SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Sa ating krisis na nararanasan ngayon dahil sa COVID-19, kritikal na papel ang ginagampanan ng ating pagkakaisa at pagtutulungan upang tuluyan nating masugpo ang sakit na ito. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Kaya para naman po siguruhing tayo ay laging handa at may sapat na kaalaman, narito po kaming muli upang ihatid sa inyo ang mga mahahalagang balita at impormasyon na ating kakailanganin sa labang ito – ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar, samahan ninyo po kami sa isa na namang makabuluhang talakayan ngayong araw dito sa Public Briefing #LagingHandaPh.
Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang po ay makakausap natin via VMIX sina Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, Dr. Genevieve Tuble mula sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium.
USEC. IGNACIO: Samantala, makakausap din po natin via phone patch sina DOH Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire at Ambassador of the Embassy of the Republic of the Philippines in Jakarta, Indonesia Lee Hiong Tan Wee.
At mamaya po makakasama rin natin sa pagbibigay ng pinakahuling ulat si Czarinah Lusuegro ng Philippine Broadcasting Service at ilan sa ating mga PVT correspondent mula sa iba’t-ibang probinsiya.
Dahil po sa COVID-19 pandemic, naging mas kapansin-pansin ang mga problemang maaaring maging pangmatagalan sa bansa gaya ng kawalan ng maayos na tahanan partikular na sa Metro Manila. Kaya naman bilang pagtugon dito, nanawagan si Senador Bong Go na suportahan ang Senate Bill No. 2030, National Housing and Development Production and Financing, na isa sa kaniyang mga naging proposal noon pang July 2019.
Aniya bilang mambabatas, wala dapat maging informal settler sa sarili niyang bayan. Dagdag pa ng Senador, ang naturang bill ay pasok sa housing component ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa o BP2 Program mula medium hanggang long term phase.
Ayon naman kay Marcelino Escalada, Jr., Council Executive Director and National Housing Authority General Manager, ang mga benepisyaryo ng BP2 Program ay makakatanggap ng livelihood at housing assistance.
Hinihikayat naman ni Senator Go na magtulungan ang lahat para magkaroon ng maganda at komportableng buhay ang mga Pilipino at mabigyan sila ng bagong pag-asa pagkatapos ng krisis na dulot ng COVID-19.
SEC. ANDANAR: Samantala, ipinahayag ni Senador Bong Go ang kaniyang pagsuporta sa Senate Bill No. 1520 o Medical Scholarship Act. Ito ay tungkol sa pagtatalaga ng medical scholarship and return service program para sa mga kuwalipikadong Pilipinong estudyante na nagnanais magsilbi sa bansa sa larangan ng medisina. Ayon sa Senador, ito ay makatutulong sa Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program ng gobyerno upang masigurong mapaparami ang bilang ng mga healthworkers sa bansa lalo na sa mga probinsiya.
Kaya naman, aniya, sa pamamagitan ng Medical Scholarship Bill, umaasa si Senador Go na matutulungan ang mga estudyante sa pagbabayad ng tuition, school fees, allowance, supplies, equipment at iba pa. Dagdag pa ng Senador, kapalit ng scholarship ay ang return service sa bansa na katumbas sa bilang ng taon na sinuportahan sila ng Medical Scholarship Program. [VTR of Senator Go]
USEC. IGNACIO: Malaking hamon po ang dala ng COVID-19 sa ating bansa, kaya naman puspusan ang pagsasakripisyo ng ating mga healthworkers upang mailigtas ang buhay ng bawat pasyente. At sa gitna po ng krisis na ito, nagbunga ang pagsisikap at pagpupursige ng ating mga healthworkers sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium dahil pagpasok pa lang ng Mayo, marami na agad ang naitalang gumaling po sa COVID-19.
At bilang pagpupugay, ang ating mga healthworkers ay nag-alay po ng munting sayaw at banner bilang pagbati po sa mga COVID-19 survivors. Isa po itong patunay na basta sama-sama kakayanin natin ito. Together, we heal as one.
SEC. ANDANAR: Kaugnay ng balitang iyan, makakausap po naman natin ngayon si Dr. Genevieve Tuble, Section Head of Adult Pulmonary Medicine sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium. Magandang araw po sa inyo, Dorktora.
DR. TUBLE: Magandang araw din po sa inyo po.
SEC. ANDANAR: Doc, ilan po ba ang mga COVID-19 positive patients ang nagpapagaling sa Dr. Jose Rodriguez Hospital?
DR. TUBLE: Ang currently admitted po naming pasyente ay 63 patients po.
SEC. ANDANAR: Anu-ano po ang mga paghahandang inyong ginagawa bago pauwiin ang mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19?
DR. TUBLE: Sir, bago po sila pauwiin, kailangan po silang magkaroon ng two (2) negative swab results. Tapos po kapag ready na po sila for discharge, we inform the local government unit, together with their families na puwede na po silang sunduin dito po sa hospital. Mayroon din po kaming binibigay na tagubilin bago pauwiin, ibig sabihin po iyong home instructions for the patients. Ang nakalagay po doon is they must follow the 14-day strict home quarantine and magsisimula po iyon sa first day po ng huli nilang negative swab results.
