SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Sa gitna ng krisis pangkalusugan nating kinakaharap, patuloy ang pamahalaan sa pagpapaalala at pagpapatupad ng mga gabay upang ating malampasan nang sama-sama ang bantang dala ng COVID-19. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Kaisa pa rin siyempre ang mga kawani ng pamahalaan, samahan ninyo kaming muli para alamin at linawin ang mahahalagang impormasyon kaugnay sa ating paglaban sa pandemya.
SEC. ANDANAR: Ngayong umaga, isa na namang oras na siksik sa mga makabuluhang diskusyon ang aming ihahatid.
USEC. IGNACIO: Kaya naman po kasabay ng pagtutok sa ating programa ay manatili lamang po tayo sa ating mga tahanan – Ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Ako naman po si Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
USEC. IGNACIO: At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po ay makakausap natin sina National Commission for Culture and the Arts Executive Director Al Ryan Alejandre and Deputy Director Marichu Tellano.
SEC. ANDANAR: SM Supermalls Senior Vice President for Operations Mr. Bien Mateo, Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga at Chargé ‘d Affaires Raul Dado ng Embassy of the Philippines in Sweden. Makakasama rin po natin sa paghahatid ng mahahalagang impormasyon ang Philippine Broadcasting Service.
Samantala, para sa unang balita, sa pakikipag-ugnayan ni Senador Bong Go sa mga grupo ng indibidwal na walang sawang tumutulong sa pagsugpo ng COVID-19, patuloy ang pagdagsa ng mga pribadong donasyon. Kaya naman nitong Martes, nakapaghatid po ng ilang sako ng bigas, face masks at thermal scanners sa CARAGA Regional Hospital, ito po ay iniabot kina Medical Center Chief, Dr. Cheryl Gotinga, Nurse Grace Platil, Supervising Officer Attorney Clayton Delgado at Malasakit Social Worker Lou Francis Solana.
Ayon sa Senador, ang mga donasyon ay para sa mga medical frontliners at empleyado ng ospital. Aniya, patunay lamang na sa panahon ng hirap, nariyan ang maraming tao na bukas ang loob na tulungan ang mas nangangailangan. [VTR]
USEC. IGNACIO: Kaugnay naman sa pagkakaroon ng bagong departamento para sa mga overseas Filipinos, muling iginiit ni Senator Bong Go ang pagkakaroon ng Department of Overseas Filipinos sa bansa. Kahapon sa naganap na Senate hearing, ipinahayag ni Senator Go ang mga nararanasan ng mga Pilipino sa ibang bansa dala ng COVID-19 pandemic. Kaya naman upang matugunan ang pangangailangan ng OFW lalo na sa panahon ng krisis, muling iginiit ni Senator Go ang pagkakaroon ng Department of Overseas Filipinos.
Aniya, mas mapapadali ang koordinasyon ng mga ahensiya dahil iisang departamento na lamang ang tututok sa mga pangangailangan ng OFWs. Dagdag pa ng Senador, dapat na masiguro ng pamahalaan na ang lahat ng distressed OFWs sa Pilipinas man o sa ibang bansa ay mabigyan nang agarang tulong upang maprotektahan ang kanilang kapakanan. Kaya naman nanawagan si Senator Go na suportahan ang panukalang ito.
SEC. ANDANAR: Ikinatuwa naman ni Senador Bong Go ang ginanap na pilot testing ng ‘Balik Probinsya, Bagong Pag-asa’ program kahapon. Nasa isandaan at labing isang benepisyaryo ang programa. Ito ay binubuo ng walumpu’t limang pamilya na nagnanais bumalik sa Leyte. Aniya, pag-asa ang nais na maibigay sa mga Pilipino sa muling pagsisimula nila sa probinsiya at nilinaw din ng Senador na hindi ito sapilitan, ang sinumang benepisyaryo ay nagkusang magboluntaryo. Dagdag pa niya, bago pa man makabalik sa Leyte ang mga benepisyaryo ay ni-review muna ang mga dokumento nila at sumailalim sa health clearances para masigurong ligtas ang mga uuwi sa probinsiya.
Sakay ng inihandang limang bus ng DOTr at LTFRB, pinabaunan sila ng food packs, protective mask. Nagbigay rin ang Department of Agriculture ng processed agricultural products at starter kits para makapagtanim sa kanilang bakuran. Pagdating ng mga benepisyaryo sa Leyte, nakahanda rin ang mga ahensiyang magbibigay ng karagdagang ayuda at tulong para sa kanilang magiging kabuhayan: Pabahay, trabaho, edukasyon, pagkain, kalusugan at iba pa. Ayon pa sa Senador, pinili ang probinsiya ng Leyte bilang unang destinasyon dahil sila ang may pinakamataas na numero ng aplikante.
