po ang setting sa bawat bansa. Katulad po ng Italy, base sa kanilang datos, marami na silang matatanda na mga kababayan. So nakikita rin natin na ang mga kaso natin for COVID-19, mas naaapektuhan ang mga nakakatanda. So isa rin po sa tinitingnan natin when it comes to vulnerabilities would be the ability to respond ng isang gobyerno sa ganitong sitwasyon.

Kung makikita po natin na naging response ng ibang bansa, naging aggressive sila, iyong iba naman pong bansa ay medyo nahuli lang sa pagreresponde sa ganitong kaso. So, iba-iba po    sa bawat sitawayon ang isang bansa, iba-iba rin based on demographics ng isang bansa kung mas maraming vulnerable sa kanila o mas maraming nakakatanda, mas maraming may underlying conditions and based din po sa kapasidad ng gobyerno para rumesponde.

SEC. ANDANAR:  Usec, isa na lang po talaga. Maikling-maikili, Usec. Rocky, ano iyon?

USEC. IGNACIO:   Tanong po ni Alvin Elchico. Patanong po taga-Bacolod daw po,  aligaga  na dahil hanggang ngayon ang swab test from Bacolod and Negros Occidental hindi pa rin bumabalik. Ang tagal daw po, Usec?

USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Katulad po nang sabi natin kanina, hindi po namin ikakaila, we’re challenged right now with regard to our capacity for the testing. Makikita ninyo naman po for these past days, talagang dagsa po ang mga testing na pumasok sa ating laboratoryo. Pero ang nagawa naman po natin dito ay na-expand na ho natin ang capacity ng ating laboratoryo kung saan iyong atin pong mga sub-national laboratories ngayon ay nag-umpisa na po silang mag-test diyan po sa SPMC sa Davao, sa Vicente Sotto sa Region VII, sa Baguio General Hospital doon po sa ating Northern Luzon.  Mayroon na rin po tayo sa San Lazaro Hospital and sa Lung Center of the Philippines.

Tayo rin po ay nagkaroon nang pag-mobilize nitong ating partner na laboratoryo sa UP-NIH. At tinitingnan po natin ngayon ang limang malalaking ospital dito sa Metro Manila na mayroong molecular biology capacity ang kanilang laboratoryo para po makasama na natin sila para to provide more access dito sa testing na sinasabi natin.

So iparating lang ho natin sa ating mga kababayan, atin lang hong hintayin at magkakaroon na po tayo nang mas mabilis na pagte-test sa mga hinaharap nating mga araw.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

SEC. ANDANAR: Kayo pa rin po ay nanunood ng Laging Handa Public Briefing live dito po sa PTV at sa Radyo Pilipinas. Kasama po natin ang Philippine Information Agency at iba pang mga ahensiya ng PCOO, katulad ng Bureau of Communication Services at IBC 13, at katuwang po natin dito ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

Sa puntong ito ay makakausap po naman natin via phone patch si Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno. Maayong buntag kanimo, Mayor! Mayor Oca, good morning.

MAYOR MORENO: Yes, good morning Secretary.

SEC. ANDANAR: Mayor Oca, isinailalim po ang Cagayan de Oro sa community quarantine kahapon – puwede ninyo po ba kaming bigyan ng konting detalye tungkol po dito, bakit po, ano pong nagbunsod nitong desisyon?

MAYOR MORENO: Unang sa lahat, we had already put in place some measures beginning last week, and kina-calibrate natin. Now, kahapon, nasa community quarantine na tayo pero I think ang pinakaimportante nito po is hindi lang siya limited sa Cagayan de Oro ‘no. As you know, Cagayan de Oro is the highly urbanized city but part of Misamis Oriental. And then halos nasa gitna siya ng Misamis Oriental ‘no. And then given also my experience as former congressman  for the eastern side and governor of Misamis Oriental ay tingin ko na if we were to conduct the community quarantine just for Cagayan de Oro alone, medyo mahihirapan ako dahil parang sinarhan ko for Misamis Oriental ‘no.

So what I did was, I reached out to the provincial government and to the LGUs of Misamis Oriental, including the component cities of Gingoog and El Salvador na … ang suggestion ko is, let’s come up with a unified, synchronized and harmonized community quarantine para ma-address natin ang flow ng traffic especially iyong mga may sakit. And at the same time, mayroon na tayong triage doon sa mga areas, hindi na kailangang pumasok sa Cagayan de Oro. We can detect kung may mga problema, doon pa sa labas o doon pa sa malayo. And ang ano nito is that we have observed na kung ang ating focus is diyan lang sa checkpoint and then ang daming mga, let’s say, procedures, hindi maiiwasan ang traffic would build up. And iyong unnecessary build up of traffic might even exacerbate the situation.

