Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque with BCDA President and CEO and Deputy Chief Implementer for the National Action Plan Against COVID-19 Secretary Vince Dizon, and Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Borje


Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Umpisahan po natin ang briefing ngayon, Huwebes, sa pagbibigay ng updates sa second tranche ng Social Amelioration Program ‘no. Sang-ayon po sa DSWD, ang waitlisted beneficiaries sa Baguio City; Kabayan, Benguet; Balaoan, La Union; Mabalacat, Pampanga ay natanggap na po ang kanilang SAP. Ang waitlisted beneficiaries naman po sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA) in Bulacan are ongoing.

Ang mga waitlisted beneficiaries are based on a submitted certified list of LGUs and have undergone de-duplication. Ito po iyong mga kabahagi ng limang milyon na mga bagong pangalan na inutos ni Presidente na bigyan ng ayuda.

Pumunta naman po tayo sa mainit na issue ng traditional jeepneys. Kung inyo pong matatandaang, may sinusunod po tayong hierarchy of public transportation modes – buses po ang nasa taas, ang mga modern PUVs, ang UV Express at traditional jeepneys. Ngayong nasa second phase na po tayo ng public transportation operations services of the road sector, nagsimula na po ang operasyon ng modern public utility vehicles. Mayroon na po tayong tatlumpu’t isang ruta ng bus samantalang may dalawampu’t apat na ruta na nabuksan para sa mga modern public utility vehicles. May sampu pa pong ruta ng modern public utility vehicles ang magsisimula bukas at ito po ay nasa ating screen ngayon.

Now, kung matatandaang ninyo po sa briefing na ito, una ninyong narinig ang kinseng ruta ng modern public utility vehicles na binuksan noong Lunes, June 22; siyam na ruta naman ang binuksan kahapon, June 24 ng LTFRB; pagkatapos nito ay ang mga UV Express. Kung kulang po talaga ang masasakyan, kinokonsidera na po ang pagbibiyahe ng mga traditional jeeps basta sila po ay roadworthy.

Sa banta ng mga tsuper na magsusunog ng PUJs at ang sinasabing tinatapatan raw ang modernization at phase out ng jeep sa gitna ng COVID-19 pandemic, wala pong katotohanan na tinatapatan natin ito. Hindi namin tinatanggal sa mga tsuper ang kalayaang magpahayag ngunit maaari tayong magpahayag nang hindi nananakot po.

Ang modernisasyon ay hindi tinaon sa panahon ng pandemya, wala nga pong nakakita sa kanilang ‘crystal ball’ na magkakaroon tayo ng ganitong pandemya ‘no. May tatlong taon na po talaga nang pinirmahan ang Omnibus Franchise Guidelines para sa modernization ng mga jeepneys. Kung maalala ko pa ho, eh 2016 pa po ito, unang taon noong ako ay kongresista pa. Eh iyong taon na iyon, gusto na nga ipatupad ang jeepney modernization pero binigyan na po ng apat na taong palugit.

May suportang binibigay ang pamahalaan sa mga tsuper at operator na interesado, kasama na po dito ang P160,000 subsidy kung gusto po nilang magpatakbo rin ng modern jeepney. Binigyan po ng tatlong taon na transition period na nag-extend hanggang Disyembre ngayong taon. Kapakanan ng commuter ang aming iniisip, hindi ito usapin ng mayaman o mahirap.

Pumunta naman po tayo sa domestic travel protocol na inilabas ng Joint Task Force COVID Shield, at maraming salamat po kay Gen. Eleazar for giving us this diagram.

Ang unang tanong po: Ikaw ba ay isang APOR or Authorized Person Outside of Residence? Kung oo, ang biyahe mo ay may kinalaman ba sa trabaho? Kung oo, bibiyahe ka, sasakay ng eroplano o barko? Kung oo, kumuha ng medical certificate mula sa government accredited medical facility at papayagan po kayong bumiyahe. Dalhin lamang ang inyong medical clearance certificate, company ID at certificate of employment.

Kung ang sagot ninyo naman po ay ‘hindi’ sa tanong na kung ikaw ay bibiyahe sakay ng eroplano o barko, papayagan po kayong bumiyahe by land. Dalhin lamang ang iyong company ID at certificate of employment.

Kung hindi naman po ang sagot sa tanong na ikaw ba ay isang APOR o ang iyong biyahe ba ay may kinalaman sa trabaho, ang susunod na tanong ay ikaw ba ay isang locally stranded individual or emergency traveller? Kung ang sagot ay hindi, stay at home ka at hindi ka pupuwedeng bumiyahe. Kung oo, ikaw ay isang locally stranded individual o emergency traveller, ikaw ba ay nasa GCQ, MGCQ na lugar? Kung ang sagot ay oo, kumuha ng travel authority mula sa LGU o munisipyo para ikaw ay payagang magbiyahe sa GCQ/MGCQ na lugar; dalhin ang travel authority, medical clearance certificate at valid ID.

Although sa mga locally stranded individuals po, parang magkakaroon muna po tayo ng moratorium hanggang kayo po ay nabigyan na ng PCR test para bago kayo umuwi sa inyong mga probinsiya.

Para po sa ating mga taga-Cebu, para sa akong mga kaigso-onan ug kahigalaan dinha sa siyudad sa Sugbu: Kaya nato ni. Sakripisyo lang usa ta sa pagkakaron, kinahanglan kita mag-social o physical distancing, kinahanglan kanunay nga magsuot og face mask og maghugas sa atong mga kamot. Dili usa kita mo gawas sa atong mga panimalay kung dili gyud kaayo kinahanglan. Malampasan ra nato ni atong kalisdanan, puhon kung magkahiusa og magtinabangay tang tanan. (Para sa ating mga kapatid at kaibigan diyan sa lungsod ng Cebu: Kaya natin ito. Sakripisyo muna tayo sa ngayon, kailangan nating mag-social o physical distancing, kailangan palaging magsuot ng face mask at maghugas ng ating mga kamay. Huwag na muna tayong lumabas ng ating mga tahanan kung hindi naman talaga kailangan. Malampasan din natin itong ating paghihirap pag nawa, kung magkaisa at magtulungan tayong lahat.)

Now, ang latest update po sa Cebu, nakausap po natin si Secretary Galvez, ang sabi po niya nagkaroon po ng pagpupulong ang ilang IATF members kasama po siya, kasama po si Secretary Cimatu sa dalawampu’t limang mga doktor para i-assess kung anong mga pangangailangan ng Cebu City; Ang PNRC daw po ay magdo-donate ng 14 tents para i-augment po ang emergency room capacities ng iba’t ibang mga ospital sa Cebu at ang DPWH po, nangako po si Secretary Villar na magdo-donate po ng air-conditioned vans para maging panadaliang tuluyan po ng ating mga frontliners.

Alam ninyo na po siguro, na-revoke na po iyong naunang 250,000 quarantine passes. Papalitan po ito para masigurado na hindi po masyadong maraming tao ang lalabas ng kanilang mga bahay except to buy essentials ‘no. At nag-augment na rin po tayo ng pulis presence sa Cebu para ipatupad ang ECQ at dumating na rin po ang mga kasundaluhan na tutulong po sa kapulisan to enforce iyong Enhanced Community Quarantine diyan po sa Cebu.

We will give you updates on Cebu from time to time. In fact we will give you updates whenever we have a press briefing.

Punta naman po tayo sa COVID-19 update. Ano po ang sitwasyon sa COVID-19 sa bansa? Pumalo na po sa 32,295 ang bilang ng may COVID-19 sa Pilipinas. Makikita po sa infographics natin ang breakdown ng active cases ‘no. Pataas po nang pataas ang bilang ng gumagaling, mayroon na po tayong 8,656 na recoveries. Ang total cases po natin ay 32,295 pero ang active cases natin ay 22,436 at kung makikita ninyo po, patuloy po talagang bumababa ang daily deaths by date of death. Ibig sabihin po, bagama’t tumataas ang kaso ng mga COVID cases, pababa naman po nang pababa ang mga namamatay dahil sa sakit na ito.

