Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Nagdesisyon na po ang ating Presidente kagabi at inaktuhan po ang mga rekomendasyon ng IATF. Nakabase po sa siyensiya at sa datos ang naging desisyon ng ating Presidente.

Ano po ang mga klasipikasyon sa iba’t ibang lugar ng ating bansa ngayon? Unang-una po, ang Cebu City ay ibinalik sa Enhanced Community Quarantine simula ngayong araw hanggang katapusan ng buwan.

Masulob-ob kaayo ko sa klasipikasyon dinha sa Dakbayan sa Cebu. Gi isip nako akong kaugalingon nga Sugbuanon kay dinha man ko naminyo og kada tuig dinha pod akong pamilya nagbabasyon. Gi dasig nako nga kitang tanan mag tinabangay aron ma abrihan nato usab ang atong ekonomiya sa Sugbu og aron mabalik nato ang pag lambo sa atong Dakbayan isip usa ka ‘Tiger Economy of Asia’.

[Masyado akong nalungkot sa klasipikasyon diyan sa Cebu City. Kinokonsidera ko ang aking sarili na isang Cebuano dahil diyan ako nag-asawa at taun-taon diyan din ang aking pamilya nagbabakasyon. Hinihimok ko na tayong lahat ay magtulungan upang mabuksan nating muli ang ating ekonomiya sa Cebu City at nang maibalik ang pag-unlad sa ating lungsod bilang isang ‘Tiger Economy of Asia’.]

Bakit po Cebu City? Tingnan po natin ang infographic ng Cebu: Unang-una po, mayroon pong 2,810 na mga kaso as of June 14; 2,417 noong June 10; 1,749 noong May 31. Mayroon pong doubling time sa Cebu City na 6.63 case, ibig sabihin, anim at kalahating araw dumudoble po ang kaso ng COVID-19 sa Cebu.

Tingnan naman po natin ang critical care utilization ng Cebu: As a region po, mayroon po silang 108 na mga ventilators, 56% ang utilization rate; 17 ICU beds, 58% ang utilization rate; 938 isolation beds, 57% utilization rate; at 268 bed wards, 57% [utilization rate].

Ikumpara po natin ito sa utilization rate ng Cebu City. Mayroon po silang 60 ventilators, 45%; 100% na po ang kanilang ICU bed utilization dahil 27 beds lang po iyan. Iyong kanilang isolation beds, mayroon po silang 399, 90% na po ang utilization diyan sa Cebu City. At iyong kanilang bed wards, mayroon po silang 133, 93% na po ang kanilang utilization rate.

Sixty-one sa otsentang mga barangays or 76% ang affected po ng mga active cases; mayroon pong labingtatlong worst-hit barangays; Ang kaniyang testing positivity rate po ay 33 to 36 percent. Ibig sabihin po, halos apat sa sampung tini-testing sa Cebu ay positibo. At ang transmission rate po niya ay 1.3, samantalang sa national po, 1.07 lamang ang transmission rate.

Samantala, ang Talisay City po na karatig siyudad ng Cebu City ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine base po sa rekomendasyon ng IATF dahil sa patuloy na tumataas ang mga bagong kaso.

Ang Metro Manila ay nananatiling nasa General Community Quarantine (GCQ).

Tingnan naman po natin ang datos ng NCR at Metro Manila: Saan po nanggagaling ang mga bagong kaso ng COVID? Sa Metro Manila po, iyong cases four weeks ago, mayroon tayong 1,993; Ang cases natin two weeks ago ay 3,145; Ang dami po ng kaso ay 1,152.

Sa Cebu City – Ang kaso po four weeks ago ay 2,018; ang kaso two weeks ago ay 794; ang growth in cases po ay 576.

Tingnan po natin iyong utilization rate ‘no, tatlong kulay po iyan: Iyong “blue” po ay iyong mga mechanical ventilators; iyong “orange” ay ang mga ICU beds; at iyong “green” ay isolation rooms.

Now, tingnan ninyo po iyong “red” na linya, iyan po iyong nagsasabi na … ang red po ay danger zone – malapit na pong maubos o ma-exhaust. Makikita ninyo po, unahin natins a Region VII, ang “blue” po, ang kanilang ventilators ay nakikita ninyo sa blue pero napakataas na po ng ginagamit na mga ICU beds at saka mga isolation rooms. Sa Metro Manila pa nga po ay mas marami pang available na isolation rooms at saka mga ICU beds.

Tingnan naman natin ang critical care utilization na nakita na nga po natin ‘no.

Now, ang GCQ po ay umiiral sa mga lugar na ito: Sa Luzon – Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Santiago City, Aurora, Bataan, Bulacan, Tarlac, Olongapo City, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Occidental Mindoro, NCR including the Municipality of Pateros;

Ang GCQ po sa Visayas ay ang mga probinsiya ng Bohol, Cebu Province, Negros Oriental, Siquijor, Mandaue City at Lapu-Lapu City;

Ang GCQ po sa Mindanao ay ang siyudad ng Zamboanga at ang siyudad ng Davao.

