Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque with Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu


Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Well, magtatapos na po ngayong araw, June 30, ang klasipikasyon ng mga iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ang tanong ng marami: Ano ba ang mangyayari ngayon? Nasaan na ba tayo? Mananatili bang ECQ ang siyudad ng Cebu? Anong mangyayari sa Metro Manila? Patuloy ba ang GCQ o babalik sa MGCQ? Ang mga kasagutan ay maririnig ninyo po mismo galing kay Presidente Rodrigo Roa Duterte mamayang gabi.

Siya po ang magdedesisyon at ang balita ay mismong sa kaniya manggagaling, kaya huwag na po tayong maniwala sa mga fake news. Napatunayan na po natin sa mga nakalipas na nagbabago po talaga ang desisyon ng Presidente pagdating sa klasipikasyon, so huwag na kayong magpapaso, antayin na lang po natin ang kaniyang announcement.

Balitang IATF naman po tayo. Kahapon po nagpulong ang IATF, nagsimula ng alas diyes, natapos alas nueve na ng gabi – ano po talaga ang pinag-usapan? Ang pinag-usapan po ay iyong balanse sa karapatan na itaguyod ang kalusugan ng mga mamamayan at iyong karapatan na magkaroon ng hanapbuhay. Matapos po ang halos pitong oras na diskusyon, nagkaroon naman po ng kasunduan at approved in principle naman po ang mga recommendation ng economic team na diniscuss po sa IATF ni Secretary Chua ng NEDA.

So sa mga armchair analyst na nagsasabi na panay militaristic solutions ‘kuno’ ang alam ng IATF at hindi kasama ang economic managers sa task force, well, fake news po iyan dahil ang katunayan po, talagang iyong meeting kahapon ay nagpapatunay na napakalaki po ng input ng economic team.

So ano ba iyong mga naging rekomendasyon na in-approve in principle ng ating IATF? Well ang approved in principle po eh importanteng mabuksan na ang ekonomiya nang magsimula na po tayo doon sa pagbangon mula sa ating lockdown. Kinakailangan na pong buhayin talaga ang ating ekonomiya. Paano po mangyayari ito?
Well, unang-una po, ang unang istratehiya po natin ay ire-revisit po talaga natin iyong mga istratehiya sa paglaban sa COVID-19 to ensure iyong balanse between health and economics – health at saka iyong ating ekonomiya. Palalakasin po natin ang kumpiyansa ng mga mamamayan na magbalik-trabaho at palakasin ang consumer demand. Paano po ito? Sa pamamagitan po ng testing, malawakang targeted testing, okay.

Noong minsan po, diniskas [discussed] na ni Kalihim Vince Dizon kung ano itong mga taktikang gagawin natin, pero ngayon po talagang papalawigin para makasama ang iba pang parte ng ating populasyon at ito po ay naging rekomendasyon din ng National Task Force kahapon sa isang report na ginawa po ni Secretary Vince Dizon.

Kukonsultahin din natin ang mga lokal na pamahalaan para sa pag-angat ng ekonomiya sa Region III, IV-A at NCR towards easing up of community quarantine status. Ang ibig sabihin po nito, okay, para po tayo makaahon kinakailangan buksan ang ekonomiya, pero bago natin bubuksan ang ekonomiya, kailangan magkaroon ng kumpiyansa na ang mga magtatrabaho naman ay walang sakit kaya po importante na mas palawakin pa iyong testing natin. At ang crucial po dito sa naging rekomendasyon ni Secretary Dizon ay pati po iyong mga asymptomatic ay dapat ma-test na po natin. Okay.

Tapos po, matapos tayong mag-testing, importante rin po na talagang magkaroon ng mas malapit na ugnayan sa mga lokal na pamahalaan; at ito po, napatunayan na po na ang mga bagay na ito – social distancing, pagsusuot ng mask at pananatili ng hygienic practices ay ang pinakamalakas pong mga pamamaraan para po mapababa ang pagkalat ng sakit na COVID.

Alam ninyo ba ho na ang pagsusuot ng maskara, nakakababa ng chance na ikaw ay mahahawa by as much as 85%? Pagsusuot lang ng mask at siyempre iyong social distancing po, na hindi nangyari sa CCP, ay nakakababa po ng tiyansa na pagkuha ng sakit by as high as 80%. So simple naman po ang gagawin natin: Wearing of mask, hugas ng kamay, social distancing, kaya po natin ito.

Matapos po nito, sisiguraduhin din natin ang proteksiyon ng mga vulnerables. Sino ba ho ito? Siyempre, iyong may mga tinatawag na comorbidity – mga diabetics, mga may sakit sa puso, mga buntis, mga cancer survivors … dapat talagang manatili po sa kanilang mga tahanan.

Pagkatapos po, siyempre nasabi na natin iyong ating istratehiya – iyong test, trace, isolate and treat infrastructure. Kagaya po ng sinabi naman ni Secretary Vince Dizon at Implementer Secretary Galvez, mayroon na po tayo ngayong isang milyong PCR testing at mayroon din po tayong mga binibiling mga rapid testing na ginagamit natin pareho para nga po mas mapalawak pa iyong ating targeted testing dito sa Pilipinas.

