Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga, Pilipinas. Punung-puno po ng diskusyon patungkol sa mahalagang impormasyon na dapat malaman ng bawat isa sa atin, ito po ay inihanda natin para sa araw na ito dito sa ating Public Briefing.

USEC. IGNACIO:  Good morning Secretary. At sa patuloy nating pagsasailalim sa community quarantine, mahalagang maging maalam sa mga ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan, kaya naman ngayong umaga, ating lilinawin at bibigyang-pansin ang mga katanungan ng ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR:  Kasama pa rin ang mga resource persons mula sa iba’t-ibang ahensiya, aalamin natin ang mga kongkretong solusyon ng pamahalaan kaugnay sa krisis pangkalusugan na ating kinakaharap.

USEC. IGNACIO:  Mula po sa PCOO, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Good morning, Rocky.

Ako po naman Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang makakasama natin sa programa sina Philippine Ambassador to Singapore, Joseph Del Mar Yap; Department of Transportation Road Sector Senior Consultant Engineer Bert Suansing; at Department of Justice Undersecretary Markk Perete.

USEC. IGNACIO:  Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula po sa iba’t-ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala para naman po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa aming live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Para po sa pinakaunang balita, ayon kay Senator Bong Go kinakailangan ng kooperasyon ng buong bansa upang maisakatuparan ang layunin ng Universal Healthcare. Naniniwala si Senator Go na ang pagkakaisa at kooperasyon ng buong bansa at lahat ng sektor ay mahalaga ngayong patuloy na nahaharap sa hamon ang ating health insurance sector dulot ng COVID-19 crisis.

Kaya naman apela ni Senator Bong Go sa economic managers na itaas ang taunang subsidy ng PhilHealth sa isang hearing na ginanap nitong Martes, June 16, sa Joint Congressional Oversight Committee on the Universal Healthcare Law. Hinimok ni Senator Go ang mga mambabatas at stakeholders na pag-aralang mabuti ang mga posibleng pagbabago sa Implementing Rules at Regulations ng Universal Healthcare Law habang ikokonsidera ang bagong mga pagsubok dala ng pandemya.

Binigyang-diin pa rin ni Senator Go bilang Chair ng Senate Committee on Health and Demography na isipin ang pangkalahatang benepisyo sa bawat Pilipino ng Universal Healthcare Law. Pinaalalahanan din niya ang PhilHealth na magkaroon ng konsiderasyon para sa mga contributors nito na naapektuhan ng krisis. Ayon kay Senator Go, maaari ding humingi ng assistance ang ating mga kababayan mula sa pitumpu’t isang Malasakit Centers sa bansa. [VTR of SEN. GO]

Ngayon naman po ay kumustahin natin ang lagay ng ating mga kababayan sa bansang Singapore, makakausap natin si Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap – magandang araw po, Ambassador.

AMBASSADOR YAP: Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO:  Sir, kumusta na po ang overall situation sa Singapore at ilan pong mga Pilipino ang reported COVID-19 positive kung mayroon man po at kumusta po ang kalagayan nila ngayon?

AMBASSADOR YAP: So far po, okay naman iyong situation dito sa Singapore. So much so that, as of June 2 ni-lift na ng Singapore government iyong circuit breaker measures nila so iyong lockdown nila parang inalis na. So we entered into a more relaxed situation sa June 2. And then starting bukas, papasok na sa phase 2 which is also even more activities will be allowed.

Sa mga kababayan naman natin dito sa Singapore, so far mayroon tayong 150 Filipinos na COVID positive dito sa Singapore, but the majority of them, 102 of them have been discharged, naka-recover na sila and they have been discharged, leaving only 48 sa hospitals or sa isolation.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ambassador, sa kabila po ng epekto ng COVID-19 sa Singapore, base po sa latest edition ng World Competitiveness Ranking ng Institute for Management Development, nananatili pa rin pong nasa top spot ng world’s most competitive economy po ang Singapore. Ano po ang tingin ninyo, iyong mga factors ng kanilang strong economic performance sa gitna po ng COVID-19?

