Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat ng ating mga kababayan. Mula sa iba’t-ibang panig ng mundo, samahan ninyo po kami sa panibagong linggo ng paghahatid ng totoo at tamang impormasyon tungkol sa laban natin kontra coronavirus, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. At ako naman po si Usec. Rocky Ignacio kasama ninyong aalam sa mga hakbangin ng ating pamahalaan laban sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman samahan ninyo po kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Secretary, COVID-19 count muna tayo. As of 4 P.M. po kahapon, nakapagtala ng dagdag na tatlondaan at animnapu’t apat na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health na sa kabuuan po ay umabot na sa 26,781 confirmed cases; 249 sa mga bagong kasong ito ang fresh cases habang 115 naman po ang late cases. Tinatayang nasa 19,017 naman ang active cases sa bansa. Sa kabuuan ay nasa 6,552 na ang recoveries matapos itong madagdagan ng 301 kahapon habang nasa 1,103 naman po ang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng lima.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay ang (02) 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. At patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol po sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

SEC. ANDANAR: Samantala, ang paalala ni Senador Bong Go, hindi pa tapos ang ating laban sa COVID-19. Sa pinakabagong resolusyon na inilabas ng IATF na inaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan muling ibinalik sa ECQ ang Cebu City at MECQ ang Talisay City at nanatiling GCQ ang Metro Manila, sampu ng iba pang mga lugar sa bansa.

Pinaalalahanan po naman ng Senador ang bawat isa na sumunod pa rin sa mga health protocol na mahigpit na ipinatutupad sa bansa – kagaya ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pagkakaroon ng physical distancing – dagdag pa niya, “tayong lahat ay lumalaban para mabuhay”. Pinaalala rin ni Senador Bong Go na sumunod at maki-cooperate ang bawat isa sa mga awtoridad para matigil ang pagkalat pa ng sakit sa bansa.

USEC. IGNACIO: Samantala, sa gitna ng COVID-19 ay dapat pang mas pakinggan ang hinaing ng mga OFW lalo pa’t may kaugnayan sa kanilang health security. Kaya naman sa ginanap na hearing ng Joint Congressional Oversight Committee ay muling isinulong ni Senator Bong Go ang pag-review sa Universal Healthcare Law na nagpapataw ng diumano’y mas mataas na premium contribution sa mga OFW.

Aniya, habang kailangan nating siguruhin na sustainable at may sapat na pondo ang healthcare sa bansa, kailangan pa rin nating ikonsidera na kasalukuyang dumadaan sa krisis ang bansa na nagdulot sa hindi pagbabayad ng ilang OFWs sa kanilang premium. Kaya naman ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na gawing voluntary muna ang pagbabayad ng contribution. Sinunod naman ito ng PhilHealth sa pamamagitan ng paglalabas ng isang advisory na pansamantalang pumapayag sa voluntary contributions na mga miyembro nito.

Samantala Secretary, maya-maya ay makakasama rin natin na magbabalita sina John Mogol ng Philippine Broadcasting Service, Alah Sungduan ng PTV-Cordillera, Julius Pacot ng PTV-Davao.

SEC. ANDANAR: Samantala ay makakapanayam natin ngayong araw si Mr. Melvin Mabulac, ang Hepe ng National Operations Center ng Bureau of Immigration; si Presidential Management Staff Asec. Joseph Encabo, ang in-charge sa Hatid Tulong Project; at si Deputy Commissioner, Attorney Arnel Guballa ng Bureau of Internal Revenue.

Nagpapatuloy pa rin po ang travel restriction sa palabas at papasok ng bansa dulot ng patuloy na banta ng COVID-19 sa buong mundo. Kaya naman ang Bureau of Immigration mahigpit pa rin ang pagbabantay sa ating mga paliparan sa kabila ng panganib na dulot ng pandemya.

Makakapanayam po natin si Ginoong Melvin Mabulac, ang Hepe ng National Operations Center ng Bureau of Immigration. Magandang umaga po sa inyo, sir.

MR. MABULAC: Magandang umaga, sir, Secretary Andanar at Usec. Ignacio.

SEC. ANDANAR: Noong nakaraan ay napabalitang siyam na Immigration officers na pinagsuspetsahan na mayroong COVID-19 pero buti na lang sila ay nag-negative after mag-RT-PCR test. Kumusta na po sila at ano po ang measures na ginagawa ng BI para hindi ma-expose sa sakit ang inyong mga frontliner?

MR. MABULAC: Opo, sir. Totoo po iyan, nagkaroon po ng rapid testing but alam naman po natin ang rapid testing, hindi po iyon as accurate kaya kailangan nila mag-swabbing. At doon naman talaga, iyong siyam na Immigration officers natin, nakita naman natin na negative po sila. Salamat po at ganoon ang nangyari, na negative po sila sa coronavirus.

