Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo – Tutok Tulfo Reload/Radyo Pilipinas


TULFO: Magandang umaga, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Erwin. Magandang umaga po buong Pilipinas.

TULFO: Sir, ito po, for the past two days or three days now, pagdating ko sa bahay ini-scan ko po iyong mga messages sa akin ng mga tao, iyong aking FB Page at saka iyong personal account ko, halos iisa, Secretary, ang reklamo ng mga kababayan natin ngayon: Qualified po sila pero sabi ng DSWD, hindi.

Sila po ay senior citizen, tumatanggap lang ng 500 pesos kada buwan. Iyong isa naman ay may kapatid siya na OFW pero no work, no pay. Simula pa ng March ay nakatira iyong kanilang magulang sa bahay niya, siya naman ay single mother, factory worker so wala talagang makuha.

Mayroon ding tricycle driver naman, sir, sa Marikina no work, no pay, hindi naman siya kasama daw doon sa binigyan ng DSWD na mga tsuper. Saan daw po sila pupunta? Kasi kapag pumunta sila sa barangay, tinuturo sila sa Social Welfare Office, sa city or sa municipality. Kapag pumunta naman sila doon, sasabihin barangay na naman.

So hindi na po nila alam ngayon, Sec., saan ba sila talaga sila hihingi ng ayuda? Papaano sila makakakuha ng ayuda doon though they are qualified, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, may pag-asa po pa talagang makakuha ngayon dahil dinamihan nga natin ang beneficiaries doon sa first tranche. From 18 million dinagdagan po natin ng limang million. So inaasahan po namin na may mga bago talagang beneficiaries so bumalik po talaga kayo sa social welfare office—

TULFO: Ano po ang sasabihin nila doon, Sec? Kasi parang minsan nakukulitan na sa kanila iyong welfare officer or iyong si kapitan, ‘sabi na ngang hindi ka qualified,’; sabi ng DSWD eh ‘nagpupumilit ka.’ Ano daw ang sasabihin, Secretary?

SEC. ROQUE: Eh sabihin lang po nila na alinsunod sa pangako ng Presidente na lahat ng mga nangangailangan ay mabibigyan eh nagdesisyon nga po na additional five million beneficiaries. At talaga namang may karapatan silang mag-follow dahil kung noong una, sila ay napagkaitan, dahil mayroon namang additional five million, baka mapasama na sila ngayon.

TULFO: All right. Sir, pangalawa, may bago na naman daw bukod doon sa kay kagawad, may barangay chairman naman, huling-huli sa video na nangungupit ng social amelioration cash, Sec?

SEC. ROQUE: Well, iyong nakakuha ng video, tawag lang po sa 8888, ibigay ninyo iyong video at P30,000 kaagad iyan.

TULFO: Ayun, akalain mo iyan. Sir, panghuli na lamang, ito pong kahapon na nag-viral sa social media, ang pagpapasara ng ABS-CBN ng National Telecommunications Commission. Medyo nahati po ang mga kababayan natin, may nagsasabi na tama ba, tama na ipasara daw ang ABS-CBN dahil nag-expire ang license; may nagsasabi namang hindi dahil tingnan mo may krisis pa ngayon, saan kukuha ng ayuda na naman iyong labing-isang libong empleyado kasama ang pamilya nila. So papaano po ito, sir, may mga nagsasabi ngayon na ilang mga mambabatas na baka ang tanging paraan na lang dito ay ang Pangulo ay puwedeng makatulong at nasa kaniya ang desisyon, Sec. What can you say about this?

SEC. ROQUE: Well, napag-aralan na po iyang isyung iyan, kung pupuwede po sanang makatulong ang Presidente, bakit hindi. Iyan po ang ginawa ng Presidente noong nagreklamo iyong mga OFWs dahil nasa ilalim ng opisina niya talaga ang GOCC na PhilHealth. Pero sa pag-aaral po, ang National Telecommunications Commission po ay isang quasi-judicial body na dinikit lamang sa DICT for purposes of programs, budget and policy. Pero hindi po pupuwede talagang paghimasukan ang desisyon ng NTC dahil as a quasi-judicial body, ang kaniyang mga desisyon ay inaapila sa hukuman, hindi po sa Office of the President.

Pero ang talagang kailangan po talaga ng ABS-CBN ay prangkisa galing sa Kongreso. At bukas naman po ang Kongreso, mayroon silang isang buwan na session so ang tama pong remedyo ay pumunta sila sa Kongreso at kumuha ng franchise dahil nakasaad po iyan sa Saligang Batas. Malinaw na malinaw pa sa sikat ng araw na ang prangkisa ay magmumula lamang sa Kamara de Representante at tanging Kongreso ng Pilipinas lamang ang puwedeng magbigay ng prangkasi dahil ito po ay pribilehiyo para gamitin ang ere na pag-aari ng taumbayan na hindi pupuwedeng magamit nang walang approval ng representante ng mga taumbayan.

TULFO: All right. Sir, may mga sinasabi kasi ang ilang mga mambabatas mukhang hindi raw tama kasi puwede namang magpalabas ng provisional license o temporary license ang NTC para patuloy na makapag-operate ang naturang kumpaniya, Secretary, because hindi naman daw ordinary company lang ito na business kung hindi ito po ay nasa media industry, Sec?

SEC. ROQUE: Well, iyon nga po ay nasa kamay ng mga mambabatas ang solusyon. Kung nagawa nilang magpasa po resolusyon para sabihin ang NTC magbigay provisional authority, magagawa po nila na magpasa ng batas na nagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

TULFO: Ano po ang reaksiyon ng Pangulo rito o ayaw niyang makialam dito because it’s outside his ball game or it’s outside his, ika nga, territory, Secretary?

SEC. ROQUE: Gusto man niyang makialam, hindi po siya pupuwedeng makialam. Hindi naman niya pupuwedeng utusan ang Kongreso. Ang sinasabi niya nga sa akin, i-emphasize mo na lang sa ating mga alyado diyan na neutral siya. Hindi niya ikagagalit kung buboto para bigyan ng prangkisa ang ating mga kaalyado so please vote according to your conscience. At sa NTC naman talaga, talaga namang hindi namin puwedeng panghimasukan ang desisyon ng isang quasi-judicial body. At napakahirap din namang sisihin ang NTC kasi nga ang batas ay malinaw: no franchise from Congress, no right to broadcast.

So ang remedyo po talaga: Kongreso. Kaya nga po iyong mga nagsasabi … nagagalit ang mga congressmen sa NTC, well, I think po alam ninyo naman na kayo lang po talaga ang may original, exclusive jurisdiction na magpasa ng franchise bill para sa ABS-CBN.

TULFO: So nasa kamay ng mga congressmen itong, ika nga, kung magpapatuloy ang pag-o-operate ng ABS-CBN, Secretary, is that what you’re saying?

SEC. ROQUE: Nasa kamay po ng mga congressmen. At ang mensahe po ng Presidente, siya po ay neutral – vote according to your conscience. At ang Senado naman po ay nagsabi, kapag nakarating sa kanila iyan, aaprubahan nila.

TULFO: So it doesn’t matter kung buboto sila in favor na ma-approve ang license ni ABS or disapprove. It doesn’t matter to him, the President will remain neutral, Sec?

SEC. ROQUE: Iyan po ang sabi ng Presidente. So vote according to your conscience, it’s your call as congressmen.

TULFO: Maraming salamat, Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson. Magandang umaga at stay healthy, Sec.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po. Mabuhay po kayo.

##

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)