[VTR of Sen. Go]
USEC. IGNACIO: Hindi naman maitago ng ilang benepisyaryo ng ‘Balik Probinsya, Bagong Pag-asa’ program ang kanilang kasiyahan at kasabikan na muling makabalik sa kanilang probinsiya at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Para sa buong detalye, narito po ang report.
[VTR]
SEC. ANDANAR: Ngayon naman alamin natin ang kalagayan ng ating mga kababayan sa bansang Sweden, makakausap natin si Chargé d’ Affaires Raul Dado ng Embassy of the Republic of the Philippines diyan po sa Sweden. Magandang araw po sa inyo, Ambassador or Chargé d’ Affaires.
AMBASSADOR DADO: Yes, good morning, Secretary and everyone. Good morning.
SEC. ANDANAR: Sir, kumusta po ang lagay ng ating mga kababayan diyan sa Sweden?
AMBASSADOR DADO: Sir, okay naman. So far walang may sakit and that’s one very positive thing, lahat ng kababayan natin safe sila. We’re also monitoring their situation at okay naman kaming lahat dito. Thank you.
USEC. IGNACIO: Sir, may mga kababayan din ba tayong pansamantala ding nawalan ng hanapbuhay at kung mayroon paano naman natin sila tinutulungan?
AMB. DADO: Yes, ma’am, in fact this week, mayroon kaming repatriation kasi may mga kababayan tayo na nawalan ng hanapbuhay. Moreover, Iyong mga ibang clinics wala silang safety protocols, so ang ginagawa natin, is to have our nurses or health givers, to be repatriated kung ayaw na talagang magtrabaho doon sa mga unsafe clinics.
USEC. IGNACIO: Sir, mga ilan po itong posibleng ma-repatriate?
AMB. DADO: So fact, by next week, mga apat lang naman and we are asking everyone through the social media at saka mga contact natin dito sa Sweden na kapag mayroon silang problema sa mga clinics or unsafe places magsabi sa amin para matulungan natin.
USEC. IGNACIO: Sir, kasi nag-extend ang Sweden government ng entry ban para sa mga non-European economic area hanggang sa June 15. Pero paano naman po iyong mga nais na lumabas nga ng bansa?
AMB. DADO: Iyong mga repatriation naman that is under Embassy, so parang mayroong diplomatic cover naman iyon, so ina-allow naman nila iyong mga ganoong situation.
SEC. ANDANAR: Sa ngayon may mga kababayan ba tayong humihingi ng assistance para makabalik ng Pilipinas mula po diyan sa Sweden?
AMB. DADO: Yes, sir. Next week, we have 4 health givers na nagwo-work sila sa isang lugar na hindi safe, so they asked for our assistance. First of all, we have informed the Swiss government sa mga ganitong situations na hindi safe ang mga clinics and they have assured us that they will impose penalties upon those places na walang safety protocols. Nonetheless, iyong mga kababayan natin na kapag kinakabahan na, ire-repatriate na natin.
SEC. ANDANAR: Sa pagsisimula po ng Consular operations ng embahada diyan sa Sweden nito lamang May 15, anu-ano ba iyong mga exemptions patungkol dito?
AMB. DADO: Ano iyong question, by exemption?
SEC. ANDANAR: Ano po iyong limitations ng inyong operations diyan po sa inyong konsulado?
AMB. DADO: So far we have everything here, except iyong passport renewal, kasi iyong passport machine natin na stuck sa Manila dahil mayroong COVID. Pero we have counseling, we have passport extension, kapag mage-expire iyong passport, ini-extend na namin and all the contractual notarial practices na ginagawa natin, we can do that. Iyon lang, iyong passport renewal lang ang hindi tayo nakaka-renew ngayon ng passport. And that is being done by the Philippine Embassy in Oslo, Norway [unclear] naman kami dito.
USEC. IGNACIO: Sir, ano na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan diyan sa Sweden, para naman po sa mga kababayan natin na may ibang katanungan at ulitin na lang po natin iyong mga puwedeng maaari nilang makontak – ang ating embahada diyan?
AMB. DADO: We have already a Facebook page, nandoon iyong contact numbers namin, aside from the website of Philippine Embassy in Oslo, Norway. Sa amin naman nandoon iyong telephone number ko doon sa Facebook namin and we have phone counseling, so they can text anytime, they can also call me, para mapaliwanagan namin iyong mga nurse natin to protect everyone. Doon lang sa Philippine embassy in Sweden Facebook page they can see it there.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Charge De Affairs Raul Dado. Stay safe po.
CDA DADO: Thank you, ma’am and sir.
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito makakausap din natin sa programa sina National Commission for Culture and the Arts Executive Director Al Ryan Alejandre and Deputy Director Marichu Tellano. Magandang araw po sa inyo.
