Press Briefing

Public Briefing #Laging Handa PH hosted by PCOO Secretary Martin Andanar and Undersecretary Rocky Ignacio with DOLE Secretary Silvestre Bello, DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Office of the Presidential Assistant to the Visayas Asec. Jonji Gonzales, Nueva Ecija Gapan Mayor Emerson Pascual and PH Ambassador to Italy Domingo Nolasco


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga, Pilipinas. At pagpupugay sa mga minamahal kong kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo, gayundin sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radyo at sa ating online streaming.

Ngayong araw ay muli nating sasagutin at sisikapin na bigyang-linaw ang mga katanungan ng ating mga kababayan hinggil sa COVID-19 sa tulong ng ating mga panauhin na nagmula pa sa mga pinagpipitagang ahensiya ng ating gobyerno at iba pang sektor ng ating lipunan.

Sa ngalan po ng People’s Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service at ang Radyo Pilipinas network nationwide, crisis communication platform ng PCOO, Radio Television-Malacañang at sa pangunguna ng Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  Mula rin po sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio. Dito po ay magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na ilahad ang kanilang mga saloobin pagdating sa health crisis na kasalukuyan po nating nararanasan hindi lamang sa bansa kung hindi po sa buong mundo.

SEC. ANDANAR:  Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Halina mga kababayan at samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO:  Okay. Samantala, Secretary, alamin na natin ang pinakahuling bilang nga po ng kaso ng COVID-19 sa bansa as of 4:00 PM, March 30, kahapon po 2020. Base po sa tala ng Department of Health, mayroon ng 1,546 cases ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, 42 po sa kanila ang naka-recover na mula sa po sakit at 78 naman po iyong pumanaw.

Ayon sa World Meter ay mayroon ng 782,787 COVID-19 cases sa buong mundo, kung saan 164,753 na ang naka-recover, habang 37,615 naman po ang nasawi.

Sa ASEAN region naman po ay tinatayang nasa 8,409 ang kabuuang kaso ng COVID-19 kung saan 250 po ang namatay mula sa sakit at 1,148 ang naka-recover dito.

Kung noong nakaraang linggo po ay nasa ikalimang puwesto ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa ASEAN, as of March 30, 2020 ay pangalawa pa rin tayo na may pinakamataas na bilang kung saan nangunguna pa rin po ang bansang Malaysia na may 2,626 confirmed cases, pangatlo ang Thailand na may bilang na 1, 524, pang-apat po ang Indonesia na may 1,414 confirmed cases at ikalima ang Singapore na mayroong 879 total number of confirmed cases.

SEC. ANDANAR:  Bayan, hinggil po naman sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19 ay tumawag lang po kayo sa mga numerong 02-89426843; para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers mangyaring i-dial lang po ang 1555. Maaari rin po ninyong tawagan ang hotline ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa inyong mga TV screen. Upang maging updated naman sa mga hakbangin ng pamahalaan kontra COVID-19 ay magtungo sa aming COVID-19 portal, bisitahin lamang po ang www.covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Ngayon naman po ay puntahan natin ang iba pa nating kasama na magbibigay balita mula sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Sina Dennis Principe mula sa Philippine Broadcasting Service, Daniel Grace De Guzman mula sa PTV-Cordillera, Julius Pacot mula sa PTV-Davao at si John Aroa mula sa PTV-Cebu.

SEC. ANDANAR:  Ngayon din, Usec. Rocky, ay makakasama natin via a VMIX sina Secretary Silvestre “Bebot” Bello III ng Department of Labor and Employment, Asec. Jonji Gonzales mula sa of Office the Presidential Assistance to the Visayas, at si Mayor Emerson “Emeng” Pascual ng lokal na pamahalaan ng Gapan sa Nueva Ecija. At makakasama din po natin si Ambassador Domingo Nolasco, Philippine Ambassador to the Italian Republic. At maya-maya din po ay makakasama natin live mula sa kanilang tanggapan na walang kapagud-pagod na tagapagsalita po ng DOH na si Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

USEC. IGNACIO:  Para po sa mga karagdagang balita naman: Pangulong Rodrigo Duterte nagbigay po ng paalala sa pagharap ng bansa sa COVID-19. Nagpasalamat po si Pangulong Duterte kagabi sa lahat ng health workers at frontliners na patuloy po na umaaksyon kontra COVID-19. Pinuri rin niya ang inisyatibo ng mga LGUs sa mabilis na pagbigay-suporta sa kanilang nasasakupan. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi dapat matakot ang mga Pilipino dahil mas paiigtingin ng pamahalaan ang implementasyon ng Bayanihan to Heal as One Act, at tiniyak na kaniyang iri-reserba ang paggamit ng special powers na ipinagkaloob sa kaniya ng Kongreso.

Binigyan-diin niya na dalawa sa pangunahing kapangyarihan ng kanyang gagamitin kung kinakailangan: Ang magbigay direktiba sa operasyon ng mga pribadong establishment; at tiyaking tuluy-tuloy ang supply ng pagkain. P200 billion ang ilalaan ng gobyerno sa pinakatatamaan po ng krisis sa COVID-19.

SEC. ANDANAR:  Samantala, Senator Bong Go nanawagan nang mas maraming testing kits at pagbibigay prayoridad sa mga PUIs nurses. Sinabi ni Senador Bong Go sa kaniyang panayam nitong Lunes na dapat ay bigyang prayoridad na ma-test ang mga nurses na magiging person under investigation o PUI sa COVID-19. Iginiit niyang sila ang dapat unahin dahil sila ang pinakailangan sa health crisis na ito. Nanawagan din siya sa Food and Drug Administration at Department of Health na bilisan ang proseso ng pag-apruba ng aplikasyon sa mga testing kits at laboratories na magagamit ng mga ospital.