Kaya nga kaagad-agad after that, nagkaroon din tayo ng rapid testing, natapos lang kahapon, mula sa BI main office last week then kahapon doon sa airport. At naging mandatory sa lahat ng empleyado, ipinalabas ng ating Commissioner, na lahat dapat sumailalim ng testing upang maiwasan natin at maka-intervene tayo kung mayroon man nagpositibo.

At nagpatupad din tayo ng mga ilang guidelines particularly sa ating mga opisina na kung saan nagkakaroon tayo ng observance ng social distancing. Nagkaroon din po tayo ng mga online appointment para ma-manage natin iyong crowd, iyong pagpasok ng mga nagta-transact sa ating mga opisina.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, noong Lunes nga po ay muling binuksan iyong sinasabi ninyo nga po, iyong main office ng Bureau of Immigration sa Intramuros, matapos itong isara dahil nga sa pagkakaroon nang nagpositibo po na isang empleyado. Pero kumusta na po iyong empleyadong ito at paano ninyo siniguro na hindi nga po kakalat pa iyong sakit sa inyong tanggapan?

MR. MABULAC: Opo. Iyong empleyado naman po natin kaagad-agad namang binigyan ng tulong ng ating medical section at ang ginawa po ng ating opisina, nagkaroon pa tayo ng pag-disinfect. Hindi lang isang beses nating dinisinfect ang ating mga opisina sa buong BI main office at the same time nagkaroon din po tayo ng mga rapid testing, massive rapid testing sa lahat ng mga empleyado na nandito sa main office.

SEC. ANDANAR: How is the Bureau of Immigration preparing for the new normal? Magkakaroon ba ng mga pagbabago sa sistema o proseso na ipapatupad ninyo diyan sa Immigration?

MR. MABULAC: Opo, sir. Nagpalabas po ng memorandum ang ating Commissioner, particularly po sa pag-observe ng the new normal particularly iyong entry ng ating mga transacting public katulad ng wearing of face mask, paggamit ng mga alcohol. At the same time kapag papasok po, kailangan po magta-transact sila, magkaroon muna ng online appointment. Hindi silang basta-basta papasok, wala po kami—we discourage coming sa mga walk-in, kasi we need to ensure na na-observe natin ang social distancing at ito ay magkakaroon lamang ng—maisasakatuparan lang po kung tayo ay magkaroon ng online appointment.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pero sa kasalukuyan po, anu-ano po iyong mga serbisyo na ino-offer ng Bureau of Immigration?

MR. MABULAC: Lahat na po. Nag-resume na po tayo ng full operation starting June 1. But basically, even before, mayroon naman tayong—hindi naman po nag-stop iyong operation ng Immigration, only that limited during the time nagkaroon talaga iyong enhanced quarantine, na ang ating kini-cater iyon lang pong mga foreign national na may mga travel during that time. But after that, June 1, naging operational, regular na po iyong ginagawa ng Immigration. Only that may mga panibago tayong mga guidelines to observe, iyong social distancing. But basically, open na po tayo, lahat ng transaction tinatanggap na po natin, ma’am.

SEC. ANDANAR: We are still following the same travel restrictions na ipinatupad po ng IATF since nagsimula ang GCQ in most areas noong June. How is the Bureau of Immigration coordinating with the IATF regarding this?

MR. MABULAC: Yes, Secretary. Ang Immigration naman ay kasama din po kapag nagkakaroon ng meeting with the IATF at sa travel restriction bagong pinalabas ang IATF kaya iyon pa rin ang sinusunod natin. We have to understand, we have to limit iyong dating, kasi baka ma-overwhelm iyong dami ng dumarating and we have to understand lahat po iyan ay nag-a-undergo sa testing at inilalagay po sa mga facility. That’s why we understand as well na wala pang bagong recommendation ang ating IATF.

Patuloy pa rin po tayo, iyong mga officers natin sa ating mga paliparan ay nagde-deploy tayo. Mayroon po tayong na-assign doon na kung saan nagpoproseso po tayo. Member po tayo ng one stop shop, ang immigration [garbled] ng mga travel documents ng ating mga dumarating at mga papaalis na mga pasahero.

USEC. IGNACIO: Sir, sa gitna po ng COVID-19 nga eh tuluy-tuloy pa rin po iyong mahigpit na pagbabantay ng inyong ahensiya sa ating mga paliparan. Kaya naman po napabalita nga iyong pagkasawata ninyo sa isang South Korean fugitive sa tulong po ito ng Bureau of Immigration. Ano na po ang nangyari dito?

MR. MABULAC: Opo, nang makita po natin iyan sa airport, na-hold po iyan. Nakipag-coordinate po kami kaagad sa South Korean government sa Immigration nila at basically considering na ang tao ay fugitive naman sa kanila at na-inform na sila na upon arrival doon, kaagad nilang huhulihin iyong South Korean.

