SEC. ROQUE: [Airing starts]… ating Pangulo sa ABS-CBN. Humingi ng tawad si Mr. Carlo Katigbak publicly, at publicly tinanggap naman po ng ating Presidente… Pero itong issue po talaga ng ABS-CBN franchise, isang issue po iyan na unang-una ay nasa primary and exclusive jurisdiction ng Kongreso. Ibig sabihin, wala pong kahit sino makapagbibigay ng franchise sa ABS-CBN kung hindi Kongreso lamang.
At ang paninindigan ng Presidente, kung nakuha naman po ng Kongreso na magpasa ng resolution, na humingi sa NTC, na magbigay ng provisional authority, bakit hindi na lang magpasa ng batas na nagbibigay ng franchise sa ABS-CBN. Naniniwala po kami na ang franchise bill naman po ay isang, kumbaga bagama’t nanggagaling sa Kongreso, isang pribadong bill at kayang gawin nila iyan kung, you know na sa lalong mabilis na panahon.
Hindi naman po maendorso iyan ng Presidente as urgent dahil mayroon nga pong private interest diyan at talagang hindi po ginagawa ang pagsi-certify as urgent ng mga franchise bills. So intindihin ninyo po, kahit gusto po na makapagbigay ng prangkisa ang Presidente mismo, wala po siyang ganiyang kapangyarihan.
Pagdating naman po sa National Telecommunications Commission, totoo po na iyong batas na nagbubuo ng DICT, nasa ilalim po iyan ng DICT. Pero nakasaad din po sa batas na iyon na ang NTC ay nakadikit lamang sa DICT para po sa mga polisiya ‘no at mga programa. Pero ang NTC po bilang isang quasi-judicial body ay hindi po pupuwedeng madiktahan ng DICT.
Kaya po iyong ating Kalihim na si dating Senator Greg Honasan, gustuhin man na sabihin ng Presidente na diktahan mo iyang NTC, iligal po iyan dahil mayroong quasi-judicial power ang NTC, hindi po dapat pinanghihimasukan ng kahit sino. Kung ang Presidente po ay makikialam diyan sa NTC, ito po ay krimen ‘no. Ito po ay paglabag doon sa Code of Conduct for local officials at labag din po ito sa anti-graft. So hinahayaan po namin ang NTC na magdesisyon.
Ang pakiusap po ngayon ng Presidente sa kaniyang mga kakampi sa Kongreso – dahil ang talagang paninindigan ng Presidente, tanging Kongreso lang ang makapagbibigay ng prangkisa. In session naman po ang Kongreso, halos isang buwan naman po ang session ng Kongreso; naaprubahan na nila ang kanilang House rules na nagmamandato na puwede na silang magkaroon ng session na on the internet – so ang paninindigan ng Presidente, neutral po siya diyan.
Huwag po kayong mag-alala mga congressmen, hindi po magagalit, hindi matutuwa ang Presidente kung kayo po ay ipasara ang ABS-CBN. Completely neutral po ang Presidente diyan, vote as your conscience dictates. Hinding-hindi po manghihimasok ang Presidente sa inyong desisyon, pero ngayong bukas po ang Kongreso, talaga pong Kongreso ang dapat magbigay ng prangkisa sa ABS-CBN.
BENDIJO: Yes Secretary, bago tayo tumanggap ng mga tanong mula sa ating kasamahan sa media, any latest na announcement o pahayag ang Palasyo ng Malacañang tungkol pa rin sa paglaban natin sa COVID-19, Sec.?
SEC. ROQUE: Well medyo madami po iyong mga guidelines na naapruba, siguro po isasabukas ko na lang po iyan sa regular press briefing natin. Pero nagsumite na po ang DTI, ang DOLE, ang DOH at DPWH ng kanilang mga guidelines para sa GCQ. Pero ipapasabukas ko na lang po iyan at dahil sabi ko nga sa ating opisina, gumawa tayo ng mga infographics na mas madaling matandaan ng ating mga kababayan.
BENDIJO: Okay. Tanong Secretary Roque, from Alexis Romero of Philippine Star, ang tanong niya: “Is it prudent to shut down a station that employs 11,000 people at the time when we are grappling with a pandemic and billions are being spent for millions of household sidelined by quarantine?” Reaksiyon ninyo po…
SEC. ROQUE: Siguro hindi nga po prudent, pero ang desisyon pong iyan ay tanging NTC lang ang pupuwedeng gumawa. Uulitin ko po doon sa batas na bumuo ng DICT, nilipat po ang NTC sa ilalim ng DICT, pero mayroon po siyang complete independence kapag siya po ay nag-e-exercise ng quasi-judicial powers. Siya po ay nasa ilalim lamang ng DICT for policy and program purposes, pero iyong kaniyang gawain bilang isang quasi-judicial body, hinding-hindi po dapat panghimasukan ng DICT at lalung-lalo na ng Presidente.
