Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #52
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

BENDIJO: Magandang umaga, Pilipinas. Samahan ninyo kaming muling alamin ang mga update tungkol sa mga tugon ng pamahalaan sa COVID-19. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Kasama pa rin ang mga kawani ng ating pamahalaan, ating pag-uusapan ang lahat ng iyan. Mula naman po sa PCOO, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

BENDIJO: Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo.

BENDIJO: Sa unang araw ng Modified ECQ at GCQ sa ilang parte po ng bansa, makikita ninyo sa inyong mga screens kung aling mga establisyimento na pinapayagang magbukas sa ilalim ng MECQ at GCQ gaya ng deliver and take-out services of restaurants, hardware stores, clothing and accessories stores, (unclear) based government frontline services.

USEC. IGNACIO: Kasama rin, Aljo, diyan ang bookstores, school and office supply stores, baby care supply stores, pet food and pet care supply stores, IT, communications and electronic equipment stores, flowers, jewelry, novelty, antique and perfume shops, kasama na rin po ang toy stores.

BENDIJO: Kasama din diyan ang beverages, electrical machinery, wood products, furniture, non-metallic products, textile, garments, tobacco products, paper at paper products, rubber and plastic products.

USEC. IGNACIO: Other non-metallic mineral products, computer, electronic and optical products, electrical equipment, machinery and equipment, motor vehicles, trailers and semi-trailers, other transport equipment.

Sa kabila nito, mahigpit pa rin pong pinapaalala sa lahat na panatilihin ang social distancing upang maiwasan na kumalat pa ang coronavirus.

Samantala, sa inilabas na update ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, narito po ang ilang mga lugar na sasailalim sa Enhanced Community Quarantine mula May 16 hanggang May 31, 2020: For ECQ – ang Cebu City at Mandaue City; samantala for Modified ECQ – ang National Capital Region, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija. Pampanga, Zambales, Angeles City at ang Laguna.

Ang mga probinsiyang highly urbanized cities at independent component cities na hindi nabanggit po ay kabilang naman po doon sa General Community Quarantine.

BENDIJO: At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po ay makakausap natin via vMix sina Presidential Spokesperson and Secretary Attorney Harry Roque; Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez; at Department of Social and Welfare Development Spokesperson Irene Dumlao.

Mamaya makakasama rin natin sa paghahatid ng mga mahahalagang balita ang Philippine Broadcasting Service at PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya.

USEC. IGNACIO: Ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Programa ay naglalayong magkaroon ng regional development, promote equitable distribution ng mga pang-ekonomiyang oportunidad sa buong bansa at makapagbigay ng bagong pag-asa at magandang kinabukasan pagkatapos ng COVID-19.

Binigyan-diin ni Senator Bong Go na dapat aniya makita ito bilang long-term holistic program na makakatugon sa matagal nang problemang kinakaharap ng rural at urban areas. Aniya, inilunsad ang programang ito para matulungan ng gobyerno ang mga Pilipinong nagnanais umuwi ng probinsiya at mabigyan sila nang mas maayos na buhay. Dagdag pa ng Senador na dapat natuto na ang bansa sa naging karanasan sa COVID-19 crisis partikular na sa mga hamon sa pagpapaabot ng tulong sa mga overpopulated urban centers.

BENDIJO: Samantala, para mas matulungan ang mga medical communities sa pagsugpo sa COVID-19 outbreak sa Pilipinas, ang opisina ni Senator Bong Go ay naghatid ng mga pribadong donasyon sa mga medical frontliners sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa General Santos City.

Ang DJPRH ay may kumpletong set-up para sa pamamahala sa mga suspect at probable COVID-19 patients lalo na ang may sintomas na mild hanggang moderate. Bukod pa riyan, ang ospital rin ay equipped sa pag-aalaga sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Sa kabilang banda naman, patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Senator Go sa mga nagnanais tumulong lalo na sa mga medical institutions sa kasagsagan ng pandemiyang dulot ng COVID-19.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Okay. Sa pagsisimula ng ating Public Briefing, Aljo, ngayon po ay makakausap natin si Presidential Spokesperson and Secretary Attorney Harry Roque. Magandang araw po, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang araw, Usec. Rocky at Aljo. At magandang umaga sa buong Pilipinas.

Balitang IATF muna po tayo. Kahapon po ay nagpulong ang inyong IATF kung saan naaprubahan po ang mga sumusunod:

Una po, naaprubahan po ang Omnibus Guidelines for the implementation of community quarantine in the Philippines as presented and as revised. Dito po nagkaroon ng depinisyon kung ano iyong Modified GCQ.

Pangalawa, inaprubahan po ng IATF Screening and Validation Committee ang classification ng mga sumusunod base sa kanilang risk level simula ngayong araw, May 16 hanggang sa katapusan ng buwan: Ang Cebu City nga po at Mandaue City, naanunsiyo na po, ay nasa ilalim po ng Enhanced Community Quarantine. At ang NCR po, ang Municipality of Pateros and Laguna ay nasa ilalim po ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ang nadagdag po sa Modified ECQ ay ang mga probinsiya ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at ang Angeles City.

Inilabas din po kahapon ng IATF ang omnibus guidelines on the implementation of community quarantine in the Philippines kung saan may kaniya-kaniyang guidelines na ang mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine, Modified Enhanced Community Quarantine, General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.

Ano po itong apat na ito:

Ang Enhanced Community Quarantine po, ito ang pagpapatupad ng mga pansamantalang hakbang na nagpapataw ng mahigpit na limitasyon sa paggalaw at transportasyon ng mga tao. Kasama sa ECQ ang strict regulation of opening industries; provision of food and essential services; at heightened presence of uniformed personnel para ipatupad ang community quarantine protocol. Ang buong Luzon ay sumailalim po dito at iyong mga guidelines sa mga siyudad na aking nabanggit kanina sa ECQ ay mananatili po bagama’t nasa Cebu na lang po ang ECQ – and Cebu City at ang Mandaue.

Pangalawa po, ang Modified Enhanced Community Quarantine at ito po ay umiiral ngayon sa Metro Manila. Ito ang transition phase, Metro Manila at saka sa Laguna po. Ito ay ang transition phase sa pagitan ng ECQ at GCQ kung saan iyong temporary measures ay nag-relax katulad ng stringent limiting movements and transportation of people; strict regulation of operating industries; provision of food and essential services; at heightened presence of uniformed personnel.

