Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #86
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Patuloy pa rin ang pagbibigay namin ng mahalagang impormasyon sa gitna ng pandemya na kinakaharap, hindi lamang ng ating bansa, kundi ng buong mundo.

USEC. IGNACIO: Sa loob po ng ilang buwan dahil sa isang krisis pangkalusugan, unti-unti na nga pong nagbabago ang ating mga nakasanayan.

SEC. ANDANAR: Ngayong umaga kasama ang mga kawani ng pamahalaan, ating sasagutin ang maraming katanungan, bibigyang-pansin ang mga dapat mapag-usapan sa gitna ng umiiral na community quarantine. Good morning, Rocky

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Kaya naman po kasabay ng pagtutok sa inyong mga tahanan, makiisa at makialam sa mga ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan upang malampasan natin ang hamon dulot ng pandemya. Mula po sa PCOO, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako naman po si Secretary Martin Andanar, ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang makakasama natin sa programa sina Department of Interior and Local Government Secretary Ed Año, Palawan Governor Jose Alvarez, at Asec. Alex Avila ng Department of Labor and Employment.

USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents at ang Philippine Broadcasting Service. Para naman po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Samantala, umapela si Senator Bong Go sa Department of Social Welfare and Development at iba pang ahensiya na pabilisin ang pagpapaabot ng mga benepisyo para po sa centenarians as provided by the law at unahin ang kapakanan ng mga matatanda, lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa banta ng COVID-19. Aniya, malaki ang maitutulong ng benepisyong ibibigay ng pamahalaan para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Ayon sa Centenarians Act of 2016 o RA 10868, ang lahat ng mga Pilipinong aabot sa edad na isangdaang taon ay makakatanggap ng letter of felicitation mula sa Presidente ng Pilipinas upang batiin ang centenarian at mag-abot ng cash gift na nagkakahalaga ng isangdaang libong piso.

Base sa report ng DSWD, 28.9 million worth of centenarian cash gifts ang naipaabot na sa 289 na mga Pilipinong nakaabot sa isangdaang taon at higit pa. Sa kabilang banda, siniguro naman ng kagawaran na magkakaroon sila ng house-to-house delivery ng incentives ngayong may pandemya.

SEC. ANDANAR: Para naman mas lalo pang mabigyan ng sapat na atensiyon at pangangailangan ang ating mga Overseas Filipino Workers sa gitna ng pandemya, isinusulong ni Senador Bong Go ang pagpasa ng Department of Overseas Filipino Workers Bill. Kamakailan, pinag-usapan sa ginanap na Senate Committee Hearing ang iba’t-ibang concerns—o bills kaugnay sa mga OFWs na may malaking kontribyusyon sa lipunan at ekonomiya ng bansa na marapat lamang na masuklian sa pamamagitan nang mas mabilis at maayos na pagtugon sa kanilang mga hinaing at pangangailangan.

Ngayong nahaharap sa pandemya ang maraming bansa, maraming stranded OFWs ang apektado, nawalan ng hanapbuhay at nahaharap sa depresyon dahil sa COVID-19. Aniya bukod sa OFW Bank, mayroon na ring kauna-unahang ospital na nakalaan para sa mga OFWs at pamilya nito. Kabilang sa mga natalakay sa nasabing hearing ang bills gaya ng Senate Bill 317 o Overseas Filipino Workers Credit Assistance Act, Senate Bill 566 o ang Business Incentives for OFW Act at iba pa.

USEC. IGNACIO: Sa pagpapatuloy po ng iba’t-ibang programa ng pamahalaan laban sa COVID-19, alamin natin ang mga mahahalagang update sa pagpapatupad po ng guidelines sa mga LGUs – kaugnay po diyan, makakausap natin si DILG Secretary Eduardo Año – magandang araw po, Secretary.

SEC. AÑO: Magandang umaga naman Usec. Rocky at magandang umaga rin kay Secretary Martin at sa ating mga nanonood.

USEC. IGNACIO: Secretary unahin ko na po iyong tanong ng ating mga kasamahan. From Joseph Morong ng GMA News: Mag-expire na po ang Bayanihan to Heal as One Act, may epekto daw po ito sa operasyon ng IATF at ng NTF?

SEC. AÑO: Ah hindi, tuluy-tuloy naman ang IATF ‘no, ito naman ay covered ng isang executive order at tayo pa rin ay nasa tinatawag nating public health emergency at tayo pa rin ang kinakasangkapan ng ating Pangulo upang ipatupad ang kaniyang mga direktiba ukol sa ating pagharap dito sa COVID crisis.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Joseph Morong: With the trend in COVID data in Metro Manila, do you think magre-revert ba daw po sa MECQ from GCQ or tuloy na tayo sa MGCQ?

