Press Briefing

Public Briefing #Laging Handa PH hosted by PCOO Secretary Martin Andanar and Undersecretary Rocky Ignacio with Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, Department of Social Welfare and Development Director Justin Batocabe, Department of Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, Agusan Del Sur Congressman Eddiebong Plaza, Senator Richard Gordon and President of JCI Manila John Bautista


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #20
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga, Pilipinas. At pagpupugay sa mga minamahal nating mga kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo. Ganoon din po sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radyo at sa ating online streaming. Ngayong araw ay muli nating sasagutin at sisikapin  na bigyang linaw ang mga katanungan ng ating mga kababayan  hinggil sa COVID-19, sa tulong ng ating mga resource persons na nagmula pa   sa mga pinagpipitaganang ahensiya ng ating gobyerno,  mga local  na pamahalaan at iba pang sector  ng lipunan.

Sa ngalan po ng People’s Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service and its Radyo Pilipinas Network nationwide at ang ating Crisis Communications Platform na Laging Handa, Radio Television Malacañang at sa pangunguna ng Presidential Communications Operations Office – Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  Mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio. Dito po ay magkakaroon ng pagkakataon ang  ating mga kababayan na ilahad ang  kanilang saloobin pagdating po sa health crisis na kasalukuyan pong nararanasan, hindi lamang sa ating bansa kung hindi sa buong mundo.

SEC. ANDANAR:  Basta sama-sama at laging handa, kaya po natin ito. Kaya, bayan, halina at inyo kaming samahan dito lang sa Public Briefing #Laging HandaPh.

USEC. IGNACIO:  Secretary, kahapon busy ka dahil mayroon kang sinalubong sa airport?

SEC. ANDANAR: Opo, tayo ay nagpunta sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kasama po ni Secretary Locsin, kasama rin po si Secretary Duque at Secretary Cusi, para salubungin itong mga ayuda na ibinigay sa atin ng People’s Republic of China. So halu-halo iyan, mayroong mga ayuda na PPEs, mayroon ding testing kits, mayroon ding mga masks na ipinamigay.

In fact, mayroon silang in-allot na masks para sa atin sa Presidential Communications Operations Office. Kaya tayo  ay nagpapasalamat sa ating mga kapatid para sa ating mga kaibigan diyan po sa People’s Republic of China, kay President Xi Jinping at sa ating ambassador naman po dito sa Pilipinas, Ambassador ng China dito sa Pilipinas sa kanilang tulong sa atin.

Iyan po, talagang tangible iyan, Rocky, mahahawakan mo iyan. Kung sino pa iyong—kasi alam mo grabe iyong xenophobia, grabe iyong diskriminasyon. Pero kung sino pa iyong dini-discriminate, sila pa iyong tumulong sa atin. Back to you, Rocky.

USEC. IGNACIO:  Okay, samantala alamin natin ang pinakahuling bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4:00 P.M., April 5, 2020. Ayon po sa tala ng Department of Health, ay naku, mayroon na po tayong 3,246 cases na nagpositibo sa COVID-19 sa bansa; 64 dito ang  naka-recover na mula sa sakit, at 152 naman po ay pumanaw. Ayon naman po sa Johns Hopkins University of Medicine, mayroon na pong 1,270,069 COVID-19 cases sa buong mundo, kung saan po 259,810 na po ang naka-recover, habang 69, 309 naman po ang nasawi.

Dumako naman tayo sa rehiyon ng ASEAN na tinatayang nasa 13,181 na po ang kabuuang kaso ng COVID-19  kung saan  442 ang namatay mula sa sakit at 2,559  naman na po ang naka-recover. Nasa pangalawang puwesto pa rin po ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa ASEAN at nangunguna pa rin ang bansang Malaysia na may 3,662 confirmed cases.

SEC. ANDANAR:  Bayan, hinggil pa rin po sa inyong katanungan at concerns tungkol sa COVID-19 ay tumawag lang po sa 02-894-26843; at para naman sa ating mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, maaaring i-dial ang 1555. Maaari rin po ninyong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa inyong TV screens. Upang maging updated sa mga hakbangin ng pamahalan kontra COVID-19,  magtungo po sa aming COVID-19 portal. Bisitahin lamang po ang www.covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO:  Ngayon naman po ay puntahan natin ang iba pa nating kasama na magbibigay ng balita mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, sina John Mogol mula po sa Philippine Broadcasting Service, si Eddie Carta mula po sa PTV Cordillera at Jay Lagang mula sa PTV Davao. Magandang umaga po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR:  Ngayong araw din, Usec. Rocky, ay makakasama natin sina Secretary Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment; si Director Justine Batocabe ng DSWD National Household Targeting  Office;  at si Usec. Ma. Rosario Vergeire, ang Spokesperson ng DOH. And of course, si Congressman Eddiebong Plaza mula sa second district ng Agusan Del Sur; at si Senator Gordon, ang chairman po at CEO po ng Philippine Red Cross; at John Baustista, ang Presidente ng JCI Manila.

USEC. IGNACIO:  Para po sa karagdagan namang balita, Secretary, ang pag-extend po ng Enhanced Community quarantine, malaking bagay po para tuluyan na ang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon po kay Senator Christopher Bong Go, kasabay ng pagtaas ng kapasidad ng COVID-19 testing sa Pilipinas ay makakatulong din ang pagpapalawig pa  ng ECQ para po tulungang mapigilan ang pagdami ng  mga Pilipinong positibo  sa nasabing sakit.

Nanawagan din po siya sa Executive branch na pabilisin at mas gawing epektibo po ang pamamahagi ng ayuda para sa bawat pamilyang apektado ng krisis na ito. Patuloy din ang paalala niya na manatili ang bawat isa sa kani-kanilang mga tahanan at makiisa sa mga hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19.

SEC. ANDANAR:  Samantala, simula ngayong araw, April 6 ay ipinatutupad na ang total lockdown sa buong lalawigan ng Rizal. Base iyan sa Executive Order # 4 na inilabas ni Acting Rizal Governor Reynaldo San Juan dahil marami umano sa mga nasasakupan nito ang hindi sineseryoso ang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine.

Isinailalim na rin sa total lockdown ang iba pang lalawigan, tulad ng Laguna simula noong March 28 at Ilocos Norte noong March 29. At narito po naman ang iba pang lungsod at lalawigan na sumasailalim sa Enhanced Community Quarantine [flashes on screen]

USEC. IGNACIO:  Makibalita naman tayo sa ating mga kababayan na nasa ibang panig ng mundo. Makakausap po natin ang isang OFW mula sa Singapore at isang Pinay nurse diyan po sa Paris, France na naka-recover mula sa COVID-19.

SEC. ANDANAR:  Kilalanin natin sila live via VMIX – sina Carlos Clement na isang OFW sa Singapore; kasama rin po natin si Arlou Anne Klein diyan sa France na napagtagumpayan ang kanyang laban sa COVID-19. Magandang umaga po sa inyong dalawa mula dito sa Maynila.

USEC. IGNACIO:  May tanong po para kay Carlos Clement: Kumusta na po ang lagay ninyong mga Pinoy diyan sa Singapore? Alam po ba ninyo kung ilan pang Pinoy ang naapektuhan ng COVID-19 sa Singapore.

