Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #78
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang araw sa lahat ng ating mga kababayan na nakatutok ngayon sa ating programa. Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Mula rin sa PCOO, ako si Usec. Rocky Ignacio kasama ninyong mag-uulat ng pinakasariwang impormasyon sa mga hakbang ng pamahalaan kontra COVID-19.

SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama kaya natin ito. Kaya naman samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Secretary Martin, alamin muna natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. kahapon po, nakapagtala ang Department of Health ng 26,420 total number of COVID-19 cases sa bansa, matapos itong madagdagan ng 490 reported cases kung saan 348 po sa dagdag na kasong ito ay fresh cases, samantala 143 ang late cases. Sa 18,888 active cases na mayroon tayo sa ngayon ay 398 po dito ay asymptomatic; 18,412 ang mild cases; 61 ang severe cases at 70 naman ang critical cases. Nadagdagan naman ng dalawandaan at siyamnapu’t walo ang bilang ng mga gumaling, sa kabuuang bilang na 6,252 recoveries habang sampu ang naidagdag sa mga nasawi sa kabuuang bilang na 1,098 deaths.

SEC. ANDANAR: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02894-6843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Kasama pa rin natin na magbabalita mamaya sina Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service, Danielle Grace De Guzman ng PTV-Cordillera, John Aroa ng PTV-Cebu at Jay Lagang ng PTV-Davao.

SEC. ANDANAR: Para naman sa mga karagdagang balita: Pag-amyenda sa Solo Parents Welfare Act of 2000 isinusulong ni Senador Bong Go. Muling nanawagan si Senador Bong Go sa kaniyang mga kapwa senador na amyendahan ang batas na nagbibigay ng dagdag benepisyo at pribilehiyo sa halos labing apat na milyong solo parents sa bansa lalo pa’t maraming kabuhayan ang naapektuhan ng COVID-19.

Ang Senate Bill 206 na unang isinulong noong Hulyo ng nakaraang taon ay naglalayong amyendahan ang Solo Parents Welfare Act of 2000 na hindi umano sumasapat sa pangangailangan ng mga single parent na mag-isang nagtataguyod sa kanilang pamilya. Ilan sa mga nilalaman ng panukala ay ang pagkilala sa mga foster parents, pagdadagdag ng financial assistance para sa mga mahihirap at indigent na solo parent, pagkakaroon ng livelihood opportunities, legal advice and assistance, counseling services at iba pa.

USEC. IGNACIO: Senator Bong Go may apela sa mga nagpapautang sa gitna ng COVID-19. Umapela si Senator Bong Go sa mga lending institutions kagaya ng mga bangko na magbigay ng restructuring programs para sa mga borrowers. Ayon sa Senador, bigyan sana nang palugit o grace period ang pagbabayad sa loans ng mga negosyo at indibidwal na pinakanaapektuhan ng COVID-19 pandemic. Dagdag pa niya na huwag din sanang magdagdag ng interest rates sa mga ito. Mahalaga umano ang pagtutulungan ng bawat isa para makaahon ang ating bansa mula sa epekto ng pandemya sa ating ekonomiya.

SEC. ANDANAR: Usec. Rocky, simulan na natin ang komprehensibong talakayan dito sa Public Briefing. Ngayong Martes ay makakasama natin sina Assistant Secretary Antonio Lambino II ng Department of Finance at Undersecretary Jonathan Malaya, ang Tagapagsalita ng Department of Interior and Local Government (DILG).

USEC. IGNACIO: Para sa ating mga viewers, kung kayo man po ay may katanungan sa ating mga panauhin, maaari kayong magkomento sa aming live feed at amin pong sisikapin na ito ay bigyang ng kasagutan.

SEC. ANDANAR: Without further ado, unahin natin si Asec. Tony Lambino II mula sa Department of Finance. Magandang umaga po sa inyo, Asec.

ASEC. LAMBINO: Magandang umaga, Sec. Martin. Magandang umaga, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: The Bureau of Internal Revenue issued the Revenue Memorandum Circular No. 60-2020 dated June 1 of 2020 reminding all persons doing business and earning income through digital means to ensure that their businesses are registered or their registrations are updated. Puwede ninyo po ba itong ipaliwanag sa amin, Asec.?