SEC. AÑO: It is still early to say or to conclude Usec. Rocky, kasi kailangan pa natin munang aralin iyong lahat ng mga data at mayroon pang ilang nalalabing araw bago pa mag-July 1 or June 30. So, titingnan muna natin at papakinggan natin iyong report ng TWG on analytics and data analytics para makapag-decide tayo at makapag report tayong mabuti sa ating Pangulo.

USEC. IGNACIO: Opo. Nagpadala rin po ng katanungan ang ating kasamahan sa media na si Leila Salaverria ng Philippine Daily Inquirer. Ito po ang kaniyang tanong, Secretary: Kailangan bang isama pa ang military sa pag-enforce ng quarantine sa Cebu City and Cebu Province; hindi ba daw pa sapat ang police efforts; at ano daw po exactly ang gagawin o puwedeng gawin ng military?

SEC. AÑO: Well unang-una, kulang ang manpower ng ating kapulisan sa Cebu City para ipatupad iyong ECQ kaya kailangan natin ng additional manpower at ready/available naman ang ating Armed Forces ‘no saka Central Command. At nagdagdag pa rin tayo, manggagaling sa Bicol, galing sa Region VI at galing sa Manila kasi gustong nating—katulad ng ginawa natin sa Metro Manila, talagang extreme lockdown para naman mapanatili ang mga tao sa kanilang bahay kung hindi naman talaga importante iyong kanilang mga gagawin.

At hindi lang naman iyong pagpapatupad ng restrictions, marami pa rin tayong gagawin dito sa Cebu City ‘no. Galing kami doon ni Secretary Carlito Galvez, Secretary Duque, Secretary Lorenzana at hanggang ngayon ay nandoon pa rin, si Secretary Cimatu ‘no. Unang-una, iyong stricter ECQ implementation para ang lalabas lang talaga ay ang mga tao na mayroong essential errands at bibili ng pagkain, gamot, emergency. At kailangan din ang additional healthworkers para dagdagan iyong mga doctors, nurses sa private hospitals, sa government hospitals kasi marami na rin doon ang tinamaan ng virus at kailangang i-quarantine, at pati rin iyong mga tinatawag nating mga na-exposed.

Kailangan din nating magdagdag ng mga isolation facilities at dito ay gagawa ang ating DPWH ng mga tinatawag nating step down facilities para ma-declog natin iyong mga hospitals ng mga mild symptoms, doon na sila, at makapagbigay din tayo ng accommodations sa mga healthworkers natin para hindi na muna sila uuwi ng bahay at hindi mahawa iyong kanilang mga kasamang pamilya. So dapat iyong malapit na lugar ay doon na lang natin itutuloy iyong ating mga healthworkers at para mapangalagaan din natin sila.

At kailangan mailabas natin iyong mga positive sa home quarantine, dapat mailagay natin ito sa ating mga isolation facilities kasi naba-violate ang quarantine protocols at doon din nagsisimula ang transmission sa community. At kailangan talaga na ma-decongest natin iyong hospital para nandoon na lang talaga iyong mga severe at tinatawag nating mga critical ‘no.

At kailangan ma-advocate natin sa mga kababayan natin sa Cebu na huwag nating hintaying lumala pa ang symptoms. Kung kinakailangang madala na kaagad at i-test sa ospital ano. Marami tayong cases sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ay namamatay na sa ER pa lang, within 48 hours ng pagkadala ay namamatay na dahil talagang sobra na iyong symptoms, parang nagtatago o ikinahihiya ng ating kababayan iyong pagkakaroon ng COVID at ayaw nilang pumunta ng ospital kaagad.

Kaya sana ay magkusa tayo, at iyong pag-impose ng strict health standards, iyong pagsuot ng face mask, physical distancing at saka iyong mga personal hygiene. So lahat iyan at ipatutupad sa Cebu City.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nagpadala rin po ng tanong si Arianne Merez ng ABS-CBN, ito po ang tanong niya: Expired na po ang IATF passes, what happens to these? Is there a need to renew?

SEC. AÑO: Iyan naman ay io-honor pa rin natin ‘no. Kung ire-renew pa natin iyan, maraming trabaho pa rin, hindi naman nabago iyong pagkatao noong may hawak ng ID. Mayroon din naman silang kasamang company ID, io-honor pa rin natin.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po si Pia Rañada ng Rappler, ito po ang tanong niya: What pushed President Rodrigo Duterte to certify the Anti-Terrorism Bill as urgent on June 1st in the middle of the pandemic? Did any official request that he do this? Has the President expressed any concerns to you or other security officials about the Anti-Terrorism Bill?

SEC. AÑO: Kasi ang terrorism, with or without pandemic, tuluy-tuloy ang activities nila diyan. Makikita naman natin, may mga nagaganap pa ring engkuwentro sa Jolo, kahit sa ibang panig ng Pilipinas. At tumingin ka naman sa ibang bansa, since nag-start itong pandemic, we recorded about ten incidents nagkaroon ng terrorism. So hindi naman iyan kinakailangang matapos iyong pandemic bago po natin harapin iyong problema ng terrorism.