DIR. ALEJANDRE: Magandang umaga po, Secretary Martin and Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Ang una pong tanong ay para po kay Executive Director Al. Sa ngayon po ay marami sa mga nakagawian ng maraming Pilipino iyon pong patuloy na nababago dahil sa COVID-19. So, ano po ba ang naging malaking epekto nito sa ating kultura sa arts industry?
DIR. ALEJANDRE: Usec. Rocky, malaki po ang epekto ng COVID-19 sa cultural workers and artist po natin sa buong Pilipinas, kasi po karamihan po sa kanila free lancers po, wala pong employer-employee relationships. So sila po iyong talagang direkta po na tinatamaan nito. Based on our database around 2,650 groups po, more or less na mga 300,000-400,000 individuals po iyon na naapektuhan.
So, 19 sectors po iyong ating kini-cater po sa NCCA: May dance may music, architecture, visual arts and so on, pati iyong mga artist natin, so, kailangan natin silang matugunan at kailangan po natin silang tutukan. So napakalaki pong epekto, marami pong gigs ang nawala, marami pong events, marami pong mga activities po na nawalan po ng hanapbuhay ng ating mga cultural workers at artist.
USEC. IGNACIO: Director Al may katanungan din po ang ating kaasamahan sa media na si Samuel Medenilla ng Business Mirror. Ito po ang tanong niya: Mayroon na po kayang report ang NCCA kung ilang artist ang naapektuhan sa existing ban for leisure activities at ano kaya ang puwedeng maibigay sa kanilang tulong ng gobyerno?
DIR. ALEJANDRE: So far, ma’am, mayroon po kaming budget around 76.8 million po. Ito kine-cater natin ito around 14,520 na mga freelance cultural workers and artist po natin in 19 sectors po, iba’t-ibang sectors. Ito po iyong ating tinutulungan ngayon, ongoing po ito na ating pamimigay tulong, as I mentioned earlier, iyong ibang sectors natin na aming tinutulungan. Ongoing ngayon, Usec Rocky iyong aming pagtulong at hanggang matapos po iyong ating MECQ. So, iyong ating po, NCCA talagang tinitingnan po iyong ating sector, iyong talagang mostly affected po na walang hanapbuhay.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po for Deputy Director Marichu, ma’am. Ang tanong po galing kay Joseph Morong: Is the NCCA aware of the predicament of companies such as those under the CCP? What will you do to keep them afloat and avoid shutting down, even if ballet Philippines has ceased operations?
DIR. TELLANO: Sa ngayon, sa kinuwento kanina ni sir Al Ryan, nag-uumpisa kami, nagpo-provide ng cash assistance as of now. Pero I think the dialogue with the Cultural Center of the Philippines at saka sa iba-ibang grupo nasa ilalim po nila na mga resident company, kasi ang aming chairman, siya din po ng Presidente ng CCP. So, siguro sa ngayon, pag-uusapan talaga ng NCCA at CCP kung ano ang mangyayari dito sa mga different performing arts companies.
SEC. ANDANAR: Nagkaroon po ng cash assistance program ang NCCA, National Committee on Communication para sa mga kababayang nating naapektuhan ang kanilang ikinabubuhay, ilan na po ang beneficiaries na nakatanggap nito?
DIR. ALEJANDRE: Sec. Martin maayong buntag sa imoha. Ito po, mayroon tayong budget diyan na three million, so almost 600 po iyong ating bibigyang tulong sa ating sector sa Committee on Communication. So, right now ongoing siya and ang ating deadline niyan is May 24 po sa ating committee on communication po.
SEC. ANDANAR: For Deputy Director Marichu, Ma’am hindi pa natin natitiyak kung kailan matatapos ang ating laban sa nakamamatay na sakit na ito, anong mga pagbabagong dapat asahan ng ating mga kababayan?
DIR. TELLANO: Definitely ang dami, kasi halos karamihan ng mga proyekto ng NCCA talagang nag-i-involve ng malakihang gatherings, face to face interaction; kung sa workshops man ito, sa festivals or performances, talagang lahat ito ay bawal sa sitwasyon natin ngayon. So, ang pinag-aralan ngayon ng NCCA ay kung paano natin hanapan ng panibagong platform at maitutuloy pa rin iyong mga plano ng NCCA. Sa ngayon nag-uumpisa na actually iyong mga programs that we are bringing on the online platforms, like iyong ating heritage month na ongoing siya dahil ngayong Mayo nga po iyan. So ang lahat ng mga activities natin na ginawa dito, supposed to be gaganapin in public spaces, ay ginagawa natin online.
After siguro nitong aming programa ng cash assistance, nandoon na kami sa pag-rehash o pag-redesign doon sa iba-ibang mga programa ng NCCA, paano siya maitutuloy, at the same paano siya magiging source ng assistance din sa ating mga artists na nawalan din ng trabaho ngayong pandemic.
USEC. IGNACIO: Ano naman po iyong mga nakahanda ninyong plano para sa pagpapatuloy po ng mga programa ng NCCA para sa taong 2020?
DEPUTY DIRECTOR TELLANO: Nag-umpisa na po iyong plano ng bawat—kanina, na-mention ni Sir Al Ryan na mayroon po kaming 19 sectors. So magla-launch na sila ng consultation at planning sa iba-ibang sektor, papaano nga ito ma-transform into the platform especially sa online. Pero isa sa malaking plano namin ay ang pagbigay ng mga orientations and seminars or re-tooling sa ating mga artists and cultural workers, paano mai-transform nila ang kanilang mga programa na supposed to be in public and involving the public. So nagku-contact kami ng mga experts on helping our artists, ma-digitized iyong mga programa nila – be it on education, performances and festival. Siguro towards June, magkakaroon na ng mga series of consultations para nga ano iyong gagawin sa mga naiwan na programa for 2020.
SEC. ANDANAR: Gaano po kalaki ang epekto ng digital platforms sa pagpatuloy ng mga aktibidad sa kabila ng guidelines na ipinatutupad ng bansa gaya ang physical distancing at mass gathering as far as your Commission is concerned?
DEPUTY DIRECTOR TELLANO: Actually, ang digital platforms really nagiging ano siya ‘no, alternatibo sa paggawa o sa pagpatuloy ng mga programa ng NCCA. Iyon na nga lang, ang challenge talaga ay mabigyan ng capacity ang ating mga cultural educators, mga cultural workers at saka artists, paano ito gagamitin na ma-access din ng ating public dahil isa talaga sa programa ng NCCA ay ang pag-promote ng ating kultura at ng ating mga sining. And yet, we want na ang ating mga artists ay maging handa sila sa paggamit nitong digital platform.
And siguro, kailangan din talagang palakasin iyong access nila, ng ating mga artists dito sa mga platforms na available para sa atin. Maganda din siyang opportunity dahil marami sa ating mga kababayan ngayon ay nakatutok sa social media, sa internet, sa cyberspace kaya nag-open din siya ng malakihang oportunidad para sa ating mga artists.
SEC. ANDANAR: Executive Director Al, ngayong Mayo ay National Heritage Month, mayroon po ba kayong programa na inihanda para mapanatili ang sigla ng kultura at arts sa kabila po ng pandemya?
EXECUTIVE DIRECTOR ALEJANDRE: Padayon gihapon, Secretary Martin. Tuluy-tuloy pa rin iyong ating programa sa NCCA ‘no, hindi po tayo hihinto ‘no. Katunayan, ngayong May 22, online na po ang ginagamit natin sa ating heritage event natin ‘no, festival. May 22, mayroon tayong Kwerdas ‘no, Kasaysayan sa Pag-unlad ng Rondalya sa Pilipinas; and May 28, mayroon tayong Kuwentuhang Pamana, online din iyan and iyong topic natin diyan iyong mga cultural mapping, NCCA programs in time of pandemic, ano ang ating mga programa; And sa May 29 po, iyong ating That Thing Called Pamana Part 2, para sa ating youth heritage advocates naman ito. So mayroon tayong mga resource experts po doon, ini-invite po natin sila; and sa May 30, mayroon po tayong another event po sa ating Pamana ng Pilipino.
So, Secretary Martin, kahit na mayroon tayong pandemic ngayon, iyong ating ahensiya ng NCCA po, as I’ve said earlier, patuloy po nating itataguyod iyong mga programa natin in a different platform lang siguro, iyong sa mga online. Sinasabi ni Deputy Executive Director Marichu kanina eh bawal na po iyong mga mass gathering, iyong mga malakihang activity. So, i-re-tool lang namin, ayusin namin kung paano namin, again, ma-preserve at talagang mabigay iyong ating mga programa sa ating mga cultural workers and artists sa buong Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. Director Al and Ms. Marichu, iyong huli na lamang pong mensahe sa mga artists po na apektado ng krisis – unahin po natin si Director Al.
EXECUTIVE DIRECTOR ALEJANDRE: Well, again, mayroon tayong cash assistance program sa ating agency. Please, coordinate na lang po sa mga committees natin, nasa Facebook Page po namin iyong mga details po ng mga detalye, ano iyong mga kailangan na mga requirements para you can avail sa ating cash assistance program.
