SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. At pagpupugay sa mga minamahal kong mga kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo, gayundin sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radyo at online streaming.
Ngayong araw ay muli nating sasagutin at sisikapin na bigyang linaw ang mga katanungan ng ating mga kababayan hinggil sa COVID-19, sa tulong ng ating mga resource persons na nagmula pa sa mga pinagpipitagang ahensiya ng ating gobyerno, mga lokal na pamahalaan at iba pang sektor ng ating lipunan.
Sa ngalan po ng People’s Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service at ang Radyo Pilipinas Network, ang crisis communications platform na Laging Handa, Radio Television-Malacañang; at sa pangunguna ng Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio. Dito po ay magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na ilahad ang kanilang saloobin pagdating po sa health crisis na kasalukuyan po nating nararanasan, hindi lamang po sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo.
SEC. ANDANAR: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya po natin ito. Kaya naman, bayan, halina at inyo kaming samahan dito lang sa Public Briefing #Laging HandaPh.
USEC. IGNACIO: Secretary Martin, kumusta ka na? Mukhang napapagod na iyong boses mo ngayong araw na ito.
SEC. ANDANAR: Well, nagsimula tayo sa Network Briefing sa Radyo Pilipinas; tapos napuyat tayo kagabi dahil mahaba-haba iyong IATF meeting at pagkatapos noon ay pinanood po natin ang nationwide address ni Presidente Duterte.
USEC. IGNACIO: Okay. Samantala, alamin po natin ang pinakahuling bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4:00 P.M. ng April 6, 2020, ayon po sa tala ng Department of Health, mayroon na po tayong 3,660 ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa; 73 po dito ang naka-recover na mula sa sakit; at 163 naman po ang pumanaw.
Ayon naman po sa Johns Hopkins University, mayroon na pong 1,341,907 COVID-19 cases sa buong mundo; kung saan po 276,259 na po ang naka-recover; habang 74,476 naman po ang nasawi.
Dumako naman tayo sa rehiyon ng ASEAN na tinatayang nasa 14,067 na po ang kabuuang kaso ng COVID-19; kung saan 467 ang namatay mula sa sakit; at 2,873 ang naka-recover dito. Nasa pangalawang puwesto pa rin po ang Pilipinas na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa ASEAN at nangunguna pa rin ang bansang Malaysia na may 3,793 confirmed cases.
SEC. ANDANAR: Bayan, hinggil pa rin po sa inyong katanungan at concerns tungkol sa COVID-19 ay tumawag lang po sa 02-894-26843; at para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers ay mangyaring i-dial lang po ang 1555. Maaari rin po ninyong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo po sa inyong TV screens. Upang maging updated sa mga hakbangin ng pamahalan kontra COVID-19, magtungo po sa aming COVID-19 portal. Bisitahin lamang po ang www.covid19.gov.ph
USEC. IGNACIO: Ngayon naman po ay puntahan natin ang iba pa nating kasama po na magbibigay ng balita mula sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, sina Dennis Principe mula po sa Philippine Broadcasting Service; Breves Bulsao mula sa PTV Cordillera; Julius Pacot mula sa PTV Davao; at John Aroa mula sa PTv Cebu. Magandang umaga po sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Ngayong araw din, Usec. Rocky, ay makakasama natin sina Ret. Brigadier General Ricardo Morales, ang Presidente at CEO ng PhilHealth; Dr. Veronica Regina Garcia, ang hospital administrator at director ng VRP Medical Center sa Mandaluyong City; si Usec. Hans Leo Cacdac, ang administrator and vice-chairman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA); si Consul General Adrian Elmer Cruz ng Philippine Embassy sa Madrid, Spain; kasama rin po natin si Undersecretary Joel Egco ng Presidential Communications Operations Office at Office of the President; ang vice-president po naman ng National Press Club na si Mr. Paul Gutierrez.
Nandiyan din po sa ating linya si Atty. Eves Gonzales, ang public policy and government relations chief ng Google; si Anubhav Nayyar, ang senior director of Business Development ng APAC at Rakuten Viber; at siyempre si Atty. Naguib Sinarimbo, ang minister of the Ministry of Interior of Local Government at spokesperson po ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Batiin din po ang Filipino Sign Language (unclear) Team for COVID-19 para sa walang sawang pagsuporta sa ating programa, magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Para po sa karagdagang balita: Pangulong Duterte aprubado na ang extension ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon hanggang April 30. Ayon ito sa Virtual Presser kanina ni Cabinet Secretary at Spokesperson ng Inter-Agency Task Force. Nauna nang sinabi ng Pangulo kagabi na patuloy na ipapatupad ng pamahalaan ang mga plano sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act upang mabigyan ng tulong ang mga kababayan nating higit na nangangailangan.
Pinag-aaralan din niya na i-adjust ang earlier budget sa 2020 General Appropriations Act at ikansel ang ibang mga proyekto upang magkaroon ng karagdagang pondo. Siniguro din ng Pangulo na puspusan ang pagkilos ng pamahalaan upang masugpo ang krisis ng COVID-19.
SEC. ANDANAR: Samantala, Senador Bong Go nanawagan sa mga kooperatiba na magbigay-tulong sa mga kumunidad na apektado ng krisis sa COVID-19. Sinabi ng Senador na maaaring i-utilize ang community development fund upang matulungan ang lokal na pamahalaan sa mga hakbangin nito kontra COVID-19.
Ayon kay Senador Bong Go, malaki ang maitutulong ng pondo na ito upang mapunan ang pangangailangan ng mga kumunidad habang nasa ilalim sa Enhanced Community Quarantine.
Oras po natin, alas onse y nuebe ng umaga. Para po naman sa mga kababayan nating maraming katanungan pagdating po sa pagtanggap ng tulong mula sa DSWD, panoorin po natin ito:
[VIDEO PRESENTATION]
SEC. ANDANAR: Rocky, ulitin natin 18 million families, hindi 18 million workers or individuals – 18 million families. So, kung mayroong apat sa isang pamilya, then you are talking about roughly 72 million Filipinos, 60 to 70 million Filipinos ang makikinabang dito sa Social Amelioration Program ng ating pamahalaan.
Samantala, simulan na natin ang public briefing. Unahin po natin si Retired Brigadier General Ricardo Morales, ang presidente at CEO ng Philhealth. Base po sa inyong anunsyo na sasagutin ng PhilHealth ang mga gastusin sa pagpapagamot ng COVID-19 patients hanggang April 14, maari din po ba itong ma-extend General?