Tapos po, iyon nga po strict home quarantine: Bawal po silang lumabas ng bahay or ng kwarto nila; Bawal din po silang bumalik sa trabaho; Bawal po silang makihalubilo sa kahit sino pong tao. Iyon po, so mag-isa lang po sila sa bahay or sa kwarto – Strict home quarantine po iyon. Ina-advice din po namin silang magsuot ng face mask kahit sila ay nasa bahay o nasa kuwarto nila at lagi po silang dapat naghuhugas ng kanilang mga kamay.
Kapag ang pasyente po namin ay nakaranas ng kahit anong sintomas, kunyari na-discharge na po siya, gumaling na, napauwi na, nagkaroon po ng mga sintomas, kunyari ng hirap huminga, pag-ubo, sumakit iyong tiyan, ina-advice po namin silang – mino-monitor naman po sila ng kanilang local government unit – kapag nakita po ng local government unit na mukhang kailangan po nilang mag-seek ng another consult, dinadala po sila sa isang quarantine facility like sa PICC po or sa Philippine Arena para po doon po sila magpakonsulta at puwede po sila doon ma-test po ulit.
Lastly po, hindi naman ho lahat ng pasyente namin ay purely COVID-19 lang po ang kanilang nararamdaman o ang kanilang naging sakit. Mayroon din po silang mga hypertension, diabetes or iyong mga patients na nagre-require ng chemo-dialysis. Ang mga pasyente po na ito ay nire-refer namin sa mga – like iyong mga nagda-dialysis na patients – nire-refer po namin sa nearest na dialysis center, like a hospital-based dialysis institution or sa stand-alone dialysis centers.
Ang requirement lang naman po ng mga dialysis units na ito ay dalawang negative swab results, which is binibigay naman po namin sa patient once na sila po ay umuwi. Iyon po sir…
SEC. ANDANAR: Kumusta po ang facilities ng Dr. Jose Rodriguez Hospital? May mga kakulangan ba kayo sa gamit o medical supplies para sa mga frontliners natin na nais iparating—mayroon po ba kayong mensahe na nais iparating sa ating national government?
DR. GENEVIEVE TUBLE: Our medical supplies po are adequate sa hospital, okay. Iyon po, maraming salamat po sa support ng DOH and other private institutions. We need, I think, we need additional quarantine facilities for our frontliners – iyon po ang isa sa mga tinututukan po namin ng pansin for now; and I think, also, kailangan din po namin ng isang PCR laboratory para po mapabilis ang pag-release ng results ng NPS at OPS swabs ng aming mga pasyente.
At present, we are thankful po na we are preparing to be an accredited RITM Molecular and Diagnostic Lab for COVID-19. Iyon na po ang binibigyan ng pansin ngayon po ng aming hospital.
USEC. IGNACIO: So Doktora, mayroon kayong… ang sabi mo, 63 po iyong COVID patients ninyo sa Dr. Jose Rodriguez Hospital. Pero kayo po ba ay may kakayanan pa rin mag-accommodate ng mga magpopositibo pa rin at siyempre gaano po kahanda iyong ating mga health workers na talagang mapag-ingatan din po sila laban pa rin dito sa COVID-19?
DR.GENEVIEVE TUBLE: At present po, we can accommodate—our hospital is capable to accommodate 200 confirmed COVID-19 patients. So kung 63 po, we have at least 137 pa po na available beds for the patient, for all patients po.
USEC. IGNACIO: (OFF MIC) ay umaasa na sana hindi na nadadagdag po iyong bilang ng inyong mga pasyente pero—
DR. GENEVIEVE TUBLE: Sana po hindi na.
USEC. IGNACIO: Pero kami po ay sumasaludo talaga sa inyo, Doktora. Mag-ingat po kayo. At sana po talaga iyong ating mga health workers ay talagang nag-iingat pa rin alang-alang po pa rin sa ating maraming mga kababayan na patuloy pa rin pong lumalaban sa COVID-19. Mayroon po ba kayong mensahe lalo na doon sa mga kaanak po ng mga pasyente ninyong COVID-19 … diyan po?
DR. GENEVIEVE TUBLE: For iyong mga kamag-anak po ng mga patients namin na napauwi for strict home quarantine, so we encourage the family support doon sa patients. So siyempre bawal nga pong makihalubilo iyong pasyente na kalalabas lang, strict na 14–day home quarantine. Once na natapos na po nila iyong period na 14 days, puwede naman ho silang makalabas na doon sa kanilang kwarto or bahay pero po they need to stay at home kung walang importanteng lakad po sa labas, hindi po dapat sila lalabas; hand hygiene po, important din po iyon; physical distancing, importante rin po; stay healthy; avoid vices like smoking and pag-inom ng alak; eat right, so tamang pagkain, balanced diet to build the immunity.
