SEC. ANDANAR: Ngayong araw po ay muli nating sisikapin na sagutin ang mga katanungan at agam-agam ng ating mga kababayan kaugnay sa hakbang ng ating pamahalaan para tuluyang sugpuin ang paglaganap ng coronavirus disease 2019.
Sa ngalan po ng People’s Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service, Radio Television Malacanang, Bureau of Communications Services at ang ng Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas at sa pangunguna po ng Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: At mula rin sa PCOO ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio kasama ninyong makikialam, makiki-usisa sa mga pinakahuling balita tungkol pa rin sa COVID-19. Dito po ay magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na ilahad ang kanilang mga saloobin pagdating sa health crisis na kasalukuyan nating nararanasan, hindi lamang po sa bansa kung hindi sa buong mundo.
SEC. ANDANAR: Basta sama-sama at laging handa, mga kababayan aba’y kaya natin ito. Kaya naman halina’t samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #Laging HandaPH. So, ito iyong pinakaunang araw, Rocky, mula nung inanunsyo iyong Enhanced Community Quarantine at ito ay naging effective mula alas-dose ng hatinggabi kanina.
USEC. IGNACIO: Dinagsa tayo ng maraming tanong, kaya nagpapasalamat tayo sa ating mga resource speakers nandito po sila. Kasi talagang kahapon talaga hindi mo maintindihan ano ba na talaga, mayroong mga na-stranded na inabot ng madaling araw, mayroong hinanapan ng ID; ano ang pupuwedeng ID? Kasi ang ilan po ang alam, akala nila puwede pa rin iyong ID.
Sa kasalukuyang po as of 7 pm po kagabi March 16, 2020, mayroon ng naitala na 142 cases na nag positibo sa COVID-19 sa bansa kabilang na po – malungkot tayo dito – si Senator Zubiri. Samantala, tatlo po ang bilang ng mga naka-recover mula sa sakit, good news po iyan; at labindalawa ang pumanaw naman.
Sa kabila niyan ay may pag-asa pa rin naman lalo pa at naitala natin kahapon ang kauna-unahang recovery case na isang Pilipino patient, siya po si Patient No. 14, isang 46-year-old na Filipino male at naninirahan sa Makati City. Siya po ay unang nagpakita ng sintomas nung February 25, 2020, na-confine sa Makati Medical Center noong March 5 at nag positibo sa COVID-19 noong March 9, 2020. Sa kasalukuyan po ay naka-discharge na siya sa ospital at dalawang beses na pong nag negatibo na sa COVID-19. Tuloy-tuloy pa rin po ang ating pagtutok sa mga pinakahuling tala ng DOH sa kaso ng COVID-19 sa bansa, Secretary.
SEC. ANDANAR: Samantala Rocky, makakasama nating makikibalita ngayong araw si Alexa Tinsay mula po naman sa Philippine Information Agency; nandiyan din si Rachel Garcia mula sa Baguio City; Julius Pascot mula sa Davao City; at Karen Villanda mula po naman sa Cainta; at si Ginoong Dennis Principe mula sa Philippine Broadcast Service.
Ngayong araw ay makakasama natin ang ilan sa ating mga panauhin. Sila po ay maraming ginagawang hakbang para sa ating pamahalaan para labanan ang COVID-19 and we have here from the Department of Transportation Undersecretary Raul Del Rosario. Magandang umaga, sir.
USEC. DEL ROSARIO: Magandang umaga.
SEC. ANDANAR: Secretary on the Department of Trade and Industry, Secretary Ramon Lopez. Good morning, Sec. Mon.
SEC. LOPEZ: Good morning po.
SEC. ANDANAR: IATF Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles. Good morning, sir Karlo.
SEC. NOGRALES: Magandang umaga po sa lahat.
SEC. ANDANAR: At ang ating Department of Interior and Local Government Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, good morning, sir.
USEC. MALAYA: Magandang umaga po, Sec.
USEC. IGNACIO: Bago po natin simulan ang ating talakayan, makibalita muna tayo sa Davao City kung saan isang disinfection activity po ang ginanap sa Headquarters ng Eastern Mindanao Command. Live mula sa Davao City Julius Pacot.
JULIUS PACOT: Yes, Secretary Martin at Usec. Rocky, nagsagawa nga ng disinfection ang mga personahe ng City Health Office particular na ang tropical unit dito sa Davao City sa headquarter ng Eastern Mindanao Command dito sa Davao City.
Secretary Martin and Usec. Rocky, kaninang umaga nga ay natigil pansamantala ang trabaho ng mga empleyado ng nasabing kampo matapos isinagawa ang disinfection activity. Layunin kasi ng nasabing hakbang na maiwasan ang pagpasok ng 2019 coronavirus disease dito sa Eastern Mindanao headquarter, lalung-lalo na ang ating mga kasundaluhan ay isa sa mga frontliner sa mga checkpoint area na isinasagawa lalung-lalo na dito sa Mindanao.
Unang dinisinfect ay ang Camp Panacan Hospital na kung saan ito ay nagsisilbing isa sa mga health facility ng nasabing kampo. Maliban sa pagsasailalim sa dinsinfection ng nasabing quarter ay may mga preventive measures din na isinasagawa dito para malabanan ang COVID-19. At isa na dito ang pagkuha ng body temperature ng mga tauhan at ng mga indibidwal na bumibisita ditto.
May mga aktibidad din na ipinagbabawal sa nasabing kampo matapos nga ang nangyaring COVID-19 outbreak dito sa bansa. Ilan sa kanilang ipinagbabawal ay ang pagsasagawa ng group exercise, boodle fight, flag raising ceremony at maging ang pag-hand shake.
Secretary Martin at Usec. Rocky, ang nasabing disinfection activity ay isinagawa na noong mga nakaraang araw dito sa mga pampublikong lugar dito sa Davao City kagaya ng City Hall, public transport terminal at maging sa mga pampublikong parke. At iyan muna nag latest mula dito sa Davao City, Julius Pacot para sa bayan.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Julius Pacot ng PTV Davao. Thank you sir. Sa ilang araw na ipinatupad po natin ang community quarantine at checkpoint papasok sa Metro Manila ay talaga namang naging challenging para sa mga commuters, driver at saka sa mga front liners na mga sundalo at kapulisan na pantilihin ang social distancing. Parang ganito social distancing.
USEC. IGNACIO: Yes, tama kailangan. Hindi makakaila na isa pinakaapektadong industriya ay ang transportation sector kaya naman po para sagutin ang concerns ng ating mga kababayan tungkol diyan makakasama natin si Usec. Raul Del Rosario, Administrator ng Office for Transportation Security. Good morning, sir.
