Press Briefing

Public Briefing on Laging Handa by PCOO Secretary Martin Andanar and Undersecretary Rocky Ignacio with Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino; Bureau of Customs Assistant Commissioner Atty. Jet Maronilla; Bureau of Internal Revenue Deputy Commissioner Arnel Omalia; Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz; Ambassador of the Republic of the Philippines to Turkey, Ambassador Raul Hernandez


Event Public Briefing #Laging Handa PH

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao, ako po si PCOO Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Patuloy po ang ating paghahatid ng mahalagang balita at impormasyon sa ating mga kababayan ukol sa ating paglaban sa banta ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Ngayong araw po ay muli magbibigay-daan para maitanong ang mga mahahalagang katanungan at sasagutin po ng ating mga kawani ng pamahalaan.

SEC. ANDANAR: Samahan po ninyo kami sa isa na namang makabuluhang talakayan ngayong araw dito po sa public briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO:  Samantala, Secretary narito po ang updates sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa base po sa tala ng DOH. As of 4:00 pm, April 15, 2020, umabot na po sa 5,453 ang dami ng kaso na naitalang nagpositibo sa COVID-19. Samantala, nasa 349 pa rin po ang nasawi, ngunit patuloy naman po ang pagtaas ng bilang ng mga nakaka-recover sa COVID-19 na umabot sa 353. At kung edad naman po ang ating pagbabatayan, nasa 5.7% sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay mga babae na may edad na 25 hanggang 29; habang 60 to 64 naman po ang edad ng kaso ng may COVID-19 sa mga lalaki.

SEC. ANDANAR:  Nasa 12.6% naman po ng mga lalaking namatay dahil sa COVID-19 ang may edad  na 65 to 69, sinundan  ito ng 6% na namamatay na babae na may edad na 60 to 64. Ganoon pa man, lalaki pa rin ang naitatalang may pinakamaraming porsiyento na gumagaling sa COVID-19 na may 7.6%, ang edad nito ay nasa 50 to 54, habang 4.5% sa mga babae na may edad na 25.34 ang nakaka-recover.

Samantala, sa datos naman ng World Health Organization, umaabot na sa 1.9 million ang suma-total ng mga kaso ng COVID-19, kasama na rito ang 123,126 na kataong namatay.

USEC. IGNACIO:  Ang top 12 na nangungunang mga bansa ay ang Amerika na may 578,268 na kumpirmadong kaso ng COVID-19, sinundan ito ng Spain, Italy, Germany, France, United Kingdom, China, Iran, Turkey, Belgium, Netherlands at Canada.

Samantala, nangunguna na po ang Pilipinas sa South East Asia na may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19; pangtatlumpu’t-lima naman ang Pilipinas sa buong mundo.

Bilang pagtugon po sa mga katanungan ng ating mga kababayan, nagtalaga na po ang DOH ng COVID-19 hotline at sa pamamagitan ng linyang ito, maaari po kayong kumonsulta kung may nararamdaman po kayong sintomas ng  COVID-19  o humingi ng  assistance sakaling may kilalang na-exposed sa mga confirmed cases or probable cases. Huwag po kayong mag-atubiling tumawag   sa 02-89426843; para naman sa PLDT, smart, Sun at TNT subscribers, maaari po ninyong i-dial ng 1555.

SEC. ANDANAR:  At upang sumagot sa tanong ng bayan, atin pong makakausap via VMIX video call sina Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino, Bureau of Customs Assistant Commissioner Atty. Jet Maronilla, Bureau of Internal Revenue Deputy Commissioner Arnel Omalia at kasama rin po natin si Bola, Oriental Mindoro Mayor Jenifer Cruz, via phone patch si Ambassador of the Republic of the Philippines to Turkey, si Ambassador Raul Hernandez.

USEC. IGNACIO:  Mula naman po sa iba’t-ibang sangay ng PCOO, makakasama rin natin sa pagbibigay ng  pinakahuling ulat sina Czarina Lusuegro ng Philippine Broadcasting Service,  Jorton Campana mula sa PTV Baguio, Jay Lagang mula sa PTV Davao at John Aroa mula sa PTV Cebu.

SEC. ANDANAR:  At para simulan ang ating talakayan, Rocky, makakausap natin si Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino. Magandang umaga sa iyo, Tony.

USEC. LAMBINO:   Magandang umaga, Sec. Martin, Usec. Rocky at sa lahat ng nanunuod at nakikinig.

SEC. ANDANAR:  Asec Tony, mayroon tayong inihandang four pillar socioeconomic strategy against COVID-19, ano naman po ang nilalaman nito, paano po ang allocation nito?

USEC. LAMBINO: Well, ang ating ekonomiya ay nanggagaling talaga sa isang matatag na sitwasyon bago po tayo tinamaan nitong COVID pandemics. So mayroon po tayong mga resources na nakalaan talaga para sa mga emergency tulad ng mga bagyo at iba pa pong klaseng mga sakuna.