Mayroon pong tanong noong nakalipas na press briefing, tanong po ni Joseph Morong: Magkano na po ang naiutang natin sa iba’t ibang mga sources para po sa ating COVID responses? Ang kasagutan po ay, mayroon na po tayong naiutang na 5,758,000,000 dollars – iyan po ang sumatotal ng ating naiutang na para sa COVID responses. Ito po ay galing sa ADB, ito po ay galing sa World Bank, ito po ay galing sa—kung hindi po ako nagkakamali, mayroon din pong AIIB. So ang total na nautang na po natin, 5,758,000,000 US Dollars.

Mayroon po tayong dalawang—well, ang breakdown po nasa screen ninyo po ngayon ‘no, pero masyadong maliit sa akin para basahin. Hopeless, hindi ko po mabasa. Tingnan ninyo na lang po sa screen ninyo ha. Sa susunod, lalakihan po natin ang breakdown nang mabasa ko siya.

Tulad ng aking sinabi, may mahigit na isang milyon na testing supplies ang darating na po galing sa abroad. Ang magandang balita po, hindi lang mga OFWs at symptomatics ang inaasahan nating maiti-test. Inaasahan na rin po natin na pati mga asymptomatics ay mati-test na at mabuting balita po para sa mga kasama natin sa media, pati po kayo itatrato na ring mga frontliners at susubukan natin na lahat po ng miyembro ng media ay ma-test na rin via PCR.

Siyempre po, ang test na ito ay babayaran ng PhilHealth dahil ito po ay kabahagi ng Universal Health Care. Kasama po ito sa diagnostic services na babayaran ng PhilHealth sang-ayon po sa Universal Health Care Law.

Okay, dito po nagtatapos ang ating briefing [sic]. Mayroon po tayong dalawang panauhin: Unang-una po, si Kalihim Vince Dizon ng BCDA at ang ating T3 czar. Nasaan na ba ho ang ating testing capacity? Nasaan na ang ating actual testing? At totoo ba ang media ay makakakuha na ng libreng PCR test? Secretary Dizon, the floor is yours…

SEC. DIZON: Magandang hapon po sa ating mga kababayan; Maraming salamat Spokesperson Harry.

Magbibigay po tayo ng ating regular updates sa ating testing. At ang magandang balita po ay iyon pong ating goal na 50,000 testing capacity, iyong abilidad natin na mag-test na June 30 ay as of June 19 ay nalampasan na po natin. So nilampasan na po natin ang ating testing capacity goal na end of June na 50,000, as of June 19 po ay lampas na tayo ng 50,000.

At kung makikita ninyo po ang graph, lumaki na po ito simula ng mga 2,000 capacity lang natin noong Marso, ngayon po ay mahigit dalawang libong porsiyento ang itinaas at ngayon po ay lampas na tayo ng singkuwenta mil na testing capacity sa buong Pilipinas.

Ang ating mga laboratoryo po ay tumaas na rin nang napakalaki, simula ng iisang laboratoryo lang – ang RITM, noong Pebrero, ngayon po ay animnapu’t anim na ang ating laboratoryo as of June 24, 2020. At nakakalat po ang mga laboratoryong ito sa buong Pilipinas – Luzon, Visayas at Mindanao. Twenty-four po ang private labs, 41 ay government labs, at mayroon po tayong isang lab na private-public partnership – ito po iyong laboratoryo natin sa De La Salle University sa Dasmariñas, Cavite.

Ang total test po natin, ito na po iyong actual test, mapapansin ninyo po ay napakalaki na po ang tinaas. Sa kasalukuyan po ngayong as of June 22, mahigit 600,000 na ang na-test. At kung makikita ninyo, simula noong Marso hanggang ngayon ay napakalaki na po ng tinaas natin. At mula noong Mayo hanggang Hunyo, wala pa pong—within the month ‘no, May to June, dumoble na po ang ating actual test na na-conduct.

At importante po ito at kailangang maintindihan po ito ng ating publiko, na habang tayo po ay nagti-test nang mas madami, dadami po siyempre ang mahahanap nating mga positibo. Pero po, nakikita ninyo po dito sa graph na ito, habang dumadami ang ating actual test ‘no – iyon pong blue na graph, iyong asul – ngayon po ay nasa mahigit 600,000 na tayo pero iyong porsiyento po na nahahanap nating positibo ay pababa na po nang pababa.

Noon pong kinagisnan na napakakonti pa ng ating test ay halos 20 porsiyento po ng ating naiti-test ay nagpu-positibo. Ngayon po, dahilan na rin sa ating mga ginawang mga interbensiyon sa loob ng ilang buwan at dahil sa dumadami na po nating testing, kahit na po dumadami ang ating nahahanap na positibo, iyon pong porsiyento ng positibo ay halos nasa 5% na lang.

Para po maintindihan natin iyon, ang sabi po ng ating WHO, ang 5% positivity rate at lower ay senyales po na gumaganda na po ang pag-manage ng isang bansa sa COVID-19 cases – at malapit na po tayo doon. Konti na lang ay magiging below 5% na tayo. Kaya dapat po talaga, gaya nang sinabi ng ating DOH, dapat talaga ay pataasin natin nang pataasin pa ang ating ginagawang test – at ngayon, kaya na nating gawin iyan.

Kagaya nang sinabi ng ating Spokesperson, mayroon na pong dumating noong June 21 na 1.05 million test, ito na po iyong matagal na nating hinihintay na bulk order na in-order ng ating Department of Budget and Management. At finally, dumating na po iyan noong June 21, 1.05 million test initially ang dumating. At magpapakita po tayo ng ilang mga litrato, ito pong mga actual test na sinakay sa ating C-130 ng ating Philippine Air Force. Ito po ang ating mga frontliners na naglu-load ng mga test na iyan, at ito po ay dumating na sila sa Villamor Airbase dito sa Manila.

At dahilan po diyan ay talagang mara-ramp up na natin ang ating mga tests na kinu-conduct natin araw-araw. At dahil diyan po ay talagang puwede na nating i-test ang napakarami nating mga kababayan.

Ang isa pong magandang balita din ay nag-roll out tayo ng automated system para sa ating mga OFWs. Kung maaalala ninyo po, noon pong unang dumating ang ating mga OFWs noong nakaraang mga buwan, medyo nahirapan po tayo dahil sa dami ng mga dumating nating mga kababayan, at dahil po doon ay medyo matagal ang hinihintay ng ating mga OFWs.

Pero dahil po sa increased capacity, at ipapakita pa natin, increased lab capacity na nakikita natin ngayon, 66 labs na. Sa ating steady supply, dumating na po ang initial orders natin ng mga test kits. At dahil sa automation, bibilis na po nang bibilis ang turnaround time ng ating mga tests. Ibig pong sabihin nito, hindi lamang po ang ating mga OFWs kung hindi ang ating mga kababayan ay hindi na maghihintay nang matagal para makuha ang kanilang test.

Noon pong Marso, mahigit dalawang linggo ang hinihintay natin para lumabas ang ating test, noong Abril, dalawang linggo, noong Mayo, bumilis nang konti pero isang linggo pa rin. Pero ngayong Hunyo po, napakita na natin na within two to three days ay lumalabas na po ang ating mga resulta. At napakalaki pong ginhawa nito para sa ating mga kababayan, lalo na ang ating mga OFWs.

Kagaya nga nang nakita natin sa Clark at ngayon pati na rin sa Metro Manila, within three days lang po ay napapauwi na natin ang mga OFWs. At pupursigihin pa po nating mapaiksi pa ho ito sa mga susunod na linggo at susunod na buwan.