Ito naman po ang mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ: Sa Luzon, ito po ang mga lugar na MGCQ na. Pansinin ninyo po na may mga ilang siyudad ang probinsiya sa Region II at III na nasa MGCQ na. Simulan po natin sa probinsiya ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, Baguio City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Dagupan City, Batanes, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales.

Mapapansin ninyo po na ang Nueva Ecija, Pampanga, Zambales, Angeles City ay kapwa pong nasa MGCQ, kasama po ng siyudad ng Lucena. So hindi po lahat ng probinsiya sa Region II at sa IV-A ay nasa GCQ. Mayroon pong ilang mga probinsiya na nasa MGCQ.

Now, ang Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Puerto Princesa, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, Legazpi City at Naga City, lahat po iyan ay nasa MGCQ;

Sa Visayas naman po, ang mga lugar na nasa MGCQ ay Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Iloilo City, Bacolod City, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Western Samar, Southern Leyte, Ormoc City, Tacloban City;

Sa Mindanao, ang mga nasa MGCQ ay Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Isabela City, Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental, North Cotabato, South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, GenSan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Butuan City, Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at Cotabato City.

Ano po ang ibig sabihin at pagkakaiba muli ng ECQ, GCQ at MGCQ? Well, alam na po natin iyan dahil pinagdaanan po nating lahat ang ECQ. Nasa screen ninyo po ngayon ang ilang mga industriya na pupuwede at hindi pupuwede sa ECQ, MECQ, GCQ at MGCQ.

Ang buhay ECQ po para sa aking mga kababayan sa Cebu, ang pupuwede lang na mag-operate ay iyong mga indispensible industries na may kinalaman po sa pagkain, agrikultura at iyong mga export-oriented business, kasama na po ang BPOs.

Now, mayroon din pong ilang mga bangko na kinakailangan nakabukas.

Sa MECQ po, mas marami pong mga negosyo ang bubuksan, iyong Category II at iyong Category III pero kinakailangan mag-operate na 50% onsite, 50% work at home.

Sa GCQ po, ito po ngayon ang ating buhay sa Metro Manila, halos lahat po ng industriya ay bukas na, maliban na lang po iyong maraming pagtitipun-tipon at ipinagbabawal pa rin po iyong mga amusement at leisure.

Pagdating po sa MGCQ, iyan po pupuwede nang magtipun-tipon up to 50% capacity ng lugar. Mayroon na pong turismo at 50% capacity.

Pero para po sa siyudad ng Cebu, ibig sabihin po niyan ay talagang stay home na naman tayong lahat diyan sa Cebu City at sa Talisay City except for iyong mga kinakailangan nating mga indispensable – iyong pagkain at iba pa nating supplies. Wala po munang papasok except for doon sa mga industries na classified, one, iyong pagkain, power… iyong mga indispensable industries po ‘no at pinakita po namin sa screen kanina iyong mga pupuwedeng mga industriya sa ECQ. Okay.

Balitang IATF naman po tayo. Nagpulong po ang miyembro ng IATF kahapon kung saan naaprubahan ang mga sumusunod:

Una po, ang mga rekomendasyon ng DOTr na magpalabas ng mga sumusunod na direktiba. Ang pagbuo ng complaints office sa ilalim ng Philippines Ports Authority na tatanggap at sasagot sa lahat ng mga reklamo.

Pangalawa po, ang paglalagay ng minimum na walong oras na libreng oras na panahon bawat shipping line. Ang paghihikayat sa lahat ng domestic shipping lines na magbigay ng porsyente ng cargo space sa bawat biyahe eksklusibo para sa agrikultura, agricultural and food products and to charge preference rates on such agricultural and food products.

Naamyendahan din po ang Omnibus Guidelines para payagan ang transit ng mga abogado na magbibigay ng legal representation sa mga taong inaresto sa panahon ng ECQ. So mga abogado po diyan sa Talisay at saka sa Cebu, bagama’t stay at home po ang lahat, pupuwede po ninyong puntahan ang inyong mga kliyente na may problema po sa mga alagad ng batas.

Inaprubahan ang rekomendasyon ng DOTr tungkol sa guidelines para sa pagbabalik operasyon ng approved training organizations sa ilalim ng GCQ subject to DOH review.

COVID-19 updates, ano po naman ngayon ang sitwasyon ng COVID-19 sa ating bansa. Mayroon na pong 26,000, I stand corrected, 26,420 na kaso ng COVID-19. Patuloy po ang pagtaas ng mga gumagaling, mayroon na tayong 6,250 recoveries samantalang nasa 1,098 naman po ang binawian ng buhay dahil sa virus.

