Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Melo del Prado and Joel Zobel – DZBB


DEL PRADO:  Secretary Roque, magandang umaga po.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Joel. Magandang umaga, Pilipinas.

DEL PRADO:  Okay. Si Melo din po ito.

SEC. ROQUE:   Ay si Melo pala! Melo, how are you?

ZOBEL:  Good morning, Secretary.

DEL PRADO:  Secretary, sinibak daw po si Deputy Administrator ng Office of Civil Defense Kristoffer James Purisima. Kumpirmado po ba ito, Secretary?

SEC. ROQUE:  Kumpirmado po iyan for loss of trust and confidence.

DEL PRADO:  Iyon lang po ba, walang ibang underlying na mga dahilan po, Secretary?

SEC. ROQUE:  Hindi rin po ako binigyan ng detalye. Pero ang request po na ianunsyo ay nanggaling po sa ating Presidente.

DEL PRADO:  Opo, may kapalit na po ba ito, Secretary?

SEC. ROQUE:  Wala pa pong kapalit.

DEL PRADO:  Wala pa, okay. So ano ho ba ang sitwasyon sa Office of Civil Defense sa ngayon?

SEC. ROQUE:  Well, okay naman po dahil nandiyan naman po si Undersecretary Jalad bilang pinuno po ng opisina na iyan at patuloy naman po ang aktibidades ng opisinang iyan, hindi lamang para tulungan ang mga nasalanta ng bagyo kung hindi tumulong din dito sa sagot ng gobyerno dito sa COVID-19.

DEL PRADO:  Opo, so wala tayong problema sa kabuuan sa Office of Civil Defense, may problema lang tayo sa isang tao sa OCD?

SEC. ROQUE:  Well, hindi ko po alam ang detalye pero loss of trust and confidence po ang sinabi.

DEL PRADO:  Mayroon pa daw pong isa—teka, iyong ikalawa po, may sinasabing mayroon pa daw sisibakin o nasibak na po ba, Secretary?

SEC. ROQUE:  Hindi naman po sibak. Iyong isa po ay inaantay ko lang kung sino ang kapalit, pero ito po ay matagal nang nag-resign at ang resignation niya ay irrevocable. Tinitingnan ko lang po kung lumabas na ang papel ng kapalit dahil itong isa po ay mayroon namang kapalit dahil matagal na nga siya na nagnanais na magretiro na sa gobyerno.

DEL PRADO:  So, hindi ito tinatanggal—

SEC. ROQUE:  Hindi po.

DEL PRADO:  Talagang gusto lang niyang umalis na po ano po?

SEC. ROQUE:  Opo, inaantay ko lamang ang papel kung sino na iyong kapalit dahil alam kong mayroon nang kapalit hindi ko lang pong gustong ianunsyo nang hindi pa lumalabas iyong papel.

DEL PRADO:  Okay. Sige po, Secretary, salamat po sa panahon at sa impormasyon na ito. Magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga po.

 

##

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)