CARLOS CLEMENT:   So for the last months, surely normal pa rin naman  ang buhay dito sa Singapore para sa aming mga Pinoy at para sa mga Singaporeans dito. Bukas pa rin iyong public transport, saka bukas pa rin iyong mga malls. Nakakapasok pa rin kami sa trabaho, pero mayroon kaming work schedules. As for the actual count of Filipinos na may COVID, hindi ko masasabi, siguro… may mga nababalitaan na kaming mga nurse at saka mga Filipino workers na mayroon ng COVID cases.

USEC. IGNACIO:  Ikaw, bilang isang  Pinoy na nagtatrabaho  sa Singapore, paano mo pinag-iingatan ang iyong sarili  sa sakit na ito? At mayroon bang ibinibigay na suporta ang ating embahada sa inyo?

CARLOS CLEMENT: So iyong sinasabi ngayon ng Philippine Embassy is generally in line with ano iyong sinasabi ng Singaporean government which is to practice social distancing at saka to practice good hygiene, washing of hands, etc. So kami, sumusunod naman kami sa directive ng government. And iyong Singaporean government ngayon, nagpu-provide din sila ng mga face masks para sa mga residents. And apart from that, iyong Philippine Embassy dito ay sumusunod lang din… aligned lang din sila with the Singaporean government on these calls.

USEC. IGNACIO:  Sa mga nangyayaring ito, naiisip mo ba na ikaw ay talagang mananatili pa rin sa Singapore para magtrabaho o gusto mo nang umuwi dito sa Pilipinas dahil sa COVID-19 nga na nangyayari ngayon, na nararanasan sa buong mundo?

CARLOS CLEMENT: Well, actually based naman sa situation ko, okay iyong work ko dito sa Singapore so gusto ko talagang manatili dito. Iyong maganda naman is, before COVID, nakakauwi pa rin ako madalas sa Pilipinas. Siyempre gusto kong umuwi ngayon para makasama ang pamilya ko at saka iyong mga kaibigan ko, na maranasan itong COVID pandemic. Sa ngayon, susunod lang din ako sa call ng government na huwag munang mag-travel. Just stay in your homes and try to ride out the virus.

USEC. IGNACIO: Okay. Ikaw ba ay may mensahe dito sa mga mahal mo sa buhay dito sa Pilipinas? Malayo ka pa rin dahil ikaw ay nandiyan sa Singapore.

CARLOS CLEMENT: Well, mabuti naman at dahil sa internet ay nakakausap ko halos araw-araw ang pamilya ko pati iyong mga kaibigan ko diyan sa Pilipinas. Ang masasabi ko lang siguro ay to everyone, stay safe, practice social distancing and siguro na rin na ihanda natin iyong mga sarili natin na likely na tatagal ito and na dapat prepared tayo both mentally and physically for the… iyong pangmatagalang implementation ng lockdown.

USEC. IGNACIO:  Okay, Secretary?

SEC. ANDANAR: Rocky, kasama rin natin si Arlou Anne Klein mula sa Paris. Siya po ay survivor. Ngayon naman, Ann, kumustahin natin ang iyong kalagayan? Papaano po ba kayo naka-survive diyan? If I’m not mistaken, were you also tested positive of this COVID-19?

ARLOU ANNE KLEIN: Yes, I was tested positive since March 24 because I was working in a public hospital here. And three days after I got sick, sinabi nila that three of my patients were positive so—yeah, they were asymptomatic; they were in palliative care so we didn’t know at first, so iyon na, nahawa na pala ako.

SEC. ANDANAR: Okay. So ano ang pinagdaanan mo while you were positive dito sa COVID-19? Baka puwede mong i-describe sa amin kung anong hirap ang pinagdaanan mo?

ARLOU ANNE KLEIN: Okay. Coronavirus, hindi siya simpleng lagnat lang; hindi siya simpleng sakit ng ulo or ubo. It’s really degrading your respiratory system. Looking back doon sa mga videos na nakuha ko, it’s really breaking my heart na ganoon pala kahirap huminga. Ganoon pala kahirap, parang magmo-move ka lang, hindi ka makapag-move kasi uubuhin ka eh. Hindi ka makagalaw masyado. Pupunta ka lang sa toilet, hindi mo kaya nang walang oxygen. And it was a non-stop fever, high fever for ten days. So I really suffered, I really suffered during that time. But yeah, as what I said, (unclear) so yeah, I survived.

SEC. ANDANAR: Pero sa case mo, Anne, wala ka namang secondary illness? Wala ka namang asthma or anything that would really trigger itong COVID-19?

ARLOU ANNE KLEIN: Wala po. Wala po talaga. I mean, as far as I know, I’m fit; I am young. And the only thing that exposed me is because I was working in the hospital and I really need to go out because here medical workers are obliged to go out po. So wala talaga akong secondary illness, but I still got the virus.

SEC. ANDANAR: Oo, so isa ka sa mga masuwerte na walang sakit, ibang sakit kaya ito’y nalagpasan mo. Anong mensahe mo ngayon, Ann, sa kapwa Pinoy diyan sa France, sa mga mahal mo sa buhay dito sa Pilipinas at para na rin sa ating mga kababayan na mayroon pa rin diyan na matitigas ang ulo, labas pa rin nang labas ng kanilang mga tahanan?

ARLOU ANNE KLEIN: Kaya nga eh, so masasabi ko lang po is do not underestimate this coronavirus. From my experience, hindi po siya ganoon kadali; hindi siya ganoon kadaling i-beat pero it will depend on your immune system. So please huwag po kayong matigas ang ulo. We have to respect the law; we have to abide, and it’s for our safety.

Second, you have to be aware on your health kung if you have signs and symptoms already, please tell your loved ones, tell someone from medical services like that they are safe as well and makakalunas nang mas maaga. And after that, kapit lang. I mean, the thing that helped me most are prayers talaga. It was your will to help your body and your will, and God’s will na rin to get better and to beat this coronavirus. So please be safe; huwag nang matigas ang ulo; huwag nang lalabas. Yeah, just spend more time with your family because hindi siya ganoon kadali, this coronavirus. But yet, there’s an end of it, there’s still hope. I survived, meaning, we can all survive with this.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyong oras, Anne. At salamat din sa pagpapaunlak sa aming panayam Carlos Clement na nandiyan po sa Singapore and, of course, kay Arlou Anne Klein diyan sa France. God bless you, the two of you. Ingat po kayo.

Samantala, para sa mga kababayan naman po natin na may agam-agam sa kung sinu-sino ba ang makakatanggap ng tulong mula sa DSWD, panoorin po natin ito:

[VIDEO PRESENTATION]

USEC. IGNACIO:  Samantala, Secretary, simulan na nating makibalita muna sa Baguio City kasama ang ating PTV Cordillera correspondent na si Eddie Carta. Naimbag nga bigat kadayo amin.

 [NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR:  Ngayon naman ay simulan natin ang ating public briefing kasama pa rin sina Secretary Bebot Bello III ng Department  of Labor and Employment, Director Justin Batocabe  ng DSWD National Household Targeting office, Usec. Ma. Rosario Vergeire ang Spokesperson ng Department of Health, at si Congressman Eddie Bong Plaza  mula sa second district ng Agusan Del Sur, Senator Gordon – Chairman po ng Red Cross at John Bautista ng JCI Manila  — magandang umaga po muli sa inyong lahat.

Unahin natin ngayon, mga kababayan, si Secretary Bebot Bello. Is the Secretary ready? Sec. Bebot? Sec. Bebot, magandang umaga.

SEC. BELLO:  Hello. Good morning, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Kasama rin natin si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. BELLO:  Hi, Rocky. Good morning.