USEC. DEL ROSARIO: Magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Alam n’yo ba sir na si Usec. Del Rosario ay isang magaling na jet fighter pilot, Blue Diamond.
SEC. ANDANAR: Jet fighter, ngayon Virus fighter na siya ngayon.
USEC. IGNACIO: Gusto ko munang unahin iyong mga tanong from our kasama dito sa Malacanang Press Corps, Usec.
Ang tanong ni Ian Cruz: In the briefing last night, it was clear that OFWs can fly abroad within 72 hours, but based on the guidelines released by DOTr only foreigners are allowed to leave the country. Sabi po niya in the same period please clarify dahil nagkaroon daw po ng conflicting statements, what will happen to our OFWs?
USEC. DEL ROSARIO: Totoo po iyan, mayroon tayong 72 hours extension na ibinigay sa mga foreign tourist at mga Embassy officials na naririto na gustong lumisan ng bansa. Para po sa mga OFW na arriving, they are also covered by this 72 hours, since mga Filipino citizens sila at kung mayroon silang mga kasamang mga anak ay tatanggapin po natin sila sa ating mga paliparan.
USEC. IGNACIO: Iyong mga darating daw po ng Pilipinas through NAIA or Clark. Paano naman sila makakauwi ng bahay nila, allowed ba ang sundo sa airport?
USEC. DEL ROSARIO: Sa ngayon po ay talagang itinigil natin ang lahat ng public transportation na services pero itinira po natin ang P-to-P buses sa NAIA at with the approval po ng ating IATF, we can also offer services nung ating mga accredited transportation na maghahatid sa ating mga darating na mga kababayang OFW.
SEC. ANDANAR: So, Usec. Del Rosario linawin po natin muli, balikan natin: kapag ikaw ay mayroon ng ticket pauwi ng bansa at ikaw ay Filipino or kung ikaw man ay foreigner pero may asawa kang Filipina. Puwede ka pang makapasok ng Metro Manila within 72 hours?
USEC. DEL ROSARIO: Totoo po iyan, at hindi lang po sa Metro Manila kung hindi sa lahat ng paliparan dito sa Luzon kasama na po ang Clark.
SEC. ANDANAR: Okay, How about those going out of Luzon to another country to another province?
USEC. DEL ROSARIO: Ang ating mga kababayan po na manggaling sa Luzon at lalabas sa—
SEC. ANDANAR: Papuntang ibang bansa or papuntang ibang probisnya sa Visayas at Mindanao?
USEC. DEL ROSARIO: Ang napagkasunduan po ay wala na po tayong mga domestic flights. Ang ina-allow lang po natin na lumisan ng ating bansa ay iyong mga international flights na magdadala ng mga na-stranded na tourists at saka ng mga ibang foreigners na naririto sa ating bansa. Kapag natapos po iyong 72 hours extension, dito na po sila; wala silang option dahil wala na po, kanselado na po lahat ng flights – domestic at international flights.
SEC. ANDANAR: Okay. So after 72 hours, kanselado na, Rocky, lahat ng flights sa Luzon papuntang ibang probinsiya whether Visayas, Mindanao or ibang bansa. At ganoon din iyong papasok, Usec., ganoon din?
USEC. DEL ROSARIO: Tama po iyan.
SEC. ANDANAR: So iyong mga foreigners, ulit ha: iyong mga foreigners o OFWs o mga Filipino na mga balikbayan na gustOng umuwi ng bansa natin, after 72 hours, hindi na sila makakalapag in any airport or any international airport within the island of Luzon.
USEC. DEL ROSARIO: Tama po iyan.
SEC. ANDANAR: Pero kapag sila po ay pumunta ng Mindanao or Visayas, puwede po?
USEC. DEL ROSARIO: Puwede po. Pero mayroon din pong mga probinsiya na mayroon silang sariling … kaniya-kaniyang lockdown, at subject po sila sa quarantine na ipinapatupad ng mga paliparang ito sa iba’t ibang probinsiya.
SEC. ANDANAR: So in other words, after 72 hours, iyong pinakapayo ninyo ho talaga sa ating mga kababayan o iyong mga bisita galing abroad na gustong pumunta ng Pilipinas ay mag-home quarantine na lang sila sa kanilang mga tahanan kung nasaan man sila ngayon at huwag na silang pumasok ng Pilipinas until further notice by your agency?
USEC. DEL ROSARIO: Tama po iyan.
USEG. IGNACIO: Karamihan po sa ating mga PUV drivers ay namumuhay sa kanilang pang-araw-araw na kita sa pasada. Mayroon bang ayuda ang ating pamahalaan para sa kanila? Pero kasunod po noon, siyempre iyong epekto naman sa mga workers na nagku-commute dahil walang public transport. Ano po ang tulong na magagawa? Puwede po bang sabihin sa mga kumpaniya nila na mag-provide ng sasakyan para sa kanilang mga empleyado, iyon sa skeletal force nila?
USEC. DEL ROSARIO: Sa ngayon po ay talagang tigil ang lahat ng ating mass transportation service at talaga naman pong marami ang naapektuhan. Pero ito po ay talagang kasama doon sa ipinapatupad nating lockdown, at ang mga taong hindi dapat bumiyahe ay dapat nasa bahay na lang. Iyon pong may mga exemptions, for example iyong mga nagtatrabaho sa mga hospital, supermarkets na allowed, ang pinakamaganda pong gawin ay ang kaniya-kaniyang kumpaniya o opisina ay mag-arrange ng sarili nilang service. At ito po ay maaari nating gawin para ma-facilitate ay mabigyan na lang sila ng parang permit or sticker na nakalagay sa sasakyan nila that they are essential workers, na mayroon silang listahang dala-dala at kailangan silang pumasok sa kani-kanilang mga trabaho. Ang panuntunan naman po dito ay talagang skeletal force, iyong mga essential workers lang.
SEC. ANDANAR: Usec. Del Rosario, you can answer this at puwede ring sumagot si Usec. Malaya dito dahil nagkausap kami ni Usec. Jonathan Malaya kanina sa Radyo Pilipinas.
Dahil mayroon pong tumawag sa akin na kakilala ko. Sabi niya, “Martin, papaano ito, mayroon akong sakit sa kidney, nagda-dialysis ako thrice a week. Okay lang kasi mayroon naman akong sasakyan. Pero iyong aking technician na nagtatrabaho doon sa hospital ay walang sasakyan, hindi siya makakapunta doon. Makakapunta nga ako sa ospital pero wala namang technician so papaano ako magda-dialysis kung walang technician doon?”