And kung may sintomas pa po, kunwari napauwi na sila, kung may sintomas – ubo, sibon, hirap paghinga, lagnat, sore throat, body weakness, pagdudumi, pagsakit ng tiyan – ina-advise po natin silang magpakonsulta sa hospital na non-COVID specific hospital both in public and private such as local government health unit hospital and other private hospitals nearest their home facility po. Iyon po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Dr. Genevieve Tuble. Mabuhay po kayo.
- GENEVIEVE TUBLE: Thank you din po.
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, makakausap na po natin si Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III. Magandang araw po, Secretary.
SEC. BELLO: Hello, Rocky. Magandang araw naman, Sec—nandiyan ba si Sec. Martin?
USEC. IGNACIO: Opo, kasama po natin si Secretary Martin, sir.
USEC. IGNACIO: Sir, sa pagpapatupad po ng Modified Enhanced Community Quarantine at General Community Quarantine simula May 16, 2020, mas marami na po iyong mga magbubukas ng industries and establishments. Ano po ang mga hinahanda ninyong protocols and guidelines para sa workers and employers upang makaiwas talaga dito sa COVID-19 transmission?
SEC. BELLO: Tamang-tama iyang tanong mo, Rocky ‘no. Kasi mayroon kaming ginawa kasama ang Department of Trade and Industry iyong mga guidelines pagdating ng ating mga workers. We want to be very sure na iyong mga workers natin ay babalik sa hindi lamang malinis kung hindi safe na work places kaya ang daming protocols diyan. Unang-una, bago makapasok iyong worker ay kailangan mayroon iyong kinukuha iyong temperature, tapos kailangan naka-facemask, pagdating sa opisina kailangan nandoon lahat iyong health equipment kagaya ng mga disinfectant, sabon. Lahat ng mga kailangan ng safety and health standard ay nandiyan para sa ganoon iyong ating mga manggagawa ay ligtas sa contamination.
USEC. IGNACIO: Pansamantala po ay dumako muna tayo—unahin ko na lang, Secretary, iyong tanong ng ating kasamang si Joseph Morong. Ang sabi po niya dito ay kung mayroon daw pong mga na-cancel na kontrata – iyong mga seaman natin – pero noong mag-a-apply na sa DOLE ay hindi daw po qualified sa TUPAD Program.
SEC. BELLO: Iyong TUPAD kasi, Rocky, covers only iyong mga informal workers, ito iyong mga self-employed and they are covered by our TUPAD Program. Kaya lang after a while, in order to avoid duplicity or iyong overlapping, minabuti namin na iyong pag-aalaga sa mga informal workers kagaya ng mga tricycle drivers, mga sidewalk vendors, mga masahista, mga labandera, binigay na namin ang responsibility sa Department of Social Welfare and Development – DSWD na iyan. Doon naman sa mga tricycle drivers, napunta na sila sa LTFRB ng Department of Transportation.
Ang naiwan sa amin ay iyong mga formal workers. And ito ay covered sa tinatawag naming CAMP or COVID-19 Adjustment Measure Program. Dito binibigyan namin ng cash assistance ang lahat ng mga formal workers na hindi nakapasok dahil naka-quarantine. At dahil hindi nakapasok, no-work, no-pay that is why we gave them, we granted a cash assistance, one-time cash assistance of 5,ooo for all these workers na hindi nakapasok dahil sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa’yo, Sec. Bebot.
SEC. BELLO: Hi, Sec. Martin. Good morning.
SEC. ANDANAR: Good morning. Para naman sa mga industriyang hindi pa rin pinapayagang magbukas, may mga tulong pa ba tayong ipaaabot sa mga empleyadong mananatiling walang trabaho sa panahong ito?
SEC. BELLO: Well, mayroon pa rin, mayroon pa rin iyong CAMP namin kasi hindi pa naman lahat ng mga workers na dumaan sa amin ay nabayaran. We still have ano … may utang pa kami, 117 million pero iyon ay napadala namin through iyong remittance center; iyong iba may ATM sila, doon namin pinadala. So mababayaran na lahat iyong mga workers natin na hindi nakapagtrabaho dahil naka-quarantine sila.
Iyon namang mga iba, kasi hanggang doon lang ang pondo ng Department of Labor and Employment, iyong mga iba na prinoses [process] namin – there are about one million of them – iiendorso na namin, Sec. Martin, sa Department of Finance and SSS dahil sila ay may bagong programa, iyong Small Business Wage Subsidy Program. Sila na ngayon ang magbibigay ng cash assistance sa lahat ng mga manggagawa na hindi nakatrabaho. This cash assistance ranges from 5,000 to 8,000 depending kung saang region ka nagtatrabaho.
SEC. ANDANAR: Mayroon po kayong emergency employment program para sa informal sector. Kumusta po ang pagpapatupad nito at paano po ba ninyo ito ipinapatupad?
SEC. BELLO: Ito iyong programa naming emergency employment, Sec. Martin. Iyong pinatrabaho namin ng ten days and then we paid them for ten days at a rate of minimum wage kung saang region ka. Like for example, kung nagtrabaho ka dito sa Maynila ng ten days at the rate of 537 per day, binigyan ka namin ng 5,370, at ito ay hindi dumadaan sa kahit kanino. This money, salary for ten days, is directly remitted to the beneficiary through either ATM o iyong ating remittance center. Karamihan ay nakatanggap sila through Palawan, iyong iba ay sa M. Lhuillier.