RET. GEN. MORALES: Good morning, Secretary Martin; Usec. Rocky, good morning sa iyo. Yes, we stand by our previous commitment na sasagutin ng PhilHealth ang lahat ng magkakasakit ng COVID-19, ayon sa batas natin na Bayanihan We Heal as One Act.
SEC. ANDANAR: Ano po ba ang plano ng PhilHealth para doon sa magpo-positibo sa COVID-19 matapos ang itinakdang petsa na April 14?
RET. GEN. MORALES: Mayroon na tayong case rate at puwede ko nang babanggitin sa iyo iyong case rate natin para sa pagkakasakit ng COVID-19 after April 14. Mayroon tayong apat na categories: iyong mild pneumonia, will be 43,997; moderate pneumonia 143,267; severe pneumonia 333,519; and critical pneumonia 786,384. Pneumonia kasi ang kumplikasyon ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: General, ano pang mga serbisyo at tulong medikal ang binibigay ninyo? Kasi dito po sa sinabi ni Vanz Fernandez ng Malacanang Press Corps, mayroon daw po siyang natatangap na napakadaming news mula sa netizen na nagsasabing wala daw po silang nakukuhang ayuda mula sa PhilHealth, kahit po—allegedly may mga PhilHealth at ospital na nasabi nito. Magkano daw po ba ang ayudang matatanggap ng mga COVID patients; automatic ba na matatanggap ng pasyente kapag po na-discharge na sila?
RET. GEN. MORALES: Yes, up to April 14, at cost ang sasagutin ng PhilHealth, walang dapat ibayad ang mga pasyente. Actually, naglabas kami ng advisory sa mga hospital at saka sa public din and then sa aming mga tauhan about this policy.
So, may mga areas siguro na hindi naabot nitong guidelines na ito, pero tinatawagan namin iyong mga hospital administrators to remind them na dapat wala silang sisingilin sa mga pasyente, walang ibabayad ang mga pasyente, at sasagutin lahat ng PhilHealth ang mga gastusin sa nagkakasakit ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: So, ito po ay palagian ninyong sinasabi doon sa mga katuwang na ospital ng PhilHealth?
RET. GEN. MORALES: Yes, that’s right. Iyong mga accredited na hospital. Actually almost about 5,000 iyan nationwide eh, na isinama namin doon sa 30 billion package na inihanda namin at in-approve ng board na ipre-position para kapag may nangailangan, mayroon silang magagamit na pera.
USEC. IGNACIO: General, ilang percent na po iyong nakaka-claim or kumukuha na ng claim mula po sa PhilHealth na apektado po ng COVID-19?
RET. GEN. MORALES: Ang na-approved na namin na fund releases about almost P6 billion. Pero alam ninyo iyong mga banks ngayon are operating about I think 2 hours lamang in a day, tapos skeletal force; ganundin iyong ating mga office personnel, they are operating at half the skeletal force. So medyo hindi masyadong mabilis ang paglipat ng pera. Malaki din kasi iyon 30 billion na amount, but we are trying our best, we are talking to the bank, para mapabilis itong pag-release ng pera.
SEC. ANDANAR: Sir, nabanggit kasi ni Mr. President na mayroong 53,000 na mild pneumonia; 143,000 na moderate pneumonia; 333,000 na severe pneumonia; at 786,00 na critical pneumonia. Sir, ito po bang mga nabanggit ninyo na mga numero, more than 1 million po ito, ito po ba ay nakuha iyong pneumonia ngayong nagkaroon ng COVID-19 crisis o matagal na po silang mayroong pneumonia?
RET. GEN. MORALES: Iyong pneumonia kasi is the complication ng COVID-19. Ang babasehan nito iyong date of admission. If they are admitted after April 14, April 15 onwards ito ang gagamitin na range sa kanila. Before April 14, at cost, kung ano iyong ginastos sa kanilang paggamot iyon ang babayaran ng PhilHealth.
SEC. ANDANAR: Alright, kasi noong unang anunsyo, sir, medyo hindi pa po naka-cascade iyong impormasyon na sasagutin ng PhilHealth ang mga pneumonia cases. So, ang mahalaga po dito iyong pag-cascade po ng impormasyon mula po sa PhilHealth papunta po do sa mga hospital. Dahil noong mga panahon po na iyon, talagang binaha po kami ng komento at tanong at sinasabi po na hindi po tinanggap iyong kanilang kahilingan na pati po iyong COVID cases ay sagot po ng PhilHealth. Pero ngayon po, sir, okay na po ba, na-cascade na po ba sa lahat ng mga ospital?
RET. GEN. MORALES: Ay hindi pa kumpleto, Secretary Martin. Kaya kailangan natin na pagtulungan ito, advise-an iyong mga ospital, sinasabihan din namin iyong aming mga regional personnel, mga vice president, saka mga branches, mga local health office na sabihan iyong mga hospital administrator – kung hindi pa nila natanggap – na mayroon tayong policy na sasagutin ng PhilHealth; at lahat naman ng nalalaman natin, sinasagot.
Actually, ang nababayaran natin iyong mga 1.8, 1.7 at iyong running highest fee natin nasa 3.2 yata, sasagutin ng PhilHealth iyan. Natawagan na namin iyong hospital, we assured them na babayaran namin sila and they are supporting the patient, they are providing healthcare to the patient.
SEC. ANDANAR: Sir, di bale ito pong interview natin ay ire-replay natin, ise-share po natin sa social media para po sa ganoon ay malaman po ng marami nating kababayan sa soc-med.
Sir, kaya po bang masustain ng PhilHealth ang coverage ng inyong assistance ngayong extended din po ang Enhanced Community Quarantine hanggang April 30?
RET. GEN. MORALES: Well, kaya naman. Kaya nga tayo mag-i-impose nitong case rate, para medyo mayroon tayong sustainability sa anti-COVID campaign. Pero kaya naman, we are still slightly ahead sa anti-COVID campaign natin. Although iyong pondo naman ng PhilHealth, although its sufficient, hindi naman unlimited. So we have to exercise due prudence.
USEC. IGNACIO: General, may tanong pa rin si Vanz Fernandez, iyon po bang sinasabi ninyong pakikipagtulungan sa iba pang mga ospital, kasama daw po ba dito iyong private hospitals?
RET. GEN. MORALES: Yes, all hospitals, private, public, level 1,2,3, referral hospitals kasama lahat. There are around 5,000 health facilities nationwide covered by this 30 billion. May pera po tayo, may pera tayo pambayad sa sa gastusin sa COVID-19 na magkakasakit niyan.