USEC. IGNACIO:  Good morning po.

SEC. ANDANAR:  Saka, Sec. Bebot, kasama rin po natin si Governor Eddiebong Plaza ngayon—ay Congressman na.

SEC. BELLO:  Uy, Governor. Maayong buntag, Governor.

SEC. ANDANAR:  Sec. Bebot, kumusta na po ang pagpapatupad ninyo ng DOLE social amelioration program? Iyon inyong mga programa po para mabigyan ng trabaho iyong ating mga kababayan na nawalan ng trabaho sa formal at informal sectors?

SEC. BELLO:  Okay, Sec. Mart, Governor and Rocky, as of yesterday, we have already approved the application of 102,855 formal workers and we already paid … nabayaran na ito, Sec. Martin, bayad na – P514 million. Okay, sa mga informal workers, we already approved 72,703 beneficiaries and we have already paid them. Natanggap na nila iyong pera – P107 million pesos. Ngayon, Sec. Martin, we are still targeting 115,000 formal workers up to April 14. This will involve 579 million sa formal workers.  Sa mga informal workers, Sec. Martin, we are targeting 235,000 informal workers and this will involve P963 million – iyan ang tina-target natin up to April 14. Iyan po ang nagawa ng DOLE as of yesterday, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  So hanggang ngayon, puwede pa rin magpalista—

SEC. BELLO:  Opo.

SEC. ANDANAR:—ang ating mga informal or formal workers. Kumpleto na po ba iyong listahan?

SEC. BELLO:  Kumpleto na iyong listahan natin, Sec. Martin, as far as iyong mga nag-apply. Pero we will follow the prediction of NEDA, we are expecting na mayroong 1.8 million workers na maaapektuhan. Kaya siguro, we need this to … this exigency, we will need to—we’ll have  ask for additional  budget  allotment from the national government that will hail from the amelioration fund, social amelioration funds.

SEC. ANDANAR:  So itong beneficiaries po ng mga DOLE, Secretary, linawin lang natin, they really must go through the local government units?

SEC. BELLO:  Sec. Martin, iyong mga formal workers hindi na kasi ang mga formal workers, ang nagbigay ng kanilang identification ay iyong kanilang employer. Iyong employer nila ang nag-submit sa amin ng payroll on the basis of it, binigay namin iyong pera sa employer, and the employer paid the employees involved –  ito iyong mga hindi nakapagtrabaho dahil na-quarantine sila.

SEC. ANDANAR:  At iyon pong mga informal worker, Secretary Bebot, sila po will have to go through the local government unit hindi ho ba?

SEC. BELLO: Yes. Sec. Martin, ito naman iyong mga informal workers na sinubmit ng mga barangay officials. Sila ang nag-submit sa amin, pinagtrabaho namin sila nang 10 days, binayaran namin sila ng minimum wage depending on the region for 10 days. And that is why we spent already 72 million, and by April 14, we will be paying [garbled].

SEC. ANDANAR:  All right. Sec. Bebot, alamin natin ang tanong po naman ng taumbayan, mayroon po tayong mga katanungan mula sa kanila sa pamamagitan ni John Mogol ng Philippine Broadcasting Service. John, go ahead please.

JOHN MOGOL:  Yes, Secretary Martin, marami pong salamat. Ito po iyong para kay DOLE Secretary Bello mula po kay Mang Roberto San Juan ng Maynila. Secretary Bello, magandang tanghali po, narito po iyong tanong: [VIDEO] “Mag-extend ang lockdown, alin ang papayagan, iyong sa mga manggagawa. Alin ang puwedeng lumabas at hindi lumabas?”

SEC. BELLO: Hindi masyadong klaro iyong tanong.

SEC. ANDANAR:  Okay. Pakiulit lang, John, kung ano iyong tanong. Ikaw na lang magtanong kay Secretary Bebot.

JOHN MOGOL:  Ito po, Secretary Bello, ang tanong po ni … Kung sakaling mag-extend po iyong lockdown, alin daw po ang papayagan sa mga manggagawa na puwede at hindi puwedeng lumabas.

SEC. BELLO: Well, based on the existing criteria, John, lahat noong mga manggagawa na hindi makapagtrabaho dahil na-lockdown sila o na-quarantine sila, they will be entitled to the cash assistance of P5,000 from the Department of Labor.

JOHN MOGOL:  Okay. Thank you po, Secretary Bello. Balik po tayo kay Secretary Andanar.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat John sa PBS Radyo Pilipinas. Dumako naman tayo, Secretary, sa katanungan ng ating mga ibang kasamahan sa media. Mula kay Joseph Morong: A lot of those affected by the lockdown are performing artists, members of theater and dance group. Ano daw pong klaseng tulong ang puwedeng ibigay sa kanila ng gobyerno?

SEC. BELLO: Mabuti natanong ninyo po iyan. Iyon pong mga artist, mga entertainers na nawalan ng trabaho because of this COVID-19, they will qualify under the TUPAD program of the Department of Labor. Meaning po, we will give them work for 10 days and we will pay them a minimum wage … with minimum wage salary. Kung 10 days po iyan and if we base it on the current rate level dito sa Metro Manila, it is P537, it means that we will pay them P5,370 for their 10 days work. And having said that, iyong trabaho po nila ay hindi po kailangang lumabas ng bahay dahil iyong trabaho nila ay gagawin nila sa bahay, sa paglilinis at pagdi-disinfect.

USEC. IGNACIO: Mula kay Triciah ng CNN Philippines: Iyon daw pong ibang mga kumpanya ay nagko-complain na na wala daw po silang naririnig from DOLE about compensation program for their formal workers kahit nag-submit na raw po sila ng list of employees na kailangan ng financial aid. Papaano po ito tutugunan ng DOLE?

May tanong pa rin din po si Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Kung ma-extend daw po ang ECQ, iyong Enhanced Community Quarantine, kung magkakaroon po daw ng panibagong round ng cash assistance sa mga maaapektuhan pa ring manggagawa. Secretary Bello?

SEC. BELLO: Kapag nagkaroon ng extension itong Enhanced Community Quarantine, we will … the Department of Labor will recommend for the extension of the program of cash assistance or we call it CAMP – COVID Adjustment Measure Program. Ire-recommend po namin at depende na po sa decision ng Inter-Agency Task Force po.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong naman po ni Triciah na may mga nagko-complain o nagrereklamo daw pong ibang kumpanya dahil iyong kanilang compensation program mukhang natatagalan po. Papaano daw po ito tutugunan ng DOLE, kasi nag-submit na rin naman daw po sila noong mga listahan ng kanilang mga formal workers.

SEC. BELLO: Okay. Thank you, thank you. Triciah, kung nakikinig ka, please call iyong hotline namin which is Hotline 1349 at iparating mo sa aming mga call center workers and they will bring to this to the attention of our Bureau of Local Employment at titiyakin natin na mapapabilis ang pagbayad sa inyo ng cash assistance.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon pong last question. Hindi naman actually question ito, mula kay Joseph Morong. Mayroon pong nagparating sa kaniya na OFW mula daw po isang cruise ship sa Dubai, nanghihingi po sila ng tulong sa gobyerno ng Pilipinas kasi mayroon daw pong mga positive na nandoon na sa cruise ship na iyon. Ite-text ko po sa inyo iyong detalye kung sino po iyong humihingi ng tulong, Secretary Bello.