At mabuting balita naman po, nagpapasalamat po kami sa Philippine Center for Entrepreneurship-Go Negosyo at sa pribadong sector sa tulong nila sa pamahalaan laban sa COVID-19. Ito po ang mga sumusunod na mga laboratoryo kung saan may i-install na mga equipment simula Mayo 21, ito po iyong PCR testing machines na dinonate po ng pribadong sector:

Sa Baguio General Hospital, may MOA po sila sa Benguet Provincial Government; sa Eastern Visayas Regional Medical Center together with the province of Samar; sa Western Visayas Medical Center through SILHZ; sa Zamboanga; sa Jose B. Lingad Memorial Hospital with Governor Pineda.

Isa pa rin pong mabuting balita, ito naman para sa ating mga motorista. Asahan ang mas maikling travel time po mula Quezon City papuntang Port Area sa Maynila dahil binuksan na po kahapon ang section ng North Luzon Expressway Harbor Link. Mula Mindanao Toll Plaza mararating na ang Port Area sa Manila sa loob lamang ng 15 hanggang 20 minutes.

Sa Anti-Terror Bill, inulat ko kahapon ni Secretary Año na patuloy pong dumadami ang supporters lalung-lalo na sa hanay ng Local Government Units. Sa ngayon po, mayroon ng 784 Local Chief Executives ang sumusuporta sa panukalang batas kabilang na po ang 43 governors, 68 city mayors at 673 municipal mayors. Salamat po sa suporta. Diyan po nagtatapos ang ating mga reports.

Para sa ating press briefing simulan na po natin ang ating open forum with Maricel Halili of TV5.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, considering the situation now in Cebu. Do you consider Cebu in alarming state and given po iyong dami ng kaso nila in the critical care, the doubling rate, what will happen to their appeal to the IATF to relax the community quarantine; is this something that you will still consider?

SEC. ROQUE: Effectively, the appeal—okay, I stand corrected po. Kahapon kasi binasa ko iyong dokumento ng IATF, nakasulat doon kasi na kasama ang Cebu sa nag-appeal, pero apparently nasama lang siya doon dahil iba iyong magiging desisyon pagdating sa Cebu.

So I stand corrected. Tama po si Mayor Labella, wala po silang apila. Ang gusto pong mangyari ni Mayor Labella ay manatili sila ng GCQ. Ang desisyon po ay base sa siyensiya, base sa datos. ECQ iyong pinakamataas na community quarantine.

Well, hindi naman po siguro nakakatakot na tuluyan iyan dahil pagdating naman po sa critical care bagama’t nasa 100% na nga iyong kanilang critical care beds ay pupuwede naman pong mag-allot nang mas marami pang critical care beds. Noong nagpunta po diyan si Chief Implementer Galvez at saka si Deputy Implementer Vince Dizon, napagkasunduan na ang maubos na ay iyong mga critical care beds allotted ng mga pribadong hospital para sa mga COVID patients at nagkaroon ng kasunduan na dadamihan pa iyong mga kama para sa COVID cases. Pero at the same time, kung kinakailangan naman, iyong mga karatig probinsya naman po ng Cebu ay pupuwede ring mabigyan ng mga ventilators, pati na po medical professionals.

Pero siyempre po dapat mabahala ang lahat dahil ang Cebu po ay gateway to the whole of the Visayas, kung hindi po natin ma-contain ang pagkalat ng sakit dito sa Cebu City malaki po ang posibilidad na baka po kumalat muli sa iba’t ibang parte ng Visayas at pati na po sa Luzon dahil gateway din po ng papunta ng Visayas galing Luzon ang Cebu.

MARICEL HALILI/TV5: So, sir, given na ibinalik po iyong Cebu sa ECQ (signal cut) workers na temporarily mawawalan uli ng trabah0 because of limited movements sa economy. Should they expect another tranche of amelioration, ayuda for them?

SEC. ROQUE: Sa Bayanihan Law po limitado sa dalawang tranches iyan at sigurado naman po na ang buong siyudad ng Cebu at Talisay ay mabibigyan po ng pangalawang ayuda sang-ayon sa Bayanihan Law. Pero titingnan po natin kung saan (signal cut)

MARICEL HALILI/TV5: Ready na sila ano po this week.

SEC. ROQUE: As promised, si Secretary Año reported to the President yesterday po na nagsimula na po ang distribution; karamihan po ng distribution will be done electronically. So nagbibigay na po sila ng second tranche.

MARICEL HALILI/TV5: Nabanggit po kahapon ni President Duterte that he will be having a meeting with the businessman to discuss whether there is a need or there is a chance to modify the community quarantine. When will be the meeting? And what does the President mean na baka may chance na ma-modify? Is he referring to post June 30 scenario?

