Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar By Edwin Eusebio, DWIZ


EUSEBIO:  Secretary, magandang gabi po.

 

SEC. ANDANAR:  Magandang hapon, Edwin.

 

EUSEBIO:  Yes, sir.

 

SEC. ANDANAR:  At sa lahat ng nakikinig ng DWIZ.

 

EUSEBIO:  Salamat po at kahit na medyo sabi nga natin abalang-abala kayo, napaunlakan ninyo pa rin iyong aming tawag.

 

Sir, itong inyong #LagingHanda ay magpapatuloy ho ba ito bagamat sabi nga natin eh… doon sa ating ID na IATF ID parang nagtatapos na iyong bracket of concern – tuloy-tuloy ba itong atin na programa?

 

SEC. ANDANAR:  Tuloy-tuloy po iyong Laging Handa kasi alam mo Edwin, itong Laging Handa ito iyong crisis communications program ng ating Duterte Administration. So, ibig sabihin niyan ay kung mayroong isang trahedya, bagyo, lindol, eruption ng bulkan, COVID ngayon ay kailangan nandiyan iyong programa.

 

So, napakaganda ng—

 

EUSEBIO:  Konsepto.

 

SEC. ANDANAR:  —pagkaplano ng Laging Handa dahil lahat ng ating KBP member stations ay nakikipagtulungan, so mas mabilis iyong information dissemination. Kaya ako ay nagpapasalamat sa KBP, DWIZ, sa RPN. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-hook-up ng programa ninyo sa Laging Handa – ito po ay programa ng gobyerno, salamat po.

 

EUSEBIO:  Secretary, ngayon po ang focus po ninyo matapos kayong i-pinpoint ng Pangulong Duterte, iyong inyong departamento in particular dito sa posibleng matuloy or sabi nga natin eh opening of classes, iyong tinatawag na distance learning, ano ho ba ang magiging particular participation ng PCOO dito?

 

SEC. ANDANAR:  Salamat sa tanong. Alam naman natin na blended learning na at si Sec. Liling Briones mismo ang nagrekomenda rin sa IBC – 13 at Radyo Pilipinas na maging isa sa mga broadcasting network ng Department of Education.

 

So, inihahanda natin ang ating TV station, ating radio station at lahat po ng mga options kung papaano natin maipaparating ito sa iba’t-ibang mga tahanan – sa more than 27 million K to 12 students in the Philippines.

 

Pero rest assured ay talaga namang kailangan talaga din ng tulong ng government, kailangan ng tulong na magmumula sa private media dahil hindi naman lahat ng sulok ay nararating ng government signal.

 

EUSEBIO:  Pero definitely mayroong point of anxieties iyong mga magulang maging ang mga estudyante kung saka-sakaling iyan po ay magtuloy-tuloy na at inilunsad na natin. Papaano iyong grading system at pagbibigay ng—iyong analysis sa kanilang capability, Secretary? Papaano natin bibigyan ng kredito?

 

SEC. ANDANAR:  Iyan naman ay talagang ginagawan na ng solusyon ng Department of Education. Sabi nga ni Sec. Liling Briones, mayroong mga tao na galit sa kanila dahil hindi kaya iyong face-to-face education; mayroon ding iba na nagagalit din sa kanila dahil ang gusto 100% ay online virtual learning.

 

So, kawawa rin ang DepEd dahil alam naman natin na itong COVID-19 ay isang problema na first time natin na na-experience – hindi lang tayo kung hindi ng buong mundo. At ang kagandahan naman nito ay halos lahat ng mga Department of Educations or Ministry of Educations sa iba’t-ibang bansa sa ASEAN ay halos magkaparehas lang ng approach ng mga ito sa Department of Education dito po sa ating bansa.

 

EUSEBIO:  Sabi nga sir eh para ka gumaling, you have to swallow the bitter pill at ipagpalagay natin itong COVID-19 ay naging mapait na tableta pero magkaganoon pa man maraming naging daan para matuklasan natin at mapagbuti natin iyong mga kung saan tayo nagkukulang, tama po?

 

SEC. ANDANAR:  Tama po, tama po. Talaga namang new normal ‘ika nga eh, pero sa new normal na ito kailangan talaga nating mag-adjust hanggang sa masanay tayo. Eh, ito ay bagong pamamaraan, pamumuhay bagong lifestyle para sa ating lahat. Pero kaunting pasensiya lang po ang kailangan natin kasi ito na po—

 

EUSEBIO: Yes, sir. Pero may problema tayo doon sa interconnectivity, papaano iyan? Ang PCOO ay patuloy sa pakikipag-ugnayan naman diyan sa ating mga in-charge sa ating mga communications, sa ating mga telcos at the same time kasi kakailanganin iyan, sir?

 

SEC. ANDANAR:  Opo. Lahat po ng paraan para makapag-communicate – TV signal, radio signal, internet, mobile – lahat po ay iko-consider ng DepEd.

 

EUSEBIO:  Ayun… So, magandang, wika nga ay, proyektong nakaabang at patuloy nating pagtutulungan mai-disseminate ang impormasyon. Sec., baka may—

 

SEC. ANDANAR:  Huwag po kayong mag-alala, huwag po kayong mag-alala, Edwin kasi this week, mabibigyan ko kayo ng update dahil mayroon kaming meeting with the Department of Education – Technical Working Group para dito sa blended learning sa pamamagitan ng TV at radyo.

 

EUSEBIO:  Ayun… at least nagkaroon ako ng advancer with that.

 

SEC. ANDANAR:  Opo.

 

EUSEBIO:  Salamat…

 

SEC. ANDANAR:  Salamat po.

 

EUSEBIO:  Thank you, sir.

 

SEC. ANDANAR:  Mabuhay kayo.

 

EUSEBIO:  Secretary Martin Andanar ng PCOO – Presidential Communications Operations Office.

 

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource