URI: Nasa linya na natin si Secretary Martin Andanar, ang Presidential Communications Operations Office Secretary. Una siguro, alamin din natin ang reaksiyon ng PCOO at ng kaniyang tanggapan bilang PCOO Secretary dito sa naging hatol kay Maria Ressa dahil ito ay borne out of communications pa rin. Kasi nga ang akusasyon sa kanya ay nag-publish sila ng mali. Ni-rectify, pero ni-republish, mali pa rin! Kaya ito ngayon ang nangyari, may cyberlibel case at nahatulan ng korte.
Secretary Martin, magandang umaga po sa inyo.
SEC. ANDANAR: Good morning sa inyong dalawa, mabuhay kayong dalawa. Sa mga nakikinig sa DZRH, good morning. Patungkol doon sa hatol kay Maria Ressa at iyong isang kasamahan niya sa Rappler, ito ay ipauubaya ko na lang po sa mga kuwento kay Mr. Keng dahil siya naman iyong nag-file ng kasong ito and I am sure that this will also be asked kay Spokesperson Harry Roque mamaya.
URI: Oho. Pero iyon lang, kung puwede lang kayong mahingan ng isang statement. Kasi may mga lumalabas na ito daw ay pagsikil na naman sa press freedom, ito daw ay dahil sa ang Rappler ay kilalang kalaban ng Duterte administration. How will you take it, Mr. Secretary?
SEC. ANDANAR: Again itong kaso na ito ay kaso ng isang indibidwal, si Mr. Keng na, you know, eh i-finile (file) niya against Rappler, against Maria Ressa. Wala naman itong koneksiyon sa gobyerno, wala naman itong koneksiyon sa Presidential Communications Operations Office o maging ng administrasyon ni Presidente Duterte. This was filed in court, alam naman natin pagdating sa korte ay it is another independent co-equal branch of government, so hayaan natin ang korte sa kanilang desisyon: Dahil rerespetuhin natin ang desisyon ng korte; maging ang desisyon din ng iba pang mga co-equal branch of government.
Uulitin ko, kung mayroon mang dapat ditong magbigay ng reaksiyon ay dapat si Mr. Keng na siyang nag-file ng kasong ito kay Maria Ressa at kasamahan nito sa Rappler.
URI: So iyon hong mga nag-iisip na baka may kamay dito ang administrasyon, anong masasabi ninyo doon?
SEC. ANDANAR: Ganoon din, ganoon din ang masasabi ko sa kanila na siguro ay tingnan nila, basahin nila iyong buong kaso at saka iyong merits ng kaso, basahin nila kung anong naging desisyon ng korte. I think this is a decision that has more than 30 pages or more than 40 pages, basahin ninyo kung ano iyong naging basehan ng korte. The courts in the Philippines are independent, co-equal branch of government nga ang ating Judiciary, so mayroon silang sarili at independent nilang pag-iisip.
URI: All right. Isa rin sa dahilan kaya kami napatawag sa inyo, I think you’re now the spokesperson of Balik Probinsya, Secretary Martin ano ho?
SEC. ANDANAR: Yes, sir. Ang Presidential Communications Operations Office ang naitalagang head nitong communications ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa program na pansamantalang suspendido kasi kailangan nating—
URI: Iyon na nga, ano ba talaga ang totoo? Kasi ang lumalabas sa ibang mga balita, ang ginamit na word ay ‘suspended’. Kapag sinabi ho bang suspended, tama ho ba iyong pagkakagamit o may iba pa pong dapat ay maintindihan iyong ating mga kababayan?
SEC. ANDANAR: Ito ay pansamantalang suspendido, so temporarily suspended hangga’t sa naihahatid na lahat ng mga Locally Stranded Individuals – mga estudyante; mga OFWs; mga iba pang manggagawa – maihatid na sila sa pamamagitan ng Hatid Tulong Program ng administrasyon. So unahin muna natin iyon, once na naihatid na, then that’s the time that we will again, continue our Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program para walang kalituhan at para din mabigyan ng priority iyong mga talagang gusto nang umuwi. Eh napakadami nila na gusto nang umuwi sa kani-kanilang mga lalawigan.
URI: Uhum. So ang sinasabi po ninyo, inuuna lang iyong mga OFW under the Hatid Tulong? Hatid Tulong is different from Balik Probinsiya?