At iyan ay three years in the making iyong bill na iyan; hindi iyan kahapon lang o noong isang buwan lang. Three years in the making at maraming mga public hearing ang naganap diyan, kasama rin iyong mga tumutuligsa, inimbitahan din sila. So there’s nothing that’s what we call a very … what we call a necessity ‘no para maipasa iyang ating Anti-Terrorism Bill.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mula naman kay Celerina Monte ng Manila Shimbun, ito po ang tanong niya: If ever, how many or estimated number of additional government troops will be or have been deployed in Cebu City to assist the local police? Do we expect more arrest in Cebu City if magpasaway ang mga tao doon?

SEC. AÑO: Yes, oo. Tuluy-tuloy ang ating gagawing pag-apprehend ng mga susuway doon. In fact, if I’m not mistaken, mula noong June 15 ay almost 2,000 na iyong na-apprehend natin na mga violators dito. At sa ngayon ay mayroon doong tinatawag natin na 55 quarantine checkpoints na pinapatupad, at for the last 24 hours ay nakapagdagdag pa tayo. May darating pang additional na 150 personnel from the headquarters ng Philippine National Police, ito ay mga SAF na mag-o-augment dito.

Kailangan kasi maipakita natin na seryoso tayo sa pagpapatupad ng ECQ. Nakaka-alarm ang numero ngayon sa Cebu City ‘no. In fact, sa Cebu City alone, mayroon tayong 5,088 positive cases – sinobrahan pa niya iyong ating Manila at saka iyong Quezon City. Ang Manila ay mayroon lang 2,008 at ang Quezon City ay 2,993. Ang Cebu City ay nasa 5,088, so hindi iyan normal sa trending na tinatawag natin.

Hindi iyong ngayon nakikita natin, ito iyong sitwasyon kayang-kaya, but they don’t foresee in two weeks’ time kung anong pupuwedeng mangyari. Kaya nga nagpapaimbentaryo na tayo doon, ilang crematorium services ba talaga ang mayroon doon sa tatlong malalaking siyudad ng Cebu. At titingnan natin kung lalala ang sitwasyon ay dapat ready tayo ‘no.

Kaya nga ngayon pa lang ay ini-implement na natin mahigpit iyong ECQ at dadagdagan natin iyong mga health workers natin para hindi na tayo aabot sa mga ganoong pangyayari na katulad ng naranasan natin sa Manila, particularly sa Quezon City na kung saan umaabot ng ilang araw bago natin ma-cremate iyong mga cadavers at nag-rent pa tayo ng refrigerated vans para lang iyong mga nakapila ay ma-accommodate. So huwag na tayong aabot sa ganoon.

And, alam mo nakapanayam din namin iyong mga doctors, private and government doctors, yesterday morning. And I salute all of our health workers, bilib ako sa kanila. Despite of the hardships, they’re still willing to do their part to fight this war against COVID. I really salute you. I know the hardship and the predicament, at nag-iiyakan na iyong iba, but they’re holding on. So suportahan natin iyong mga health workers natin sa Cebu.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Patrick de Jesus ng PTV: Kumusta po daw ang naging pagbisita ninyo sa Leyte kahapon? At anu-ano ang mga napag-usapan about controlling COVID-19 after mai-report po na may sudden spike ng cases doon at under strict monitoring din ngayon?

SEC. AÑO: Yes, Usec. Rocky, nagkaroon talaga ng spike dito sa Region VIII – a total of 431 cases at ang active ay 392. Ang mga doctors, nurses natin ay umabot na ng 80 ‘no, iyong mga infected. At ito ay nakikita natin na nagmula sa mga OFWs at LSI. In fact, sa LSI natin, 218 ang positive ‘no.

Kaya ang request ng ating mga local government officials ‘no, nagkaroon kami ng pulong doon, iyong mga governors at saka mga mayors ‘no at pati rin iyong mga ibang stakeholders doon sa Palo, Leyte, sa pangunguna ni—ang nag-host, si Governor Petilla. Ang request lang nila ay magkaroon muna ng suspension ng transport, ang pagdadala ng LSI dito sa Region VIII habang ide-declog nila iyong kanilang isolation facilities. Sa ngayon ay puno ang kanilang isolation facilities. So kung darating na naman iyong maraming LSI, ang problema nila ay papaano nila mai-quarantine iyong mga LSI na ito. Ayaw naman nila na home quarantine ang gagawin dito kasi hindi sila sigurado baka lalabag sa protocols.