Mayroon tayo niyan pero inabutan na rin kami noong usapan na para ma-avoid iyong duplication, lahat ng mga ganoong informal workers ay kinuha na ng DSWD, sila na po ang magbibigay ng cash assistance sa mga informal workers.
SEC. ANDANAR: Nahinto na raw po ang pagtanggap ng application para sa AKAP Program, ito po ba ay totoo, tamang balita ba ito o fake news po ba ito?
SEC. BELLO: Fake news, Sec. Martin, fake news iyan, tuluy-tuloy pa ang patanggap namin ng application for cash assistance. Sabagay lumalampas na Sec. Martin, kasi alam mo ang binigay sa atin ng DBM ay 1.5 billion. Because of our estimate na iyong COVID will affect 150,000 overseas workers. We found out na masyadong mababa iyong estimate namin, dahil as of yesterday 411,000 ang nag-apply para sa programa naming CAMP-AKAP, eh baka magkaka-short kami.
But any way sa proseso, hindi pa naman nagso-short, dahil ang nakapag-apply ay 411,000 pero ang in-approve namin, more than 100,000 something, so mayroon pang naiiwan na pera.
And then good news, Sec. Martin, I just received a notice from the Department of Budget and Management na dinagdagan iyong pondo namin. Kasi alam nila kakapusin na kami, mabuti naman at naawa sila sa amin, nagdagdag sila ng another P1 billion. Kulang pa rin ito, pero we will live with it for the meantime, baka naman sakaling magbago ang isip at dagdagan na naman. Kasi ang hinihingi naming dagdag na pondo ay P2.5 billion, pero ang pinadala lang is P1 billion. We will live with that hanggang mayroon pa, ibibigay natin sa mga OFW kasi kailangang-kailangan nila iyan, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: Mayroon lang tayong isang katanungan din, Sec. Bebot. Ito po ay galing sa kaibigan nating si Cheryl Cosim, ito ay ipinarating sa kanya at minissage niya sa akin. Ito po ay may kinalaman sa swabbing, swab testing. At ang tanong po ng ating kababayang OFW – seafarer po siya ay: “Totoo ho ba talagang kailangang magbayad ng 4,500 pesos?” According po sa kanya ay pinapabayad daw po sila ng P4,500 sa Red Cross para sa swab testing ngayon, kung mayroon po iyong Red Cross. Ang gobyerno po ba ay nagpapabayad ng P4,500, basta lang ma-swab. Kasi ang concern nitong kababayan natin ay siyempre eh hindi naman ho lahat sila ay may ganitong klaseng pera. At suwerte na lang at itong si Coleen Bordios ay may pera siya kaya nagbayad siya. So, she is concerned with other OFW, other seafarers?
SEC. BELLO: Tama iyon Sec. Martin. Ang mag-swab sa ating mga OFWs, karamihan sa kanila ay ang Red Cross at tama rin iyong sinisingil sila ng – hindi naman P4,500 – ang alam ko P4,000 lang. Ang hindi totoo diyan ay iyong OFW hindi dapat magbayad, kasi kung hindi mabayaran ng mga agencies, kagaya halimbawa iyong mga sea based, iyong sa cruise ship eh ang magbayad dapat diyan ay iyong manning agency. Pero kung in the remote possibility na hindi nila babayaran, nandiyan po ang OWWA. Babayaran po namin iyong swabbing test expense, hindi gagastos ang ating mga OFWs. Iparating po ninyo sa kanila, Ma’am Cheryl hindi dapat magbayad ang ating mga OFWs.
USEC. IGNACIO: Secretary Bello, bigyang daan ko lang po iyong tanong ng ating mga kasamahan dito sa Malacañang Press Corps, si Jillian Cortez ng Business World. Will DOLE request for additional funds to accommodate the rest of the application of AKAP? DOLE announced earlier it would stop applications because of its lack of funds to accommodate the 400,000 OFW applications it received when the budget was only allocated for 100,000?
SEC. BELLO: Actually totoo iyan, we have applied for additional, we requested additional budget of 2.5 billion. Hoping that this will be sufficient to answer for the estimated OFW who will be affected by COVID-19, pero ang ibinigay sa amin ay P1 billion. Pero sa tingin ko naman, we will try to live within the limit of 1 billion – initial 1 billion. Kasi doon sa 411,000 na nag-apply, eh more than 100,000 lang naman ang nagka-qualify pa, so within the range pa. Basta ang mahalaga , hanggat may pera we will continue to accept application at iyong mga mag-qualify ay bigyan natin ng 200 dollars cash assistance if they are still abroad, at kung nandito lang sa Pilipinas ay bibigay natin iyong peso equivalent of P10,000.