Kaya ngayon, pinapa-finalize ko ang operational guidelines, and hopefully ay idaan din ito sa provincial government of Misamis Oriental for their approval, and all the LGUs. Hopefully kapag na-adopt namin jointly, isa na lang ang team ng both Misamis Oriental and Cagayan de Oro.

And what’s interesting here, Secretary, sinama ko na rin sa proposal ko ang some municipalities of Bukidnon particularly Malitbog and Baungon dahil ang access nila is from Misamis Oriental or Cagayan de Oro ‘no. Pero sinama ko na rin sa proposal ang Manolo Fortich, Libona and Talakag.

And nakausap ko rin si Governor Zubiri, and I hope na he would join us here. Now, ang ano ko nga, Secretary, hopefully this will be successful, we can expand this to a wider area – a much wider area. But kailangan iyong operational efficiency has to be clearly planned.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Mayor Oca Moreno, daghang salamat. We will be closely monitoring ito pong community quarantine diyan po sa Cagayan de Oro City, at iyong possible na community quarantine sa probinsiya po ng Misamis Oriental.

Samantala, ngayon naman ay bibigyan natin ng daan ang mga katanungang nakalap ng Philippine Information Agency, makakasama natin si Alexa Tinsay!

ALEXA TINSAY: Magandang umaga po, Secretary Martin at Usec. Rocky. Narito po tayo muli batid ang mga tanong mula sa publiko. Mayroon pong tayong tanong ngayon mula kay Anthony Talingco(?) mula sa Kalibo, Aklan. Ito po ay para sa DOF. Panoorin po natin ito:

Puwede ho bang mabigyan ang empleyado ng gobyerno ng moratorium sa kanilang mga bayarin sa panahon na ito ng COVID-19 sa ating bansa?

ASEC. LAMBINO: Maraming salamat po sa tanong. Napakahalaga po niyan dahil alam natin na iyong ating mga kababayan ay talagang, while we are all sacrificing para po sumunod sa mga bagong rules, itong enhanced community quarantine pati po iyong pagtigil ng marami sa atin sa trabaho ay talagang may pinagdadaanan pong hirap ang ating mga pamilya.

At marami na pong mga initiatives na naanunsyo ng iba’t ibang mga organisasyon, both sa gobyerno pati rin po sa mga private businesses. At marami na pong nagpalawig ng kanilang mga deadline para sa pagbayad. Marami na pong nagbigay ng additional support. So as a package, kung titingnan po natin lahat ito ay sana po makatawid ang ating mga pamilya. At please also know na ang mga ahensiya ng gobyerno ay tuluy-tuloy pong naghahanap ng iba’t iba pang pamamaraan para po makatulong sa atin mga households.

USEC. IGNACIO: Okay. Asec. Lambino, tanong mula kay Rosalie Coz: Paano po ang processing sa pagkuha ng IATF ID sa mga nagdedeliver ng food at medicine para po sa animals? Ang malinaw daw po kasi iyong goods na para lang sa human consumption pero iyong sa mga hayop ay hindi raw po malinaw, Asec?

ASEC. LAMBINO: For this question baka po puwede kong i-refer sa IATF committee mismo, sila po iyong nagbibigay talaga ng mga rules at iyong mga dapat pong gawin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa DSWD naman po: Ano daw po iyong assistance na maibibigay ninyo sa mga street dwellers sa panahon ng quarantine, at ano po iyong government policy natin dito?

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO: Para po sa ating mga kababayan na nakikita po natin sa lansangan, tayo po ay nakikipag-ugnayan sa mga local government units through our field office para po mabigyan sila ng kaukulang tulong.

USEG. IGNACIO: Pero iyon pong halimbawa, papaano po makakatulong ang DSWD doon sa mga walang pagkain, nandoon lang sila sa loob ng bahay pero hindi sila makapagtrabaho?

SEC. ANDANAR: Halimbawa iyong mga tricycle driver.

USEG. IGNACIO: Opo, ano po ang tulong ng DSWD sa kanila?

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO:  Parte po ng mandato ng Department of Social Welfare and Development ang pagbibigay ng technical assistance and resource augmentation sa mga local government units. So initially, local government units po ang nagpo-provide ng immediate assistance sa kanila pong nasasakupan and upon receipt po ng request from the LGUs, ang DSWD naman po ay nagpo-provide ng resource augmentation. So we provide family food packs and non-food items to the local government units for distribution naman po sa kanilang mga constituents.