And also we’d like to thank DOLE, kay Secretary Bello, for helping us out ‘no na mayroon din kaming programa sa mga cultural workers. As of now, nakabigay na po tayo, with the partnership ng DOLE, ‘no around mga 400 people na po at sa mga 1.5 million na po iyong tulong ng DOLE sa atin, so tuluy-tuloy pa rin iyong ating programa. As I have said earlier, iyong ating mga grants po, siguro ayusin lang natin, iyong pag-go on online. And request po namin, I heard the privilege speech kahapon ni Congressman [unclear] sa Congress na tulungan natin iyong ating cultural workers and artists. Sana po ay madagdagan iyong budget natin for the supplemental budget para sa tulong ng ating mga cultural workers and artists. Iyon po ang isinusulong ngayon ng cultural bloc ng Congress na hindi po kami maiiwanan, iyong ating mga freelance workers po. Magandan umaga…
USEC. IGNACIO: Okay. Ms. Marichu?
DEPUTY DIRECTOR TELLANO: Yes, Usec. Rocky, siguro ang aming ano lang ay ang NCCA ay hindi tumitigil sa paggawa ng pamamaraan para patuloy kaming makatulong sa sektor. Iniisip din po namin na magkakaroon ng partnership para sa pagkakaroon ng online market place kung saan pupuwedeng mag-promote ang isang artist ng kaniyang kakayahan na puwede rin siyang ma-access ng ating mga kababayan or even in the international arena or market.
So iyon lang siguro, talagang salamat din sa opportunity na ito na naibigay ninyo sa NCCA na maipaliwanag iyong mga programa na inu-offer ng NCCA. And sana magtulungan tayo dito, hindi madali ito; it came to us in a surprise. Kaya lahat ng … kinakapa po natin kung ano talaga ang mga puwedeng maitulong natin sa sektor. So ganoon lang at salamat po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon na inilaan ninyo sa aming programa, NCCA Executive Director Al Ryan Alejandre and Deputy Director Marichu Tellano.
Ngayon naman po ay makakausap natin si SM Supermall Senior Vice President for Operations, Mr. Bien Mateo. Magandang araw po.
MR. MATEO: Magandang araw po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Okay. Kasama rin po natin sir, si Secretary Martin Andanar…
Sa pagharap po ng bansa sa krisis na dulot ng COVID-19, isa po ang SM malls sa hindi po muna pinayagan magbukas in full capacity. Gaano po kalaki ang naging epekto nito sa kita ninyo, at papaano ninyo po tinutulungan iyong inyong mga empleyado?
MR. MATEO: Well, lahat po apektado rito ano… Bukod po sa SM Supermalls, iyon pong aming over twenty-five thousand na mga tenants ay heavily affected but of course, sa pagtulong ng SM Supermalls sa aming mga tenants during the lockdown talaga pong winaive namin lahat ng rentals at lahat ng other charges na kanilang dapat bayaran sa mga mall. So, napakalaki po ng epekto nito sa buong industriya.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, mayroon lang po tayong katanungan sa ating mga kasamahan. Kay Arianne Meneres ng ABS-CBN: How does SM plan to define the new normal in terms of malling and shopping for Filipinos?
MR. MATEO: Alam po ninyo, ito pong new normal ay sinimulan na nating ipatupad sa lahat ng SM Supermalls. Ibig sabihin po, ito ay magiging responsibilidad ng lahat hindi lang po ng establisyemento but pati mo iyong mga customers na dapat mag-practice ng tinatawag naming social distancing or safe distancing. Pagpasok pa lang sa mall kailangan na nila pong tumapak doon sa aming disinfectant [SIGNAL FADES] ng temperature at saka po mag-disinfect ng alcohol.
Isa pa sa mall mayroon din pong mga patakaran na ipinatutupad ang SM. So, iyong one-way traffic na tinatawag, so keep to the right when you walk. May mga arrows po kami sa mga floors para i-guide po ang ating mga customers. Mayroon pong mga signages pati po sa mga escalator na dapat every other step or every two steps ang distance nila. Pagdating naman sa mga elevator, ang currently po na patakaran namin ay puro PWD, senior citizens or iyong may mga pregnant women lang po ang pupuwedeng sumakay at very, very limited po ang dapat maisakay. So, marami pa po, pati po sa pagpila sa mga cashiers, so dapat po i-practice ang tinatawag nating safe distancing
SEC. ANDANAR: May 16, 2020, isinailalim na ang NCR sa Modified Community Quarantine at General Community [SIGNAL FADES] sa [SIGNAL FADES] sa bansa kaya naman po karamihan sa mga establisyemento ng [SIGNAL FADES] ay pinapayagan na magbukas. Ano po ang iba pang paghahanda na ginagawa po ninyo, paano po ninyo nasisiguro na ligtas ang ating mga consumers at empleyado na papasok po sa loob ng [SIGNAL FADES]?
MR. MATEO: Unang-una po, lahat po ng mga empleyado ng SM Supermalls ay pinapadaan po namin sa tinatawag na rapid test, alinsunod na rin po sa panawagan ng gobyerno at mga local governments sa mga kumpanya. So, iyon po ay aming ipinatutupad sa ngayon.