SEC. ROQUE: Well, I think that that will be post June 30 dahil ito na po iyong classification natin until June 30. Bagama’t ang Manila po ay nasa GCQ ‘no, walang pagbabago. Ang binitawang salita po ng ating Chief Implementer at saka ni Secretary Año ay mas magiging agresibo tayo sa pagpapatupad ng GCQ. At gagamitin natin iyong IATF resolution na nagbibigay kapangyarihan sa mga mayor na magkaroon ng mga local lockdowns on the basis of barangays, zona, roads, subdivisions or building. So, asahan po natin ang mas malawakang localized lockdown bagama’t ang Metro Manila po ay nasa GCQ. Ito po iyong pamamaraan talaga para mapabagal natin ang pagbagal ng sakit dahil alam naman natin na kinakailangang buksan ang ekonomiya.

USEC. IGNACIO: From Bella Cariaso of Bandera. Among ASEAN countries, Philippines and Indonesia na lang po ang may more than 1,000 cases and other neighboring countries daw po ay actually flattening the curve. Sa kaso daw po ng Pilipinas patuloy ang mataas na mga kaso ng COVID hindi ba daw ito dapat ikaalarma? Are we really winning the battle against COVID?

SEC. ROQUE: Well, karamihan po ng ating mga probinsya ngayon ay nasa MGCQ na at kakaunti na lang naman po ang nasa GCQ at isang siyudad na lang ang ECQ, isang siyudad na lang ang nasa MECQ. So, ibig sabihin po eh nagkakaroon naman tayo ng gains laban dito sa COVID-19. Iyong doubling rate nga po sa buong Pilipinas umaabot na ng sampung araw. Ang ating mortality rate ay under ten na daily ang mortality rate natin. So, importanteng mga bagay po iyan na nagpapatunay na gumana ang ating lockdown. At dahil gumana nga po iyong ating lockdown, sigurado po kami na itong ginawa natin na naman sa Cebu City at sa Talisay ay gagana rin.

USEC. IGNACIO: Question naman po ni Tuesday Niu ng DZBB: Nabasa na po ba ni President Rodrigo Duterte ang Anti-Terror Bill? Pipirmahan po ba ito? Ibi-veto? Kailan po ito?

SEC. ROQUE: Actually, hindi na siguro na-broadcast iyan pero sinabi ng Presidente pagdating sa Terror Bill, hinihintay lang niya si Senator Lacson na i-finalize ang commas at periods niya. Ibig sabihin po, bagama’t nasa Malacañang na ang Anti-Terror Bill, siguro po pinag-aaralan pa ng Office of the Executive Secretary ang sinumiteng panukalang batas dahil wala pa po mismo sa lamesa ng Presidente, okay. Pero Monday lang naman po kahapon ‘no at dumating ang Presidente ng Sunday, so hindi pa niya siguro nakikita or hindi pa po naita-transmit sa kaniyang lamesa for signature ng Office of the Executive Secretary ang Anti-Terror Law.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi, Secretary. Good afternoon po. Sir, nabanggit po ni Secretary Año last night na iyon nga po, nagsisimula na po iyong pamamahagi ng second tranche. Do we have any information or update kung aling mga lugar na po iyong naabot nito?

SEC. ROQUE: Wala pa po dahil kahapon lang niya sinabi nga na nagsimula na sila ‘no at iyon naman po ang pangako nila, that they will start this week. And I’m happy na natupad iyong pangako nila na Monday nagsimula na. Siguro po sa Thursday, we can give you an update kung ilan na ang naibigay nila electronically at least, dahil ang sabi nila iyong mga electronic transfers will take only two days.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, dito naman po sa Region VIII, is there any chance na ma-reconsider daw po itong quarantine classification, considering na tumaas po iyong kaso nila sa pagbabalik po ng locally stranded individuals?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo, tinitingnan natin hindi lang iyong case doubling rate kung hindi pati iyong critical care capacity ‘no. So ang Region VIII po hindi naman po fully exhausted iyong capacity nila ‘no. So, ang Region VIII po ay kung hindi ako nagkakamali—well, anyway, so ibig sabihin po, mayroon pang sapat na critical care capacity kaya hindi pa po itinaas ang kanilang classification.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Okay. So, sir, on another issue. Iyong kahapon po, I understand ini-explain po ninyo, ng Palace na the President is for freedom of speech, freedom of the press. But, sir, despite that, many are still inclined to thinking that the President is behind the conviction of Ms. Maria Ressa and it’s all over social media. Marami po iyong nagpupula doon sa sinasabi ng government that no one is above the law, that the law is the law.

How does Malacañang wish to respond to these criticisms, sir, na iyong batas daw po ay nagagamit laban doon sa mga kumukontra sa administrasyon o iyong mga hindi po kaalyado, habang iyong mga kaalyado naman po kapag nagkakamali, bini-baby daw po at hindi binibigyan ng karampatang parusa?

SEC. ROQUE: Wala pong katuturan iyan. Unang-una, ang kaso po ni Maria Ressa, pribadong indibidwal po ang nagkaso sa kaniya, hindi po gobyerno, hindi taong-gobyerno, ni hindi pulitiko – pribadong indibidwal. Nabasa ko na po ang desisyon. Ako naman po ay bihasang libel defense lawyer ‘no, ni isang kaso wala pa akong natalo. Noong nabubuhay po si Niñez Cacho-Olivares ‘no, talagang—minsan siyang na-convict, hindi ako naghawak—pero I have absolved her in no less than 14 cases.