USEC. IGNACIO:  Samantala, alamin naman natin ang presyo ng mga gulay at iba pang pangunahing bilihin sa Quinta Market sa Maynila sa gitna na ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

SEC. ANDANAR:  Sa kabila po naman ng krisis sa kalusugan na ating nararanasan, ipinapakita pa rin ng ating mga kababayan ang pagtutulungan at pagsuporta sa isa’t isa. Panoorin po natin ito.

[VIDEO PRESENTATION]

SEC. ANDANAR:  Muli, nagpapasalamat po kami sa mga frontliners – health workers, mga sundalo at lahat ng Pilipino na nakiisa sa laban natin kontra COVID-19. Sa punto pong ito makakapanayam naman natin ang mga kababayan nating health workers, sina Dr. Elvis Lacdan Bedia, COE and President of Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center at si Danny Santos na isang nurse mula sa San Francisco. Magandang umaga po sa inyong dalawa.

SEC. ANDANAR:  Dr. Elvis, please share your experience so far being a frontliner sa COVID crisis diyan.

DR. BEDIA:  Well, nakakatakot talaga kung tutuusin kasi hindi mo alam ang makakaharap mo pagpasok ng pinto. Ngunit, you know, kapag nakita mo, hindi mo (garbled signal)

USEC. IGNACIO:  Ano po iyong mga ginagawa ninyong paghahanda or safety measures para maiwasan ninyo po iyong kayo ay mahawa diyan sa nakakatakot na sakit na ito, Dr. Elvis?

DR. BEDIA:  The basic thing: Maglinis ng kamay (garbled signal)

SEC. ANDANAR:  Mukhang may problema iyong audio ni Doc. Elvis, Rocky.

USEC. IGNACIO:  Puntahan na lang natin si Nurse Danny. Kumusta na po kayo diyan? Ano po ang lagay natin? Mukhang nagkakaroon ng problema, Secretary, ang ating linya.

Samantala, puntahan muna natin at makibalita tayo mula naman po sa Baguio City, kasama natin ang ating PTV-Cordillera correspondent na si Daniel Grace De Guzman. Naimbag a bigat kadakayo amin?

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Aroa. 11:23 in the morning dito po sa Pilipinas.

Balikan natin sina Dr. Elvis Lacdan Bedia, ang CEO at Presidente ng Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center at si Aidani Santos, isang nurse mula po naman sa San Francisco. Unahin po natin si Dr. Elvis. Doc, puwede ninyo bang ibahagi sa amin ang inyong experience bilang frontliner diyan po sa inyong ospital?

DR. BEDIA: Magandang umaga po ulit! Actually, ang amin—kung makikita ninyo po ang aming ospital ay nagkaroon ng video na medyo nag-viral. Ang mga tao naman po dito ay they are on high spirit and talaga naman pong gustong tumulong sa ating mga kababayan… lahat po sila ay nagbibigay ng mga magandang adhikain para sa mga pasyente po natin na naka-confine ngayon – actually, mayroon pa po kaming apat na nCOV patients pero since na they are doing good and our health frontliner are really doing their best.

SEC. ANDANAR: Kayo po ay isang pribadong ospital, Doc, hindi ho ba?

DR. BEDIA:Opo, opo. Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center po.

SEC. ANDANAR: Opo. Kumusta po ang inyong mga gamit? Ang inyong mga pangangailangan para sa pagsugpo nitong COVID-19?

DR. BEDIA:Actually po, nitong mga Pebrero pa lang po ay nakapag-prepare na kami ng aming mga gamit para sa mga pasyenteng darating, para sa nCOV na pasyente natin at simula po noon ay nag-umpisa na kaming protektahan ang ibang pasyente pati na po kami.

Ganun pa man, kahit ang dami po naming prepared noong nakaraang ilang lingo na po ay dumarating na po sa—malapit na po kaming magkulang sa aming protective equipment. Siguro iyong amin pong supply dito ay pang-lima, anim na araw na lang tapos… nangangailangan pa po kami. Actually, mayroon pang mga binibilhan ang aming purchaser at ito ay patuloy na sino-source out.

Kaya nga lang po ay medyo kakaunti po ang bukas na nagbibigay sa atin ng… mabibilhan. Salamat na lang po at mayroon po tayong mga kababayan at nagbibigay po ng protective equipment katulad na rin po ng mga hazmat suit dito po sa mga… Technopark, iyong mga kahit po gamit na ay ginagamit po namin, ini-sterilize para makatulong lang po sa kakulangan ng aming PPE.

SEC. ANDANAR: Okay. Mayroon na po ba kayong kausap sa gobyerno, sa Department of Health para kayo po ay mabigyan ng assistance?

DR. BEDIA: Nakapagbigay po sa amin ang Department of Heath kaya lang po ay talaga pong may kakulangan na alam naman po namin na sa dami po ng binibigyan ng ating gobyerno ay hindi po masapatan ang lahat. Kami na po ang gumagawa ng ibang kakulangan para makapaglingkod po sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Sige po, Doc! Ang assurance po na maibibigay ng gobyerno sa inyo ay as of yesterday sa IATF meeting namin ay nagdatingan na, nagdadagsaan na rin ang mga in-order ng gobyerno mula sa ibang bansa at iyong mga dinonate din ng ibang bansa sa atin kaya just in a few days ay hindi na ho tayo magkakaproblema pagdating ho sa gamit, mga PPE, mga masks na kailangan natin at mga testing kits, Doc. Rocky, do you have any question for nurse Aidani.

USEC. ROCKY: Opo. Mr. Aidani, kumusta na po ang lagay ninyo diyan sa San Francisco?