So, Usec. Del Rosario at Usec. Malaya, puwede bang mag-usap ang inyong mga tanggapan tungkol sa isyu na ito dahil, number one, DILG, hawak ninyo iyong mga barangay, hawak ninyo iyong mga LGUs – sila iyong mayroong kapasidad na dalhin sa ospital itong mga kababayan natin, iyong mga nasa frontliners na kailangan magtrabaho.
USEC. MALAYA: Yes, Sec. Martin, clearly po talaga exempted iyong mga health workers na mga iyan, people who are working diyan sa mga health sectors, who are working in the hospitals, in clinics, in pharmacies, lahat po iyan ay exempted. So inaayos na po natin iyong sistema para magkaroon po sila ng shuttle service.
Pero in the meantime, since ito po iyong first day ng ating implementasyon ng Enhanced Community Quarantine, ang instruction po ni Secretary Año sa mga LGU ay tulungan muna ang iba’t ibang mga ospital na ito ‘no para makapasok iyong kanilang mga constituents dito sa mga ospital na ito.
Sa mga iba’t ibang LGU po, for example sa Parañaque ngayon ay pinull out na nila lahat ng mga sasakyan na naka-MC o naka-detail sa iba’t ibang mga ahensiya at ginagamit na nila ngayon para gamiting shuttle service ng ating mga health workers ‘no.
Later on, there will be a meeting at IATF, the task force, para po linisin itong mga first day issues ‘no. Eventually po ay masu-solusyunan din natin iyan, because clearly exempted po sila at kailangan po silang makapasok sa kani-kanilang mga trabaho.
SEC. ANDANAR: Thank you, Usec. Jonathan. Understandably, mayroong birth pains during the first few hours to the announcement of the Enhanced Community Quarantine. Mayroon ding tanong si—
USEC. IGNACIO: Mayroong tanong si Marichu Villanueva ng Philippine Star. I-clarify daw, PRRD mentioned last night, it’s only 14-day home quarantine so does this mean na ang Expanded Community Quarantine effective only for 14 days, not one month? Ending dapat ng April 14?
SEC. NOGRALES: Ang quarantine po natin ay 30 days pa rin. Siguro iyong binabanggit lang ni Pangulo iyong 14-day quarantine kapag ikaw po ay self-quarantine – iyon po iyong binabanggit niya. Pero iyong ating Enhanced Community Quarantine is still 30 days. So huwag po tayong ma-confuse doon sa 14 days pati sa 30 days. Right now, tayo na po ay nasa Enhanced Community Quarantine – 30 days po tayo, hanggang midnight ng April 13 po.
SEC. ANDANAR: Okay. Midnight ng April 13 ang enhanced quarantine sa buong Luzon, Cabsec?
SEC. NOGRALES: Opo, buong Luzon po iyan. Maraming nagtatanong mula sa MIMAROPA kung sila po ba ay kasama dito sa Enhanced Community Quarantine. Ang sagot po ay: Opo, kasama po ang buong MIMAROPA, kasama ang Palawan po diyan. So nasa Enhanced Community Quarantine din po ang lahat ng kabilang sa Luzon.
SEC. ANDANAR: Bago tayo magtungo sa PIA, linawin ko lang kay CabSec Karlo na kung ano iyong mga requirements ng mga manggagawa dito sa Metro Manila? Ano iyong mga requirements ng media; anong requirements ng mga nasa ospital, nasa mga bangko, sa mga ating mga call centers? Iyon din po ba are the same requirements na kailangan doon sa iba pang lugar sa Luzon that have the same industries?
SEC. NOGRALES: Opo, ganoon na nga po para uniformed, kasi ang mag-i-enforce po nitong lahat ay ang Philippine National Police. So alam ng Philippine National Police, hawak na po nila iyong memorandum mula sa mga commanders at doon sa … kumbaga, iyong from the command responsibility, the chain of command ay na cascade na po iyan down to the enforcers doon po sa baba.
So ang ating Philippine National Police ay alam na po nila kung anong nakapaloob dito sa memorandum na ito, at ito po iyong sinusunod ng ating kapulisan.
USEC. IGNACIO: May pahabol lang pong tanong si Junri Hidalgo ng DZMM. Paano daw po iyong may libing bukas, ano daw po iyong rules? May permit ba? And then, paano daw iyong mga sasakyan nila? And then, papaano po iyong mga susundo sa airport? Usec Del Rosario, iyon kasing maghahatid puwedeng ipakita ng pasahero, iyong paalis, ang kaniyang flight details, pero iyong susundo, ano daw po ang mga requirements?
USEC. DEL ROSARIO: Ang ating pong guidelines ay hindi puwede ang mga susundo sa airport dahil ito ay mga non-essential movements. Kaya ang magagawa po ng ating DOTr ay tutulungang maihatid ang ating mga parating na mga pasahero.
SEC. ANDANAR: Bago natin tanungin itong mga questions galing sa ating mga kasamahan sa media, magtungo muna tayo sa ating Philippine Information Agency. Nandoon si Alexia Tinsay para sa kaniyang update sa atin.
ALEXIA TINSAY/PIA CORRESPONDENT: Magandang tanghali, Secretary Martin. Magandang tanghali po, Usec. Rocky. Marami nga pong tanong ang ating publiko at para makatulong ay naglikom po tayo ng kanilang mga query ukol sa measures nang dahil sa COVID-19.
So ang unang tanong po natin ay nagmumula sa Office for Transportation Security. Ang tanong po ay galing kay Leandro Celestial. Kaugnay po ito sa pinag-usapan po natin kanina, ang kaniya pong tanong ay: “Good day po, this is regarding Manila quarantine. I’m an OFW working in Hong Kong. I will be going home on March 22 for vacation. My hometown is in Binangonan, Rizal near NAIA.” Ang tanong po niya ay: “Will I be allowed to pass Manila from the airport since there is no way around NCR that I could go? I also don’t have a place to stay in NCR. Thank you very much po.”
SEC. ANDANAR: Si Usec. Del Rosario, sir.
USEC. DEL ROSARIO: Kailan po ang pagdating ng inyong bisita, ma’am?
SEC. ANDANAR: March 22.
ALEXIA TINSAY/PIA CORRESPONDENT: Ang kaniya pong pagdating ay March 22 for vacation po sa NAIA.
USEC. DEL ROSARIO: Baka po closed na ang airports natin sa March 22 kasi wala na po tayong mga arrivals at departures by then. 72 hours na lang po natitirang palugit na mag-o-operate ang ating airports except po sa mga flights na may exemptions.
ALEXIA TINSAY/PIA CORRESPONDENT: Ang susunod na tanong po ay galing kay Jose Tabiliran, taga-Iligan City: “Social distancing, kokonti na lang ang makikita namin, so ano kaya ang dapat naming gawin para hindi kami masyadong malugi sa aming biyahe? May solusyon pa kaya ang kagaya naming mga driver?”