Aside from that, iyong tinatawag po naming disinfection ng aming perimeter noong aming mga malls at iyong mga high touch points sa mga malls iyan po ay dini-disinfect every thirty minutes. Ang mga comfort room po ngayon ay laging mayroong sabon na, pino-promote rin po namin iyong frequent hand washing.
So even po sa mga security guards at mga janitors namin talaga pong required sa kanila ang dumaan sa safety and health protocols bago po sila ma-deploy sa mga SM malls at cinircularize po namin sa lahat ng aming mga tenants na pinayagang magbukas na kailangan ang kanilang mga empleyado ay dumaan sa tamang protocol also bago sila makapag-report. So, lahat sila ay kailangang sumunod sa protocol, lahat sila ay ni-require ng SM na magkaroon din ng tinatawag na health protocols sa kanilang mga kanya-kanyang mga tindahan. So, ito po ay aming ipinatutupad sa lahat ng SM malls.
USEC. IGNACIO: May tanong lang po iyong isang kasama natin, si Joseph Morong ng GMA 7. Ang sabi po niya, paano daw po iyong mga seniors who need their glasses, eh sabi bawal po silang pumasok. Puwede ba daw pong payagan kapag essential po?
MR. MATEO: Pinapayagan po naman iyan kapag essentials, so nagpapasalamat rin po kami sa pamunuan ng mga local government at PNP dahil patuloy nila kaming ginagabayan. So, nagpupunta sila sa mga malls namin at ginagabayan kami kung sino iyong mga dapat lang papasukin sa mga malls. At binibigyan po ng konsiderasyon ang ating mga senior citizen na nagsabi na kailangan nilang bumili ng kanilang essentials; at salamin sa mata po ay isa na po diyan.
USEC. IGNACIO: Okay. Isa po sa mga guidelines na inilabas ng IATF ay iyon pong paglimita sa mga taong papasok sa loob ng building o establishments, ibig sabihin, kasama na rin po rito iyong mga empleyado. Ano po ang hakbang na ginagawa ninyo para naman po masiguro na walang empleyado ninyo ang mawawalan ng trabaho sa gitna po ng pandemyang ito?
MR. MATEO: Currently po ang pinayagan lang po kami na mag-deploy ng kalahati ng aming headcount, so iyan po ay sinusunod namin. At iyong kalahati naman po ay different work schedules, so papalit-palit po sila or iyong tinatawag natin na work from home, so pinayagan po namin sila ng ganiyan.
Kahit ganyan naman po iyong ating sitwasyon ay nangako ang SM Supermalls na patuloy nilang matatanggap nang buo ng kanilang mga suweldo.
USEC. IGNACIO: Mayroon lang tanong ang ating kasamahan na si Joyce Balancio ng Teleradyo ng ABS-CBN. May program po ba ang SM for new forms/mode of shopping to limit number of people coming to malls?
MR. MATEO: Mayroon po. Iyan po ngayon ay ipinatutupad sa ating mga entrances. Tulad po ng gabay sa amin ng DTI, isang customer bawat dalawang square meter ang pupuwede lang payagan. But doon po sa mga high traffic areas namin katulad ng mga supermarket, iyung mga hardware, iyung mga botika, iyan po ay mas mino-monitor namin nang mas mahigpit.
So, talagang kino-control po namin iyong mga tao na papasok diyan to make sure na talagang hindi maba-violate iyong social distancing at saka iyong DTI regulation na one person per two square meter.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, isa rin po sa ikinagulat ng taumbayan ang ‘di umano’y kumalat na litrato sa social media patungkol daw po sa pagdagsa ng mga tao sa isa sa mga establishment ninyo. Maaari ninyo ba kaming bigyan ng kaliwanagan, totoo po ba ito?
MR. MATEO: Alam po ninyo, kapag pumunta po kayo sa SM makikita ninyo sumusunod naman po ang mga tao sa mga social distancing na tinatawag. Pero aaminin po natin, mayroon pagkakataon na nakakalimot po iyong mga customer. Pagpasok nila ng mall nakakalimot sila sa tinatawag nating safe distancing at kaya naman po naroon ang mga dineploy ng SM na tinatawag naming ‘safety protocol officers,’ upang paalalahanan sila na dapat sumunod sa ipinatutupad natin na safe distancing.
So, mayroon rin naman pong nag-u-upload ng mga photo, kukuhanan nila nila iyong pila sa harapan or kaya sa likod, hindi naman naipapakita po ang tamang social distancing. Sa litrato lang po iyon pero kapag tiningnan po inyo sa gilid ay makikita naman po ninyo na talagang pina-practice nila iyong tamang social distancing.
USEC. IGNACIO: Salamat po sa pagpapaliwanag. Mayroon po ba kayong mensahe o payo sa ating taumbayan sa kanilang new normal na pamimili?