Ang NCR po at iba pang mga lugar na aking nabanggit kanina ay nasa ilalim ng MECQ ay nasa ilalim ng MECQ simula ngayong araw at mananatili hanggang katapusan ng buwan. Kasama rin po dito iyong mga nag-apelang mga bayan nga po na nabanggit natin kanina kasama na po ang mga probinsiya sa Central Luzon maliban po ang probinsiya ng Tarlac.

Now, sumunod naman po ang General Community Quarantine. Ito ay tumutukoy sa pagpapatupad ng mga pansamantalang mga hakbang para malimitahan ang galaw at transportasyon; regulation of operating industries; and presence of uniformed personnel para ipatupad ang mga community protocol.

Panghuli po at ito po iyong binigyan ng depenisyon kahapon, ang Modified General Community Quarantine. Ito ang transition phase sa pagitan ng GCQ at ang tinatawag natin na new normal kung saan ang mga pansamantalang hakbang tulad ng limiting movement and transportation; regulation of operating industries; and presence of uniformed personnel ay mare-relax na.

Ito pong MGCQ ang bagong idinagdag ng IATF at ito po ay tatalakayin ko nang mas detalyado sa Lunes. Sa ngayon, wala pong lugar sa Pilipinas ang nasa MGCQ at new normal.

Ano naman ang sinasabi nating new normal po? New normal ay tumutukoy sa mga bagong mga ugali, mga sitwasyon, at minimum public health standards na dapat nating makasanayan habang wala pa tayong malawakang pagbabakuna na magpapahinto sa COVID-19.

Magiging second nature sa atin ang new normal tulad ng pagbabawal ng malakihang pagtitipon-tipon.

Sa huli kong dalawang press conference ay nabanggit ko po ang MECQ. Mayroon po tayong update sa bagay na ito. Ang aking babanggitin ay wala sa mga una kong sinabi sa aking mga nakaraang mga press briefing.

Sa ilalim ng Category III: Employment activities ay naidagdag ang recruitment and placement agencies for overseas employment under MECQ which allows 50% operational capacity. Kasama rin po sa MECQ ang firearms and ammunition trading establishment subject to strict regulations of the Firearms and Explosives Office.

Puwede na rin pong magbigay ng home religious services. Pansinin ninyo po, ‘home religious services,’ ang mga pastor, mga pari, mga imam, mga rabbi at iba pang religious ministers provided mayroon pong proper health protocols gaya ng pagsuot ng mask at saka social distancing, temperature check at iba pa po.

Kasama na rin po ang swimming bilang isang non-contact sport na pupuwedeng mapayagan po sa lugar na GCQ.

Dumako na po tayo ngayon sa mga tanong ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

USEC. IGNACIO: Secretary, ang unang tanong po ay mula kay Jopel Pelenio ng DWIZ. Kailan daw po ang deadline ng pamamahagi ng second tranche ng SAP? Maaari rin po bang malaman kung anong mga lugar na po ang nagsimulang mamahagi ng second tranche ng SAP?

SEC. ROQUE: Okay. Lilinawin ko po, sa second tranche. Hinihintay po natin ang memo galing po sa Office of the Executive Secretary. Siguro po ang paunang ilalabas ay sigurado po iyong mga ayuda doon sa mga lugar na nananatili sa ECQ.

Okay. Next question, please.

USEC. IGNACIO: Opo. Bale ang second question niya ay nabanggit ninyo na rin po na kung kasama daw po sa second tranche ang nasa MECQ?

SEC. ROQUE: Kasama po sa second tranche ang MECQ.

USEC. IGNACIO: From Mylene Alfonso ng Bulgar: Kung GCQ to GCQ pero no sail pa rin po ang ports from province to province, paano daw po makakauwi ang mga local stranded? Ang Coast Guard nagpo-follow lang din po sa provincial executive order. Requirement po ba ang PCR or swab test para sa mga local stranded in the place of origin bago daw po i-allow to return to their home LGU specially kung wala naman daw pong case from that place kung saan sila stranded?

SEC. ROQUE: Ang GCQ to GCQ, ang alam ko po ang panuntunan po ng ating IATF ay pupuwede na pong magkaroon ng inter-island voyage, pero siyempre kinakailangan munang mag-issue ang ating Philippine Coast Guard. Sana po nasagot ko iyong tanong.

USEC. IGNACIO: Opo, pero ang second—ang follow-up po niya—

SEC. ROQUE: Iyong protocols naman po… iyong protocols po na nagre-require ng PCR test, ito po ay para sa mga umuuwi pong mga OFWs na dumadaan po sa ating eroplano. Lahat po sila kinakailangan sumailalim po sa PCR test at habang sila po ay naghihintay ng resulta kinakailangan mag-facility quarantine po.

Iyong mga ibang mga probinsiya naman po, may kapangyarihan naman po ang mga LGUs na magkaroon ng requirement; pero ang pakiusap nga po ng Presidente, para doon sa mga umuuwing mga OFWs na sumailalim na sa PCR test eh hayaan na po silang pauwiin.

USEC. IGNACIO: Ang second question niya, kung puwede raw pong makauwi ang mga na-stranded like from Negros Occidental to Lapu-Lapu City?

SEC. ROQUE: Puwede po at sana nga po maayos na ng Coast Guard ang mga guidelines at saka iyong mga detalye ng social distancing sa mga maglalayag na mga barko.

USEC. IGNACIO: From Rose Novenario. Reaction daw po, basahin ko po iyong from CNN Philippines report: A factory worker was allegedly beaten black and blue by police officers in General Trias, Cavite last May 12. Ang pangalan po niya ay—

SEC. ROQUE: Well, paiimbestigahan natin iyan—

USEC. IGNACIO: Siya po ay—

SEC. ROQUE: Rose, paiimbestigahan po natin iyan, tatawagan natin mismo si PNP Chief Gamboa at titingnan po natin kung anong nangyari diyan. Alam ninyo naman po sa ating gobyerno no one is above the law. Kung talagang may lumabag sa batas mayroon naman pong imbestigasyon, paglilitis at pagpaparusa.

