SEC. ANDANAR: Magandang araw Pilipinas; higit lalo sa lahat ng nakatutok sa telebisyon, radyo at online hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Welcome po sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Muli na naman pong magkakatipon-tipon ang mga kinatawan mula sa piling ahensiya ng gobyerno, mga opisyal ng iba’t ibang lokal na pamahalaan at mga miyembro ng media upang talakayin ang mga mahahalagang impormasyon at mga hakbangin upang masugpo ang COVID-19 sa bansa.
Sa ngalan po ng People’s Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service and its Radyo Pilipinas Network nationwide at ang Crisis Communications Team natin, Radio Television Malacañang, sa pangunguna ng Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: At mula pa rin sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio. Lahat po tayo ay may pakialam pagdating sa mga usapin patungkol sa COVID-19. Sa programang ito po ay bibigyan natin ng pagkakataon ang ating mga kababayan na mailahad ang kanilang mga saloobin pagdating sa health crisis na kasalukuyan po nating nararanasan.
SEC. ANDANAR: Basta’t sama-sama at laging handa kaya natin ito; kaya naman bayan, halina’t samahan ninyo kami uli sa Public Briefing #LagingHandaPH.
USEC. IGNACIO: Public Briefing #LagingHandaPH.
SEC. ANDANAR: All right Rocky, another busy day today at ang ating mga makakasama dito sa studio ay magiging mahalaga para sa ating mga kababayan dahil sa sila’y mga eksperto sa kani-kanilang mga field.
USEC. IGNACIO: Opo, at patuloy pa rin tayo Secretary tumatanggap ng tanong mula sa ating mga kaibigan pa ring media. Pasalamatan po natin si Joey Francisco ng Radyo Singko ng TV5-Aksyon; at si Haydee Sampang ng FEBC-DZAS na naka-hook up na rin po sa atin.
SEC. ANDANAR: At maya-maya ay batiin din natin lahat ng mga members ng KBP stations na naka-hook up din sa atin.
USEC. IGNACIO: As of earlier today, March 24, 2020, mayroon na pong 501 na kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan labingsiyam na pasyente na ang naka-recover at tatlumpu’t tatlo ang kabuuang bilang ng mga nasawi. Tugon naman po ng DOH, ang Pilipinas ay may kakayahan ngayon na mas mapabilis ang pag-test dahil na rin sa tulong ng mga bagong subnational laboratories sa bansa.
SEC. ANDANAR: Samantala, sa pakikipagtulungan sa DILG ay naglunsad po ng COVID-19 Hotline ang Department of Health at bukas po ito sa lahat ng callers nationwide. Tumawag lang sa (02)8942-6843 o (02)894-COVID o para po naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscriber, i-dial pong muli ang 1555; upang maging updated po sa mga hakbangin ng pamahalaan kontra COVID-19 ay magtungo sa COVID-19 portal na kamakailan ay inilunsad po ng PCOO. Bisitahin po ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Naka-hook up din daw po ang Bombo Radyo, Secretary.
SEC. ANDANAR: Bombo Radyo, nandiyan din iyong ating UNTV Radio, nandiyan din ang Radio Pilipino nandiyan din, so napakadami.
USEC. IGNACIO: DZBB at GMA News TV at DZMM, salamat po.
SEC. ANDANAR: All right. Samantala makakasama po natin sa pagbabalita sina Alexia Tinsay ng Philippine Information Agency, good morning; Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service; si Breves Bulsao(?) mula po naman sa PTV Cordillera; Julius Pacot mula sa Davao City, maayong buntag diha sa Davao; at si Allan Francisco mula sa Quezon Memorial Circle.
Ngayong araw, atin ding makakasama live dito sa studio ang ating mga resource persons – sina Undersecretary Dodo Dulay ng Department of Foreign Affairs; nandiyan din po si Dr. Rabi Abeyasinghe ng World Health Organization at Representative po siya ng WHO dito po sa bansa; at si General Guillermo Eleazar ng Philippine National Police. Maya-maya lang, makakasama din natin si Usec. Maria Rosario Vergeire ng Department of Health live din mula sa kanilang tanggapan.
USEC. IGNACIO: Mamaya naman po, makakapanayam din natin si Mayor Roderick Alcala ng Lucena City sa Quezon. Kasi kailangan din nating alamin kung ano ba iyong mga kailangan pa nila doon sa kanilang lugar, Secretary. At least kasama rin natin dito iyong mga kinauukulang ahensiya o kagawaran para tugunan iyong kanilang mga pangangailangan.
Balita muna tayo. Binigyang-diin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang kahalagahan ng pagpasa ng Senate Bill No. 1418 o ang ‘Bayanihan to Heal as One Act’ na siyang naglalayong magbigay ng kalayaan sa Ehekutibo na gamitin ang nararapat at sapat na pondo para harapin ang problemang dulot ng COVID-19 sa bansa. Binigyang-diin ni Senator Go na sinusuportahan niya ang panukalang ito dahil kailangang ibigay ng mga mambabatas ang kapangyarihan sa Ehekutibo para mapalawak pa ang kapasidad nito na tugunan ang problema basta mga paraan na gagawin ay sumusunod sa Konstitusyon at sa iba pang umiiral na batas.
Nanawagan rin ang Senador na bigyan ng prayoridad ang pinaka-nangangailangan at pinakamahihirap na Pilipino. Hinikayat niya ang DSWD, DTI at ang Department of Agriculture na gawin ang nararapat para matiyak na nabibigyang kalinga ang mga informal economy workers. Kailangan din anyang bigyan ng pansin ang mga pangangailangan ng healthworkers na tumatayong frontliners sa paglaban sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Samantala, Philippine General Hospital o PGH magsisilbing COVID-19 referral center. Tinanggap ng PGH ang request ng Kagawaran ng Kalusugan na maging COVID-19 referral center ang ospital. Nangangako naman ang PGH na maglalaan ng 130 na higaan para sa mga COVID-19 patients. Samantala, magsisilbing referral center din ang Lung Center of the Philippines at Jose Rodriguez Memorial Hospital.
USEC. IGNACIO: Samantala sa iba pang balita, suportado ng mga ospital at doktor sa Lalawigan ng Cebu ang pagpapatupad ng 24-hour curfew para sa mga senior citizens at menor de edad. Ito’y para maiwasan ang higit pang pagkalat ng COVID-19.
SEC. ANDANAR: Patuloy po ang ating paalala mga kababayan na maging mapanuri sa lahat ng impormasyon na ating nababasa online. Hindi po lahat ng nakikita online ay totoo. Marami po dito ay fake news, kaya naman ugaliin po ang pag-verify sa official at lehitimong news organization.