AMBASSADOR YAP:  Several factors po. Ang important dito sa ranking pong ito, number one iyong strong international trade and investment po nila. So they actually attract a lot of investments every year, itong mga investments na ito are very high peak, high valued investments. On top of that, their employment, their labor market process is also very active, very strong so it’s all taken into account.

For example, mayroon silang training programs to train people to adjust to, iyong bagong technologies, iyong tinatawag na fourth industrial revolution so they have gotten a high points for that. The other thing po is iyong education system, actually many of us do not realize na Singapore, iyong mga universities ng Singapore are very highly ranked sa world ‘no. In fact iyong latest ranking nila, both National University of Singapore saka Nanyang Technological University ranked 11 worldwide – so they are ahead even of people like Columbia University, Princeton University, ahead of University of Pennsylvania, so they are very highly ranked – so importante rin ito for competitiveness.

They also invest a lot on iyong technological infrastructure. So for example iyong internet system nila is very robust, very strong, very fast. And then marami rin silang mga research and development into AI, robotics, iyong mga advanced technology po. That’s why they are considered very competitive worldwide.

SEC. ANDANAR:  Ambassador, kindly explain to us, how Singapore is reopening its doors after it implemented the circuit breaker? Mayroon itong dalawang phases and currently ay nasa second phase na ang Singapore, tama po ba?

AMBASSADOR YAP: Bukas po, starting tonight midnight, we will enter doon sa phase 2 na tinatawag nila. So sa June 2 they started iyong phase 1. Under the phase 1, mga 75% of the businesses were already allowed to reopen. Pero once we get into iyong phase 2, ang mangyari niyan is almost all business activities will be allowed to resume. So the malls, the retail shops, even iyong mga FNB puwede nang mag-dine-in and puwede na ring mag-socialize mga tao except it’s limited to 5 people per group lang and you have to continue to maintain mga social distancing, you have to wear mask and so on.

So under the phase 2 program, you can also now visit iyong elderly ‘no, for a while bawal iyon, to visit your relatives who are elderlies staying in the elderly homes. Sports facilities, parks and other public facilities are also now open and then—ang only thing not yet opened will be mga religious services, large events, venues, iyong mga clubs, mga night clubs, mga bars, mga cinemas hindi pa rin open po.

But other than that, most of it is open and if things continue the way it is, then ini-expect nila that—then they’ll go into phase 3 which will be considered iyong new normal. So phase 3 will continue until such time as mayroong—there will be vaccines already available and that will be the time they will lift phase 3.

SEC. ANDANAR:  Despite being the country in Southeast Asia with the most number of COVID cases, is it safe to say that Singapore is coping with the pandemic?

AMBASSADOR YAP: Yes po. It’s true na Singapore has the most number of cases sa Southeast Asia, as of yesterday nga, they have a total of 41,216 cases; but kailangan sigurong tingnan in context ano po.

Out of the 41,216 cases, 31,938 or almost 32,000 po have recovered already and have been discharged from the hospital. Mga 9,000 are left in what they call isolation wards. Meaning, mild lang iyong symptoms nila or wala nang symptoms and they’re just waiting for iyong dalawang negative test bago ma-discharge. But only 257 na lang po ang nasa hospital. So 257 out of 41,000 and dalawa lang ang nasa ICU. And so far, only 26 have died out of the 41,000 cases.

So talaga, they were able to keep it under control. While totoo there were a lot of infections but the important thing is iyong mga… who suffered the more severe symptoms and who died, the numbers are very low.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, paano naman po nag-a-adapt ang ating embahada sa Singapore sa mga patakaran nila and how do you continuously assist them during and after the lockdown there?

AMBASSADOR YAP: What happened po was when they instituted iyong circuit breaker measures, so base doon sa advisory ng MFA, iyong embassy ay nag work din from home; so, nag-work from home tayo. However, we maintained a skeleton force sa embassy. So actually, iyong mga emergency operations naman continued during kahit na during the circuit breaker measures.

So, what we did lang—wala na iyong passport renewals during that time but what we did was we extended iyong mga passports ng mga kababayan natin who needed it para sa mga permits nila, sa mga pass nila.