MR. SANTOS: Okay naman pero usually everyday nakakatakot, you just don’t know kung ano ang papasok sa pinto mo. Hindi mo alam kung—

USEC. ROCKY: Naiintindihan po—

MR. SANTOS: —regular na pasyente o isang suspek na COVID na virus.

USEC. ROCKY: Kayo po ba ay nakapag-handle na ng isang positive COVID-19 patient at kung nakapag-handle na kayo, papaano po iyong ginagawa ninyong pag-iingat?

MR. SANTOS: Usually, ang dumadaan sa amin lahat suspek, kahit na sino, kahit na kaming nurse, doctor, lahat kami suspect na carrier. Kaya in that way, what we do is proper handwashing and proper PPE, mask na kailangan talaga at saka iyong distance mo at least six feet away kasi there are two things nga – sabi nga nila droplet ang COVID virus sa hindi mo alam kung nandiyan lang or sa aming kaso minsan nagiging airborne din dahil minsan kapag kausap mo kapag malapitan tatalsik sa iyo ang mga laway o kung anu-ano mang manggagaling sa katawan ng tao kaya distansiya ang kailangan sa amin at lagi naming sinasabi proper handwashing talaga at mag-stay sa bahay kung wala din naman kayong gagawin sa kabas.

USEC. ROCKY: Opo. Kami po ay sumasaludo sa inyong mga health workers. Pero kumusta naman po iyong morale ng Filipino community diyan kasama na po siyempre iyong mga Filipino health workers natin?

MR. SANTOS: Actually, ang nakakatuwa dito ang mga Filipino kahit na alam mong naghihirap, nagsi-sixteen hours sila. Deep inside alam mo they are trying their best na magampanan nila iyong commitment nila sa trabaho nila. Ang nakakasakit lang tingnan – damdamin – pag-uwi ng mga nurses, ni hindi mo maakap iyong mga mahal mo sa buhay, ang mga bata pinapalayo mo instead na akapin mo, ang mga asawa ninyo, mga significant others, you know, pag-uwi wala. Sasabihin mo muna lumayo muna kayo kasi hindi mo alam kung ano ang dala mo eh. Hindi mo alam kung ikaw na ang carrier eh.

So, ang kalaban natin dito parang isang invisible na bagay na alam mong nandiyan pero hindi mo masapak. Tipo bang ganoon ang usapan dito. Sana alam namin kung nasaan eh pero hanggang ngayon tina-try lang namin kung ano iyong sintomas iyon ang gagamutin namin. Kung lagnat, lagnat; kung ubo, ubo; hindi namin alam kung ano pero—at alam namin kung paano lang iwasan na kumalat ito.

Kaya again, inuulit namin, manatili sa bahay kung wala kayong gagawin at kung maaari lang huwag mag-panic buying dahil nauubos naman iyong supply namin katulad ng mga alcohol, mask, binibili ng mga ordinaryong tao na kailangan namin sa ospital. Katulad ng sabi ni doctor iyon din ang kakulangan namin, iyong mga mask at saka iyong mga gown.

USEC. ROCKY: So, nangyayari din sa San Francisco—

SEC. ANDANAR: May tanong din ako, Rocky—may tanong din ako, Rocky.

USEC. ROCKY: Go ahead, Secretary. Sige, Secretary.

SEC. ANDANAR: Sir, nalampasan na po—naungusan na po ng Estados Unidos ang China sa dami ng na-infect o nahawa nitong COVID19. Ano ho ba ang explanation, sir? Ano po bang nangyari diyan sa inyo sa Amerika?

MR. SANTOS:I will say something kasi…I am—just maybe I’ll be a little biased but you should know na we just don’t know if China – I’m nothing against China – if they’re telling the right numbers. Kasi sa amin may census kami and we report sa command center. So, we don’t know kung nako-control nila ang numero at ikalawa, ang populasyon namin marami.

Ang pagkukulang maaari namin ay nag-shutdown kami o nag-lockdown kami o nag-shelter in place na a little late pero the good thing about California if ever, kami yata ang naunang state na nag-shelter in place kaya ini-expect po namin it will get worse sa April but at least, we were trying to mag-level siya at the end ng May pero we just don’t know, hindi namin alam kung sino na ang infected.

SEC. ANDANAR:  Okay, maraming salamat po sa inyo, sir. Maraming salamat. Muli nakapanayam po natin sina Dr. Elvis Lacdan Bedia, ang CEO at Presidente ng Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center diyan po sa Laguna; at si Mr. Aidani Santos, isang nurse mula sa San Francisco.

Talaga naman, Rocky, ang buong mundo ay nahihirapan sa sakit na ito – hindi lang po Pilipinas kung hindi buong mundo. Akalain mo America na iyan, it’s already a very well developed country tapos ganoon pa rin.

USEC. IGNACIO: Pareho din iyong problema dito sa Pilipinas na sinabi niya, na nagkukulang din ng alcohol, kulang din iyong PPEs. So talagang malaking problema hindi lang ng Pilipinas kung hindi ng buong mundo.

SEC. ANDANAR:  Atin pong binabati ang mga kasamahan natin, Rocky, sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Isa-isahin ko lahat ng mga nag-text sa akin para hindi po magtampo – Radyo Bandera, RMN, Bombo Radyo, DZRH Radyo Natin, DZMM, ANC, DZMM Teleradyo, DZBB, Sonshine Radio, UNTV, Radyo Agila, Radyo Pilipino, Brigada News FM, DZME, PULITIKO o politics.com.phnewsco.com.ph, DWWW 774, FEBC, DZAS, DWEC Palawan, Aksyon Radyo Dagupan at DWIZ. Baka mayroon pang hindi ko nabanggit Rocky na nasa listahan mo.