Eh paano namang hindi mako-convict si Maria Ressa, hindi naman sila nag-introduce ng evidence na wala silang malice. Ni hindi sila nag-introduce ng evidence na vinerify nila iyong kanilang nire-report na kriminal ang isang pribadong indibidwal bago nila ipinublish, walang ganoong ebidensiyang prinisenta. Eh samantalang kapag private ang complainant, mayroon tayong malice in law presumption na iyong malicious imputation is in fact malicious at kinakailangan in-overcome iyan ni Teddy Te. Eh hindi naman ginawa ni Teddy Te iyon, ni walang kahit anong ebidensya. Eh paano siya maaabsuwelto?

Para ngang gusto niyang ma-convict … Well, ayan po, na-convict nga at although iyong kaniyang sentensiya po ay puwedeng walang kulong eh hindi po niya maa-avail ang probation kapag siya ay nag-apela. At kapag siya ay nag-apela at hindi po nagbago ang desisyon ng korte, kalaboso po.

USEC. IGNACIO: From Mr. Antonio Ajero, Editor-In-Chief ng Edge Davao, President ng Davao Press Club: If possible daw po, please state how many frontliners have died of COVID-19 compared to active or retired politicians, priests, pastors, televangelists in the Philippines?

SEC. ROQUE: Wala pa po akong datos sa iba pero nabigyan na po natin ng 1 million iyong 33 frontliners na namatay po dahil sa COVID-19. Pero titingnan ko po kung makakakuha ako ng datos doon sa mga ibang propesyon na binanggit ninyo.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Antonio Ajero: Millions of unskilled/skilled workers and professionals depend on the country’s pre-COVID-19 building boom. When will the full resumption of construction be allowed?

SEC. ROQUE: Well, allowed na po ‘no dahil maski GCQ nga at maski MECQ, in-allow na po ng IATF iyong konstruksiyon muli ng mga priority projects natin at lahat naman po iyan ay ongoing ngayon ‘no. So lahat po ng mga projects ay mayroon lang mga ilang magsisimula po na proyekto ngayon kasama na po diyan iyong MRT Davao-Samal ‘no na sisimulan ngayong taon na ito. Pero kasama po sa ating istratehiya kung paano tayo babangon sa trahedya ng COVID-19 ang Build, Build, Build at kasama na po diyan iyong mga flagship projects natin. All systems go para sa BBB projects po.

USEC. IGNACIO: Huling tanong po ni Mr. Antonio Ajero: Relative to construction, please brief us daw on the pandemic’s effect on the timeline of Mindanao’s big ticket projects such as the Mindanao Railway, Davao-Samal Connector Bridge, Mindanao Airport in Bukidnon, Cotabato, Davao and Northern Mindanao?

SEC. ROQUE: Lahat po iyan, kung hindi na nagsisimula, magsisimula muli. Siyempre po nagkaroon tayo ng dalawang buwan o isang buwan minimum na naantala ang mga proyekto ‘no, pero matapos naman po noong unang buwan na iyon ay talagang nagkaroon ng desisyon na ituloy na iyong mga proyekto na hindi na nasa under ECQ. At karamihan naman po ng Mindanao eh maaga na-lift ang ECQ maliban po sa siyudad ng Davao.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Good afternoon po, Secretary. Going back lang po doon sa Cebu City, ano po iyong nakita nating dahilan bakit po dumami iyong kaso ng COVID-19 doon [garbled] pong maling ginawa [garbled] community quarantine sa Cebu?

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po malaman kasi nandito tayo sa Manila ‘no, pero iyon nga po ‘no, nandito na tayo sa pagkakataon na ECQ na naman tayo, samantalahin na lang po natin itong ECQ para tuluyan nang mapababa po ang pagkalat ng COVID-19. Alam ko po mahirap ang magiging buhay ninyo sa susunod na dalawang linggo, pero wala na po tayong alternatibo – wala pang vaccine, wala pang gamot. So tanggapin na lang po natin na ito lang po ang tanging pamamaraan para malabanan natin ang COVID-19.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Follow up lang po doon sa sinabi ni Pangulong Duterte na he will have a—mayroon pa po siyang magiging meeting, tama po ba with businessmen? Ito po ba ay nangangahulugan na may mga apela po ang businessmen pagdating po sa ibinaba natin na community quarantine protocols? Kasi po marami rin po nagsasabi na kahit po pinayagan na rin po natin ang operasyon ng mga negosyo ay lugi pa rin po iyong ating mga negosyante?