USEC. IGNACIO: Opo, Secretary. Tanong pa rin ni Jillian ng Business World. Ano daw po iyong latest sa figure ng employees displaced, because of the COVID-19 crisis and ano daw po iyong prediction ninyo na how many more jobs will be lost because of the crisis?
SEC. BELLO: From our data bank, based on… mga companies na nag-submit sa amin na magko-close sila, magsu-suspend sila at magkakaroon sila ng special or flexible work arrangement, ang aming estimate po as of today ay umabot na po ng 2.5 million workers ang affected. And that is why as part of our post COVID-19 recovery plan our focus will be on how to keep employment. Titiyakin namin, we will do our best to avoid displacement.
Kaya kinakausap namin iyong mga businessmen, mga managers na huwag naman kayo magsara, mag-suspend na lang kayo, para sa ganoon ay hindi mawalan ng trabaho iyong inyong mga workers. Mayroon din kaming inaalok na “kung hindi ninyo kaya iyong full complement kahit 50% muna magtrabaho ng one week, next week iba namang 50% para lang hindi mawalan ng trabaho iyong mga manggagawa.” So, ang focus namin ngayon Rocky is to maintain the employment of our workers. Maaaring mababawasan sila ng kita, pero nandiyan pa rin iyong kanilang status as employees…
USEC. IGNACIO: Secretary, ito laging tinatanong sa akin pero iyong tanong galing kay Joseph Morong, kung nire-require daw po ninyo ang mga kumpanya na mag-test iyong kanilang mga empleyado bago bumalik ng trabaho?
SEC. BELLO: Actually wala pa kaming inilalabas na ganyang advisory, pero baka naman ano, depende iyan sa Inter-Agency Task Force, kasi sila ang masusunod pagdating sa bagay na iyan.
USEC. IGNACIO: Secretary tanong po ni Claziel Pardilla, ano po ang magiging role ng DOLE sa Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program at anu-ano daw pong trabaho ang naghihintay sa ating mga kababayan?
SEC. BELLO: Malaki po ang aming role diyan, Usec. Rocky and Sec. Martin because one of our program is iyong emergency employment program, na kung saan ay magbibigay tayo ng emergency employment kahit for 6 months lang, bibigyan natin sila ng minimum wage. But this will require some budgetary allocation.
Pero mayroon kaming ibang system na we hope would generate additional employment. Halimbawa, nakiusap kami sa Department of Public Works at saka Department of Transportation, sabi namin sa kanila lahat ng mga existing contract ninyo na nakabinbin na hindi ninyo i-implement, puwede ba i-implement na ninyo, ituloy na ninyo lahat iyong Build, Build, Build infrastructure program ng ating Pangulo. Para sa ganoon mabubuhay muli iyong ating construction industry. And in the meantime, kausap naman natin iyong mga leaders of the construction industry na kung maaari iyong kanilang operation can be more manualized rather than mechanized.
Sa makatuwid sinasabi namin sa kanila, dagdagan ninyo iyong mga employees ninyo, sa halip na magdagdag kayo ng backhoe, mag-hire kayo ng additional 50 or 100 workers.
With the implementation ng mga Build, Build, Build, we will generate employment and hopefully we can get additional 10 to 20% and 20% will come from the Balik-Probinsiya Manggagawa.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Samuel Medenilla ng Business Mirror: Na-finalize at na-present na po sa IATF ng DOLE ang recovery plan for COVID-19 crisis. Ano po ang kaya na budget at ilan pong workers kaya ang magbe-benefit daw po dito?
SEC. BELLO: Ang immediate na programa namin ay iyong livelihood, Rocky… iyong livelihood and we will focus on iyong ating mga OFWs na nakauwi at iyong mga hindi nakaalis. Bibigyan namin sila ng livelihood projects, mamili sila ng mga negosyo, halimbawa, mag-put up sila ng karinderya, mag-put up ng sari-sari store, magtanim ng ganito, magtanim ng ganoon. Bibigyan namin sila ng livelihood assistance of a minimum of twenty thousand; pero kung mas malaki ang kailangan nila, puwede namin silang pautangin interest-free
Iyon po ang aming tina-target, iyong mga OFW na bumalik dahil nawalan sila ng trabaho abroad. We will try to provide them with livelihood assistance. In fact, we are already preparing iyong possible na hanapbuhay kagaya ng gumagawa na kami noong ‘Nego-Kart’, gumagawa na rin kami ng ano…iyong maliliit na bangka, mechanized bangka baka kakailanganin ng ating mga OFW pagbalik nila sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary—
SEC. BELLO: Mayroon kaming pondo diyan… mayroon kaming pondo, hindi ko lang sasabihin kung magkano.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong po tayo sa social media galing po kay Ambassador Raul Hernandez: When can OFWs in Turkey avail of the $200 financial assistance?
SEC. BELLO: ASAP po iyan, Rocky. Nagdi-distribute na kami. Ano iyan eh… ang application is through online, eh iyong mga OFW naman natin magaling sa online eh… talo pa nga nila kami. Para pagdating ng ano… pag-na-approve iyong kanilang application, remittance by ATM or by iyong mga remittance centers. And mabuti nga at pumayag ang Land Bank and no charge iyong remittance ng kanilang $200. Thanks to Land Bank.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, DOLE Secretary Silvestre Bello III, sa inyong oras at panahon po.