However, with the implementation ng Phase 1, what happened was we returned to whole consular operations but we still follow iyong mga safety measures recommended by the government. So may temperature checks, may social distancing and then wearing of facemasks. And then, dito sa Singapore, they have required—hindi naman required, they have suggested/recommended that people institute iyong… put in this app called “TraceTogether” and another app called “SafeEntry” to facilitate iyong mga contact tracing just in case there are cases that will be encountered. So, we have implemented that also.

But we resumed na rin iyong passport renewal beginning May 28. And in order to catch up naman iyong backlog natin in the passport renewal due to the circuit breaker measures, we will be working every Sunday in June in addition to our normal working hours para ma-catch up iyong backlog ng passport renewals.

So that’s what has been happening. So nag-ano na tayo, we are basically back to normal operations. Now, we continue to assist naman iyong mga people who contacted us for help whether sa repatriation or for other assistance, food assistance, things like that. So we are ready to help anybody who requires our help.

And then, we continue naman to advise iyong mga kababayan natin dito on iyong mga latest announcements coming from the Singapore government on what are the procedures that they have to follow to remain safe po.

USEC. IGNACIO: Ambassador, may mga Overseas Filipino po sa Singapore ang nakatanggap na po ba ng DOLE AKAP cash subsidy; at ilan po sa kanila iyong nabigyan natin?

AMBASSADOR YAP: So far po, we have given out cash assistance under the DOLE AKAP Program for 1,436 displaced Filipino workers dito sa Singapore. Our POLO office is still continuing to process whatever applications there are left. And we have actually requested also for additional funding just in case there will be more requests po for assistance.

And in addition po of the DOLE AKAP cash subsidy program, we also have given out food packs and grocery, care packs to iyong mga some of the displaced Filipinos na who are stranded here and are running out of funds for their living expenses po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, kunin ko na lang po ang mensahe ninyo sa ating Filipino community sa Singapore?

AMBASSADOR YAP: Well, ang message ko po sa mga kababayan natin is: maraming salamat sa cooperation ninyo during the circuit breaker measures and sa Phase 1. And going forward, hopefully, patuloy pa rin ang cooperation natin in terms of following iyong mga advisory ng Singapore government about wearing you mask when you go out, safe distancing and avoiding unnecessary trip outside as much as possible just to remain safe.

Sa mga kababayan naman nating domestic workers, I have some special request lang po: Ayon kasi sa mga bagong advisory ng Ministry of Manpower, dapat patuloy pa rin mamalagi sa bahay tuwing araw ng pahinga. Maaaring lumabas kung may mga trabahong kailangang gawin or bibili ng pagkain, pero kinakailangan na umuwi agad pagkatapos. And then, as usual, magsuot ng mask at mag-maintain ng social distancing. Huwag makipagkita sa mga kaibigan o magtipon sa mga pampublikong lugar; kahit na we are entering to Phase 2, that’s still discourage ‘no.

And then, for remittance, para sa mga remittances naman ninyo, may bagong rules tungkol dito. Ang mga lisensiyadong remittance agents ay tatanggap lang ng mga customers na may appointment tuwing Sabado, Linggo at public holiday. Kinakailangan na kumuha muna ng appointment bago magpadala ng pera sa mga lugar na ito.

So let’s follow all these rules of the government so that we will continue to remain safe. Ibig sabihin lang naman ng Phase 2 is that there are more activities that are allowed, pero hindi ibig sabihin nito na wala ng COVID pandemic. So we need to follow the rules pa rin para to keep ourselves safe and to keep our loved ones safe also.

So, maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Joseph Del Mar Yap na nasa Singapore.

SEC. ANDANAR: Upang sagutin naman ang mga katanungan kaugnay sa sitwasyon sa transportasyon sa bansa, makakausap natin mula DOTr ang kanilang Road Sector Senior Consultant na si Engineer Bert Suansing. Magandang araw po sa inyo, Engineer.

ENGINEER SUANSING: Magandang araw din po, Secretary Andanar at sa mga sumusubaybay sa inyong programa.