SEC. ANDANAR: Oo, iba po. Yes, tama po, iba po iyon. Hatid Tulong is basically the service na ibinibigay ng gobyerno sa ating mga kababayan na gustong umuwi, hindi lang OFW, kahit iba pang mga manggagawa o mga locally stranded individuals – iyong mga estudyante, iyong mga gustong umuwi.
Lahat! Lahat ng mga Pilipinong gustong umuwi ng lalawigan eh, mayroon tayong Hatid Tulong Program. So, ihahatid muna sila, once na maihatid na sila that’s the time that we will announce kung kailan mag-ii-start ulit itong ating Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program dahil kung matatandaan ninyo, mayroon na tayong isang batch na ipinadala tapos mayroon na sanang second batch na handa na sanang ipadala pero iyan ay suspendido muna pansamantala para bigyang-daan nga itong Hatid Tulong.
URI: MISSY, you have a question.
HISTA: Yes. I’m just curious po, paano po ba mag-apply doon sa Hatid Tulong, kasi baka may mga kababayan tayo na hindi pa nila alam kung paano nga ba ang gagawin eh, gusto na nilang umuwi?
SEC. ANDANAR: Yes, ma’am! Magandang tanong po iyan. Ang pinakamagandang gawin po sa Hatid Tulong ay:
- Either you go to the DOTr – Department of Transportation – sa kanilang website o sa kanilang tanggapan;
- Puwede rin kayong dumiretso sa DILG, dahil ituturo din kayo ng DILG kung saan puwedeng mag-ano… mag-apply nitong ating Hatid Tulong Program;
- Ang tanggapan po ni Sec. Carlito Galvez, ito pong sa OPAPP, kasi siya po iyong in charge, siya po ang nag-i-implement nitong lahat.
URI: Okay. Iyong target beneficiaries ng Hatid Tulong ho, iyong mga stranded, iyong mga naipit ng COVID-19 na taga probinsiya o may probinsiyang babalikan pero narito sa Manila, hindi nakauwi, walang masakyan, walang pamasahe, wala lahat, iyong mga stranded na iyan iyon muna ang inuuna kaya pansamantalang nasuspendido iyon hong Balik Probinsiya?
SEC. ANDANAR: Tama po, tama po. Actually, hindi lang Manila eh, may mga stranded sa Cebu, stranded sa Cagayan de Oro, stranded sa Davao. Kung saan ka stranded ay tutulungan ka ng gobyerno na makauwi ka sa probinsiya mo.
URI: Susugan ko lang iyong tanong ni MISSY. Ano ba ang pagkakaiba sa target ng Hatid Tulong at saka Balik Probinsiya? Sino ang main target ng Balik Probinsiya?
SEC. ANDANAR: Maganda… magandang tanong iyan. Iyong Balik Probinsiya, ito iyong mga kababayan natin na nais ng bumalik ng probinsiya para magbagong-buhay, para maghanap ng bagong buhay, para maghanap ng bagong opportunity.
Kasi mayroon namang katulad natin na halimbawa, gusto nating umuwi ng ating lalawigan, Henry, pero ang trabaho natin sa Manila, babalik pa rin tayo ng Maynila. Ito, talagang iyong mga gusto nang umuwi kasi kapag uuwi ka, lahat ng benepisyo ng gobyerno under the Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program, ibibigay sa iyo.
Halimbawa, housing – bibigyan ka ng housing; kung gusto mong maging magasaka – bibigyan ka ng lupa, hahanapan ka ng probinsiya na may lupa, bibigyan ka ng DAR tapos bibigyan ka ng tulong ng Department of Agriculture.
Kung gusto mo naman ay ibang mga hanapbuhay, bibigyan ka ng DOLE. Hahanapan ka ng DOLE ng lalawigan na mayroong trabaho para sa iyo. Kung wala ka namang skill sa trabaho na iyon ay bibigyan ka ng training ng TESDA para ikaw ay ma-equip ng necessary skill para simulan iyong bagong buhay mo na mayroon ding kaakibat na bagong trabaho. So ganoong po iyon.
URI: Okay. Halimbawa, partner ganito: Mag-asawa, may dalawang anak, nangungupahan dito sa area ng Pasay. Ang kanilang ikinabubuhay ay nagtitinda ng fishball si mister, naglalabada si misis. Ngayon, mayroon silang dalawang anak na elementarya, okay? Pero napakinggan nila iyong Balik Probinsiya, gusto na nilang umuwi sa kanilang probinsiya sa Bicol, Secretary ano ho. Okay… So, anong first step na gagawin nilang mag-asawa para maka-avail dito?