So I am going to accede and accept their proposal. So ang gagawin natin ‘no, for 14 days, lahat ng pupunta sa Region VIII ay iipunin na lang muna natin pagkatapos ihahatid na lang natin ng barko after matapos iyong 14 days; at ready naman ‘no ang kanilang isolation facilities. Ang gagawin nila doon, pag-alis ng mga natulog doon ay idi-disinfect muna nila and then we will organize this transport of LSIs going to Region VIII.

SEC. ANDANAR: Sec. Ed, good morning po. Dahil sa pagdami ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Cebu City nitong June 23, pansamantalang sinuspinde muna ang nasa 250,000 na enhanced community quarantine passes. Paano naman daw po iyong mga kailangan talagang lumabas lalo na kapag may emergency? Ano po ba ang plano ng DILG dito, sir?

SEC. AÑO: Unang-una, Secretary Martin, kahit naman sinuspinde na natin iyong mga 250,000 quarantine passes, nandiyan naman iyong tinatawag nating mga authorized persons outside of residence: Nangunguna rito iyong ating mga frontliners; iyong ating mga involve sa food and medicine businesses; iyong mga emergency cases ‘no; iyong mga magda-dialysis tuluy-tuloy pa rin iyan; iyong mga utility services like water, light, telecom companies; at higit sa lahat, kinansel iyon sapagka’t si Mayor Labella ay mag-iisyu naman ng panibago o iyong tinatawag nating one quarantine pass for every household or every family.

Kasi napag-alaman natin ‘no, 99,000 iyong households doon. At kung mayroong 250,000 passes parang wala rin iyong quarantine, parang lahat din ay puwedeng lumabas. So ang gagawin lang natin, iyong one member of the family, iyon lang ang puwedeng bumili ng pagkain at sisiguraduhin na ito ay hindi minor or senior.

So okay pa rin iyan, mayroon pa rin tayong provisions para makabili, maka-run ng importanteng errands iyong mnga member ng family.

SEC. ANDANAR: Sec. Ed, base po sa inyong reports sa huling speech ni Presidente Duterte, nasa 1,363 violations sa IATF guidelines ang naitala sa report. Ano po ba iyong mga parusa na maaari nilang kaharapin?

SEC. AÑO: Ito, ina-apply natin iyong Bayanihan Act ano. Puwede silang makulong hanggang anim na buwan at puwede rin silang magmulta ng hanggang dalawang milyon ‘no. At siyempre mayroon pang ibang kaakibat na mga violation na ia-apply diyan kung may mai-apply mo lang sa Revised Penal Code.

At dito, pina-igting kasi natin ‘no, dalawang cases iyan – administrative at saka criminal cases. Ang criminal cases ay hina-handle ng CIDG, at sa total na 264 cases na hinandle, out of 728 suspects, we have filed 157 cases to the fiscal’s office at ang iba ay ongoing pa.

Sa admin cases naman, 153 barangay captains at five SBs iyong ating iniimbestigahan. Dalawampung barangay captains naman sa Metro Manila, naisampa na natin sa Ombudsman.

Ito lang, para gusto nating ipakita na sa pag-uutos ng ating Pangulong Duterte, ayaw niya na mayroong nananamantala at nag-aabuso habang may pandemic tayong hinaharap.

SEC. ANDANAR: Habang tuloy po ang distribusyon ng second tranche ng social amelioration program ng DSWD, paano natin sinisiguro na wala nang mananamantalang barangay officials dito, sir? Nabanggit ninyo na po na talagang sinisiguro ninyo na walang mga barangay officials na mag-aabuso ng kanilang kapangyarihan dati po?

SEC. AÑO: Sa tulong naman ng ating mga local chief executives ay sinu-supervise natin at tinutulungan iyong ating DSWD. At ang maganda rito ngayon kasi, iyong ‘Relief Agad’, application iyong ginamit, dahil mayroon silang SAC form data na nasa DSWD. Karamihan diyan ay iyong tinatawag nating automated payment na, digital wallet, account transfer, bank to bank transfer at iyong mga 4Ps naman antimano may records na. So, kaunti na lang actually iyong pagiging direct pa sa distribution and hopefully na within the week ay matapos ng DSWD ang pagro-rollout ng second tranche.

SEC. ANDANAR: Sir, panghuling tanong na lang po. Nagpa-plano si Presidente na umikot sa mga kampo sa buong Pilipinas sa mga susunod na araw. Ang tanong ko po, sir papaano po iyong usual na nagkakaroon tayo ng mga liga ng mga barangay, liga ng mga mayor, liga ng gobernador. Ito po ba ay mangyayari pa rin sa taon na ito sa pamamagitan ng virtual na pagpupulong?