SEC. ANDANAR: Sir, habang nasa ilalim po ng GCQ ang Metro Manila at iba pang probinsiya, ang Department of Transportation po ay nagpatupad ng two-phased-approach para sa muling pagpapatuloy ng mga pampublikong transportasyon. Can you give us some details about this?

ENGINEER SUANSING: Okay. As you’ve said, ang ginawa natin is two-phased. Initially, sa Phase 1 ang ating unang ginawa is patakbuhin iyong ating tren – iyong LRT 1, LRT 2, MRT 3 at iyong Philippine National Railways. At kasabay din niyan, of course, tinatawag natin na rail augmentation. Iyan naman ang ginagamit natin ay iyong mga buses ‘no. Like for example sa LRT 2, ginagamit natin iyong bus augmentation na nanggagaling ng Antipolo hanggang diyan sa Cubao. Iyon naman pong LRT 1 is from Monumento to Taft Avenue, so mayroon tayong bus augmentation diyan. Iyong sa LRT 2, iyong bus augmentation natin is from Antipolo to Cubao.

Then iyong MRT, iyong buong stretch ng MRT3, magmula sa North Avenue hanggang sa Taft Avenue mayroon tayong bus augmentation diyan. So,  iyon ang initial ano at iyong mga P2P buses natin pinatatakbo na rin natin at iyong tinatawag na taxi at saka iyong mga TNVS and of course iyong mga shuttle buses na pinayagan natin na tumakbo rin ano – so, iyon ang Phase 1.

Sa Phase 2, dapat tatakbo iyong buong route ng in-established ng LTFRB. At Secretary Andanar, ang pinag-uusapan natin dito sa NCR is 31 routes na bus na papatakbuhan natin. Actually, sa ngayon – todate, we already have 28 routes na pinatatakbuhan natin ng mga bus. That includes of course iyong from Quezon Avenue, papunta ng Taft Avenue via España, Quiapo tapos mayroon din tayong bus service from Taytay to Gilmore, tapos mayroon din tayong bus service from Pasig passing through Kalentong that will also end up in Aurora Boulevard. So, 28 routes lahat iyan para sa NCR is concern.

USEC. IGNACIO:  Engineer Suansing, may tanong po ang ating mga kasamahan sa media. From Joan Nano ng UNTV: Kumusta na po ang planong bus stop sa EDSA? At kailan daw po ito bubuksan? At anu-ano daw pong istasyon ang unang bubuksan?

ENGR. SUANSING:  Okay, as far as the bus stops along EDSA are concerned, ang binabalak natin diyan is magkaroon ng 36 bus stops along ESDA. That’s 36 bus stops, so far ang na-prepare pa lang natin is apat na bus stops. Iyong bus stops na ginagamit natin ngayon is iyong terminal ng MRT. Ang gagamitin nating bus stops, iyong terminal ng MRT ang ating gagamitin is, total niyan is seven, the test is ginagawa pa ngayon ng MMDA.

USEC. IGNACIO:  Mula naman po kay Arianne Merez ng ABS-CBN: Will Phase 2 of the resumption of public transport push through on June 22? Are there changes to the plan earlier announced?

ENGR. SUANSING:  Actually, as far as Phase 2 is concerned, ini-implement na natin ngayon ano. Ang sabi ko nga 28 bus routes na ang binuksan natin. So, doon sa mga nasabing bus routes, mayroon na tayong mga bus na tumatakbo. I-identify ko uli iyong mga bus routes na iyan: Mayroon tayong Monumento-Balagtas; mayroon tayong Monumento-PITX; mayroon din tayong Monumento-Valenzuela gateway at mayroon tayong North EDSA-Fairview; mayroon tayong Quez0n Avenue-Angat; mayroon tayong Quezon Avenue-EDSA/Taft Avenue – iyan iyong dumadaan ng Quiapo; tapos mayroon tayong Quezon Avenue-Montalban; mayroon na rin tayong tumatakbong bus doon sa ruta ng Cubao-Montalban; mayroon din iyong papuntang Antipolo from Cubao iyon iyong nag-augment sa LRT2; tapos nabanggit ko kanina iyong from Taytay to Gilmore bukas na rin po iyan; mayroon din tayo sa Makati iyong Buendia-BGC; tapos doon sa route 16, iyan iyong Ayala Avenue-FTI; nandiyan din iyong Monumento-EDSA/Taft, iyan iyong  nago-augment sa LRT 1; mayroon din tayong PITX-NAIA loop, iyan iyong bus na in-assign natin na magpapaikot-ikot from PITX to NAIA then back to PITX; Tapos mayroon pa tayong Monumento-San Jose Del Monte; Then, PITX to Alabang; mayroon din tayong ruta na BGC to Alabang; then iyong PITX-Dasmariñas, Cavite; then iyong PITX-General Mariano Alvarez. So iyon iyong mga ruta ngayon na tinatakbuhan na ng mga bus.