Kaso, ito pong COVID ay parang mas malaki talaga ang epekto sa ating ekonomiya. Kaya kailangan po talaga magkaroon tayo ng istratehiya, hindi lamang po sa paglaban doon sa health, medical front, pero pati po sa socio-economic front. Kaya po mayroon tayong four pillars strategy.

Unang-una, tutulungan po natin iyong mga pinaka-vulnerable na grupo – iyong mga pamilya na no work, no pay. Kaya po tayo nagkaroon ng emergency subsidy program under SAP for 18 million families; Nandiyan po iyong ating programa  para sa mga manggagawa ng mga maliliit na negosyo.

At kailangan din po natin sa pillar two naman, tulungan ang ating medical  community, ang ating frontline healthcare worker, ang health system natin na labanan ang COVID-19 through the procurement of the PPE, upgrading of laboratories ang testing facilities.

Iyong pillar four naman po, nagbubuo tayo ng resources para po sa ating economic recovery plan na siyang nasa pillar four po naman. So iyan po iyong kabuuan nitong programang ito, nasa 1.45 trillion pesos na po ang kabuuang resources na nakalaan dito sa laban natin sa COVID.

USEC. IGNACIO:  Opo, Asec, aabutin nga po ng mahigit 1.45 trillion ang value ng socioeconomic strategy na to.  Pero paano po ninyo masisiguro na sapat ang resources ng gobyerno para dito?

ASEC. LAMBINO:  Sorry po, hindi ko po narinig iyong tanong.

USEC. IGNACIO:  Sabi nga po ninyo, umaabot na sa 1.4 trillion iyong value ng socioeconomic strategy natin. So, Asec. papaano po natin masisiguro na sapat po iyong resources ng gobyerno para po tustusan ito, tugunan ito.

ASEC. LAMBINO:  Tulad ng nasabi ko kanina, Usec. Rocky, mayroon po tayong magandang economic performance over the past few decades at over the past three years, especially, ay maganda po iyong ating economic growth, ibig sabihin ay mayroon po tayong nakalaan na mga resources. Although hindi naman po ito unlimited, mayroon po talagang hangganan ang kakayanin natin based on the current set of resources. So kailangan din po nating magbuo ng isang programa galing sa mga lenders natin, iyong mga international development banks, tulad ng World Bank, ng ADB, AIID at iba pa pong bilateral partners.

So, mayroon na po tayong na put in place na mga 310 billion  funds from our development partners at iyong atin namang sariling Bangko Sentral ng Pilipinas ay nagtabi rin ng 300 billion para po sa  bond repurchase agreement, para po tulungan itong pagpondo nitong laban  natin sa COVID.

SEC. ANDANAR:  All right. Napirmahan na ang agreement para sa 500 million US dollars na loan ng ating bansa sa World Bank, paano po natin ito gagamitin para sa ating laban kontra COVID-19?

ASEC. LAMBINO:  Well, ito nga po iyong ating  istratehiya, Sec. Martin: iyong una tutulungan natin iyong  mga pinakanahihirapan  na ating mga kababayan; pangalawa we will of course keep marshaling resources para po sa ating healthcare system, health care workers; at iyong pinakamalaking component nitong socio-economic strategy natin talaga, iyong economic recovery plan para po  makabalik agad, or as soon as possible iyong ating mga kababayan sa kanilang trabaho o maka-create po tayo ng new job after the lockdown is lifted.

USEC. ROCKY: Okay. ASec., mayroong Small Business Wage Subsidy Program ang pamahalaan. So, ano po ang mga paghahandang isasagawa natin para po sa opisyal na implementation nito at gaano po karami ang middle class families na magbebenepisyo po dito at ano-ano po iyong profile nila in terms of income?

ASEC. LAMBINO: Sa tingin ko, USec. Rocky, iyong tanong po ninyo tungkol doon sa Wage Subsidy Program natin, ano? Narinig ko po lang iyong second part, kasi ngayon lang po ako nakapag-suot ng earphones, pasensya na po.

Iyong Wage Subsidy ay para sa 3.4 million sa mga workers sa mga maliliit na negosyo. Ito po ay mga negosyo na hindi po kasama sa large taxpayer list ng BIR.

Ang kailangan po ay nag-skeleton workforce muna sila dahil po sa ECQ, itong Enhanced Community Quarantine natin or puwede rin pong tumigil talaga iyong kanilang operasyon para masundan iyong advise sa atin ng medical community na social distancing at iba pa pong mga hakbang.

So, ito po ay 3.4 million employees of small businesses; at iyong isa pa pong kuwalipikasyon ay dapat hindi po sila sumuweldo for at least two weeks dahil po hindi na nakayanan ng kanilang employer.