ASEC. LAMBINO: Opo, maraming salamat, Sec. Martin. At para po sa kaalaman ng lahat, ito pong RMC 60-2020 ay nagpapaalala lamang sa ating mga nagnenegosyo sa mga online spaces na kailangan po nakarehistro sila sa BIR at iyon naman po ay hindi bago, nasa batas naman po natin talaga iyan. Ito po ay isang paalala na dapat po ay naka-register po talaga ang lahat ng negosyo whether may tax due or wala. Dahil po alam naman po natin na iyong mga maliliit na negosyo ay maaaring dahil hindi ho aabot sa threshold ang kanilang income, kung ang revenue po kasi ay P250, 000 or below ay exempted naman po sa pagbabayad ng buwis. So it’s really just to make sure na everyone is compliant at saka fair po iyong pag-implement natin ng ating tax code.

SEC. ANDANAR: Ano naman ang masasabi ninyo sa mga sumasalungat na patawan ng buwis ang mga online sellers dahil kakarampot lang naman umano ang kita nila dito lalo ngayon na may pandemya tayong nararanasan?

ASEC. LAMBINO: Well Sec. Martin, tulad ng nabanggit nga ni Secretary Dominguez tungkol sa issue na iyan, kapag below P250, 000 naman ang income ng isang online seller ay exempted naman po sa income taxes. At saka kung below 3 million ang revenue ng isang negosyo ay pati VAT po ay exempted tayo ‘no. So mayroon naman po talagang exemptions para sa mga mas maliit ang kita.

Ang requirement lang po talaga ng batas ay mag-register. So kaya po mayroon po tayong RMC 60-2020 na nag-extend ng deadline para sa pag-register, July 31 of this year at wala pong penalty iyan kahit po late ang pag-register. Hindi po natin layunin na habulin ang lahat ng mga online seller para sa mga taxes due ‘no, ang gusto lang po talaga natin ay masunod iyong batas that is actually applicable to everybody na nagnenegosyo.

At mayroon pa pong benepisyo na makukuha sa pagre-register tulad po ng, iyong ating small business wage subsidy, iyan po ay para sa mga manggagawa, mga empleyado, ang mga maliliit na negosyo, iyong mga nag-qualify po para diyan ay iyong mga rehistrado sa BIR at saka compliant po ‘no, pati po doon sa mga SSS Regulations. So there are benefits dito po sa pagre-register, pati po sa DTI mayroon po tayong loan program at kailangan din po registered sa BIR para po makapag-avail nitong low interest loan program.

So it’s not only a requirement and an act of good citizenship, it also comes with benefits, ito pong pagre-register.

USEC. IGNACIO: Asec. Lambino, unahin muna natin iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. Although sinabi ninyo itong benefits, ito po ang tanong ni Joan Nano ng UNTV: Bukod daw po sa additional revenue generation, itong pagre-register ng mga online seller sa BIR, may sinasabi po ang Department of Finance na makakatulong din ito para mabigyan nang maayos at tamang benepisyo itong mga business na ito at ang kanilang mga empleyado.

Pangalawa, anu-ano daw po iyong—katulad ninyo, may binanggit na nga kayo kanina na benepisyo, baka may dagdag pa po kayong sasabihin sa kanila? Ano daw po iyong mga pribilehiyo, benepisyo na puwedeng ibigay doon sa mga businesses na nagpa-register at nagbabayad po nang tamang buwis?

ASEC. LAMBINO: Usec. Rocky maraming salamat sa tanong, at Joan salamat din sa tanong ninyo. In addition to iyong mga subsidy programs para po sa mga manggagawa ng maliliit na negosyo at sa mga low interest loan programs na mayroon po ang DTI sa ngayon ‘no, mayroon pa po tayong mga panukalang batas na kung rehistrado po ang isang negosyo ay makaka-benefit po sila dito:

Ang una po diyan iyong CREATE Bill na kasama po sa Comprehensive Tax Reform Program. So in case mayroon pong tax due, pagbaba po ng ating tax rate from 30% to 25% ay sakop na po sila niyan ‘no. They will be paying a lower tax due kapag pumasa na po iyan; Mayroon din po tayong tinatawag na NOLCO, iyong Net Operating Loss Carry Over Extension, iyong lugi po na mai-incur this year, 2020, dahil po sa ating krisis ay puwede pong gamiting pambawas sa mga tax liabilities for the next 5 years ‘no. So kung rehistrado ay siyempre available po ito in case there are net losses this year ‘no, ngayong 2020.

At saka mayroon din po tayong panukala na sana po maipasa na iyong General Tax Amnesty para po pati iyong mga magri-register kung mayroon man silang taxes due from the past ay kasama po sa amnesty iyon, basta rehistrado po sila. So, iyong amnesty po dapat lang po may kaakibat talaga na mga lifting of absolute tax secrecy at saka iyong exchange of information among tax (garbled). Iyon lang po iyong hinihingi ng economic team at ni Pangulong Duterte para po dito sa ating tax amnesty.