MR. MATEO: Para sa atin pong mga kababayan: ang new normal po ngayon ay responsibilidad po ng lahat. Hindi lang po ito para sa gobyerno, hindi lang po ito sa establisyemento but ang ating kalusugan ay responsibilidad po ng lahat at ito ay magsisimula sa atin.
Nakikiusap po kami na kapag pupunta po kayo sa ating mga shopping malls ay i-practice po natin ang mga patakaran tulad ng safe distancing at kung mamimili po kayo, bilhin na po natin agad ang ating mga kailangan at bumalik po tayo sa ating mga bahay.
Ang malls po namin ngayon ay sumunsunod sa twenty-six degrees centigrade na air conditioning, so hindi po ganoon kalamigan at wala po kaming Wi-Fi ngayon, free Wi-Fi dahil ito po ay utos ng ating pamahalaan.
Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Mr. Bien Mateo, SM Senior Vice President for Operations.
Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling tala ng Department of Health patungkol sa COVID-19.
As of May 20, 2020, 4P.M., umabot na po sa 13,221 ang naitalang kumpirmadong tinamaan ng naturang virus; 842 ang bilang ng mga nasawi ngunit nagpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling na pumalo na sa 2,932.
Kaya naman hindi kami magsasawang ipaalala sa lahat ang physical distancing at palagiang paghuhugas ng kamay. Makiisa sa mga protocols na ipinatutupad ng mga otoridad at hanggang maaari huwag po tayong lumabas ng bahay.
Sabi nga ng ating mga frontliners, we stay at work for you so please stay at home for us. Bahay muna, buhay muna.
Samantala, nitong nakalipas pong mga araw ay nakakatanggap ang ating mga kababayan ng bill sa kanilang mga kuryente. Kaya sa pagkakataong ito ay makakasama po natin ang tagapagsalita ng Meralco na si Ginoong Joe Zaldarriaga. Magandang araw po.
Sir, hindi ko po kayo—opo, naririnig ninyo ako, Sir Joe? Ipaayos na lang po natin iyong ating linya ng komunikasyon. Kasi sa mga panahong ito, marami po tayong mga natatanggap na reklamo tungkol po sa mataas na bill ng kanilang Meralco. Pero babalikan po natin si Mr. Joe Zaldarriaga.
Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin mula sa Philippine Broadcasting Service, si Czarinah Lusuegro.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat Czarinah Lusuegro. Samantala balikan na po natin sa linya ng telepono si Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga. Magandang araw po ulit, sir.
MR. ZALDARRIAGA: Magandang araw sa iyo Usec. Rocky, Secretary Martin at sa inyong mga tagapanood, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, marami pong umaray sa mataas na billing statement na natanggap ng ating mga kababayan. Nabanggit ninyo dito sa Public Briefing noong nakaraang mga buwan po na ibabatay muna sa average consumption nang nakaraang tatlong buwan ng bill na matatanggap nila – so, paano po iyong tamang computation nito para po maliwanagan ang ating mga kababayan, sir?
MR. ZALDARRIAGA: Well, naiintindihan po namin iyong hinaing ng ating mga customers at iyong kanilang mga mungkahi sa atin and nakakarating nga po ito sa amin. At nais po muna namin sabihin na makakasiguro po sila na ang babayaran lang po nila ay iyon lang pong kinonsumo. Mayroon po tayong tried and tested na sistema sa pagbabasa ng metro na matagal na po nating ginagawa at in all aspects ay unprecedented naman po din ang nangyari in the last few months sa ating operation simula po nang nagkaroon ng enhanced community quarantine.
Kung atin pong babalikan, sumailalim po tayo sa ECQ noong March 16 kaya nag-stop muna po iyong operations ng ating mga meter readers. Pero nitong Mayo, unang lingo ng Mayo ay nakapagbasa na po iyong ating mga meter readers kaya nakuha na po nila iyong actual consumption from the time the meter reading stopped in February. Ang mapapayo ko lamang po, siguro hintayin lang nila iyong magiging aktuwal na konsumo nila batay doon sa meter reading at kung may mga bago pa pong magiging anunsiyo, antabayanan din po nila iyan.
Kami po ay patuloy na nakikipagtulungan sa Department of Energy at ganoon din po sa Energy Regulatory Commission para maibigay iyong pinakamadaling option sa atin pong mga kababayan at customers.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ulitin ko lang po, so iyong natanggap pong bill ngayon sa Meralco ng ating mga kababayan, hindi po muna kailangang bayaran ito. Pero in case po, hindi po sila mapuputulan ng kuryente?
