Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #84
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga, Pilipinas. Sa lahat po ng ating mga kababayan na nakatutok ngayon sa ating programa. Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO:  Good morning, Secretary Andanar. Mula pa rin po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio kasama ninyong mag-uulat ng pinakasariwang impormasyon sa mga hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19.

SEC. ANDANAR:  Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO:  Secretary Martin, alamin muna natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. kahapon po, nakapagtala ang Department of Health ng 30,682 total number of COVID-19 cases sa bansa matapos itong madagdagan ng 630 reported cases na kung saan 467 sa dagdag na kasong ito ay fresh cases, 163 naman ang late cases. Sa 20,990 naman na active cases na mayroon tayo ngayon ay 586 po rito ang asymptomatic, 20,317 ang mild cases, 69 ang severe cases at 80 naman ang critical cases. Nadagdagan ng dalawandaan at limampu ang bilang ng mga gumaling na may kabuuang bilang na 8,143 recoveries habang walo ang naidagdag sa mga nasawi na may kabuuang bilang na 1,177.

Sa nakalipas na isang linggo, mapapansin na bahagyang bumaba ang bilang ng reported cases kada araw matapos maitala ang 943 cases noong Sabado, June 20. Sa mga kasong naitala kahapon, ang pinakamataas na bilang o 41% ay nagmula sa Region VII at 174 cases o 28% naman ay mula sa NCR, samantalang 31% ang mula sa ibang rehiyon. Isang kaso naman ang naitala mula sa hanay ng mga repatriate.

SEC. ANDANAR:  Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-26843. Para naman po sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers i-dial po ang 1555 at patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov. ph.

USEC. IGNACIO:  Kasama pa rin nating magbabalita mamaya sina Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service, Rachelle Garcia ng PTV-Cordillera, si John Aroa ng PTV-Cebu at Regine Lanuza ng PTV-Davao.

Secretary, una sa ating mga balita, DENR Secretary Roy Cimatu itinalaga po ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Cebu COVID Task Force Head. Kagabi ng Lunes, June 22, 2020 ay muling nakipagpulong si Pangulong Duterte sa Inter Agency Task Force on COVID-19 o IATF para po muling magbigay ng ulat sa ating mga kababayan tungkol sa ginagawa ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na sa kabila ng magandang recovery na ipinapakita ng bansa ay tila napag-iwanan ang lalawigan at Lungsod ng Cebu dahil sa patuloy pong pagtaas ng kaso ng COVID-19 transmission sa lugar. Kaugnay niyan po ay ipapadala ng Pangulo si DENR Secretary Roy Cimatu sa Cebu para tutukan ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa lugar. Dagdag pa niya na magiging katuwang ng Kalihim ang DOH, DILG at National Task Force for COVID-19 sa pagpapatupad ng lockdown sa probinsiya kung kinakailangan, malugod naman pong tinanggap ng Kalihim ang tungkuling iniatas ng Pangulo bilang pinuno ng Cebu COVID Task Force.

SEC. ANDANAR:  Samantala, mahigpit na pagpapatupad sa Hatid Tulong Program, panawagan ni Senador Bong Go para mapigilan ang unauthorized travel. Sa isang pahayag ay sinabi ni Senador Bong Go na may mga LGU at grupo na nagsasagawa ng unauthorized  travels at unsanctioned initiatives sa ilalim po ng programang ito na hindi umano sumusunod sa health at safety protocols na importanteng sundin sa pagpapauwi sa mga Locally Stranded Individuals.

Dagdag pa niya, kung hindi willing at hindi handa ang LGU na tanggapin ang mga ito, huwag na muna silang pauwiin. Aniya, mahalaga ang pagkakaroon nang maayos na koordinasyon sa mga LGU para masiguro ang kaligtasan ng mga tao.

Patuloy na umaapela ang Senador sa mga ahensiya ng gobyerno na ipaliwanag nang maigi ang iba’t-ibang programa ng pamahalaan na puwedeng makatulong sa gustong makauwi sa kanilang mga probinsiya at ang proseso na kailangan nilang sundin para sa mas maayos na pagpapatupad ng mga ito.