USEC. IGNACIO: Secretary, siya daw po iyong—sa report ng CNN Philippines, siya daw po iyong 30-year old Ronald Campo na inaresto daw po for violating quarantine policies in Tropical Village sa Barangay San Francisco. Aside from iyong mga galos po at sugat all over his body, Campo also sustained a fracture on his skull. According po iyan sa brother ni Rolando, ipinalabas pong story ng CNN Philippines.

SEC. ROQUE: Well, salamat po sa ating mga kasama sa media sa pagpaparating ng ganitong mga impormasyon. Si ate Queenie po ay nakikinig ngayon… Ate Queenie, pakikuha po ang detalye at paki-forward po sa tanggapan ni PNP Chief Gamboa.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Tina Mendez ng Philippine Star. May additional question daw po iyong ilang Filipino seaman. Paano daw po makakakuha ng quarantine pass kung may kailangang asikasuhin sa manning agency na kailangan po ng personal appearance?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano iyong mga requirements nang personal appearance ’no, pero siguro naman iyong mga manning agencies kung alam nila na manggagaling sa lugar na hindi pa pupuwedeng bumiyahe eh, gawan na lang ng paraan siguro na electronic submission muna dahil pupunta at pupunta rin naman po iyan sa Maynila o hindi naman kaya sa mga lugar na bukas ang airport para makaalis.

So, kung ang employment agency naman po ay nasa Maynila, gawan na lang muna nila ng paraan po na isumite kapag nakarating na sa Maynila.

USEC. IGNACIO: Tanong naman mula kay Angel Ronquillo ng DZXL. May ibang lugar daw po bang umaapila sa IATF na maisama sila sa MECQ?

SEC. ROQUE: Tapos na po, nabasa ko na po na karamihan po nung mga nag-apila ay napagbigyan naman po. Ang nabago po ngayon, may dalawang siyudad sa Cebu na nasa ilalim po ng ECQ – ang Cebu City at Mandaue City. At ang mga napasailalim po sa MECQ ay ang Metro Manila, ang Laguna at ang Region III bukod po sa probinsya ng Tarlac at saka ng Aurora.

USEC. IGNACIO: From Jojo Quibral. Kung iyong mga papasok daw po sa trabaho na nasa MECQ na lugar ay kung makakatanggap pa rin po ba daw ng hazard pay?

SEC. ROQUE: Well, lilinawin ko po iyan sa DOLE. Pero napakadami na po kasing industriya nabuksan ngayon under MECQ. Karamihan ng mga bagong industriya ay 50% work from home at 50% work in situs ‘no. So, lilinawin ko po iyan sa DOLE, kasi ngayon lang naman tayo nagkaroon ng Modified ECQ.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay po doon sa ECQ violation. Binatikos po, Secretary, ng ilang netizen iyong ilang litrato pong kumalat sa internet kaugnay po sa naging mass gathering violation ng mga pulis. Ano na po ang naging pahayag ng Pangulo tungkol dito?

SEC. ROQUE: Well, iyon po ay nakasuhan na po. Kung ito po ay iyong kay General Sinas, eh may kaso na po na naihain sa piskalya at inaantay na lang po ng Malacañang iyong report na nanggagaling po sa IAS para mabigyan po sila ng authority para magpatuloy ng pag-imbestiga kapag sila ay mayroon ng probable cause.

Ang procedure kasi, kapag ikaw ay presidential appointee kinakailangang magkaroon muna ng general investigation ang IAS ng PNP, pagkatapos ng general investigation kung sa tingin nila ay may probable cause ay hihingi sila ng clearance sa Office of the Executive Secretary para sampahan ng administrative case iyong mga matataas na opisyales ng PNP.

So, nandoon na po tayo sa punto na si Executive Secretary na ang humingi ng ebidensiya na kung mayroong sapat na ebidensiya at mayroong probable cause ay mabigyan na ng otoridad na maghain nga po ng administrative case.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nagsisimula na po iyong panahon ng tag-ulan sa bansa, hindi po natin maiiwasan iyong pinsalang iniiwan nito sa atin. So, paano daw po pinaghahandaan ng pamahalaan ang magiging tugon nito sa ating mga kababayan lalo na iyong mga maapektuhan ng bagyo sa gitna pa rin po ng COVID-19.

SEC. ROQUE: Well, ang maganda naman po ay mayroon tayong NDRRMC na nakikipag-ugnayan. Ang NDRMMC ngayon ay nasa ilalim pa rin ng DND at malapit po at very close coordination sila ng DILG. So laging handa naman tayo sa mga ganitong mga sakuna at laging handa po tayo lalung-lalo na sa mga bagyo dahil napakadami pong bagyo talaga ang bumibisita sa ating bayan taun-taon.

So sa ngayon po ay nakikiramay po tayo at nakikiisa po doon sa mga dinaanan ng bagyong Ambo. Pero bago pa po dumating ang bagyo, nandiyan na po naka-preposition na po iyong ating mga relief goods, nakahanda na po iyong mga evacuation centers natin at ang report naman po sa amin ay napatupad naman po ang social distancing on a family basis dito sa mga evacuation centers.

USEC. IGNACIO: From Jona, Secretary, pahabol lang daw po, about sa swimming daw po. Does that mean puwede nang i-open sa condo and health clubs ang swimming pool?

SEC. ROQUE: Sa GCQ po ano. Non-contact sports po sa GCQ.

USEC. IGNACIO: May pahabol din po si Pia Ranada ng Rappler. Does Malacañang agree with the arrest of a man in Butuan for cursing President Duterte and criticizing Senator Bong Go? Are Filipinos now prohibited airing their grievances against the government; is this is not protected… speech?

SEC. ROQUE: Alam mo we leave that to the authorities, kasi sila naman talaga nagpapatupad sa batas. Pero gaya ng nabalitaan ko, iyong isa ata na naaresto ay nagkaroon ng order ang piskalya to release, dahil hindi daw tama iyong warrantless arrest.

So, sa amin po nagpapakita po iyan na gumagana naman iyong ating sistema. We leave it to the authorities, pero kapag mayroon pong maling ginawa ang mga otoridad ay kino-correct naman po ng ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng piskalya.