MR. ZALDARRIAGA: Oo. Iyong estimated billing kasi, Usec. Rocky, iyon ay batay lang sa estimated consumption na aming pinatupad ano. Pero nitong Mayo, naglabas na po kami ng bagong bill kung saan nakapaloob na iyong actual meter read. Pero malayo pa ho iyong naturang due date at ganoon din po, masasama naman sa installment process iyong March at April. At the same time, siguro antabayanan muna iyong—if there is further adjustment on our end. But rest assured, kung ano lang po iyong kailangan nilang bayaran batay sa kanilang aktuwal na konsumo, iyon lang po ang ating ipapatupad at nang sa ganoon hindi rin masyadong maging mahirap itong sitwasyon sa pagbabayad ng kuryente ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Kasama rin po natin, Sir Joe, si Secretary Martin. Pero ito po iyong sunod nating tanong: May mga bill daw po na mula March 16 hanggang 31st ay nagsimula na nga pong matanggap nitong May 2. Saan daw po sila puwedeng magbayad at paano po ang proseso ng pagbabayad nila gayung medyo may kataasan nga daw po iyong bill at nasa gitna pa rin po tayo ng krisis?
MR. ZALDARRIAGA: Well, tulad nga ng sinabi ko, USec. Rocky, iyong mga estimated billings pupuwedeng itabi muna nila siguro iyan. Hintayin nila ang magiging aktuwal na meter-read na may konsumo na po. Ibig sabihin, nakapaloob na po doon kung ano ho iyong actual consumption nila.
Iyon pong estimated lamang siguro huwag po muna nating—itabi po muna natin, huwag po muna natin masyadong pagtuunan ng pansin dahil ang importante po ay makuha po ng ating mga kababayan iyong actual na kanilang nakonsumo.
At iyan naman po ay paparating at mayroon din sa mga ibang na natanggap na nila at gusto ko lang po sabihin just in case po magkakaroon ng additional announcements, agad po nating ipapaalam iyan. Ang importante, hindi po kami mag-i-effect ng kahit na anong disconnection from now—actually, from the start of the ECQ hanggang ho hindi matapos itong ating Modified ECQ which is (May) 31. So, makakaasa sila, antabayanan po nila, mayroon tayo sigurong mga additional guidelines na ilalabas pretty soon at nang sa ganoon ay mabigyan sila ng guidance.
USEC. IGNACIO: Okay. Sir, sakali pong may katanungan ang ating mga kababayan kaugnay sa kanilang electric bills, saan po sila maaaring lumapit, sir Joe?
MR. ZALDARRIAGA: Well, USec. Rocky, bukas na po ang ating mga business centers simula po noong May 7. Maaari po silang sumangguni doon. Ang atin pong hotline/telepono bilang 16211, puwede rin po nilang tawagan ang ating call center. Maaari din po through our social media platforms, @meralco sa Twitter at mayroon din po kaming Facebook account.
So, lahat po ng posibleng channels na maaari po nilang iparating ang kanilang concerns ay amin pong sasagutin.
Salamat po.
USEC. IGNACIO: Sir Joe, ano na lang po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan ngayong nasa gitna po tayo ng pandemiya?
MR. ZALDARRIAGA: Yes. Ang una-una po naming gusto naming iparating, USec. Rocky ay patuloy na siguruhin that we will keep their lights on, ibig sabihin patuloy nating ibibigay ang serbisyo ng kuryente sa kanilang mga kabahayan. Huwag muna po nilang isipin iyong ukol sa disconnection, wala pong disconnection na magaganap ngayong ECQ period
Doon naman po sa billing, marami po kaming impormasyon na inilabas pero posible din po na maaaring mayroon pang bagong guidelines kaming ipatupad. Doon sa mga estimated billing, medyo itabi po muna natin iyon, ang gusto po natin ay mabaya—ang inyo na lang i-settle ay iyon pong actual na inyong nakonsumo batay po doon sa mababasa sa inyong metro para masiguro natin na iyon lang pong dapat bayaran ang bayaran.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong mga paliwanag at siyempre sa inyong panahon, Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga. Salamat po, sir.
SEC. ANDANAR: News naman tayo, Rocky. Para sa ating mga kababayan na tricycle driver, nag-alok ng programa ang JoyRide PH at happymovePH sa mga LGUs na makakatulong para sa mga naapektuhan ng pandemya.
Ang detalye sa report ni Joey Gilas.
USEC. IGNACIO: At iyan po ang aming mga nakalap na impormasyon. Maraming salamat po sa pagsama sa amin ngayong araw at siyempre sa mga nakausap natin sa kanilang oras na inilaan para sa programa.
Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!
SEC. ANDANAR: Mga kababayan, asahan ninyo po na patuloy kaming maglilingkod para sa bayan, tandaan ngayong panahon ng krisis ay mahalaga ang makiisa at makialam sa mga programa ng pamahalaan.
USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
SEC. ANDANAR: Sa ating pagbabayanihan, malalampasan natin ang pagsubok na ito. Together, we heal as one.
Muli, ako po si Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si USec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Magkita-kita tayo muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)