USEC. DEL ROSARIO: Ang social distancing po ay mayroong mga protocol na ipinapatupad ang DOTr, pero sa ngayon po na suspended na ang public transportation, eh talagang nasa bahay na lang po ang mga tao natin na supposed to be ay wala na hong nagbibiyahe.
ALEXIA TINSAY/PIA CORRESPONDENT: [off mic] naman po sa segment na ito, ang tanong po ay manggagaling kay Hazel Marie Miranda. Ito po ang kaniyang tanong: “Sa tingin ko po, hindi lahat ng lungsod ay sumusunod sa social distancing. Ang mga jeep sa Sucat Road ay walang pakialam sa social distancing at tila siksikan pa rin ang kanilang mga jeep. Concerned citizen lang ako dahil dito ako sa lungsod nagtatrabaho.”
SEC. ANDANAR: Kay Undersecretary Malaya iyong tanong na iyon.
USEC. MALAYA: Kaya nga po tayo nagkaroon ng Enhanced Community Quarantine kasi kahapon po, the day before when we first implemented the general community quarantine, we were trying to see kung susundin ng ating mga kababayan iyong social distancing. At nakita natin nagsisiksikan pa rin, hindi naman nasusunod iyong mga guidelines na ipinalabas ng DOTr, so nandoon po talaga iyong threat ‘no, the real threat na kakalat itong virus na ito sa mas marami pa nating mga kababayan.
So ngayon po, ang polisiya po ng gobyerno, sa bahay na lang ‘no at ito pong social distancing measures would apply to those areas na hindi under Enhanced Community Quarantine. So iyon pong mga lugar sa mga probinsiya, Visayas and Mindanao na hindi naman po under community quarantine, doon po kailangan sundin ito. Kasi kahit po konti ang kaso ninyo, puwede pong may nakalusot doon diyan sa inyong lugar. So we request the support of the local government units, partikular na rin po ang mga enforcers ‘no, mga barangay officials na iyong mga mass gathering, wala na po iyan. At kung mayroon po tayong mga activities ‘no gaya po ng ginagawa natin dito, we have a presscon, hindi naman po puwedeng iwasang magkaroon ng presscon, there must be strict social distancing.
SEC. ANDANAR: Siguro gusto rin nating liwanagin Usec. Jonathan Malaya at gusto nating makuha kay Secretary Mon Lopez, kasi mayroong mga industriya Sec. Mon na bukas at mayroong operation. Ano iyong mga ipinapatupad na social distancing, halimbawa, sa pabrika ng mga gamot?
SEC. LOPEZ: Sa loob ng mga industry or even sa mga open na retailers, for example supermarket, ang pinaka-social distancing po natin diyan as a rule is 1 meter apart ang bawat tao. And the way we simply measure it, kung ano iyong free space na puwedeng lakaran ng tao inside a store, bilangin lamang kung ilang square meters iyon and 1 person per 1 square meter po ang bilangan so that madali ho nating ma-compute kung anuman ang maximum number ng tao sa loob ng isang supermarket for example. Kaya iyong guwardiya na may counter, lilimitahan, kokontrolin iyong number ng tao sa loob sa ganoon ma-encourage at ma-implement natin iyong social distancing. One person per square meter.
SEC. ANDANAR: Okay, marami pa tayong tanong kay Secretary Mon. Halimbawa itong tanong ng mga kababayan natin tungkol sa mga waiter, iyong mga restaurants, iyong mga fast foods. Pinapayagan iyong food industry pero sa loob ng restaurant mukhang malabo, pero puwede iyong take out, so iyon ang mga tanong natin mamaya. Pero balikan muna natin si Alexia Tinsay para sa mga karagdagang tanong mula sa ating mga kababayan.
Okay, so wala na si Alexia Tinsay. Maraming salamat, Alexia Tinsay mula sa PIA
ALEXIA TINSAY/PIA CORRESPONDENT: Maraming salamat po, tatlo po muna ang nakahanda po nating tanong para sa unang segment na ito. Maraming salamat po sa pagsagot sa tanong ni Leandro Celestial, Jose Tabiliran at Hazel Marie Miranda.
USEC. IGNACIO: May pahabol lang pong tanong dito para kay Secretary Lopez. Tina Mendez from Philippine Star: “Could you provide us an update on how the government would help the transportation needs of workers of establishments that have to remain open such as supermarkets, medical facilities, BPOs, banks; not all of them have cars kaya nahihirapan daw po—some of them live outside Metro Manila.” So ano daw po iyong coordination na maibibigay. Siguro puwede na ring sagutin ng DOTr iyon.
SEC. LOPEZ: Okay. So basically imagine-in natin, ang talagang major principle po natin ngayon, people should stay at home kaya po dini-discourage talaga iyong paglabas. Ngayon kung may mga employees nga ng mga bukas pa na mga tindahan, unang-una ang mga puwedeng gawin ho, number one, ini-encourage natin iyong mga critical employees ng mga bukas na supermarkets o drug stores ay magawaan ng support in terms of shuttle service; kukunin sila sa mga ilang designated points para doon na lang sila pupunta dahil no public transportation.
Ang isa pa po kung may skeletal force na kailangang i-maintain para makapag-operate ang mga businesses na ito, ay hopefully mabigyan sila ng temporary lodging or housing provisions sa tabi ng kanilang mga establisyimento para hindi na po bibiyahe nang malayo iyong mga employees.
Pangatlo, puwede rin ho nating i-consider, iyon pong may mga LGU sila na may mga sasakyan, iyong mga leaders, barangay leaders usually may mga provision na sasakyan ay baka naman puwedeng magawan ng arrangement kung saan mahahatid ang mga ibang empleyado in a particular place para lamang matulungan iyong mga constituents noong mga LGUs na iyon.
Pero pangatlo hong—sa priority po medyo pangatlo iyon. Ang una nating ini-encourage iyong mga private companies kung saan sila nagtatrabaho ay mabigyan sila ng serbisyo in terms of shuttle or housing.
SEC. ANDANAR: All right, so malinaw iyon. Ngayon naman bago natin ituloy ang ating mga questions sa ating mga Kalihim at Undersecretary, silipin po natin ang mga kaganapan ngayon sa Baguio City kasama si Rachel Garcia—Mukhang may problema ang audio ni Ms. Rachel Garcia, so babalikan natin siya. Balik tayo kay Sec. Mon.
Sec. Mon, iyon nga, the common questions pinaparating sa atin ng ating mga kababayan ay iyong—linawin natin iyong food industry. Saan sila kukuha ng pagkain, saan bibili, ang iba gustong mag-restaurant, bukas ba iyong restaurant; kung hindi bukas iyong restaurant, puwede ba nilang buksan iyong kanilang take out? Kung bukas iyong take out nila, puwede ba silang magpa-deliver o puwede ba iyong may-ari ng restaurant ay gumawa ng paraan para mayroon siyang delivery service? Ano po ba iyong inyong direktiba dito, Sec. Mon?