SEC. BELLO: Okay po. Lahat ng mga OFW natin na naapektuhan dito sa COVID-19 ay mayroon din po kaming nirekomenda na cash assistance. This is now pending approval by the IATF and hopefully by the President. And knowing the President’s bias for OFWs, I am very sure that our recommendation will be approved.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Secretary Bello.

SEC. BELLO: Okay po.

SEC. ANDANAR:  Thank you, Sec. Bebot. Ngayon po naman ay puntahan natin si Director Justin Batocabe ng DSWD National Household Targeting Office. Magandang umaga po sa inyo, Director.

DIR. BATOCABE:  Good morning, Secretary. Good morning, Usec.

SEC. ANDANAR:  Sinimulan ninyo iyong inyong Social Amelioration Program at nagbahagi na rin kayo sa ating mga kababayang 4Ps na may cash card. Kailangan pa po ba nila ng social amelioration card, iyong mga tumatanggap na ng 4Ps?

DIR. BATOCABE:  Ang mga tumatanggap na po ng 4Ps, hindi na po nila kailangan po mag-fill up ng social amelioration cards po. Diretso na po ang aming tulong sa kanilang mga accounts. Paalala na lang po, kung ano po ang natatanggap nila po sa 4Ps, dadagdagan na lang po namin para po tumapat po doon sa subsidy amount na minandato po ng ating Department of Finance.

So halimbawa po, kung sa NCR po na mayroong threshold subsidy amount of P8,000 at nakakatanggap sila ng P3,000 po na 4Ps, dadagdagan po natin ng P5,000 para makaabot po sa p8,000.

SEC. ANDANAR:  Okay. Kanina, Director, kausap ko si Secretary Rolly Bautista at ang ating Gobernador, si Gov. Rhodora ng Antique kasama rin po si dating Senador at ngayo’y Deputy Speaker Loren Legarda para po doon sa lugar ng Antique kung saan mayroon pong mga geographically isolated areas na napakahirap po talaga puntahan. It would take 7 hours to travel from the barangay papunta doon sa Antique, doon sa mainland proper ‘no. Ang napag-usapan po kasi, para doon sa mga… sa Antique na malayo iyong mga lugar, hindi ho kailangan agad iyong social amelioration card.

Ang puwede pong gawin ng isang beneficiary ay magpunta po doon mismo sa munisipyo, habang tinatanggap po iyong kaniyang ayuda ay doon siya mismo magpi-fill up ng kaniyang social amelioration card in the presence of the barangay captain or the municipal officer para po ito po ay ma-identify at talagang ma-vet nang maayos na siya talaga ay beneficiary.

Ang tanong po is that, papaano po iyong ibang lugar because we’re just only talking about Antique Province. Paano po iyong mga ibang probinsya na ganoon din iyong sitwasyon, na napakalayo ng barangay at kapag hintayin pa natin iyong backward and forward ng papeles ay aabot po tayo ng buwan-buwan. Puwede rin po ba itong gawin doon sa lugar na iyon? Tutal, on the second tranche ay mayroon na silang hawak na social amelioration card.

DIR. BATOCABE:  Tama po iyan. We’re allowing our regional directors and our LGUs some leeway po, binibigyan po natin sila ng konting flexibility po.

Pero, Secretary, pasensiya na po, i-reiterate ko lang po iyong ating general rule na observing Social Amelioration—I mean, social distancing guidelines po na, ang best case po is ang barangay, ang LGUs po ang pupunta house to house. Pero po, rest assured through the leadership of Secretary Rolly, we have our ears on the ground and we note of those peculiar geographic circumstances po and we do allow on a case to case basis naman po.

SEC. ANDANAR: Alright. So, ang mangyayari niyan house to house. Pupunta doon iyong barangay, pupunta doon iyong DSWD kung mayroong representative, at doon mismo magfi-fill-up ng form iyong kababayan natin na maa-identify ng barangay kapitan na siya talaga ay dapat beneficiary ng Social Amelioration Card para sigurado na walang dayaan na nangyayari.

DIR. BATOCABE: Correct po, sir, and really the time is of the essence so, sa amin po, ang philosophy namin is the LGU knows best and they’re in the best position to point out who really needs this. So, inuulit na lang po natin iyong ating panawagan ng ating mabuting Pangulo na sa mga LGUs po, hanapin ang mga nangangailangan, ibigay sa kanila po ang tulong.

SEC. ANDANAR: Alright, Director Justin, huwag kang aalis kasi kasama natin si John Mogol mula po naman sa Philippine Broadcasting Service para sa mga katanungan ng ating mga kababayan para sa iyo. Go ahead.

PBS CORRESPONDENT MOGOL: Thank you, Secretary Andanar. Director Batocabe, ang tanong po na ito ay galing kay Mr. Raldy Estrada, isang medical representative mula sa San Quintin, Pangasinan. Ito po ang kaniyang katanungan via video:

(VTR) Tanong ko lang po, sir, kapag sa isang pamilya po mayroon pong isang senior citizen then isang PWD, tapos isang solo parent, lahat po ba sila ay makakatanggap po ng Social Amelioration Fund? 

SEC. ANDANAR: Director, narinig mo ba?

DIR. BATOCABE: Isa pong senior citizen, isa pong PWD and ano po iyong panghuli?

SEC. ANDANAR: Tinatanong niya kung sa isang pamilya ay mayroong ganiyang mga miyembro, makakatanggap ba lahat?

DIR. BATOCABE: Ay, hindi po, ang pagbibigay po ay per family po. It does not—ang importante lang po ay may isang eligible. So, kung baga po may isang senior citizen or may isang PWD, may isang lactating mother. Pero kung halimbawa, lahat sila ho miyembro ng tig-iisang pamilya, suma-total isang benepisyo lang po ang puwede nilang matanggap – all in all po.

SEC. ANDANAR: Alright. So, clearly, Director, hindi po ito base sa household, kasi iyong bahay minsan tatlong pamilya ang nakatira eh.

DIR. BATOCABE: Opo, pero ang ano po diyan is ang ating Department of Finance nagbaba ho sila ng mga regional quotas kung ilan po ang ating mga beneficiaries po. Kasi po ayon sa batas, nag-target po sila ng eighteen million households most affected by the COVID-19 crisis po.

SEC. ANDANAR: Alright. Rocky, baka mayroon tayong tanong mula sa mga kaibigan nating media?

USEC. ROCKY: Opo. May sinabi po dito si Joel Gorospe ng DWWW: Papaano ninyo daw po tutugunan iyong isang barangay daw po ay nanloloko sa pagbibigay nitong dapat na benepisyong ibibigay sa ating mga kababayan. Kasi, sinasabi po niya, dapat daw po malinaw iyong talagang guidelines ng DSWD kasi mayroon na daw allegedly na mga nagsusumbong na iyong sa barangay ay niloloko po iyong ating mga kababayan. Papaano po ito tutugunan ng DSWD?

DIR. BATOCABE: Opo, USec. Actually po, nakakarinig po kami ng mga reports, ang pinakakaraniwan ho diyan is iyong SAC card, ibinibenta ho nila. Remind na lang po natin sa ating mga kababayan, ang SAC card not for sale ho iyan. With regards to this, tandaan po natin sa RA 11469, mayroon pong mga penal provisions doon at isa na doon po ang mga erring LGUs po and panigurado po ako through DILG, once this crisis is over, iyang mga opisyales natin na pampagulo ay kakasuhan po natin iyan.