So ito po iyong mga dumating sa Clark na mga OFWs, within three days po ay makakauwi na sila. Makikita natin, pagkatapos nilang i-swab, maghihintay na lang sila ng tatlong araw at makikita na natin sila, nakakakuha na sila ng mga certificate at nakakauwi na po sila.

Finally po ‘no, kagaya po nang sinabi ng ating Spokesperson, mayroon tayong bagong sini-set na goal. Dahil nga po dumating na ang ating napakaraming supply, ang goal po natin para magamit natin ang mga tests na iyan at mapagbenepisyuhan ang ating mga kababayan ay by July dapat one million tests na tayo.

Ngayon po, tayo ay nasa 600,000 so ini-expect natin na within July, the month of July, ay aabot na tayo ng isang milyon – ito po ang ating initial goal. Pero sa mga susunod na buwan, pipilitin po natin na padamihin pa ito hanggang umabot tayo sa ating target na 10 to 12 percent sa ating mga highly/densely populated areas at sa buong bansa. Pipilitin po natin in the next few months ay aabot na tayo sa halos two percent ng ating buong populasyon, prioritizing siyempre ang ating mga densely populated areas tulad ng Metro Manila, ng CALABARZON, Central Luzon, Cebu at Davao.

So kapag nagawa po natin ito, at i-skip na po natin ito ‘no, pupunta na po tayo sa mga dapat nating i-test at kailangan na po nating idagdag ang ating non-medical frontliners, kasama na rin ang ating mga hotspot barangays, kasama na rin ang mga walang sintomas. Pero magpupursige po tayo at itutulak po natin sa ating mga kasama sa DOH, kasama na po si Secretary Galvez, si Secretary Harry Roque pati na rin po si Senator Gordon – ito ang kaniyang tinutulak na matagal na – dapat po dadagdagan pa natin ang iba’t-ibang mga kailangan nating i-test kasama na po ang ating mga kasamahan sa media at kasama na rin po iyong kasama natin na babalik na sa trabaho sa mga susunod na araw.

Marami pong salamat, iyon po ang ating update. At marami pong salamat sa suporta ng ating private sector partners, lalo na po ang Philippine Red Cross sa pamumuno ni Senator Dick Gordon. Maraming salamat po…

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Dizon. Mayroon pa po tayong pangalawang—ah, okay. Mamaya po siguro ay hahabol po ang ating Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs, si Robert Borje, para po pag-usapan naman ang 36th ASEAN Summit kung saan ang Vietnam ang host country. Dadalo po ang Presidente at ilang mga miyembro ng Gabinete bukas, pero it is by live—well, it is online ASEAN Summit po ‘no.

So habang hindi pa po handa si Chief Borje, siguro simulan na natin ang ating tanungan. Ah, nandiyan na pala si Chief Borje. Chief Borje, for your advancer on what will happen to the 36th ASEAN summit, please.

CHIEF BORJE: Maraming salamat po, Secretary Roque, sa pagkakataon na samahan kayo ngayon dito para sa briefing.

President Rodrigo Roa Duterte will join the 36th ASEAN Summit which will be held June 26, 2020 via video conference. In line with the [unclear] cohesive and responsive ASEAN, President Duterte and his ASEAN counterparts will review current and explore new actions for enhanced cooperation to strengthen the regional capacity to face the challenge posed by the COVID pandemic. Their discussion [unclear] on the agreements adopted during the special summit on COVID-19 held last April, thinking ways to facilitate the acts of the region’s transition to the new normal and post pandemic recovery.

With Vietnam as host, the leaders will also talk on progress [garbled] in community building initiatives under the three pillars of ASEAN: Political-Security Community, Economic Community, Socio-Cultural Community on the way forward. They will exchange views on international and regional security including maritime security.

In addition he will have an opportunity to interface with parliamentarians, youth representatives, business leaders from all over ASEAN. A special session on women empowerment, digital age will also be held to mark the 25th anniversary of the Beijing declaration and platform of action on the rights of women and gender equality. [garbled]on key areas of cooperation on food security and supply chain continuity [garbled] human resources development among others.

The President will be [unclear] by key members of his Cabinet that include the Secretary of Foreign Affairs, Secretary of Trade and Industry and the Secretary of Social Welfare and Development covering the [garbled] ASEAN community.

May I add, this is the first regular ASEAN summit to be convened via video conference in constraints posed by COVID-19. Salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you, Chief Borje. I open the floor now for questions – Joyce Balancio/ ABS-CBN. Kanina napanood ko ang tawag sa iyo, Prinsesa ng Malakanyang.

JOYCE BALANCIO/ABS-CBN: Just to clarify lang po, kasi I think si LTFRB Chair Martin Delgra said in a congressional hearing yesterday na next week daw po ay tuloy na ang pasada ng mga jeep at mga UV Express. Ito ay sure na po ba, Secretary or ito iyong binabanggit ninyo before na depende pa rin ito sa bilang ng mga bus at modern jeeps na pumapasada na po? And if yes, idagdag ko na rin, kailan po magsisimula iyong proseso ng pagtukoy sa road worthiness, kasi nabanggit ninyo before, isa iyan sa mga dapat i-consider sa pagpili ng units na papayagan po na makabiyahe?

SEC. ROQUE: Alam ninyo, nakita ko rin po si Chair Delgra sa kaniyang testimonya at wala pa po kaming bagong komunikasyon. So we stand by the latest information that we confirmed from the office na susundin pa rin natin iyong hierarchy of transportation, pero kung kulang ho talaga ay hahayaan po ang mga pampublikong mga jeepney.

At pangalawang beses na pong sinabi niyan ni LTFRB Chair na on and before June 30, baka payagan na ang ilang mga pampublikong sasakyan subject to their road worthiness. Iyong detalye po niyan, iiwan na lang po namin iyan sa LTFRB, tutulong po kaming i-disseminate kung available na po iyong information, kung paano at kailan magsisimula iyong certification of road worthiness ng mga posibleng magbalik biyahe na mga jeepneys.

JOYCE BALANCIO/ABS-CBN: Secretary, doon naman po sa ayuda para sa mga jeepney drivers. Nabanggit po ninyo before na tinitingnan na puwede silang mabigyan ng ikatlong wave ng financial aid, ano na po ang update natin doon, Secretary? Kasi kung panonoorin po ninyo iyong balita, marami na pong mga jeepney drivers ang namamalimos na po sa mga kalsada.

SEC. ROQUE: Well, wala pa po akong balita diyan. Bagama’t patuloy pa po ang second wave ng SAP, second tranche distribution ng SAP at kasama naman po sa second tranche ang maraming mga jeepney drivers diyan.

JOYCE BALANCIO/ABS-CBN: On another topic po. Ang DOH they have identified six emerging hotspots po at ito po ba ay mga bagong lugar na candidate for ECQ, kasi kasama din po doon ang Cebu City. Given na in-identify nila ito sa panahon na June 25 na po at ilang araw na lang ay magkakaroon tayo ulit ng panibagong quarantine classification, Secretary?

SEC. ROQUE: May pagpupulong po mamayang hapon ang IATF at tingin ko po, dito na ipiprisinta ng DOH ang kanilang rekomendasyon. Pero ang masasabi ko lang po hindi po nagbabago ang ating mga criteria ano: Iyong pagbilis pa rin ng pagkalat ng sakit, iyong case doubling time at iyong capacity to provide critical care.

JOYCE BALANCIO/ABS-CBN: Si Senator Joel Villanueva po ay nagsabi po siya sa isang interview na marami daw pong POGOs na hindi naman nagbayad ng tamang tax ang pinapayagan na po ang operasyon ngayon. Alam na ba natin ito and are we now looking into this, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, si Secretary Dominguez na rin po ang nagsabi, dadalawa pa lang ang nagbayad ng buwis, hindi po tayo papayag na mag-operate ang mga POGOs na may mga pagkakautang.