Meaning, even before siya pasakayin, i-board ng airlines, nagkaroon ng advance coordinate para pagdating doon ay hindi na makatakas – sa eroplano pa lang susunduin po siya ng ating Korean Immigration.

USEC. IGNACIO: How about nga po itong Spanish national naman po na dati pong nakaalitan ng Makati City Police, ito daw po ay isinama na sa Immigration blacklist?

MR. MABULAC: Opo, ma’am, lumabas na po ang desisyon ng (communication cut)

USEC. IGNACIO: Naputol po ang pakikipag-usap kay Mr. Mabulac ng Bureau of Immigration. Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa ating kasamahan na si Mr. Melvin Mabulac mula sa Bureau of Immigration. Salamat po sa inyong oras, sir.

USEC. IGNACIO: Samantala, pansamantala namang ipinatigil o ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program para bigyang daan ang pagtulong sa mga locally stranded individual sa bansa sa ilalim ng Hatid Tulong Program. Iisa lamang naman po ang layunin ng parehong programang ito – ang matulungan ang mga kababayan natin na nais makapiling ang kani-kanilang pamilya. Panoorin po ninyo ito.

[VIDEO PRESENTATION]

SEC. ANDANAR: Samantala, tuluy-tuloy pa rin po rin po ang pag-aabot natin ng tulong para sa mga kababayan nating nalayo sa kani-kanilang pamilya at probinsya o mga locally stranded individuals, ito po ay sa pamamagitan ng Hatid Tulong Program sa pangunguna ni Presidential Management Staff Asec. Joseph Encabo. Magandang araw po sa inyo, Asec. Encabo.

ASEC. ENCABO: Magandang araw po. Magandang umaga po, Sec Mart and Usec. Rocky at sa lahat po ng nanunood ng programa ninyo ngayon.

SEC. ANDANAR: Asec, the program has been changed, at least the name ginawa po natin itong Hatid Tulong to avoid confusion. So kumusta na po ang programang Hatid Tulong para sa ating mga kababayang stranded sa mga urban areas?

ASEC. ENCABO: Well, sa ngayon, Sec. Mart., masaya po akong i-report sa inyo at sa lahat ng mga viewers at sa mga kababayan natin na ang Hatid Tulong po ay umabot na po sa mga 53,000 plus na stranded individuals na natulungan po natin. So, ongoing po ang ating assistance sa kanila at patuloy po kaming nakikipag-ugnayan din sa mga kasamahan po natin sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

SEC. ANDANAR: What type of assistance po ang ibinibigay natin sa mga beneficiaries po ng Hatid Tulong Program?

ASEC. ENCABO: Unang-una po, ang primary obligation at ang responsibility ng national government is to provide transportation to the stranded individuals. Pangalawa po, nagbibigay din po tayo ng food assistance at financial assistance sa mga stranded individuals who are considered to be in crisis situation – so iyon ay pinapangunahan po ng DSWD. At ang iba naman po, kapag mayroon pong nahihirapan pumunta sa lugar kung saan sila ay sasakay at ihahatid, nandiyan po ang DOTr at ang Philippine Coast Guard, kasama po natin sila sa pagsundo ng mga LSIs na nahihirapan pong sumakay papunta po sa area of departure ng ating programa.

USEC. IGNACIO: Asec. Joseph, magandang umaga po. Nasabi nga po ninyo nasa 53,000 na po iyong ating natulungang locally stranded individuals. Pero mga ilan pa po ba iyong mga inaasahan natin na dapat nating bigyang tulong sa ilalim pa rin nitong Hatid Tulong Program?

ASEC. ENCABO: Sa ngayon po base sa listahan ng Presidential Management Staff, mayroon po tayong mahigit na 13,000 nasa listahan po na LSIs. Ito po ay nandito po sa Luzon at sila po ay gustong umuwi sa kanilang probinsya sa Visayas at saka sa Mindanao.

Iyon po ay dahan-dahan nating kino-consolidate in a cluster at grouping para maiayos po natin ang kanilang schedules, at the same time, ma-identify natin kung ano po iyong akmang transportasyon para sa kanila lalung-lalo na iyong bibiyaheng Visayas at Mindanao.

SEC. ANDANAR: How are we coordinating with the LSI at mga LGU where they are stranded? Kailangan ba nilang magpalista sa mga host LGU nila para mapasama sa program? How does it work, sir?

ASEC. ENCABO: Puwede po, may mga LGUs po tayo na sila mismo ang kumokolekta ng mga pangalan ng mga LSIs nila o iyong na-stranded sa kanilang LGUs. At kapag nakuha na po nila iyon, pino-forward po nila sa PMS o sa ahensiya ng DOTr kung ito po ay mga stranded students; kung mga stranded workers naman ay pino-forward po at sinusumite sa tanggapan ng DOLE. Ang mga stranded tourists naman po ay pinapasa po sa opisina ng DOT o Department of Tourism; at kung OFW naman po, maaari pong ipasa ng LGU sa tanggapan ng OWWA.