USEC. IGNACIO: Okay, salamat po General.
SEC. ANDANAR: Sa puntong ito, mga kababayan ay makakasama po natin sina Undersecretary Joel Egco at si Mr. Paul Gutierrez, ang vice president ng National Press Club. Magandang araw po sa inyo.
USEC EGCO: Hello, good morning, Sec Mart and good morning Usec. Rocky; good morning po sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Bukod po sa medical frontliners, Usec, tayo rin pong nasa media puspusan din po iyong trabaho na makapaghatid balita patungkol dito sa COVID-19. Kaya po mayroong nagtatanong: Ano bang ayuda ang puwede pong matanggap ng media personnel, Usec. Egco?
USEC. EGCO: Well, unang-una, Usec. Rocky, tama ka sa observation mo. Of all … sa lahat ng frontliners, nakita po natin – doctors, policemen, militarymen, kasama iyong media – media ang halos walang PPE, walang hazard pay. Talagang, sabihin na natin, dito nakita iyong vulnerability ng ating sektor. Napakahalaga ng media sa ganitong mga panahon pero nakita natin talaga iyong vulnerability, iyong weakness ‘no, ika nga.
At since nakita natin iyan at na-identify natin ‘no, so kailangan talaga iyong bayanihan spirit din eh. It’s very hard to cope up with this problem kung hindi po tayo magtutulungan. Kaya, unang-una, iyong pamimigay po natin ng iyong mga relief goods sa ating mga kapatid sa hanapbuhay. Tumulong din po si Sec. Martin. Of course, last week ay nagpamahagi po kami ng pagkain, ng bigas. Even si Congresswoman Niña Taduran na dati ring mamamahayag ay tumulong din po. So lahat ito ay kusang loob, iyong mga kapatid natin sa hanapbuhay ‘no nasa gobyerno ngayon at iyong mga sinasabi nating may kakayanan namang tumulong ay talaga naman pong tumutulong.
So napakahalaga ng bayanihan spirit para matulungan natin iyong mga kapatid natin – talagang walang proteksyon halos. At bukod doon, mayroon po sana kami na pinapanalangin namin ni Sec. Martin ‘no at ng iba pang nakakaalam ng aming plinano na hopefully po, hopefully we are really praying na iyong mga na-identify natin na mga mahihirap nating kapatid sa hanapbuhay ay talagang masama doon sa amelioration program po ng ating pamahalaan.
SEC. ANDANAR: All right. Kasama rin natin ngayon si Paul Gutierrez. Nandiyan ba si Paul? Nakahanda na ba si Paul? All right. Paul, kumusta ka na?
PAUL GUTIERREZ: Yes, sir. Good morning, Secretary Martin at Usec. Rocky.
SEC. ANDANAR: Kumusta na ang mga kasamahan natin sa National Press Club?
PAUL GUTIERREZ: Well, the good thing, Sec. Martin ay nagpapasalamat ang National Press Club sa mga miyembro natin lalo na iyong mga katulad ninyong lifetime members na tumugon sa panawagan ng National Press Club na matulungan ang ating mga kapatid na masasabi nga nating mga frontliners natin ngayon ano.
And in that regard, I am happy to report na so far, lahat naman ng mga press corps, Secretary Martin, ay nabigyan natin ng ayudang bigas; kasama na rin dito iyong mga publications sa … partikular din iyong mga nakabase dito sa Metro Manila. And even iyong ating mga affiliated na mga press corps sa mga probinsiya katulad ng CALABARZON at saka Bulacan, sila din ay nabigyan din natin na tulong na limang kilong bigas bawat miyembro at saka isang sakong bigas o isa hanggang tatlong sakong bigas para sa mga press corps para naman sa mga media na hindi kasapi ng National Press Club.
SEC. ANDANAR: Okay. Usec. Joel? Itong tanong na ito ay para kay Usec. Joel at kay Paul Gutierrez, ang VP ng National Press Club. Mga sir, naglipana po ang fake news ngayon sa mga panahong ito. Ano po ang ginagawa ng Presidential Task Force on Media Security para masiguro din po na sa hanay ng media na mayroong network po ang PTFOMS, ganoon din po ang ating National Press Club, ano po ang ginagawa ng inyong pamunuan para po ito ay matigil na at para labanan din po itong nagkalat na infovirus, itong mga fake news?
USEC. EGCO: Yes, Secretary Martin. Unang-una, iyon nga po, we need to keep our colleagues going. We help them eat. We help them stand up on their own. Mahirap naman iyan kapag kumakalam ang sikmura, hindi makapag-perform ng trabaho. And kapag nawala sa aksyon iyong atin pong mga kapatid sa hanapbuhay ay mas lalong magiging vulnerable ang ating mga mamamayan sa mga maling news ‘no, not only fake news kung hindi mga talagang sinasadya na minsan siguro up to the point na magkakaroon pa ng sabotahe ‘no, paninira sa efforts ng pamahalaan.
However, on the part of government, it’s public knowledge naman that we have dismissed this information. At ang ating mga mainstream ang social media … mga legit na mga media outlets natin, we have more than enough ‘no na sources ng mga tamang information. So very important po na maging tama ang impormasyon natin lalo sa panahon na ito, at dapat ma-identify natin iyong mga impormasyon that cause panic, confusion and even death. Isa pong maling impormasyon na sundin ninyo o paniwalaan ninyo, ay naku po, baka tayo ay magkahawa-hawa o tayo ay maaksidente.
At ako po’y nagpapasalamat, very active po, Sec. Martin, ang ating mga kapatid sa hanapbuhay, sa National Press Club. Ikot po talaga sila nang ikot ‘no. Iyong ibang media organization and other media outfits also, they continue to do their job; and I salute them. Although, sabi ko nga po kanina, talagang medyo nakita natin iyong vulnerability ng ating mga kapatid sa hanapbuhay. This is the right time po, ito nakita natin, this problem showcased the vulnerability of media and it showcased the importance of having a law or an act or a measure that will ensure their welfare in the future, iyong tinutulak po natin na Media Worker’s Welfare Act. Ito na po iyon, nakita po natin sa panahon ngayon kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng ganitong klase ng batas.
SEC. ANDANAR: All right. Para naman kay Paul. Paul, na-extend po ng hanggang April 30 itong ating Enhanced Community Quarantine. Ano po ang panawagan ng inyong liderato sa lahat po ng miyembro ng National Press Club at pati na rin po sa mga members, ano po ang inyong panawagan, Paul?