USEC. IGNACIO:  Engineer, may tanong po ang ating kasamang si Joseph Morong ng GMA 7. Tuloy daw po ba iyong pagpasok ng mga provincial bus sa Metro Manila this June 21?

ENGR. SUANSING:  Okay, as far as the provincial buses operations are concerned, that has to be coordinated with IATF, kasi mayroong mga challenges pa diyan, like for example, alam ninyo iyong bus dadaan iyan sa mga LGUs. So, iyong pagpayag ng LGUs na iyong bus ay dumaan sa kanilang lugar ay kinakailangan nating mangyari. Hangga’t hindi nangyayari iyon, that’s also in coordination with DILG, the provincial bus operations will continue to  be suspended.

USEC. IGNACIO:  Ano daw po ang plano naman ng DOTr para sa mga jeepney drivers na nawalan ng trabaho, kaugnay po ito  doon sa jeepney modernization?

ENGR. SUANSING:  Okay. Maraming salamat at nabanggit ninyo iyan ano. Unang-una, ang hindi naha-highlight doon sa Public Utility Vehicle Modernization Program is iyong intention ng DOTr na baguhin iyong kondisyon ng driver/operator ano. Kasi sa mahabang panahon, ang sitwasyon ng driver and operator, diyan sa mga jeep na iyan, ang driver umaasa siya sa kita niya base sa dami ng pasaherong kaniyang naisakay.  Doon niya kukunin iyong pambayad doon sa may-ari ng sasakyan, which they call boundary at doon din niya kukunin iyong pambili ng krudo, dahil siya ang papasada noon at iyong matitira doon sa kawawang driver, well kung mayroon, humigit-kumulang, on the average ang pinag-uusapan nating natitira diyan is P400 or even less., sa mahabang oras na pagmamaneho.

Gusto nating mabago iyang sitwayon na iyan under the Public Utility Vehicle Modernization Program. Ang driver under the Public Utility Vehicle Modernization Program, ang mangyayari sa kanila, hindi na iyong maghahanap sila ng pasahero, makikipag-unahan sila sa ibang jeep para makakuha ng pasahero, dahil ang kanilang kompensasyon ay magiging sahuran sila ayon sa labor standard. At of course kasama doon sa kompensasyon iyong kanilang benepisyo, dahil sa ngayon  kung titingnan natin, kung susuriin nating mabuti, iyong mga jeepney driver ay wala hong benepisyo na tinatawag. Like for example sa kanilang pagtanda, so, kinakailangan nilang mag-retire wala silang pension, dahil hindi sila nagbabayad ng SSS – hindi sila ibinabayad ng SSS ng kanilang employer. Iyong operator ng sasakyan refuses to recognize them as their employee. So, mababago iyan under the Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ang gusto lang sabihin ng DOTr, nagbabagong anyo tayo, dahil sa mahabang panahon nakita natin ang gulo ng public transport, hindi lamang dito sa NCR kung hindi sa buong Pilipinas na. So, binabago natin iyong anyo na iyan at ang ine-emphasize natin is iyong predictability noong serbisyo and later is iyong punctuality noong serbisyo. Parang ala-Singapore tayo ano na kapag tumayo ka sa isang jeepney stop nakalagay doon alas-otso ng umaga may dadaan diyan na jeep. So siguradong mayroong dadaan na jeep – predictable!  Dahil ang mangyayari sa mga driver gagawin nating two shift o kung sa ruta na iyan ay kinakailangan ng three shift so, hindi madedehado iyong mga driver.