USEC. IGNACIO: Asec, ito naman pong tanong ni Virgil Lopez ng GMA News Online. Magkano daw po iyong total loans ng gobyerno related to COVID-19 at magkano na iyong na-utilize sa mga inutang at saan daw po ito ginastos?

ASEC. LAMBINO: Pagdating po sa paggastos ng mga pondo na mayroon tayo, I will defer to Department of Budget and Management, mas alam po nila iyong mga actual budget items.

However, pagdating po sa loans, ay ang target po natin, iyong actual at saka iyong pipeline, nasa 400 plus billion pesos ang target po talaga natin para diyan. Talagang mayroon po tayong binubuo na mga pondo para po ma-finance po natin ang ating economic recovery plan. At iyan po ay nanggagaling sa iba’t ibang mga lenders tulad ng World Bank, Asian Development Bank, AIIB at iba pa po. In fact, may mga bilateral, just this morning mayroon din po tayong signing with JICA from Japan.

So, ito pong mga loans na ito alam naman natin that they are monies that need to be paid back, ito po iyong mga utang na kailangan bayaran ng taumbayan whether our generation or the next generations. So, we have to make sure that we really spend responsively and prudently.

Ngayon, ang isa pa pong gusto kong i-highlight ay dahil po napakaganda ng ating debt management strategy. Nasa below 40% po, 39.6% iyong laki ng ating utang laban sa laki ng ating ekonomiya in 2019 – ang tawag po diyan iyong debt to GDP ratio. Nanggaling po iyan sa napakataas na number, noong 2004 nasa 74.4% po iyong laki ng utang laban sa laki ng ekonomiya. So, we have managed to bring that down consistently at saka napakaganda na po ng posisyon natin.

In fact, the Japan Credit Rating Agency just a few days ago upgraded our credit rating from BBB plus to A minus. So talagang iyong mga binabantayan po nila kung kumusta iyong performance natin pagdating sa pangangasiwa ng ating mga utang ay kita nila na we are very responsible. We are a very responsible development partner. At kaya po mababa po iyong mga interest rate at mahaba iyong mga repayment period na binibigay sa atin.

At napakahalaga po niyan na we negotiate the best terms on behalf of the Filipino people, dahil iyan po ay mga utang na binabayaran po ng taumbayan.

USEC. IGNACIO: Opo. As of June 11, Asec, ay iniulan ninyo na nasa 97.4% na po iyong pamimigay natin ng ayuda para sa mga manggagawa mula sa MSMEs sa ilalim po ng Small Business Wage Subsidy Program. Sa tingin po ninyo kailan matatapos ang pamamahagi ninyo sa kanila at gaano na po kalaki ang naipamigay natin sa ating mga manggagawa?

ASEC. LAMBINO: Well, more than 40 billion na po ang naibigay natin, around 40 to 44 billion. Iyan po ay two tranches na po, dahil po gumamit tayo ng automated systems, cloud computing at iba pa pong mga digital tools, we were able to distribute to more than 3 million beneficiaries, two tranches in less than two months. Iyan po ay dalawang buwan na ayuda para po sa mga mangagawa na napatigil po ang kanilang pagkita ng kanilang suweldo for at least two weeks during the community quarantine period.

Kaya po, talaga pong dapat gamitin natin itong mga digital tools para mas maging efficient, mas maging effective iyong ating pag-distribute ng mga subsidies na ganito.

At iyong mga nabigay na po ay iyan na po ang large bulk ng ating mga beneficiaries, large majority na po ang nakatanggap. Ang mga hindi pa po natatapos na mga payouts, iyon na lang po iyong nagkamali iyong pag-submit ng account number o nagkamali po ng submit ng phone number para po sa kanilang PayMaya account o para sa kanilang MLhuillier cash pick up. Kaya po kino-contact ngayon ng SSS ang mga employers para po i-confirm, tama ba talaga iyong account number na binigay ninyo para po matapos na po natin itong ating pag-distribute ng Small Business Wage subsidy.

So, iyong natitira na lang po talaga iyong mga kailangan pong i-correct iyong mga account numbers or iyong mga phone numbers na sinubmit.

SEC. ANDANAR: Kamakailan ay pinabulaanan ninyo ang isyu na pino-promote diumano ng DOF ang bitcoin revolution. Sa mga kababayan natin na nakakatanggap ng offer mula sa naturang programa, saan sila maaring mag-report, Asec. Tony?

ASEC. LAMBINO: Please report that doon po sa ating facebook page sa DOFph. Kung may nakikita po kayong mga offer na kunwari po nanggagaling daw kay Secretary Dominguez o endorsed po daw ng gobyerno o ng Pangulo paki-report po iyan sa amin, dahil po hindi po iyan mga totoong mga endorsement. So ingat po tayo sa mga online na mga promotions, ganitong mga bitcoin revolution o kung anu-ano pa na mga promos or offers.