USEC. IGNACIO: Secretary, ngayon po iyong unang araw para sa Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila, Cebu at Laguna at GCQ naman po sa iba pang bahagi ng bansa. Ano po iyong nais ninyong ipaalala sa ating mga kababayan Secretary?

SEC. ROQUE: Bagama’t nabago po ang pangalan iyan po ay modified o general, tayo po ay naka-community quarantine pa rin. Habang wala pa pong bakuna, habang wala pang gamot sa COVID-19 nandiyan pa rin ang banta. Kinakailangan po maging listo, pangalagaan ang ating kalusugan, magsuot ng mask, mag-physical distancing, maghugas ng kamay, manatili po tayong malusog.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po Spokesperson, Secretary and Attorney Harry Roque. Mabuhay po kayo.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat Aljo at mabuhay po ang Pilipinas.

BENDIJO: Sige po, Secretary. Samantala, para magbigay ng update sa pagbubukas ng ilang mga establisyimento. Sa puntong ito makakausap natin si DTI, Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. Magandang araw, Sec?

SEC. LOPEZ: Magandang araw po, Mr. Aljo at saka kay Usec. Rocky at saka sa inyo pong tagasubaybay.

BENDIJO: Opo. Sa ilalim po ng MECQ, may mga ilang kumpanya at business establishments ang papayagan ng mag-operate. Anu-ano po ba ito at ano rin po iyong ilan sa mga hindi pa ring pinapayagang magbukas, Secretary?

SEC. LOPEZ: So, na-announce na si Secretary Harry iyong mga ina-allow na po kahit partial, kasi nag-iingat po tayo sa pagbubukas subalit isang objective din natin ay makabalik na sa trabaho at makabalik na ang ekonomiya natin kaya po ina-allow na po ang karamihan sa mga dating sarado under ECQ. So, mapapansin po ninyo lahat ng industriya doon, halos po lahat ay naka-yellow na po at iyon po ay ang ibig sabihin ay partial operation.

Ang mga hindi na lang po pinapayagan ay iyong—naka-red pa rin po ang barber shops and salons at iyong mga gyms at pati iyong iba pang areas for mass congregation, entertainment, iyong mga spa, massage at iyong iba pang entertainment and leisure areas. So iyon po iyong mananatiling nakapula pa ho at hindi pa puwede.

BENDIJO: Papayagan na ring magbukas ang ilang mga malls, Sec. Ano po ba ang mga restrictions at health measures na ipatutupad natin sa mga malls at shops upang maiwasan na maging dahilan pa ito ng paglaganap ng COVID-19; at paano din tayo nakikipag-ugnayan sa mga private sectors para rito, Secretary?

SEC. LOPEZ: Opo. Tayo po ay nakipag-ugnayan sa mga karamihan po noong mga mall operators para po ma-institute natin iyong tamang health protocol. So mayroon po tayong minimum health protocol sa lahat po ng mga kumpanya at mayroon din tayong special minimum health protocol para po sa mga malls ang commercial establishments. So, i-advise ho na pumunta po sa website ng DTI lalo na lahat po ng kumpanya na in-allow na po magbukas.

Doon naman po sa malls, as to the question, mga extra health measures po dito ay pananatilihing may maximum number ng tao na puwede lamang sa isang lugar sa mall, maaring iyong buong mall o iyong tindahan inside the mall. At ang rule of thumb po dito ay one person per two square meters.

So, ang libreng space po ng nilalakaran sa loob ng isang tindahan ay mga 50 square meters, puwede pa po ang 25 na katao at any given point of time. Iyon po ang maximum. So, iyon po ang ipapatupad at nandiyan na rin iyong ibang mga health measures tulad ng pagkuha ng temperature sa pagpasok, iyong sa frequent sanitation, marami pong mga sanitation station. Iyong social distancing, siyempre siguraduhing may mask at iyong mga comfort room kumpleto po sa mga sabon ay iba pang mga sanitation equipment.

At pati po sa mga pagsakay sa elevator at escalator mayroon pong social distancing na ipatutupad. Mga one meter apart kapag nasa escalator at sa elevator naman ay kung ang capacity ng elevator dati ay sampu, kung iyon ang standard capacity, ide-divide by two para iyon lang po ang magiging allowed inside the elevator, parang magiging lima o iyon for that example. So, marami pa pong iba at magkakaroon din po ng parang roving officers na magtse-check po na mapapanatili at nagko-comply dito sa mga requirements na ito.

BENDIJO: Ibig sabihin noon, Sec, one person per square meter, kasama na do iyong mga empleyado ng tindahan sa loob ng mall?

SEC. LOPEZ: Opo, one person per two square meters.

BENDIJO: Samantala, aabot naman sa tinatayang 3.5 million worth or overpriced na basic goods ang na-recover ng DTI, Sec. Ano ba ang gagawin natin sa mga goods na nakukumpiska?

SEC. LOPEZ: May proseso po iyan. Usually ho, kapag very essential po ito, critical at lalo na kung may mga expiration, ito po ay idine-declare na abandoned at ito po ay kukunin po ng gobyerno at mayroon din pong iiwanang ilang stocks para sa ebidensiya kapag nagpapatuloy ang kaso.

So, doon po sa mga na-confiscate ito po ay ido-donate na dito sa Office of Civil Defense para po magamit gaya diyan sa kalamidad lalo na po kung ito ay mga health products, health related or medical devices tulad ng mga mask and alcohol. So iyon po ang magiging proseso diyan.

At any rate kung kasama rin doon sa proseso na kung mapatunayan na walang kasalanan iyong biktima ay ito naman po ay babayaran at may value rin po ito base sa kaniyang suggested retail price.

USEC. IGNACIO: Secretary Lopez, unahin ko na lang po iyong mga tanong ng ating mga kasamahan sa Malacanang Press Corps. From Arianne Merez from ABS-CBN: with no or limited transportation in many areas, small businesses have difficulties daw po providing shuttles for their workers. How does the government plan to help or address this and how would the shift of the majority of the country to GCQ impact the economy with major business hubs, Metro Manila, Laguna and Cebu still under Modified ECQ?