So iyon po ang mga kategorya din ng mga LSIs na tinututukan natin. Kaya ang mga LGUs ay puwede po silang sumulat, puwede din sa PMS, sa tanggapan ko, para kung makuha namin iyong listahan ay kaagad naming maiproseso ang mga LSIs na iyan.

SEC. ANDANAR: Napabalita iyong mga kababayan nating na-stranded malapit sa NLEX, ang ilan ay OFW kung saan ay nilipat na sila sa Villamor Air Base at sa Philippine State College of Aeronautics. May update po ba sa sitwasyon nila, sir?

ASEC. ENCABO: Well, magandang balita po, Sec. Mart, kasi lahat po ng mga LSIs ay nailagay natin o nabigyan ng temporary shelter sa Villamor Elementary School, sa College of Aeronautics at saka sa Philippine Army ay dahan-dahan na po natin silang nai-transport at napauwi sa kanilang mga probinsiya sa pamamagitan po ng tulong ng AFP at particularly ang Philippine Army at saka Air Force kung saan ginagamit natin ang kanilang C-130.

Kung galing man po sila sa labas ng Villamor, sinusundo po sila ng PCG, ng Army at saka ng Air Force para i-house po sila, bigyan po ng temporary accommodation doon sa nabanggit nating temporary shelter facilities. So, kaninang umaga po may naipalipad po tayo mga around 60 to 65 LSIs bound for Mindanao. So, kahit po sa konteksto na ang ating mga transportasyon ng gobyerno ay limitado, nandoon pa rin po ang ating dedikasyon at ang ating serbisyo na talagang tinutulungan po ang ating mga LSIs.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec. Joseph, may tanong lang po si Leila Salaverria ng Daily Inquirer. Ito po ang kaniyang tanong para sa inyo: What is government doing about concerns that LSIs returning to the provinces could be spreading COVID-19 because several of them turned out to be positive. Requirement ba o hindi ang COVID-19 testing before they leave?

ASEC. ENCABO: Salamat po sa tanong, at least ito ay maipahayag ko at maipaliwanag sa publiko kung ano po ang mga protocols na sinusunod ng technical working group in relation po sa Hatid Tulong.

Unang-una, kapag natanggap po namin ang mga pangalan, pinu-pull po namin sila, tinitipon po namin at lahat po sila ay dadaan sa rapid testing kung saan mismo ang mga doktor ng ating pamahalaan ang mismong nag-a-administer o nagpa-facilitate ng rapid testing.

Kapag negative po ang isang LSI may oportunidad po siya at makakasama sa isang biyahe o pauwi ng probinsiya. Kapag positive po ang isang LSI, kaakibat po natin ang DOH at ang Bureau of Quarantine kung saan ang isang LSI na positibo automatic po nilalagay sa isang quarantine facility or isolation facility. Dadaan po siya another 14-day quarantine and will be subjected to a confirmatory test.

So, kami po sa technical working group ng Hatid Tulong kung saan ang PMS po ay isang orchestrator, convenor at coordinator ng programang ito, sinisigurado po namin na lahat ng mga LSIs bago lilipad o bago sasakay ng barko o bago sasakay ng bus, lahat po ay dumadaan sa rapid test. At ang utos ko po sa kanila ay never po pasakayin ang mga LSIs na positibo.

Kapag negative po ang isang LSI, binibigyan po namin ng impormasyon ang isang receiving LGU para iyong receiving LGU po ay kampante nilang tatanggapin at iwe-welcome ang kanilang mga constituents. Iyon po ang una.

Pangalawa, once natapos na po sa rapid test ang mga tao na iyan, hindi na po namin sila ipinapalabas sa isang area, confined na po sila para hindi na po sila mahawa o magkakaroon ng tsansa na mahawa ng isang virus o ng COVID. So, once nandoon sila sa isang facility, confined po sila, binabantayan po natin iyon – ganoon po ang sistema ng Hatid Tulong, kapag iyan ang pinag-uusapan natin, iyong isyu ng local transmission.

So, ako po bilang convenor at orchestrator nito kaakibat ng ating mga ahensiya, hindi po naisa-isip natin na nagiging contributor tayo sa COVID cases ng isang LGU. So, I think po panahon na rin po na kung mayroon pong mga cases na ganoon ay dapat po i-assess at i-validate o i-vet ng LGU kung saan talaga nanggaling iyong tao na iyon para malaman natin kung parte ba iyan siya ng programa ng Hatid Tulong o sa mga ibang movements ng mga ibang organisasyon na tumutulong din sa paghatid sa probinsiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec. Joseph, iyon naman pong side ng LGU, kasi mayroon pong napapabalita na mayroon pong mga LGU na hesitant na tumanggap ng mga Hatid Tulong beneficiary dahil daw po iyon nga, katulad ng inyong sinasabi na baka daw po magdala ng sakit sa kanila. Pero paano ninyo po tinutugunan iyong ganitong problema at papaano po iyong ginagawa ninyong maigting na koordinasyon sa kanila dahil mahigpit po iyong direktiba rin ni Pangulong Duterte?