USEC. IGNACIO: Mamaya makakausap natin si General Eleazar para i-update tayo tungkol diyan sa—naku nakakainis naman iyong mga iba pang… wala nang magawa, nagpapakalat pa ng fake news.
Samantala, sa patuloy na paglago ng bilang ng positive case at mortality rate sa bansang Italya, kumustahin po natin ang dalawang Pilipinong naninirahan sa capital city nito sa Rome. Makakasama natin sa via Mix, sina Zenaida Villanos Baro mula sa Valmont, Rome at si Billy Ray Costales na nasa Masimina, Rome. Magandang umaga po sa inyo, kumusta na po kayo?
MS. BARO: I’m okay, mabuti kami.
MR. COSTALES: Magandang umaga din po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Kasama po natin ang DFA dito. Mayroon po ba kayong nais iparating sa kanila? Ano po iyong nais ninyong ayuda na ibigay sa inyo ng gobyerno? Napakalayo ninyo po, nasa Italya kayo, kami dito sa Pilipinas, ang tangi lamang po naming maibibigay na tulong sa inyo, maipaabot ninyo sa mga kinauukulan dito sa Pilipinas ang mga pangangailangan ninyo.
MS. BARO: Well actually I’m not sure if I will be talking for the rest of the Filipinos… because this is the worldwide event [choppy] each one is saving his own life. So locally we are protected by the government, because Italy is one of the worst in the world in the sense that we are also locked down right here. Now maybe the most worry of the Filipinos living in Italy are their families [left] behind in the Philippines. So that should be their first, because if we are under lockdown, we don’t work and I’m not—there are banks that were not open so paano sila makapadala ng pera? So maybe if the Philippine government could also include them in your tulong, then maybe that will alleviate the worries.
SEC. ANDANAR: Alright. Usec. Dulay, sir…
USEC. DULAY: Ma’am, kumusta na po kayo diyan at ng ating mga kasamang mga Pilipino diyan sa lugar po ninyo sa Rome; ano po ang morale nila ngayon, sila po ba ay matibay naman po ba naman ang loob na na sinasalubong itong pagsubok na ito diyan po sa Rome?
ZENAIDA BARO/ITALY: Sir good morning, it’s 4:00 AM in Italy and I’m sure that the people in Rome are not—you can see in the data that we are not really hit by the COVID virus; it’s actually the Northern part. So most of the Filipinos are still going to work because many of the Filipinos in Italy are working in their home, with their employers. So, I hope the Italian government can see it as a basic necessity, so that is why they continue working but there were also lot of Filipino working in restaurant and hotels and obviously they are the one that are suffering, they stopped working.
Now, as far as—you know the emotions and the spirit concerned, I’m sure we are on the same boat; but our fear because of the daily deaths that we see on the record ‘no – three days ago we have 793, two days ago we have 659, then today we have 601. I mean the government is positive that it will continue getting down, once the death and the infected people will get down… the data will get down, so it will affect also on our… how we feel.
USEC. DULAY: Sir Billy kayo naman po, mayroon po ba kayong mga concern diyan o katanungan na gusto po ninyong ipa-abot sa amin?
BILLY COSTALES/ITALY: Good morning po. Tulad nga po ng sinabi ni Tita kanina, marami rin pong mga Pilipino dito ang nagtatrabaho pa rin at ang kagandahan po nito, ang mga may kontrata po tuloy pa rin ang suweldo kahit hindi po sila pumapasok. Pero karamihan din po ng mga kababayan natin dito, no work, no pay; yung mga part-timer po kung hindi po sila pumasok, wala po silang suweldo. So ang karamihan din po dito napipilitan pong pumasok, kasi wala po silang susuwelduhin.
Ang iniisip ko po, tulad din po ng sinabi ni Tita kanina, iyon pong mga pamilyang naiwan sa Pilipinas na umaasa po sa magtataguyod sa kanilang pamilya na nandirito, baka po walang maipadala dahil po hindi makapagtrabaho walang suweldo. Kung mayroon po tayong tulong, mas maganda po sana make sure sana na iyong mga pamilyang naiwan ng mga OFW dito sa Italy ay matulungan po para gumaan din po ang loob namin dito.
USEC. DULAY: Maganda po iyang sinabi ninyo Sir Billy, sapagkat ngayon po habang kami po ay nandito nag-uusap na po iyong ahensiya, ang Department of Foreign Affairs, kasama na rin po ng Department of Labor and Employment and Overseas Workers Welfare Administration para po sa programa na puwede pong maibigay sa inyo hindi lang po dito sa Pilipinas, kung hindi rin po diyan sa Italya.
Ngayon po na nabanggit ninyo na maaari po palang dito mas magandang ibigay iyong ayuda dito po sa inyong pamilya, eh ito po ay ipapaabot namin kaagad sa OWWA para makapaglabas na po sa kanilang mga regional offices ng ayuda para po sa inyong mga pamilya.
USEC. IGNACIO: Kumusta naman po iyong morale ninyo diyan sa Italya, sir Billy?
BILLY COSTALES/ITALY: Dito po, nakita ko po sa mga friends ko, hindi po ganoong—kaya po naming lampasan iyong kalungkutan, kasi po sa social media marami po tayong pinagkaka-abalahan, marami po akong friends na nagti-tiktok, mga naging vloggers po – actually mayroon din po akong vlog. Pero sa likod po ngiti po naming ipinapakita sa social media natatago po iyong kalungkutan kasi dito po 790 po iyong namatay noon pong Saturday, one day lang po iyon, 790, ito ay sanhi ng hindi pagsunod ng mga tao dito sa sinasabi ng gobyerno. Kung ano po ang sinasabi sana ng mga officials, sundin na lang natin na dumami po ang bilang ng deaths, hindi lamang dito sa Italya kung hindi rin po sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Billy, magandang iyong tinukoy mo na libu-libo iyong namamatay diyan sa Italya. Siguro magandang inanunsyo mo muli sa ating publiko, dahil parang mayroon ding mga pasaway na mga kababayan natin dito sa Pilipinas, siguro hindi naniniwala na delikado itong sakit na COVID-19. Ikaw mismo nandiyan ka at grabe ang patay diyan sa Italy, napakadaming under investigation na pasyente, positive na sa COVID-19. Baka puwedeng manawagan na rin, Billy, ikaw na mismo, dahil ikaw iyong nandiyan eh.
BILLY COSTALES/ITALY: Ako po personally, two weeks na po akong hindi lumalabas ng bahay, hindi po dahil sa takot ako—takot po ako pero mas natatakot po ako para sa mga kababayan nating maaari ko pong mahawaan kung sakaling lumabas po ako at bumalik, narito po sa bahay ko ang aking misis at ang aking anak at sila po ang aking iniisip.