PAUL GUTIERREZ: Thank you, Secretary Martin. Unang-una po, ang panawagan po ng National Press Club sa lahat po ng ating mga kapatid sa hanapbuhay ay huwag na po tayong makisawsaw sa pagpapakalat ng mga maling balita. And we can do this primarily by taking our sources or kumuha tayo ng ating mga source ng balita doon po sa mga official channel. Marami naman pong official news channels diyan ano.
And I think, hindi rin po nakakatulong sa ating sitwasyon ngayon na iyong iba pa po nating mga kasamahan sa hanapbuhay ay ganito na nga pong may krisis tayo ay nagiging irresponsible sa pamamagitan po ng pagsi-sensationalize ng mga balita at pagti-twist sa anggulo na gusto po nila. Hindi po ito nakakatulong sa ating lahat ngayon.
Bigyan lang kita ng example, Secretary Martin. ‘Di ba noong nakaraang linggo, mayroong nabalita na mayroon daw somewhere in Mindanao yata, mayroon daw pulis na binaril iyong isang residente dahil ayaw daw magsuot ng facemask. Pero noong atin pong maanalisa iyong mismong balita nila, lumalabas po na iyong tao ay lasing, pinapauwi po ng ating mga nasa checkpoint dahil nga po marahil ay intoxicated, inatake po iyong nasa checkpoint at napilitan naman iyong ating mga pulis ipagtanggol ang kanilang sarili – nabaril po iyong victim. Eh ang nilabas po nilang balita rito ay napakalayo sa nangyari. Ang sinabi po nila, dahil daw ayaw pong magsuot ng facemask, binaril po ng pulis.
So ito pong mga ganitong style na pagbabalita, kitang-kita po natin kung papaano po tini-twist. At ito po ay hindi nakakatulong dahil tayo po ay nalulungkot na mga mumunting insidente po na mga ganito ay pinalalaki po ng – malungkot mang sabihin – ng ilang mga nagsasabing sila po ang tunay na mukha ng media sa Pilipinas. Eh ang ginagawa po nila ay ito po’y—sana po ay maintindihan ng ating mga kababayan, ito po ay ginagawang, ika nga, instrumento ng ilang grupo kahit nga po iyong sinasabing mga mukha ng media sa Pilipinas para po pasamain pa ang imahe ng ating bansa sa labas ng Pilipinas.
So iyan po ang malungkot diyan, Secretary Martin ano. Kaya po kami ay nananawagan muli sa ating mga kababayan, sa atin pong mga kasamahan sa hanapbuhay: Ito po ang panahon na dapat po nating ipakita ang atin pong pagiging mga responsableng kasapi ng media. Hindi po sa pamamagitan ng sensationalismo, iyong tinatawag po nating sinasalsal po iyong mga istorya kung hindi sa pag-uulat po ng mga tama at accurate information batay po sa mga official news sources.
At ngayon nga pong na-extend ang ating quarantine, makakaasa naman po ang ating mga miyembro ng National Press Club na patuloy pong naririto kahit po at the risk of our own health and our own safety, naririto po ang liderato ng National Press Club para po maghanap ng mga pamamaraan para po lahat tayo ay matulungan nang makaraos sa krisis na ito. And it that respect po, next week ay mayroon na po tayong second round na pamimigay po ng ayuda sa lahat ng miyembro ng National Press Club.
SEC. ANDANAR: Alright. Maraming salamat sa iyong panahon, USec. Joel Egco ng Presidential Task Force on Media Security at Mr. Paul Gutierrez ng National Press Club.
Ngayon naman ay makakausap natin si Consul General Adrian Elmer Cruz ng Embassy ng Pilipinas sa Madrid, Spain. Magandang araw po sa inyo Ambassador o Consul.
CONSUL CRUZ: Magandang umaga po, Sec. Martin at sa mga nakikinig. Ako po ay si Consul General Adrian Cruz po.
SEC. ANDANAR: Consul, ilan na po ba ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 diyan sa Espanya?
CONSUL CRUZ: Sa buong Espanya po, there are 136,000 who have been infected with COVID-19; more than 13,000 na po ang recorded deaths; but I am happy to say 40,400 have so far recovered.
SEC. ANDANAR: Ano po ang ginagawang aksyon ng ating Spanish government—Consul, ano pong ginagawang aksyon nila para po ma-curb itong paglaganap o pagkalat po ng COVID-19?
CONSUL CRUZ: Well, alam ninyo po ang Spain ay nag-declare po ng state of alarm o estado de alarma for the period of March 14 to April 11 pero po ini-extend po ito hanggang April 26 dahil nga madami pang mga pasyente ang nasa serious condition o nasa ICU.
Sa ilalim nga po nitong state of alarm, pansamantalang nagsara po ang mga eskwelahan, kainan, sports stadiums, retail outlets at ilan pong non-essential government and private offices.
May iilan naman po sa mga opisina na pumayag na mag-work at home ang kanilang empleyado o kaya pinag-file sila ng temporary leave. Malaki po ang impact ng state of alarm, marami pong business na nagsara at may ilan na mga residente sa Espanya na hindi na muna makapagtrabaho o nawalan ng trabaho.
SEC. ANDANAR: Ilang Pilipino po diyan sa Spain ang nag-positibo, Consul?
CONSUL CRUZ: Spain is the second home of 44,000 Filipinos, lahat po sila ay concerned sa effect ng lockdown on their job stability. Marami po sa mga Filipino ang nasa services sector, marami rin po ang nasa domestic workers sector, mayroon naman din pong ilan na nagma-manage ng mga small businesses.
Dahil po doon sa pag-aalala sa posibleng kawalan ng trabaho, ang aming POLO office ay may inilagay na online job displacement monitor so that our labor officials can get in touch directly with our OFWs dito po sa Spain.
SEC. ANDANAR: Ano po naman ang tulong na ibinibigay ng ating embahada diyan sa mga apektadong Filipino, Consul?
CONSUL CRUZ: Well, Sec. Martin, first I have to mention the Spanish government issued a royal decree unveiling an economic assistance package for all those residing in Spain. May mga binanggit dito na mga broad details on various types of benefits, subsidies and pensions for those who were temporarily suspended or have become unemployed due to the lockdown.
On the part of the embassy, we tried to translate the royal decree and appropriate Spanish laws on labor and employment that is relevant to the ongoing crisis for the benefit of affected Filipino workers. Nais ko rin pong sabihin na regular po ang aming ugnayan sa mga Filipino honorary consuls tungkol sa labor regulations ng Spain and we also maintain close contact with the foreign ministry, the local government authorities and NGOs and we expect that will see greater cooperation with these institutions once the lockdown has been lifted.
SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe, Consul, sa ating mga Pilipino na mga kababayan sa Spain na gusto na pong bumalik ng Pilipinas?
CONSUL CRUZ: Ang personal na panawagan ko po para sa mga kababayan nating nakikinig lalo na sa mga Pilipino na nasa Espanya, magkaroon po tayo ng positive outlook habang hinihintay po natin ma-lift ang state of alarm. Alalahanin po natin ang ating mga kalusugan, makinig po sa mga opisyal na balita, punahin po ang mga advisories na ilalabas namin sa aming website at saka sa FB page, ang most important of all po, let’s just try to be calm. Ipagpatuloy po natin ang pagdadamayan at pakikipagtulungan sa isa’t-isa.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Consul General Adrian Elmer Cruz ng embahada po ng Pilipinas diyansa Madrid, Spain.
Ngayon naman po ay alamin natin ang ginagawang tulong ng mga pribadong kompanya sa komunikasyon sa gitna ng krisis na COVID-19. Kasama natin ngayon, Rocky, si Atty. Eves Gonzales ng Public Policy and Government Relations, siya po ang hepe diyan ng Google; at si Mr. Anubhav Nayyar, siya po ang senior director of business development of APAC at Rakuten Viber. Magandang umaga po sa inyong dalawa! Good morning po!
ATTY. GONZALES: Magandang umaga po, Sec.!
- NAYYAR:Hi! ‘Morning!
SEC. ANDANAR: First of all, I would like to thank the both of you for your effort in supporting the Philippines in this battle against COVID-19.
Now, I would like to start with Atty. Eves Gonzales. Attorney, tell us more about this COVID-19 Community Mobile Report?
ATTY. GONZALES: So, ito pong Community Mobile Report na inilabas po ng Google ay para po masagot po iyong concern po ng gobyerno tungkol po sa movement po ng mga taumbayan nila simula po nang nag-impose po ng mga quarantine sa mga bansa po. So, specific po to the Philippines, mada-download na po ngayon iyong Community Mobility Report po upang makita po ng gobyerno kung sumunod nga po ba iyong Pilipino sa Enhanced Community Quarantine po na naging in place na po since about three weeks ago po.
At makikita po natin dito using—ano po ito, anonymized and aggregated po iyong data upang makita po natin kung ang mga Pilipino ba ay pumupunta pa po sa transit station, nag-i-stay na lang po ba sila sa bahay, pumupunta po ba sila sa mga groceries or sa mga recreation, sa mga restaurants po.
So, ito po ay isang paraan ng Google upang magamit po ang big data data upang makatulong po sa gobyerno na maintindihan po kung ano na po ang naging galaw ng taumbayan during this period po.
USEC. ROCKY: Atty. Eves, aside from this project, ano pa po iyong other assistance and efforts po na pino-provide ninyo sa ating mga frontliners kaugnay pa rin nitong health crisis sa bansa?
ATTY. GONZALES: Opo. So, kahapon nga po in-announce po namin na sa Google maps po ay mahahanap ninyo na po iyong nineteen na Department of Transportation hospital shuttle routes po. Ito po iyong mga bus na sinet-up po ng DOTr upang madala po sa ating mga frontliners galing po sa mga set na pick-up points papunta po sa mga ospital sa Metro Manila. So, ang atin pong mga frontliners kailangan lang po nilang buksan ang Google maps at i-pin po nila iyong kanilang destination at ibibigay po sa kanila ang iyong option to take the DOTr hospital shuttle routes.
And sa maps pa rin po, para po sa mga taumbayan natin na concerned po sila, gusto nilang malaman kung saan po ang pinakamalapit na COVID-19 testing center. Nakipagtulungan po kami kasama ng Department of Health upang ma-plot po natin sa maps iyong currently po, iyong sampung stage 5 na reference laboratories, ito po iyong mga COVID-19 testing centers. Mahahanap ninyo po iyan sa Google maps at sa Google search. So hanapin ninyo lang po “COVID testing” para po lumabas po iyong sampuing COVID testing sites na stage five na po sa ngayon.
USEC. ROCKY: Okay. For Mr. Anubhav Nayyar, eliminating fake news is one of the major problems in the field of communication. What are the initiatives from Rakuten Viber to stop the spreading fake news about COVID-19, sir?
- NAYYAR:This is extremely important that so much of information that people don’t really know what is an authentic source of information and that’s why we partnered with the Department of Health and they now have an official community in which anybody from the Philippines can decide to join and follow that particular community.
What it does is that it provides actual, authentic information directly from the ministry—from the Department of Health and therefore we provide that one destination that users can go with complete trust.
What we’ve also done on the global level is partnered with the World Health Organization in providing a similar platform of authentic information and questions or any queries that people may have with that.
USEC. ROCKY: Aside from this, sir, do you have other initiatives to combat COVID-19?
- NAYYAR:I think what we are doing is to provide one area – which was what I have spoken about – and provide multiple layers to it. So, what we’ve also done is provided the Department of Health some complimentary advertising on Viber as a platform. We’ve also sort of connected with various partners that we have leading to these particular platforms – that’s one. And the other thing is that we’re evolving as time passes, so we’ve also been launching an automated chatbot where users can check for various symptoms, the Department of Health themselves will be running this so that we can help reduce the number of questions and queries that are coming to the DOH right now.
USEC. IGNACIO: Yes, sir, what would your advice to all the Filipinos who use Viber for communication?
- NAYYAR:I think two things, number one, trust what the DOH is saying because they have the necessary expertise and there’s so much of the information that is flowing in that it’s always good to be relying on somebody who is very, very authentic and trustworthy. The second and in most positive note, at the time of socialized where people and its super important to flatten the curves. I think we are very happy and we are privilege to provide a platform which people can connect with their love ones, with their families, friends who could be in different parts of the country.
SEC. ANDANAR: Panghuling tanong kay Atty. Gonzales, Rocky. Kami po ay nagpapasalamat, ang PCOO, dahil sa malaking tulong na ibinibigay po ng inyong tanggapan sa Google lalung-lalo na dito sa libreng advertisement na binibigay po ninyo sa pamahalaan and you did mention about another 5 million dollars na ibigay ng Google na libreng advertisement para sa gobyerno para labanan ang COVID-19. Maraming salamat, sir, at baka puwede mong i-expound pa ng kaunti iyong dinonate po ng Google.