Kung naaalala po ninyo, Sec. Martin, USec. Rocky, iyong una po nating ginawa talaga ay nagbigay ng ayuda doon sa mga ‘no work no pay’ at hiningi po natin sa mga private companies na tulungan muna nila iyong kanilang mga empleyado at napakarami po ang tumugon doon at talagang nag-exert ng napakaraming effort para matulungan itong mga manggagawa.

Kaso, for small businesses, alam din po natin na ang kanilang mga cashflow ay maninipis kumpara sa mga mas malalaking negosyo kaya po sa ngayon after four weeks of Enhanced Community Quarantine medyo mahihirapan na po na bigyan ng suweldo ang kanilang mga manggagawa; nandiyan din iyong mga rental, nandiyan iyong mga loan repayment at iba pang mga gastusin sa bawat buwan.

At kaya nga po in combination with this Wage Subsidy, para naman po doon sa mga employer ay nag-extend po tayo ng mga grace period para sa rent – galing po sa DTI iyan – nag-extend po tayo ng grace period para sa mga utang alinsunod naman po iyan sa ating mga IRR from the Bayanihan to Heal as One Act.

So, tinutulungan po natin pareho iyong mga employers at saka mga employees nitong maliliit.

SEC. ANDANAR: Alright. ASec., monetarily and fiscally speaking, how long can we support an Enhanced Community Quarantine?

ASEC. LAMBINO: Iyong atin pong disenyo ng ating mga programa ay mas mahaba kaysa sa doon sa unang announcement ng Enhanced Community Quarantine. May extension na nga po tayo until the end of the month but we were able to put together programs na hanggang Mayo na po. So, talagang we were keeping ahead of the curve. Iyong Duterte Administration po ay talagang nagplano nang mas mahaba para po prepared po tayo.

SEC. ANDANAR: Alright. Thank you so much, ASec.—

USEC. ROCKY: Secretary—

SEC. ANDANAR: Yes, go ahead.

USEC. ROCKY: Yes, may tanong na dagdag si Joseph Morong. Ang sabi niya dito: The 800,000 that are not registered with BIR or SSS, what is the profile of their industries? When can they expect aid and how much?

ASEC. LAMBINO: Well, talagang isinama naman po natin iyong 800,000 na mukhang hindi po ganoon ka-compliant iyong kanilang employer. So, kasama po sila sa pag-budget nitong program na ito at as long as iyong employer po ay maging compliant ay makakatanggap din po sila ng ayuda.

SEC. ANDANAR: Alright—

USEC. ROCKY: May huli pang tanong si Joseph Morong, Secretary, I’m sorry po. Pero iyong tungkol daw po sa credit card. Most credit card companies collected finance charges from their client. Is this not a contravention of the grace period provision during ECQ?

ASEC. LAMBINO: Well, iyong ating rule po talaga ay dapat po may grace period na thirty days ‘no at iyong fees on—any additional fees, penalties or interest on interest, hindi po talaga puwedeng patawan iyong mga payments na ginagawa ng ating mga kababayan. So, kapag may ganoon pong sitwasyon, ang sistema po ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay, una, dumulog sa bangko at kausapin iyong branch manager. Kapag hindi po kayo satisfied doon sa kinalabasan noon ay puntahan po ninyo ang BSP website, nandoon po iyong grievance mechanism kung paano ilapit at aaksiyon naman po agad ang Bangko Sentral ng Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Alright! Maraming salamat ASec. Tony Lambino and we hope that we have more time to talk about the fiscal package na ibibigay ninyo po sa ating mga middle class workers. Thank you po.

ASEC. LAMBINO: Salamat po Sec. Martin, USec. Rocky at magandang umaga po sa lahat!

USEC. ROCKY: Okay, salamat po. Ngayon naman, Secretary makakausap natin ang Deputy Commissioner ng Bureau of Internal Revenue, si Mr. Arnel Guballa. Magandang araw po!

DEPCOMM. GUBALLA: Magandang araw po, USec. Rocky; at magandang umaga po, Sec. Martin Andanar!

USEC. ROCKY: Mayroon po kayong inihandang financial assistance para sa ating mga taxpayers. Paano po ang magiging proseso nito at sino-sino po iyong mga qualified dito?

DEPCOMM. GUBALLA: Kung ang sinasabi po ninyong financial assistance doon po sa ating mga small business dito sa Wage Subsidy Program, ito po iyong mga maliliit nating mga… iyong small business taxpayers natin na hindi po sila na-classify na large taxpayer. Iyong mga qualification po nito ay sila po ay for the last three years ay talagang nagk0-comply, nagbabayad po sila noong kanilang withholding tax para po sila mag-qualify dito sa Wage Subsidy natin na ibibigay po. hello?

SEC. ANDANAR: Ngayong nasa ilalim po tayo ng State of National Emergency, nagpatupad po ang BIR ng tax exemptions. Ano-ano po ang mga ito at paano po ito ma-avail?