Sa mga kababayan ko po sa Pilipinas, umabot na po nang mahigit 5,000 ang namamatay sa Italy. Kapag sinabi pong lockdown, mag-stay at home na lang po tayo dahil [ang] pinoprotektahan n’yo po hindi lang ang sarili ninyo kung hindi po ang lahat po ng mahal ninyo sa buhay. So, kapag sinabi po sa ating mag-stay po sa bahay, sundin na lang po natin and hayaan na lang po natin na iyong mga nagtatrabaho tulad ng mga frontliners po natin na hindi nila magawang mag-stay ng bahay, huwag po natin balewalain iyong ginagawa nila.
SEC. ANDANAR: Salamat, Billy. Si ma’am Zenaida, baka mayroon po kayong mensahe ma’am sa inyong mga kaanak dito sa Pilipinas.
ZENAIDA BARO/ITALY: (dialect) Taga-Zamboanga del Norte ako. The Philippines is always, you know, medyo magulo dahil gusto nila pag sinabing ito daw ay ano… iyong martial law. The actual picture of the Italian life today, is the police, the military are roaming around to control those people who did not… you know, who ignore the law and also mga military po ang nagha-handle nung mga patay. So, we don’t consider that as martial law, it’s part of saving our lives today.
So, dapat ang Pilipinas nakikita nila, nasa Italya kami, nakikita ninyo what the number, we see the data everybody. We hope na hindi ito mangyayari sa Pilipinas, na ganito karami.
So I just would like to add also—just to give you an idea on the territorial picture of Italy, the most hit area is the northern part, it’s in the region that is between Milan, Bergamo, these are cities up north that are very hardly hit by the virus ‘no and there are Filipinos, because there are lot of Filipinos working there. I don’t know the exact data but obviously the Philippine government is in contact with our embassy and I know that there are Filipinos who died already.
So my questions, aside from this message. My question I would directly address to our DFA for my own personal curiosity that I might share to the others. Paano iyong mga namamatay dito na mga Pilipino, puwede ba sila mai-uwi, sir?
USEC. DULAY: Alam n’yo po ma’am Zenaida tayo po ay sumusunod din sa patakaran ng bansang Italya. So ngayon po ay may lockdown po kayo, so hindi po natin puwede iuwi. Pangalawa, sapagkat ito ay mga namatay dahil po sa isang infectious diseases eh ang susundan po natin ay iyong pong mga patakaran po ng Italya – kung sila po ay kailangan pong ilibing kaagad o i-cremate, iyon po ang ating masusunod lang po. So iyon po ang pakikipag-usap po ng ating embahada sa mga otoridad diyan sa Italya. Pero gusto ko lang po ipaalam sa inyo at ipaabot ma’am Zenaida, kay Sir Billy lagi po kayong makinig ay sumubaybay doon sa aming embassy at consulate na mga Facebook, Twitter, sapakagat araw-araw o silang naglalabas ng mga advisory. So, importante po para malaman n’yo po kung ano po ang ipinapaabot sa amin ng Italian government, kailangan po kayo laging sumubaybay doon sa kanilang mga web page, face book, twitter at iba pa pong social media platform. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Salamat, Usec. Salamat, Ma’am Zenaida, salamat din kay Sir Billy, mag-ingat po kayo diyan. Samantala puntahan muna natin ang ating kasama sa Baguio City.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Salamat, Brebs. Silipin natin ngayon ang mga kaganapan sa Davao City kasama si Julius Pacot.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Salamat, Julius. Puntahan naman natin ang pinakahuling ulat mula sa Quezon Memorial Circle kasama si Alan Francisco. Alan?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Salamat, Alan Francisco. Samantala simulan na natin ang ating public briefing kasama sina Usec. Dodo Dulay ng Department of Foreign Affairs, Dr. Rabi ng World Health Organization Representative in the Philippines, Lt. General Guillermo Eleazar ng Philippine National Police. Magandang araw po sa inyo.
Puntahan po muna natin si Usec. Dodo. May mga bansang nais mag-donate ng COVID-19 test kits, ano daw po ang ating criteria para hindi ito nari-reject ng Customs?
USEC. DULAY: Alam ninyo po, naglabas na po ng guidelines ang Department of Health, ang ibinigay po nila ay iyon pong idi-donate rito dapat po ay natanggap na po ng FDA po nila. Iyong kanilang Food and Drug Administration, mayroon pong certification at pagdating nga po sa test kits ang tinatanggap lang po ayon po sa circular ng DOH ay iyon pong tinatawag na RT-PCR-based test kits.
So, iyon po, kapag ipinasok po iyan, base po sa usapan namin sa Bureau of Customs – Department of Finance, kapag dumating po iyong mga PPE – kasama po dito mask, goggles iyon pong hazmat – lahat po ito papapasukin po nang mabilis sapagka’t kailangan po natin. Iyon lang pong mga equipment at iyon pong mga test kits, iyon lang po—ang kailangan pong dumaan sa pagsusuri po ng FDA. Kapag ito ay mayroon ng approval ng FDA, puwede na po itong lumusot nang mabilis po, mayroon na pong proseso kaming ginawa ngayon.
SEC. ANDANAR: All right. Para naman kay General Eleazar, mayroon po tayong katanungan mula po naman kay Rose Novenario: Ano po ang gagawin sa mga mayor at chief of police na tamad magpatupad ng social distancing?
PLTGEN. ELEAZAR: Hindi po puwedeng maging tamad at iyon po ang kautusan na ibinibigay natin.
Actually, nag-create tayo ng Joint-Task Force sa COVID Shield, ito po iyong task force created to oversee the implementation of the guidelines being given by the Inter-Agency Task Force. At kasama po namin dito, hindi lang ang PNP kung hindi pati rin ang AFP, Philippine Coast Guard, pati na rin iyong ating Bureau of Fire Protection.
Our Chief PNP, Police General Archie Gamboa, in consultation with other heads of these agencies designated me as the Joint Task Force Commander and then ito po ay replicated sa lahat ng mga regions natin kung saan itong mga regional directors, sila po iyong Regional Task Force Commanders at nandoon lahat ng agencies na ito under their supervision.