USEC. IGNACIO: Mayroon, Secretary. Si Benjie Liwanag, happy birthday, DZBB. Kumusta, Benjie.

SEC. ANDANAR:  Happy 35th, alam ko 35 years old na si Benjie. Benjie, happy birthday to you. Kahit na this may not be the perfect time to celebrate a huge celebration, but then again celebrate in your own little way. Kasi mahalaga din na magpasalamat tayo sa Diyos dahil tayo’y nabubuhay pa.

Samantala, ngayon ay simulan na natin, Rocky, ang ating public briefing. Muli makakasama natin via phone patch si Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III ng Department of Labor and Employment at via VMIX naman sina Asec. Jonji Gonzales mula sa Office of the Presidential Assistant to the Visayas diyan po sa Cebu at si Mayor Emerson ‘Emeng’ Pascual ng Lokal na Pamahalaan ng Gapan, Nueva Ecija. Makakasama din po natin si Ambassador Domingo Nolasco, ang Ambassador po natin sa Italy.

Sec. Bebot, good morning, sir.

SEC. BELLO:  Good morning, Sec. Martin. Rocky, good morning.

USEC. IGNACIO: Good morning po.

SEC. ANDANAR:  Okay. Simulan natin ang unang round natin, Sec. Bebot. Informal workers, formal workers, both of these workers will receive something from the government. Paki-explain lang po sa amin Sec. Bebot, at kung may matatanggap po sila, kailan po ito matatanggap?

SEC. BELLO:  Okay, Sec. Martin, ganito iyan, we have two kinds of workers in the Philippines – iyong formal and iyong informal. Iyong formal workers, Sec. Martin and Rocky, ito iyong mga may employers. In other words, they are employees and there is an employee-employer relationship. Ngayon, many of these employees ay hindi nakapasok dahil naka-quarantine, okay. Ito, dito papasok ang Department of Labor, we will give them cash assistance of P5,000. One time po ito, Sec. Martin and Rocky.

Now, for them to be able to get this, ito na ngayon ang panawagan ko: Iyong mga employer, please at the soonest possible time, ipadala ninyo na iyong payroll ninyo at doon namin makukuha iyong listahan ng mga manggagawa ninyo na hindi makapasok at sila ang bibigyan namin ng cash assistance of P5,000. Iyan.

USEC. IGNACIO: Secretary, ano po ang magiging liability ng mga employers na hindi magko-comply doon sa sinasabi ninyo o hinihingi ninyo?

SEC. BELLO:  Actually, wala namang criminal liability iyan, Rocky, baka administrative lang. Pero let’s not talk about penalty. Ang pakiusap natin sa mga employer, ipadala na at kailangang-kailangan ng mga manggagawa nila iyan. Kung mayroon mang mga… biro-biro kasi kung minsan, mayroon daw payroll na sina-submit sa BIR, iba iyong payroll na sina-submit sa DOLE at iba iyong tunay na payroll.

Eh huwag kayong mag-alala eh hindi namin concern iyan. At this time, what concerns us more ay kung paano namin mapararating, kung paano ibibigay sa inyong mga employee. So huwag ninyo nang alalahanin iyon, we close our eyes to that. Ang mahalaga, please send your payroll at the soonest possible time.

SEC. ANDANAR:  Okay, ulitin ko po: Iyong P5,000 ay para doon sa mga informal workers or formal workers?

SEC. BELLO:  Formal workers ito, iyong mga empleyado, Sec. Mart.

SEC. ANDANAR:  Okay, formal workers. So wala pong ano ito, as long as the employers can now—as long as the employers can contact DOLE at maipapakita iyong payroll, magbibigay ng limang libo ang DOLE doon sa employer para mabayaran iyong empleyado na hindi nakapasok dahil sa enhanced community quarantine. Tama po ba?

SEC. BELLO:  Tama iyan, tamang-tama, Sec. Martin. And our instruction is that, we will send P5,000 cash assistance within 48 hours upon receipt of the payroll.

SEC. ANDANAR:  Okay. Ito ho ba ay sa Luzon lamang o ito ho ba ay sa Luzon, Visayas at sa Mindanao?

SEC. BELLO:  Nationwide ito, Sec. Mart, nationwide.

SEC. ANDANAR:  Pangalawang tanong ko po. Para po naman doon sa informal workers, papaano po nila makukuha iyong kanilang ayuda mula sa gobyerno? Kasi may nabanggit din na P5,000 to P8,000 for our informal workers. Kailan po ito makukuha, sir?

SEC. BELLO:  Okay. Ito namang mga informal workers natin, Sec. Mart, just to give you an idea, itong mga informal workers, walang exact definition pero more or less ito iyong mga self-employed o kaya kung iyong employment nila hindi regular, paminsan-minsan, ganoon. Like for example, ito iyong mga tricycle drivers, mga jeepney drivers, iyong mga sidewalk vendors, mga manikyurista sa mga salon, iyong mga masahista, iyong mga labandera, iyong mga may combo, mga members ng combo, nagtutugtog iyan, ngayon wala silang hanap-buhay – sila iyong mga tinatawag nating informal workers.

And as a means of assistance to them, we will ask them to work for 10 days and we will pay them the minimum wage. So in NCR for example, it’s P537 per day. You work for 10 days, that is about P5,370 and madagdagdagan iyan, manggagaling sa DSWD.

SEC. ANDANAR:  Okay, malinaw na po. Informal workers, ito po iyong either may amo sila o wala silang amo, iyong kanilang relationship ay hindi po iyong regular employment relationship o sila po ay self-employed gaya ng mga vendor or sila ay TODA, miyembro ng toda, nagta-tricycle.