SEC. LOPEZ: Salamat po sa tanong. Kaya ho ini-encourage po sa panahon ngayon lalo na iyong mga nagbukas ay 50% partial operation para ho hindi mabigat in terms of iyong mga pasahero na lalabas or iyong mga workers na lalabas papunta sa trabaho. At kaya po tuloy pa rin ang pag-encourage natin sa mga business owners na, una, kung maari ay magkaroon sana ng isang temporary accommodation para sa mga workers nila para hindi na lalayo. So ito po sana ay either within site or near site, malapit doon sa kung saan iyong pinagtatrabahuhan.

At dito po, dahil wala pa po tayong public transportation ay iyong pagbigay ho ng shuttle services ay kailangan pong i-provide pong kumpanya. Pero kung mayroon silang mga private vehicles, puwede rin pong gamitin ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Tina Mendez ng Philippine Star: Isa daw pong malaking pharmacy ang nag-increase ng presyo ng gamot para sa thyroid ngayong Biyernes dahil daw po nag-increase ang presyo ng supplier nila. Ano po ang rules ng gobyerno ngayong may state of public health emergency tayo kaugnay sa mga gamot? Ano daw po ang recovered price fees? ‘Pag online transaction po ang way ng purchase ng medicine, ano po daw iyong rules sa pricing? Kailan ipinaiiral ang price increase upon debit or pag-input sa cash register ng branch? Pakipaliwanag daw po sa publiko at sa mga drug store hinggil dito.

SEC. LOPEZ: Actually po ang Department of Health, nag-institute ho sila bago ho nag-COVID. Mayroon hong ipinalabas na maximum retail price sa mga drugs, so dapat po mai-check ito doon. Kung ito’y part noong listahan po na iyon, dapat ho manatili iyong presyo nila. Bawal pong mag-price increase. Ngayon kung hindi ito parte noong listahan na iyon ay hindi naman po pinipigilan iyong mga adjustment in prices lalo na kung ito po ay nanggagaling sa labas at nagtaas din talaga iyong cost ng presyo sa labas ng Pilipinas.

So, pero kung—puwede rin natin paimbestigahan ito kung ito po ay isang commonly used na medicine lalo na nga po kung ito’y part noong maximum retail price for drugs na pinalabas po ng Department of Health.

USEC. IGNACIO: Secretary kagabi po, May 15, base po sa anunsiyong inilabas ng DTI, natapos na po ang 60-day nationwide price freeze para po sa mga basic necessities. Para po sa kaliwanagan ng ating viewers, anu-ano po ba iyong sakop nito at ano po iyong buwan na pagbabasehan para sa mga SRP?

SEC. LOPEZ: Oho. Bale sa SRP naman po, ang maganda dahil may SRP system tayo, hindi ho magbabago iyong maximum price po na nandoon nakasaad sa SRP. So kung dati mas mababa nang konti iyong price freeze na na-reflect during the state of public health emergency, ngayon po ay babalik lamang doon sa mga—iyong mga ibang produkto babalik lang sa may SRP level.

Usually ho may mga pagkakaiba ho iyon ng mga 20 centavos, maliit lamang, or 10 centavos. Pero at least with the SRP, nakakasiguro tayo na ang presyo ay stable pa rin. Kasi based on our price monitoring lalo na ‘pag pumunta tayo doon sa mga key accounts o ibig sabihin ito iyong mga groceries and supermarkets, ito po talaga ay tumutupad ng SRP, 100% po ang compliance dito. Kaya kung gusto po nilang makamura ay sa mga groceries and supermarkets po sila pupunta at siguradong ang SRP po ang nasusunod doon.

BENDIJO: Sec. Mon, last April 29 nag-launch ang DTI ng “CTRL+BIZ: Reboot Now!” isang online conference na layuning magbigay ng karagdagang impormasyon kaugnay sa pagsisimula ng online business na siya namang tinatangkilik ng ating mga kababayan ngayon. Maari ba kayong magbigay ng detalye tungkol dito Sec., at papano sumali at hanggang kailan ito isasagawa?

SEC. LOPEZ: Ay oo, napaka-successful po ito and I will give credit to our undersecretaries and assistant secretaries especially si Asec. Pacheco na siya pong tumutulak dito ho sa CNTRL+BIZ: Reboot Now! At ito ho ay marami nang pagganap ng ganitong seminar. In fact, may second batch na po tayo at bawat batch ho ay daan-daan ang uma-attend. At ang pinaka-objective nito, lalo na ngayon sa panahon ng COVID na hindi masyadong nakakalabas ang maraming kababayan natin, ito po iyong pag-introduce sa mga micro SMEs na paano sila makabebenta digitally sa mga e-commerce platform.

At nagkakaroon po sila ng pag-asa na makabenta nang mas marami kahit hindi sila nakapuwesto sa mga malls or kaya ay nagbebenta ng produkto sa mga groceries and supermarkets. Puwede silang magbenta online at ito po tinuturuan sila, up to selling and marketing noong product pati ho sa digital payment. So napakaganda ho, marami na hong natulungan ito at tuloy pa rin iyong ating—ito nga, mayroon tayong part 2 na nangyayari po ngayon.

BENDIJO: At magandang balita rin dahil nagsimula na itong online National Food Fair na tatagal hanggang bukas Sec. ‘no. Paano ba maaring makasali ang mga interesado nating mga kababayan?

SEC. LOPEZ: Oho. Ito ho iyong ating napalit po, kasi iyong atin pong National Food Fair na pangkaraniwan or usually ginagawa po natin sa SM Megamall, sa taas po. Since bawal na po muna itong mga expo at mga trade exhibitions, ginawa na nating online ito. And of course nakikipag-partner tayo sa mga iba-ibang grupo, like in this case iyong Shopee para po mai-carry natin iyong mga produkto ng mga micro SMEs. Tuloy pa rin silang nama-market at maganda ho, para nakakatuloy pa rin sila sa kanilang pagnegosyo at pagkita in spite of itong mga quarantine na hindi po masyadong nakakalabas ang lahat.

Isa pong sinigurado natin sa IATF ay iyong unhampered delivery at paggalaw ng mga cargo at lalo na itong nagtagal ang ating ECQ at naging MECQ, at least napapanatili iyong delivery system ay mas gumagana at in fact mas nadadagdagan ang mga produkto na puwedeng i-carry. So ibig sabihin aside from food and essentials, pati ho iyong ibang essentials na rin tulad ng mga hardware, mga damit ay puwede na ring maibenta dito.