So, ang amin pong ginagawa basically is based sa guidelines na ibinibigay ng Inter-Agency Task Force, kino-convert po namin siya doon sa basic requirement natin para alam ng pulis ang gagawin nila. Aalamin natin kung sino ba iyong mga persons – those authorized persons outside of residence. At nakita po namin na halos araw-araw, dahil nga may mga updates na ginagawa ang ating Inter-Agency Task Force dahil araw-araw silang nag-e-evaluate, we are updating the list of these authorized persons outside residence na nagsisilbing ‘bible’ ng ating mga pulis; so in essence, ito ang sinusundan nila. Kaya nga ang ating purpose is really to prevent the unauthorized persons roaming around.
Well, we would like emphasis sa lahat na what we are trying to prevent or restrict here is the movement of the people who could be carriers of virus, not the cargo na ito ngayon is kailangan natin to sustain the basic needs of our people who are in quarantine. Kaya nananawagan po tayo sa lahat na tayo po ay magtulungan dito.
Ang kaunting challenge namin na nakita po, Sec. Martin and USec. Rocky, is that iyong mga guidelines na ibinibigay ng Inter-Agency Task Force dahil sa kagustuhan ng ibang mga local government executives or units eh hinihigpitan nila maige para sa kanila in the sense na nakokontra nila itong basic guidelines na ito. Iyon bang hinaharang nila pati iyong mga cargo na dapat ay freely nagmo-move doon and masyadong mahigpit doon sa mga authorized persons naman.
Kaya nga ang ating PNP, since we are the ones manning the different quarantine control points all over the Philippines, not just in Luzon, ay talagang mayroon kaming tuloy-tuloy na koordinasyon para dito at just in case mayroon kaunting problema, nandiyan po ang aming departamento na tumutulong like Secretary Año, para po plantsahin iyong hindi pagkakaintindihan ng ibang mga LGUs with the PNP knowing that our commanders in the field, the chiefs of police, provincial directors, ay under the operational control or supervision or our local government executive iyan, so napaplantsa po natin iyan. At for the past seven days, one week na po tayo, nakita naman natin iyong ating improvement na nakikita sa pagpapatupad nito, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: All right, General. Mayroon po tayong tanong para kay Dr. Rabi: Which is more contagious or who can spread the infection to others more, the asymptomatic or the symptomatic positive cases?
DR. ABEYASINGHE:We have reiterated over and over again that this disease is transmitted largely by symptomatic people. The evidence that asymptomatic people are transmitting this disease is very weak. In our estimate, almost 90% of the disease is transmitted by symptomatic people and so, we need to focus expressly on those symptomatic people to maximize the benefit of the Enhanced Community Quarantine that is now being implemented.
SEC. ANDANAR: All right. Rocky?
USEC. ROCKY: Question for Dr. Rabi: There are reports from Italy and South Korea that the loss of taste, smell, is an indication that one has contracted the virus. Has the WHO looked into this; should the DOH also consider these symptoms in testing patients?
DR. ABEYASINGHE: We have heard of these reports, these have not yet been confirmed. The focus should be on the key clinical features of this disease which is largely acute respiratory infection accompanied by fever and sore throat. So, clear focus on these symptoms will be very useful in the identification and especially the isolation of people with symptoms.
May I make this opportunity—use this opportunity to reemphasize that people with those symptoms must practice physical distancing, isolate themselves from other family members and the use of mask is recommended only for those people and healthcare workers at this point of time.
USEC. ROCKY: Okay. Second question, Dr. Rabi: There is no medicine for COVID-19. What happens then to an asymptomatic carrier if he isn’t tested or seen by doctors? Will he just shed off the virus?
DR. ABEYASINGHE: So… there are many reasons why we test people and in the situation that the Philippines is right now, our recommendations are that the limited testing that is available be used to strengthen the testing of people who are symptomatic with severe disease. And also we use the testing to test people who have pneumonias and acute respiratory distress syndrome.
This information is useful not only to confirm the infection in the people suffering the disease and to improve their management but more importantly, this information needs to be used quickly for contact tracing and isolating people at high risk to limit further transmission. This is the way we can maximize now the benefits that are cured by the Enhanced Community Quarantine.
So our recommendations now is to prioritize testing for people with severe pneumonia and acute respiratory distress syndrome in addition to those people with symptoms of severe disease and on the line (unclear) and the elderly.
SEC. ANDANAR: All right. Balikan po natin ngayon si General Eleazar. Sir, mayroon pong tanong ang ating mga kababayan at mayroon din tanong ang ating mga kasamahan sa media at ang isa nga diyan ay: Since kayo po iyong head ng Task Force COVID Shield, iyong mga kasamahan ninyo po na mula sa ibang ahensya tulad ng… halimbawa, galing sa Armed Forces of the Philippines, baka hindi po naka-cascade sa kanila iyong kina-cascade po ni Chief PNP Gamboa. Halimbawa na lamang sa media, nagbabago-bago po iyong ating direktiba mula sa IATF. So, papaano po natin sosolusyunan? Kasi kanina si Will Delgado ng RMN ay naharang doon sa Pasig tapos noon binasa iyong IATF directive ay iyon po iyong luma na, hindi po iyong bago.
PLTGEN. ELEAZAR: Well, una po, kasama—bahagi ang lahat ng ibang ahensya sa ating joint task force at araw-araw ay nagmi-meet po kami and then we have created this efficient na Viber group natin for immediate action doon sa mga concerns. At tama po iyon, mayroon tayong mga—kaya nga ina-update po natin and through Viber nakakarating po sa kanila ito.
Actually, ang nakikita po natin sa field na problema nga is iyong… for example, iyon pong iba nga na mga eagerness ng ibang LGUs or pati rin ng mga barangay na nagsasagawa ng sarili nilang patakaran, pero ito naman po ay naaayos natin dahil nga sa immediate coordination na ginagawa ng ating joint task force.
Ang atin pong Chief PNP ay talagang nakatutok dito at laging nagbibigay ng direktiba sa atin pong mga personnel dahil in essence, sinasabi ko nga po, lahat ng ng checkpoints natin or controlled points, PNP po ang nagma-man diyan at mayroong ibang critical areas na kasama natin iyong other agencies.
But we would like to assure na may control po tayo diyan, lamang may mga sinasabi nating kaunting confusion kasi iyong ibang sumbong na po kasi ay nade-delay daw or nahaharang sila. Automatic po iyon dahil isa-subject natin sila sa health protocol. Kahit pa cargo trucks iyan even though sinasabi natin na naglagay tayo ng mga fast lane diyan ay lahat po naman iyan ay paparahin pa rin, iche-check iyong temperature. Pero lahat ng cargo, may laman o wala, naghatid o pabalik, lahat po iyan palalampasin and all the authorized persons outside residence or iyong “APOR” na tinatawag natin ay iyan po ay pinalalampas lalo na itong mga health workers dahil kailangan sila sa kanilang mga lugar.