DEPCOMM. GUBALLA: Secretary, iyon pong mga tax exemptions dito po sa iyong Bayanihan to Heal as One, iyon pong mga companies na nagdo-donate sa gobyerno tulad iyong mga PPEs and other related dito po sa COVID, iyon pong mga donations po nila ay wala na pong tax at saka iyon pong mga nag-i-import naman para i-donate po dito sa ating mga health workers o sa mga hospitals, iyon po ay iniksian na po namin iyong proseso para mailabas po kaagad ito ng Customs at maibigay po sa ating mga nangangailangan. So, in short sa BIR po wala na po tayong tax na sinisingil sa mga ito po. iyon po ang ibinigay po ng BIR sa ating mga kababayan o mga kompanya na nagdo-donate po sa ating mga hospitals at sa ating mga health workers.

USEC. ROCKY: Opo. So, mayroon din po kayong inilabas na consolidated list of extension para sa ating mga taxpayers. Ano-ano po ito at hanggang kailan po ang extension ng tax filing and payments?

DEPCOMM. GUBALLA: USec., ito po namang iyong Revenue Regulation namin, iyong 10-2020, ito po iyong mga extension na ibinigay po natin. Hindi po ba ang ating annual filing nag-fall due po iyan nang April 15? Ngayon, ini-extend po iyan nang May 15. Ngayon, since na-extend din po iyong lockdown, ini-extend din po ng BIR ang lahat ng mga obligasyon ng ating mga taxpayers sa pagpa-file, sa pagbabayad at saka sa pagsu-submit po. So, ang pinaka-importanteng feature po dito ay iyong annual ITR po natin na magdu-due nang May 15, na-extend po siya hanggang May 30. So, iyong atin pong mga kababayan, mga individual at saka mga korporasyon, na-extend din po na hanggang May 30 na magbayad po sila noong kanilang annual filing ng income tax.

Ngayon, masyado pong marami po itong mga ini-extend na ito sa mga kompanya po na lahat magfa-fall due iyong tax ninyo kunyari ngayong buwan ng Abril, na-extend po iyan dahil na-extend din po kasi iyong ating lockdown, so ini-extend din po namin lahat, pati submission, lahat po ng puwedeng—iyong obligaciones po ng ating mga kababayan. Makikita po natin doon sa RR 10-2020, puwede pong puntahan iyong BIR website, makikita po doon na lahat po ay ini-extend na po natin sa BIR ang mga payments and filing ng ating mga financial statements.

USEC. ROCKY: Okay, maraming salamat po, Mr. Arnel Guballa ng Bureau of Internal Revenue.

DEPCOMM. GUBALLA: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Samantala, tinawag naman ni Senador Bong Go ang atensiyon ng mga concerned national government agencies at LGUs na paigtingin ang sistema ng pamamahagi ng mga ayuda sa ating mga kababayan at bigyang-pansin ang isyu patungkol sa listahan ng mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program ng gobyerno.

Aniya, dapat daw makipagtulungan ang mga LGUs sa DSWD at sa mga local na opisina nito para maiwasan ang pagkakaroon ng problema. Hinikayat din ng Senador ang mga LGUs at ang mga ordinaryong Pilipino na ipagbigay-alam sa DSWD kung may makikita man silang discrepancy.

Ayon naman sa DSWD, kung may  mga pamilyang hindi naisama sa inisyal na listahan na mabibigyan ng ayuda, agad na isumite ito sa DSWD for validation; at kung qualified ay ipapasa ito sa IATF para sa karagdagang pondo.

USEC. IGNACIO:  Samantala, ang DOLE po ay nagbigay na rin ng tulong sa mga empleyado ng P5,000 assistance sa ilalim ng CAMP (COVID-19 Adjustment Measures Program). Ganoon din po ang Department of Finance at Social Security System ay magpapaabot din ng tulong pinansiyal sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) para sa 3.4 na milyong empleyado na naapektuhan po ng COVID-19.

SEC. ANDANAR: Samantala, mabilis naman na nagpaabot ng tulong ang ilan sa mga entertainment licensees ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa ating mga frontliners, health workers at local communities na patuloy  na lumalaban sa COVID-19.

Ayon kay Attorney Juanito Sañosa, PAGCOR Vice President for Compliance and Governance Group, pinahintulutan ang mga lisensyadong casino na gamitin ang kanilang pondo para makatulong sa gobyerno laban sa COVID-19. Kaya naman po ang Resorts World Philippines, Cultural Heritage Foundation Incorporated ay nakapag-abot na ng 16,000 PPEs, medical gloves, goggles, shoe covers at 40,000 N95 facemasks sa ilang mga pangunahing ospital sa Metro Manila. At bukod pa sa tulong pang medikal, nakapagbigay na rin ang Resorts World ng 15,000 grocery packs sa mga lubhang naapektuhan ng COVID-19 sa Pasay City, at inaasahan din ang pagdating pa ng 140,000 facemasks para sa mga pasilidad na may COVID-19 at karagdagang 50,ooo food packs para sa ilan pang mga barangay.