SEC. AÑO: Tama ka, Sec. Martin, iyan na ang ating talagang bagong kalakaran o normal sa mga pagpupulong, puro mga virtual na tayo. Iyong sa different applications at mas epektibo pa nga kasi mas lalong marami ang nakaka-attend at lesser pa nga iyong mga absences. Hanggang hindi pa siguro nagkakaroon ng bakuna at talagang ready na tayong pumunta sa tinatawag nating bagong normal o iyong original na normal, kailangan muna talaga ng mga innovations. Pero ang Pangulo talagang gusto niyang bisitahin ng personal iyong ibang mga tropa natin na napapalaban.

Alam mo naman ang ating Pangulo ay pusong sundalo, kaya hindi natin mapipigilan iyan. Sisiguraduhin na lang natin na ligtas ang ating Pangulo. Ang gusto niyang unahin iyong mga kung saan nagkaroon ng malalaking labanan. So, ini-expect natin na talagang gagawin ng Pangulo natin iyan probably next week.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, DILG Secretary Año, mabuhay po kayo at mabuhay po ang Department of Interior and Local Government.

SEC. AÑO: Maraming salamat din, Secretary Martin and Usec. Rocky – mabuhay kayo.

SEC. ANDANAR: Upang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng lalawigan ng Palawan, makakausap po natin si Governor Jose Alvarez. Magandang araw po sa inyo Gov.?

GOV. ALVAREZ: Magandang araw diyan, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: It’s good to see you again, Gov. Dahil sa mga nadadagdag na kaso ng COVID-19 sa probinsiya, may posibilidad ba na magpatupad ng lockdown sa inyong lalawigan diyan po sa Palawan sa mga susunod na araw?

GOV. ALVAREZ: Hindi naman, iyon Sec. Martin dahil kontrolado naman natin iyong dumarating dito in accordance sa mga abiso ng barko, eroplano, sinasalubong natin iyan at talagang tinutugunan natin noong required health protocols, diretso sa mga munisipyo or kung mag-positive doon sa (garbled)

SEC. ANDANAR: Gov., sa ngayon ilan po ba ang active cases natin diyan?

GOV. ALVAREZ: I don’t it’s necessary. Iyong active natin dito, wala pa ngang [garbled], at saka iyong nasa ospital ngayon wala pang treinta. Pero ano lang, iyong nadiskubre natin dito sa City, nasa ospital ng Palawan, nasa tatlo pa lang iyong lahat-lahat nag-positibo. Kaya busy tayo ngayon, tinutulungan din natin iyong City sa contact tracing – iyon ang pinaka-importante.

SEC. ANDANAR: Yes, Governor nabalitaan po natin iyong ginawang pagpa-padlock sa dalawang minors – isa katorse, isa dose anyos – sa loob ng quarantine facility sa isang bayan sa Palawan. Nagkaroon na po ba ng aksiyon o investigation ang inyong opisina tungkol dito?

GOV. ALVAREZ: Na-resolba na iyon, in fact nandoon iyong mga taga-Social Welfare ngayon. Eh talagang pasaway naman iyong dalawang LSI na iyon galing sa Cebu. Hindi makapigil doon nga sa quarantine facilities ng barangay na tinitirhan sa Roxas. Ngunit alam mo na iyong pag- padlock ay maski sa isip ng kapitan, tama iyong ginawa niya. Ang DSWD hindi talaga papayag na iyong mga minors ay gawaan ng ganyang klaseng treatment. But na-resolved na iyan dahil doon na sila sa Barangay Hall ngayon at iyong pag-padlock niyan, Sec. Martin, ano man iyan, with parent’s consent eh. So, hindi lang nila masabing may kasalanan iyong kapitan – ganoon.

USEC. IGNACIO: Governor, follow up lang po. Pero totoo po bang pinahintulutan ninyo iyong mga ganitong gawain po sa gitna ng pandemya?

GOV. ALVAREZ: Siyempre hindi. Hindi iyan, ngunit very isolated naman ito eh, sa 367 barangays ng buong Palawan ay nangyari lang ito the last few days, isang barangay lang ito eh. So dapat i-correct lang natin, huwag lang mabahala masyado. Eh siyempre in the eagerness na ma-contain nga iyong spread, siyempre iyong kapitan doon very resourceful din. But iyong kapitan naman, ang impormasyon na dumating sa akin ay talagang with parents’ concern iyong pag-padlock, dahil hindi mo talagang mapigilan iyong restlessness ng mga bata eh, na lumabas talaga maski gabi, ganoon po.

USEC. IGNACIO: Governor, noong June 22 po nasa pito pong indibidwal iyong dumating sakay ng eroplano; noong June 23 naman po, nasa mahigit 200 individuals ang dumating sa Palawan, mula naman po ito sa Maynila sakay ng barko na kinabibilangan po ng mga LSIs, authorized person at isang OFW. Sa ngayon po kumusta na iyong kanilang kalagayan at paano po iyong naging pagtanggap ng Palawan province sa kanila?