Tinitingnan lang po natin iyong mga distribution strategies and the distribution points that will be identified by the local government units para po masiguro natin na while we are providing the necessary assistance ay nasisiguro po natin na nako-control natin, nami-mitigate ang pag-spread ng virus and of course we protect and promote still, the best interest of our beneficiaries.

SEC. ANDANAR:  Ang mahalaga mayroong maibibigay. Magkano ho, halimbawa sa isang tricycle driver, magkano po iyong maibibigay ng DSWD?

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO:  Para po sa mga family food packs na ibinibigay po natin, mayroon po itong bigas, mayroon pong assorted canned goods, may kape or energy drink; this is good for a family of 5 and sufficient for 2 days. Pero tuluy-tuloy po iyong pagbibigay natin sa mga local government units para po ma-sustain natin itong assistance na ibibigay po natin.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat Ma’am Irene Dumlao ng DSWD. Maraming salamat din po kay Asec. Tony, mabuhay po kayong dalawa sir. Salamat din sa ating Philippine Information Agency Correspondent Alexia Tinsay. Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama po natin si Dennis Principe.

DENNIS PRINCIPE/RADYO PILIPINAS:  Yes. Maraming salamat Secretary Martin at patuloy nga po ang pag-estima at pag-ikot po natin sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Isa na po diyan sa atin pong tinutukan ay ang Albay na kung saan ang kanilang Governor Al Francis Bichara ay nag-i-inspect na po sa mga borders sa lalawigan para tiyaking nasusunod ang closure order sa lahat ng entry at exit points sa probinsiya. Mula Albay, Nancy Mediavillo. Go ahead, Nancy…

NANCY MEDIAVILLO/RADYO PILIPINAS ALBAY:  Yes. Pinangunahan ni Albay Governor Al Francis Bichara ang inspeksiyon sa implementation ng Philippine National Police at Philippine Army sa buong lalawigan ukol sa closure ng lahat ng border sa lugar para matigil ang pagkalat ng COVID-19. Alinsunod ito sa Executive Order No. 9 na ipinalabas ng kaniyang tanggapan. Sinabi ni Police Senior Superintendent Wilson Asueta, PNP Provincial Director, sumusunod naman ang publiko bagama’t may mangilan-ngilan nakikiusap na payagan.

Paliwanag ng opisyal, kung may trabaho sa ibang lalawigan, pinapayuhan na magdala na ng mga gamit, pansamantalang tumira sa kaniyang area of duty. Binigyang diin ni Asueta, habang nasa enhanced community quarantine, hindi papayagang pabalik-balik sa Albay. Nakasaad naman sa order ang mga pinapahintulutan na makapasok sa lalawigan.

Halin Albay, Nancy Mediavillo – Radyo Pilipinas.

DENNIS PRINCIPE/RADYO PILIPINAS:  At iyan po ang latest dito po sa Radyo Pilipinas Uno. Balik po sa inyo diyan Usec. Rocky at Secretary Martin.

SEC. ANDANAR:  Thank you Dennis Principe mula sa Radyo Pilipinas Uno. O Rocky, napakadami pang mga questions na pumapasok sa cellphone mo.

USEC. IGNACIO:  Oo nga, nagpapatanong lang sila doon sa—kung papaano nga iyong ating media protocol. Siyempre kapag mayroon na silang naramdaman, mayroon naman tayong mahigpit na precautionary measure especially doon sa ating Malacañang Press Corps na ipinatutupad para din po sa kanilang safety. Ang sabi ko nga po katulad noong pinag-usapan natin, iyong microphone kapag magtatanong, kung pupuwede isa o dalawang tao na lang ang magtatanong para po iyong microphone hindi na nagpapasa-pasa pa, para po maiwasan iyong virus.

SEC. ANDANAR:  O iyan, tama. Okay, so ngayon naman ay puntahan natin sina Asec. Lambino para sa kanilang parting words, baka mayroon pa silang announcement na gustong ibigay sa ating mga kababayan especially now, is the public briefing, para po talaga sa kanila ito. Asec…

ASEC. LAMBINO:  Salamat Sec. Martin, Usec. Rocky. Ngayon po na nasa enhanced quarantine po tayo, enhanced community quarantine situation para po masuportahan iyong ating mga frontline workers na hindi na kumalat itong COVID-19. Mayroon po tayong mga pampalawig doon sa mga kinakailangan na gawin ng ating mga kababayan para naman ho makatulong.

Isa pong example diyan, iyong extension ng ating tax filing. Iyong original deadline po niyan ay April 15, ngayon May 15 na po, so there’s a 1 month extension. Plus mayroon din po tayong mga online filing and payment options. Punta lang po kayo sa BIR website para matutunan kung paano gawin ito. Simple lang naman po at maglalabas din po ang DOF ng mga step-by-step instructions kung paano gawin ito.