ASEC. ENCABO: Tama po iyon, may mga receiving LGUs po na hesitant o ayaw tumanggap ng mga LSIs. Unang-una, it is a constitutional right of a person na kailangan umuwi o uuwi siya.

Pangalawa, klarung-klaro po sa IATF guidelines na lahat po ng mga LGUs ay dapat tanggapin ang kanilang mga constituents. Kung kinakailangan i-subject sila ulit sa isang rapid test or medical protocols at the same time ika-quarantine sila, so be it! Pero sa konteksto po na hindi po tatanggapin, ibang usapan na rin iyon po.

Pangatlo, ang DILG at ang PNP ay patuloy po nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan sa mga LGUs para malaman kung ito bang mga LGU na ito ay tumatanggap ba o hindi at kapag hindi nila tatanggapin, mismo ang DILG ang tatawag sa kanilang atensiyon upang mabigyan ng solusyon at mga tamang aksiyon paano tanggapin ang mga LSIs na pauwi na sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec. Joseph, sana po maging malinaw iyan sa ating mga LGU, ano po. pero mayroon po bang tayong deadline sa paghahatid sa mga LSIs sa kani-kanilang mga probinsiya since kinakailangan pong ipagpaliban for a while itong Balik Probinsiya Program naman po para dito?

ASEC. ENCABO: Well, ang Balik Probinsiya naman ay temporary na nahinto pero hindi totally out. Ito namang Hatid Tulong ay patuloy po tayong nakikipag-ugnayan at habang nandito ang krisis at habang may stranded, ito po ang utos ni Presidente, na tulungan ang mga LSIs.

Suportado po ito sa programa ni Sen. Bong Go sa kaniyang tanggapan o opisina at confident po tayo sa pamahalaan na kaya natin itong gampanan at tapusin dahil hindi lang po isang ahensiya ang gumagalaw dito kung hindi ito po ay isang whole of government approach. So, nagtutulungan po tayong lahat para mabigyan ng sapat na assistance o tulong iyong mga LSIs.

Ito po ang contention ko, Sec. Mart at Usec. Rocky, hindi po nating puwedeng pabayaan ang mga LSIs sa kalsada kung saan sila natutulog. Hindi po natin puwedeng pabayaan ang mga LSIs dahil wala na silang pera ay nakakaranas na po sila ng gutom. Ang tanong, sino po ang tutulong? Tayo po! Tayo po na nasa pamahalaan.

Suportado po at direktiba po ni Presidente Duterte na itong mga LSIs ay huwag nating pabayaan. So, tayo ay tumutugon, tayo ay nagre-respond doon sa direktiba na iyon at hanggat mayroong krisis at hanggat mayroong mga LSIs na dumadango, kumakatok para tulungan sila at maihatid, gagawin po natin iyan sa mabilis na panahon.

SEC. ANDANAR: Mayroon po ba kayong mensahe, Asec. Encabo, at paalala po sa ating mga kababayan na naghihintay na maihatid ng ating pamahalaan sa kani-kanilang mga probinsiya under this program at baka mayroon po kayong Facebook page na puwedeng puntahan or hotline na puwedeng tawagan? Please go ahead, sir.

ASEC. ENCABO: Yes, sir. Maraming salamat po, Sec. Mart. Ang mensahe ko lang po sa ating mga kababayan na considered as LSIs ay kaunting pasensiya lang po at habaan po ang—palawakin ang pag-intindi na ang gobyerno po ay ginagawa po ang lahat ng kakayahan upang maihatid kayo sa inyong mga probinsiya.

Gaya ng sinabi ko po kanina, limited po ang mga resources or transportation assets ng gobyerno. Sinisikap po namin na mai-schedule kayo nang maayos, fair and square, na kung mayroong biyahe sa Mindanao ay mayroon ding biyahe sa Visayas, mayroon ding biyahe papuntang North Luzon dahil lahat po kayo ay Pilipino at lahat po kayo ay LSI na nararapat lang na tulungan.

So, kung mayroon pong mga tawag sa inyo, sana po ay mag-cooperate kayo nang maayos, magbigay ng impormasyon nang tapat at maayos para po sa assessment namin ay hindi kami mahirapan.

Pangalawa po, ilu-launch po namin this week ang Facebook page ho. Inaayos na po namin para direkta na po ang mga LSIs mag-online sa mga concerns nila at saka kung saanman sila uuwi para direkta na po. Mayroon po tayong secretariat na tutugon at sasagot sa kanilang mga request.