So ito ho nangyayari ho ngayon dahil sa maganda ang pangangailangan at ang COVID pandemic actually na-accelerate niya itong programa natin na mai-online lahat ng ating mga MSMEs para po mas gumanda ang kanilang pagnegosyo.

So ngayon ho, sana matangkilik nila itong National Food Fair para ho mabigyan ng pag-asa ang ating mga kababayan. Iyong karamihan din po dito ay from the agriculture sector, kaya iyong mga produce nila nai-process po, mas may value adding, mas maganda ang packaging, ngayon po ay nama-market na sila online.

BENDIJO: Sec. iyong mga medical supplies katulad ng face masks, mga PPE at ilan pang mga essential products, ano po update dito, Sec.?

SEC. LOPEZ: Maganda na ho ang supply ngayon. Nakakatuwa din na ang ating mga drug stores ngayon nakakabili na from other sources. Isa pa po, iyong ating mga local manufacturers mas dumadami na dahil—nabalitaan naman po ninyo iyong programa ng DTI na iyong repurposing manufacturing.

Ibig sabihin iyong mga dating hindi gumagawa ng face masks, iyong mga electronics company for example na electronic product ang ginagawa nila, ngayon ay gumagawa na sila ng ventilators. Iyong mga garments manufacturers natin, ngayon gumagawa na sila ng mga PPEs, protective cover-all gowns. At iyong iba po ay gumagawa na rin ng mga face masks.

So maganda ho ang supply ng face masks, in fact iyong mga drugs stores noong nakausap namin ang mga retailers through a Zoom conference ay sila po ay nagre-request nga kung puwedeng increase-an na iyong bundling ng maximum. Kasi dati ang maximum number of masks na puwedeng bilhin ay lima, so naglabas ho kami ng panibagong memorandum circular na puwede na ang sampu.

At dahil ang stocks naman daw nila ay marami, para sa isang pamilya ‘pag isang bili, sampu na iyong maximum, nakaisang sealed pack na rin siya. So sila po, siniselyado nila iyong mga pakete na ito up to the maximum of 10 pieces now. So maganda ho ang supply ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Lopez, kunin na lang po namin ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan.

SEC. LOPEZ: Okay. Sa atin po, sa larangan ng economic development, gusto po natin maka-revive po ang ating ekonomiya kaya po napaka-importante na makabalik na po sa trabaho ang ating mga kababayan, sa ganoong paraan, may magandang income na sila at ito po ang magsisimula uli ng magandang paggulong ng ekonomiya. Kapag sila po ay may trabaho uli at pinagkakakitaan ay sila po ang magiging source ng demand for many products. At kapag nandiyan na ang demand ay lalong gagana po ang negosyo at sana po ay makabangon uli ang ating ekonomiya.

Tandaan po natin na bago nag-COVID pandemic, napakaganda at pinakamalakas ang ating ekonomiya dito sa ASEAN region – Top 2 po tayo. In fact, even January-February, positive po ang export growth natin hanggang sa inabutan lang po ng COVID -19 ang buong mundo kaya bumagal na po.

Pero ibig sabihin lang po noon, we entered the COVID a very strong and fast growth, sigurado pong madali tayong makakabangon. And with all the economic stimulus package na hinahanda po ng pamahalaan at sa tulong din ng Kongreso at Senado ay sigurado pong mapapadali ang pagbangon nating lahat.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon DTI Secretary Ramon Lopez.

SEC. LOPEZ: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, kaugnay naman po sa update sa pamamahagi ng Social Amelioration Program ng DSWD, makakausap natin sa puntong ito si Department of Social Welfare Development Spokesperson Irene Dumlao. Magandang araw po.

USEC. DUMLAO: Magandang umaga po, Usec. Rocky; ganoon din po kay Sir Aljo at sa lahat po ng nanunood ng inyong programa.

USEC. IGNACIO: Usec. Irene, marami po sa ating mga kababayan ang nagtatanong kung totoo raw po itong pinakabagong programa ng DSWD na Relief Agad Project? Tungkol saan po ito at maaari ninyo ba kaming bigyan ng detalye tungkol dito?

USEC. DUMLAO: Ang Relief Agad ay isa pong mobile application na binuo sa pakikipagtulungan ng DSWD sa DICT, USAID, at gayun din sa Developers Connect Philippines upang makabuo tayo ng isang platform na magpapabilis sa pagrerehistro ng mga beneficiaries under the Social Amelioration Program na kasalukuyan ay may hinahawakan pong mga Social Amelioration Card form. Sa pamamagitan po ng aplikasyon na ito, mas magiging mabilis din ang isasagawang balidasyon ng DSWD sa mga nakatanggap ng ayuda.

Maliban po dito, ang Relief Agad application ay mayroon din pong interface sa iba’t ibang electronic payment systems na maaaring magamit ng ating mga beneficiaries sa pangalawang bahagi po o ng second tranche ng implementation ng SAP. Mangyari lamang po na ang mga beneficiaries na may hawak na SAC form ay bisitahin ang www.reliefagad.ph, at i-scan iyong barcode na matatagpuan sa ilalim na bahagi ng kanilang SAC form.

We would just like to remind our beneficiaries na sa kasalukuyan ay ipa-pilot run po muna natin ang aplikasyon ng Relief Agad sa mga beneficiaries under the National Capital Region. At magkakaroon ng anunsiyo ang departamento para naman po sa ibang lugar kung magiging epektibo na po ang Relief Agad application sa kanilang mga lugar.

USEC. IGNACIO: Usec., bigyang daan ko lang iyong mga katanungan ng ilang kasama natin dito sa Malacañang Press Corps. Mula kay Kris Jose ng Remate: Ilang PWD po sa Quezon City ang napilitan pong mamalimos dahil sa kawalan ng hanap-buhay bunsod ng community quarantine. Ilan po sa mga ito ay masahista daw po. Ang panawagan nila sa pamahalaan, lalo na kay Pangulong Rodrigo Duterte, sana daw po ay mapansin ang kanilang sitwasyon at mabigyan sila ng ikabubuhay.

USEC. DUMLAO: Usec., batid po ng DSWD ang pangangailangan ng ating mga kababayan lalung-lalo na po iyong mga nasa vulnerable sector.