Now, P537 a day, this in Metro Manila only, ito po iyong minimum wage. We will give them 10 days of work with pay. Sir, papaano po iyong nasa probinsiya ng Luzon at sa Visayas at sa Mindanao? Kasama po ba sila, sir?

SEC. BELLO:  Kasama rin sila, Sec. Mart. Oo, kasama rin sila pero i-clear ko lang, Sec. Mart, baka sabihin mo pinapa-trabaho mo eh naka-quarantine. Actually, iyong work that we will give them is the work that can be done in their own household, doon sa bahay nila gawin. Maglinis sila at mag-disinfect sila, iyon lang, iyon lang gagawin nila, sa bahay nila.

SEC. ANDANAR:  Saan po sila mag-a-apply?

SEC. BELLO:  Iyon ano, may isa-submit sa aming listahan ang barangay captain, sometimes the mayor, sometimes it’s the congressman, sometimes it’s even the senator na nagsa-submit sa atin ng mga list of beneficiary.

SEC. ANDANAR:  At mayroon po tayong numero, ang nabanggit po ni Presidente, nasa 18 million informal workers. Tama po ba ito, 18 million informal workers? Eighteen million households? Ano po ba iyong tama dito, Secretary?

SEC. BELLO:  Iyong 18 million, iyon iyong formal workers. Iyong informal workers, between 12 to 14 million.

SEC. ANDANAR:  Okay, 12 to 14 million ang informal workers.

SEC. BELLO:  Yes.

SEC. ANDANAR: Okay, now mas maliwanag na po.

SEC. BELLO:  Opo.

SEC. ANDANAR:  At mayroon po ba kayong quota kada siyudad?

SEC. BELLO:  Mayroon po. Basta lahat ng informal workers in every city, every municipality throughout the country, dapat bigyan ng tinatawag naming programa na TUPAD, lahat ng mga informal workers.

SEC. ANDANAR: Usec. Rocky, may tanong kay kay Sec. Bebot?

USEC. IGNACIO:  Yes, bago po tayo magpunta sa tanong ng isang OFW. Secretary Bello, patanong po ni Bombo Radyo Reymund Tinaza: Paano daw po makaka-avail ng P5,000 assistance ang apektadong empleyado kung ayaw daw po ng HRD na mag-submit ng requirements?

SEC. BELLO:  Very good question, Rocky. Ang gagawin namin niyan, i-advise iyong worker na sabihan iyong mga kasamahan niyang workers na sila na ang mag-submit sa amin at ipapadala namin iyong suweldo nila through itong Palawan o iyong Lhuillier or whatever they want. Hindi na namin ipapadaan doon sa employer.

USEC. IGNACIO: May tanong po ang isang OFW from Hangzhou, China, si Mr. Conrad Dela Cruz via VMIX para kay Secretary Bebot. Ang kaniya pong tanong: May assistance ba na mula sa DOLE para sa mga OFW sa China? Dini-deny daw po allegedly ito ng Philippine Embassy sa China at pahirapan daw po ang request nila ng face mask, alcohol at pati iyong pagkain. Ano po ang tugon ninyo dito, Secretary?

SEC. BELLO: Ang ibibigay naming tulong sa ating mga kababayan, mga overseas workers, Rocky, kapag sila ay nawalan ng trabaho dahil sa COVID, we propose to give them 200 dollars each, 200 dollar cash assistance, one time po. Kaya humingi kami kay Pangulong Duterte, in-approve naman ng Task Force iyong 1.5 billion na magagamit namin para sa cash assistance for all the OFWs na nawalan ng trabaho at nangangailangan ng tulong.

USEC. IGNACIO: May tanong din dito: Papaano daw po, Secretary, iyong mga nawalan ng trabaho bago pumutok ang COVID-19, mayroon din po ba silang tulong na matatanggap mula sa tanggapan ninyo?

SEC. BELLO:  Basta po sila mga active OWWA members, mayroon po silang matatanggap.

SEC. ANDANAR: May tanong din po, Sec Bebot—naku, napakadaming tanong, Rocky: Good morning, Secretary Bebot. Nag-submit na kami ng form last week, mga kailan kaya ang release ng funds at kanino iri-release? Ito po ay tungkol sa formal workers, itong nag-text sa akin ay isang printing press dito sa Las Piñas.

SEC. BELLO: Good, ibigay lang sa akin iyong pangalan ng printing press para sisitahin ko iyong aming director diyan dahil dapat iyong pera ay ipapadala namin sa employer within 48 hours after receipt of the payroll.

USEC. ANDANAR:  All right, within 48 hours. Rocky?

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong din, Secretary, si Pia Gutierrez: Will government allow opening of other small neighborhood businesses like laundry shops, hardware stores that is also needed by the people?

SEC. BELLO:  Ano iyong tanong, Rocky?

USEC. IGNACIO: Sir, kung ia-allow pa rin daw po ng government ang pagbubukas ng mga maliliit na negosyo katulad ng laundry shops, hardware at iyong iba pa pong mga tindahan na kailangan ng tao pa rin?

SEC. BELLO: Wala naman yatang nagbabawal na magtrabaho sila. Pero kung saka-sakaling hindi na kayo makapagtrabaho dahil unang-una wala kayong tao, then puwede kayong mag-apply doon sa aming programang TUPAD.

USEC. IGNACIO:  May tanong din po si Triciah ng CNN Philippines. Kailan daw po magsisimula ang DOLE sa pamimigay ng ayuda sa mga empleyadong apektado ng lockdown o ng Enhanced Community Quarantine?

SEC. BELLO: Nag-umpisa na po, more than one week na po. In fact, we were able to spend already 100 million; and by April 1, we expect to be receiving from our DBM 3 billion dahil we are trying to reach out about 600,000 formal workers and 300,000 informal workers. Kaya kailangang-kailangan namin iyong P2 billion within the first week of April and another P5 to P7 billion on the second and third week of April.