SEC. BELLO: Salamat din po! Thank you, Rocky! Thank you, Sec. Martin!
SEC. ANDANAR: Thank you, Sec. Bebot! See you tomorrow. Samantala, upang alamin ang kasalukuyang lagay ng ating mga kababayan diyan sa Indonesia, nasa linya po ng telepono si Ambassador Lee Hiong Tan Wee mula sa Embassy of the Republic of the Philippines sa Jakarta, Indonesia.
Magandang umaga po sa inyo, Ambassador!
AMBASSADOR LEE HIONG TAN WEE: Magandang umaga, Secretary Andanar and USec. Rocky. Magandang umaga din sa mga kababayan natin sa Pilipinas. Thank you! Good morning!
SEC. ANDANAR: Ambassador, kumusta na po ang kasalukuyang sitwasyon diyan sa Indonesia? Paano po ninyo kinakaharap ang bantang dala ng COVID-19 diyan sa Jakarta?
AMBASSADOR LEE HIONG TAN WEE: Well, tungkol sa cases ng Pilipino dito, wala naman dito confirmed cases dito sa Indonesia. We are coordinating sa Indonesian Ministry of Foreign Affair, sa Ministry of Health at saka lahat sa mga Indonesian authorities dito to know what is the situation and we are giving appropriate assistance naman sa Filipino in distress here; pero as of now, walang cases.
SEC. ANDANAR: Kumusta naman po ang lagay ng ating mga overseas Filipino workers diyan?
AMBASSADOR LEE HIONG TAN WEE: Well, mabuti. Alam ninyo naman dito sa Indonesia, most of the OFWs here are the professional medyo stable naman iyong job nila dito. Wala namang maraming loss of employment here sa OFWs in Indonesia. So we don’t have much problem.
But the only thing is that ang movement dito, may restriction dito ang movement within the country (unclear). So… at saka there are some OFWs are having difficult time to go back to the Philippine dahil sa mga airline ano… But other than that eh ayos sila dito. Dini-discourage ko nga sila huwag na sila muna umuwi dahil ayos naman sila dito, may trabaho, may suweldo, may pagkain, makakalabas. Sabi ko, mas maayos sila rito.
But there are some tourists that were stranded here na gustong umuwi. Iyon ang tinutulungan namin to make their flight chartered available for them at their expense. Thank you.
SEC. ANDANAR: Kinansela na rin po ang Indonesian Arts and Culture Scholarship Programs 2020 for Filipinos. Ano po ba itong ang programa na ito?
AMBASSADOR LEE HIONG TAN WEE: Mayroon kaming activity dito sa embassy to keep our OFWs here busy. One of that is the cultural (unclear) pero I think this is being done online (unclear). This is under the cultural activity dito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador—
AMBASSADOR LEE HIONG TAN WEE: Yes?
USEC. IGNACIO: Kasalukuyan pong nagaganap iyong press briefing ng PAGASA po dito sa Pilipinas kaugnay po ng update sa bagyong ‘Ambo’. Manatili lang pong nakatutok sa PTV para sa detalye.
Ngayon naman po ay may kinakaharap na pagsubok ang ating mga kababayan at marami po ang nakakaranas ng depresyon lalo na po ang iyong ating mga OFWs. Papaano ninyo po, Ambassador, nasusuportahan iyong ating mga kababayan diyan sa Indonesia pagdating po dito sa kanilang nagiging isipin kaugnay pa rin po ng COVID-19?
AMBASSADOR LEE HIONG TAN WEE: Marami kaming mga programa dito, we were aware of that since about two or three months ago, the lockdown. So, ang ginagawa po dito we are keeping them busy. Number one, may three pronged approach kami rito.
Number one, is to disseminate timely information sa kanila. We have our Viber group dito na ang member diyan mga eight hundred na OFWs na araw-araw tinatanong iyong mga concerns nila. So, may leaders naman kami dito that are answering them, the Embassy is also updating them.
Number two, we facilitate iyong mga clearances sa mga chartered flight because as of now, there are four/five chartered flights nga that are being done by the employer, that we are assisting them para sa mga gate clearances.
Pagkatapos naman rito, we are also assisting the OFWs here to give modest welfare assistance naman sa mga distressed na Filipinos dito. May mga Filipino dito na dumating or tourist na stranded dito, hindi naman makakauwi dahil walang flight, so we are helping them out. Tumatawag naman sila embassy, we are able to give them some assistance, welfare assistance.
Ang mga OFWs po rito are busy also helping mga frontliners sa hospital at saka sa mga doktor by donating mga face masks, face shields at saka PPEs. So, these are the activities of the OFWs here to help Indonesia hospital naman.
And also last week, we also launched campaign program to help sa Antipolo, may depressed area pala diyan sa Antipolo run Fr. Alex, that we are supporting them, buying rice at saka pagkain at saka ano… and this is ongoing.