USEC. ROCKY: Opo. Tanong naman po mula kay Victoria Tulad ng GMA 7: Bakit daw po natatagalan ang pamimigay ng Social Amelioration forms? Ano daw po talaga ang proseso nito lalo iyong target ng pagre-release ng financial help? Kasi kanina ho mayroon ding nag-text sa akin na isang kamag-anak ko sa Laguna at sinabing nilampasan daw po sila ng DSWD pero ito pong kamag-anak kong ito, dalawa po silang senior citizen?

Iyon po, with regards po doon sa pamilya na dalawa ang senior citizen, tandaan po natin, ang pinaka-una pong factor, requirement po is you are … ay poorest family ka po, most affected by the COVID crisis. So, hindi ko po alam ang eksaktong sirkumstansiya kung bakit po dinaanan siya. Pero siguro po nagkaroon ng … dinitermina po noong pagdaan na hindi poor areas po iyon.

And in any case po, sa amin sa DSWD, ang central office nagbigay na po kami ng SAC cards and at the same time, with our instructions and information  last Monday pa ho nakapag-out na kami, 5 P.M. pa.

Supposedly po iyong mga regional directors na-cascade na po nila iyong mga information sa ating municipal and barangay levels. After which binibigyan po natin sila ng dalawang araw para po ma-produce ang SAC cards and dalawa pang araw para po mabigay po sa mga tao at makolekta and three days to submit po sa atin sa central office.

Tapos, kami po dito sa central office one day processing lang po. Ini-name match po namin iyan para po, siyempre, to prevent duplication and masigurado na ang matulungan is iyong mga nangangailangan talaga and we will be ready for payment within three days po – iyan po ang proseso.

USEC. ROCKY: Tanong naman po mula kay Susan Enriquez: Puwede po bang malaman kung ang mga senior citizen at PWD na may natatanggap na daw pong SSS pension ay hindi na kasama sa makakatanggap ng benepisyong Social Amelioration sa gobyerno?

DIR. BATOCABE: Ang SSS po hindi naman po iyan kasama sa cap, iyong regional thresholds na minandate po ng ating batas at ng mga guidelines. So, given na qualified po sila, maaari pa rin ho silang makatanggap ng mga ayuda.

USEC. ROCKY: Okay. Salamat po, Director Justin Batocabe ng DSWD. Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: Bago tayo pumunta sa susunod nating interview, update lang po tayo. As of April 2 ay mayroon na po tayong walong accredited COVID-19 testing laboratories sa buong bansa. Ang mga iyan po ay Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City; San Lazaro Hospital sa Manila; Baguio General Hospital and Medical Center sa Baguio City; Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City; Southern Philippines Medical Center sa Davao City; University of the Philippines National Institute of Health; sa Manila Lung Center of the Philippines sa Quezon City at ang Western Visayas Medical Center sa Iloilo City.

Ayon naman sa DOH, may 66 pa na laboratoryo ang nire-ready upang maging COVID-19 testing centers. To know more about sa mga hakbang ng DOH kontra COVID-19 ay puntahan natin si Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang spokesperson ng Kagawaran ng Kalusugan. Magandang umaga po sa inyo, Usec.

USEC. VERGEIRE: Good morning, Sec. Good morning, Usec.

SEC. ANDANAR: Unang-una sa lahat, Usec, mayroon po tayong isang—mayroon po tayong gustong linawin. Mayroon pong sulat dito nakalagay po, noong April 5 – kahapon po ito, DOH reported that as of April 5, 4P.M., 19,585 have been tested for COVID-19 and 83% – meaning 16, 255 came out negative. These figures however do not tally with the following statistics also mentioned on April 5. Reported at the DOH website: Confirmed – 3,246; negative results – 1, 560; pending results – 1,166. That is just a total of 5,972 tests. Also, based on this presser, the number of confirmed cases should be 3, 329 being 17% of 19,585.

Baka puwede lang po maipaliwanag ang discrepancies, Usec?

Nawala si USec, Rocky. Balikan na lang natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Babalikan natin si Usec. Vergeire. Secretary, nagpapasalamat din po tayo sa Night TV. Sabi nila, sila po ay naka-hook-up pa rin sa atin. Maraming mga nagtatanong pa rin sa ating mga kasamahan tungkol pa rin doon siyempre sa DSWD na sana daw po ay magkaroon ng malinaw na guidelines para daw po naiintindihan nila na katulad nga kanina mayroon pong nagsabi na tila nilampasan sila pero may senior citizen po sa kanilang area.

So, naging malinaw naman po, sinabi ni Director Batocabe na pina-prioritize po talaga ng gobyerno iyong poorest of the poor talaga, iyong sobra talagang nangangailangan. Sana po maging malinaw po sa atin, sa lahat iyan.

At upang kumustahin po—Secretary?

SEC. ANDANAR: All right. Rocky, kumustahin natin ang Agusan del Sur, ano ba ang nangyayari doon sa Agusan. For the past few days, Rocky, nakausap na natin si Governor Dale ng Agusan Norte. Ngayon po naman ay puntahan natin si Congressman Eddiebong Plaza. Maayong buntag nimo, Cong.

REP. PLAZA: Kumusta tayong lahat dito sa buong bansa ‘no. Sana tayo ay kalmado pa rin. And rest assured, sundan lang natin iyong utos ng ating Inter-Agency Task Force, and I think everything will be okay ‘no. Magtiyaga lang tayo.

SEC. ANDANAR: Yes, Cong., kumusta na po ang inyong lalawigan sa Agusan del Sur? Mayroon ba kayong mga positive cases ng COVID-19?

REP. PLAZA:  So far, in Agusan del Sur, PUM lang tayo at saka PUI. Then mayroon tayong mga test kit na dumating, so being sent in SPMC. Pero ang problema natin sa Butuan City, as of 6 A.M. this morning, mayroong isang confirmed na positive sa COVID-19. So iyong ating One Caraga Shield, regional task force ito ng COVID-19, will have a meeting 1:30 this afternoon kasi strongly kami sa Agusan del Sur, gusto po namin na magkaroon ng total lockdown in the Province of Agusan del Sur so that hindi po mapasukan ng may confirmed COVID-19 ang Agusan del Sur at hindi ito mapasukan nga po ng COVID-19 kasi po we cannot afford na magkaroon po ng isang COVID-19 case sa Agusan del Sur.

So we are strict—at ang kinaganda nito, iyong mayroon back-up po ng mga taumbayan na gustung-gusto na po nilang mag-lockdown. So it’s a lot easier, and ang akin lang po ay sana maintindihan ito ng DILG at ng Department of Health na ganito iyong position ng Probinsiya ng Agusan del Sur sa dahilan po na ang mga taumbayan mismo at ang mga mayors natin, barangay captains ay takot na takot po na magkaroon ng isang case ng COVID-19 at kami pa ay wala pa pong facility upang itong COVID-19 ay ma-address po sa Probinsiya ng Agusan del Sur kaya po sana maintindihan po ito.

USEC. IGNACIO: Congressman Plaza, since sinabi ninyo nga po na mayroon nang nag-positive sa may area ng Butuan, ano po iyong puwedeng maibigay na tulong ninyo o maipamahagi diyan po sa nasasakupan ninyo? At kung ano po iyong pupuwede pang ibigay sa inyo na tulong naman ng gobyerno kung may kailangan po kayong hilingin?