USEC. IGNACIO: From Jona ng Asahi Shimbun: I would like to know if the Philippines either President Rodrigo Duterte or Secretary Teddy Locsin will or have mentioned the SCS or South China Sea in any of their interventions in a different meetings in what manner or what exactly did they say about the issue if ever. Did the Philippines or any other country mentioned China’s declaration of two new administrative areas in the South China Sea or SCS?

SEC. ROQUE: Iyong discussions po ng ating ASEAN will be covered by executive privilege, hindi po talaga isinasa-publiko ang detalye ng mga negosasyon, because that is recognized as matters that’s be discussed in confidence among heads of state here in ASEAN. So, I’m sorry po, but sometimes discussions of this nature are better left confidential. Does Chief Borje want to add anything to my response?

CHIEF BORJE: Thank you very much, Mr. Secretary. As to the details of the discussions by the ASEAN Ministers, we understand that this was held yesterday and there were some interviews granted by other ministers of foreign affairs. And we respect their decisions. For our part, the President has always been very clear on the country’s position on the developments from the South China Sea and what the objectives are, including the finalization of the code of conduct, final and substantive code of conduct for the South China Sea.

MELO ACUÑA: I just have several points. Sinabi po ng International Monetary Fund na iyong global growth ay -4.9% this year, mas mababa doon sa 1.9 percentage points doon sa April 2020 World Economic Outlook forecast. Ano po ang impact nito sa Pilipinas sa pangangalap natin ng foreign investments sa mga susunod na araw?

SEC. ROQUE: Well, alam naman po natin na ang karanasan ay hindi lang po dito sa Pilipinas, talagang nadale po tayo ng COVID-19. Ang Pilipinas na napakasigla at 6.6 average growth since five years ago eh for the first time, magko-contract po ang ating ekonomiya and this is the first time it will happen since 1980. So, alam po natin na the economic troubles will continue pero inaasahan po natin dito sa Pilipinas ang masiglang pagbalik sa normal at inaasahan po natin na matapos itong taon na ito ay babalik po tayo sa 6% growth na naman.

Pero sa taong ito ay talagang iko-concede na natin, nag-contract po ang ekonomiya, ang isyu na lang is, gaano kalaking iyong contraction niya, dahil nagbubukas na naman po tayo ng ekonomiya dito sa mga GCQ at MGCQ areas.

MELO ACUÑA: Opo. Sa pagtatapos po ng Bayanihan Act, We Heal as One kahapon, ano po ang balak ng Executive, magpatawag ng special session para magkaroon ng panibagong batas?

SEC. ROQUE: Well, wala pong nagbabago diyan, magpapatawag po ang Presidente ng special session kung mayroon na pong nabuong consensus, kung magkano iyong magiging stimulus package. Dahil mapasama na po sa isang panukalang batas iyong extension ng emergency powers at saka iyong stimulus package, pero mangyayari na po iyan.

MELO ACUÑA: For you and for Usec. Dizon—

SEC. ROQUE: Sec. Dizon po.

MELO ACUÑA: What headwinds and what lessons have we learned from the implementation ng ating Heal as One Law?

SEC. ROQUE: Well, importante po iyong nabigyan po tayo ng leeway para bumili ng lahat ng ating pangangailangan, unrestricted by the Government Procurement Act at naging napakaimportante rin po iyong kapangyarihan ng Executive to realign funds within the same Executive Branch of government without the normal customary restrictions provided by the Constitution. Well, we comply with constitutional requirements because it is only realignment within the same department pero without the usual restrictions of COA rules.

Now, perhaps Sec. Dizon would like to answer the question too?

SEC. DIZON: Opo. Thank you, Sir Melo. Alam ninyo po, ang kritikal po sa response sa COVID ay iyong bilis ng ating aksiyon and I think iyong mga napakamabibigat na desisyon na ginawa ng Pangulo simula pa noong Pebrero hanggang sa pag-execute ng mga interventions na ginawa natin nitong nakaraang ilang buwan ay patunay na talagang naging epektibo tayo.

Kung ikukumpara lang natin ang Pilipinas sa mga similarly populated countries throughout the world, ang kaso po natin na ngayon ay 32,000, kung ikukumpara natin sa mga malalaking bansa tulad ng Amerika, tulad ng mga bansa sa Europa, tulad ng bansa sa Latin America, eh katiting lang po ito kung ikukumpara natin sa mga kaso at mga namatay sa mga bansang ito.

Kaya … iyon po, kaya nagpapasalamat po ang gobyerno na nagtulung-tulong po ang buong gobyerno, ang Kongreso, pati na rin ang private sector para talagang labanan itong COVID-19.

SEC. ROQUE: Yes. Thank you, Melo. Back to USec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Okay. Tanong po mula kay Jopel Pelenio of DWIZ, follow-up po niya ito doon sa mga traditional jeepney: Paano daw po mabibigyan ng kasiguruhan ang mga tsuper ng traditional jeepney na sila po ay makapamasada na at hindi kukuha ng karagdagang modernized or modernong jeep sakali pong magkaroon ng kakulangan sa public transportation?

SEC. ROQUE: Tapatan po, wala pong kasiguruhan. Ang sinasabi natin, kung kulang pa po ang masasakyan matapos ang bus, ang modern jeepneys at ang mga UVs, ay papayagan po natin ang ilang mga jeepneys na deemed to be road worthy.

So, wala po kaming kasiguraduhan na ibinibigay na ang lahat po ng jeep ay makakapasada. Sasabihin ko na po, hindi po lahat dahil magkakaroon po talaga ng determination kung alin ang road worthy.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin mula kay Jopel tungkol naman po sa National ID System: Mayroon na po bang maitutulong ang National ID System sa kampanya ng pamahalaan kontra terorismo?

SEC. ROQUE: Malaki po ang maitutulong niyan. In fact, kailangan natin ng ID system hindi lamang sa laban sa terorismo dahil malalaman na natin kung ang tunay na identity ng isang tao, maiiwasan na po iyong mga fake identity. Makakatulong din ang National ID System sa pagdi-distribute ng ayuda para wala ng double beneficiaries – iyong isang tao nakakakuha ng multiple. At importante rin po iyan sa Universal Healthcare para alam natin kung sino na ang mga nakakuha ng ayuda galing po sa Universal Healthcare Law.

USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz ng UNTV, ito po nasagot ninyo na unless na magkaroon lang po kayo ng panibagong dagdag doon sa tanong niya na banta daw po ng ilang transport group na sunugin na lang iyong kanilang traditional jeep at may balita daw po na totoo ba daw na bibiyahe na next week ang traditional jeeps?

SEC. ROQUE: Nasagot na po iyan.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! Good afternoon. I have questions for you and Sec. Vince but pero sa inyo po muna, sir. Sa Bayanihan Act, it’s going to expire—ay, it’s expired now,
but how is it going to affect for example iyong sa SAP distribution, iyong order for PhilHealth cover, iyong mga test ng COVID, iyong procurement, iyon pong mga ganoong powers na ibinigay kay Presidente? How is it going to affect those powers now that the Bayanihan Act has expired?

SEC. ROQUE: Sa ngayon po, wala namang epekto. Ang SAP distribution po eh nakalaan na po iyan for distribution. Hindi naman po sakop iyan ng Bayanihan Act, it’s a physical act of disbursing what has been allotted by Congress, so wala pong problema iyan.

Pagdating naman po sa test kits, nakita ninyo naman po nabili na po natin ang ten million at naka-deliver na po ang one million, so hindi po mangyayari iyan kung hindi nagkaroon ng Bayanihan Act.

Iyong mga ibang supplies ng PPE po, intact po tayo until almost end of this year so… iyong mga ventilators po natin, nakikita ninyo naman iyong ating critical care capacity parang nasa 18% pa lang ang utilization ng mga ventilators, so okay pa po tayo dahil hindi natin kinakailangan gumawa ng emergency purchases dahil nabili na po natin ang mga pangangailangan natin for the immediate and the near future.