SEC. ANDANAR: Sec. Bebot, I understand that we have to report to Congress every week. So ulitin ko lang po ang inyong sinabi kanina: Kung ikaw ay isang formal worker, nawalan ka ng trabaho, hinid ka nakapasok, bibigyan ka ng P5,000 ng ating pamahalaan at sila ay puwedeng mag-apply doon sa … ang kanilang employer ay puwedeng mag-submit ng mga payroll doon sa DOLE o pinakamalapit na DOLE, tama po ba?

SEC. BELLO: Tama po. Puwede namang online, puwede namang email.

SEC. ANDANAR: Puwedeng online, puwedeng email at within 48 hours dapat mapadala na ng DOLE iyong pera doon sa employer, tama po ba?

SEC. BELLO: Tama po iyan.

SEC. ANDANAR: At para po naman sa mga informal workers ay puwede silang bigyan ng trabaho in Metro Manila, for example, the minimum pay is P537. Ito po ay bibigyan ng trabaho ng DOLE for ten days para naman mayroong kitain iyong isang informal worker, tama po, Secretary?

SEC. BELLO: Tama po. And then itong report na ito naibigay na namin, nai-submit na namin yesterday.

SEC. ANDANAR: So itong informal worker, mag-a-apply po sa pamamagitan ng kapitan, ng mayor o ng governor para po siya makakuha ng trabaho mula sa DOLE, tama?

SEC. BELLO: Opo, tama po iyan, Sec. Martin. Kasama po ang congressman, kasama rin po ang senators.

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Bebot Bello. Sana po araw-araw naming makasama ang DOLE sa aming programa, sir.

SEC. BELLO:  Anytime, Sec. Martin, at your disposal. Thank you.

SEC. ANDANAR: Samantala, Usec. Rocky, makakasama din natin si Assistant Secretary Jonji Gonzales mula po naman sa Office of the Adviser para po sa Visayas. Asec. Jonji, maayong buntag kanimo.

ASEC. GONZALES: Maayong buntag, Sec. Martin. Maayong buntag, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Kumusta mo naman mu diha sa Visayas.

ASEC. GONZALES: Karon, we are preparing for the worst case scenario (dialect). Pero good news kahapon, March 30, we did not have a single case in Central Visayas or Region VII. That is good news but it doesn’t mean that we will have to be complacent na because we did not have a confirmed case like yesterday, March 30, na mag-complacent tayo. Kaya tumatawag pa rin tayo sa mga kasamahan natin na stay at home.

But what we are doing right now aside from preparing for the worst case scenario is really conducting itong protocols, ang tawag natin ay SARI at ILI. Itong SARI is Severe Acute Respiratory Illness; at iyong ILI – Influenza Like Illness. Itong dalawang protocol na ito ay ginawa ng regional health offices natin sa Region VI, VII and VIII. Kasi ang ginawa natin ngayon, maganda iyong tulungan ng mga LGUs, maganda iyong tulungan ng DOH at nagtutulungan tayo na hanapin talaga iyong COVID na ito hanggang sa purok level.

Kaya these SARI and ILI protocols done in Visayas allow us to find COVID, and we are not just waiting for patients to come to the hospitals or come to the health centers para magpa-check. Tayo mismo, iyong mga health workers mismo, sila ang nagpupunta hanggang down to the purok level para mahanap itong si COVID.

And we are gaining ground, we are seeing that because also of our testing, na nagkakaroon na tayo ng test. We have 40,000 test kits in the Visayas – 20,000 nito ay dinonate ng Cebu City government sa Vicente Sotto; and the other 20,000 donated by the Cristina Lee Dino Foundation and kay Mr. Kim Wong. Itong lahat ay binigay sa Vicente Sotto, at bibigyan din ng test kits iyong ibang laboratories in the Visayas.           

ASEC. GONZALES:  And good news din, we will be procuring through donations; magkakaroon din tayo ng 50,000 swab kits so that we can conduct massive testing in the Visayas. Kasi hindi lang puwedeng hanggang lockdown or ECQ gagawin natin, halos buong Visayas na ngayon nagka-ECQ na, dapat talaga gawin din iyong SARI and ILI where the barangay healthworkers have to go down to the purok level to find COVID and do massive testing.

‘Pag magkaroon na ng clustering of ILI, influenza-like illnesses, magkakaroon na rin ng testing sa lugar na iyon. At kung may positive, i-quarantine kaagad iyong lugar na iyon. Kung may SARI sa lugar na iyon, immediately magti-test na kaagad ang health worker.

SEC. ANDANAR:  All right. Asec., kumusta naman ang supply ng pagkain diyan sa Cebu, diyan sa Visayas?

ASEC. GONZALES:  That is being handled now personally by Secretary Mike Dino, Sec. Martin ‘no. Siniguro niya na iyong supply ng rice, lalo na iyong rice, kasi especially Cebu, we import our rice from Region VI and from Region IV. We now have very ample supply of rice and Regions VIII and Region VI has ample supply of rice. At ngayon iyong mga LGUs, ang ginagawa nila, iyong pino-focus nila is really providing ng pagkain down to the purok level. At iyong second-liner nito ang DSWD, ‘pag nabigyan na ng LGUs at kailangan pang bigyan, ito naman si DSWD ay magbibigay ng pagkain ‘no.