USEC. IGNACIO: Ang Solaire Resorts o Bloomberry Cultural Foundation, Inc. naman po ay nag-donate na rin sa Lung Center of the Philippines ng polymerase chain reaction (PCR) machine na kinakailangan para sa COVID-19 testing. Dagdag pa rin po diyan, inaayos din nila ang Ninoy Aquino Stadium at Rizal Memorial Stadium bilang pansamantalang quarantine at treatment facilities ng mga pasyente ng COVID-19 at mamamahagi rin po aniya ito ng pagkain para sa mas nangangailangang pamilyang Pilipino.

Samantala, ang MELCO Resort Foundation Corporation-Philippines naman po ay namahagi ng 125,000 food packs worth 50 million pesos. At bilang pagtugon na rin sa pangangailangan ng ating mga kababayan, nagdagdag po sila ng 1oo million worth of food packs.

Ganoon din po ang Okada Foundation, Inc. ay direkta pong nagpaabot ng tig-25 million pesos financial assistance para po sa Philippine Heart Center at Lung Center of the Philippines upang maka-procure po ng mga kinakailangang equipment, machine at medical supplies.

Dagdag pa riyan, ang Okada po ay nag-pledge na rin po ng 100 million worth of relief goods na ipapamahagi sa mga indigent families.

SEC. ANDANAR: Sa gitna po naman ng banta ng COVID-19, isa rin sa napakatinding kalaban natin, naku, iyong pagkalat ng fake news. Marami pong maling impormasyon ang kumakalat lalo na sa internet, at ang mga ito po ay nakapagdudulot nang mas matinding pangamba sa ating mga kababayan. Kaya naman po ay mahigpit naming pinapaalala na iwasan po ang pagpapakalat o pag-share ng fake news dahil may karampatang parusa po ang pagpapakalat ng mga ito.

Upang hindi mabiktima ng mga maling impormasyon, ugaliin po nating mag-fact check at siguruhing credible ang inyong sources. Para manatiling updated kaugnay ng COVID-19, pumunta lang po sa aming official social media account na Laging Handa PH. I-like, follow, i-share po kami sa inyong mga Facebook accounts at i-share po ang aming official Facebook, Twitter, Instragam at YouTube accounts na Laging Handa PH.

USEC. IGNACIO: Ngayon naman po ay makakausap natin ang Assistant Deputy Commissioner ng Bureau of Customs, Attorney Jet Maronilla – magandang araw po, Attorney.

Okay, Attorney. Isa po sa mga hamon o challenges na kinakaharap po ng—

ATTY. MARONILLA:   Magandang umaga po, Usec. Rocky and Sec. Martin at sa mga nakikinig sa programa ninyo.

USEC. IGNACIO: Isa po sa mga challenges na kinakaharap ng BOC ngayon ay ang port congestion dahil po sa overstaying ng cargoes – ano po ang mga nagiging dahilan nito at paano po ito ina-address ng Bureau of Customs?

SEC. ANDANAR: All right, mukhang may problema iyong ating communication, Rocky. Ang oras po natin, 11:28 in the morning! Siguro ayusin muna natin iyong ating communication with Atty. Jet Maronilla…

USEC. IGNACIO: Secretary, ipaano lang natin kasi marami pong mga nagpapaabot sa atin dito ng mga tanong at paghingi ng tulong. Mayroon pong nagpatanong sa atin, nandoon daw po sila sa Bagamanoc, Catanduanes. Parang nananawagan po sila sa DSWD na mukhang hindi pa po yata daw sila napupuntahan, ang ilan sa kanila, so humihingi po sila ng tulong. At iyong ilan din po sa Antipolo na doon sa Babang Sapa daw po ay kung puwede daw po ay matulungan sila ng local na pamahalaan ng Antipolo – Iyan po iyong nais nilang ipaabot, Secretary.

Samantala, upang alamin ang kasalukuyang lagay ng mga kababayan nating Pilipino sa Turkey, nasa linya po ng telepono si Ambassador Raul Hernandez, ang Republic of the Philippines Ambassador to Turkey – magandang araw po.

AMBASSADOR HERNANDEZ: Magandang umaga po dito sa Turkey at magandang hapon po diyan sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Ambassador, ano po iyong kasalukuyang sitwasyon diyan sa Turkey, at paano po ninyo hinaharap iyong bantang dala ng COVID-19?

AMBASSADOR HERNANDEZ: Well, so far, Usec. Rocky, we have about a total confirmed cases ng 69,392. At iyong mga nasawi naman, iyong mga death cases – 1,580. So ang total na nagawang test so far is 443,626.