BENDIJO: Ganoon din ang tanong ni Arianne Merez of ABS-CBN Online Sec.: “What is the President’s reaction to ABS-CBN going off air?” Ito ay natanong na natin kanina at nasagot mo na rin. “How does he view the NTC’s ‘cease and desist’ order?”
SEC. ROQUE: It is perfectly within the powers po of the NTC to issue the ‘cease and desist’ order. Nagkaroon po ng interpretasyon ang NTC na hindi pupuwedeng bigyan ang lapse na prangkisa ng provisional authority dahil mayroon namang sapat na panahon para nakuha sana ng ABS-CBN iyong kaniyang prangkisa. Pero hindi nga po nakuha, at saka ang Kongreso naman eh, iyon nga po ang aming posisyon, kung nagawa nilang gumawa ng resolution na nag-aatas sa NTC na mag-issue ng provisional authority, siguro po kaya nilang gawin within the one month na in session po ang Kongreso na magpasa na ng franchise bill ng ABS-CBN.
Uulitin ko po, sa mga kakampi ng Presidente sa Kamara – neutral po ang Presidente, you can vote as you please dahil sa mula’t mula naman po eh talaga naman pong hindi naman siya nanghihimasok, hindi po siya nagdidikta. Noong una po, mayroon talagang sama ng loob ang Presidente na kinimkim, pero nang humingi na po ng tawad si Ginoong Carlo Katigbak, nagpatawad naman po ang Presidente gaya ng humingi naman ang Presidente ng tawad doon sa dalawang grupo ng kumpanya kahapon lamang. So, sana po makarating ang mensahe sa mga kaalyado sa Kongreso.
BENDIJO: Okay. Sec., from Triciah Terada of CNN Philippines: “Ano raw ang plano ng pamahalaan lalo na sa mga displaced workers ng ABS-CBN, they now add to thousands of Filipinos na nawalan ng trabaho in the middle of COVID crisis?”
SEC. ROQUE: Tatawagan po natin mamaya ang Kalihim ng DOLE. Ang alam ko po kasi iyong programa for SME, dapat continuous ang employment. Pero dahil itong pangyayari naman po na nawalan sila ng trabaho na hindi naman nila ninais ‘no, hindi naman sila nag-resign at hindi naman po nag-voluntarily shutdown ang ABS-CBN, baka maipasok po natin sila doon sa programa ng SMEs para makakuha po sila nang panandaliang dalawang buwan na ayuda.
BENDIJO: Okay. From Virgil Lopez of GMA News Online, Sec.: “How will the shutdown of major broadcaster ABS-CBN affect the dissemination of information ng COVID-19 response and other government policies?”
SEC. ROQUE: Siyempre po, nalulungkot din kami dahil nabawasan iyong mga magki-carry ng Laging Handa at magki-carry ng Presidential Press Briefing natin, at magbibigay ng balita sa ating mga kababayan. Pero inaasahan po namin na ang PTV-4, ang GMA, ang CNN, ang ABC-5 eh hindi naman po magkukulang sa kanilang tungkulin at pupunuan po kung anuman ang dapat punuan dito sa pangangailangan na mag-disseminate ng information.
BENDIJO: Okay. From Bella Cariaso of Bandera: “Can we also ask the alleged pressure of SolGen Calida to the NTC that led to the issuance of the ‘cease and desist’ order?” Sec…
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, tapatan – hindi po nag-influence si Calida. Sumulat po siya, that’s in due course of his job. He is perfectly within his right to write. Pero kung titingnan ninyo po iyong NTC talaga, the law says it is independent while it is exercising quasi-judicial function. At tapatan, iyong Chairman po ng NTC, ilang presidente na po ang pinagsilbihan niyan. Wala pong pupuwedeng magsabi na nadidiktahan itong si Chairman Cordoba. So tingin ko naman, sa tagal na panahon na nandiyan siya eh walang makapagsasabi na nadidiktahan si Chairman Cordoba.
BENDIJO: From Rose Novenario of Hataw: “Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng administrasyong Duterte sa pagpapasara sa ABS-CBN; Kung hindi ito panggigipit sa malayang pamamahayag, ano po raw ang tawag nito, Sec.?”