Tingnan po natin sa mga official channels ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ng DOF at iba pa pong Government Financial Institutions – DBP, Landbank at siguro pati rin sa private sector iyong mga official banks channels, iyong kanilang social media accounts at saka websites.

Huwag po tayong magpadala dito sa mga nagpa-promise na mga quick returns saka malalaking returns. If it looks too good to be true, it probably is. So, paki-report lang po. We would be very happy to receive these reports dito po sa DOFph account sa facebook.

USEC. IGNACIO: Asec, ano naman daw po ang hakbang ng Department of Finance kontra hacking kaugnay pa rin po ng kumakalat na fake facebook account?

ASEC. LAMBINO: Mayroon po bang na-report na fake facebook account ng DOF, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Ang hinihingi po ng tao dito iyong statement daw po ng Department of Finance kasi minsan kailangan nila iyong facebook sa kanilang mga transaction. Ano po daw ang reaksyon dito ng Department of Finance… kung may hakbang po kayo?

ASEC. LAMBINO: Kung mukha pong alanganin iyong hinihinging impormasyon sa inyo, lalo na po kung sensitive financial information, huwag na huwag po nating ibibigay through social media, huwag po nating ibigay through email, mga phising attacks po iyan madalas.

Iyong mga legitimate financial institution whether they are government financial institutions or from the private sector, hindi po iyan humihingi ng mga sensitive information saka mga password through email or through social media or even through text.

So ingat po tayo talaga dahil napakarami pong reports na may mga mapagsamantala na ginagamit po itong sitwasyon natin para po takutin ang ating mga kababayan into giving sensitive information. Tapos po ang nangyayari pumapasok po sa kanilang accounts at saka ninanakaw po iyong pera.

So please always verify kung kanino po nanggagaling itong mga request for information and my understanding talaga is iyong mga official channels, hindi po iyan hihingi ng sensitive information or passwords through email, through text, even po through a call, kailangan po talaga i-verify po natin.

USEC. IGNACIO: Asec, tell us more about naman din sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act and revised version po ng CITIRA na kasalukuyang isinusulong sa Kongreso. Ito po iyong nabanaggit ninyo kanina, paano po makakatulong sa ating mga negosyo na makabangon mula po sa COVID-19 pandemic?

ASEC. LAMBINO: Opo, Usec. Rocky, ito pong Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act ay isang panukalang batas na pasado na po on third and final reading sa Lower House. Nanguna po diyan si Congressman Joey Salceda, ang ating Ways and Means Chair at talaga pong sinuportahan ni Speaker Alan Peter Cayetano. Nandiyan din po of course sa Senado ngayon ang panukalang batas na iyan at nire-calibrate po natin from what was CITIRA into CREATE; at iyong mga key features po na sinusulong po ni Senator Pia Cayetano, ang atin pong Chair ng Ways and Means sa Senado ay unang-una ibaba po kaagad corporate income tax from 30% – ito po iyong pinakamataas sa ASEAN region – ibaba na po natin kaagad to 25% para lumapit na po tayo sa regional average.

Pangalawa, gusto po natin na pahabain iyong puwedeng paggamit ng losses na mararanasan ngayong taon ng isang negosyo, para po bawasan ang kanilang tax liability for the next five years.

Sa ating batas ngayon, ang tinatawag na NOLCO ay applicable for three years. Gusto po natin mas mahaba ang panahon para po mas makabawi ang ating mga negosyo.

Pangatlo, gusto rin po natin sana bigyan ang gobyerno ng kakayanan na manghikayat, mag-attract ng mga investors dito sa atin, na makapagbibigay talaga ng magagandang trabaho sa ating mga kababayan, magdadala ng magandang research and technology, mga makabagong paraan ng pagpu-produce ng mga produkto. At kailangan po nating gawin diyan, i-advance, i-modernize iyong ating tax incentive system. Dahil po sa ngayon, mga tax reductions, income tax holiday at iba pa pong mga special tax privileges ang puwedeng ibigay para po manghikayat ng mga desirable investors that will serve the public interest.

Ang gusto po natin, dagdagan po iyan ng mga potential incentives na hindi po fiscal or hindi po buwis. Puwede pong training para sa mga manggagawa para po mas handa ang ating mga workers para magtrabaho doon sa negosyo na lilipat dito. Puwede rin pong tulong po sa warehousing or sa supply chain management or sa mga permits or licensing na puwede pong i-facilitate.