So patuloy iyong pagmo-monitor ng ating embahada sa sitwasyon ng ating mga kababayan. At so far, mayroon tayong isang Pilipina na mayroong COVID pero ito ay pinangangalagaan at minu-monitor ng isang doctor ng isang state hospital. Karamihan po or pangkalahatan, iyong ating mga kababayan dito ay nananatiling mga kalmado…

Pero mayroon tayong mga documented at undocumented o wala nang legal status dito sa Turkey na ating mga kababayan. Ang problema po nila ay, first, iyong tungkol sa kung papano sila makakakuha ng financial assistance from DOLE. Mayroon tayong tinatawag na 200 US dollars one-time financial assistance, pero hindi po kasama dito iyong Turkey. So, umaapila kami sa DOLE na isama iyong ating mga OFWs dito sa Turkey doon sa financial assistance.

Iyong secondly, mayroon tayong mga sitwasyon na dumarami… well, parami ng parami iyong COVID-19 cases, so iyong ating mga kababayan ay nag-aalala na rin at gusto na ring umuwi. So ngayon, mayroon kaming developing plan para sa kanilang repatriation lalung-lalo na doon sa mga in distress na ating mga kababayan at walang trabaho at walang dokumento at gusto nang permanenteng umuwi sa Pilipinas.

Iyong pangatlo, Rocky, is iyong pangangailangan ng food assistance ng ating mga kababayan na mawalan ng trabaho, kasi iyong iba sa atin ay no work, no pay na rin. So iyong mga officers and members ng ating embahada at konsulado ay nag-ambag-ambag para makabili ng mga pagkain at itong mga food packs na mai-donate o mai-distribute doon sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR:  Ambassador, may mga ina-address po ba ang ating mga kababayan na pangangailangan nila mula sa ating pamahalaan, Ambassador?

AMB. HERNANDEZ:  So sa ngayon, kasi hindi pa kasama iyong mga OFWs sa Turkey doon sa one-time financial assistance ng DOLE. Sumulat na po tayo kay Secretary Bello na sana i-reconsider iyong kanilang guidelines at isama iyong mga OFWs. And we are hoping na masama nga iyong ating mga OFWs dito sa one-time financial assistance ng DOLE.

Secondly, iyong pangangailangan ng pagkain ano doon sa mga nawalan ng trabaho. Ang mga members at mga officers ng embassy at konsulado dito sa Turkey ay nag-ambag-ambag para mabigyan ng pagkain iyong ating mga kababayan. So, every now and then may pumupunta sa ating embahada at konsulado na humingi ng mga food packs para matulungan po sila.

At Secretary, this is very important ano. Nakakataba ng puso na iyong ating mga kababayan dito, iyong mga members ng mga Filipino organizations and associations ay nag-ambag-ambag na rin para tulungan iyong mga naapektuhan ng outbreak dito sa Turkey. So, makikita natin iyong bayanihan spirit ng mga Filipinos dito sa Turkey. Kasi hinihintay pa po natin na dumating iyong ating ATN [Assistance to Nationals] standby funds na manggagaling sa Department of Foreign Affairs. So, we are taking care of ourselves here in Turkey; and so far kalmado po ang lahat.

USEC. IGNACIO: Ambassador, nakakatuwa naman po na kahit napakalayong bansa ng Turkey buhay na buhay pa rin iyong bayanihan spirit sa mga Pilipino diyan. Sa darating po na April 24 ay magsisimula na po ang Ramadan, paano po ito gugunitain or ipagdiriwang sa kabila po ng banta ng COVID-19?                

AMB. HERNANDEZ:  Well, ang campaign po dito sa Turkey, ng Turkish government ay iyong stay at home campaign, gusto po nila na walang masyadong mga gatherings, walang mga prayer meetings doon sa mga mosque at kailangan talagang ino-obserba iyong sinasabing curfew at iyong social distancing. So, makikita natin ba baka hindi na kagaya noong dati iyong pagse-celebrate ng Ramadan dito sa Turkey.

Importante po doon sa campaign ng government na hindi kumalat iyong COVID-19 at kaya mayroong curfew para sa mga tao na ang age ay below 20 at para sa mga tao na iyong age naman nila ay more than 65. So, work from home ang karamihan, mayroong lockdown during weekends, walang makakalabas sa mga bahay at obligatory po iyong face mask in crowded places.

ASEC. IGNACIO:  Okay, maraming salamat po, Ambassador Raul Hernandez. Maraming salamat po sa inyong oras at panahon sa amin.

AMB. HERNANDEZ:  Salamat, Secretary Martin at Usec. Rocky. Mabuhay po kayo, salamat.

[NEWS REPORT BY PTV DAVAO CORRESPONDENT JAY LAGANG]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Jay Lagang. Alas 11:45 na po nang umaga. Ngayon naman po ay makakausap natin ang Assistant Deputy Commissioner ng Bureau of Customs, Atty. Jet Maronilla. Magandang araw po sa inyo, sir!