SEC. ANDANAR: Magkakaroon din ng pagbabago sa EDSA lane upang bigyang daan ang bike lane kung saan inu-umpisahan na nga ng DOTr in cooperation with MMDA ang ground works tulad ng paglalagay ng barriers, kaugnay diyan, ano ba ang magiging strategy natin para dito at papaano natin masisiguro ang kaligtasan ng ating mga bikers?

ENGR. SUANSING:  Okay, mabuti at natanong mo iyan, Sec. Andanar. Bagamat mayroong mga batikos na bakit tayo maglalagay ng bike lane sa isang high speed na roadway, ang gagawin naman natin diyan is sisiguruhin nating ligtas para sa mga nagbibisikleta iyong pagdaan nila sa EDSA.

Ang lane na inilaan natin sa kanila is iyong isang lane na binakante na ng bus dahil inilipat natin iyong bus lane doon sa inner most lane katabi ng MRT line. At para masigurong hindi mag-e-encroach iyong ibang sasakyan doon sa bike lane, lalagyan natin iyan ng fenders or iyong guardrails para masigurong safe para sa mga nagbibisikelta iyang bike lane na iyan.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa inyong panahon, Engr. Bert Suansing.

Sa puntong ito makakausap natin si DOJ Spokesperson Markk Perete. Magandang araw po sa inyo, Markk. Welcome back.

USEC. PERETE:  Magandang araw, Sec. Andanar.

SEC. ANDANAR:  USec., pansamantala munang sinuspinde ang onsite work sa DOJ ito’y matapos magpositibo sa COVID-19 ang limang empleyado dito. Nagbigay na ng order si DOJ Sec. Guevarra ng lockdown sa ilang mga gusali sa DOJ. Sa ngayon po, kumusta iyong lagay ng mga nagpositibo at ano po ba iyong update sa ginagawang contact tracing?

USEC. PERETE:  Yes, mayroon ngang limang nag-positive sa ating confirmatory test and so far, asymptomatic naman iyong mga nag-positive. In the meantime, continuous iyong ating contact tracing, this is being done in coordination with the Department of Health.

And kasama sa contact tracing hindi lamang iyong mga kasama nila sa trabaho kung hindi iyong mga possible na naging contact nila sa kanilang mga naging komunidad.

SEC. ANDANAR:  Kaugnay pa rin diyan, nagkaroon na rin ba tayo ng disinfection within the compound and kailan magre-resume ang onsite work sa DOJ?

USEC. PERETE:  Well, Sec., iyong ating disinfection kaya nagpatawag ng lockdown or nag-impose ng lockdown si Sec. Guevarra ay para masimulan ang disinfection ng complex. Tatlong buildings iyong ating tinitingnan na affected dito. The entire complex will be disinfected starting today and while iyong directive ni Secretary is up to the 28 iyong lockdown, but starting Monday iyong frontline offices naman natin ay magbubukas para sa mga transactions ng publiko.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sir, dahil nga sa banta ng COVID-19 katulad na lang po ng nasabi ninyong empleyado na naitalang nagpositibo sa virus kung saan kinakailangang pansamantalang i-lockdown ang ilang DOJ buildings. Ano po itong epekto o adjustment na gagawin ng departamento para po inyong operasyon?

USEC. PERETE:  Well, even before this lockdown iyong sa ECQ natin, mixed iyong ating transactions with the public. Mayroon tayong frontline offices na physically tinatanggap iyongmga filings and paperwork na sina-submit sa ating department pero mayroon na rin tayong mga online transactions.

In fact, iyong ating e-inquest has already been in operation during the ECQ in Manila and ito ay muli nating i-implement while the lockdown is being implemented in the department. So, iyong filings ng affidavits, iyong submission ng mga pleadings and even some hearings, iyong mga importanteng hearings on inquest will be continued online.