SEC. LOPEZ: Oho, tama ho. Bale kasama ho sa exemptions natin iyong pag-prepare ng pagkain, so maaaring ito po ay isang kusina o isang karinderya or isang existing restaurant dahil bawal na iyong dine-in. Ang ini-encourage natin at least may food preparation at delivery dahil noong… mga ginawa NUng mga ibang nag-lockdown even in China, in Wuhan, iyong delivery business ang lumakas. So, at least may hanapbuhay pa rin ang mga SMEs natin tapos iyong delivery rin may hanapbuhay pa rin iyong mga courier para sila naman ang nagde-deliver at no contact system po iyon kaya ho iyon po ang ating in-encourage.
At nabanggit din po ni Pangulong Duterte kahapon iyon na tulungan natin itong mga maliliit na negosyante, iyang mga may karinderya at iyong mga magdadala ng pagkain para hindi—kasi we encourage stay home, so, dapat may ganoong facility rin specially sa mga panahon ngayon na uso ang mga delivery apps.
So, iyon po ang mga opportunities sa ngayon na nakikita natin ay mas lalakas pa.
SEC. ANDANAR: All right. CabSec, so, nabanggit na puwede iyong delivery. So, isang ordinaryo na restaurant ay puwedeng gumawa ng serbisyo na puwede ang delivery. Ang tanong kasi diyan ay papaano naman sa policy side, kasi kung wala pang delivery boy iyong isang restaurant dahil restaurant na nga siya pero ngayon gusto niya ng mag-delivery service kasi gusto niya ring makatulong, maka-deliver ng pagkain. Ano po ang kailangan? Kailangan ba ng permit mula sa DOTr? Anong mga requirements ang kailangan nating ibigay doon sa may-ari ng restaurant para makapag-deliver siya at papaano papasok ng trabaho iyong cook? Paano papasok ng trabaho iyong delivery boy, kasi siyempre saan sila magluluto kung hindi sa restaurant?
SEC. NOGRALES: Well, so, tingnan natin sa perspektibo ng ating mga law enforcers kasi sila naman ang mag-e-enforce ng batas na ito. So, kung alam po nila at na-cascade na po sa lahat ng mga law enforcers natin na mayroon pong exemptions sa mga food production and food delivery na mga negosyo then pagdating po sa pag-check ng ating mga law enforcers kung kayo ba ay maaaring mag-report to work then ang titingnan ng ating mga law enforcers kung ano iyong nilalaman po ng ID po ninyo at kayo po ay patatrabahuin.
On the part naman ng Department of Trade and Industry at ang Department of Labor and Employment, ang titingnan naman po nila doon sa mga establisyemento na open, kung sinusunod ba iyong social distancing.
SEC. ANDANAR: Alright. So, CabSec, I know that the document, you know is a developing document, itong mayroon tayo. So, pag-uusapan natin mamaya sa IATF para mas maging klaro pa.
USEC. ROCKY: Yes. At saka Secretary kasi ang tanong din naman pagdating diyan sa delivery ng food, kasi iyong mga kompanya naman for delivery mayroon daw kasi na nagpapa-deliver pero hindi pagkain ang gustong ipa-deliver, binibili nila online. May policy po ba kayo na dapat bawal iyang ganiyan, pag-order ninyo online dapat pagkain lang talaga or gamot. Kasi nagrereklamo po iyong iba na inuutusan daw sila noong mga kompanya na magtuloy kayo na mag-deliver pero iba daw po iyong mga pinapa-deliver, mga kung ano-ano lang hindi ganoon ka-importante.
SEC. NOGRALES: Ang usapan namin doon sa ating IATF is iyong pinaka-essentials lamang, iyon po ay ang pagkain at medisina. So, iyon lang po iyong ating bibigyan ng permiso na sila po ay makapag-deliver.
SEC. ANDANAR: Alright. Maraming salamat, CabSec Nograles. Balikan po natin ngayon sa Baguio City kaugnay pa rin sa public transport suspension sa siyudad kasama si Rachelle Garcia. Rachelle, come in.
RACHELLE GARCIA/PTV 4 BAGUIO CORRESPONDENT:
(SITUATION REPORT)
Samantala, isa po sa pinaka-apektado ngayon na small business dito po sa Baguio City ay iyong mga nagpapa-upa po ng mga bisikleta partikular po dito sa aking kinaroroonan ngayon dito sa Burnham Park. At kasama ko nga po ngayon si Kuya Michael, isa po sa mga nagpapa-upa ng bisikleta dito sa Burnham Park at sabi niya, lubha nga raw po silang naapektuhan iyong kanilang kita sa pang-araw-araw dahil sa loob ng isang buwan ay suspendido po iyong operasyon nila rito. At mayroon po siyang katanungan partikular nga po kay Secretary Ramon ng DTI. Kuya ano po iyong inyong katanungan kay Secretary?
KUYA MICHAEL: Kung ano po iyong—kasi isang buwan po kami magsasara, ano po iyong kaya nilang itulong sa amin na walang trabaho ngayon? Iyon lang po.
SEC. ANDANAR: Okay. Sec. Mon?
SEC. LOPEZ: Sa ngayon ho na ini-encourage—na marami hong sara in general, ang walang trabaho ho, ang atin pong gobyerno depende po sa magbibigay ng ayuda, at least ang Department of Social Welfare and Development, sila po iyong unang magbibigay din ng mga ayuda doon sa mga wala talagang hanapbuhay, no work no pay o iyong negosyo ay nagsara sa panahon nitong one month.
After this at pag balik na tayo sa mga economic activities, ang DTI rin mayroon namang puwedeng pautang para sa pagsimula uli or pag-restart ng inyong negosyo. So, naglaan po kami ng one billion pesos under sa pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso ni Pangulong Duterte para ho magbigay ng low interest, no collateral na pautang, micro-financing po ito para ho sa inyo na mga naapektuhan po dito sa COVID-19.
RACHELLE GARCIA/PTV 4 BAGUIO CORRESPONDENT: Okay po. Mayroon pa po ba kayong nais na idagdag o kahilingan po sa gobyerno, kuya Michael?
KUYA MICHAEL: Kung mayroon man silang maitutulong sa amin na walang trabaho, okay lang naman po sa amin kahit kaunting tulong lang… na walang trabaho sa amin ngayon dito. Iyon lang ho.
RACHELLE GARCIA/PTV 4 BAGUIO CORRESPONDENT: Secretary Ramon?