Makakaapekto po iyan sa mga future needs natin dahil kita ninyo naman ang nangyari sa Cebu ano. Kaya nga po palaging sinasabi ko ang istorya ng Cebu ay istorya ng buong Pilipinas.

Kapag sumipa po ang numero ng COVID, napakadami po ang pangangailangan from ventilators, to PPEs to testing kits, to nurses, to medical personnel, so, iyon po ang dahilan kung bakit nagnanais tayo ng extension dahil hindi po natin alam kung anong mangyayari sa mga susunod na buwan.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, may mga criticisms na mga nababasa na parang more than a hundred days into this crisis parang … if you can outline to us, kung puwede ninyo pong i-outline sa publiko kung ano iyong general track or plan of action of the government in dealing with COVID, what is it?

SEC. ROQUE: Napakalinaw po – T3. We test, we isolate them, and we treat them, at wala naman pong ibang responses diyan. Kasama na rin po diyan iyong social distancing, iyong good hygiene, paggamit ng disinfectants, at saka pananatiling malusog. Ginagamit po natin ngayon ang Universal Healthcare Law; iyong pag-stay ng mga mild or asymptomatic sa mga We heal as One Center, iyan po ay probisyon ng Universal Healthcare na pupunta ka lang sa ospital kapag malala na ang iyong sakit.

And I think it has been effective because, as Sec. Dizon mentioned earlier, 32,000 cases is not too bad compared to the hundreds of thousands that other countries have recorded and 1,000 deaths although talagang nakakalungkot ay small in comparison to the death rates of other countries.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Can I get the short update if there is on Anti-Terror Bill po?

SEC. ROQUE: Wala pa pong update na panibago. Ang promise ko po before Monday kakausapin ko si Deputy Executive Secretary for Legal Affairs kung naisumite niya kay Presidente ang kaniyang memorandum.

JOSEPH MORONG/GMA 7: All right, sir. Can I go to Sec. Vince?

SEC. ROQUE: Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, good afternoon. Sir, you mentioned na even if we have increased iyong testing, mababa iyong nakikita natin na positivity rate. Does it mean, sir, in layman’s term, na mas kaunti na iyong mga taong may COVID, asymptomatic or otherwise ang nagpapagala-gala sa ating mga kalsada?

SEC. DIZON: Tama ano, Joseph, salamat doon. Bago ko sagutin iyan ng diretso, unang-una magdadagdag lang ako doon sa tanong mo kay Sec. Harry kanina.

Alam ninyo po, lingid sa kaalaman ng mga kababayan natin, ang University of the Philippines Pandemic Response Team ay gumawa ng isang modelo, naiprisinta na ito ni Sec. Roque noong mga ilang buwan na ang nakalipas.

Sinabi nila, kung tayo ay walang ginawa noong Marso, ang kaso natin ngayong Hunyo ay aabot ng mahigit tatlong milyon. Uulitin ko po, kung walang ginawa ang gobyerno at hindi nag-intervene tulad ng ginawa ng gobyerno noong Pebrero at noong Marso, ang kaso po ng Pilipinas ngayon ay mahigit tatlong milyon.

At kung ico-compute natin on the mortality rate eh halos dalawandaang libong Pilipino ang namatay kung ganoon kadami ang kaso natin. Kung ikukumpara natin sa cases natin ngayon, 32,000 at isang libong namatay pero gaya ng sinabi, one death is one too many, iyon ang epekto ng mga ginawang intervention ng pamahalaan sa tulong ng pribadong sektor para sugpuin itong COVID-19.

So, just to put it in perspective, ngayon dito sa mga nakikita ngayon habang nag-e-expand na tayo na tayo ng ating testing, bumababa ang ating positivity rate dahil unang-una, iyan na rin ang makikita nating epekto ng mga intervention natin tulad ng ECQ.

At dahil nga doon ay dahan-dahan nabubuksan na natin ang ating ekonomiya tulad ng mga economic centers natin tulad ng Metro Manila. Pero gaya ng nakikita natin sa Cebu, hindi talaga tayo puweng maging kampante kasi nandiyan pa rin si COVID-19.

At nakita natin na kung magkakampante tayo ay posibleng dumami ang kaso, posibleng dadami ang mga mamamatay at dahil doon kailangan—mapipilitan tayong bumalik sa mga mas istriktong lockdown katulad ng nakikita natin sa Cebu. Kaya dapat talaga tulong-tulong tayo at hindi tayo magiging kampante.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyon lang pong question kanina, iyong lower positivity rate. Does that mean, sir, na mas kaunti na iyong mga tao na nasa …nagpapagala-gala na may COVID, asymptomatic or otherwise? And then second question, sir, is that you mentioned kanina na i-expand iyong testing para doon sa … in the next few days para doon sa pagluluwag. Are we entertaining an MGCQ after after June 30?

SEC. DIZON: Ah iyong MGCQ, mahirap nating sabihin iyan ‘no. Mag-a-assess ang IATF base sa mga numero at sa mga rekomendasyon ng mga expert. Iyong sa positivity rate, tama ka doon at ang epekto nga niyan ay dahil nga sa mga interbensiyon na nagawa ng pamahalaan eh talagang napilitan tayong maging istrikto, mag-enforce ng minimum health standards, pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay, pagpi-physical distancing at dahil diyan, nakontrol natin. Kung titingnan mo ang mga numero sa ibang bansa na hindi nagkokontrol, eh talagang out of control ang kanilang cases at unfortunately, ang mga namamatay.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just one last question. Iyong amin pong GMA News research ‘no [unclear] Secretary Vince. Sa June data natin based on DOH, we have 21—we are averaging 221 cases ng confirmed cases every day at saka 79% of the total case are fresh cases. How do we explain this, sir?

SEC. DIZON: Well, kagaya nga ng sinabi ko kanina, habang tayo ay nagra-ramp up ng testing, talagang dadami iyong numero na nahahanap natin. Pero ang importante nating maintindihan ay iyong porsiyento noong mga positibo doon sa numero ng tini-test natin. At makikita natin ito ay napakalaki na ng ibinaba, mula halos beinte porsiyento eh ngayon nasa above 5% na lang tayo.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Thank you for your time.

SEC. ROQUE: Okay, the time is 12:44. Thank you, Joseph. Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: From Kris Jose ng Remate Online: Napilitan na po ang maraming na-stranded na OFWs sa Saudi Arabia na nagbenta na po ng kanilang mga dugo sa halagang 500 riyal o tinatayang nasa P6,600 pesos para makabili ng pagkain matapos mawalan sila ng mga hanapbuhay nang magsara ang mga pinapasukan nilang restaurants dahil sa COVID-19 pandemic. Ano daw po ang reaksiyon ng Palasyo sa usaping ito?

SEC. ROQUE: Pinaimbestigahan na po iyan sa ating LABATT o iyong Labor Attaché natin as we speak, at minamabuti po natin na makarating pati po iyong mga ayuda na binibigay natin sa mga OFWs natin na hindi makauwi dahil sa lockdown pero nawalan na po ng trabaho gaya sa mga lugar ng Saudi Arabia.

USEC. IGNACIO: From Jopel Pelenio of DWIZ: May 250 OFWs na po nawalan ng trabaho sa Hong Kong at nais na pong makauwi dito sa Pilipinas. Sabi po ni Consul General Tejada na umaasa siya na sana ay makauwi na po within this week ang mga OFWs na ito. Kakayanin po kayang mapauwi sila dito sa Pilipinas sa loob ng linggong ito?

SEC. ROQUE: Opo. Nag-charter na po tayo ng isang eroplano para pauwiin iyan. Humingi na lang po ng pahintulot sa IATF para makauwi po iyong chartered plane kasama itong 250,000 na na-layoff na mga kababayan natin sa Hong Kong. Next question, please.