USEC. IGNACIO:  Opo. USec., kamakailan napabalita iyong dami ng fake na Facebook accounts ng ilang ating mga kababayan, ano na po iyong update dito at iyong mga reports na natanggap ninyo? Mayroo po ba kayong na-trace kung sino talaga ang nasa likod nito?

USEC. PERETE:  Well, mayroon tayong natanggap na 198 na complaints involving around 300 accounts sa Facebook and ito ay hiniling na natin na tanggalin ng Facebook or i-takedown but at the same time, humingi tayo ng preservation ng laman ng mga accounts na ito para matingnan kung saan ba ginamit at sino nag-create ng mga accounts.

In the meantime, nagkaroon ng inter-agency task force na binubuo ng DOJ, ng National Privacy Commission as well as ng Department of—iyong DICT natin para tingnan iyong problema regarding sa tinatawag nating ghost accounts on Facebook.

Ang inter-agency task force na ito ay nakikipagpulong and working in close coordination with Facebook para makita natin kung mayroon bang motibo, mayroon bang kumbaga common threat that would connect all these accounts.

SEC. ANDANAR:  Hanggang sa ngayon may mga reports pa rin bang natatanggap ang DOJ?

USEC. PERETE:  Well, in connection with the ghost accounts, we continue to receive iyong mga complaints and as we receive them, ito ay ipinapaalam din natin sa Facebook as well as the NPC because iyong interest naman ng NPC I understand is more on data privacy and they want to see kung may mga protocols iyong Facebook that need to be tweaked or to be improved on to ensure na iyong data ng ating mga kababayan na nasa kanila will be ___ protected.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa inyong panahon, DOJ Spokesperson Markk Perete. Mabuhay po kayo, sir.

USEC. IGNACIO:  Samantala, inilunsad ng pamahalaan noon lamang May 20, 2020 ang balik Probinsinya Bagong Pag-asa Program upang matulungan ang ating mga kababayan na nais na makauwi sa kani-kanilang probinsiya pero pansamantala po itong ipinagpaliban upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layon ding mapauwi ang mga kababayan na stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine.

Para sa iba pang detalye, panoorin po ninyo ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO:  Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro.

[NEWS REPORT BY NANCY MEDIAVILLO]

[NEWS REPORT BY FATIMA JINNO]

SEC. ANDANAR:  Puntahan naman natin si Breves Bulsao mula sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORT BY BREVES BULSAO]

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Breves Bulsao.

USEC. IGNACIO:  Mula naman sa PTV Davao, may ulat din si Regine Lanuza.

Regine?

[NEWS REPORT BY REGINE LANUZA]

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin mula sa Cebu si John Aroa. Maayong buntag nimo, John.

[NEWS REPORT BY JOHN AROA]

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, John Aroa.

USEC. IGNACIO:  Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.

Base tala ng Department of Health as of June 17, 2020, umabot na po sa 27, 238 ang total number of confirmed cases kahapon. Nadagdagan ng lima ang mga nasawi kaya umabot na ito sa 1, 108 cases ang kabuuang bilang ng mga nasawi habang patuloy naman ang pagdami ng mga naka-recover na umakyat na sa 6, 820.

Kaya naman po hindi kami magsasawa ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsusuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay.

Tandaan, sa pagsunod at pakikiisa sa ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan, makakatulong upang tuluyan nating mapagtagumpayan ang ating laban sa COVID-19.

Bahay muna, buhay muna.

Samantala, sa kabila po ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa gitna ng pandemya, ang kooperasyon at pakikiisa ng lahat ay mahalaga upang malampasan natin ang hamong ito ng sama-sama.

[VTR]

USEC. IGNACIO:  At iyan po ang mga balitang nakalap natin ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

Sec. Martin?

SEC. ANDANAR:  Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas.

USEC. IGNACIO:  Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. At mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si USec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Mula pa rin sa PCOO, ako naman si Sec. Martin Andanar. Magkita-kita po tayong muli bukas dito lang sa Public Briefing#LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)