USEC. ROCKY: May tanong po si Junry Hidalgo: Papaano naman daw po iyong mga HIV patients na kailangan regularly nagpapa-check-up?
PLTGEN. ELEAZAR: Well, klaro po na lahat ng ating mga kababayan na magsi-seek ng medical attention, pupunta ng ospital ay papayagan po iyan. So kasama po iyan. Kaya nga po ang sinasabi natin sa ating mga kapulisan aside from itong sinusunod natin na talagang specific na mga list of authorized persons ay nandoon iyong aming direct coordination. But bandang huli, eh talagang kasama doon, use your common sense.
Anyway, mayroon pa kaming direct linya naman po sa bawat isa sa atin upang itong mga immediate action—by the way po, doon sa aming Viber group, iyong mga senior members po ng department concerned, kasama namin. Kaya nga ang nangyayari doon, kapag mayroong concern sa kanila, ibabato kaagad doon and the provincial director or city director anywhere in the Philippines can immediately act on this, while the regional directors and the DPIO, the Director for Police Integrated Operation, are monitoring and supervising for immediate action.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, General Eleazar, Dr. Rabi at Usec. Dulay. Babalikan namin kayo maya-maya lamang. Samantala, sa pagkakataong ito ay bibigyan naman natin ang mga katanungan na nakalap ng Philippine Information Agency para sa ating mga bisita ngayong umaga. Mula kay Alexa Tinsay ng Philippine Information Agency. Go ahead, Alexa.
ALEXA TINSAY: Mayroon po tayong VTR question mula kay Lovi Leslie Valenzuela, ang konsehal ng bayan ng Pulilan, Bulacan. She’s asking: “How can the local government help and cooperate with your organization in this COVID-19 problema?” Panoorin po natin ito.
COUN. VILLANUEVA: Ano pa po ang puwede naming maitulong na mga konsehal ng bayan ngayong ipinatutupad ang Luzon Enhanced Community Quarantine? Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: General Eleazar, iyan ay para sa’yo.
PLTGEN. ELEAZAR: Unang-una po, tayo pong lahat, ang basic purpose ng quarantine ay mag-stay sa bahay. So alamin po natin, ano po ba tayo, tayo po ba ay authorized lumabas o hindi? Kung hindi, mag-stay po tayo ng bahay; at kung tayo naman po ay exempted person dahil sa nature ng ating job, una, alamin natin ang ating kundisyon: Tayo ba kung lalabas ay nasa tamang kundisyon? Kung tingin natin ay may lagnat, masama ang pakiramdam, huwag na tayong lumabas.
Ngayon, kung lahat naman po, kung okay po tayo na puwedeng lumabas, dalhin ang tamang dokumento. Ngayon po, in the absence of designated or prescribed ID or pass, basic ID will do para po mas madali ang ating magiging proseso kapag kayo po ay nasa labas.
Remember, ito pong sakripisyong ginagawa natin na ito, lahat tayo ay nagsasakripisyo – ako, ikaw, lahat po tayo, pati ang ating pamahalaan. Ngayon lang nangyari ito. Hindi natin ma-imagine itong ating sitwasyon ngayon. Sana man lang sana, iyong gusto nating adhikain na makamit natin sa paghihirap at pagsasakripisyo natin ay makamit dahil sayang kung in spite of our difficulties or paghihirap, hindi natin makakamtan iyong gusto natin na ma-control itong virus na ito.
So ang atin pong pakiusap sa lahat: Ang inyo pong maitutulong, maging responsable kayo, mag-stay kayo ng bahay at huwag nang makipagsiksikan pa sa mga lugar kung saan ito ay nagiging problema sa pag-i-implement ng mga guidelines na ating ipinatutupad. Salamat po.
SEC. ANDANAR: Alexa?
ALEXA TINSAY: Ang sumunod naman po na tanong ay tungkol rin po sa tungkulin ng barangay. Ang tanong po ay mula kay Alex Molas, community leader mula sa Isabela, Basilan. Panoorin po natin ito.
ALEX MOLAS: Ano ho ba ang mahalagang tungkulin ng isang barangay LGU para sa pagsugpo o sa pag-control o sa pag-monitor ng COVID-19?
PLTGEN. ELEAZAR: Ang dapat pong gawin ng ating mga barangay, like mga barangay tanod, ay tumulong kayo para sa inyong lugar na nasasakupan ay mapaalalahanan itong mga kababayan natin na mag-stay ng bahay.
Ang atin pong pulis, usually atin pong binabantayan itong mga quarantine control points. Hindi namin po puwedeng puntahan lahat ng sulok at lugar ng ating mga komunidad, kung kaya’t kayo po, nasa inyo, malaking tulong para doon sa mga lugar sa ating mga barangay na inyong puntahan at sabihan ang mga kababayan natin na mag-stay ng bahay at huwag lumabas. Iyon po ang inyong magagawang malaking tulong para sa ating quarantine program.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa’yo Alexa Tinsay ng Philippine Information Agency. Samantala sa puntong ito, makakasama naman natin o makakausap natin ang Alkalde ng Lucena City sa Quezon na si Mayor Rodrick Alcala. Magandang umaga po, Mayor.
MAYOR ALCALA: Magandang umaga naman po kay Secretary Martin Andanar at kay Usec. Rocky Ignacio.
USEC. IGNACIO: Mayor, kahapon daw po ay may panibagong kaso ng COVID-19 na naitala sa inyong lungsod. Ano po ang aksyon na inyong isinasagawa para maiwasan po ang pagkalat nito?
MAYOR ALCALA: Ngayon po ay masasabi po natin na ang dalawa po nating case ay nasa (unclear). At nagbuo na po tayo ng team para ang atin pong tinatawag na contact tracing ay makita po natin kung sino po ang mga nakausap nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman po sa peace and order, kumusta na iyong kooperasyon ng iba pang mga nasa barangay diyan, iyong pakikipagtulungan din siyempre ng mga residente sa inyo?
MAYOR ALCALA: Dito po sa amin sa Lungsod po ng Lucena, mayroon po tayong 70,000 household. So dito po, ang ginawa po namin, mayroon lang po kaming ina-allow na quarantine pass, 10,000 per day – 5,000 A.M.; 5,000 P.M. Six days lang po namin ito (unclear) puwede silang lumabas.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero nagsimula na rin po ba kayong mamahagi ng mga pagkain at saka tulong doon po sa mga apektadong pamilya sa lungsod?