USEC. IGNACIO:  Sa iba pang balita, pagtugon sa health crisis at pagpapatupad ng Universal Healthcare Law dapat tutukan ng DOH at PhilHealth ayon kay Senator Bong Go. Sa kabila po ng imbestigasyon na ginagawa ng Ombudsman tungkol sa diumano’y mga iregularidad at umano’y korapsiyon sa Department of Health ay dapat pa rin umanong tutukan ang laban ng ating bansa sa health crisis na dulot ng COVID-19. Ganoon din po ang pagpapatupad ng Universal Healthcare Law.

Sa isang pahayag sinabi ni Senator Bong Go na walang dapat ikabahala ang Kagawaran ng Kalusugan at PhilHealth sa mga alegasyong ibinabato sa mga ito kung wala namang katotohanan. Dagdag pa niya, buo pa rin ang tiwala ng Pangulo kay DOH Secretary Duque sa kabila ng ilang umano’y kakulangan ng departamento nito. Sinabi rin ng Senador na patuloy niyang ipaglalaban ang maayos na implementasyon ng UHC Law at kung kinakailangan po ay magsusulong ng dagdag na budget para sa PhilHealth para sa implementasyon nito. Pero aniya, kaisa siya sa mga nananawagan ng imbestigasyon sa loob ng ahensiya.

SEC. ANDANAR:  Usec. Rocky, simulan natin ang talakayan dito sa Public Briefing. Ngayong Martes ay makakasama natin sina DepEd Secretary Leonor Briones; kasama po si Usec. Nepomuceno Malaluan, Undersecretary and Chief of Staff; at Usec. Diosdado San Antonio, Undersecretary for Curriculum and Instruction; kasama rin po natin mamaya si Administrator Hans Cacdac ng OWWA.

USEC. IGNACIO:  At para po sa ating viewers at subscribers, kung kayo naman po ay may katanungan sa ating mga panauhin ay maaari kayong magkomento sa aming live feed at sisikapin po naming bigyan ito ng kasagutan.

SEC. ANDANAR:  Unahin po natin si DepEd Secretary, Ma’am Liling Briones. Good morning po sa inyo, ma’am.

DEPED SEC. BRIONES:  Magandang umaga. Good morning sa iyo, Sec. Martin. Good morning sa iyo din, Undersecretary Rocky. Good morning sa lahat na nanonood at nakikinig sa ating talakayang ito ngayong umaga tungkol sa edukasyon. Magandang umaga sa lahat.

SEC. ANDANAR:  Ma’am Liling, sa nakalipas po na buwan ay maraming tanong ang ating mga kababayan ukol sa pagbubukas ng klase. Maaari ninyo po bang ipaliwanag sa amin kung ano na po ang inyong initial assessment sa nagaganap na enrollment ngayon?

DEPED SEC. BRIONES:  Yes, Sec. Martin. Pero bago ko sagutin iyong tanong mo, gusto ko sana—teacher kasi ako, konting review lang dahil mayroon pa ring confusion sa policy ng DepEd hinggil sa pagbukas ng paaralan, ng mga schools ‘no. Ulitin ko lang dahil nagdedebate sa social media, iba’t iba ang interpretasyon.

Una, Sec. Martin, Usec. Rocky, ang opening ng classes talagang patuloy kasi sinabi na ito ni Presidente, August 24, 2020. Pero iyong mga pribadong mga eskuwelahan, mayroon silang leeway dahil kung bahagi sila sa universities and colleges eh hanggang September pa iyong iba nilang magbubukas. Ngayon, ang paraan sa pagtuturo, sinabi na namin ito, para hindi na kailangan pupunta ang mga estudyante sa eskuwelahan dahil mahigpit na ipinagbabawal ng Presidente ang physical/actual na papasok ang mga bata sa eskuwelahan hangga’t hindi makakita tayo ng lunas sa sakit na ito, ay una sa printed or digital modules.

Iyong mga materyales, i-distribute iyan, idi-deliver sa mga bahay-bahay dahil magagawa ito at the village level, at a barrio level sa tulong ng local government. Ito, mga tinatawag nating hardcopy talaga ng modules na mahawakan ng mga bata, mahawakan ng mga parents, para ito sa walang access – iyong walang connectivity, walang radyo, walang TV, walang cellphone. Idi-deliver sa kanila ang ating mga printed na materyales.

Pangalawa, iyong tinatawag nating online learning resources kagaya ng DepEd Commons kung saan more than 8 million na ang subscribers natin. Nandoon din ang curriculum, ang lessons, etc., pero makuha ito online. Para ito sa may mga koneksiyon sa internet.