So, Sec. Mart, isa po sa mga ahensiya na tumutulong sa programang ito, sa Hatid Tulong ay ang PCOO, ang inyong himpilan at ang inyong programa kaya po malaki po ang pasasalamat ko na talagang ito ay naipapaliwanag sa mga tao, sa mga LSIs, kung ano po ang ginagawa ng gobyerno ngayon para matulungan sila.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Asec. Joseph Encabo, ang atin pong in-charge sa Hatid Tulong Program ng pamahalaan. Mag-ingat po kayo, sir.

ASEC. ENCABO: Maraming salamat po, Sec. Mart and Usec. Rocky.

[VTR]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, DTI. Samantala, mainit na usapin pa rin ang pagpapataw ng buwis sa mga online business sa bansa, kaya naman let’s hear it from the BIR themselves. Makakapanayam po natin si Deputy Commissioner Arnel Guballa. Magandang umaga po sa inyo, sir.

ATTY. GUBALLA: Magandang umaga, Sec, at sa ating mga tagapakinig.

SEC. ANDANAR: It’s good to see you once again, sir. Kahapon po ay nilinaw na rin ni Asec. Tony Lambino ng DOF na hindi lahat ng mga nag-o-online selling ay bubuwisan ng BIR. But the people want to hear it directly from the BIR DepCom. Please, go ahead.

ATTY. GUBALLA: Sec., Iyong pagpaparehistro po ngayon doon sa … niri-require po namin lahat iyan. Ngayon, irirehistro lang po sila, iyong mga mag-i-engage sa online selling. [Garbled] registration fee is P500 plus 30 na documentary stamp. Ngayon, kung ikaw ay isang empleyado na-lockdown ka at gusto mong mag-online selling, puwedeng nakarehistro ka nga pero [garbled] magbayad ng buwis kung ito ay maliit lamang. Ibig sabihin, hindi umaabot ng 250,000 in a year, wala kang babayaran income tax. And then kung iyong gusto mo naman, hindi ka aabot ng three million [garbled] value added tax.

At gusto ko ring iparating na ang talagang gustong … o ibuwis ng BIR ay iyon pong malalaking [garbled] kagaya po ng mga Lazada at iyon pong mga foreigner gaya ng Netflix [garbled], Sec.

SEC. ANDANAR: Matagal na rin pong nauso ang online selling sa Pilipinas even before the pandemic transpired. Pero bakit po ngayon? Ngayon lang ba naglabas ng memorandum ang BIR tungkol sa pagbubuwis sa mga online businesses o matagal na po ito, sir?

ATTY. GUBALLA: Actually, matagal na po ito. Actually, since 2013 mayroon na kaming [garbled] na lahat ng engaged sa online selling ay magparehistro. Ngayon lang po namin parang binuksan kasi po … ng BIR na ngayong panahon ng pandemic at lockdown ay medyo dumami na po nang dumami iyong mga nag-i-engage sa online selling.

Anyway, last year pa ho namin [garbled] na talagang ita-tax po namin iyong the digital economy [garbled]. Sinabay na po namin ngayon pero ang pakay lang ng BIR ay iyong malalaki nga [garbled] irirehistro lang po namin.

Kagaya po nang naipaliwanag ko [garbled] iyong pagrirehistro, wala naman po sigurong [garbled] inatasan na rin po namin ang lahat ng sangay ng [garbled] na lahat nang mag-online register ngayon [garbled] priority para iyong linya ng seniors at PWD natin ay mayroon na silang linya sa pagpaparehistro. [Garbled] wala pang isang araw, baka oras [garbled] pagpaparehistro.

SEC. ANDANAR: Sir, babalikan po namin kayo dahil mayroon lang tayong problema sa ating audio, medyo putul-putol po siya. We will call you again, sir.

Samantala, alamin po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan kasama si John Mogol. John?

[NEWS REPORTING BY JOHN MOGOL]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] si BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa. Magandang tanghali po. Sir Guballa?

ATTY. GUBALLA: Yes, nadidinig ko po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na po kayo at naputol tayo. Pero unahin ko na lang po muna iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media para bigyan-daan na po ito. Ilan daw po at how much na po daw ang nakolekta from POGO after IATF okayed resumption of their operation? Magkano daw po ang kukolektahin sa mga deficiency pa? Ang tanong po ay mula kay Celerina Monte ng Manila Shimbun.

ATTY. GUBALLA: Actually, iyong sa isyu po ng sa POGO, iyong mga nababasa po natin sa pahayagan ay—kasi marami pong different aspects po ng tax. Doon sa withholding po sa POGO, nata-tax po natin iyong mga foreign workers. Ngayon po, ang nagiging isyu po kasi diyan is … sa POGO, kasi po ito ay offshore, tungkol po doon sa franchise tax nila.