GOV. ALVAREZ: Tayo iyong nag-initiate na magka-flight iyon, starting mga June 15. Pero iyong barko, before June 15, dumarating na iyong barko at sinasalubong talaga natin at hindi natin pinapalagpas, isa-isa iyan nira-rapid test natin at kapag may sintomas at saka nakitaan ng positibo, reactive doon sa rapid test, eh siyempre ginagawan namin ng tamang paraan.

Then, iyong mga nasa erolano, may coordination tayo niyan, kasi tumatawag lahat iyan sa ating call center. Ang lahat na papauwiin namin sa lalawigan ng Palawan, kasama na iyong mga pakiusap ng pamahalaang national – mga LSI, ROF, OFW at saka iyong mga APORs – eh kulang-kulang anim na libo. Eh bago lang nag-maximize iyong mga eroplano at saka barko ng kanilang mga pasahero, but we are ready kasi sinasalubong ng ating PDRRM team iyan, ma-barko ka man o eroplano ka man nandoon kami.

At talagang inaayudahan natin, sinisiguro natin na kapag probinsiya iyan, hindi nga pumapasok ng Puerto Princesa City iyan dahil mahigpit din ang city. Tuluy-tuloy na namin silang dinala o sinasalubong ng kaniya-kaniyang munisipyo – ganoon po.

SEC. ANDANAR: Governor Alvarez, sir, alam natin na napakalaki ng epekto nitong pandemya, lalung-lalo na sa turismo. At kayo naman diyan sa Palawan ay isa sa mga nangunguna sa tourism at iyan din po ang pangunahing hanapbuhay ng ating mga kababayan diyan. Ano po ang plano ng ating lalawigan, para po ito malampasan itong problema na ito?

GOV. ALVAREZ: Hinihintay lang natin na iyong ating MGCQ ay magbago. But hindi natin muna mabuksan katulad ng pagbukas sa Boracay kasi, alam mo naman dito sa Palawan napakalawak ng probinsiyang ito, napakahirap i-manage, ang lalayo ng lugar at saka isa lang iyong airport dito na international. Iyong airport ng San Vicente, El Nido at saka Coron puro propeller aircrafts lang iyon.

Nakahanda na rin iyon sila in case na medyo luwagan natin iyong turismo natin dahil for your information, Sec. Martin, ang total revenue natin dito sa turismo na nawala kasama iyong Puerto Princesa City is kulang-kulang P150 billion, iyon ang nagpapaikot ng ekonomiya ng Palawan. Eh, kung mawawala iyon nang tuluyan at mag-a-apat na buwan na tayo na medyo heightened alert…

So, hinihintay namin iyong signal galing sa national kung kailan natin puwedeng luwagan ito at ano iyong mga protocol na gagawin, nakahanda kami diyan. Ngunit sa pag—in our anxiousness to open our doors to domestic tourism muna eh dapat iyong ating preparasyon sa, hindi lang minimal kung mahimo, kung mamarapatin eh siyempre higpitan natin pero tanggapin natin iyong mga local tourists muna at wala munang foreign tourists. Iyon ang natitingnan namin na medyo puwedeng gawin. Ayan muna…

SEC. ANDANAR: All right. Governor, kung saka-sakali ay mahaba pa itong ating pagsasakripisyo dahil sa COVID-19 at iyon nga, kung wala namang turista at walang negosyo ay wala ring makukuhang buwis ang ating gobyerno para ayudahan ang ating mga kababayan para ipa-ikot sa ekonomiya, ang ating gobyerno. Mayroon po ba kayong sapat na pondo diyan po sa Palawan? Ang inyong mga siyudad, ang inyong mga bayan po ba ay mayroong surplus na pondo kung saka-sakali para po ayudahan ang ating mga kababayan diyan?

GOV. ALVAREZ: Sec. Martin, maganda at tinanong mo iyan. Of course, iyong probinsiya, doon sa one time grant binigyan kami ng kalahating buwang IRRA, that’s about 122 million. Iyong highly urbanized city ng Puerto Princesa, tumanggap iyan ng kulang-kulang mga 275 million. Iyon namang mga munisipyo, may mga one month grant iyan sila ngunit naubos na iyon sa apat na buwan, karamihan sa kanila.

Kaya lang iyong instruction ng national sa atin, especially DILG, na iyong ating mga programs for infrastructure puwede nating isantabi muna iyon hanggang medyo malampasan natin itong pandemya na ito. So, marami kaming pera na puwede naming i-reprogram. In fact, as we speak, in the Province of Palawan has roughly including all our financials, we have about P5 billion, of which iyong 500 million nito puwede namin itong ma-reprogram at saka ma-redirect doon sa fight against COVID.

But sabi ko na nga, hindi naman puwede na lahat na lang ito eh ilaan mo roon sa COVID. Somehow you have to restart the economy, otherwise what will happen to this province if there is no economic activity whatsoever. Talagang everybody will be crippled, there is no income, there is no taxes that people pay the government eh pati national magsu-suffer.