REP. PLAZA: Ang sa atin ngayon, nagkaroon na tayo ng augmentation ng ating mga relief goods sa ating municipal mayors, not only in my district but sa kabuuan na po ng Agusan del Sur because parati naman kaming magkausap ng congressman natin sa District 1 at ng ating gobernador, Governor Santi Cane, ano iyong mga steps na puwedeng gawin. We are well coordinated ano, kaming tatlo. And ang sa amin ngayon is really checking …we’re looking at the worst case scenario na itong lockdown ay aabot ng three to six months.

So unti-unti nang na-budget natin ang anong support na maibibigay natin sa bawat munispisyo if and when the time comes na mai-extend itong quarantine natin ay talagang mayroong supisyente na mai-support sa ating munisipyo in terms of relief goods so that hindi po magkagulo ang taumbayan. Kasi ang pinakaiingatan namin dito po ay iyong tiyan ng tao. Importante para hindi magkaroon ng chaos o hindi magkagulo ang isang lugar ay kailangan po ay may laman iyong mga tiyan ng ating taumbayan.

So dito po kami naka-focus upang sa gayun na kung may laman ang tiyan ng ating taumbayan ay ako ay nakakasiguro na ang taumbayan ay makikinig sa ating pamahalaan kung anuman ang mga request ng ating pamahalaan na mangyari katulad ng pumirmi lamang sa bahay ng sa gayun ito ay ma-contain po natin ang COVID-19.

SEC. ANDANAR: Okay. Congressman Eddiebong, sir, in a matter of six days ‘no, tapos na po ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon. Pero si Senador Bong Go kanina sa news item ay nagpahayag po siya ng kaniyang suporta sa suhestiyon na itong Enhanced Community Quarantine ay ma-extend. Kayo po, bilang congressman, miyembro po ng Mababang Kapulungan, ano po ang inyong stand dito? Kayo po ba ay pabor na ma-extend o gusto ninyo po bang ma-lift na itong Enhanced Community Quarantine?

REP. PLAZA: Ideally po, Secretary, ito we have to leave this to the medical experts ano. But may mga naging kausap po ako na mas mabuti pong i-extend iyong ating quarantine kaysa i-lift natin ang quarantine tapos biglang magkaroon ng surge ng COVID-19 kasi complacent tayo. Mas mahirap pong i-contain at masasayang po iyong past three weeks or past one month natin na pagka-quarantine kung ito ay haphazardly i-lift natin bigla dahil nga po sa mga reklamo in terms of economic activities sa ating bansa or specifically dito sa Luzon, eh magiging futile po iyong ating ginawang quarantine kung haphazardly ay i-lift kaagad natin. Ako po ay hindi sang-ayon dito, Secretary.

With my observation, tutal naghirap, nagdusa na rin tayo at ito naman ay natanggap ng taumbayan sa ngayon, ituloy na po natin ito nang sa ganyun ay talagang ma-contain po an COVID-19. Because ang government would be really in disarray kung magiging complacent po tayo. So sana ito ay maintindihan ng taumbayan at maintindihan ng lahat, lalung-lalo na pati iyong iba sa business sector kasi nakikita ko sa TV na gusto nila ipa-lift na iyong ating quarantine eh this would be unfair to the people and also to the government, specifically gobyerno po. Kasi ang sisi lahat nito ay mapupunta sa gobyerno, eh sana po ay talagang pag-isipan natin nang husto. At rest assured, ako po dito sa pag-extend, although nahihirapan na ako dito sa quarantine na ginagawa natin dito sa sarili natin, eh pagtitiisan po natin as long as we will be, I should say, successful sa ating pinaggagagawa.

So isa lang po, Sec. Martin ‘no, marami po akong naririnig, at mga kaibigan ko pong doktor na nakakausap ko at nagsasabi na iyong mga instruments at everything, I think we have to look into giving special case to ating mga frontliners na bigyan po natin ng test kit. Bakit po ito nasabi ko? Ito po ang mga nabanggit nila sa akin: Para po sila rin ay magkaroon ng peace of mind, ang ating mga frontliners which are the health workers, ay mabigyan sila ng test kit or testing so that themselves would know kung positive sila o hindi so we can do the necessary action if they are positive dito sa ating mga frontliners.

SEC. ANDANAR: Daghang salamat sa imong oras, Congressman Eddiebong Plaza. Mabuhay po kayo, sir.

REP. PLAZA: Thank you. Thank you, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Alamin po naman natin ang sitwasyon diyan sa Davao. Magbabalita si Jay Lagang. Maayong ugto kanimo, Jay.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR:  Puntahan natin ngayon ang Pangulo ng JCI Manila. Magandang tanghali po sa inyo, President John ng JCI Manila.

JOHN BAUTISTA/JCI MANILA:  Good afternoon, po Sec. Martin and Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR:  President John, sa pagpasok ng COVID-19 sa ating bansa, ano po ang immediate response ng JCI Manila, dito?

JOHN BAUTISTA/JCI MANILA:  Iyong ginawa po natin  right after na malaman po natin iyong sa lockdown, we gathered funds po and we activated po iyong ating programang  “Oplan Damayan”, which is immediate response program wherein  nag-provide po tayo ng mga PPEs po   sa mga frontliners. Pinag-aralan natin po ito na we made sure na iyong mga binigyan po natin ng mga PPEs are most of the smaller hospitals po. Kasi I believe na iyong mga bigger  ones, mayroon po silang ample support,  nabibigyan po ng ibang organizations or individuals. So tayo, we concentrated po other smaller hospitals po para pati po sila, they are equipped with proper PPEs.

USEC. IGNACIO:  Nurse at sa mga hospital po, sir?

JOHN BAUTISTA/JCI MANILA:  Yes po. So right now, iyong phase 2 po natin, we are providing sanitation tents po with our partners, with  FR Sevilla Construction. And also we have provided po iyong mga additional structures para  sa mga PUIs, PUMs. So, I think this is more sustainable in the future. So, ito po iyong pino-provide po natin, and also the aerosol boxes which we think is for long term use.

USEC. IGNACIO:   Pero hindi naman po kayo nahihirapang humanap o bumili nitong mga PPEs na ibibigay po sa ating  mga …and other equipment na ibibigay po sa ating mga frontliners at sa mga hospital?

JOHN BAUTISTA/JCI MANILA:  Yes, there is a challenge po in sourcing the PPEs, especially in the market po ngayon, madami pong sometimes mga false na nagbebenta. But luckily, we have members who are in the medical industry who have supplies, and also we have other members po that are importing. So we use our resources to our 500 members [garbled] materials and at least we can serve more hospitals and serve more frontliners.

SEC. ANDANAR:  Sa ating Enhanced Community Quarantine, papaano po kayo nakakagalaw dahil alam naman natin ito po ay talagang strictly implemented?

JOHN BAUTISTA/JCI MANILA:  Yes po, actually one of our rules in our organizations is the no contact policy. So, initially we have problems moving around. But then we contacted po, of course, with the help of our local government of Manila and also with the partnership of the Office  of the Vice President, we were able to actually distribute some of these goods to the hospitals and also we maintain very limited force, team in our members to go outside and actually distribute these items. Usually, we have a contact in the hospital wherein we meet outside of the hospital so we avoid contact, closed contact. So with this, we were able to actually distribute to several hospitals.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, John   Bautista. At kumusta na lang po sa ating mga kasamahan diyan sa JCI Manila. Mabuhay po.

JOHN BAUTISTA/JCI MANILA:  Thank you rin po.