SEC. LOPEZ: Oho, aside from iyong nabanggit po natin na micro-financing mula ho sa DTI Small Business Corporation, ang isa pa hong tulong ay puwede hong mapahatid ng DOLE, ang Department of Labor dahil sila po ang nagsabi na mayroon silang insentibo para doon sa mga walang trabaho, mabigyan lang kahit ng minimum wage itong buwan na ito. So, mayroon po silang mga programang ganiyan na itutulong sa ating mga kababayang naapektuhan ng COVID-19.
RACHELLE GARCIA/PTV 4 BAGUIO CORRESPONDENT: Maraming salamat po, Secretary Ramon. Maraming salamat, kuya Michael.
Samantala, sa kasalukuyan ay nananatili pong COVID-19-free ang Baguio City. Iyan po ang latest, mula dito sa Baguio City, Rachelle Garcia para sa bayan.
USEC. ROCKY: Maraming salamat sa ating kasamang si Rachelle Garcia ng PTV Baguio.
SEC. ANDANAR: Binabaha tayo ng mga questions from the Philippine News Agency Kris Crismundo. CabSec Nograles: if there is a suggestion to declare holiday na lang during the quarantine period then government can give companies tax breaks para iyong tax gawing pambayad sa mga workers. Can the government afford to do that po?
SEC. NOGRALES: Hindi ito holiday, hindi rin natin puwedeng i-classify as holiday ito pero nasa state of calamity po tayo. So, siguro para maliwanag sa ating mga kababayan, isipin na lang po natin na kumbaga tinamaan po ng kalamidad ang buong Luzon. So, dahil sa kalamidad na ito isipin na lamang po ninyo, ‘pag may nangyari pong mga kalamidad sa ating bansa or sa ating lugar or ating probinsiya. Hindi po ba walang trabaho dahil po may kalamidad tayo?
So, iyon po ang isipin natin, na may dumating po na kalamidad kaya po nasa state of calamity tayo kaya iyong lahat ng mga adjustments na kailangan nating gawin ay gagawin natin under this state of calamity. Kaya po ang panawagan po namin paulit-ulit: Bahay muna, buhay muna.
SEC. ANDANAR: Alright. Thank you CabSec Karlo. Ngayon naman diretso tayo sa Philippine—Okay, go. Yes, yes.
SEC. LOPEZ: Mula po sa economic cluster headed by Sec. Domiguez, nag-announce po siya kagabi na mayroon pong twenty seven billion peso package. Pinagsama-sama ho ang lahat ng tulong ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para ho dito sa COVID-19 affected businesses pati ho ang ating mga kababayan. May mga nakuwento ho natin kanina sa mga workers.
SEC. LOPEZ: So ang kailangan pong maibigay ay itong mga ibang ayuda. We are trying to work also on deferring some of the cost, tulad ng payment ng mga utility bills, tulad ho amortization ng mga pautang at pagbaba ng interest cost.
So, itong sa larangan ng bangko, ito naman po ay wino-work out natin with BSP Governor Diokno para po matulungan tayo sa bangko na magbigay ng mga ganitong mga pagpapaluwag o regulatory relief. At mayroon na ring mga utility companies na nag-declare na idadasog nila yung payment, wala hong due payment muna ngayon at ipinostpone nila ang payment.
USEC. IGNACIO: Secretary Lopez, galing po ang tanong kay Tina Panganiban-Perez, kay Maricel Halili at Tina Mendez: Maglalagay daw po ba ng food lanes at color coding for food? Salamat po.
At ang cargoes po daw galing suppliers abroad makakapasok ba daw, paano po ang pending sa BOC may door to door delivery po ba iyon? Ang food manufacturing sector open po ba, marami pa ring mga concerns sa mga drivers, vendors na arawan ang kita at papaano po sila matutulungan?, from Liela Salaveria; at iyong supply po ng ating alcohol, sanitizers?
SEC. LOPEZ: So lahat po iyan ay tuloy, maganda po dito sa patakaran natin ngayon pinanatili po ang mga business na napakaimportante tulad ng pagkain at saka iyong mga gamot, even iyong cargo dapat din po tuloy-tuloy.
Ngayong umaga nagkaroon po ng maraming tawag at text sa akin, mayroon pong mga nahihirapang tumawid sa checkpoint, iyong iba ipinagbabawal, siguro po tawagin nating birth pains ito na hindi pa siguro nagkalinawan sa baba sa check point. Pero iyon po ay maayos po in due time na mabilis po natin mapaparating na dapat po i-allow ang cargo para nga po hindi tayo magkaroon ng shortage sa mga supply.
So, para po hindi tayo magkaroon ng shortage sa supplies napag-agreehan po kahapon na ang cargo tuloy-tuloy lalo na dito sa susuplayan na mga manufacturing company para sa pagkain, pharmacy at iba pang basic necessities. So ngayon lang nagkaroon ng aberya, pero sino-solve po natin iyan para maging tuloy-tuloy na po ang flow ng cargo kahit mula sa ibang bansa, pagdating sa port, sa Customs pati po dito sa by land, sa checkpoints, dapat po tuloy-tuloy iyong cargoes dahil kung hindi po palalagpasin ito alam naman natin, hindi makaka-produce at baka mag-shortage tayo. Kaya ngayon, actually since ang polisiya natin tuloy-tuloy ang cargo, hindi dapat mag-alala iyong mga kababayan natin na magkakaroon tayo ng shortage. Ang supply will be stable and prices will be stable dahil allowed po natin iyang movement of cargoes.
USEC. IGNACIO: Yes po, kasama daw po diyan iyong—from Arianne naman po of ABS-CBN online, kung kasama daw, Secretary iyong mga farmers, iyong mga may dalang agricultural products?
SEC. LOPEZ: Opo, lalo na po pagkain po iyon, unhampered, tuloy-tuloy po. Wala pong pipigil dapat—che-checkpoint lang sila pero pag nakitang kargamento po iyan lalo na mga pagkain na nakalagay sa truck or sa jeep at binabiyahe po dito – iyong madalas nating nakikita – allowed po iyon.
SEC. ANDANAR: Alright maraming salamat, Sec. Mon at magandang tanghali muli sa lahat ng nanunuod po sa atin dito sa ating Laging Handa Public Briefing #Laging Handa Ph, binabati din po natin lahat ng mga nanunuod sa atin sa pamamagitan ng live streaming sa pamamagitan sa ating mga facebook accounts, sa lahat po ng Presidential Communications Operations Office, Radyo Pilipinas, ganundin po sa Philippine Information Agency, PTV Network at gusto ko rin pong batiin ang ating mga kababayan na nanunuod po sa DZMM at sa kanilang Teleradyo, sa DZRH at dito po sa prime stations and other KBP members stations. Ngayon naman po dumako tayo sa Philippine Broadcast Service, Radyo Pilipinas Uno Dennis Principe, come in, sir.