So gusto po natin ng flexibility para po mas maka-attract tayo ng mga investors. Dahil sa ngayon, mukhang nagda-diversify po ang maraming global companies ‘no. Nakita po nila na relying on one location, one country for their whole supply chain is a risky arrangement. So now that they’re diversifying, gusto po natin talaga maipasa na po itong CREATE – sana po maipasa na ng Senado. Sabi naman po ng Kongreso, kung fiscally responsible ang ipasa ng Senado ay ia-adopt na rin po nila para mabilis ang pagsasabatas nito.

So we really need to start competing with our neighbors on an even playing field dahil sila po ay may mga ganoong klaseng offers na naibibigay – Malaysia, Singapore, Vietnam, etc. So, we need to be more competitive in this phase kaya po gusto natin talagang maipasa ang batas. At the same time, we want to trust private corporations, whether they are micro, small, medium or large enterprises; with less tax liability, mas marami pong pera ang iwan natin sa kamay ng mga negosyo para po maka-retain sila ng mga manggagawa at maka-expand sila ng operations, mabayaran po nila ang kanilang gastusin every month.

Kaya po ang estimate po natin, kung ma-implement na po natin ang CREATE starting July of this year ay 42 billion pesos ang idadagdag po natin sa pera nang nasa kamay ng mga negosyo. And for the next five years, that is a stimulus of around 625 billion pesos na nasa kamay na po ng ating mga negosyo para po mapaganda nila ang kanilang recovery at mapabilis po nila.

SEC. ANDANAR: Panghuling mensahe po natin, Asec., sa mga kababayan.

ASEC. LAMBINO: Maraming salamat, Sec. Martin, Usec. Rocky at sa lahat ng nanunood. Ang gusto po talaga natin ay mabuo natin itong Economic Recovery Plan natin sa paraan na responsable, meaning, fiscally responsible; kaya po nating bayaran ang ating mga interventions, ang ating mga suporta. Gusto rin po natin makautang tayo nang maayos – hindi po sobra, hindi labis. Tama lang po that we will be seen as a responsible development partner globally. At nasa gitna po sana tayo pagdating sa ating budget deficit among our peers here in the region, as well as globally, in terms of our credit standing.

Basta po, gusto po natin na maayos ang pangangasiwa, we retain the very good impression that we have globally, in terms of our economic management para po tuluy-tuloy ang ating kakayanan para pondohan as a least costly manner ito pong ating economic recovery program. Para po masuportahan natin ang ating mga manggawa, ang ating mga negosyo na makapag-bounce back mula po dito sa ating krisis.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong pagpapaunlak sa aming panayam, Assistant Secretary Tony Lambino ng Department of Finance. Mabuhay po kayo…

ASEC. LAMBINO: Salamat po, Sec. Martin, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Puntahan po natin ang mga balitang nakalap ng PTV-Cordillera kasama si Danielle Grace de Guzman.

[NEWS REPORTING BY DANIELLE GRACE DE GUZMAN]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Danielle de Guzman.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Andanar. Samantala, tuluy-tuloy pa rin po iyong ating mga balita dito sa ating Laging Handa, bigyang daan muna natin iyong ating Hatid Tulong.

Okay, Secretary, kumusta naman po iyong paglilibot natin sa Batangas? Kuwento ninyo naman po kahapon kasi nandoon din kayo sa Harbor Link na napakaganda ng mensahe na sa kabila po ng lockdown ay hindi tayo na na-knockdown. At kayo rin po ay nanguna rin po doon sa inauguration ng Harbor Link na magdudugtong ng Maynila, Navotas at Malabon – napakagandang proyekto po.

SEC. ANDANAR: Naku, Rocky, wala akong marinig eh. Pasensiya na.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, ang haba na ng sinabi ko, wala kang narinig. Okay, pasensiya na rin po at nagkakaroon ng difficulty ang ating mga linya.

Maya-maya po antabayanan natin, Secretary, makakasama natin si DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kasi marami pa rin po ang mga nagtanong dahil nga po sa naging desisyon kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay nga, ibalik sa ECQ ang Cebu City.

Samantala, Secretary, alamin muna natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan kasama si Dennis Principe.

[NEWS REPORTING BY DENNIS PRINCIPE]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Dennis. Ngayon naman ay makakapanayam natin si USec. Jonathan Malaya ng DILG.

Sa pahayag po, USec., ng ating Pangulo ay mananatili pa rin under GCQ hanggang June 30 ang Metro Manila at ilang siyudad at lalawigan; samantala ang Cebu City ay babalik sa ECQ at ang Talisay City sa MECQ dahil masyado pang mataas ang kanilang case doubling rate.