SEC. ROQUE: Well, siyempre po lahat tayo nalugi. Wala po talagang nakinabang dito sa COVID-19 dahil iyan po ang mangyayari kapag sinara mo ang ekonomiya. So siguro iyong pagpupulong ni Presidente, tatanungin niya paano pa ba natin lalong mapapabilis ang ating pagtayo o pag-recover dito sa COVID-19 na naging problema natin ‘no at siyempre, kinakailangan bigyan ng suporta ng gobyerno ang pribadong sektor. Mahirap itong pagbangon na ito pero nasa likod ninyo kami.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay po. Last na lang po from me, Secretary. May update na po ba doon sa paggamit sa mga jeep for delivery services? Ito po ba ay napag-usapan sa IATF meeting with Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Hindi po napag-usapan pero iyang suhestiyon po na gamitin as delivery service, nanggaling na po iyan kay Secretary Año. Alam ninyo naman po, Secretary Año as Secretary of the Interior plays a very, very major role pagdating po sa polisiya ng IATF at implementasyon ng mga polisiyang ito. So I think it will happen, that at the very minimum, ang mga jeepney drivers ay magiging delivery service. At pangalawa po ang sabi ng DOTr, itutuloy po nila iyong jeepney modernization at magbibigay po tayo ng tulong para iyong mga displaced jeepney operators ay magkaroon o makasapi po dito sa Jeepney Modernization Program.

USEC. IGNACIO: Secretary, from Francis Wakefield of Daily Tribune: Nabanggit daw po ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi na balak niya na bumili ng 300 transistor radios para ipamahagi sa mga barangays located in far-flung areas of the country para daw po makatulong sa education ng mga bata. May we know kung magkano daw po ang budget ng gobyerno para dito at kailan po iyong target date ng pagbili?

SEC. ROQUE: Wala pa pong budget, kasi kahapon po ang konteksto noong sinabi ni Sec. Briones, maski bumili tayo at mamigay ng P300 worth na radyo, ito po ay para sa mga lugar na walang access sa computer, walang access sa telebisyon at ang tanging access lamang ay iyong mga community radio. So, kung kinakailangan bibigyan natin iyong mga estudyante ng P300 worth na radio kasi iyon ang pinakamura para magpatuloy pa rin ang kanilang pag-aaral. Wala pa pong budget para diyan pero I’m sure may pagkukuhanan po dahil wala naman tayong face-to-face classes.

USEC. IGNACIO: Iyong question ni Angel Ronquillo ng DZXL ay natanong na po ni Maricel Halili pero ang kaniyang second question po ay ito: May nakakubra na po ba daw ng P30,000 para sa mga nagsusumbong na individual laban sa mga tiwaling opisyal?

SEC. ROQUE: Well, wala pa pong naiuulat na nabigyan na ng reward money pero in the hundreds na po ang nasampang kaso ng DILG. Kung hindi po ako nagkakamali, sa huling ulat ni DILG kahapon at inulit niya po it okay Presidente, hindi po bababa sa 200 ang mga nasampahan na ng kaso.

Joseph Morong of GMA 7, please.

JOSPEH MORONG/GMA 7: Hi, sir. Good afternoon po. Sir, first muna a little bit on Cebu ‘no. Would you say, sir, that Cebu is the new epicenter of COVID?

SEC. ROQUE: Hindi ko naman po masasabi iyan kasi Cebu is only one city, hindi gaya po ng Metro Manila na because of the contiguity of the different cities and municipality, mas malaki po iyong area ng Metro Manila. So, I will not conclude that Cebu is the new epicenter; Metro Manila is still the epicenter with 14 million inhabitants. Let’s just say that in terms of individual cities, pinakamataas na po ang kaso ng COVID sa Cebu City, na-overtake na po niya ang Quezon City.

JOSPEH MORONG/GMA 7: Yes, sir. Sir, sa Manila po—Metro Manila, where do we attribute, sir, iyong increase pa rin ng mga COVID cases considering we have a General Community Quarantine and we still have new infections. Can we explain saan po nanggagaling iyon, bakit po tayo nagkakaroon ng ganiyang; and then, sir, corollary question: will we ever graduate to MGCQ?

SEC. ROQUE: Ang masasabi ko lang po talala, talagang population density is part of the problem. Talagang dikit-dikit po tayo at may mga lugar na nais nating mag-social distancing eh parang mahirap gawin iyon. Pero hanggat maaari po iyan lang po talaga ang ating mga sandata kaya kinakailangan mag-social distancing; magsuot ng mask; manatiling malusog po.

Will we ever graduate to MGCQ? We hope so and that’s what we’re striving for. Borderline naman po ang Metro Manila, seven po means that the risk is moderate. We are at 6.9, okay? So, parang borderline po talaga tayo at ang advantage ng Metro Manila, because we are the capital, halos lahat ng critical care resources narito po sa Metro Manila. So iyon po ang ating advantage ‘no.

Pero iyon nga po, marami pa ring kaso. Mga kaibigan, mga kababayan tayo na po ang may sagot kung paano natin mapapabagal iyan.