So ang BIR po, sinisingil po natin sila doon sa franchise tax. Ngayon, ito pong mga abogado ng mga POGO, sinasabi nila na, hindi kami taxable kasi ang POGO ay offshore; ito ay nasa ibang bansa. Doon po… offshore, this is a non-resident corporation; ibig sabihin, foreign. So nandoon po iyong legal issue.

Ngayon, ang BIR naman po ay patuloy po na talagang pinu-push namin, na sabi namin, “Since you are doing business here in the Philippines, you should pay the franchise tax.” Although, kapag binasa po natin iyong batas, hindi po siya ganoon kaliwanag whether or not itong offshore companies na ito ay liable sa franchise tax. Iyon po, kaya medyo doon po tayo nagkakaroon ng legal issue pagdating po dito sa mga POGOs.

USEC. IGNACIO: Opo-. Bigyan-daan ko naman din po iyong tanong ni Joseph Morong ng GMA-7. Papaano ninyo daw po ita-tax ang Netflix and Amazon, iyong mga katulad daw po nitong mga ito?

ATTY. GUBALLA: Iyon po, hinahanda na po ng BIR kung papaano po namin ita-tax. Pero under sa international committee ng kahit doon sa ibang bansa, ang Netflix at saka iyong mga Google, tayo po ay kapag nag-subscribe dito sa Pilipinas, kasama na po doon sa binabayaran natin, tsina-charge po tayo niyan ng value added tax. Ngayon po, iyon po ang gustong masingil ng Philippine government, ng BIR, iyong value added tax na iyon kasi doon po sa principle na destination principle. Although, ang Netflix is nasa Amsterdam po yata iyan eh, iyong main office niyan. Pero dahil po doon sa dito ang consumption sa Pilipinas, dito iyong destination iyong paggamit ng serbisyo, kaya puwede po natin kunin iyong VAT, iyong valued added tax noon para po sa atin, sa Philippine government.

So doon na po kami papunta. Kaya nga po inumpisahan lang po namin dito sa registration ngayon ng mga online sellers. Hindi po talaga namin tinutukoy itong ating mga kababayan natin na maliliit kung hindi doon po kami talaga naka-aim o nakatingin dito sa ating malalaking mga online merchants and sellers. Iyon po ang paliwanag po doon.

USEC. IGNACIO: Sir, nabanggit ninyo rin po kanina na matagal na pong existing itong batas na kailangan pong magparehistro itong mga online business. Pero mayroon po bang epekto sa ekonomiya ng bansa o sa pondo ng pamahalaan kung sakaling hahayaan na lang po natin ang pagdami ng mga online business na hindi nagbabayad ng buwis?

ATTY. GUBALLA: Magkakaroon po iyan ng epekto, kasi naoobserbahan po namin, ngayong panahon na nagkaroon tayo ng lockdown at quarantine, dumami na po iyong mga nag-i-engage sa online kaysa po iyong kagaya dati na manual. So kung mapapansin ninyo po, marami ding nagsulputang negosyo na kagaya ng nagho-hold ng services para mag-deliver ng pagkain o anong merchandise, parang iyong ginagawa po ng Grab.

Ngayon, iyong Lazada po natin dito sa Pilipinas, ganoon din po sila, mayroon silang mga merchants or sellers na kapag tayo ay umorder sa Lazada, iyong mga produkto, mayroon ding merchants and sellers doon.

Iyon po ang gusto ng BIR na i-tax na po iyong mga iyon. So malaki po ang magiging epekto, hindi na ho namin talagang tinitingnan iyong kagaya po noong mga empleyado na na-lockdown tapos naghanapbuhay, nagtinda ng palabok, nagtinda ng pansit at sinusuplayan nila iyong kapitbahay o kanilang kumpanya. So we are looking doon sa mas malalaki pong negosyante po ng online selling.

SEC. ANDANAR: Isang kongresista ang nagsabi na baka ma-put into risk naman ang mga online sellers kung pupunta pa sila sa BIR office to register. Paano sila puwedeng mag-register sir at maaari daw bang gawin na lang ang pagpapataw ng buwis pagkatapos ng pandemya?

ATTY. GUBALLA: Sec., doon po sa ano, ang BIR po kasi ngayon pagdating sa filing and payment, mayroon na ho tayong electronic facility. Ang wala pa ho kami, na work in progress pa lang ho kami ngayon, pagdating sa registration. So iyon po iyong binubuo namin na sana gusto naming maisama, pati registration maging electronic na rin kami, maging online.

Kaya ito pong inilabas po naming circular medyo talagang magpi-physical appearance muna po tayo sa mga different district offices natin kasi nga po hindi pa automated iyong amin pong registration. Pero in the soonest time, siguro one month or two months baka kayanin na po ng BIR na pati iyong registration system ay electronic na rin or puwedeng gawing online.