SEC. ANDANAR: Ang pinakaunang step, dumiretso ka sa balikprobinsiya.ph na website. I-check mo doon sa balikprobinsiya.ph website, mayroon doong mga procedures kung papaano mag-apply ng Balik Probinsiya Program. Magpapalista ka doon tapos iproproseso iyong listahan na iyon, iyong pangalan, tapos tatawagan ka ngayon ng Balik Probinsiya Secretariat sa pangunguna ni Exec. Dir., NHA General Manager Jun Escalada.
So, kapag tinawagan ka, iproproseso na. Doon ka na, bibigyan ka na ng:
- Choices kung saan mo gustong umuwi o kung saan mo gustong magbalik probinsiya;
- Bibigyan ka ng guide, instructions kung anong dapat mong gawin.
So, iyon po ang mangyayari diyan. Malalaman mo sa pamamagitan noon kung saang probinsiya mo gusto, kung anong training ang available, kung anong lupa ang available kung gusto mong maging magsasaka.
So, iyon ang gagawin mo, balikprobinsiya.ph
PART 3 – SEC. ANDANAR/JUNE 15, 2020
URI: Okay. Secretary, papaano raw po kung iyong iba ay talagang mahina sa computer or walang access sa internet, Secretary, mayroon daw bang ibang paraan? Puwede raw bang text line, tawag, magpapakilala, ibibigay iyong number para maproseso?
SEC. ANDANAR: Number one, pinakamaganda po talaga iyong internet, Facebook. Kung wala po kayong signal sa internet, puwede po kayong dumiretso sa kagawaran ng National Housing Authority, sa kanilang office at doon po kayo magtanong. Pagdating po doon sa hotline, kukunin ko po iyong hotline para ibigay ko sa iyo. Ngayon, wala sa aking ngayon eh. Hindi ko dala ang hotline ngayon ng Balik Probinsiya but I can give it to you later on pagbaba natin ng telepono.
URI: Sige po, oo. Secretary, anong target daw ba nito iyong talagang poorest of the poor, paano daw—Yes, MISSY.
MISSY HISTA: Iyon nga, anong qualification? Yes, I was just about to ask iyong mga may trabaho dito. Halimbawa, disente naman iyong pamumuhay but they are not satisfied with their life here sa Metro pero gusto na nilang umuwi ng probinsiya, puwede ba silang mag-apply din?
SEC. ANDANAR: Puwede po, kahit sino puwedeng mag-apply. Kasi alam ninyo ho, mayroon ngang mga retirees na gusto nang umuwi eh, mga retirees – may mga kaya naman iyong mga iyon pero gusto nilang magbalik ng probinsiya. Eh kung gusto nilang magbalik ng probinsiya, ia-assist sila ng Balik Probinsiya Program. Itong Balik Probinsiya Program, para ito sa lahat ng Pilipino. Ang pinaka-target talaga nito ay ma-decongest iyong mga urban areas – urban areas sa Metro Manila, urban areas ng Cebu, sa Metro Davao. Lahat ng urban areas ng Pilipinas na naiisip mo na talagang trapik, sobrang sikip na ay puwede pong mag-avail ng Balik Probinsiya.
MISSY HISTA: So, open for all ang application, Ka Henry, Secretary.
SEC. ANDANAR: Yes, MISSY. Actually, kaya nga ako, every week ‘no, every weekend ay pinupuntahan ko iyong mga lalawigan. Galing na ako ng Nueva Ecija, galing na ako ng Benguet, ng Batangas noong Sabado dahil [garbled] ang LGUs ay mahalaga iyong kooperasyon dito, ang kanilang participation dahil kailangan may tumanggap na LGUs sa Balik Probinsiya.
So iyon, iyong impormasyon na nakuha natin, iyong video na nakukuha natin, iyon naman ay ginagamit natin para sa communications ng Balik Probinsiya Program.
URI: So inaalam ninyo, ang mga probinsiya kung ano ang … gaano sila kahandaan at ang participation nila, anong kailangan para kapag may pinahatid doon ay smooth iyong—
SEC. ANDANAR: Oo. Halimbawa, si Congressman Suarez ng Quezon ay present siya doon sa unang off ng unang Balik Probinsiya na mga nag-avail nitong programa, mga beneficiaries. So diyan sa Quezon, very active ang Balik Probinsiya Program diyan sa inyong lalawigan, Henry.