MAYOR ALCALA: Kami pong ngayon ay (unclear) na pagbibigay. Nakausap na po natin ang atin pong mga barangay at nakapamigay na po tayo ng March 21. Ngayon pong March 25, tomorrow po ay LGU po ang mamimigay; sa March 29 po ay barangay; sa April 5 po ay LGU; at sa April 12 po ay barangay po ulit.
At ang ibinilin po natin sa atin pong mga barangay officials ay ang lahat po ng ating 65,000 households ay bibigyan, wala pong pipiliin.
SEC. ANDANAR: All right, Mayor, mayroon po ba kayong maikling panawagan sa ating national government?
MAYOR ALCALA: Okay. Una po, sabi nga po natin, in case po na… kung halimbawa ay madadagdagan ang ating confirmed case, ang problema naman po natin ay ang pagpapakain natin sa atin pong mga kababayan. Alam po ninyo, sabi nga po natin sa aming lungsod, marami po ang natulong sa amin na mga private sector at businessmen para mabigyan po ng pagkain ang ating mga kababayan. Sa katunayan po, ang isa po nating negosyante na nagmamay-ari ng (unclear) ay ipinahiram po ang kaniyang hotel with 45 bedrooms na handa po natin itong ipagamit as isolation area po.
SEC. ANDANAR: All right. Maraming salamat, Mayor Alacala. Ipaparating natin iyan mamaya sa IATF. So, Rocky, testing kits pa rin ang problema ng ating mga local government units. Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama natin si Dennis Principe.
[NEWS REPORTING]
DENNIS PRINCIPE/RADYO PILIPINAS: Samantala, may katanungan lang tayo po para kay Usec. Dulay ng DFA: “Anong ginawa ng pamahalaan para tulungan ang mga pamilya ng mga OFW na hindi makapagpadala ng remittance dito sa Pilipinas?”
SEC. ANDANAR: So, ano raw ang ginagawa ng pamahalaan para matulungan na makatanggap ng remittance ang kanilang pamilya sa Pilipinas. I guess dalawa ang sasagot diyan, si Usec. Dulay at si General Eleazar.
USEC. DULAY: Alam ninyo iyon pong pagdating sa mga remittances po na iyan, hindi naman po tumigil ang pagtakbo po ng negosyo ‘no at kalakalan sapagkat doon po sa aming task force meeting, isa po iyang banking sector at financial services sector na tuloy pa po ang serbisyo. So ang magiging problema lang po siguro dito, iyon pong pisikal na pagpunta ng ating kababayan doon po sa kuhanan ng kanilang remittance center ano, doon siguro iyon. At iyon naman, siguro si General Eleazar puwede naman makipag-ugnayan siguro sila sa kanilang mga barangay chairman.
GEN. ELEAZAR: Yes. Sec. Martin, kasama po iyon sa mga authorized persons, puwede kayong pumunta roon. In fact, itong mga establishments na nabanggit ni Usec. Dodo, ito po iyong mga establishment natin na ang mga empleyado nila ay puwedeng nasa labas ng bahay – ibig sabihin, from their place of work to their residence and vice versa, so tama po iyon.
At gusto ko rin pong idagdag na sa atin po—nananawagan tayo sa ating mga kababayan na huwag magsamantala o makisakay doon po sa—mag-create ng kaguluhan, laging naglalabas ng mga peke na mga news, fake news. Kaya nga po ang ating Chief PNP ay nag-utos po siya in coordination with our DICT na nag-create po kami ng Task Force COVID Kontra Peke. So hahanapin po natin itong mga peke na ito, itong mga naglalabas na ito. Pati na rin po iyong operation natin na sinasagawa against hoarding, against sa overpricing.
In fact, pati iyong mga barangay chairman nga po na nagbibigay ng pass na nagpapabayad, may nahuli na po tayo niyan sa bandang Mindanao. At nagbigay ng direktiba ang PNP leadership na hulihin itong mga barangay officials na ito na naniningil nitong pagbibigay nila ng mga barangay pass.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat sa ating kasamang si Dennis Principe mula sa PBS. Samantala Secretary may gusto lang akong linawin, kasi mayroon kasing—kanina sinabi ko na nagpadala, na kailangan ng tulong ng mga frontliners mula sa MPC, kaibigan natin sa MPC ang nagpadala so binigay ko sa ating mga kasamahan sa PCOO. Kasi may mga numbers po iyon na talagang—kung sino kokontakin sa Lung Center, sa Cardinal Santos, sa San Juan Medical at Medical City, sinasabi sa akin daw ina-attribute. Pero ito po, nanggaling sa isang kaibigan natin sa MPC na—gusto ko lang din makatulong baka kailangan talaga ng ating frontliners itong kakulangan ng kagamitan. At kasi may number dito, ibibigay ko rin po sa inyo ito General kung tama po itong impormasyon na ito para po sa kaalaman o kabatiran na rin ng ating mga kababayan na sa panahong ito kasi ang dami-daming fake news na lumalabas.
SEC. ANDANAR: All right. Mayroon ka ring kaibigan na mayroong gustong i-donate? Iyon ba iyong message mo kahapon o iba pa iyon?
USEC. IGNACIO: Iba pa iyon.
SEC. ANDANAR: Iba pa iyon… Pero maari… sa mga gusto pong mag-donate ng mga gamit, PPE, mga masks, puwede ninyo po ipadala sa Laging Handa dito sa PTV at kami na po magpapadala sa IATF or ang ating Inter-Agency Task Force.
Samantala, Binabati ko po ang ating mga kasamahan na nag-livestream po ng ating Laging Handa Public Briefing ang DZME. Salamat po, araw-araw po sila; Brigada News FM; Bandera News FM; at Radyo Pilipino—hindi Pilipinas ha, Radyo Pilipino 14 stations nationwide po ang Radyo Pilipino. Salamat po at sa lahat ng KBP member-stations – DZRH, nandiyan din po iyong Bombo Radyo, DZMM, DZBB… baka magtampo sa atin si Tuesday Niu, ang DZBB. At mayroon pa tayong mga karagdagang katanungan sa ating mga panelist. Kay Dr. Rabi, sige.
USEC. IGNACIO: Okay. Are DIY or do-it-yourself face shields circulating now online effective in preventing the transmission of COVID-19. Dr. Rabi…
DR. ABEYASINGHE: Thank you. This is a very important question because we are now facing a global shortage of personal protective equipment and WHO has for many weeks now is advocating that face masks be reserved for frontline healthcare workers. Because we know from my experience in other countries that we need to protect our health workers. Because if health workers are falling sick, there will be no one to provide support and care for the sick people.
Unfortunately, we are in a situation where there is a global shortage of masks and PPEs. And so, we have seen in many situations people using do-it-yourself kits. The issue with that is that they are not 100% protective, but they will provide some degree of protection.