So, these are some of the assistance that we are giving the OFWs in Indonesia.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, para na lang po doon sa mga kababayan natin diyan sa Indonesia na nais humingi ng tulong, paano po nila kayo mako-contact?
AMBASSADOR LEE HIONG TAN WEE: Well, they are contacting the embassy. As of now, we have probably twenty OFWs that are not working but were here on a tourist status, stranded dito, tumutulong naman kami.
So they call up the embassy on the consular section and we are getting their data… facts and other data so that pinapadalhan namin ng pera. Okay?
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Ambassador. Mag-ingat po tayo diyan sa Indonesia, Ambassador Lee Hiong Tan Wee.
SEC. ANDANAR: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa. Mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama natin si Czarinah Lusuegro.
[NEW REPORTING BY CZARINAH LUSUEGRO]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro.
USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa pinakahuling tala ng DOH sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa. As of May 13, 4 P.M., umabot na po sa 11,618 ang confirmed cases, nasa 772 naman po ang kabuuang bilang ng mga nasawi. Pero patuloy po ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling na umabot na po sa 2,251 recoveries. Samantala nasa ika-39 na puwesto naman po ang Pilipinas sa buong mundo, sinundan ito ng South Africa na may 11,350 confirmed cases.
SEC. ANDANAR: Sa bahagi pong ito ay makakausap natin via phone patch si DOH Usec. Maria Rosario Vergeire. Magandang araw po sa inyo, Usec. Vergeire.
USEC. VERGEIRE: Good afternoon po, Secretary.
SEC. ANDANAR: Yes Ma’am. Sa May 16, 2020 ay magsisimula na po ang panibagong guidelines para sa Modified ECQ at General Community Quarantine. Ano po ang gagawing istratehiya ng DOH upang masiguro na hindi kakalat ang virus at mabawasan pa ang mga kaso?
USEC. VERGEIRE: Yes Sir. Ang pangunahing magiging strategy po na gusto nating ipatupad sa ating mga communities pagdating po ng transition natin ay ang pagpapatupad ng minimum health standards po sa lahat ng settings natin.
Minimum health standards: Nandiyan na po iyong para po maging malakas ang ating pangangatawan, ng bawat indibidwal para hindi dapat dapuan ng sakit; pangalawa, reducing po iyong ating transmission sa pamamagitan po ng paghuhugas palagian ng kamay, pagsusuot po ng mask; pangatlo, reducing contact, iyon pong ating physical distancing and if ever sa mga establishments, lalagyan natin ng administrative and engineering controls; and iyong pang-apat po, iyong atin pong reducing infectiousness, kailangan ma-trace agad kung sino ang mga taong may sintomas o di kaya ay mayroong direct exposure. Ma-isolate po sila para po hindi na makapanghawa sa iba.
SEC. ANDANAR: Okay. Tungkol po naman sa pagkakaroon ng pagkakamali sa official data na inilabas noong April 24-25, paano po ninyo in-address ang improvement sa ganitong klaseng pagkakamali?
USEC. VERGEIRE: Yes, Sir. Unang-una, gusto nating ipaalam sa ating mga kababayan na ang Kagawaran ng Kalusugan po, bukas po kami sa mga ganitong pagpupuna o komento para po mas ma-improve natin ang ating sistema. Ito pong April 24 and 25 na mga datos po na ito ay na-correct na dati pa, mula pa ho noong mayroon hong nagbigay sa amin ng impormasyon na ito noong mga panahong iyan.
Gusto ko rin pong ipaliwanag na ang atin pong data system ay raw data po itong ipinapakita natin na nabubuksan din po ng ating mga kasama, mga scientists and other institutions, may mga cells po na tinatawag diyan. Ito pong cells na ito, diyan po nakalagay ang ating mga datos ng ating mga indibidwal na mayroong kaso.
Sa pang-araw-araw po, nabi-verify, naba-validate, nababago po paminsan-minsan dahil iyong kahapon na na-validate po natin at maaaring may kapalit doon po sa data na nailagay natin doon sa specific cell na iyon, kinabukasan ay maaari pong magpalit iyon – so, iyon po ang nangyayari. May disclaimer po tayo na nakalagay doon sa ating data system na iyan na sinasabing ang dapat laging titingnan at saka ang mas verifiable at saka mas accurate ay iyon pong datos na nailagay na pinaka-current kasi nga po nagpapalit-palit.
Ngunit, of course, alam po natin na hindi naman perfect ang sistema. Ito pong nakita nilang mga kamalian na ito is less than one percent among hundreds of thousands na mga datos na ipinapasok natin diyan. Atin pong ita-try pang i-improve para ma-minimize po natin ang mga errors na ganito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., magandang araw po. May tanong lang tayo mula kay Joseph Morong. Para sa DOH po ba, kailangan po ba talagang i-require ng mga kumpaniya na magsagawa muna ng tests sa kanilang mga empleyado bago daw po bumalik sa kani-kanilang trabaho?