Atty. Jet? Atty. Jet, please come in!

Binabati muna natin si Orly Trinidad ng GMA – DZBB! Salamat po sa inyong pag-simulcast sa programang LagingHandaPH Public Briefing at sa lahat po ng mga KBP member stations, maraming salamat po sa pag-simulcast dito sa programa po ng ating pamahalaan na Public Briefing.

Samantala, sa kabila ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 dito po sa ating bansa, nananatili pa ring COVID-free ang bayan ng Pola sa Oriental, Mindoro. Good news iyan! At upang malaman natin ang buong detalye, makakausap po natin si Mayor Jennifer “Ina” Cruz, magandang araw po sa inyo, Mayor Cruz!

MAYOR CRUZ:  Magandang araw din Secretary, Usec. Rocky, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Alright. Mayor Cruz, kumusta na po ang kasalukuyang sitwasyon ng Pola, Oriental Mindoro? I understand zero po ang inyong COVID cases. Ano po ba iyong mga protocols [SIGNAL FADE] ng lungsod.

MAYOR CRUZ: Ang Pola, Oriental Mindoro, siguro po sa pagtutulungan po ng PNP, ng Bureau of Fire and [SIGNAL FADE] natin, sobra po iyong tulong na ibinibigay sa atin. Mahigpit po iyong—Pag-lockdown po ng Metro Manila—medyo nauna lang po kami nang two days. Bago po sila nag-lockdown, ni-lockdown na po natin ang Pola. Maliit lang po kasi iyong bayan natin kaya mas madali po kaming tumalima kung ano man ang ini-utos ng Presidente.

USEC. IGNACIO: Mayor, pero ano po iyong ginagawa ng LGU para naman po tulungan iyong inyong mamamayan na ngayon ay nasa community quarantine po ang buong Luzon?

MAYOR CRUZ: Kami po, mayroon po kaming programa dito. In-activate ko po iyong aming mga volunteers para kung may bibilhin iyong ating mga kababayan sa labas ng aming bayan, mayroon po kaming uutusan para mas mabilis po iyong aming pagbili ng mga pagkain, pagbili po ng gamot at ibinigay na lang po natin iyan sa aming MHO para hindi po sila lalabas kasi sa dami po ng aming—May anim na cases po sa Oriental indoor at ang Pola ay wala pong case, so talagang iniingatan ko po iyong aming kababayan dito sa Pola. Para hindi sila makalabas, ni-lockdown po namin iyong exit at saka entry points namin. May apat lang po kaming exit and entry points, so iyon po ang ni-lockdown natin. And kung may bibili po, halimbawa may bibilhing pagkain, bibilhin na wala po sa aming bayan, may isa ho kaming inuutusan para lang din bumili para sa kanila at sina-sacrifice po noong ating MHO iyong kanilang mga workers.

SEC. ANDANAR: All right. Mayor, nagsimula na rin po ba kayong magpamahagi ng Social Amelioration? Paano po ang proseso ninyo sa inyong lungsod.

MAYOR CRUZ: May nauna po kaming isang barangay kahapon, nag-start po kami kahapon. Ang ginawa ho ng ating MSWD sinala po iyong poorest of the poor kasi hindi naman po kasama—sabi ko nga, ang poorest of the poor ay member na ng 4Ps and iyong talagang hindi naging member na medyo mahirap pa rin po, halos lahat ho mahirap naman ang ating kababayan dito, kakaunti lang ang mayaman, kaya ang hirap pong i-identify talaga sino talaga iyong susunod doon sa 4Ps.

Pina-identify nga po natin sa ating barangay captains, magpapasa po ang barangay officials sa MSWD then pagkapasa po sa MSWD, itsi-check po ng MSWD natin kung ito po talaga ay hindi member ng 4Ps; hindi sumusuweldo sa DOLE; and kung ito po talaga ay sobrang hirap at walang trabaho; ito ba ay PWD; senior citizens na wala talagang mapagkuhanan, so doon po pumapasok iyong ating mga teachers.

Humingi po kami ng tulong sa DepEd para may pang-counter po kami sa barangay officials kasi medyo mayroon pong mga issue ang mga barangay officials… national yata pero sa amin po talaga, para lang din hindi ho magduda iyong mga kababayan natin, pinasama na po natin ang DepEd para pang-counter po doon sa itse-check na iinterbyuhin ng ating DSWD – Iyon ho ang ginawa natin, Secretary.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Mayor Jennifer Cruz.

MAYOR CRUZ: Thank you po… thank you po.

SEC. ANDANAR: Ngayon po naman ay nasa linya na si Assistant Deputy Commissioner ng Bureau of Customs, Atty. Jet Maronilla. Atty. Jet, good morning!