Again, our call is for everybody in the private sector to help/support the government’s efforts in procuring and supplying personal protective equipment so that the healthcare workers can feel protected and secure so that they can do their job and care for COVID-infected patients.
In the meantime, it is unfortunate but people have to adopt and do—use do-it-yourself kits. WHO does not encourage this but this is a stop-gap measure as we address the global shortage.
WHO is supporting the government of the Philippines in trying to access personal protective equipment, at the same time we are also trying to rationalize the use of existing PPEs through better management of their use by healthcare workers.
So we have to work on twin fronts: we are helping healthworkers to better manage the existing PPEs so that we reduce wastage. But at the same time we recognize that there is a limited supply and so we need to try to access larger quantities of PPEs to deal with this ongoing outbreak.
SEC. ANDANAR: All right. So narinig ninyo po mga kababayan ang sabi ni Dr. Rabi that the WHO is not discouraging. You are not discouraging the creation of do-it-yourself PPEs or face masks?
DR. ABEYASINGHE: In the circumstances, any protection will be better than no protection.
SEC. ANDANAR: All right. Thank you so much Dr. Rabi. Mayroon tayong do-it-yourself na istorya, siguro puwede ninyo pong hanapin ito sa aming Facebook pages at maya-maya sa aming mga newscast ay ipi-play po natin iyan.
USEC. IGNACIO: May tanong din po kay Dr. Rabi. From Pia Gutierrez of ABS-CBN: Dr. Rabi given the limited testing kits in the Philippines, should courtesy still be extended to officials who are asymptomatic?
DR. ABEYASINGHE: Our position has been that testing should be used in these circumstances to delay the outbreaks upsurge. And so, other has been very clear. Our recommendation is that we use… prioritize… a scheme to test the severely ill with pneumonia and acute respiratory distress syndrome and use the results of that testing to identify potentially infected other people through contact tracing to limit amplifying effect of those events.
So this, as I explained, helps not only confirm infection in a patients who is severely ill or suffering from comorbidities but also helps through quickly identify other people who are infected and reduce the risk of transmission through identification of those amplifying events through rapid contract tracing. That is our recommendation at this point of time.
USEC. IGNACIO: Kay General Eleazar, tanong po mula kay Rosalie Coz: Sa isang barangay daw po sa Paranaque City, ibinibilad daw po ang mga nahuhuling lumalabag sa curfew. Tama daw po ba ito?
PLTGEN. ELEAZAR: Ay hindi naman po data iyon, hindi naman siguro iyon, baka sakali lang na nagkataon na may araw pa iyon. Pero iyon naman po ay—talagang gusto nating ipakita kasi na sa ating mga kababayan na hindi biru-biro ito, kaya dinadala rin kayo. Pero iyong pagbibilad, itse-check po iyan. But remember ito pong curfew na ito ay pinatutupad ng ating mga LGUs para mag-stay tayo sa bahay. Even though sinasabi nga natin may curfew o wala, 24 hours kung hindi kayo authorize na nasa labas, nasa loob lang kayo ng bahay. At kung sakali naming curfew ang ating pulis po will be armed with sanction, sa oras ng curfew pag nakita naming kayo, hindi lang caution ang gagawin namin, puwede naming kayong i-accost o arestuhin because of that curfew. Pero ang sinasabi natin, may curfew o wala, 24 hours, kung hindi kayo dapat nasa labas, mag-stay po kayo sa inyong mga bahay.
SEC. ANDANAR: Iyon maliwanag iyon, mag-stay sa bahay. Para naman kay Usec. Dodong mula sa isang foreign correspondent, kaibigan nating si Melo Acuna. Sabi niya: Please ask Usec. Dodong about plans how to repatriate thousands of seafarers.
USEC. DULAY: Iyon pong ugnayan namin ngayon ay doon po sa mga manning agency at mga employer, sapagkat sila po ang nagdidikta kung kailan po nila iuuwi iyong ating mga seafarers. Sa ngayon po, may plano na po iyong ibang mga kumpanya na magpunta po dito sa Pilipinas at ibaba po iyong kanilang mga seafarers po dito sa atin. So handa po ang DFA diyan, nag-ready na po kami ng isang team para po salubungin po silang lahat na mga babalik po dito sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR: General Eleazar, ito po paulit-ulit na tanong ito at natatanggap ko ito sa aking Viber, sa aking text, pati sa aking facebook messenger. Mayroon po ba tayong protocol doon sa burol sa mga namamatay, binuburol at nililibing at ano po iyong protocol na iyon?
PLTGEN. ELEAZAR: Isinama po natin iyon na una eh ang puwede lang pong sumundo or makipaglibing dit0 po iyong immediate family; so hindi po iyong extended family. So wala pong wake, wala na, mismong libing na. Kasi iyon ay mass gathering, iba po ang sitwasyon natin, alam ko po may kultura, may rehiyon pero iba po itong ating sitwasyon ngayon. So, sinasabi po natin, kasama na sa exemption doon siyempre itong magbibigay ng huling basbas, whether minister, pari, Imam or pastor, iyon lang po iyong exempted na puwedeng mag-travel from their home to that place at pati na rin sa sementeryo, aside from that wala po. Dini-discourage natin, wala iyong burol, walang wake, kayo-kayo lang doon at paglibing, iyong mga authorized persons na sinasabi natin.
SEC. ANDANAR: General, linawin lang natin ha, ito ba ay para lang sa mga COVID cases o sa lahat ng kaso?
PLTGEN. ELEAZAR: Sa lahat po ito, dahil ang iniiwasan po natin dito ay iyong mass gathering, mag ipon-ipon tayo, magsama-sama tayo, iyon ang ating iniiwasan. Lalo na kung itong burol na kagaya dati na dikit-dikit, kumpol-kumpol ang ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Mayroon daw pong—tanong ng—information po sa inyo ito, kay General Eleazar. Doon daw po sa Iligan, Mayor ng iligan City, parang ayaw daw po padaanin iyong cargo trucks. Ganoon po ang balita—
PLTGEN. ELEAZAR: Iyon na nga ang sinasabi natin. Mayroon tayong guidelines from Inter-Agency Task Force, from the President himself, from the SILG, na dapat sinusunod natin. Alam n’yo po hindi natin masisi ang ating mga Local Government Executive na mag-isip para sa kapakanan. Pero isipin po natin ang pangkalahatan, ayaw natin sinasabi na mangyari magkaroon ng kaguluhan ng looting, mayroon tayong contingency plan diyan pero dapat mai-prevent natin iyan.