USEC. VERGEIRE: Good afternoon, Usec. Rocky. Ang atin pong protocols para dito, mayroon po tayong binabalangkas ngayon na return to work policy, na ang atin pong pangunahing sinasabi sa ating mga employers na pinakamaganda pa rin po iyong ating screening for symptoms. Ibig sabihin po, kapag bumalik po ang ating mga empleyado, magkakaroon ng screening process at atin pong titingnan kung sino ang may mga sintomas para maihiwalay at mai-test.
Iyon naman pong isa pa ay iyon pong mga nagkaroon ng sintomas 14 days prior to the screening, kailangan ding maihiwalay at saka mai-test para po nasi-streamline po natin iyong mga empleyadong papasok, malalaman natin kung sino ang fit na puwedeng pumasok at hindi makakapanghawa. And of course, kailangan din pong ipatupad iyong ating mga minimum health standards sa work place.
USEC. IGNACIO: Sa pagsisimula po ng buwan ng Mayo, nagbukas na po ang mega swabbing center sa bansa. Ano po ang mekanismo ang ginagawa ng Department of Health upang maiwasan po iyong tinatawag nating backlog?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Ito pong mega swabbing centers po, ito po ay para makatulong especially doon sa ating mga mega facilities na mayroon po tayong mga nakalagak especially mga OFWs natin na kukuhanan ng mga specimens. Ito po ay pinapadala sa mga laboratoryo po na naka-coordinate ng ating mga mega facilities and mega swabbing centers pangunahin na po diyan iyong Philippine Red Cross.
So, kung atin pong iisipin, hindi po siya nahahalo doon po sa mga laboratoryo natin na gumagawa naman ng para sa komunidad natin at sa ating mga ospital. So, kung iyon po ang iniisip ng ating mga kababayan, gumawa po tayo ng mekanismo kung saan hindi po makadagdag pa sa burden ng ating mga laboratories doing our communities and our hospitals.
USEC. IGNACIO: Usec., may pahabol na tanong lang si Arianne Merez ng ABS-CBN. With the country preparing for Typhoon Ambo with some unused quarantine facilities to be converted to shelters and with protocols in mind, how can there be physical distancing if there would be 400,000 evacuees in Northern Samar alone? What are the DOH recommendations to prevent the spread of COVID-19 in evacuation centers?
SEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Iyan po ang ating pinag-uusapan ngayon, lalung-lalo nga po ay mayroon na tayong bagyo na ngayon na pumasok sa ating bansa. Atin pong mino-mobilize na po ang ating Disaster Risk Reduction Teams in our local governments at isa po ito sa aming gustong siguraduhin na kapag nagkaroon tayo ng evacuation center, minimum health standard should still be implemented. So, kailangan po makapagpatupad at makagawa ng istratihiya kung saan magkakaroon ng pagkakahiwalay at kahit isang metro po ang layo ng bawat pamilya diyan sa evacuation center.
Kapag nakikita po natin ngayon iyong mga evacuation centers natin, most of our LGUs have their own tent which separate each family. So, sana po maipatupad natin iyan ngayon para kahit papano ay mayroon po tayo ng sinasabi nating minimum health standards to prevent further infection to this kind of facility.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, DOH Undersecretary Vergeire.
USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.
SEC. ANDANAR: Samantala, sa gitna po naman ng banta ng COVID-19, isa rin sa matinding kalaban natin ay ang pagkalat ng fake news. Marami pong maling impormasyon ang kumakalat lalo na sa internet at ang mga ito ay nakapagdudulot nang mas matinding pangamba sa ating mga kababayan. Kaya naman po mahigpit po naming ipinapaalala na iwasan ang pagpapakalat o pag-share ng fake news dahil may karampatang parusa po ang pagpapakalat ng mga ito.
Samantala, upang hindi naman mabiktima ng mga maling impormasyon, ugaliin po nating mag-fact check at siguraduhing credible ang inyong sources. Para manatiling updated kaugnay ng COVID-19, pumunta lang po sa aming official social media account ng Laging Handa PH. I-like, i-follow, i-share ang aming official Facebook, Twitter, Instagram at YouTube accounts na Laging Handa PH.
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling balita na nakalap ng ating mga PTV 4 Correspondents. Live mula sa PTV Davao, narito po si Julius Pacot.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Julius Pacot. At narito naman ang ating kasamahan na si Alah Sungduan live mula sa PTV Baguio.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Alah Sungduan.
SEC. ANDANAR: Mga kababayan, isang makabuluhang diskusyon at mahahalagang impormasyon na naman ang ating nakalap ngayong umaga. Kaya naman po kami ay nagpapasalamat sa ating mga nakausap sa kanilang oras na inilaan sa ating programa.
USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas o KBP at maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team.
SEC. ANDANAR: Ngayong panahon ng krisis, mas lalong dapat nating ipadama ang tunay na pagmamahal sa bayan at sa kapwa Pilipino. Tandaan: Sa ating pagtutulungan at pagkakaisa, malalagpasan natin ang lahat ng ito. Together, we heal as one. Muli, ako po si Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Magkita-kita po tayong muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)