Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo, Tutok Erwin Tulfo-Radyo Pilipinas


TULFO:  Samantala kambiyo naman po tayo kay Secretary Harry Roque, ang Presidential Spokesperson, magandang umaga po Secretary Roque, sir.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Pareng Erwin; Magandang umaga, buong Pilipinas.

TULFO:  Opo. Tatlo po iyong aking issues ngayon, unahin ko na po ito dahil kakakausap ko lang kay Congressman Yap. Sinasabi nga ho niya na walang kinalaman talaga ang Pangulo, kahapon ninyo pa sinasabi iyan. Pero ang Rappler po nabasa ko, sinasabi nila false daw iyong sinasabi ninyo nang in-interview kita kahapon, na sinasabi mo walang kinalaman ang Pangulo. Sabi ng Rappler ‘false’, dahil ang quinote nila noong nagalit daw si Pangulo noong January something, na sinasabi nila na makakarma daw—may karma iyang ABS-CBN… parang ganoon ang sinasabi nila. So may kinalaman daw ang Pangulo sa pagpapasara ng ABS-CBN – ano po ang reaksiyon ninyo rito, Secretary Roque?

SEC. ROQUE:  Well unang-una, kung anuman ang nangyari sa nakalipas, nakalipas na po iyon. Alam naman natin ang Presidente kapag nagpatawad, nagpapatawad; kapag humingi ng tawad ay sinsero, so nakita naman ng taumbayan na siguro wala nang ibang presidente na humingi rin ng tawad doon sa mga tycoons na noong una ang order niya sa akin ay ipakulong at idemanda ‘no.

Pero ang sabi nga ng Presidente dahil sa panahon ng COVID-19, nagkakaisa at nagpapasalamat naman siya sa mga tulong na ginawa ng mga taong ito, at ganoon din pa nga ‘no, ay nagpapasalamat din tayo doon sa tulong na ginagawa ng ABS-CBN sa panahon ng COVID-19. So kung ano man po ang mga deklarasyon ni Presidente noong nauna ay iba na po iyon ‘no, nagsalita siya na nagpapatawad na siya matapos din humingi ng tawad sa kaniya itong si Carlo Katigbak.

TULFO:  Sir, one last thing dito sa ABS-CBN franchise. Sabi ni Congressman Yap sir ay 2014 pa lang ay nag-apply na ito. Ano ho nangyari, hindi ba naging congressman din ho kayo, na umupo kayo diyan? Anong balita ho noong panahon ninyo na panahon ni PNoy ay nag-apply na rin pala ito pero hindi naman naaprubahan, hindi lumabas iyong franchise. What happened there, Secretary?

SEC. ROQUE:  Eh siguro hindi lang po nagpa-follow up ang ABS-CBN ‘no. Eh wala namang magagawa iyong mga congressman kung iyong interested party mismo walang ginagawa para gumalaw iyong kaniyang panukalang batas. At tama po si Congressman Yap ‘no, noong panahon na napakalakas nila kay Noynoy Aquino eh hindi rin ibinigay sa kanila ‘no, so bakit sila magrereklamo ngayon ‘no.

Ang sa akin lang, talagang desisyon po iyan ng Kongreso kung anong kinakailangang gawin dapat ginawa nila ‘no para makumbinsi nila ang Kongreso na maibigay sa kanila iyong prangkisa na iyan. Dahil ang Presidente po talaga, wala pong kapangyarihan magbigay ng prangkisa, wala po siyang kapangyarihan magbigay ng provisional authority at iligal naman po kung iimpluwensiyahan niya ang NTC na isang quasi-judicial body.

TULFO:  All right. Moving to another topic, Secretary, iyong Avigan daw sabi ng Japanese government ay gagamitin na ng Pilipinas para sa pagpapagamot sa ilang mga may COVID-19 na patients pero 100 lang on voluntary basis – pakipaliwanag nga po, Sec.

SEC. ROQUE:  Totoo po iyan. Iyong nagkaroon po ng ASEAN Summit tungkol po sa COVID-19 at ito po ay virtual, nakapag-usap po ang Presidente at si Prime Minister Abe at pumayag naman po ang Presidente na sumapi sa worldwide clinical trial para sa gamot na ito. So ito po talaga iyong kontribyusyon ng ating bayan ‘no, kung hindi man tayo mismo ang makakadiskubre ng gamot, eh hinahayaan natin na ang ating mga kababayan ay makatulong at pinapasapi po natin sila sa mga clinical trials sa mga gamot na ito.

TULFO:  Ito ba Sec. eh libre or babayaran natin, or for now dahil testing pa lang ay libre na ibibigay sa atin?

SEC. ROQUE:  Ang paniniwala ko po ay libre iyan dahil ako mismo napakadami ko na pong clinical trials na sinalihan para sa diabetes ‘no. So hindi po nagbabayad iyong mga ginagawang kumbaga clinical subjects ‘no.

TULFO:  All right. Panghuli na lamang Secretary Roque, sir. Marami pa rin tayo—mukhang hindi talaga aware ang mga barangay officials natin, iyong tamang proseso o pamamaraan. Kasi they keep what they are doing sir is, like hinahati-hati iyong social amelioration cash na para sa mga tao. One example po, nahuli namin dito sa Barangay Mariblo sa Quezon City, si Chairman, hinati niya sa apat iyong P8,000 at sinabihan iyong beneficiary, “Maawa ka naman sa mga kapit-bahay mo. Two thousand ka na lang at hati-hatiin natin para magtig-tu-two thousand iyong mga tatlong kapit-bahay mo. Share your blessing,” ito po iyong sabi sir. Mukhang hindi ho nila alam sir na batas ito at dapat sundin nila, ‘pag sinabing P8,000, P8,000 ang ibigay; ‘pag sinabing P5,000, P5,000 ang ibigay ‘di ho ba?

SEC. ROQUE:  Opo. Well pinapaubaya ko po sa DILG iyong sa information dissemination ‘no, sa lahat ng mga barangay kung anong dapat gawin ‘no. Pero may panahon pa naman po para ma-rectify iyan dahil hindi pa natatapos iyong first tranche at mas marami pa nga pong bibigyan ng ayuda dito sa first tranche, dahil mayroon pang limang milyong karagdagang mga benepisyaryo ang pagbibigyan natin.

TULFO:  Sir panghuli na lamang regarding that matter. Saan po ba talaga sila pupunta, kasi para silang hilong-talilong na raw ngayon sir? Pagpunta nila sa barangay, ituturo sila, “Pumunta ka ng DSWD.” Pagpunta nila sa DSWD, pinapabalik sila sa barangay. “Doon ka sa barangay kasi binigay na namin ang form sa kanila, sila iyong mamimili kung sino ang bibigyan,” – Saan ho ba talaga sila pupunta, Secretary Roque?

SEC. ROQUE:  Ang talagang nagbibigay po ng ayuda ay ang lokal na gobyerno. Ang pera po ibinigay ng DSWD national sa mga lokal na gobyerno, so talagang responsibilidad po iyan ng mga local government.

TULFO:  All right. Secretary Harry Roque, maraming salamat sir. Magandang umaga, please stay healthy and safe, Sec.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po. Magandang umaga rin.

###

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)