Paano maiwasan ang looting at kaguluhan? Dapat mayroong basic need, pagkain ng ating mga kababayan, pag nagutom iyan, ganyan ang mangyayari. Eh ung hindi natin padadaanin itong mga cargo truck na ito, sa inyo walang problema how about sa ibang lugar. Isipin po natin sa pagkakataong ito, hindi ang kapakanan lamang ng ating isang lungsod o ng isang probinsya kung hindi ang pangkalahatan. Para maiwasan ang kaguluhan, ang looting na sinasabi nung mga fake news na iyan magkaisa po tayo, palampasin iyong mga cargo trucks na iyan makarating sa ating bayan ang basic goods and services na kailangan ng mga nagka-quarantine nating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Siguro kailangan ding i-validate ng PNP iyong mga ganitong sumbong ano po, kasi siyempre hindi rin maiiwasan na bigla na lang magrereklamo iyong mga residente na wala ding minsang basehan dahil naiinis na sila. So kailangan ding i-validate ng PNP kung iyong mga sumbong na ganitong klase ay may katotohanan.
PLTGEN. ELEAZAR: Tsine-check naman po palagi iyon kaya nga kami may diretsong koordinasyon, sa ngayon nga po nagmo-monitor din ako doon sa mga kaganapan. Ang mga reports pong nangyayari ay nanggagaling sa mga department heads particular ang DTI, kasi sila ang naka-receive nung mga hinaharang na cargo at lagi nating sinasabi sa ating mga kapulisan, i-facilitate iyan, at kung may problema with the LGU takbo kami sa amin pong SILG para tumulong na maayos po itong mga kaunting bagay na hindi pagkakaintindihan.
SEC. ANDANAR: All right, para naman sa ating pangunahing mensahe o paalala para sa ating mga kababayan. For the World Health Organization, Dr. Rabi, there has been you know an escalation on cases in the United States and in Europe and one of your colleagues at the World Health Organization is very alarmed. I read one of the press releases this morning. What can you say about the preparation or what we are doing here in the Philippines? Are we doing the right thing?
DR. ABEYASINGHE: So we need to recognize that this is now classified as a pandemic. In the words of our Director General its accelerating – the first hundred thousand cases took 67 days, the second hundred thousand 11 days, the third hundred thousand just 4 days. So more and more countries are affected but we recognize that we can still do a lot to slow down the outbreak and to buy time, so that we increase the preparedness and readiness of the healthcare system and improve the patient management systems.
For that we congratulate the government of the Philippines for the Enhanced Community Quarantine that is importantly buying time to flatten the epidemic and reduce the pace of the outbreak and that gives time for the health department and the private sector hospitals to increase their preparedness and readiness. But the Enhanced Community Quarantine needs to be complimented by physical distancing in our homes and in our communities. This is critically important because this will further slowdown the epidemic.
So the message now is: The government is doing what it’s doing, it is now the responsibility of each one of us to maintain the physical distancing particularly from those people who are vulnerable – the elderly, the people who have underlying health condition, like diabetes, hypertension, cancers and asthma. Because we know that if they become sick the outcomes are going to be less favorable.
So, this effort at Enhanced Community Quarantine is to delay the outbreak and to buy time. So, while all that is happening at community level, we need to make every effort as individuals, as families, to protect the vulnerable during this phase and also to protect the healthcare workers by getting more PPEs and readying the health facilities to deal with this outbreak.
So, we are working on many fronts to support the Department of Health in preparing this readiness and increasing the preparedness to respond to this emerging outbreak in the Philippines.
SEC. ANDANAR: Usec. Dodo?
USEC. DULAY: Ang gusto ko lang ipaalam sa ating mga kababayan na nasa abroad, unang-una po ay lagi po kayong makipag-ugnayan sa ating embahada at konsulada na mayroon pong advisory. Pangalawa po ay sumunod po tayo at sumunod po kayo doon po sa patakaran ng inyong gobyerno sapagka’t mayroon po silang inilalaan na mga patakaran para maproteksiyunan po kayo dito sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Salamat! General?
PLTGEN. ELEAZAR: In behalf of our Chief PNP, Police General Archie Gamboa, ang ama ng aming organisasyon, pinararating niya po ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng mga pulis natin na nasa field, frontliners! Sumasaludo po kami sa inyo at asahan ninyo po na ang concern ng PNP leadership ay para sa inyong health and safety.
As we speak now, ako po nakikita ninyo bilang Deputy Chief PNP for Operations na nangunguna dito sa aspetong operation, pero as we speak, ito pong aming Deputy Chief PNP for Administration, Police Lt. Gen. Cascolan, pinangungunahan po ang kaniyang meeting with all the directorates on administration para po siguraduhin na lahat ng resources na kailangan to support the police on their operation ay mabigyan po ng pangangailangan sa utos ng ating Chief PNP.
And the PNP leadership expects no less from every level of the command sa organization na ganoon din ang gawin, tingnan ang kapakanan ng ating mga kapulisan. At iyon po ang aming ipinagpapasalamat din sa ating mga kababayan, kung kayo po ay makakatulong sa amin, mga donation na kailangan natin, tatanggapin po namin iyon but just the same, ang atin pong pamahalaan, national at lokal, ay ganoon ang pagtulong sa ating organisasyon.
Maraming salamat po!
USEC. ROCKY: Salamat po! At iyan po ang ilan sa ating mga nakalap na katanungang nabigyang kasagutan ng ating mga public servants na sina Usec. Dodo Dulay ng Department of Foreign Affairs; Dr. Rabi, World Health Organization representative on the Philippines; Lt. Gen. Guillermo Eleazar ng Philippine National Police.
Muli, maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat din sa mga nakasama natin kanina, ang Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service, Malacañang Press Corps, PTV Cordillera, PTV Davao, ganoon din po ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.
Maraming, maraming salamat po!
USEC. ROCKY: Pinapasalamatan din po natin sina Perry Sevilla at Nikki Perez mula sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Maraming salamat po!
SEC. ANDANAR: At diyan nagtatapos ang ating programa ngayong Martes. Ugaliing maging updated sa mga balita hinggil sa COVID-19. Ang ating paalala ay patuloy na sumubaybay at makinig sa mga lehitimong news sites at higit sa lahat, huwag basta-basta maniniwala sa ilang mga mababasa online, i-verify muna kung totoo ang mga ito.
Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.
USEC. ROCKY: Maging mapagmatyag, maalam at maingat po tayo sa pagharap sa suliraning ito. Mula pa rin sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Hanggang bukas po muli dito sa…
SEC. ANDANAR AND USEC. ROCKY: Public Briefing #LagingHandaPH!
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)