Pangatlo, para sa walang internet, para sa wala din silang ibang paraan na makontak ang teacher at saka ang mga parents hindi makakontak din sa teacher, nandiyan ang telebisyon or radio-based instruction. Isa na sa nagbo-volunteer na tutulungan ang DepEd ay ang government facilities sa PCOO, which is managed by Sec. Martin sa PCOO, iyong dalawang television as well as the radio stations.

Pero ang commitment ng President as far as he has already announced, walang face-to-face. Kasi ngayon mayroon pa ring galit na galit na minumura ang Secretary, ‘PI ka mamatay kang mag-isa, bakit ninyo isusubo iyong teacher at mga bata,’  walang basehan iyan dahil bawal sa Presidente ang physical na pagpunta ng mga kabataan sa school.

Tapos panghuli, ito mahalaga ito. Nasanay na tayo na iisang formula lang, isang framework lang, pero ngayon, sabi pa nga ni Senator Marcos ano na, walang one size fits all dahil iba’t ibang rehiyon, iba’t iba din ang kanilang sitwasyon. Mayroong may connectivity, mayroong may radio, mayroong may telebisyon, mayroong none of the above. So bawat rehiyon, kaniya-kaniya silang gawa ng paraan kung paano ito matugunan ang pangangailangan ng pag-aaral ng mga bata. Kaya bawat rehiyon, iba’t iba iyong kanilang implementation side.

Sinu-survey na kung ilang mga bata ang may cellphone o may connectivity ba sila. Ang Presidente mismo, nag-announce na para sa mga lugar na hindi talaga maka-access ng online resources, hindi maabot ng ibang paraan ay gusto na niyang mamigay ng transistor radios at saka no less than the Secretary of Finance is supporting this move para sa mga malalayong lugar na hindi maabot.

Kaya sinasabi nga natin, walang one size fits, na lahat mag-online o lahat mag-TV, lahat mag-radyo – hindi ganoon. At the level of the school, ang mga school officials doon sa tulong ng local governments, sa tulong ng ating communication system, sila ang mag-device kung paano ang pinakamabisang paraan na maturuan ang mga bata.

Gusto ko lang iyang i-emphasize kasi mayroon pa ring confusion about, ano ba mayroon bang face-to-face, wala bang face-to-face. May nagagalit kung may face-to-face, may nagagalit naman kung walang face-to-face, lahat naman nagmumura sa Department of Education – hindi naman lahat, may iilan.

Ngayon, tungkol sa enrollment. Very happy naman akong mag-report Sec Martin at saka Usec. Rocky na umabot na sa 13,752,109 ang total na nag-i-enroll. Ito kalahati na ito sa ine-expect natin na mag-enroll for this year. Sabihin natin, bakit kalahati lang ang naka-enroll? This is because iyong para sa walang access, kasi online ang enrollment natin for the first two weeks; ngayon, drop box ang ginagamit. So sa mga bayan na walang connectivity, may mga drop boxes kung saan ang mga parents doon nila ilagay iyong kanilang mga enrollment forms ng kanilang mga anak, pi-pick up-in ito. Tutulong ang mga barangay at tutulong ang mga local governments para masama sa pagbibilang ng mag-aaral.

So, first two weeks online, now that we are on the last two weeks of June, ina-allow na natin ang tinatawag nating drop box method.

Nakakatuwa kasi kakakatapos lang, Sec. Martin at Usec. Rocky, ang meeting ng South East Asian Ministers of Education, napansin namin na karamihan ng mga features na ginagawa natin dito, mga strategy, iyon din ang ginagawa ng mga bansa sa South East Asia. Sabihin natin na mayaman tulad ng Singapore o iyong iba na nag-uumisa pa lang ng development, kagaya ng Laos PDR. Pero iba’t ibang application lang, iba’t ibang context.

Tuwang-tuwa ako kasi ultimong Brunei, mayroon silang drop box system also, kagaya ng Laos PDR. At saka natutuwa din ako na mismong ang chairman ng lahat ng mga Ministers of Education nagsasabi na for COVID-19, walang one size fits all. Kaya hindi natin masasabi na NCR will be exactly like Region I or Region XII.