USEC. IGNACIO: From Bella Cariaso of Bandera: Inirereklamo ng mga nawalan ng trabaho dito sa National Capital Region ang mabagal na pagbibigay ng Department of Labor and Employment ng certification na nawalan sila ng trabaho. Hindi ba ito dagdag pahirap sa mga empleyadong nawalan na ng trabaho?

SEC. ROQUE: Well, pinarating po namin iyan kay Secretary Bello, pabibilisin po ang proseso. Kung mayroon pa ring reklamo, iparating pa rin ninyo sa amin. Alam po namin na kinakailangan iyong certificate na iyan para sa pagkuha ng iba’t-ibang klaseng ayuda, so pinabibilis po iyan.

Thank you. Trish Terada of CNN Philippines please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Secretary. My first question is for you and then I’ll go to Secretary Vince Dizon po. Sir, there’s a growing concern about the power rates, common complaint is iyong outrageous high bill daw po, high charges. I’m bringing this up sir because I remember the President has been very consistent and he has repeatedly said na ayaw niyang naaagrabyado iyong mga Pilipino and this has been the sentiment now of many people and especially sir na nasa pandemya po tayo.

Ang tanong ko po is, nakarating na po kaya kay Pangulo itong mga concerns na ito although there was already an explanation na kagaya po—sinasabi po ng Meralco na dahil ito sa konsumong naipon sa mga hindi nabasahang buwan at mas mataas na konsumo during ECQ and because of the season na kapag mas mainit, mataas po iyong konsumo. Pero is this something sir that the government wants to investigate or kung puwedeng mag-intervene po iyong gobyerno po dito?

SEC. ROQUE: Nakarating na po iyan kay Presidente at siyempre naabala siya dahil sa panahon ng pandemya, hindi naman dapat bigyan ng additional pahirap na hindi naman kinakailangan ng ating mga kababayan. Ito po ang dahilan kung bakit mabilis naman po ang pagtugon niyan ng ating ERC, sila po iyong regulatory body at pina-show cause order nga po nila ang Meralco, bakit ganitong kamahal. I will follow up po kung anong latest diyan sa ERC na nag-issue na sila ng show cause order sa Meralco.

Ang pagkakaintindi ko naman po sa Meralco ‘no, iyong napakataas, inantay muna nila iyong actual reading ngayon para makita kung magkano iyong dapat bayaran talaga for the entire period na nasa ECQ tayo at MECQ at iyong sumatotal ay puwedeng bayaran ng ‘gives’. Pero ibang usapin pa po kung ano talaga ang magiging desisyon ng ERC doon sa pagsipa ng sinisingil sa kuryente sa ating mga mamamayan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, sir. Sir, may I please go to Secretary Vince Dizon po?

SEC. ROQUE: Yes, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Secretary Vince, you mentioned na posible pong madagdagan iyong mga—kumbaga iyong category ng mga maite-test po natin in the coming weeks. Sir just for everyone na hindi po nakakaalam sa process po ‘no, paano po nila maa-avail itong free testing ng government via PCR po?

SEC. DIZON: Unang-una po ‘no para maintindihan po ng ating mga kababayan, ngayon na marami na tayong kapasidad na mag-test at dumating na nga iyong mga test kits natin na bulto ‘no, iyong order nating malaki, maaari na tayong mag-expand ng ating testing mula doon sa mga may sintomas papunta doon sa mga walang sintomas. At kritikal ito lalo na para sa mga kababayan natin tulad ng mga nasa media lalo na ho iyong mga cameraman natin na umiikot at kino-cover ang ating mga activities ay ma-test na rin sila. At puwede silang pumunta sa mga laboratoryo, puwede rin silang pumunta sa mga private labs tulad ng Red Cross para magpa-test.

Pero kailangan talaga, nirirekomenda namin sa DOH na i-expand natin ang protocol para sa pag-test noong mga asymptomatics. Lalo na iyong mga non-medical frontliners, napakaimportante noon, kasi hindi lang proteksiyon iyon para sa kanila dahil napakadalas ng contact nila sa mga maraming mga kababayan natin, pero proteksiyon din iyon para sa community na ma-test natin sila at siguraduhing hindi sila mahahawa at hindi rin sila makakahawa.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: So, sir, iyong doon naman po sa contact tracing. I understand na nag-open po ng maraming slots for contact tracers. Doon po sa—siyempre marami rin po iyong nawalan ng trabaho at interesado po na mag-participate diyan sa pagiging contact tracer. Sir what are the qualifications that you are looking for? And sir sorry, follow up ko lang din po doon sa kanina. So bago po mag-take effect iyong, kumbaga iyong policy na puwedeng mas mag-test ng ibang category pa po, we need to wait for the DOH kumbaga revised protocols po, tama po ba?

SEC. DIZON: Tama po iyon, kailangan hintayin natin ang revised although nag-expand na po several weeks ago pero dahil nga sa pagdating na ng napakarami nating mga supplies at mga test kit, eh naiisip po namin na dapat na talagang i-expand pa natin ito.

Iyong sa contact tracers po ay DILG po ang nagha-handle niyan. I think naman napaka-basic lang naman ng mga requirements dahil nga kailangan natin ito at ikalawa, gusto din nating mag-promote ng job creation lalo na sa mga probinsiya.

SEC. ROQUE: Minimum 50,000 po iyong iha-hire natin this month of July na contact tracers. Na-finalize na rin po iyong ating pagsapi sa libreng apps ng Google at Apple at na-designate na po ang safety.ph para maging implementing arm nitong app ng Apple at saka ng Google. Sa susunod na linggo, i-illustrate po namin kung paano ipapatupad ito. Makikita ninyo po, hindi na kinakailangang magpirma ng mga forms sa mga jeepney dahil magko-connect na lang po kayo via internet at ire-record na kung saan kayo nanggaling, saang mga lugar ang pinag-stay-an ninyo. Maganda po iyong app, we will illustrate it next week.

USEC. IGNACIO: From Francis Wakefield of Daily Tribune: May we get statement sa sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac before the Senate Labor Committee that the displacement of Overseas Filipino Workers due to the new coronavirus pandemic may push the Overseas Workers Welfare Administration towards bankruptcy by 2021.

SEC. ROQUE: Sa panahon po ng pandemya, ang OWWA at ang PhilHealth hindi po natin papayagang malugi. So pagdating po sa OWWA, suportado na po ng mga senador na bibigyan sila ng supplemental budget na 5 billion at iyan po ay patunay na hindi natin pababayaan ang ating OFWs, ang ating mga mamamayan sa panahon ng pandemya. Next question, please.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Francis: May we get comment sa sinabi ni Vice President Leni Robredo that the Philippines failed to act urgently at the start of the coronavirus pandemic and was still catching up with the response of other countries despite imposing one of the longest lockdowns in the world. She said that after 100 days of lockdown, the country is still far from beating COVID-19.

SEC. ROQUE: Buong mundo po – we’re far from beating COVID-19. I hope the Philippines can break this worldwide trend. Pero kagaya po nang sinabi ng UP at ni Secretary Vince kanina, milyun-milyon po dapat ang nagkasakit na kung hindi po tayo nag-lockdown, at minimum 200,000 na po ang namatay sana kung hindi tayo nag-lockdown.

So tingin ko po, tama ang mga hakbang na ginawa natin, although we strive to do better at tingnan po natin kung mayroon pang mga bagong istratehiya.

USEC. IGNACIO: From Krissy Aguilar/Inquirer.net: Follow up lang po ito doon sa statement ni Vice President Robredo na sabi niya, sana daw po ay mayroong detalye on where we are in our targets and how much po iyong allocation sa testing and contact tracing, ano po daw ang masasabi dito ng Malacañang?

SEC. ROQUE: I invite the good Vice President to just ask what she needs to know, we will respond. That’s part of my duty as spokesperson. Thank you.

MELA LESMORAS/PTV: Hi! Good morning, Spox. For Secretary Vince Dizon po, please.