We are very happy that we contributed about hundred fifty billion doon sa tourism sa cash flow ng probinsiya which participated also in the count doon sa ating national GDP and ang total niyan ay sana increasing every year but naudlot tayo eh dahil dito sa COVID but nobody anticipated this.

So, ang masasabi ko naman, there is nothing a more prudent than to just exercise caution and simula naman tayo uli dahil ang target namin sa turista sa Palawan in the next ten years after/post-COVID eh dapat siyempre magbalikan iyan dito. Wala na iyong mass tourism kung hindi kaniya-kaniya iyon, mga indibidwal na mga lugar, iyon ang paghahandaan namin. At sa the next ten years sana umabot ulit kami ng five million tourists – from two million kami ngayon eh – itong five million tourists that is three times revenue, almost three times revenue ng ating one hundred fifty billion, that is the economy of Palawan. Kaya hindi puwedeng balansehin natin iyong being very careful doon sa pandemya at saka doon sa pagbukas sa ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kunin na lang namin ang inyong mensahe sa inyong mga kababayan at siyempre po doon sa iba pang mga LSI na na-stranded sa iba pang bahagi ng bansa at siyempre po, doon sa ating mga kababayan na talaga namang gustong bisitahin talaga ang Palawan.

GOV. ALVAREZ: Okay. Unang-una, doon sa mga kababayan natin na nai-stranded doon sa ibang lugar, tuloy-tuloy kami niyan kasi mayroon kaming call center na ginawa eh. So, kami pa nga ang nagfa-facilitate ng kanilang mga health certificate galing—kung saan sila nakatira.

Pangalawa, siyempre as I’ve said, tulyo-tuloy naman ang ating pag-supervise dito sa lahat ng nangyayari sa probinsiya ng Palawan upang somehow maging normalize—maging normal iyong ating pamumuhay dito but sinabi ko na nga na hindi puwedeng—new normal na lang ang ating i-anticipate ngunit lahat noong dapat tugunan ng pansin dito sa buong Palawan ay mabigyan natin nang tamang kaukulan.

At huling-huli, ang pagbukas ng ating lalawigan, lalo na doon sa mga gusto talagang bumalik dito ah ihahanda na namin iyan. After June 30, we will have an announcement together with the national announcement na kung pupuwede na tayong magbukas – dahan-dahan, para naman siyempre matugunan natin lahat iyong health protocols at iyong si ‘Mr. COVID’ ay ma-minimize natin iyong epekto sa mga population natin, sa business at saka doon sa ating total ekonomiya kasi gusto din naming maka-contribute sa national economy because tourism is the number one contributor to our national GDP.

Iyon lang, Usec. Rocky. Thank you very much.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Gov. Alvarez.

GOV. ALVAREZ: Maraming salamat din sa inyong lahat. Sec. Martin, Usec. Rocky, salamat sa pagkakataon.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, bigyan-daan natin ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine, ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program.

Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito.

[VTR]

SEC. ANDANAR: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula po naman sa iba’t-ibang lalawigan ng bansa, makakasama natin si Czarinah Lusuegro ng Philippine Broadcasting Service.

Hello, Czarinah.

[NEWS REPORT BY MARA PEPAÑO]

[NEWS REPORT BY JP HERVAS]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro.

[AD]

SEC. ANDANAR: Para naman alamin ang detalye kaugnay sa pinakabagong program ang DOLE, makakausap natin si Asec. Alex Avila, DOLE Assistant for Labor Relations, Social Protection and Policy Support Cluster.

Good morning po, sir.

ASEC. AVILA: Magandang umaga po sa inyo, Sec. Martin Andanar at Usec. Raquel Tobias at sa mga tagasubaybay po ng Laging Handa Public Briefing.

SEC. ANDANAR: Good morning po, sir. Bagong program ng DOLE itong OFW Assistance Information System (OASIS), ano bang ang layunin ng programang ito at paano ito makakatulong sa ating mga OFWs?

ASEC. AVILA: Ang OASIS po ay isang online platform na inilunsad ng Department of Labor and Employment kasama po ang OWWA at POEA, pati po iyong mga labor offices natin sa ibayong dagat para ho makuha po ang initial information ng ating mga pauwing OFWs para ho matugunan natin iyong pangangailangan sa mga madaliang impormasyon tungkol sa kanilang pag-uwi at nang sa ganoon po ay maisagawa natin ang mas coordinated at mas epektibong pagtanggap sa kanila pagdating nila dito sa Pilipinas para ho matugunan ang pangangailangan nila sa testing, sa quarantine, sa transportation po, sa kanilang accommodation facilities or quarantine facilities hanggang sa mapauwi na po sila sa kanilang mga home destination.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., para po sa kalinawan ng lahat, ito po bang programa ay para lamang sa mga returning OFWs at sinu-sino lamang po ba ang sakop nito, saklaw nito. o iyong maaaring sumali sa naturang programa?