So iyon ang sitwasyon, Sec. Martin. In the meantime, kasi August 24 pa ang beginning ng classes, abalang-abala ang mga teacher dahil more than 300,000 na ang nati-train sa paggamit ng online facilities natin. Mayroon ng inumpisahan ang mga up scaling activities sa National Educators Academy of the Philippines. Ang mga teachers nagbi-build up na sila ng kanilang skills, tapos inaayos din natin iyong ating infrastructure dahil ang mga teacher  gusting… maraming nagfe-feedback na mas gusto ng mga teachers na papasok sila, kasi iyong pagtrabaho, iyong opisina ay para sa kanila maganda iyong environment na nandoon  mismo sila sa eskuwelahan. Pero puwede lang iyan sa mga lugar na papayagan ng Department of Health o IATF. Ang bottom line kasi natin is safety.

So, bising-busy kami talaga, we are racing for the finished line which is August 24, iyong actually na pag-umpisa; hahabol ang private sector. May mga eskuwelahan, Sec. Martin at Usec. Rocky, sa private sector na August pa ang umpisa nila ng enrollment kasi sumasabay sila sa mga universities and colleges. So, mababa pa ngayon ang enrollment sa private sector. Pero sa public talagang maraming-marami na at saka very heartwarming ang response ng parents at saka sa community.

Maraming LGU, karamihan ng mga LGU nag-express ng written support na gusto nilang ipagpatuloy ang edukasyon – COVID or no COVID, tuloy ang edukasyon. Thank you. Maraming salamat.

USEC. IGNACIO:  Good morning po, Secretary Briones. Bigyang-daan ko lang po iyong follow-up question ni Pia Gutierrez po ng ABS-CBN tungkol po doon sa projected number po ninyo ng mga nag-enroll. Ito po iyong follow up question niya: How do you interpret daw po these numbers? Does it mean some parents really chose to not enroll their kids this school year?

SEC. BRIONES:  There are some real factors there. Una, ang estado ng ekonomiya. Dahil mga parents ngayon, abala naman to keep their families together, keep them fed and healthy and so on.

Pangalawa, iyong sinabi ko na ang mababa na level ng enrollment ay sa private sector. This is because maraming mga private schools, hindi pa sila nag-umpisa ng enrollment process nila, August pa sila mag-uumpisa ng enrollment process; mayroong July pa sila mag-umpisa. Iba’t iba iyong level. Kasi sa batas kasi, ang range mo diyan is June to August eh, to the last day of August. So, hindi pa lahat ng private schools nag-o-open ng enrollment.

Ang tingin namin dahil ang malaking level ng enrollment talaga ay nasa public sectors   schools natin, ang tingin namin ang parents now are really serious about putting their children in school. May mga feedback kaming na-receive galing sa mga parents na gusto na nilang … kasi sila gusto nilang magtrabaho na, kasi binubuksan na iyong ilang sektor ng ekonomiya ay walang mag-aalaga ng anak nila, walang mag-see to it sa education ng mga anak nila. So gusto rin nila na maghanap nang … mag-recognize ng ibang paraan na ang mga bata ay matuto may COVID o wala. At saka sa ibang bansa, ang pinakamaagang nag-umpisa ng schooling sa South East Asia ay ang Singapore, June nag-umpisa na sila; mayroong iba July sila mag-umpisa. Maraming June pero staggered. Tayo, August pa tayo. Pero karamihan, June at saka July ang pagbukas kasi nare-recognize, unanimous ang declaration ng South East Asian Minister na hindi puwedeng pigilin ang pag-aaral. Factor ang enrollment sa private sector, this is because they have not yet opened enrollment, most of them actually; even the state colleges and universities, like UP for example. So, ganoon ang sitwasyon, hahabol din sila palagay ko by July and August.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bigyan-daan ko rin po ulit iyong tanong ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN. Ito po ang tanong niya: Recently, DepEd has been warning parents of unaccredited learning materials being sold online. Ano daw po ang legal actions will you take against the sellers, can you tell us how detrimental this unaccredited learning materials are to the learners?

SEC. BRIONES: Una, hindi iyan dumaan sa ating curriculum review kasi mayroon tayong basic curriculum na kung ano ang dapat learning competencies na matuto ang bata.