JOSPEH MORONG/GMA 7: Alright. Sir, just one last on this point. Sir, remember that the LTFRB said that they will roll out the second phase of public transportation? Ito iyong mga provincial bus going in and outside of Metro Manila; I’m not sure kung kasama diyan iyong mga UV Express and modern jeepneys. But will it push through considering that we are staying in GCQ? So, ibig sabihin papayagan na po ba iyong provincial buses starting the 21st; and sir, paki-explain lang, bakit parang every quincenas‎ daw iyong sinasabi ng tao, every two weeks binabago natin iyong community quarantines?

SEC. ROQUE: Well, because iyon pong pag-aaral natin ng datos every two weeks, so masyadong maikling panahon naman siguro iyong isang linggo but two weeks is long enough period to establish a trend kung anong nangyari for the last period.

Now, pagdating sa transportation policy, alam ko po sa June 22 they will implement the next phase of the DOTr. Hindi ko alam kung nasa computer natin iyong phase 2 ng transportation plan ng DOTr pero I will show it again on Thursday. That will continue whether or not we are in GCQ. Ang question mark po are the provincial buses because I know while under GCQ eh parang wala pang provincial buses.

But we will have to verify that kasi hindi naman natin aakalain lahat that we will continue to be under GCQ; ang assumption ng lahat we will graduate down to MGCQ. So let me inquire from DOTr kung magbabago rin ang kanilang mga plano.

JOSPEH MORONG/GMA 7: Sir, one last question. Did you mention about probation with regard to Ms. Ressa’s case?

SEC. ROQUE: Well, the sentence of Ms. Ressa is it is subject to probation but you will lose the benefit of—ibig sabihin, walang kulong kung tatanggapin ang desisyon at mag-a-apply ng probation pero kung siya po ay aapela, mawawala ang pribelihiyo na wala ng kulong at kapag siya ay nag-apela at natalo pa siya, kulong talaga siya.

JOSPEH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, thank you for your time, that’s it.

SEC. ROQUE: Thank you. USec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Secretary, from Leila Salaverria of Philippine Daily Inquirer: Since NCR daw po will be under GCQ until June 30, what happens daw po to jeepney drivers? Would you provide us an update on the government plan to give jeepney drivers an alternative source of livelihood? What actual actions have been taken to help them?

SEC. ROQUE: I think nasagot ko na po iyan. Per Sec. Año, definitely they will become delivery service vehicles and for DOTr, they will help the jeepney operators para makasapi po sa jeepney modernization program.

USEC. IGNACIO: From Rose Novenario of Hataw: Iyon daw pong sinabi kagabi ni Sec. Briones na radio-based mode of learning ay sa Radyo Pilipinas, paano daw po iyong gagawin? Gaya po ba daw ng IBC-13 na may MOA and mag-block timer ang DepEd? Magkano po ang ilalaang budget para sa proyekto?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam kung paano magiging dynamics niyan ano pero ang binabanggit po ni Sec, Briones, ang IBC-13 ang reach niya kasi limitado lang. So, ang tinitingnan niya ay makikontrata sa mga community radio stations dahil mayroon talagang mga liblib na lugar na nararating lang ng mga community radio, hindi naaabot pati ng Radyo ng Bayan. So, lahat po iyan gagamitin ng DepEd at sa tingin ko naman magkakaroon naman ng sapat na budget diyan kasi nga wala tayong face-to-face. Marami po tayong masa-save na gastos ngayong wala tayong face-to-face classes.

Melo Acuña?

MELO ACUÑA: Magandang araw po, Secretary. Magandang araw.

SEC. ROQUE: Magandang araw.

MELO ACUÑA: Nabanggit po ni Sec. Galvez na inihahanda na ng pamahalaan iyong one stop shop para sa 5,000 illegal migrants sa Sabah para makauwi na at itatayo po ito sa Zamboanga. Nabanggit po niya ito kagabi. Ano po ang problema at nababalam iyong pagtatayo ng one stop shop sa Zamboanga?

SEC. ROQUE: Well, sa tingin ko, talagang—when you’re talking about the COVID pandemic, kinakailangan very close ang coordination between countries. So, you’re talking of 5,000 na siyempre, nag-iingat din ang Malaysia dahil baka mamaya eh maging carriers din ng COVID-19.

So, I think ang pag-uusapan is ano ba iyong mga prerequisites; kinakailangan bang i-testing bago mapauwi sa Sabah or sila na ang magte-test sa Sabah sila na magku-quarantine doon; ganiyan po ang usapan. Parang usapan din ng mga LGUs na ngayon po ay tumatanggap na ng mga biyahero via air travel na mayroon na silang mga fixed requirements na kinakailangan may health certificate at saka mayroong travel authority. So, ganoon po iyong usapin na nangyayari ngayon.