ATTY. GONZALES: Opo, so ang google po ay nagbigay ng up to 5 million US dollars po in search and credits po iyan, magagamit po iyan ng Philippine government agencies upang mailabas po iyong mga critical na impormasyon nila tungkol sa COVID-19 at pati na rin po doon sa ating mga economic recovery measures. So, ngayon po mayroon na po tayong mga tumatakbong search campaigns para sa Department of Health, sa PCOO at in the coming weeks po, we are hoping po na magsimula na po iyong mga campaign po ng DOLE, ng DTI, ng DICT, pati po ng NEDA. So ito pong 5 million dollars ay magagamit po ng gobyerno upang mailabas po iyong mga importanteng proyekto po nila. So, kunwari po may magse-search po sila ng how to donate or how to volunteer. Sa ngayon po lalabas po iyong website ng PCOO, dadalhin po sa website ng PCOO na nakalagay po doon kung ano po iyong mga steps para po mag-volunteer. So, sa ganitong paraan po matutulungan po natin ang gobyerno na mailabas po iyong mga importanteng mensahe po ninyo sa mga nagse-search po sa Google.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat muli sa inyong panahon Atty. Eves Gonzales, Public Policy and Government Relations Chief ng Google; and Mr. Anubhav Nayyar, Senior Director of Business Development sa APAC ng Rakuten Viber.
Ngayon naman ay makakausap natin si Usec. Hans Leo Cacdac, ang Administrator at vice chairman ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA. Magandang umaga po sa inyo, sir Hans.
OWWA ADMIN. CACDAC: Magandang umaga po, Sec; sa inyong tagapakinig, tagapanuod, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Sir, ang unang tanong po, ano daw po ang mga ginagawang aksyon ng OWWA doon sa mga stranded OFW dahil po sa COVID-19 travel ban?
OWWA ADMIN. CACDAC: Opo, patuloy po ang ating provision ng food, transport and accommodation assistance. Halimbawa po, ngayong araw ay in the next few hours, mayroong dalawang flight from Kuwait na dadating, total of 600 OFW arriving today from Kuwait. So we will transport them to an accommodation facility and take care with them until such time na sila ay makakauwi sa kani-kanilang mga rehiyon o probinsya. Kasi karamihan po sa kanila ay taga-Visayas and Mindanao.
And the other thing that we are doing is iyong provision ng food packs, food assistance sa mga stranded na OFWs and especially seafarers, marami pong marino within NCR, within Metro Manila na hindi po nakaalis at stranded sa mga boarding houses, dormitories, bed spacing facilities, etcetera. So, tinutulungan po natin sila at kasama nito may mga land based. Halimbawa, iyong mga kasambahay na OFW na hindi nakaalis gawa ng COVID crisis ay tinutulungan din po natin. So, iyan po, in a nutshell iyan po iyong isinasagawa natin at umaakyat na po na halos 6,000 na stranded OFWs ang natulungan natin.
SEC. ANDANAR: Okay, so stranded na mga OFWs, stranded doon sa ibang bansa at iyong mga OFWs din, USec, na gustong magbalik trabaho. Kasi the last time na nag-interview po kami kay Secretary Bebot Bello ay mayroon pong—iyong mga balik manggagawa, eh papaano po iyan ngayon? Wala na pong balik manggagawa dahil sarado na po iyong ating paliparan dito sa Luzon. Pero bukod po sa Luzon, sir, diyan po sa Visayas at Mindanao, puwede po bang bumiyahe pa ang mga balik manggagawa sa ibang bansa o hindi na talaga?
OWWA ADMIN. CACDAC: Sa ngayon, hindi po, kasi maraming mga bansa lalo na iyong malalaking host countries, like Saudi and Kuwait ay sarado po ngayon; Italy halimbawa is another country. Pero ang isang malaking isyu po, Sec. Martin, ngayon ay iyong mga OFWs na stranded dito, humigit kumulang ang bilang nila ay aabot siguro ng mga 4,000 to 5,000 ay kailangan makapanumbalik na sa Visayas at Mindanao, kasi sila po ay mga naka-kumpleto na ng 14-day quarantine dito. Kaya nagpapasalamat tayo sa DOTr, saka sa DILG, kina Sec. Tugade at Sec. Ano, dahil nagko-coordinate po tayo sa kanila ngayon para makapagsagawa ng tinatawag na mercy flights or voyages para makauwi na po sa kani-kanilang home provinces iyong mga stranded dito sa Maynila na naka-kumpleto na ng 14-day quarantine.
USEC. IGNACIO: Sir, may tanong po si Gerald Dela Pena. Ang sabi niya, paano daw po ang gagawin sa mga stranded seafarers, kailangang-kailangan daw po nila ng tulong, kasi kulang daw po iyong pera nila, pagkain at accommodation and wala daw diumano silang naririnig sa OWWA?
OWWA ADMIN. CACDAC: Sige po, kukunin na lang namin, Ma’am, iyong kanilang contact info. Sa ngayon po mga 2,000 stranded seafarers ang dine-deliberan natin, binibigyan natin ngpagkain araw-araw. So, sige o kung mayroon pa po kaming hindi naseserbisyuhan, kukunin na lang po naming ang pangalan at saka iyong numero para mapuntahan natin. Ako nga po mismo ay galing lang sa isang boarding house, hindi boarding house, parang apartment kung saan nandodoon may mga 74 stranded seafarers doon. So, pakihingi na lang po iyong number at pangalan noong kailangan ng tulong.
USEC. IGNACIO: Opo, ang tanong po na iyan ay galing kay Gerald Dela Pena ng TV 5. May mga katanungan din po ang kasama natin sa Philippine Broadcasting Service, si Dennis Principe go ahead.
DENNIS PRINCIPE: Yes, maraming salamat USec. Rocky at ito na po ay isang tanong na para po sa ating mga kasama sa OWWA. Mula po kay Val Gonzales ng KBP DZRH.
VAL GONZALES/DZRH: Mayroon pong temporary suspension sa pagpapadala ng mga health professional patungo sa ibang bansa. Now, paano po iyong mayroon na pong supposed to be kontrata overseas na nandito ngayon sa ating bansa at hindi makaalis, puwede ho ba silang pansamantala ay bigyan ng kita ng gobyerno habang hindi pa lifted itong ban na ito?