Pangalawa, pinagkikitaan ang ating mga kababayan at ang DepEd, malay natin kung nagbayad ba iyon ng taxes o hindi. Pero ang importante ay iyong content kasi hindi naman … hindi natin nari-review, hindi natin makikita kung tugma iyan dahil iyong ating mga learning materials, mga teachers ay tumutulong sa paggawa ng mga modules na ito. Actually, galing sa kanila itong mga modules na ginagamit natin.

So very—para sa atin, maraming harm ang magagawa iyong unaccredited. For example, binatikos kami sa Senado, iyong sinasabi na “Banana Rice Terraces” tapos may logo pa ng DepEd na libro about the Banana Rice Terraces – eh hindi naman amin iyon. May mga libro na ginagamit na ilang taon na na wala na, out of circulation, pero ginagamit pa ng ibang mga eskuwelahan, dini-distribute pa, nilalagyan ng logo ng Department of Education. Eh labag iyon talaga sa batas at we will take the appropriate action. Actually, we are taking appropriate action on that.

USEC. IGNACIO:  Opo. Tanong naman po kay Usec. Malaluan mula po kay Jaehwa Bernardo ng ABS-CBN News Online: Some teachers’ groups daw po have been calling on DepEd to provide a monthly internet allowance for public school teachers as they adjust to online instruction. Does the Department plan to provide such allowance? Para po kay Usec. Malaluan?

USEC. MALALUAN: Nasa yugto ngayon iyong Department of Education na tinitingnan niya iyong realignments ng mga budget namin dahil totoo iyong sinasabi na sa bagong pamamaraan ng paghahatid ng pag-aaral ng mga bata ay bago rin ang gastusin na kailangan, at kasama nga diyan itong communication expenses ng mga guro sa pakikipag-ugnayan, pakikipagtalastasan sa kanilang mga mag-aaral at ganoon din sa mga magulang at pati rin sa kanilang mga immediate supervisors sa paaralan, including sa trainings ay may mga costs din na communication-based.

Kaya tinitingnan nang mabuti iyan ng Department of Education doon sa kaniyang pagri-review ng allocation ng budget at kung may mga portions tayo na maibibigay suporta then we will do that dahil kinikilala natin na iyan ay malaking gastusin ngayon in the delivery modalities na distance learning or remote learning or blended learning as we are going to implement pagdating ng August 24.

SEC. ANDANAR: Usec. San Antonio, kamakailan lamang ay laman ng usap-usapan lalo na sa social media ang pahayag ng DepEd na hindi na kailangan na bumili pa ang mga magulang ng gadgets para sa online learning. Puwede pong ipaliwanag ninyo po sa amin ang tungkol dito?

USEC. SAN ANTONIO: Magandang umaga po, Sec. Martin. Magandang umaga po sa lahat. Totoo po iyon na sinasabi natin at nabanggit na rin ni Ma’am Liling kanina na ang distance learning o blended learning kapag hinalu-halo mo iyong iba-ibang approaches ay may iba-ibang anyo sang-ayon sa kakayahan at sitwasyon ng ating mga mag-aaral at mga pamilya.

So iyon pong mga pamilya na mayroong gadgets, mayroong internet, hahayaan natin silang magsagawa ng distance learning na online. Pero alam po natin hindi lahat kaya po mayroon namang mga pamilya na may gadgets pero walang internet. Ang gagawin po dito, iyong mga digital learning materials, e-books, iyong learning resources ay ipapadala sa mga bahay sa pamamagitan ng flash drives at doon nila bubuksan at pag-aaralan iyong mga aralin.

Kapag hindi pa rin po, wala talagang gadgets, may mga pamilyang wala ay huwag pong magpilit na bumili kasi naghahanda naman po ang Kagawaran ng mga inilimbag na self-learning modules na gagamiting basehan ng kanilang pag-aaral.

At karagdagan pa po dito, gagamitin din iyong mga text books na available at ipamimigay sa mga bata para gamitin nilang references sa mga araling inihahain ngayon. Maliban pa po diyan, nasabi na rin po kanina, na binibigyan din nating diin na ang TV at ang radyo, lalung-lalo na po sa partnerships ng DepEd sa inyong tanggapan, Secretary Martin, ay gagawa rin po ng mga lessons na puwedeng ipamahagi sa pamamagitan ng telebisyon at ng radyo.