DENNIS PRINSIPE: Salamat Secretary Martin and Usec. Rocky at patuloy po ang pag-ikot po ng ating mga Radyo Pilipinas reporters para malaman ang mga sitwasyon sa iba’t-ibang lugar ng ating bansa at ang isa po diyan ay ang munisipalidad ng Lagonoy, Camarines Sur na kung saan isinailalim na po sa state of calamity simula kagabi matapos ideklara ni Pangulong Duterte ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
NEWS REPORT
DENNIS PRINSIPE: Samantala, entry at exit point sa Pangasinan maigting na imo-monitor ng PNP at AFP sa pakikipagtulungan ng PDRRMO at LGU upang makasigurong hindi makakapasok ang COVID-19 sa nasabing probinsiya.
NEWS REPORT
DENNIS PRINSIPE: Samantala, mahigpit na checkpoint ipinapatupad sa Dagupan City para masuri ang mga papasok sa Lungsod kontra COVID-19.
DENNIS PRINSIPE: Maraming salamat. At iyan po ang mga sitwasyon na kasalukuyang ginalugad ng atin pong mga reporters dito sa Radyo Pilipinas. Samantala, balik po muna tayo sa inyo, Sec. Martin at Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Salamat, Dennis Prinsipe mula po sa Radyo Pilipinas 1. Bigyan daan naman natin ang pinakahuling balita mula sa Cainta, diyan sa Marcos Highway. Kasama natin si Karen Villanda ng PTV. Karen?
KAREN VILLANDA: Secretary, Usec., slowly but surely ang sitwasyon dito sa Marcos Highway. Mahaba ang pila ng mga sasakyan dahil dito sa checkpoint ng mga nagmumula sa Rizal papasok nga sa Quezon City, Cainta at Marikina. Pero upang mas mapabilis ang usad ng pila, hiwalay iyong pagtsi-check ng mga dokumento upang siguraduhin kung sila ba ay nagtatrabaho o may importanteng pupuntahan doon sa sinasabi nilang lugar. At iba naman iyong pila iyong sa nakapasok dahil kinakailangan pang muling i-check iyong kanilang temperatura upang siguraduhin sila ay hindi nilalagnat.
Dahil ipinatupad na nga ang Enhanced Community Quarantine, naghigpit na sa bawat entry point na lugar. Halimbawa na lamang kung makalagpas ka sa checkpoint na ito, kung liliko ka pa ng Marikina, may panibagong checkpoint ulit; at sa kabila naman, patungo ng Cainta, panibagong checkpoint ulit. Bagama’t mahaba nga ang pila ng mga sasakyan, pinauuna naman ang mga naka-ambulansiya o di kaya’y may emergency.
Bukod sa ambulansiya, may nakaantabay din ditong tauhan ng Bureau of Fire Protection upang tumulong sa rescue. Halimbawa na lamang kung may na-identify na nilalagnat sa mga tsinitsek ng uniformed personnel, sila ang magdi-disinfect sa tao para sa precautionary measure. Ayon sa BFP, hindi pa ito makukunsidirang person under monitoring dahil maaaring dala ng init ng panahon kaya naging mataas ang kaniyang temperature, kaya pinagpahinga muna ang mga lumalagpas sa 37.7. Ayon sa BFP, DOH ang magsasabi kung ang isang tao ba ay person under monitoring.
Sa harap naman ng kanseladong pampublikong transportasyon, Usec., Sec. Martin, may katanungan itong ating mga kababayan na namumroblema nga dahil wala silang masakyan eh nag-aayos nga daw sila ng mga dokumentong pampalibing. Narito, pakinggan natin ang kaniyang pahayag:
“Paano po, katulad niyan lockdown po. Wala po kaming kasiguraduhan kung makakarating po ba kami sa pupuntahan namin. Katulad niyan Cainta po, hindi po namin alam kung paano namin maaayos ito para mailibing iyong patay.”
SEC. ANDANAR: Alright. So ngayon pong may lockdown, papaano kami makakarating sa aming pupuntahan, paano namin maililibing ang aming mga patay? Siguro ang tanong na iyan ay para kay Usec. Del Rosario.
USEC. DEL ROSARIO: Sa ngayon po ay talagang mahigpit ang kautusan na ihinto ang mass transport system. At ngayon nakikita natin ang mga problemang ganito, sa palagay ko dito tayo magkakaroon ng mga exemptions at maaari itong pag-usapan ng ating Inter-Agency Task Force na alam ko ay araw-araw naman na nag-uusap.
SEC. ANDANAR: CabSec?
SEC. NOGRALES: Siguro ang maiku-contribute ko diyan ‘no or maisa-suggest ko lang, ang enforcers po natin diyan po sa baba ay ang ating LGU. So ang maisa-suggest ko po sa inyo ay makipag-ugnayan po kayo sa inyong local chief executive kung saan man kayo naruroon. Kung may mga ganiyan pong klaseng mga exemptions na hiningi po natin tulad ng paglibing ‘no, at ngayon po ang araw ng paglibing, ay makipag-ugnayan po kayo sa inyong mayor po. Ang local chief executive, siya na po iyong tao on the ground; siya iyong ating, kumbaga, authority on the ground so siya po iyong magdedesisyon niyan.
SEC. ANDANAR: Thank you, CabSec. Bago tayo magpaalam na ay mayroon lang tayong isang—
USEC. IGNACIO: Secretary, salamat muna sa ating kasamang si Karen Villanda. Mag-ingat kayo diyan ha.
SEC. ANDANAR: Karen, ingat ka. Salamat. Ayon, from CTGM para kay Sec. Mon: Some suppliers apparently depositing checks today. So business owners forced to go to office otherwise their checks will bounce. What can DOF, BSP, DTI do about this?
SEC. LOPEZ: Pupunta sila sa office para saan? Para saan sila—
SEC. ANDANAR: Para mag-deposit ng mga tseke otherwise—mag-deposit ng pera, otherwise magba-bounce iyong tseke.
SEC. LOPEZ: Hmm. Tapos iyong opisina nila ay hindi sa open business. Well, siguro, humingi muna ng special pass para ma-allow silang makapunta sa opisina to do the necessary bank transactions; or at the worst, puwede nating ma-consider dito sa special case na ito ay magkaroon lamang ng… humingi ng parang special arrangement na ma-delay muna iyong payment. Although, I would go to the first option na ma-settle muna nila para wala nang isyu.