Mayroon din po tayong mga tulong na binibigay sa ating mga frontline workers: Ang Bureau of Customs ay pina-fast-track po ang pagpasok ng mga shipment ng mga medical supplies at saka mga personal protective equipment. In fact, there have been around 189 shipments na finacilitate (facilitated) na po para mabilis iyong pagpasok at mabigay po ito sa ating mga frontline workers; Nandiyan din po ang mga price freeze initiatives ng DTI at saka ng Department of Agriculture;

At ang Department of Tourism ay napakahalaga din po pagdating sa pag-reignite ng ating ekonomiya. May mga nakakasa na po na mga pondo dahil ang tourism industry ang pinakanasaktan nitong COVID-19. There are 5.4 million Filipinos who work in the tourism industry, that’s 13% of our total workforce. So, as the fight against COVID is waged, tapos kapag ma-lift na po ang community quarantine overtime ay kailangan po tuluy-tuloy po ang ating investment to reignite the tourism sector, as well as other sectors of the economy.

So lahat po iyan ay pinag-iisipan at pinaghahandaan na, at marami rin pong mga aksyon na ginagawa na para matulungan ang ating mga kababayan. Maraming salamat po!

SEC. ANDANAR:  Thank you, Asec. Tony. Ngayon naman, dumako tayo sa ating Spokesperson ng DSWD, si Ma’am Irene Dumlao.

DSWD SPOKESPERSON DUMLAO:  Maraming salamat, Sec. Martin and Usec. Rocky. Maraming salamat po sa PTV4 for giving DSWD this platform. Unang-una po, gusto po nating sabihin na patuloy po ang pagbibigay natin ng assistance to individuals in crisis situation lalong-lalo na po sa ating mga kababayan with urgent medical and burial assistance or needs. Maaari lamang po ay makipag-ugnayan kayo sa ating mga field offices para po maibigay iyong kaukulang tulong. We highly encourage iyon pong mga healthy and younger members of the households to bring the application and provide the necessary requirements para po hindi ma-compromise iyong health and well-being of our elderly members.

Pangalawa po, ang cash grants po ng mga Pantawid Pamilya Pilipino Program beneficiaries ay matatanggap po nila, especially for those who are cash card holders. Nakikiusap lamang po kami na makipag-ugnayan kayo sa inyong mga parent-leaders or city and municipal links para po maayos iyong pagpunta natin sa mga automated teller machines. Dahil nga po tayo naman ay nagko-comply sa protocol na dapat po walang mass gathering at kinakailangan po may stringent na social distancing.

Pangatlo po, makakaasa po ang lahat ng ating mga kasamahan, iyong mga local government units na patuloy po iyong pag-o-augment natin ng mga family food packs and non-food items to all local government units especially at we recognize the need of our clients or beneficiaries. Makakaasa po kayo na ang DSWD, patuloy ang kaniyang maagap at mapagkalingang serbisyo.

SEC. ANDANAR:  Salamat, DSWD Spokesperson Irene Dumlao.

USEC. IGNACIO:  Isa na naman pong makabuluhang talakayan ang inihatid namin sa inyo. Maraming salamat po sa lahat ng ating mga nakasama ngayong araw. Muli, maraming salamat po sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon at pagtugon sa mga katanungan ng ating mga kababayan. Kay PNP Chief General Archie Gamboa DILG Secretary Eduardo Año at Cabinet Secretary Karlo Nograles mula po sa New Executive Building.

SEC. ANDANAR:  Gayun din kina Asec. Tony Lambino ng Department of Finance, DSWD Spokesperson Irene Dumlao, at kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Pilipinas, dito nagtatapos ang ating Public Briefing ngayong araw. Para sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas at buong mundo, asahan po ninyo na patuloy kaming maghahatid ng mahahalagang impormasyon sa ating patuloy na paglaban sa banta ng COVID-19.

USEC. IGNACIO:  Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pangunguna ng Peoples Television network, PTV, kasama ang Philippine Broadcasting Service at Radyo Pilipinas network, Philippine Information Agency, Philippine News Agency, Office of Global Media Affairs, Bureau of Communications Services, National Printing Office, APO Production Unit at IBC-13 sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

SEC. ANDANAR:  Lahat po tayo ay magkaisa at magtulungan para tuluyang masugpo ang COVID-19 sa ating bayan. Ako po si PCOO Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  Mula rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Magkita-kita po tayo bukas muli dito lang sa…

USEC. IGNACIO:  Public Briefing #LagingHandaPH.

SEC. ANDANAR:  #LagingHandaPH.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)