OWWA ADMIN. CACDAC: Pasensiya na po hindi ko po masasagot ng hayagan, kailangan kong idulog sa POEA ito, kay Administrator Bernard Olalia. Offhand, ang sagot ko po diyan ay may mga bansa ngayon na mahigpit din sa pagtatanggap ng mga pumapasok, halimbawa Saudi nga o Italya, Kuwait ganyan, UAE. Kaya susuriin ko po muna iyong sitwasyon kung anong bansa po ang pupuntahan. Kasi kahit po payagan nating umalis ay hindi pa rin tatanggapin ng host country.
USEC. IGNACIO: Okay. Sa punto pong ito makakasama natin si Ma’am Veronica Regina Garcia, ang Hospital Administrator at Director po ng VRP Medical Center sa Mandaluyong City. Magandang araw po.
- GARCIA: Magandang araw po.
USEC. IGNACIO: Kumusta na po ang sitwasyon ninyo ngayon diyan sa VRP Medical Center?
- GARCIA:Okay naman po. Still the same, we continue to receive PUIs… mayroon pa rin po kaming mga COVID patients na inaalagaan.
USEC. IGNACIO: Ito po ba ay sa tingin ninyo, assessment ninyo, iyon po bang tinatanggap ninyo sa hospital ninyo, nababawasan po lalo iyong nagpositibo sa COVID-19?
- GARCIA:Same pa rin po, medyo same pa rin po. Mayroong pong mga araw na mas less toxic pero mayroon din pong mga araw na medyo sabay-sabay ang dagsa sa ER po ng mga suspected COVID.
USEC. IGNACIO: Iyon pong pang-araw-araw ninyong sitwasyon diyan, ma’am, paano ninyo naman po pinapangalagaan din iyong mga kasamahan ninyo, kayo, doon sa pag-handle ninyo po ng COVID-19 patients?
- GARCIA:Medyo thorough po ang screening process sa pagpasok sa ospital. So dinifer na rin po namin lahat ng mga elective cases para po… and wala rin pong mga doctors na nagki-clinic po ngayon, so much less ang foot traffic and crowd situation po sa loob ng ospital, that’s also to minimize exposure.
And then, mayroon din po kaming mga healthcare workers na naka-quarantine. In fact, we already have three of our healthcare workers who have tested positive. So dalawa naman po sa kanila—actually, iyong isa sa kanila ay madi-discharge din today. So naka-recover naman po. But we have quarantined healthcare workers also inside the hospital.
USEC. IGNACIO: Doctor, kami po ay sumasaludo sa inyong mga health workers ano. Pero ano po ba iyong mga problema pa diyan sa ospital at nais ninyo pong idulog po sa ating mga concerned agencies?
- GARCIA:I think, whether private or public, we are facing the same challenges. So in terms of manpower and then PPEs, of course. Lahat yata nagkaka-challenges when it comes to that. The transportation situation, mayroon pa rin kaming mga empleyado po na medyo hirap pong makapasok, so iyon po. And then, iyong sa PhilHealth, sayang po hindi ko siya matatanong, we have not really received any communication from PhilHealth that we’re not supposed to bill our patients right now. So we’re still waiting for that.
USEC. IGNACIO: Secretary?
SEC. ANDANAR: All right. Maraming salamat po sa inyong panahon, Dra. Veronica Regina Garcia ng VRP Medical Center. Kailangan talaga, Rocky, ay ma-cascade iyong information ng PhilHealth sa lahat ng ospital. That’s a classic example na hindi alam ng pamunuan ng ospital, ng VRP na puwede na palang tanggapin ang PhilHealth na hindi na pababayarin iyong may sakit ng COVID.
Samantala, makibalita naman tayo dito sa PTV Baguio, kasama si Breves Bulsao. Breves, magandang tanghali sa iyo.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo Breves Bulsao ng PTV Cordillera. Ngayon naman po ay kumustahin natin ang lagay ng Bangsamoro Region kasama po si Atty. Naguib Sinarimbo, ang minister of the Ministry of the Interior and Local Government and spokesperson po ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Attorney?
ATTY. SINARIMBO: Magandang tanghali po sa ating lahat. Magandang tanghali sa mga kababayan natin. Ang update po sa regional government sa Bangsamoro ay mayroon tayong 7,785 na PUM; mayroon tayong walo na confirmed cases ng COVID-19; mayroon na tayong tatlong death. Pero ang pinakamagandang balita, mayroon na rin ho tayong tatlo na naka-recover na.
USEC. IGNACIO: Attorney, dahil nga po nandiyan na iyong COVID, ano po iyong mga inilalatag ninyong measures para po tiyakin ang hindi na pagkalat nito especially iyong maayos na pakikipag-ugnayan ninyo sa LGUs sa BARMM?
ATTY. SINARIMBO: May nakalatag po tayong contingency plan dito at activated na ho ito. So iyon pong mga lahat ng local government units natin ay nag-declare na rin ng community quarantine para po hindi gumalaw iyong mga tao natin at hindi ma-transmit iyong virus sa mga communities. So mayroon ho tayo niyan.
Sinusuportahan na rin ho natin iyong mga emergency operation centers ng Inter-Agency Task Force sa baba ng probinsiya at saka mga munisipiyo. Ang una ho tulong natin doon sa mga local government units natin, nagpalabas na ho tayo ng five million na assistance sa bawat probinsiya – limang probinsiya ho tayo. And then may tig-dalawang milyon bawat city and then mayroon tayong tig-iisang milyon para doon sa mga munisipyo naman – total na 116 municipalities. And then, iyong special geographic areas sa North Cotabato, ito ho iyong 63 barangay na bumuto ng ‘yes’ at nasa atin na po, binigyan ho natin sila ng eight million para po lumaban sila.
Pero liban ho diyan, pinag-iisipan na rin natin at inisasagawa na iyong pagtatayo ng isang medical facility dito sa may Cotabato Sanitarium kung saan kung dadami iyong kaso natin na positive at hindi na kakayanin ng mga regular na ospital natin, doon ho natin sila dadalhin. So mayroon na hong pondo para diyan.
And then, para naman po ma-enhance natin iyong pagpapabilis doon sa testing, kausap po natin iyong Cotabato Regional Medical Center para ho bilhan sila ng equipment para magkaroon tayo ng sub-national na testing na facility para iyong mga mamamayan dito sa ating rehiyon ay dito na lang ho iyong testing; hindi na natin kailangan dalhin sa SPMC sa Davao dahil malayo din sa atin iyon at baka ma-overwhelm din iyong nandoon sa Davao.