So hindi po kailangang mag-isip pa ng mga bagay na wala ngayon sa mga pamilya ang mga magulang upang matuto ang mga bata. Ang kailangan lang po ay ipaabot-alam sa DepEd ang kanilang sitwasyon para po iyong angkop na learning delivery modality ay siya ang mai-implement diyan sa kanilang mga paaralan.

Ito po ay klarado na instruction natin sa mga namumuno ng mga paaralan na sila ang magdi-decide sang-ayon sa sitwasyon ng kanilang mga estudyante. Salamat po…

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Antonio, may follow up lang po ang aming kasamang si Sam Medenilla: Has DepEd required private schools to rational daw po tuition for the upcoming school year amid the existing ban for face-to-face classes? Will a private school be liable if it decides to retain its current tuition despite the student not using its physical facilities for the duration of the COVID-19 crisis?

USEC. SAN ANTONIO: Maraming salamat, Usec. Rocky. Ang pinapanindigan po ng DepEd na to a certain extent mayroong kaunting autonomy ang mga private schools sang-ayon sa kung paano sila mangungolekta ng kanilang fees, kasi po siyempre wala naman silang ibang pinagkukunan. Pero sa mga huling pagpupulong po namin sa DepEd ay mayroon kaming agreement na aralin at paalalahanan ang mga private schools na ito na ang kailangan ay ang paniningil na makatuwiran. Hindi po talaga makatuwiran kung maniningil ka ngayon ng, halimbawa, laboratory fees – hindi ka naman magpapa-laboratory kasi distance learning iyong delivery ninyo.

So iyong mga ganoong pangungolekta po ay hindi talaga … naniniwala po ako personally, at palagay ko ito iyong pakiramdam ng buong pamilyang DepEd na hindi naman makatarungan na singilin pa ang mga ito. Pero nakikita ko rin po, sang-ayon din sa aming karanasan, na karamihan sa mga private schools, sila na mismo ang nagbu-volunteer na ayusin iyong kanilang fees na mas … iyon nga nga po, makatuwiran.

At ang requirement lang po talaga palagi namin, noong dati regional director ako, ay naisangguni ba iyan sa mga magulang? Sumang-ayon ba ang mga magulang sa mga gusto ninyong isingil? At sana kapag napag-uusapan nang maayos ay hindi na po nagkakaroon ng problema. Pero sa ganoon pa man, welcome din po iyong feedback ng mga magulang kung medyo hindi nga fair iyong paniningil ay puwede pong ipagpaabot sa kaalaman ng ating mga regional offices lalung-lalo na.

SEC. ANDANAR: Usec. San Antonio, kaugnay rin po nito ang direktiba ng inyong Kagawaran na magkaroon ng educational TV programs and radio-based instruction. Kumusta na po ang preparations ng Kagawaran ng Edukasyon patungkol po dito?

USEC. SAN ANTONIO: Mamaya pong gabi ay may meeting ulit iyong technical working group na krineate [created] ni Ma’am Liling para lalong liwanagin iyong mga kailagang gawin para po maihanda talaga ang mga materials na gagamitin para tuluy-tuloy na ang paggamit ng radyo at TV.

So napagkasunduan po ng aming TWG, kasama ko po si Usec. Alain Pascua, na mag-meeting kami palagian para ma-check iyong parang updates namin sa mga kailangang gawin.

SEC. ANDANAR: Yes, sir. Para po kay Secretary Liling: Is there still a voucher program for incoming Grade 11 students from public schools?

SEC. BRIONES:  Iyan ay pinag-uusapan namin kasi ang budget kasi ng Department of Education ay nabawasan, nabawasan ng mga eight billion para kontribusyon ng Departamento sa ating Bayanihan fund. So, titingnan kung ang funds na available maka-accommodate ng voucher program pero sa tingin ko, right iyan ng mga parents na nagpapadala ng anak nila sa private school; right iyan ng private school na sila ay i-involve, isama sa voucher program.

Pero ngayon hindi pa natin masasabi dahil hindi pa kumpleto ang ating enrollment figures sa private sector dahil iyong iba, iyon sinasabi ko na nga kanina, August pa nga sila mag-open iyong iba sa kanilang enrollment kaya hindi pa natin masasabi kung magkano ba talaga ang kailangan.