SEC. ANDANAR: At mayroon pa ring cases, Usec. Jonathan, na kahit na mayroon ng ID iyong health worker ay hinaharang pa rin ng mga pulis. So siguro dapat bumaba talaga hanggang doon sa PO1 ang mga requirements at ang panuntunan ng DILG.
USEC. MALAYA: Opo, Sec., inaayos na po namin iyan ngayon. Ongoing na po ang meeting ng Joint Task Force COVID-19 led by General Eleazar para po maibigay nang tama iyong mga panuntunan natin.
Humihingi po kami ng paumanhin. Ako na po ang humihingi ng paumanhin sa ating mga kababayan, these are birth pains; these are first day kinks. Aayusin po natin iyan. Ngunit the message the government would like to send to our people is bahay na muna po tayo kung hindi naman po tayo kasama doon sa mga exempted; and health workers po ang nangunguna sa exemption.
And Sec. Martin, gusto ko lang sagutin nang maayos iyong mga tanong nung iba na ano ang tulong ng pamahalaan sa mga tao na hindi makakapagtrabaho ngayon. Unang-una po, ang first responder will be your local government unit. Paulit-ulit pong sinasabi ng ating Pangulo iyan kahapon sa kaniyang address na, ‘Mayor at barangay kapitan, galingan ninyo ang inyong trabaho.’
For example po sa Lungsod ng Maynila, si Mayor Isko ay nag-allocate na po siya ng 220 million mula sa budget ng kanilang lungsod para sa pakain, para sa nga hand sanitizer para sa kaniyang mga kababayan. So makakaasa po ang mga tiga-Lungsod ng Maynila na makakatulong.
Sa Parañaque po, mayroon pong social amelioration ang Lungsod ng Parañaque. Isanlibo po iyan para sa mga indigent families, cash na kanilang ipamimigay. So ang immediate tulong po na maibibigay ng gobyerno is through LGU. At mamaya po ay papasok na rin si DSWD, papasok na si DTI, papasok na po iyong iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para i-augment iyong pangangailangan ng mga local government units.
So again, we encourage the local government units. Kanina may report po tayo sa Lagonoy, Camarines Sur, the reason why they already declared a state of calamity para magamit na po nila iyong kanilang quick response fund. Pero hindi po kailangan magdeklara na iyong mga nasa Luzon kasi po, because the President already declared a state of calamity for the entire Luzon, puwede na pong gamitin iyon ng ating mga LGUs as legal basis para po makabili na ng mga pagkain at mga pangangailangan ng kanilang mga constituents even without passing their respective ordinances.
But of course, if they wish to do so, maganda rin po iyon para po maliwanag iyong amounts and the other details na kakailanganin po nila when they do their social amelioration program para nga po matulungan ang ating mga kababayan na ngayon ay nasa home quarantine.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Usec. Malaya. Secretary Andanar, may tanong po sa inyo ang ating mga kaibigang media from Mindoro at saka sa iba pang mga lugar. Ano daw po iyong guidelines ng PCOO sa local media? Kasi sa ngayon daw po ay puro NCR lang po daw ang nag-a-apply pa. Papaano daw po ang gagawin nilang sistema?
SEC. ANDANAR: Actually, Rocky, ang guidelines ay para sa buong Luzon. Kagaya ng mga guidelines nung binasa ni CabSec Karlo Nograles kagabi iyong guidelines nitong Enhanced Community Quarantine, sakop lahat ng Luzon. So nasa discretion rin ng ating News and Information Bureau, Director Gigi Agtay dahil siya ang namamahala ng International Press Center na ito naman ang gumagawa ng mga IDs. Nasa kaniyang discretion kung sino sa mga media workers iyong talagang frontline, iyong talagang critical iyong mga trabaho.
So I guess, we will also need the cooperation of the owners of the media companies kung sino talaga iyong pinakakailangan doon sa kanilang operation—pero hindi naman natin sinasabi na hindi bibigyan lahat ng media workers. Bibigyan natin lahat as long as mayroong, number one, mayroon pong letter mula sa inyong mga companies; at number two, mayroon po kayong passport size na litrato. I understand na sarado na iyong mga nag-iimprenta ng mga photos, iyong mga Kodak center, etc., sarado as of this time. So puwede na pong softcopy ang ipadala ninyo. Isang letter lang ho, nakasulat lahat ng mga pangalan ng mga gustong ninyong bigyan ng exemptions tapos ipadala ninyo po sa International Press Center. Binigay ko na po iyong mga detalye sa inyong mga opisina.
At gusto ko rin pong pasalamatan ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at National Press Club dahil sila po ay tumutulong ngayon sa IPC.
USEC. IGNACIO: May isa pang tanong Secretary. Kasi iyong crew ng PTV at ng iba pang media, iyong government media natin, medyo hinaharang din sila. Kailangan din ba daw na magkaroon ng special pass ang ating government media?
SEC. ANDANAR: The next 72 hours, iyon ang usapan natin with DILG at in-announce iyon ni CabSec Karlo na walang harang for the next 72 hours. Ipakita lang po ang inyong mga ID. So siguro proper coordination with the Philippine National Police mula po naman kay Undersecretary Jonathan Malaya para talagang—again, birth pains ‘no. Pero I am pretty certain that by today ay maayos na ho iyan lahat.
At gusto ko ring linawin na kailangan ho talaga ay magtulung-tulong tayo, mga kasamahan natin sa media, para sa ganoon ay ma-implement natin nang husto itong mga patakaran sa ilalim po ng Enhanced Community Quarantine.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ANDANAR: So gusto rin po nating pasalamatan muli ang ating mga kasamahan na media at mga guests po natin sa studio ngayon. Maraming, maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon Undersecretary Raul Del Rosario mula sa DOTr, Secretary Mon Lopez mula po naman sa DTI. At Rocky…
USEC. IGNACIO: Kasama rin natin si CabSec Karlo Nograles at si DILG Undersecretary Jonathan Malaya.
Iyan po ang ilan sa ating mga nakalap na katanungan, nabigyan ng kasagutan ng ating mga mapagkakatiwalaang resource persons. Muli, maraming salamat po kay Undersecretary Raul Del Rosario, kay Secretary Mon Lopez, kay Secretary Karlo Nograles at siyempre kay Usec. Malaya.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat din po sa mga nakasama natin mula kahapon pa, ang Philippine Information Agency, Philippine Broadcast Service, Malacañang Press Corps, PTV-Cordillera, PTV-Davao at siyempre pa ang team natin mula dito sa PTV-Manila. Ako po si Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: At ako naman po si Rocky Ignacio na makakasama ninyo kami ni Secretary mula Lunes hanggang Biyernes.
SEC. ANDANAR: Ito po ang Public Briefing #Laging Handa PH.
##