SEC. ROQUE: Yes, please.

SEC. DIZON: Yes, please.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. Sir Vince, tanong ko lang po sana, ano po ang update sa government intervention sa Cebu City, particularly sa ating test, trace at treat?

SEC. DIZON: Gaya po ng report ni Spokesperson Harry kanina, marami pong interventions na ginagawa ngayon sa Cebu: Number one, talagang ini-enforce very strictly iyong ating Enhanced Community Quarantine at ang minimum health standards sa Cebu City; Ni-revoke ang mga quarantine passes para masigurado na manatili muna sa kani-kanilang mga bahay ang ating mga kababayan sa Cebu; at nag-set tayo ng target for testing, ang sinet nating target sa Cebu, sa buong probinsiya ng Cebu, lalo na sa Cebu City ay 2,500 to 3,000 test per day. Kasi kailangan talaga mahanap natin ang mga positibo lalo na sa mga komunidad, at kailangan natin silang i-isolate.

At ngayon ay tumutulong na ang Department of Public Works and Highways, sa pamumuno ni Secretary Villar, para magtayo po ng mga quarantine facilities. At magbibigay din ng mga tents ang Philippine Red Cross, si Senator Richard Gordon ay magbibigay ng 14 tents sa ating mga ospital para suportahan ang ating mga ospital. At magbibigay din ng nurse volunteers para sa ating mga ospital.

So, ano po, lahat po ay sama-samang nagtutulungan para masalba natin ang sitwasyon sa Cebu at para slowly, makabawi sila at maibalik natin sila sa mas magaan na community quarantine.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. Sir, just a quick follow up – may target or timetable po ba tayo para ma-achieve iyong target results natin sa Cebu City?

SEC. DIZON: Alam ninyo, mahirap kasi, kailangan talaga tingnan natin ang mga numero, pero kagaya naman ng nakita natin noong mga nakaraang buwan, kapag nag-i-intervene ang pamahalaan ay naaayos naman ang sitwasyon. Pero ang pinakaimportante na panawagan din ng pamahalaan is iyong disiplina ng bawat kababayan natin ‘no, kailangan talagang mag-cooperate at sumunod para talaga sama-sama nating masugpo ito. Kung walang disiplina, kahit na sino pang gobyerno ay mahihirapan na sugpuin itong problemang ito.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. And my last question lang, Secretary Vince, for locally stranded individuals naman po. Sir, puwede po ba tayong magbahagi ng updates or may mga mensahe po ba tayo sa mga LSIs natin na patuloy pa ring dumadagsa sa ilang government facilities ngayon?

SEC. DIZON: Unang-una po, nag-organize na po ng task force ang NTF para alagaan ang ating mga LSIs – sila po ay bibigyan ng pagkain, bibigyan ng temporary shelter. Pero po sa kasalukuyan, kailangan munang ihinto ang pagbiyahe ng ating mga LSI dahil magkakaroon na po tayo ng bagong protocol ‘no dahil nga dumating na ang ating mga test kit, isa-subject na po natin sa mandatory PCR ang lahat ng mga locally stranded individuals bago po sila bumiyahe papunta sa mga probinsiya. Ito po ay para protektahan sila at ma-ensure na sila ay COVID-free, and at the same time, kailangan ding protektahan natin ang mga communities at mga probinsiya at LGU na patutunguhan nila. So kailangan pong gawin iyan sa mga susunod na araw.

USEC. IGNACIO: Question from Arianne Merez ng ABS-CBN: Usec. Veregeire yesterday said that more COIVID-19 cases are expected with the re-opening of the economy. Is flattening the curve still a goal of the government?

SEC. ROQUE: Yes. And ang ating nais mangyari is maski tumaas ang mga kaso ay sapat po ang ating kapasidad para bigyan po sila ng medical care. So kung hindi po maiiwasan ang pagtaas, we are ensuring our capacity, our critical care capacity.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Has the IATF discussed PCSO’s call to resume its operations? And what is the decision?

SEC. ROQUE: Hindi pa po. Wala pa pong desisyon at hindi pa po nadi-discuss. Alam ko po palagi ninyong tinatanong iyan, but if PCSO can furnish me with a copy of their communication para ma-remind ko po sa IATF na dapat ma-discuss iyan. Kasi lahat naman po ng mga nagku-communicate dini-discuss. Nag-submit na iyong mga sa horse racing, iyong mga ganiyan, diniskas po lahat iyan, pero wala po akong discussion na narinig sa PCSO. Padala ninyo lang po sa atin iyong inyong letter request para mai-schedule sa agenda.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir. Good afternoon. Sir, I’ll just expand on the question of Sir Melo kanina tungkol sa Bayanihan to Heal as One Act. So can we ask for the Palace’s assessment on the implementation of the Bayanihan to Heal as One Act as far as the following are concerned: Number one, in addressing the medical threat; number two, in keeping the virus from spreading; and number three, in giving assistance to the public?

SEC. ROQUE: Okay, sagutin ko po: Number one, hindi po tayo nagkulang sa kahit anong medical supplies na kinakailangan natin para harapin ang COVID-19 dahil nabili po natin lahat iyan. We were unhindered by stringent procurement rules.

Number two, as far as iyong epekto po, nakita ninyo naman po bagama’t tumataas, ikukumpara natin sa buong daigdig ay hindi naman po ganoon kagrabe. We’re third in ASEAN, but I think worldwide, we have done a very good job lalung-lalo na po sa pag-limit ng mortality.

And the third question is? Nakalimutan ko na, ano iyong third question?

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Iyong giving assistance to the public, sir.

SEC. ROQUE: And as far as giving assistance to the public is concerned, mayroon po tayong 12 million beneficiaries; nadagdagan pa ng five million. So we benefitted 17 million on ayuda alone. But we had other forms of assistance including salary subsidy scheme, iyong mga DOLE packages at iyong mga loans po for livelihood na pinamimigay po ngayon ng OWWA, ng DOLE, ng DTI at ng Department of Agriculture. I think we’ve done a fairly good job.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, on another topic: Marami kasing mga jeepney drivers iyong umasa doon sa sinabi ni Chair Delgra that they can operate next week. May plano ba tayong kausapin siya para ayusin iyong mga pronouncements natin pagdating sa mga jeepneys? Kasi I don’t think that this is fair to them na marami na sa kanila ay nagugutom ngayon?

SEC. ROQUE: Well, ang sinabi po ni Chair Delgra, iyong mga road-worthy jeepneys ay maibabalik siguro. So I don’t think mayroon naman siyang sweeping statement na lahat ng jeepney ay papayagan ‘no. So iyong kaniyang qualifier na only road-worthy, means hindi po talaga lahat ng jeepneys ay mapapayagan nang bumalik sa kanilang mga pasada.

But yes, we will talk to Chair Delgra dahil talagang kami rin po dito sa OPS, sa balita po nalalaman kung ano iyong mga latest pronouncements po ng LTFRB.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Last question na lang, sir. Update na lang po doon sa validation ng beneficiaries for the second tranche ng social amelioration program? This was supposed to be finished by May, bakit hanggang ngayon po ay natatagalan pa tayo dito sa processing na ito, sir?

SEC. ROQUE: Well, kasi po ito iyong five million additional names na bini-vet nila ‘no. Pero nakita ninyo po sa report natin kanina, nagsimula na po tayong magbigay doon sa mga waitlisted beneficiaries – ito na po iyong mga five million. Nagsimula na po ito sa Benguet, sa sa CAR, La Union at sa Pampanga. At inaasahan po natin na matatapos nga po ang distribution, ang aim nila is this week.

USEC. IGNACIO: Tanong mula kay Virgil ng GMA News online. Iyong unang tanong niya nasagot na po ninyo about sa OFW sa Saudi Arabia na napilitang magbenta ng dugo para mabuhay. Ang second question niya: Is there anything that could give the President a change of heart about the Anti-Terror Bill or make it more acceptable, given the division it has caused among the people?

SEC. ROQUE: Wala pa pong decision. So, I do not know why there should be a change of heart. Wala pa pong decision, let’s wait for his decision.

USEC. IGNACIO: Ang huling tanong ni Virgil: How can the government help students who have no budget for internet service and no access to mobile devices so that they can participate in distance learning?

SEC. ROQUE: Well, isang bagay na po na sinabi ni Presidente at ni Secretary Briones iyong pagbibigay ng transistor radios para doon sa mga lugar na hindi po mararating ng computer. Pagdating naman po sa actual gadgets, eh, I’m sure po na mayroong programa na sisimulan ng ating gobyerno at sigurado rin po ako na ang ating pribadong sector ay gagawa rin ng mga hakbang para makapagbigay din po ng mga gadgets sa ating mga kababayan.

Pero uulitin ko po, kung hindi available and internet, radio at TV, kung hindi pa rin available ang kahit na ano doon sa lugar na iyan, modular po ang gagawin natin, sisiguraduhin po natin na patuloy ang pag-aaral ng lahat ng ating kabataan sa panahon ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Question naman po ni Faith Brown ng NHK Japan Television. Iyong question niya: With the recent rising tensions in the South China Sea despite the pandemic, will the President address the West Philippine Sea issue at the ASEAN meeting tomorrow?

SEC. ROQUE: Chief Borje would you like to answer that question, please – wala si Chief Borje? Well, kagaya ng aking sinabi po kanina…

CHIEF BORJE: Sorry, sir.

SEC. ROQUE: Yes. Would you like to answer that question? Will they discuss the intensified conflict diumano sa South China Sea?

CHIEF BORJE: Thank you very much, Mr. Secretary. That would fall under International and Regional Developments and that’s a general discussion point in ASEAN. And again, kagaya ng sinabi natin kanina, the President has always been very consistent in his participation sa ASEAN summits. Lahat ng mga important positions of national interest to the Philippines ay kanyang ina-advance, kasama na dito ang nangyayari sa South China Sea and migrant workers affairs.

USEC. IGNACIO: From Catherine Valente, iyong unang tanong niya Secretary nasagot na po ninyo, about the statement of Vice President Leni Robredo. Iyong second question niya: Also VP Robredo rin po says detention of up to 24 days without a warrant under the Anti-Terror Bill is a violation of the Constitution. The Constitutions specifically states that for a warrantless arrest hanggang three days lang. She also says there are objectionable provisions in the proposed measure, because they are bound to be abused, ano daw po ang reaction ng Palace, dito?

SEC. ROQUE: Well, kaniya-kaniyang pananaw po ngayon iyan. Ang importante ay mayroon bang probisyon na lumalabag sa ating Saligang Batas dito sa panukalang batas na ito? At ang pangako naman ng Presidente, hindi siya magre-rely sa mga rekomendasyon, dahil abogado rin siya, naging fiscal pa siya, alam po niya ang criminal law niya at siya mismo ang magsisiguro na wala pong probisyon sa panukalang batas na ito na lalabag sa ating Saligang Batas.

Pagdating po doon sa mga period of detention, if I am not mistaken iyong 36 hours po ay nasa Revised Penal Code at uulitin ko lang po ang pre-trial detention ay hiwalay po iyan doon sa warrant of arrest. Ang pre-trail detention is for the purpose of preventing escape at saka preventing tampering with evidence. Ang warrant of arrest po is for the purpose of acquiring jurisdiction over the person of the accused.

USEC. IGNACIO: Opo. May tatlo pong tanong dito para kay Secretary Vince Dizon mula kay Sam Medenilla: Ilan na po ang actual daily test na nagawa ng Department of Health accredited labs at ano po ang goal ng government na daily test?

SEC. DIZON: Noon pong nakaraang buwan, nasa walong libo lang tayo. Ngayon ay dumoble na, nag-hit tayo ng 16,000 per day, pero kulang pa rin ito. Kailangan at the very least, aabot tayo ng 20 hanggang 25 mil – 20 to 25, 000 tests a day – iyon po ang ating goal. Dahil nga dumating na itong mga steady supply natin, eh tingin ko sa mga susunod na linggo ay maaabot na natin ito.

USEC. IGNACIO: Mula po kay Celerina Monte ng Manila Shimbun, para pa rin po kay Secretary Vince Dizon: With the target to increase test, who will shoulder daw po the test?

SEC. DIZON: Ito po ang pino-propose natin na kailangan po dahil nga sa Universal Healthcare at dahil sa pangangalaga ng ating gobyerno at ng ating Pangulo sa ating mga kababayan, eh dapat po ay lahat iyan ay iso-shoulder ng PhilHealth.

USEC. IGNACIO: Ang last question po, mula pa rin kay Celerina: You compared the Philippines with US, European countries in so far sa COVID cases are concerned. But how are you going to compare the Philippines with its neighboring countries?

SEC. DIZON: Alam po ninyo, dito po sa Asya ‘no, I think the Philippines has probably one of the lowest cases, as well as one of the lowest deaths ‘no. Pero kagaya ng sinabi ni Spokesperson, dito sa laban sa COVID eh walang magaling dito. Lahat hirap, lalo na kitang-kita natin pati iyong mga mayayaman na bansa na di hamak na mas magaganda ang mga pasilidad sa healthcare kaysa sa atin, ay mas hirap pa dito.

So, kailangan dito tulung-tulong, kailangan dito mabilis na desisyon, mga matatapang na desisyon na ginawa natin din noong nag-uumpisa pa lang ito at kagaya nga ng sinabi ng UP Pandemic Response Team, kung hindi natin ginawa iyong mga ginawa natin ay nasa tatlong milyong kaso tayo ngayon. Siguro mahigit na 200,000 tao ang mamamatay.

So, may mga bansa na mas magaling, definitely, pero lahat ng bansa dito pati iyong mga magagaling, nakikita natin na hindi pa rin—nahihirapan pa rin. So, dapat lang talaga tuluy-tuloy lang ang ating efforts at pabilisin pa natin at pagandahin pa natin ang ating response.

SEC. ROQUE: We are out of time, pero bago po tayo magtapos. I would like to give Chief Borje an opportunity to make a closing statement. Chief, kasi medyo choppy ka noong ikaw ay nagsalita kanina, so, I would like to give you the floor for your closing statement by way of advancer for the ASEAN Summit tomorrow.

Well, Chief Borje, kanina choppy ka, ngayon wala ka talagang full audio, sorry.

CHIEF BORJE: Thank you very much, Mr. Secretary. This again is the first ASEAN Summit which will be held virtually and the President is going to be involved in all of the activities for tomorrow. May challenges of course, because it’s going to be held electronically, like what we have right now. So, we are working very closely para maayos po ang participation ng ating Pangulo.

Ngunit importante din po na malaman ng mga tao na si Pangulo ay foremost sa kaniyang isip ay i-advance ang mga national interest ng Pilipinas sa ASEAN, kasama na po dito ang mangyayaring cooperation between ASEAN countries and then ASEAN dialogue partners para manumbalik sa new normal at mag-improve ang ating economy regionally.

Kasama rin po siyempre dito ang ninanais ng Pangulo na protektahan ang migrant workers’ rights at ang kanilang kinahihinatnan ngayon at i-address ito, hindi lang ng pamahalaan ng Pilipinas, kung hindi ng ibang pamahalaan din sa ASEAN.

At kasama din po dito siyempre ang usapin ng peace order and security, hindi lamang sa Pilipinas at ASEAN kung hindi sa ibang parte din ng mundo. So the President will remain actively engaged with his counterparts to advance the Philippines National interest in ASEAN and beyond. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you, Chief Borje. Thank you, Secretary Dizon and thank you to the men and women of the Malacañang Press Corps, as well as to Usec. Rocky.

So sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabi – Philippines, keep safe.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)