So for now, we have 49 total cases of COVID all over Visayas. At good news, sa Region VIII, isa lang ang nagkaroon ng COVID positive; sa Region VI, 18; sa Region VII, 30. And if I may explain sa Region VIII, ito nga iyong why SARI and ILI protocol is working because iyong first case ng Region VIII na COVID positive was because of the SARI/ILI protocol na hinahanap talaga iyong virus na ito, hindi lang naghihintay na pupunta sa hospital iyong mga suspect, kung hindi iyong mga healthworkers talaga ay pinupuntahan iyong mga lugar at hinahanap si virus, si COVID virus.

SEC. ANDANAR:  Very comforting to know, Asec., na pagdating sa health issues, pagdating sa mga gamit, sa mga testers ay kumpleto na po kayo diyan at nagdaratingan pa ang mga donations sa inyong tanggapan, ganoon din ang mga pinapadala ng DOH. Very comforting to know na kumpleto po kayo sa pagkain, hindi po magugutom ang ating mga kababayan diyan sa Visayas. And it’s also comforting to know na ang ating mga LGUs ay very cooperative with the Office of the Presidential Assistant for the Visayas.

Maraming salamat sa inyong panahon, Asec. Jonji. Mabuhay ka. Salamat kaayo.

ASEC. GONZALES:  Thank you very much.

SEC. ANDANAR:  Ngayon naman ay puntahan natin si Mayor Emerson Pascual ng Gapan, Nueva Ecija. Magandang umaga sa inyo, Mayor.

GAPAN MAYOR PASCUAL: Magandang umaga po, Sec. Andanar. Magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR:  Kumusta po ang sitwasyon diyan sa inyo sa Gapan, sir?

GAPAN MAYOR PASCUAL: Dito po sa amin, lockdown na kami dito last week pa kasi tumataas ang aming PUM. Mayroon kaming 837 PUM ngayon at siyam ang PUI at anim ang positive.

SEC. ANDANAR:  Ano po ang inyong panawagan sa national government, Mayor?

GAPAN MAYOR PASCUAL: Kung may chance po na matulungan kami ng national government, ang gusto sana namin iyong test kits sana para po lahat ng PUM ay masala na namin kung sino iyong mga dapat naming ibukod para po hindi na kumalat, hindi na makahawa dito sa mga tao sa Lungsod ng Gapan.

USEC. IGNACIO: Ano po iyong mga programa o tulong na inyo pong naipapamahagi sa inyong mga nasasakupan? Kasi nakita ko sa video na talagang nagbahay-bahay kayo, namigay kayo ng bigas at saka manok, tama po ba?

GAPAN MAYOR PASCUAL: Yes, Usec. Rocky Ignacio. Actually ang—kasi hininto ko ang pamamasada ng tricycle, binawal nating lumabas ang mga tao sa kalsada so papaano natin mapipigil ang taong lumabas kung walang pagkain sa lamesa nila, kung kumakalam ang sikmura nila? Kaya ang ginawa ko po, iyong aming 34,000 families dito, ang target ko hanggang sa darating na Huwebes ay malagyan namin ng bigas ang bawat pintuan. At pagkatapos po naming malagyan ng bigas ang bawat pintuan, ulam po ang kasunod niyan.  Diri-diretso po ang bigay namin ng ulam sa mga tao dito sa Lungsod ng Gapan.

Pati nga po iyong mga farmers dito, mga magtatanim ng gulay, ang sabi ko sa kanila, sa Huwebes ‘pag natapos bigyan ng bigas ang lahat ng bahay sa Gapan, lahat naman ng tanim dito na gulay/vegetable, bibilhin ko, papakyawin ko at ipamimigay ko po sa mga tao dito sa Lungsod ng Gapan.

SEC. ANDANAR:  May gusto ho kayong hinging tulong sa gobyerno, Mayor?

GAPAN MAYOR PASCUAL: Iyon lang po sana, iyong test kits po ang number one sa amin para maihiwalay namin iyong mga talagang positive na. Lahat po ng PUM ma-test namin para masala na sila lahat para hindi na kumalat.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po Mayor Pascual ng Nueva Ecija. Bilang ama po ng Gapan, maraming salamat po. Mag-ingat po kayo.

GAPAN MAYOR PASCUAL: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Ngayon naman po ay nasa linya ng ating telepono si Ambassador Domingo Nolasco mula po sa Italy. Ambassador?

AMBASSADOR NOLASCO:  Good morning, Usec. Good morning, Secretary Andanar.

USEC. IGNACIO: Kumusta na po iyong sitwasyon ng mga Pilipino diyan sa Italya?

AMBASSADOR NOLASCO:  Ngayon po, naka-under pa kami sa restrictive movement. So pinagbabawalan iyong paglabas ng bahay except kung kinakailangan lang talaga sa trabaho, bibili ng pagkain, pupunta sa botika or for emergency purposes. Iyong embahada naman po, mula nang nagkaroon ng restrictive measures, naka-work-from-home kami but we continue to receive calls from Filipinos; we render assistance.

Ang pinakamalaking ano ho nila ngayon is papaano raw—kasi karamihan sa kanila ay nawalan ng trabaho or nabawasan iyong kanilang oras sa pagtatrabaho. So ang mga request po sa amin is for financial assistance, iyong iba naman po ay gustong umuwi muna, so ini-evaluate namin iyong mga request kasi iyong iba, may balak pa silang bumalik dito.

Iyong embassy naman po, araw-araw sa tulong ninyo rin diyan ay nagpapalabas ng information drive para pangalagaan ang kanilang sarili, sundin iyong patakaran ng gobyerno rito. At kami rin ay medyo tina-translate namin iyong mga forms na kailangan nila ‘pag lumalabas kasi it’s all in Italian; ito ho iyong tulong namin. So araw-araw nag-a-update ho kami ng advisory sa aming website, sa aming Facebook account at saka sa Twitter.