Paano po ang magiging monitoring natin sa mga lugar na ECQ at MECQ base pa rin sa guidelines ng IATF?

Good morning to you, USec.

USEC. MALAYA: Magandang umaga po, Sec. Mart. Patuloy po ang ating pagmo-monitor sa kanila. Isa po sa mga dahilan kung bakit itong mga lugar na ito ay ibinalik sa ECQ gaya na nga po ng sinabi ninyo at dahil doon sa dalawang datos po niyan: Una po, iyong case doubling time at iyon pong utilization of the critical care infrastructure.

And on the basis of these two data na nakalap po natin ay iyon po ang naging rekomendasyon ng IATF and at the same time, iyan din po ang naging request ng mga local government units sa ating IATF and eventually sa Pangulo at iyan naman po ay inaprubahan ng ating Pangulo.

Nakatutok po ang DILG through our local government units doon sa mga LGUs na iyon. Nandiyan din of course ang Department of Health and iyong atin pong mga contact tracing teams sa Cebu City and sa Talisay ay naka-monitor po at nakaalerto lagi para po bantayan iyong sitwasyon at makapag-implement ng mga nararapat pong interventions dito sa mga lugar na ito.

SEC. ANDANAR: Tungkol naman sa SAP distribution o SAP. Nabanggit po kagabi ni DILG Sec. Año na nagsimula na po ang pamimigay ng second tranche nito at nabanggit din ni Sec. Año na nasa four million Filipino families na raw ang na-verify ng DILG.

Ano po ang pinakahuling balita dito at kumusta po ang pakikipag-ugnayan natin with the DSWD?

USEC. MALAYA: Opo. Napakalapit po ng koordinasyon namin sa Department of Social Welfare and Development. As a matter of fact po Sec. Mart, ay ongoing po ngayon iyong orientation via Zoom sa ating mga municipal local government operations officers and city local government operations officers at si Sec. Año po ang nagbukas noong programa kanina.

Lahat po ng mga PNP Provincial Directors ay ipinatawag din po namin dito sa orientation na ito na umabot po sa isang libo ang mga participants natin sa buong bansa dahil nga po inaantabayanan na po nila ang pamimigay nitong second tranche ng Social Amelioration Program.

Tama po, through our coordination with the DSWD ay nakalap na po natin iyong numero at pangalan ng mga head of the household na mga waitlisted at mga left out families sa buong bansa. At sa huli pong datos na ibinigay sa amin ng mga local government units, nasa 4.2 million na po itong numero ng mga pamilyang ito.

At bukas nga po ay may pilot distribution payout na po ang DSWD sa Benguet, sa Cordillera Administrative Region (CAR), doon po magsisimula at sunod-sunod na po ito hanggang sa June 23.

Ang DSWD po ay nakikipag-ugnayan na sa mga iba’t-ibang local government units para masimulan na po iyong preparatory meeting with the LGUs para po magkaroon na ng planning kung papaano iyong distribution ng Social Amelioration sa kani-kanilang mga lugar and we expect na matapos po tayo before June 23 sa buwan na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., paano naman daw po iyong walang kapasidad na maka-access doon sa electronic transactions gaya nito; and papaano po natin sila tutulungan?

USEC. MALAYA: Yes po, USec. Kaya nga po ang manner of distribution po nitong second tranche at iyong manner of distribution para sa mga left out families ay dalawa pa rin po.

Una, iyong manual na payout na kung saan ay pupunta ang DSWD doon sa LGU at ibibigay nang manually or paisa-isa iyong tulong gaya ng ipinapakita ngayon sa ating TV screen. Pero doon sa mga hindi po nakarehistro sa kaniyang sistema dahil wala po silang smart phone, wala silang bank account number, wala silang internet sa kanilang mga bahay, ganiyan po ang sistemang gagamitin natin. Ngunit iyong mayroon pong mga smart phone ay puwede pong mag-download noong “ReliefAgad” application ng DSWD at doon po sila magparehistro.

So, wala pong problema kahit po walang internet o walang smart phone ay makakarating po ang kanilang second tranche or kung sila naman po ay waitlisted, makakarating po ang inyong ayuda through the manual system.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero iyong ibang magiging cashless din po iyong pamamahagi ng ayuda, magkakaroon ba rin ng liability o participation ang atin pong mga local government dito?

USEC. MALAYA: Opo. Wala na pong liability diyan or participation ang ating mga LGUs kapag naging electronic system na po iyong pamimigay dahil based po doon sa kanilang registration sa “ReliefAgad” application ay doon po nila ide-determine kung papaano nila matatanggap iyong kanilang SAP. Kung gugustuhin po nilang sa bangko, sa Pay Maya or kung saan man. That’s electronic so wala na pong liability ang mga LGUs na iyan.