ASEC. AVILA: Ang OASIS po ay naka-design para i-capture po ang impormasyon ng ating mga OFW, hindi lang ho iyong pauwi. Pero sa ngayon po, ang OASIS, ang system po ay talagang nakatuon po doon sa mga pauwi kasi sila po iyong kailangang matugunan agad natin ang mga pangangailangan. Pero kahit po hindi returning ay puwede rin pong mag-register sa OASIS.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., paano naman daw po makakapag-register iyong mga interesadong OFWs sa online, platform po ba ito? At ano po iyong site na dapat nilang puntahan?

ASEC. AVILA: Usec., ang gagawin lang po ng ating OFW ay i-type po sa kanilang mga electronic gadgets – puwede pong cellphone, puwede pong iPad, puwede pong desktop computer – iyong oasis.owwa.gov.ph., iyon po iyong URL kung tawagin.

At kapag po nai-type nila iyan at pinindot po nila iyong enter button ng kanilang gadget ay lalabas po iyong portal ng OASIS at makikita po nila agad iyong lengguwahe na puwede nilang piliin kung saan po sila comfortable na fill-up-an iyong OASIS form online.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., papaano naman kung halimbawa hindi ka makapag-online, itong ating mga OFW, mayroon ba kayong alternatibong pamamaraan para makapag-register pa rin sila?

ASEC. AVILA: Opo. Puwede ho silang mag-fill out ng form manually, ang form po ay mado-download sa DOLE website. Naglaan po kami ng espasyo sa DOLE website para ho ma-download nila iyong OASIS form.

So, kung sila po ay halimbawang nasa ibayong dagat [static] na maibigay nila iyong form or mai-submit nila sa aming mga labor offices, kami na po mismo ang magre-register online sa kanila. So, kung hindi naman po magawa iyan at dumating na po sila sa airport, puwede rin ho—bibigyan din ho sila ng form doon ng mga OWWA personnel para ho ma-fill out po nila iyong OASIS form at kami na rin po ang mag-o-online registration para sa kanila.

Sa katotohanan po, iyong iba pong dumating last week hanggang ngayong liggo po ay iyong mga hardcopies po na may mga entries na po iyong ating ibang OFW na dumating ay nasa amin ngayon para ho sa encoding at para ma-online registration po namin sila sa OASIS.

USEC. IGNACIO: Sa pagbibigay ho ng impormasyon, hindi po ba ito lalabag doon sa tinatawag nating Data Privacy Act ng ating mga OFWs?

ASEC. AVILA: Hindi naman po. Ang hinihingi lang po natin sa kanila ay impormasyon na may kinalaman ho doon sa pag-uwi nila dito sa Pilipinas, dahil gusto nating maging maayos iyong pagdating nila dito, hindi na ho sila matagalan sa airport, sa testing pati ho doon sa pagpunta nila sa mga quarantine facilities.

So, nakalagay din po sa system na ginagarantiya natin sa mga magre-register na OFW na gagamitin ang mga impormasyon nang naaayon sa Data Privacy Act of 2012.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Assistant Secretary Alex Avila ng Department of Labor and Employment.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si PTV correspondent Danielle Grace de Guzman mula sa Cordillera.

[NEWS REPORT BY DANIELLE GRACE DE GUZMAN]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Danielle Grace de Guzman.

USEC. IGNACIO: Mula naman sa PTV Davao, may ulat si Julius Pacot.

[NEWS REPORT BY JULIUS PACOT]

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa COVID-19 cases sa bansa.

Sa huling tala po ng Department of Health as of June 24, 4 P.M., umabot na po sa 32,295 ang dami ng mga nagpositibo sa COVID-19. Kahapon, nadagdagan ng 18 ang mga nasawi kaya umabot na ito sa 1,204.

Samantala, patuloy pa rin naman po ang dami ng nadadagdag na kaso ng mga nakaka-recover. Kahapon naitala ang additional na 214 recoveries kaya naman nasa 8,656 na po ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Kaya naman po hindi kami magsasawang ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsusuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay. Tandaan, sa pagsunod at pakikiisa sa ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan makakatulong ka upang mapagtagumpayan natin ang laban sa COVID-19.

Bahay muna, buhay muna!

Samantala, sa kabila po ng patuloy na tugon ng pamahalaan sa gitna ng pandemya, ang kooperasyon at pakikiisa ng lahat ay mahalaga upang malampasan natin ng sama-sama ang hamon ng COVID-19.

[VTR]

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP).

USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic.

Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si USec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ak0 po si Sec. Martin Andanar, magkita-kita po tayo muli bukas. Lunes nakalagay eh… dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)