SEC. ANDANAR: May sanctions ba o parusa ang mga online sellers na hindi magre-register ng kanilang negosyo before July 31?

ATTY. GUBALLA: Secretary, so nagbigay po tayo ng up to [garbled]. Ngayon kung ikaw ay hindi nagparehistro at lumagpas na iyong takdang araw na iyon, ang paliwanag po doon ay para po bang kahit naman po manual o automated iyong negosyo mo, ang patakaran ho ng BIR kailangan magrehistro ka sa BIR eh kung ikaw ay mayroong business. So ang mangyayari po noon, kung ikaw ay engaged sa online selling, patuloy kang hindi nagrehistro, kapag nahuli ka na ng BIR later, magkakaroon ka na ng mga penalties kapag ikaw ay nakitang patuloy kang nagnenegosyo na hindi ka nakarehistro.

So both ways po iyan, kahit manual ang pagnenegosyo mo or automated at hindi ka nagrehistro, puwedeng kapag nahuli ka na ng BIR at nalaman, eh puwede kang patawan ng multa o penalty.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may follow up question lang po si Celerina Monte ng Manila Shimbun para sa inyo: So right now daw po helpless ang government to collect necessary taxes from POGO kasi po may legal issue pa?

ATTY. GUBALLA: Doon lang po sa issue po ng franchise tax po iyon, pero pagdating po doon sa ibang taxes, sa value added tax, iyong withholding tax, nakokolekta na po natin. Kasi kung maaalala po ninyo since last year, ilan na rin po iyong ipinasara naming mga POGO, iyong mga hindi nagko-comply sa pagbabayad ng tax.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir tungkol naman po doon sa filing ng tax noong Lunes, June 15. Extended po ba iyong deadline ng pagbabayad ng buwis or matapos na mai-postpone nang dalawang buwan, kumusta po iyong nating turnout nito?

ATTY. GUBALLA: Usec., wala na pong extension iyon, iyong last June 15 kasi dalawang buwan na po iyan na na-postpone. Actually, we are looking for 145 billion po iyong income tax noon kasi tiningnan po namin iyong data namin last year, ang nakolekta po ng BIR, iyong annual income tax last year is 145 billion.

So na-delay po iyon ng April, May… ngayon June 15, so minonitor po namin ang lahat ng sangay namin, regional offices, dito sa NCR… naging smooth naman po ang pagbabayad ng mga taxes ng ating mga kababayan. Kaya lang po, ia-upload pa ho iyan, magkakaroon pa ho ng mga transmittal coming from the banks, kasi ho kapag nagbayad ka ng buwis at may babayaran ka, sa bangko po iyon eh kaya hindi pa ho namin nakikita iyong complete tax collections namin for this annual ITR filing po.

USEC. IGNACIO: Okay. Sir, mayroon po ba kayong mga paalala o paunawa po na nais ipaabot sa ating mga kababayan lalo na po doon sa mga online sellers?

ATTY. GUBALLA: Sa atin pong mga kababayan, nananawagan po kami dito sa BIR, na huwag po kayong mag-alala kasi itong online registration, gusto lang po ng BIR na makita po iyong total population kung ilan na po iyong nandito sa ganitong klaseng paghahanapbuhay. Iyong mga maliliit po, kung sa tingin po ninyo wala kayong babayaran, kayo din naman po ang makakatantiya noon o makaka-compute noon, wala po kayong dapat bayarang tax kung talagang maliit lang.

Ang importante lang po doon ay magrehistro kayo para kumbaga sa ano, hindi kayo colorum. Tama na po iyon, basta nakarehistro kayo, magnegosyo kayo; kung maliit, wala po kayong dapat bayaran. Ngayon kung sa tingin po ninyo iyong negosyo ninyo ay umunlad at lumalaki, lumalago, then magbayad po kayo kung ano iyong kaukulang buwis na dapat ninyong bayaran. Iyon po ang aming panawagan sa ating mga kababayan na sa tingin nila sila iyong marginal sector ng ating lipunan na hindi dapat magbayad ng buwis.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Deputy Commissioner Arnel Guballa mula po sa BIR. Sir, stay safe po.

ATTY. GUBALLA: Maraming salamat din po, ma’am. Maraming salamat din, Secretary.

SEC. ANDANAR: Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng PTV Cordillera kasama si Alah Sungduan. Go ahead, Alah.

[NEWS REPORT BY ALAH SUNGDUAN]

[NEWS REPORT BY JULIUS PACOT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot ng PTV-Davao.

[VTR]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa mga naging panauhin ngayong araw at ang ating mga partner agencies sa kanilang patuloy na suporta at walang sawang paghahatid ng balita at impormasyon. Ganoon din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

At diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Sec. Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.

USEC. IGNACIO: Ako naman po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula pa rin po sa PCOO.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas muli dito po sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)