Kasi ang nangyari ngayon, sa isang taon dalawang semester; ang naka-set aside sa amin para sa mga pagtulong sa private schools ay for one half of the year dahil nag-i-straddle ng dalawang taon – 22, 21—2020, 2021 halimbawa ang isang academic school year.

So, pinag-aaralan namin iyan pero ako I believe, kung ano ang sinasabi sa batas, kung anong probisyon ang nagsasabi na kailangan bigyan ng compensation at bigyan ng tulong ang mga private schools dahil sila naman ay bahagi ng ating educational system, kailangan ipatupad natin iyan.

Ang challenge ay siguraduhin na funds will be available para sa mga nagta-transfer out o nagta-transfer in kasi very dynamic ngayon ang movement. May mga lumilipat sa public school, mayroon namang gustong pumunta sa kabilang ano naman… grupo ng mga eskwelahan so, because perhaps of COVID parents dito ang nagde-decide.

Pero kami, handa kaming ipatupad kung ano ang requirement ng batas at saka ng Konstitusyon.

USEC. IGNACIO:  Opo. Para po kay USec. Malaluan. Sir, may tanong po si Abel de Leon ng Manila Bulletin. Iyong tanong po niya: Iyon daw pong announcement ng Federation of Associations of Private Schools & Administrators (FAPSA) calling for the cancelation of school opening this year. FAPSA claims not receiving any help from the government and feels left out?

USEC. MALALUAN:  Actually, si Sec. Briones has raised iyong mga concerns hindi lamang ng grupo nila kung hindi ng private schools in the IATF at ganoon din, nagbigay kami ng posisyon through the Executive Secretary with respect dito sa extension ng Bayanihan Law.

So, iyan ay binibigyang-daan ni Sec. Briones in opportunities for her to take the issues of the private sector in the Inter-Agency processes and Executive processes. Hindi ang Department of Education lamang ang magde-decide niyan, kung iyan ay may budget implication ay kasama ang Department of Budget and Management at saka Department of Finance. At kung naman sa Kongreso ay iyan ay depende din sa panukala ng buong Executive Department at saka sa magiging desisyon ng legislature.

So, the Secretary has been consistently raising the concerns of the private school in Inter-Agency processes.

Salamat, USec. Rocky.

SEC. ANDANAR:  USec. Malaluan, alam naman po natin na kailangang mag-report ang mga guro physically. Ano po ang safety measures ng mga guro upang masiguro po ang kanilang kaligtasan?

USEC. MALALUAN:  Well, unang-una, Sec. Martin, iyong inilabas namin na guidelines on alternative work arrangement ay nakaayon iyan sa Omnibus Guidelines ng IATF at gayundin doon sa Civil Service Commission Memorandum Circular No. 10 Series of 2020, iyong kanilang Interim Guidelines for Alternative Work Arrangement dito sa panahon ng state of emergency na ito.

At kasama doon sa aming opsyon na ibinigay sa mga regional directors, depende sa sitwasyon nila kung sila ay ECQ or Modified ECQ or GCQ. Kung ECQ at Modified ECQ, malinaw na skeleton workforce lang ang pinapayagan at and the remainder will be work from home. Pero kahit sa GCQ, kahit pa iyong guidelines ng IATF will allow for iyong full staff compliment ay minarapat pa rin natin na 50% lamang iyong maximum na workforce compliment natin sa lahat ng paaralan at opisina natin sa buong bansa ito regardless of the quarantine classification. At within that 50% workforce ay mayroong intermittent na work from home at saka work in the office.

Bukod diyan ay kailangang isaalang-alang ng mga regional directors natin iyong kalagayan ng transportation systems sa localities. So, iyong mga—kung may mga nagsasabi na… dito sa bagong alternative work arrangement ay magre-report ng lahat iyong mga guro ay hindi po totoo iyon. Mayroong limit at saka may intermittent workforce at isinasaalang-alang din iyong local conditions.

At in fact, our—nag-check kami sa regional directors dito sa NCR ay naka-work from home pa rin sila except for doon sa skeleton workforce at saka essential services na maaaring i-authorize sila to report. Ganoon din doon sa ibang mga regions na nag-report sa amin.

So, bukod diyan ay we are about reissue already iyong required health standards natin, so naroon iyong support mechanisms for those that will be reporting to the office at mayroon din doong testing protocol na ia-adopt at iyan ay na-review na, iyan ay na kay Sec. Briones na for her final review and signature and probably within this week  iyong ating required health standards will already be issued ka-partner nitong alternative work arrangements na in-adopt natin for the Department of Education.