SEC. ROQUE: Well unang-una hindi po tayo nagpasara, pinasara po ang ABS-CBN dahil wala po siyang prangkisa dahil sang-ayon po sa Saligang Batas, kinakailangan ng ABS-CBN ng prangkisa at napakatagal naman pong panahon ang lumipas para makakuha ng prangkisa. Noong congressman pa po ako, 17th Congress, eh naisampa na iyang panukalang batas na iyan, siguro po dapat eh pinukpok na iyan mula pa noong 17th Congress ‘no. Pero inabot na nga po nang indulto, eh nakatali po talaga ang kamay ng Presidente.
Kung mayroon pong makapagsasabi na may kapangyarihan ang Presidente na magbigay ng franchise, pakita ninyo lang po sa amin saan ang probisyon na iyon at mag-i-issue ng franchise ang Presidente.
SEC. ROQUE: Pero dahil walang kapangyarihan ang Presidente, kapag siya ay nagdikta at ginamit ang kapangyarihan ng executive, ng buong presidency para mabigyan ng prangkisa – krimen din po iyan, usurpation ang tawag pong krimen diyan. Because it’s a power exclusively lodged not just in Congress of the Philippines but the initiation is exclusively lodged with the House of Representatives in particular. So, pag-intindi lang po ‘no, kasi kung talagang kakayaning ibigay ng Presidente mismo ang prangkisa, bakit hindi. Kung kakayanin naman ng NTC magbigay ng provisional authority na wala pong prangkisa, bakit hindi?
Ito po kasi iyong pagkakaiba, noong ako ay Congressman, nakaupo rin po ako diyan sa Committee on Franchise dahil Deputy Minority Leader ako. Iyong mga nag a-apply po – sa kauna-unahang pagkakataon – binibigyan po sila ng provisional franchise, kasi bago sila, kinakailangan patunayan iyong kakayahan.
Ang pagkakaiba po sa ABS-CBN hindi siya bago, pero ito pa ang binanggit ni Presidente, eh mayroon pa ngang quo warranto petition na pending na dapat ikonsidera siguro ng mga mambabatas din. Kaya siguro nahirapan ang mga mambabatas magdesisyon kung dapat bigyan ng renewal o hindi. Siguro ang ilan sa kanila naghihintay din sa desisyon ng Korte Suprema bago mag-desisyon.
Pero kung anuman ang nangyari hindi po talaga nakakuha ng prangkisa, wala po talaga sa Saligang Batas na nagsasabi na puwedeng magbigay ng prangkisa or even provisional authority ang Presidente mismo. Kung mayroon po sa kahit sino sa media na makapagpapakita ng legal provision kung saan puwedeng mag-issue ang Presidente mismo ng provisional authority, ipakita lang po ninyo iyan. I guarantee you, within five minutes mag i-issue ang Presidente. Pero wala pong ganiyang provisions of law, kaya po hindi po makagalaw ang Presidente.
BENDIJO: Ano po ang reaksiyon ninyo Sec., dito sa magkakasalungat na pahayag ng Justice Department at ng Solicitor General bilang abogado ng pamahalaan? At una nang sinabi, batay ito sa aking nabasa sa balita online, sa social media na sinasabing ang “DOJ stands by its position na may sufficient equitable basis na payagan ang broadcast entities na i-continue ang pag-operate while the bills for the renewal of their franchise remain pending with Congress” – iyan po ang stand ng DOJ. Iba naman ang stand ni SolGen Calida na una ng sinabi ni SolGen Calida: “warned the NTC against granting ABS-CBN a provisional permit.”
SEC. ROQUE: Ang Presidente po, ang kaniyang leadership style, hindi niya dinidiktahan ang gabinete kung ano ang gusto nilang sabihin, hinayaan po ng Presidente magsalita pareho po – si Solicitor General at saka si Secretary of Justice – wala po siyang kinatigan, bakit po? Hindi niya sinabi na tama si Solicitor General, hindi niya sinabi na tama si Secretary of Justice, hindi niya sinabi kung sino ang mali. Ang sa kanya lang po, wala akong magagawa dahil ang NTC po ay quasi-judicial body, siya ang magdedesisyon kung siya ay dapat mag-isyu ng provisional authority, at sa batas na bumuo sa NTC nakasaad talaga na walang dapat manghimasok.
In fact, sa apila, ang apila sa desisyon ng NTC, hindi po sa Office of the President, diyan lang po siguro, we will defer with Secretary Guevarra, kasi sabi niya as the Chief Executive eh pupuwede niyang, he supervises all offices in the executive branch or department with exception of those exercising quasi-judicial function. So that is where we defer with Secretary Guevarra. Dahil malinaw po na sa lahat ng apila sa desisyon ng NTC, hindi po sa Office of the President.