URI: Oo, very good. Sec., ito lang, may mga lumalabas kasi, siguro nabasa na rin ninyo, na kesyo daw iyong mga nag-COVID positive sa probinsiya ngayon ay dumaan sa Balik Probinsiya. Pero na-dispute na rin naman ni Secretary Año iyon, sabi niya hindi iyon Balik Probinsiya. Anong totoo doon, Secretary, paki-klaro ninyo?
SEC. ANDANAR: Hindi sa ano ito, iyong naghalo na. Mayroon doon sa Hatid Tulong. Mayroon ding nag-positive, mga asymptomatic na nakitaan doon. Kasi minsan din kasi kahit na nag-rapid test ka dito, iyong kapag nag-rapid test ka ngayon, halimbawa ngayon, ngayong oras na ito, you are negative. Kapag negative ka ngayon, ngayong panahon na ito, ngayong oras na ito, ngayong minuto na ito. Pero the moment that you leave the rapid testing center at mayroon kang nakahalubilo na positive, mahahawaan ka diretso ‘di ba. Ganoon lang naman iyon eh.
So your being negative is only as good as during the time when you were tested negative. Ganoon lang naman iyon eh. Kaya kailangan talaga ay ibayong pag-iingat – kailangan mayroon kang facemask; physical distancing; mayroon kang face shield; tamang paghuhugas; less contact the better – talagang dapat sundin natin iyong mga reglamento ng Department of Health.
URI: Sir, iyon daw bang pamasahe ng mga magbabalik probinsiya, maski ilang mag-anak sila, sagot daw ba iyon ke-barko, ke-eroplano ho?
SEC. ANDANAR: Sagot po, sagot po. Kita ninyo naman iyong unang biyahe, ‘di ba, take-off natin sila mula diyan sa Quezon City, tapos mayroong bus, may doctor, sagot ng gobyerno iyong pag-uwi nila sa Leyte. Opo, sagot po ito ng gobyerno!
URI: Ayun, all right.
MISSY HISTA: May tanong po ako, Ka Henry, Secretary. Halimbawa po ako, mayroon akong sariling lupa sa probinsiya, so I don’t need na po iyong mga lupa pero kailangan ko po ng bahay kasi wala po talagang nakatayo pang matitirahan doon sa aking lupain. Puwede ko rin bang i-apply iyon bilang Balik Probinsiya kung daan na talaga, balak ko na po talagang magbalik probinsiya?
SEC. ANDANAR: Halimbawa, gusto mong magbalik probinsiya tapos mayroon kang lupa doon sa probinsiya mo.
MISSY HISTA: Yes, opo.
SEC. ANDANAR: Hindi, ganito kasi, MISSY, kailangan natin i-check kung ano iyong mga probinsiya na available sa Balik Probinsiya Program. Kasi mayroon kasi tayong mga selected na mga provinces na very open at very cooperative iyong LGU na tulungan ang ating mga kababayan na magbalik probinsiya.
So, ito iyong ginagawa natin para makasiguro tayo na maging successful iyong ating programa. Dahil ang nangyari kasi nito noong mga nakaraang administrasyon ‘di ba, panahon ni Erap, panahon ni FVR, GMA. Ang problema kasi, hindi ganoon kalakas o hindi ganoon kalawak ang partisipasyon ng lahat ng ahensiya ng gobyerno. But this time, buong gobyerno ay talagang involved dito. So para masiguro din na successful ay kailangan pati iyong LGU ay talagang cooperative at gustong makilahok dito sa Balik Probinsiya, kailangan natin lahat ng ingredients para maging successful itong programang ito. So kung nandoon sa listahan iyong probinsiya mo, suwerte ka , ‘di ba, dahil iyon ang probinsiya mo.
URI: Dahil ba, Secretary, may mga prayoridad na probinsiya o may mga talagang tinututukan kayo ngayong mga probinsiya na kinakailangang… ito iyong mga tao—
SEC. ANDANAR: Ang very, very important ingredient dito, Henry, ay iyong preparasyon ng lalawigan din, di ba. So, kahit na gustuhin ng national government na maglagay halimbawa sa isang probinsya, halimbawa Surigao Del Norte, pero kung iyong LGU naman doon ay hindi ready, hindi ready or hindi nila priority ito, hindi rin magiging successful iyong Balik Probinsya Program kasi mayroon kang LGU na hindi ganoon kahanda.