So sa food security naman po ay sini-set up na natin iyong pondo para bilhin iyong mga mapu-produce na palay ng mga tao natin para ma-encourage natin na mag-produce sila nang mas mataas kaysa doon sa prevailing market para iyong lahat na mapu-produce nila ay may sigurado silang market. Kailangan na ho nating paghandaan iyong food security dahil kapag medyo nagtagal ho ito ay magiging problema natin iyong pagkakain doon sa mga kababayan natin dito sa rehiyon po.
SEC. ANDANAR: Atty. Naguib, sir, si Martin ho ito. Ano po ang ginagawa ninyong aksyon doon sa mga traders na nagho-hoard at nag-o-overprice ng mga paninda?
ATTY. SINARIMBO: Binabantayan ho natin maigi iyong presyo, sir. Bale po iyong lahat ng LGUs dito pina-activate na natin iyong LPCC nila, itong Local Price Coordinating Council. Nagre-receive po tayo ng report galing doon sa mga LGUs na ito para ma-track natin kung mayroon bang hoarding o kaya mayroong unreasonable na increase doon sa presyo ng mga binibinili dito sa atin. So far, wala pa rin naman po. Mayroon pa tayong mga goods na available dito po sa rehiyon natin.
USEC. ROCKY: Attorney, balita po namin mayroon kayong ginagamit na cutting edge maps para po sa COVDID-19 emergency response. Ano po ito? Paki-explain po.
ATTY. SINARIMBO: Mayroon po tayong infographics na inilababas every day, naka-mapa po kung saan iyong mga cases and then saan naman iyong tulong natin. And then mayroon din tayong infographics doon sa ano iyong kailangan ng mga tao natin, iyong demand side and then ano naman iyong response natin.
Kailangan ho natin ito para ho hindi magkaroon ng sitwasyon kung saan magpapatong-patong iyong tulong sa ibang area at mayroon tayong nakalimutan naman na mga LGUs na hindi natutulungan.
So, ito ho iyong tracking system natin doon sa demand at saka doon sa response po natin.
SEC. ANDANAR: Ang mensahe po Atty. Sinarimbo, sa mga Pilipino lalo’t higit diyan sa inyong nasasakupan sa BARMM?
ATTY. SINARIMBO: Nakikiisa ho tayo doon sa panawagan ni Pangulo na suportahan natin iyong laban sa COVID dahil hindi ho ito kaya ng gobyerno lang, kailangan ho tayong magtulong-tulong. Ang pinaka-effective na tulong ng mga kababayan natin, iyong mga wala naman pong kailangan puntahan sa labas, stay home na lang ho kayo. Diyan na lang ho kayo sa bahay para ho iyong mga frontliners natin mas malaya silang makakagalaw, makatulong doon sa mga kababayan natin.
Doon sa mga Muslim na constituents natin, panawagan ho natin ay naglabas na ho ng Fatwa o religious na injunction iyong Mufti ng Bangsamoro na hindi ho muna tayo magkaroon ng congregational prayer sa mga Mosques, dahil kapag maraming tao sa Mosque iyong chances na may transmission doon ay masyadong mataas.
Pangalawa po, naglabas din ho ng Fatwa iyong Mufti natin na doon sa pag-manage doon sa cadaver ng mga namatay na positive o kaya suspected na PUIs ay i-lessen iyong rituals para maiwasan natin iyong exposure ng mga kababayan natin na magha-handle ng cadaver ng isang Muslim para ho hindi malipat iyong virus sa mga kababayan natin.
So, sama-sama ho tayong lumaban rito, suportahan ho natin si Pangulong Duterte at iyong gobyerno natin para ho tayo lahat ay magtagumpay. So, magsama-sama po tayong lahat.
USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat po, Atty. Naguib Sinarimbo ng Ministry of the Interior and Local Government at ang tumatayo rin pong spokesperson ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Samantala, makibalita rin tayo sa sitwasyon ng Davao. Live po magbabalita si Julius Pacot. Maayong buntag sa inyong tanan!
[NEWS REPORTING BY PTV DAVAO CORRESPONDENT JULIUS PACOT}
USEC. ROCKY: Salamat, Julius Pacot. Mula naman po sa Queen City of the South, makakasama natin si mag-uulat si John Aroa. Maayong buntag!
[NEWS REPORTING BY PTV CORRESPONDENT JOHN AROA]
SEC. ANDANAR: Daghang salamat, John Aroa, gikan sa PTV Cebu.
USEC. ROCKY: Samantala, pampa-good vibes naman po tayo, Secretary. Panoorin naman natin ang iba’t-ibang mukha ng tulong sa gitna po ng krisis. Ito ay sa gitna natin ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine.
[VIDEO PRESENTATION]
SEC. ANDANAR: Ayun! Pasasalamat tayo sa ating mga guests, USec. Rocky. Salamat po sa mga nakasalo nating mga panauhing ngayong umaga na sina Ret. Brigadier General Ricardo Morales, ang Presidente and CEO ng Philhealth; Dra. Veronica Garcia, ang hospital administrator at director ng VRP Medical Center sa Mandaluyong City; si Hans Leo Cacdac, ang administrator at vice chairman ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA; si Consul General Adrian Elmer Cruz ng Embassy ng Pilipinas sa Madrid, Spain; kasama din po natin si USec. Joel Egco ng Presidential Communications Operations Office; at ang vice president ng National Press Club na si Ginoong Paul Gutierrez; ang ating kaibigan, si Atty. Eves Gonzales, ang policy and government relations chief ng Google; at si Anubhav Nayyar, ang senior director ng business development ng Asia Pacific at Rakuten Viber; at siyempre, si Atty. Naguib Sinarimbo, ang minister ng the Ministry of the Interior or Local Government at spokesman ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao.
USEC. ROCKY: Nakasama rin natin Secretary kanina iyong Philippine Broadcasting Service, siyempre ang PTV Cordillera, PTV Davao, PTV Cebu at ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas. And lastly, we also like to acknowledge, na pagbigay ng saludo, ang Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 para po sa walang sawang pagsuporta sa ating programa.
SEC. ANDANAR: At diyan nagtatapos ang ating programa ngayong araw. Ugaliing maging updated sa mga balita hinggil sa COVID-19 sa bansa, gayundin sa mga hakbang ng ating pamahalaan upang masugpo ito. Patuloy po lamang na tumangkilik, sumubaybay at makinig sa mga lehitimong news sites. Ako muli ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.
USEC. ROCKY: Higit sa lahat, huwag po tayong basta-bastang maniniwala sa ilang mga nababasa online. Maging maalam at maingat po tayo sa pagharap sa suliraning ito. Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si USec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Laging tandaan basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Hanggang bukas muli, Public Briefing #LagingHandaPH.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)