ATTY. MARONILLA: Good morning, Sec. Martin. USec. Rocky, good morning po. Pasensiya na kanina mukhang may technical difficulties ang internet connection natin.

SEC. ANDANAR: Walang problema, sir. Isa po sa mga challenges na kinakaharap ng BOC ngayon ay ang port congestion dahil sa overstaying cargos. Ano po ang naging dahilan nito at paano po ito ina-address ng Bureau of Customs?

ATTY. MARONILLA: Sir, sa ngayon po, minu-monitor namin iyong tinatawag nating yard utilization ng ating dalawang malaking puerto, ng Port of Manila at ng Manila International Container Port tungkol nga po diyan sa isyu ng port congestion. Simula po last week, mukhang nanu-normalize naman po iyong ating yard utilization. In fact, as of yesterday po, iyong yard utilization ng Port of Manila bahagyang tumaas nang konti to 70%; at ang MICT naman po, ganoon din po. Pero within the normal pa po itong mga percentages na ito. In fact, within international standards po, that dictates that these percentages are within the normal percentage of yard utilization.

Malaking tulong ho iyong ginawa natin ng paggagalaw muna ng mga containers, paglabas dito sa … lalung-lalo na ho sa Manila International Container Port kung saan ito ang pinakamalaki nating puerto. At the same time po, ngayon po na medyo stable na ho iyong ating e2m connection at pati po naibalik na rin natin iyong ating mga skeletal forces sa Manila International Container Port pagkatapos po ng self-quarantine nila, mas mapapabuti na po iyong aming serbisyo para mapabilis ang pag-release pa ng mga pending container sa atin at sa mga parating pa pong container.

USEC. IGNACIO: Okay. Attorney, saan po dinadala ang mga forfeited na shipments dahil po sa implementasyon nitong Joint Administrative Order 2001 or iyong concerning overstaying po ng mga cargos?

ATTY. MARONILLA: Ma’am, ang ginawa natin, Usec., is that we followed iyong directive ni Presidente pati ho iyong directive din ni Finance Secretary na i-identify na po iyong mga overstaying container sa amin na may mga kaso na po at… ito po ay nadeklara ng mga property ng gobyerno. So nakapag-donate po kami sa Office of the Civil Defense ng around 300 containers, more than 300 containers ng bigas at mga 186 containers po ng mga isda para po mapamahagi at magamit ng Office of the Civil Defense; mabigay sa mga mahihirap nating mga kababayan at ma-augment po iyong mga ginagawa nating Social Amelioration Program.

SEC. ANDANAR: All right. Mayroon na pong ni-launch na online application para sa COVID-19 critical goods.

ATTY. MARONILLA:  Opo, mayroon na pong ni-launch tayo na ganiyan, Sec. At ito po ay binabantayan namin in coordination with the other agencies na nagre-regulate po ng mga items na ito, tulad po ng Food and Drug Administration. Mayroon din pong nire-regulate ang Department of Agriculture. Ang aim po natin dito, para mapabilis po iyong pagproseso ng mga items na ito, at the same time, maprotektahan pa rin po ang Pilipinas laban sa mga papasok pang ibang mga kargamento na maaaring gamitin para abusuhin iyong pinabibilis nating proseso na maaaring makapagparating po ng mga kontrabando at iba pang mga bagay na hindi natin kinakailangang maipasok ngayon sa Pilipinas sa panahong ito ng krisis.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat, Czarinah Lusuegro ng Philippine Broadcasting Service.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat din po kay BOC Assistant Deputy Commissioner Attorney Jet Maronilla na nakausap po natin kanina via phone patch.

Marami na naman tayong mga katanungan na nabigyan po natin ng kasagutan. Naku, kaya naman kami po ay lubos na lubos na nagpapasalamat sa inyo, sa ating mga nakausap kanina sa kanilang oras at panahon na inilaan sa ating programa.

Para sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas at sa buong mundo, asahan po ninyo na patuloy kaming maghahatid ng mahahalagang impormasyon sa ating patuloy na paglaban sa banta ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Ang public briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pangunguna ng People’s Television Network (PTV), kasama ang Philippine Broadcasting Service at Radyo Pilipinas network, Philippine Information Agency, Philippine News Agency, Office of Global Media Affairs, Bureau of Communications Services, National Printing Office, APO Production Unit at IBC 13, sa pakikipagtulungan ng Department of Health, kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Gayundin po aming pinahahatid ang pasasalamat para sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 na katuwang po sa programang ito.

SEC. ANDANAR: Sa kabila po naman ng hamon at pagsubok na dumarating sa ating bansa, malinaw na kung tayo ay magkakaisa, malalapagsan natin ang lahat ng ito bilang isang bansa.

Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Muli, ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Magkita-kita po tayo uli bukas dito lang sa Public Briefing #Laging HandaPH. Susunod na po si Secretary Harry Roque.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)