Thank you, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR:  Salamat po, USec. Malaluan. Panghuling message po, Sec. Liling Briones para sa ating mga kababayan?

SEC. BRIONES:  [OFF MIC] kay Sec. Martin, kay USec. Rocky na binibigyan ang DepEd ng pagkakataon na liwanagin iyong mga iba’t-ibang mensahe na lumalabas sa social media at saka sa publiko na sasabihin namin ang katotohanan na kung ganito ba ang policy natin. So, thank you PCOO, thank you, Sec. Martin, thank you, USec. Rocky.

Pangalawa, nagpapasalamat kami sa mga parents na ilang milyong parents iyon ang nagpapakita ng trust pa rin ating departamento at saka sa ating pamahalaan na iyong kanilang mga anak pinapabahala—ini-entrust nila iyong mga anak nila sa atin dito sa departamento at sa ating pamahalaan. Thank you very much.

Salamat din sa community. Ang daming offers, napakaraming offers na mag-a-assist sa atin lalo na sa radyo, lalo na sa telebisyon, sa communications, napakarami. Ang ginagawa namin ay isinasalang namin ito, tinitingnan namin kung alin ang pinaka-appropriate para sa isang lugar. So, salamat, salamat.

Salamat lalo na din sa aming mga regional directors at central office directors, mga opisyal dahil talagang walang humpay ang kanilang pagtatrabaho dahil alam nilang may deadline. This is the advantage of having a deadline, you work for a particular goal and do everything to reach that goal. So, ang mga employees natin sa DepEd talagang all the way sila.

At of course, salamat sa Presidente sa kaniyang continuing support. The other Cabinet members nag-o-offer sila ng support lalo na sa Finance at saka sa Department of Budget. Sabi ni Presidente he will scrape the bottom of the barrel matulungan lamang ang edukasyon.

So, itong endeavor na ito hindi lamang sa DepEd kung hindi sa ating lahat. Kami ay talagang lubos na nagpapasalamat. Private sector, very helpful, napaka-ano iyong mga advice nila na ibinibigay sa atin.

At really, the parents are the decision-makers. Sabi namin, at the end of the day the parents decide, the parents have spoken and they continue to speak by enrolling their children at this time.

Maraming salamat.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat, Sec. Briones. Salamat din po kay USec. San Antonio at USec. Malaluan.

USEC. IGNACIO:  Samantala, alamin natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan.

Dennis Principe?

[NEWS REPORT BY LESLIE GEMINO]

[NEWS REPORT BY GREG TATARO JR.]

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Dennis Principe.

[VTR]

Mula naman sa Davao Region, kasama natin si Regine Lanuza

[NEWS REPORT BY REGINE LANUZA]

SEC. ANDANAR:  Daghang salamat, Regine Lanuza. Ngayon naman ay silipin natin ang balita mula sa PTV-Cordillera mula kay Rachelle Garcia.

[NEWS REPORT BY RACHELLE GARCIA]

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Rachelle Garcia.

USEC. IGNACIO:  Mula naman po sa PTV-Cebu, kasama natin si John Aroa. Kumusta na diyan sa Cebu, John?

[NEWS REPORT BY JOHN AROA]

USEC. IGNACIO:  Salamat sa iyo, John Aroa ng PTV-Cebu.

[VTR]

USEC. IGNACIO:  Samantala, pansamantala nang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program para bigyang-daan ang pagtulong sa mga locally stranded individuals sa bansa sa ilalim ng Hatid Tulong Program.

Iisa lang naman po ang layunin ng parehong programang ito – ang matulungan ang ating mga kababayan natin na nais makapiling ang kani-kanilang pamilya.

Panoorin po natin ito. [VTR]

USEC. IGNACIO:  Sec. Martin, tayo po ay nagpapasalamat sa lahat ng ating mga naging panauhin ngayong araw at ang ating partner agencies sa kanilang patuloy na suporta at walang sawang paghahatid ng balita at impormasyon. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 para po sa inyong suporta sa ating programa. Mabuhay po kayo!

SEC. ANDANAR:  At diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Sec. Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.

USEC. IGNACIO:  At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)