Totoo po napakadaming opisina within the executive na kinakailangan dumiretso sa Office of the President ang apila, hindi po isa iyan, hindi po isa sa mga opisinang iyan ang NTC. Sa korte po ang apila sa desisyon ng NTC dahil nga po quasi-judicial body. Ang Presidente po ay abogado rin, hindi naman pupuwedeng magpapa-disbar siya dahil panghihimasukan niya ang desisyon ng isang quasi-judicial body.
BENDIJO: Hindi naman forever pag-shutdown ng ABS-CBN dito, Sec ‘no, may mga available legal remedies na puwedeng i-resort ng ABS-CBN dito?
SEC. ROQUE: Gaya po ng sinabi ko, ang remedy po, bukas ang Kongreso eh di Kongreso po ang kalampagin ng ABS-CBN. Dahil talagang Kongreso lang po ang pupuwedeng mag-isyu ng prangkisa. At kung hindi naman sila happy nga sa desisyon, puwede naman sila kumuha ng TRO sa Court of Appeals o di naman kaya sa Supreme Court dahil nga po lahat ng apila sa desisyon ng NTC, sa Korte po iyan, hindi sa Office of the President. Patunay na hindi po ito pupuwedeng manduhan, diktahan ng Office of the President and NTC while exercising quasi-judicial powers.
BENDIJO: Malinaw dito Sec., na pribilehiyo itong franchise at hindi karapatan na puwedeng…
SEC. ROQUE: Opo, magkaiba po iyan.
BENDIJO: Nire-raise ng ABS-CBN na ito ay pagsikil sa karapatan ng pamamahayag?
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo gaya ng aking sinabi, I completely understand po kung ano naman ang sentimyento ng ABS-CBN. Pero alam po nila iyan, na bilang isang pribilehiyo, ang broadcast kinakailangan nila ng prangkisa at ang tanong nga, bakit naman pagbintangan ang Presidenteng sumusupil sa karapatan, eh hayan naman po ang Kongreso bukas, so dalhin po nila ang kanilang reklamo doon sa Kongreso, dahil Kongreso po talaga ang tanging may kapangyarihan na magbigay ng prangkisa.
Uulitin ko po, kung ang President nagbibigay ng pabuya para sa gamot sa COVID-19, para doon sa magbibigay ng impormasyon sa korapsiyon – ang pabuya po na ibibigay ng Presidente kung sino naman ang magpapakita na puwedeng magbigay ng provisional authority o di naman kaya ng prangkisa, ang Presidente mismo, ipakita ninyo sa amin and in five minutes mayroon po kayong prangkisa or provisional authority. Pero sa pagkakaalam po namin, walang ganiyang probisyon ang kahit anong batas.
BENDIJO: Maraming nagtatanong sa ating mga kababayan. Pagkatapos ng May 15 or before May 15, pupunta na ba tayo sa General Community Quarantine lalung-lalo na sa Metro Manila na madami dito ang naiipit na gusto nang umuwi sa kani-kanilang bayan, siyudad at munisipalidad outside Metro Manila, Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Iyan po ang ninanais ng lahat na kahit papaano makabalik na sa normal – makapaghanap-buhay na, pero siyensiya po ang magbibigay ng desisyon. Ang desisyon po, iyong pagbilis ng pagkalat ng gamot at iyong kapasidad na magbigay ng medical care doon sa mga magkakasakit at iyong estado ng ating ekonomiya. So, iyon lang po mga kababayan.
Talaga namang pong nalulungkot din kami na nawala ang isa nating katulong, ating kasama sa pagbibigay serbisyo sa ating taumbayan. Pero uulitin ko po, ang kahit sino na makakapagsabi na kaya ng Presidente na magbigay ng provisional authority o di naman kaya ng franchise, ipakita po ninyo sa amin at gagalaw naman po ang Presidente. Sa aming pagkaka-alam tanging Kongreso lang po ang puwedeng magbigay ng prangkisa at tanging NTC lang po ang puwedeng magbigay ng provisional authority kung ito po ay sang-ayon sa batas. The law maybe harsh, but such is the law – Dura lex sed lex.
BENDIJO: Well said, maraming salamat po Atty. Harry Roque ang tagapagsalita ng Palasyo ng Malacañang. Stay healthy Sec. Ingat po.
SEC. ROQUE: Salamat po at magandang umaga po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)