Ngayon, mayroon pa po, USec. Rocky, na ibang pagkakaiba itong for ating waitlisted families, hindi na po ido-download ng DSWD ang pondo nito sa mga LGU bagkus ang DSWD na po ang pupunta sa mga LGUs at magtatalaga sila ng mga special disbursing officers from the DSWD at sila na po ang mangunguna sa pamimigay sa ating mga beneficiaries with the assistance of course of all of the local government units.

SEC. ANDANAR: Regarding sa localized lockdown, may reports po ba kayo as to how many barangays or localities ang nagpatupad na nito?

USEC. MALAYA: Well, Sec. Mart, iyan po kasing localized lockdowns natin ay parang decentralized system po iyan, hindi na po iyan ipinapaalam or kinukunan ng approval from the national government dahil po basta po hanggang barangay o sitio or kalsada, iyan po ay desisyon na po ng mayor and then with the concurrence of the regional IATF.

So, as long as handa po ang LGU na magpatupad ng localized lockdown at kaniyang inoorganisa iyong kaniyang mga quick response teams, puwede na po siyang mag-implement nito with the concurrence of course as I said of the regional IATF.

So, ang mga datos naman po nito ay kinakalap pa and siguro po sa susunod kong paglabas dito sa Laging Handa I can collate all of the information that we have gathered from all of the local government units nationwide so that I can share that information to our public.

SEC. ANDANAR: Yes, sir. With the temporary suspension of the Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program para mag-give way sa Hatid Tulong Program. Is there a timeframe kung hanggang kailan dapat ma-accomplish ang pagpapauwi sa mga locally stranded individuals?

USEC. MALAYA: Opo, tama po kayo pero Sec., iyong sinuspinde lang naman po iyong rollout. The Balik Probinsiya Program is there, it is not suspended, it is just the rollout dahil nga po may confusion doon sa Balik Probinsiya with the Hatid Probinsiya – the old name na binago na po nating Hatid Tulong.

At ang maganda po dito ay halos lahat po noong mga kababayan natin na na-stranded sa ating mga airports ay nabigyan po natin ng temporary shelters sa dalawang lugar sa Pasay at ang malaking bulto po nito ay naihatid na natin sa kani-kanilang mga probinsiya utilizing the aircraft of the Philippine Air Force at iyong iba naman po ay sumakay sa mga barko ng Philippine Navy. At iyon naman pong may mga ticket ay nakipag-ugnayan na po tayo sa mga airlines para po matuloy na ang kanilang biyahe pauwi sa kanilang mga probinsiya.

Hindi lamang po DILG ang tumulong dito, nandito po ang OWWA, ang Department of Transportation at iba-iba pong mga departamento; but of course the DOTr is the lead agency para nga po matulungan itong ating mga kababayan na makauwi na. Nakatutok po ang pamahalaan sa kanilang pangangailangan, nagbibigay nga po tayo ng pagkain; nagbibigay po tayo ng free internet at ng kaunting tulong mula sa DSWD para maibsan iyong kanilang kondisyon at karamihan po sa kanila ay nakauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyang-daan natin iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Samuel Medenilla ng Business Mirror, ito po ang tanong niya: May mga na-identify na po ba kayong mga critical zone, ang mga local government units for the COVID-19 zoning schemes? Kung mayroon, ilan po kaya at saan po kaya ang mga critical zones na ito?

USEC. MALAYA: Opo. Mayroon na po silang mga na-identify, nandito po sa aking cellphone iyan, kukuhanin ko lang. Kasi nga po gaya ng nasagot ko kanina kay Sec. Martin, we decentralized already, the IATF-EID gave the authority to the local government units para po magdeklara sila ng kanilang localized lockdowns so long as this is consistent with—and so long as this is with concurrence of the regional Inter-Agency Task Force.

At karamihan naman po ng mga LGUs gaya ng Caloocan, Parañaque, Maynila, Quezon City, sila po ay nakapagdeklara na ng kani-kanilang mga lockdowns and as soon as they conduct lockdowns ay nagkaroon po sila ng contact tracing, nagkaroon sila ng extensive testing noong mga nakatira doon para po ma-isolate na iyong mga COVID positives at nakapagbigay din po sila ng tulong – social amelioration, by providing food and drink doon po sa mga tao na apektado nitong mga lockdown na nasa critical zones.

We will just collate po all of these information, Usec., and maybe in our next public briefing sa Laging Handa I will share this information, these collated data to the public.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit din po ni Presidential spokesperson, Sec. Roque that DILG will start hiring na daw po 50,000 contact tracers by next month. Magkano po kaya ang budget ng DILG para dito at saan po ide-deploy ang mga newly hired contact tracers?