MELO ACUÑA: Opo. Secretary, nabanggit po ni Pangulong Duterte na baka bumili nga ng radyo para sa mga nasa liblib na pook. Ang interes ko po ay mayroon na po bang inutusan o inatasan ang Pangulo at ang DepEd na gumawa ng modules na isasahimpapawid sa mga himpilan ng radyo para sa mga mag-aaral? Salamat po.

SEC. ROQUE: Sang-ayon po sa ulat ni Sec. Briones, sila na po mismo ang gumagawa niyan, hindi na po nila in-outsource iyan dahil ang sabi ni Sec. Briones, hindi naman bago itong distance learning.

MELO ACUÑA: Okay. Salamat po. Thank you.

SEC. ROQUE: Salamat po. USec. Rocky?

USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla of Business Mirror: Sinabi po ng DBM na wala daw pong authorization ang Philippine International Trading Corporation (PITC). Iyon daw pong ginagawa nitong pag-import ng 300,000 metric tons of rice, na-approve po ba daw ito ni President Duterte?

SEC. ROQUE: Wala pa po akong nalalaman diyan. On Thursday, please take note and we will ask from both DA and PITC ‘no. Pero wala po kaming any information, we will get the information for you and relay it on Thursday. Next question, please.

USEC. IGNACIO: From Sam pa rin po: Nag-request na po ba ng authorization ang PITC kay President Duterte for the importation at ano po ang take ng Palace dito?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa nga po alam iyan. We will report to you on Thursday. Pero ang tanong po ay tungkol sa pag-angkat ng bigas, so tatanungin po namin kung mayroon ng authorization para mag-angkat ng bigas.

USEC. IGNACIO: Tanong ni Jo Montemayor ng Malaya, ito po ay nasagot ninyo na, iyong kung magkakaroon daw po ng third tranche ng SAP ang Cebu City and Talisay kasi under sila ng ECQ.

Tanong ni Vanz Fernandez ng Police Files: Any update daw po sa financial assistance to the family of two policemen na namatay po sa COVID-19 in Cebu na dapat ay naibigay na daw po ang tig-isang milyong piso under the Bayanihan To Heal as One Act na alam po natin na galit ang Pangulo kapag nadi-delay po iyong pagbibigay ng tulong sa mga frontliners.

SEC. ROQUE: Well, ang Bayanihan Act po, itsini-check namin pero ang tingin ko po, it is medical frontliners. Hindi naman po namin sinasabi na wala nang ibang frontliners. Ang pulis po, we acknowledge they are frontliners. Iyong mga grocery store clerks are frontliners. Iyong mga nagbebenta ng gasolina are frontliners. Pero parang ang sa batas po, ang pagkakaalam ko, medical frontliners po ang bibigyan.

Pero huwag po kayong mag-alala, kasi ang Presidente maski hindi natin nalalaman ay talagang nagbibigay po iyan sa mga namamatay na pulis at mga militar dahil iyan naman po ay maliit na bagay kumpara doon sa kabayanihan ng ating kapulisan at kasundaluhan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Angel Ronquillo po ng DZXL: Kailan daw po iri-renew iyong IATF ID? Sa June 20 po kasi ang expiration.

SEC. ROQUE: Eh di sa June 20 po talaga mari-renew iyan kasi June 20 ang expiration. Alam ninyo, again, going back to the fact na hindi talaga natin inaasahan na mananatili tayo under GCQ dahil nakabase naman po iyan talaga sa siyensiya at sa datos. So nasa atin po iyan kung kailan natin makakamit iyong punto na hindi na natin kinakailangan ng IATF passes – social distancing, good hygiene and, of course, as much as possible homeliners kung hindi naman kinakailangang lumabas ng bahay.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, last question na. Ito po parang gusto lang ipaabot sa inyong kaalaman, from Randy Cañedo ng DABIGC News. Isa daw pong police colonel ang namutol ng anim na ektarya ng bakawan o mangrove sa Puerto Princesa at nambugbog pa ng DENR personnel sa Palawan. Sa 20 years daw po niya sa media, marami na raw po siyang mahihirap na nakitang nakulong sa pagputol ng isang puno ng mangrove.

SEC. ROQUE: Well, ipaalam ninyo po sa amin kung sino iyang colonel na iyan at ipagbibigay-alam natin po kay Presidente mismo dahil baka gustong batukan iyan ni Presidente. Tingnan po natin, pero definitely, pananagutin po natin siya; istrikto po ang mga batas diyan sa Palawan dahil it is a protected area po; at tingin ko po, malaki ang pananagutan ng colonel na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, iyan po iyong ating mga nakalap na tanong mula sa ating mga kaibigan sa media.

SEC. ROQUE: Okay. Baka mayroon pang gustong magtanong, dahil for the first time may oras pa tayo dahil wala tayong guest. Mayroon pa bang gustong mag-next round sa inyo diyan? Joseph Morong? Triciah? Pagkakataon na. Wala na? Well, kung wala na, ibig sabihin ay maaga ang tanghalian namin.

Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. At sa ngalan po muli ng ating Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabing stay safe, Philippines.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)