USEC. IGNACIO: Opo. Naitala ang mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Italya pero napakalaki rin po ang bilang ng recoveries. So ang tanong po dito ay may mga Pilipino po ba na—mga ilan pong Pilipino iyong nagpahayag na gusto na nilang umuwi sa Pilipinas? Ang tanong pong iyan ay galing kay Triciah ng CNN Philippines.

AMBASSADOR NOLASCO:  Okay. May mga nagsabi kasing organization na marami, but we do on a personal basis, isa-isa kasi we treat the … each individual person. So interbyuhin muna namin iyong gustong umuwi. May mga Filipinos na rin na naapektuhan ng COVID-19 pero dahil mahigpit iyong privacy law, hindi namin maibigay.

Sa buong Europe as of yesterday, 97 ang confirmed cases kasama iyong mga nandito sa Italy. Iyong iba nalaman namin kasi tumawag iyong kamag-anak. Iyong iba naman, iyong kanilang employer tumawag sa amin. Pero iyong gobyerno, hindi nagbibigay sila ng breakdown per nationality.

SEC. ANDANAR:  All right, Ambassador. Mayroon lang akong tanong, Rocky, para kay Ambassador. Dahil binanggit po kasi ni Secretary Bebot Bello na para sa mga OFW na gusto nang umuwi or wala nang trabaho: Number one, bibigyan sila, ang OFW, ng 200 dollars or katumbas ng P10,000; pangalawa, libre iyong repatriation. Ganoon din ho ba iyong inyong ugnayan—ganoon din ho ba ang sinasabi ng ating DOLE diyan sa Italy? Kung ganoon ho ay mayroon na ho bang mga Filipino OFWs na gusto nang umuwi at puwede nang i-repatriate? At number two, mayroon na ho bang nabigyan ng 200 dollars?

AMBASSADOR NOLASCO: Okay. Secretary, under the embassy, we operate on the one country approach. So, kasama iyong team ho namin, iyong taga-DOLE at saka taga-OWWA. Iyong tanong ninyo po ay may mga nag-request na, so ini-evaluate namin iyon nang isa-isa kung talagang legitimate ba iyong pag-uwi nila kasi iyong iba gusto pa nilang bumalik, gusto munang magpalipas ng panahon dito kasi natatakot sila.

Iyong tanong ninyo ho, may nakatanggap na ba dito ng two hundred? Wala pa po pero nakikipag-ugnayan kami sa representatives ng DOLE dito sa Philippine Embassy dito sa Roma at saka may isang opisina rin ho kami sa Milan, iyong Philippine Consulate General sa Milan na may representative din ho ang DOLE at saka OWWA.

SEC. ANDANAR: Maganda po iyan Ambassador. Ang mahalaga lang ho talaga ay naipaparating natin iyan sa ating mga kababayang OFW na mayroon hong ganiyang pera ang gobyerno na puwede nilang pakinabangan kung gusto nilang umalis sa trabaho nila o sila man ay napilitang umalis dahil nawalan ng trabaho, mayroon silang $200; at kung gusto nilang umuwi ng Pilipinas, libre iyong repatriation. Salamat po sa inyong oras, Ambassador.

AMBASSADOR NOLASCO: Salamat, Secretary. Magandang araw po.

SEC. ANDANAR: Mag-iingat po kayo diyan, sir.

AMB. NOLASCO: Kayo din po.

SEC. ANDANAR: Samantala, makibalita naman tayo at kuhanin natin ang mga tanong ng ating mga kababayan mula sa iba’t-ibang panig ng bansa kasama si Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service. Magandang tanghali sa iyo, Dennis.

[NEWS REPORTING]

USEC. ROCKY: Maraming salamat sa iyo, Dennis. Muli maraming salamat din po sa mga nakasama natin na sina Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III ng Department of Labor and Employment; ASec. Jonjie Gonzales ng Office of the Presidential Assistant to the
Visayas; Mayor Emerson ‘Emeng’ Pascual mula sa Gapan, Nueva Ecija; at si Ambassador Domingo Nolasco, ang Philippine Ambassador sa Italia.

Nakasama rin po natin ang Philippine Broadcasting Service, PTV Cordillera, PTV Davao, PTV Cebu, ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas.

Pinapasalamatan rin po natin ang mga health workers at OFWs na nakausap natin kanina. Makakaasa po kayo na ipapaabot po natin ang mga concerns na inyong binanggit sa ating mga kinauukulang ahensya.

SEC. ANDANAR: Sa kabila ng pagharap natin sa krisis na ito, patuloy nating pinapatunayan na ang mga Pilipino ay matapang, matatag sa kahit na anong hamon ang dumating sa atin. Pagpupugay po sa ating mga frontliners. Panoorin po natin ito.

[VTR]

SEC. ANDANAR: Sa DXVM Radyo Ukay Bukidnon, maraming salamat sa inyong pag-hook-up at Pilipino Star Ngayon, kay Mer Layson, salamat din po, sir!

At diyan nagtatapos ang ating programa ngayong araw na ito. Ugaliin pong maging updated sa mga balita hinggil sa COVID-19 sa bansa gayudin sa mga hakbang ng ating pamahalaan upang masugpo ito. Patuloy po lamang na tumangkilik, sumubaybay at makinig sa mga lehitimong news sites.

Ako po muli ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.

USEC. ROCKY: Nagpapasalamat din po tayo sa DWWW, kay Joel Gorospe. At higit sa lahat huwag po tayong basta-basta maniniwala sa ilang nababasa online. Maging maalam po at maingat po tayo sa pagharap sa suliraning ito.

Muli rin po, mula sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Laging tandaan, basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Hanggang bukas po muli dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. ROCKY: Public Briefing #LagingHandaPH

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)