SEC. ANDANAR:  Iyan, Rocky, talagang ine-encourage natin iyong ating mga non-profit organizations, mga private companies na kung mayroon silang maitutulong ay tumulong kayo. At bukas naman ang PTV, Rocky, sa mga ganitong klaseng istorya, so that we can inspire more people to help especially those people who have more in life.

USEC. IGNACIO:  Puntahan na natin ang isa sa ating mga idol sa public service ang Chairman at CEO ng Philippine Red Cross, si Senator Richard Gordon. Magandang araw po.

SENATOR GORDON:  Magandang araw, Rocky at sa lahat ng nakikinig at nanunood sa inyong palatuntunan at lalo na kay Martin.

USEC. IGNACIO:  Opo. Bilang partner po, ang Philippine Red Cross kasama sa Bayanihan to Heal as One Act,  anu-ano po ang mga naipapaabot na assistance ng Red Cross, katulad po ng face mask, PPE distribution sa ating mga frontliners, Senator?

SENATOR GORDON:  We are heading to one million face mask na idi-distribute, halos kalahating milyon na ang na-distirbute from the very beginning. At mabuti na lang at  nakapag-ipon kaagad kami ng kaunti ng mga nakaraan, at ganoon rin iyong mga PPEs. We have 5,000 PPEs na dini-distribute sa mga hospital katulad ng PGH, katulad ng mga COVID hospitals natin, at iyong ating maliiit na hospital nabibigyan, hanggang sa probinsya.  When I go to the office this afternoon, I will approve na mag-distribute na naman tayo doon naman sa maliliit na hospital sa probinsiya.

Madalas kaming nag-uusap ni Secretary Duque, ayoko kasing magkadoble kaya inaaral namin para hindi nagkakadoble kasi hingi nang hingi iyong iba pero mayroon na silang mga materyales. But that’s okay, basta so long as magagamit is fine with us.

Pero bukod diyan, naglagay na tayo ng mga tents sa … lalo na sa NKTI, dalawang tent iyong ginagamit doon – isa ginagamit para sa dialysis. Isang minungkahi ko kay Secretary Duque na maglagay tayo ng COVID ‘pang dialysis sa mga probinsya, because karamihan ng may dialysis problems, hindi na tinatanggap sa ospital kaya kailangan maglagay tayo ng mga COVID dedicated na dialysis centers o isang dialysis center at isi-segregate para iyon ang pupuntahan ng mga dialysis patients.

Bukod diyan, we have opened up our call center, 1158, kung saan ay makakatawag lahat ang mga tao at iyon ay mabibigyan namin sila ng payo kung saan dadalhin iyong pasyente, kung kailan dadalhin.

By the way, we’ve also given sa mga OFWs paalis ho tungo sa Hong Kong, sa Taiwan at saka sa iba’t ibang lugar ng mga face mask.

Dito naman sa pagbibigay ng 1158 number, papasok na diyan ngayon iyong ating testing machine na siguro baka mga Wednesday magbubukas na, at ito’y para sa buong Maynila at magdadagdag tayo karagdagan diyan ng test machine at ginagawa na iyan. Isa sa Manila, dalawa pa dito sa Mandaluyong at para makalapit ang tao at maglalagay pa tayo sa Central Luzon at saka Southern Luzon, at saka doon sa Central Visayas saka Mindanao.

So iyon ang pinagkakaabalahan namin, may darating pa tayong anim na ambulansiya na naka-pressure, negative pressure para pagdala ng pasyente hindi makakahawa masyado at pati iyong mga nakukuhang mga pathogens ilalagay diyan para hindi sisingaw at hindi matatamaan iyong mga taong nagdadala niyan.

Iyon pala, nagbigay rin kami ng pagkain at hygiene kits sa ilang mga barangay at patungo kami, magbibigay ng tubig at mga sabon doon sa mga congested barangays kasama namin ang UNICEF. At doon sa UP na naipit na mga bata roon, nagpadala tayo ng 1,500 hygiene kits para makapagsabon, makapag-toothbrush iyong mga bata, mayroon silang mga tuwalya at marami pang mga ginagawa.

Pati sa National Mental Hospital nagpadala na rin tayo dahil may namatay na doon na dalawa. Ayaw nang lumapit ng mga tao, wala silang PPEs. Noong isang gabi nagpadala kami 50, tonight magpapadala kami ng 50 uli. Malapit lang sa amin iyan. So iyon ang mga pangunahing ginagawa natin ngayon.

SEC. ANDANAR:  Senator Dick, isa po kayo sa mga senador who are really quietly working and hindi lang po quietly working pero ngayon nalaman ko talagang frontliner ho kayo. Hindi ho lang kayo Chairman, senador o Chairman ng Philippine Red Cross but you mentioned na kayo’y pumapasok pa rin sa tanggapan ninyo sa Philippine Red Cross. Ngayon po, sir, as I said you’ve been quietly working and we applaud you for doing that. Ano po ang mensahe ninyo, sir, sa ibang mga, you know, mga politiko natin na pinu-politicize po itong COVID-19?

SEN. GORDON:  I think I have better things to do than give them advice. Nasa kanila na iyan, ang tawag ko diyan… we have bigger fish to fry. Ang problema natin napakalaki, huwag na tayong maghidwaan at mag-focus na lang kayo at magagalit ang tao sa inyo kung panay pulitika ang ginagawa ninyo. Pero hindi naman lahat ng politiko ganoon ang ginagawa, mga ilan lang iyan. Naririnig ko sa probinsiya mayroong favoritism sa pagbibigay. Ang sinasabi ko sa mga tao, ibigay ang number nila sa 1158 at para masabi natin sa mga tao na tatawagan natin iyong mayor doon at tatawagan natin ang DILG kung magkakaroon tayo ng problema sa kanila.

And therefore, ang pinakamadaling gawin diyan ay talagang mag-act tayo. Kahit na sa inyong himpilan, dapat itawag kaagad kung hindi nabibigyan ang tao. Maraming mga barangay hindi nabibigyan ang tao, nagugutom sila. Kung minsan ang ginagawa ko, pinapadalhan ko na lang sa chopper; padalhan ninyo na kaagad ng gatas, padalhan ninyo kaagad ng pagkain iyan. Pero hindi namin kayang gawin iyan, although nakalagay sa batas we can get reimbursement, hindi ko sasamantalahin iyan.

But we will give them, ayoko lang magsalita rito na—sapagkat dadagsain tayo, sapagkat magkakadoble. Ang listahan noong 18 and a half million, nasa Department of Finance, nasa DSWD, they should be the one who should really be distributing the cash and the food para sa ganoon maayos ang pagdi-distribution.

USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong po para kay Senator Gordon. Si Leila ng Daily Inquirer: Ilan daw po iyong target ninyong opening ng ibang testing centers ng Red Cross? At saka iyong sa dialysis center daw po na sinasabi ninyo for COVID patients, para po ba daw iyon ng dialysis o kasama po iyong PUI and PUM, Senator?