Para po sa Social Amelioration Program, ang unit of assistance po natin ay per family at hindi po per individual. However po Usec., may iba pa hong programa ang national government gayun din ang mga lokal na pamahalaan na maaari pong ipahatid sa ating mga kababayan na hindi naman po eligible under the SAP.

Kagaya po sa DSWD, patuloy ang pamamahagi natin ng assistance under the Assistance to Individuals in Crisis Situation, at patuloy din naman po iyong pagbibigay natin ng resource augmentation sa mga local government units partikular na po sa provision ng mga family food packs upang matulungan natin sila na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng kanila pong mga nasasakupan.

Mangyari lamang po na makipag-ugnayan tayo sa ating mga local social welfare development officers upang maipahatid po iyong kaukulang tulong sa inyo.

BENDIJO: Ma’am Irene, ano po ang masasabi ninyo kaugnay sa ipinamamahaging Social Amelioration Program, itong SAP, na hinahati sa dalawa o higit pang pamilya? At saan po maaaring magreklamo ang ating mga kababayan?

USEC. DUMLAO: Pinapaalalahanan po natin ang ating mga kasama o mga partners in the implementation of SAP na hindi po dapat hatiin itong SAP sa mga iba’t ibang pamilya. Kung matatandaan po natin, naipaliwanag ng DSWD na ang emergency subsidy na nagkakahalaga nang hindi bababa ng P5,000 at hindi aakyat sa P8,000 na ito ay dapat ibigay sa isang pamilya na eligible under the program. Ibig sabihin po, kung ang pamilya na kabilang sa low income, kabilang ang mga miyembro sa informal sector or ang mga miyembro ay kabilang din po sa vulnerable sector, mangyari lamang po na ibigay natin iyong entire amount dahil ito ay close approximation doon sa halaga na kakailanganin po nila para matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan.

Kung may mga report po o may gusto po kayong ipahatid na reklamo hinggil sa maling paggamit o paghahati ng SAP, mangyari lamang po ay itawag sa 24/7 hotline number ng DSWD, ang 16545; ganoon din po sa 09474822864, 09162471194, 09329333251. At maaari rin naman pong i-text sa numerong 09189122813. Maaari din po na i-e-mail po sa DSWD sa pamamagitan ng sapgrievances@dswd.gov.ph upang ang kaukulang validation or imbestigasyon ay maisagawa at ang nararapat na aksyon ay magawa din po ng appropriate na opisina.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may mga natatanggap po tayong reports tungkol sa di-umano’y pangha-harass ng barangay chairman at LGU officials sa DSWD officers na namamahagi ng ayuda. Ano po ang masasabi ninyo rito o may katotohanan po ba ito?

USEC. DUMLAO: Una, Usec. Rocky, nalulungkot po ang departamento sa mga balita hinggil dito. Sa panahon po na tayo ay nasa krisis, ipamalas po sana natin iyong pagtutulungan at pagkakaisa upang sama-sama po tayong makabangon sa krisis na dulot ng COVID-19.

Pangalawa po, pinapayuhan natin ang ating mga kababayan at gayun din iyong ating mga fellow public servants na kung may mga cases po na ganito ay ipahatid po sa tamang kinauukulan at para nga po makapagsagawa tayo ng kaukulang beripikasyon, at upang ang nararapat na aksyon ay maigawad.

Ang DSWD po, gaya ng nabanggit ko, ay mayroong 24/7 hotline numbers na puwede po ninyo pong tawagan at ilapit ang mga reklamong kagaya po nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta naman daw po iyong pakikipag-ugnayan natin sa mga LGUs tungkol sa pamamahagi pa rin ng ayuda? Ano na po ang update dito?

USEC. DUMLAO: Well, Usec. Rocky, sa kasalukuyan ang mga local government units na ka-partner po natin in the implementation of the Social Amelioration Program ay nakapagpamahagi na sa mahigit 12.8 million beneficiaries at mahigit 78 billion pesos na rin po ang napamahagi nila.

Sa pangkalahatan, Usec. Rocky, nakapagpahatid na ang DSWD nang mahigit 96.59 billion pesos sa mahigit 17 million beneficiaries ng SAP. At sa kasalukuyan, patuloy pa rin po ang ginagawa na koordinasyon at monitoring ng departamento sa mga lokal na pamahalaan na sa kasalukuyan ay nagpapatuloy iyong kanilang isinasagawang payouts dahil nga po batid ng DSWD na kinakailangan po nating mapabilis ang mga proseso upang maipahatid natin ang kinakailangang ayuda sa ating mga kababayan.

Gayun din po, Usec. Rocky, patuloy iyong pagbibigay ng resource augmentation ng departamento sa mga iba’t ibang local government units partikular na po sa provision ng family food packs, at gayun din po sa implementation ng social pension for indigent senior citizens at gayun din po sa iba pa pong programa ng departamento upang matugunan natin ang pangangailangan ng kanila pong nasasakupan.

BENDIJO: Director, taun-taon hindi na bago sa atin na bayuhin tayo ng malalakas na bagyo at ngayon nga ay tuluy-tuloy nga ang pananalasa ng bagyong Ambo sa Pilipinas. Paano ito makakaapekto sa pagtugon ng DSWD sa mga kababayan natin in terms of funds and manpower ngayong may crisis pa itong COVID-19, Director?

USEC. DUMLAO: Yes, sir Aljo. DSWD parte po ang mandato nito na tulungan ang mga local government units at magbahagi ng technical assistance and resource augmentation sa mga LGUs upang mas maayos na matugunan nito iyong kanila pong disaster relief operations. Kung kaya nga po ang DSWD sa kasalukuyan ay mayroon tayong standby funds na mahigit 239 million pesos at 199 million pesos of that ay magagamit po as quick response fund. Ganundin po ay mayroon tayong mga stockpiles, may mahigit 176 million pesos tayo worth of family food packs at may mga non-food items tayo na worth more than 483 million pesos na magagamit po natin sa pagpapahatid ng karagdagang tulong sa mga local government units upang matugunan nila iyong pangangailangan po ng kanilang mga constituents.

As a matter of fact, sir Aljo, nakapagpahatid na tayo ng mga family food packs sa mga Regions V at ganundin po sa Region VIII at tayo po ay nakikipagtulungan sa ibang ahensiya po ng pamahalaan partikular na po sa Office of Civil Defense para naman po sa provision ng naval assets para naman po makapagpahatid tayo ng karagdagang mga family food packs sa iba pa pong lugar na naapektuhan ng bagyong Ambo.