So, hindi tulad noong Leyte, di ba kay Governor Petilla handa siya, kay Governor Villafuerte ng Camarines Sur, handa rin siya. So, kapag mga ganitong mga lalawigan, diyan sa Quezon, sa inyo, kapag sila ay 100% na gustong makilahok dito, gustong sumali dito [garbled] ng national government.
URI: So, hindi po talaga minamandato, hindi inoobliga ng national government ang mga LGUs na maging handa rito o kumbaga iprayoridad ito?
SEC. ANDANAR: Well, ito naman ay talagang number one na programa ni Presidente Duterte during this COVID-19. Isa nga sa mga dahilan kung bakit nakita natin na naging [garbled] ang Metro Manila dahil na rin sa congestion.
Number two, hindi na rin sustainable ang pamumuhay dito sa Metro Manila, environment, lahat na hindi sustainable, dahil nga sobrang sikip, sa sobrang dami ng tao. So, ano ba iyong dahilan kung bakit tayo nag-lockdown? ‘Di ba para huminto iyong economic activity, iyong movement ng tao, para i-control para hindi magkahawa.
Ngayon ito naman ang nangyari, dahil sa sobrang daming tao sa Metro Manila. Eh kung hayaan mong magbukas iyong mga establisyimento, kung anu-anong mga negosyo eh mas malaki iyong chance.
Sa probinsiya, hindi naman ganito ka-congested. Marami tayong mga probinsya na sobrang kaunti lang iyong naging active, iyong iba nga negative talaga. Kasi nga iyong social distancing ay parang normal lang dahil malayo iyong mga bahay—
URI: So, Secretary sa kabuuan, mga ilang probinsiya na ang sure na sure na may ganito?
HISTA: Magpa-participate.
SEC. ANDANAR: Wala lang sa akin iyong listahan, but we were counting mga 13 to 14 provinces.
URI: Aba, marami na.
SEC. ANDANAR: Opo, marami na. Pero we are doing this by phase, kailangan maingat talaga.
URI: Dahan-dahan.
SEC. ANDANAR: Kailangan talaga successful, kaya nauna na iyong sa Leyte.
URI: Ang bilin ba ng Presidente ay hindi na pupuwedeng maging failure ito?
SEC. ANDANAR: Hindi puwede. This program must succeed at kailangan talaga. Kasi kung hindi natin gagawin ito ngayon, Henry and MISSY, ay hindi ko alam kung iyong susunod na administrasyon ay mayroong kaparehas na political will ni Pangulong Duterte. So kailangan ngayon gawin natin dahil talagang matagal na kasi ito, itong programang ito matagal ng gustong i-decongest ang Metro Manila. Kaso talagang nahihirapan tayong i-decongest dahil nga sa kakulangan ng tamang programa. At siguro dahil sa kakulangan na rin ng event o circumstance na mapipilitan ang mga kababayan natin na sumunod na sa Balik Probinsiya, ito nangyari nga iyong COVID-19 lahat na-realize na tama itong programa na ito.
URI: Sec., sa tingin ninyo, mga kailan po kaya magre-resume iyong Balik Probinsiya?
SEC. ANDANAR: Hindi ko masasabi iyan kasi itong lahat ng ito ay pinag-uusapan ng buong technical working group ng Balik Probinsiya, Balik Pag-asa Program. Ito naman ay collegial decision.
Pero sa akin lang tantiya ay kapag nakauwi na iyong majority kung hindi lahat ng mga Locally Stranded Individuals ay puwede nang magsimula ulit dahil tandaan ninyo, nakakasa na ito, handa na sanang umuwi, mag-Balik Probinsiya ng second batch kaso tinigil lang dahil kailangan unahin iyong Hatid Tulong.
HISTA: Itatanong ko lang, Secretary, kung is there a way for you to encourage iyong mga non-participants po na provinces dito sa ating Balik Probinsya, Balik Pag-asa Program?
SEC. ANDANAR: Mayroon po, mayroon po tayong several ways to encourage them to really 100% participate in this program. Kanya dapat iyong kasama sa programa natin sa communications campaign, uumpisahan natin sa second batch eh kaso hindi natuloy ito dahil nga sa tulong na kailangang i-prioritize. One of the programs nga is to have several radio programs or TV programs at isa nga doon dapat ay programa ninyo ni Henry.
URI: Secretary, we will wait for the hotline. Maraming salamat po and have a good morning.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat. Ipapasa ko po iyong hotline right away. Thank you, MISSY. And thank you, Henry.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)