USEC. MALAYA: Opo. Dito po sa contact tracers natin ay mayroon po tayong programa niyan ngunit wala pa po sa DILG iyong pondo para dito. Nagsumite na po ng request sa IATF and I understand that the necessary request for budget has been submitted already to the Department of Budget and Management.

So, siguro po Usec., kapag nakarating na po sa amin ang pondo ay pupuwede na po naming ilahad sa publiko iyong mga sistema sa hiring at iyong mga qualifications and requirements ng DILG.

In the meantime, mas maganda po siguro na hintayin muna namin iyong kaukulang pondo para po rito sa programang ito.

SEC. ANDANAR: Nabanggit din ni Sec. Año pagdating po sa mga corrupt officials ay 649 na ang naimbestigahan and out of this, 250 ang napatunayang nagkasala samantalang nasa 855 pa katao ang naaresto dahil sa hoarding, profiteering at iba pa. Batay po sa mga numerong ito masasasbi ba natin na ito ay dahil sa mas maluwag na quarantine restrictions na ipinatupad for the past two weeks?

USEC. MALAYA: Sec., iyon pong datos na minention ni Sec. Año is with relation po doon sa Social Amelioration Program. Iyon pong 649 na ito ay nakasuhan dahil nga po doon sa iba’t-ibang alegasyon ng anomalya doon sa pamimigay ng first tranche ng Social Amelioration Program. And tama po kayo, some 260 of them were elected local officials or public officials meaning barangay kapitan, kagawad o kaya naman municipal councilor. Iba’t-iba pong mga posisyon ito at mayroon pong mga kaukulang kaso na ifinile ang CIDG sa ating mga korte.

Nakapaglabas din po ang DILG ng mga show cause orders laban sa mga mayors natin. Iba-iba pong dahilan, iyong iba po dahil sa kabagalan ng pamimigay ng Social Amelioration Program; iyong iba naman po ay dahil sa violation of quarantine policies.

So, umaaksiyon po ang DILG sa lahat ng mga complaints na natatanggap nito at kung kami po ay nakakita ng probable cause or ebidensiya na magpapatunay sa mga alegasyon ay kaagad-agad po naming ginagawan ng aksiyon by filing the necessary cases not only in the courts but also in the Office of the Ombudsman.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Jonathan Malaya, spokesperson ng Department of Interior and Local Government.

USEC. MALAYA: Maraming salamat!

[VTR]

USEC. IGNACIO: Makibalita naman tayo kay John Aroa diyan sa Cebu City. John?

[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Aroa. At tuluy-tuloy pa rin naman ang pagtulong ng ating pamahalaan sa mga kababayan nating naapektuhan ng quarantine health protocols na ipinatupad sa bansa bilang pag-iwas sa COVID-19 partikular na iyong mga stranded, malayo sa kanilang mga pamilya o ang mga tinatawag na locally stranded individuals. Ito po ay sa pamamagitan ng Hatid Tulong Program. Panoorin po natin ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Iyan, Secretary Martin, malinaw nga po na ipinagpaliban pansamantala para bigyang daan po iyong mga kababayan natin na na-stranded po partikular dito sa Metro Manila para po makauwi na sa kani-kanilang mga tahanan sa lalawigan.

SEC. ANDANAR: Napakahalaga talaga na mauna muna iyong mga gustong umuwi na – iyong mga OFWs, iyong mga manggagawa, iyong mga estudyante. Kapag okay na lahat, then that’s the time that we begin to send back those Filipinos, mga kababayan, natin na gustong mag-Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Muli, ibang programa po itong Hatid Tulong; ibang programa rin iyong Balik Probinsiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, itong Balik Probinsiya rin kasi ay malaking tulong din doon sa mga nandito sa Metro Manila na nais na ring pumunta, umuwi sa kani-kanilang mga lalawigan para doon na rin mamuhay. Para ngang ang layunin nga nitong Balik Probinsiya [is] to decongest Metro Manila and at the same time, mag-spur po ng economic activities sa ating mga kanayunan.

Okay. Maraming salamat po sa lahat ng mga naging panauhin natin ngayong araw at ang ating partner agencies sa kanilang patuloy na suporta at walang sawang paghahatid ng balita’t impormasyon. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 para suporta sa ating programa. Mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR: At dito po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ang ating babanggitin doon ay ang pasalamat natin sa KBP na lagi pong tumutulong sa atin simula pa lang sa simula noong March 16 na nagsimula ang Laging Handa, kasama po natin ang KBP. Mula pa rin po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas, dito po sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)