SEN. GORDON:  Iyong dialysis center, dapat ang DOH ang mag-identify ng dialysis center sa bawat bayan dahil marami namang dialysis, mga outlets ‘no. Ang problema, hindi na makapasok iyong iba sa ospital o tinatanggihan sila ng mga dialysis na outlet. So dapat mag-designate, the DOH can do that. O ito ang—kung hindi kayo magkasundo, ito dito sa kantong ito, itong Tabacalera Dialysis Center, iyan ang pupuntahan ng tao at hindi na sila puwedeng maka-hindi dahil kailangan ng dialysis. Kung hindi, tatakbo pa sa NKTI. ‘Pag itinakbo sa NKTI iyan at ‘yan ay positive, siyempre hindi na tatakbo iyong mga nagmamaneho ng ambulansiya, iyong mga pahinante ng ambulansiya, for 14 days maku-quarantine sila. So dapat doon mismo sa bayan nila gawin iyong dialysis.

Now in so far as the other test centers are concerned, I’m really forcing the issue – Wednesday bukas na tayo. That will add a potential of about 1,000 a day testing sa bawat makina, dalawang libo iyan na mati-test. Pero by appointment iyan, mayroon na kaming usapan ng DILG na makakapasok. Ipapadala namin ang special text iyong mga tumatawag sa amin at sasabihin ganitong oras pumasok ka; punta ka doon sa Mandaluyong, alas otso hanggang alas diyes, nandoon ka, babalik ka uli… para hindi makakagulo.

At sa Quezon City naman, kay Mayor Joy Belmonte, siya ang magdadala noong mga pagsu-swabbing, iyong kanilang mga medical frontliners nila magus-swabbing doon. Kukunin iyong sinuwab, dadalhin kaagad; mabilis lang naman, dadalhin kaagad sa opisina, sa laboratory namin at iyan ay bubuksan.

We intend to open at least 3 dito sa Metro Manila na mga dialysis centers. Mayroon nang isa, pangalawa doon rin sa PRC Headquarters at pangatlo doon sa PRC lumang headquarters sa Manila para covered iyong east and west side of Metro Manila.

At nag-uusap kami ng Ateneo na kung papayag sila, kumpleto sila sa machine. Tutulungan namin silang ma-establish iyong machine kung papayag ang RITM na magkaroon sila ng tinatawag na container van na converted into a testing laboratory where they can do testing.

Sa Los Baños, nag-uusap din kami ng UP Los Baños, pumayag na sila. Mayroon silang mga machines doon, dadagdagan namin ng pang-extraction na automatic para makadagdag pa iyon sa Laguna. We’re thinking of opening in Batangas, in Pampanga sa Clark. Thank you kay Vince Dizon, binigyan kami ng lugar doon sa Clark para maka-test doon para secure.

And then sa Cebu definitely, nagsusukat na sila doon para magawa. We can do it in two weeks, mabubuksan iyan at malalagyan ng makina. Papunta pa lang naman iyong mga makinang binili namin; Cagayan De Oro, Zamboanga, malamang Davao Del Sur at saka doon sa ARMM maglalagay tayo ng testing. Kung mayroon na ang DOH, hindi na kami maglalagay dahil hindi dapat magkadoble-doble.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa inyong panahon, Senator Dick Gordon. Balikan po natin ngayon Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Spokesperson po ng DOH. Usec., magandang tanghali po.

USEC. VERGEIRE: Good afternoon po, Sec.

SEC. ANDANAR:  Yes, ma’am. I-clarify lang po natin, ma’am, kasi base po doon sa report ninyo sa DOH noong April 5 ay nasa 19,585 po iyong tested positive ng COVID-19; 83% or 16,000 plus came out negative. Itong mga pigura po na ito, however hindi po ito nagta-tally sa following statistics na ni-report po sa DOH website. Halimbawa, confirmed cases 3,246; negative results 1,560; pending results 1,166 – that’s just a total of 5,972. And also based on the presser, the number of confirmed cases should be 3,329 being 17% of 19,585. Iyan po ay mula po sa isang netizen. Pakisagot lang po, ma’am, paki-clarify lang po.

SEC. ANDANAR:  All right. Ambassador, may mga ina-address po ba ang ating mga kababayan na pangangailangan nila mula sa ating pamahalaan? Mayroon po ba kayong panawagan, sir?

AMB. CRUZ:  Yes po. Actually ginagamit po ng Philippine Embassy ang social media  at mga chat groups po para po magbigay  po ng information sa ating Filipino community kung ano po ang mga kaganapan po dito at saka binibigyan po natin ng pansin ang mga concerns nila tungkol sa possibility na mawawalan po sila ng  mga trabaho. At dahil po doon, we are making an effort to translate into English ang mga Spanish labor regulations, para po mabasa po ito ng mga Pilipino, particularly po sa mga unemployment benefits and other related issues.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Elmer Cruz.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang kasamahan nating si Jay Lagang, live mula po sa PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

 USEC. IGNACIO:  Sa kabila po ng krisis na dinaranas ngayon ng ating bansa dahil sa COVID-19, hindi pa rin po matatawaran ang serbisyo at sakripisyo ng ating mga frontliners lalung-lalo na sa ating mga health workers. Kaya naman po ang ilan sa ating mga national athletes ay nagpaabot din ng pasasalamat sa kanila.

[VIDEO PRESENTATION]

SEC. ANDANAR: Rocky, ipinaparating din natin ang ating pasasalamat sa Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, sa kanilang Pangulo na si Dr. Henry Lim Bon Liong, sa kanilang ayuda; at kay Maria Garcia, sa kanyang ayuda; kasama po ang Nestlé sa pamamahagi po nila ng tulong sa mga TODA, mga tricycle driver; at sa ating mga kasamahan sa media, sa National Press Club at maging sa ating government media sa pinadala pong  bigas sa mga security guard. Pasalamatan din natin, Rocky, iyong ating mga kasamahan sa Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas.  Nandito ang Radyo Bandera, RMN-DZXL, BomboRadyo, DZRH, Radyo Natin, DZMM, ANC, DZMM Teleradyo, DZBB, Sonshine Radio, UNTV Radio, Radyo Agila, Radyo Pilipinas, Radyo Pilipino, Brigada News FM,  DZME, Politics.com.ph, newsko.com.ph, DWWW 774. Nandito rin po ang  FEBC-DZAS, DWEC-Palawan, GNN, one Ph, Radyo Singko, Pilipino Star ngayon, ang  DXBM Radyo Ukay Bukidnon, DWIZ at Aksiyon Radyo sa Dagupan.

Marami na naman pong  mga katanungan  ang nabigyan ng kasagutan, kaya naman  kami po ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga nakausap kanina sa kanilang  oras at panahon na inilaan sa ating programa. Pilipinas dito nagtatapos ang ating public briefing ngayong araw para sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas at sa buong mundo. Asahan po ninyo na patuloy kaming maghahatid ng mahahalagang impormasyon sa ating patuloy na paglaban sa banta ng COVID-19.

USEC. IGNACIO:   Kami po ay nagpapasalamat din sa One News kay Jovie Francisco, sa Radyo Inquirer, sa Online Abante. Salamat po.

Ang public briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pangunguna ng People’s Television Network, PTV kasama ang Philippine Broadcasting Service at Radyo Pilipinas Network, Philippine Information Agency, Philippine News Agency, Office of Global Media Affairs, Bureau of Communications Services, National Printing Office, APO Production Unit at IBC 13. Sa pakikipagtulungan ng Department of Health, kaisa ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP.

SEC. ADNANAR:  Sa kabila ng mga hamon at pagsubok na dumarating sa ating bansa, malinaw na kung tayo ay magkakaisa, malalampasan natin ang lahat ng ito bilang isang bansa. Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Muli, ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  Mula pa rin sa Presidential Communications Operation Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Magkita-kita po tayo muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHanda PH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)