BENDIJO: Ang inyong mensahe Director Irene sa ating mga kababayan?

USEC. DUMLAO: Sir, Aljo and Usec. Rocky nagpapasalamat po ang DSWD sa inyo pong pagsama sa patuloy ng pagbibigay ng daan sa amin pong ahensiya upang maiparating po natin sa publiko kung ano na po ang ginagawa naman ng DSWD in terms of its assistance to the local government units, para mabigyan natin sila ng kaukulang tulong at maipahatid ang assistance sa kanila pong mga constituents.

Sa pakikipagtulungan po ng DSWD sa mga local government units at sa pinaigting din natin ang koordinasyon sa ibang ahensiya ng pamahalaan, natitiyak po ng departamento na ang tulong para sa mga mahihirap at nasa vulnerable sector ay maipapahatid po natin. At sa ganito pong pamamaraan na pinag-aaralan natin na sinusuri ang mga proseso, gayundin iyong mga aral sa implementasyon ng first tranche ng SAP, matitiyak po natin na mas mapapabuti po natin ang mga proseso natin lalung-lalo na sa implementasyon ng second tranche at gayundin po matitiyak natin na magiging mas maayos iyong ating mga activities that will lead do sa pagbangon ng ating lipunan.

Maraming salamat po sa lahat ng mga partners ng departamento, lalo na sa mga local government units, sa mga local social welfare development officers at gayundin po sa mga DSWD personnel who are the frontliners at gayundin po sa AFP at sa PNP sa patuloy ng pagbibigay ng assistance sa DSWD upang maipahatid po natin sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan ang tulong na nararapat sa kanila. Magandang umaga po.

BENDIJO: Maraming salamat, DSWD Spokesperson Irene Dumlao.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling tala ng DOH sa kaso ng COVID-19 sa bansa. As of May 15, 2020, 4:00 PM umabot na po sa 12,091 ang COVID-19 confirmed cases, habang 806 naman po ang nasawi. Ngunit patuloy naman po ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling na pumalo na po sa 2,460.

BENDIJO: Kaya naman sa ating pagharap sa new normal mahigpit naming ipinapaalala sa bawat isa ang physical distancing at palagiang paghuhugas ng kamay at pagsuot ng face mask kung lalabas ng bahay. Kaya naman upang sama-sama nating masugpo ito, pinapaalalahanan natin ang lahat na isa-isip, isa-puso at isabuhay ang new normal. Ito na nga po ang #bagong buhay natin. Let’s beat COVID-19 for a healthy Pilipinas.

USEC. IGNACIO: At bilang pagtugon sa katanungan ng ating mga kababayan, nagtalaga na po ang DOH ng COVID-19 hotline, huwag po kayong mag-atubiling tumawag sa 02-894-26843. Para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers maari po ninyong i-dial ang 1555. Bukas po ang linyang ito para sa lahat.

BENDIJO: Sa puntong ito dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama natin si Dennis Principe.

[NEWS REPORT BY NASHRA ANNI]

USEC. ROCKY: Maraming salamat sa iyo, Dennis Principe. Samantala, puntahan naman natin ang PTV Davao, may live report ang aming kasamang si Clodet Loreto.

[NEWS REPORT BY CLODET LORETO]

BENDIJO: At sa pagsisimula ng Modified ECQ ngayong araw, naglabas ng ilang guidelines ang Quezon City LGU. Narito si Mela Lesmoras para sa iba pang mga detalye.

[NEWS REPORT BY MELA LESMORAS]

BENDIJO: Maraming salamat, Mela Lesmoras.

USEC. IGNACIO: Sa atin pong pagharap sa new normal, isa rin sa mga magkakaroon ng pagbabago sa sistema ay ang ating transportasyon.

Kaugnay niyan naglabas po ang DOTR ng guidelines para mapanatili ang social distancing sa mga pampublikong transportasyon:

– Ipinapatupad ang isang metrong distansiya sa mga pampasaherong sasakyan alinsunod po sa patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan;

– 50% o kalahati ng kapasidad lamang ang dami na maaaring isakay ng mga bus at jeep;

– bawal din po ang tumayo sa loob nito.

– Sa mga taxi at network vehicles naman po, hanggang dalawang pasahero lamang sa bawat row at isang pasahero sa tabi ng driver ang papayagan.

– Habang sa tricycle naman hanggang isang pasahero lamang ang puwedeng sumakay at bawal umupo sa likod ng driver.

Samantala, ang Philippine National Railway naman po ay naglagay rin ng mga palatandaan sa mga lugar kung saan lamang maaaring tumayo sa pila at umupo sa loob ng tren ang mga pasahero. Naglagay rin po ng mga signages at tarpaulin sa mga istasyon na makakatulong po para mapaalalahanan ang ating mga pasahero subalit ang mga ito po ay applicable lamang sa mga lugar na nakailalim po sa GCQ.

BENDIJO: Isang makabuluhang diskusyon na naman po ang aming ibinigay sa inyo at muli, maraming salamat sa mga nakausap na nagbigay ng kanilang panahon para sa programang ngayong araw na ito.

Mga kababayan, asahan ninyong patuloy kaming maghahatid ng mga importanteng impormasyon na kailangan nating lahat.

Mahigpit po naming ipinapaalala ang physical distancing at kooperasyon sa mga ipinapatupad ng mga otoridad.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat doon sa mga nanonood sa atin, sa mga sumusubaybay sa atin sa Catanduanes. Salamat po sa inyong pagsubaybay sa amin.

Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

BENDIJO: Ngayong panahon ng krisis, mas lalong dapat nating ipadama ang tunay na pagmamahal sa bayan at sa kapwa Pilipino. Kaya naman nais din nating pasalamatan ang ating mga frontliners na ginagawa ang lahat upang matulungan ang ating mga kababayan.

Magkaisa, sumunod. Maging maalam at mapagmatyag. Tandaan, sa ating pagtutulungan at pagkakaisa malalampasan natin ang lahat ng ito. Together, we heal as one.

At sa ngalan po ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aljo. Mula naman po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)