At panghuling rekomendasyon po ay gamitin iyong buong suporta ng strategic communication para po tayo ay makarating na sa new normal. Ang new normal po, bagama’t wala nang lockdown, ito po ‘no – face mask, washing of hands, social distancing. Pagkatapos po ang mga especially vulnerable, manatili sa tahanan at ipagpapatuloy po natin ang expanded targeted testing, ang ating tracing at ang ating isolate and treat.

Ito naman po ang na-discuss na nating istratehiya nga po sa testing, so patuloy pa po nating palalawakin ang testing at ang ating inaasahan po, ang ating tina-target matapos ang Hulyo ng taong kasalukuyan eh magkakaroon na po tayo ng 3% positivity rate. Siyempre po para umabot tayo doon sa 3% positivity rate, iyon po iyong tatlo sa kada 100 ang nagpopositibo, importante po na madamihan pa talaga natin ang mga test na ginagawa natin ngayon.

Susunod po na istratehiya ay ang pagkakaroon ng mas marami pang localized quarantine sa mga munisipyo o barangay level, kapag mayroon pong ebidensiya ng pagtaas ng mga kaso ng COVID sa mga lugar na ito. Okay.

At panghuli, lubusang gamitin ang sapat at ligtas na pampublikong transportasyon. At mayroon pong mga specific proposals ang ating economic cluster kasama na po diyan iyong pag-isipan at pag-aralan talaga iyong scientific evidence kung talagang mas delikado ang paggamit ng PUJ. At ang DOTr naman po sa mula’t mula ang sinasabi, sa hierarchy pinakahuli ang jeepney, pero kung talagang kulang ay gagamitin ang jeepney. At kahapon sinabi ko na nga po, sa napakadaming lugar ng Pilipinas ay nagagamit naman po ang jeepney.

Iniisip din po ng economic team na magbigay ng subsidiya, hindi po malaking subsidiya, iyong enough lamang para naman makabawi iyong mga public transportation na hindi po nakakapagbiyahe ng 100% capacity. Siyempre kinakailangan magbigay tayo kahit papaano ng subsidiya kung saan mababawi man lang nila iyong gastos nila, iyong break even at konting kita, mga around 10%. Iyon po iyong istratehiya sa transportasyon.

So, ito naman po ang infographic natin tungkol sa testing, tracing and isolation. Importante po talaga ito para magkaroon tayo ng kumpiyansa na puwedeng bumalik sa trabaho, okay. At alam ninyo naman po bagama’t mahal ang testing, mga minimum of 3 thousand iyan, mas mura pa rin po iyan kaysa magpagamot. Kasi kapag ikaw po ay nagkasakit at kritikal ang iyong sakit, aabot ng halos 800,000 ang gagastusin. So hayaan mo nang gumastos ng mga 3 thousand pesos para sa PCR testing.
Tapos saan natin kukunin ang pondo? Well sa pino-propose po na Bayanihan 2, mayroon po tayong pino-propose na testing subsidy diyan hanggang mga sampung bilyon at mayroon din po tayong cash-for-work program na hanggang 15 bilyon at ito po ay gagamitin nga para po sa contact tracers. Okay.

So iyong specific recommendations po na pagdating sa public transportation nasabi ko na po, pag-aralan talaga itong mga jeepneys tapos iyon nga po, iyong proposal para sa subsidy na umaabot mahigit kumulang 17 billion pero ito po ay proposal, kinakailangan apruban pa ng ating Kongreso. Okay.

Now, punta na po tayo sa COVID-19 updates. Mayroon na po tayong 36,438 at gusto ko pong kumustahin kayo. Kasi kahit papaano ay hindi pa po tayo umabot noong 40,000 na naging prediction ng UP. So, bagama’t halos 40,000, hindi naman po umabot ng 40,000 at araw na po ngayon ng Tuesday. Tingin ko hindi po aabot iyan, pero halos; so, naging successful po tayo.

Napabagal po natin ang sakit at ang next target natin pagdating po ng July, sabi ng UP by end of July mayroon na raw tayong 60,000.

So dito po sa ating press briefing, ipa-flash natin talaga kung ilan na ang kaso para makita natin kung malayo o malapit sa prediction ng UP at siyempre ang dapat nating targetin ay mas mapababa, we have to prove UP’s prediction wrong.

Uulitin ko po, madali lang naman: mask, good hygiene, social distancing and of course health promotion, manatiling malusog.

Now, sa bilang po ng total na nagkaroon ng COVID-19 – 922 po or 3.8% ay walang mga sintomas, iyong tinatawag na asymptomatic; 23,451 po ay mayroong mga mild na sintomas – 95.6% karamihan; 126 po sa kanila ay severe .5%; at 26 lang po or .1% ang naging critical.

Kaya naman po hindi na tayo dapat magulat na patuloy na tumataas ang mga gumagaling nasa 9,956 na po ang mga nai-report na nag-recover kahapon. Samantalang 11 naman po ang nai-report na binawian ng buhay kahapon, ang suma-tutal na po ng mga namatay ay 1,255.

Tingnan po natin ang infographic ng cumulative samples tested at ang positivity rate na 7 day moving average—wala pala kaming infographic noon ngayon, hindi pa updated, kahapon pa lang po kasi prinisinta na namin, mamayang 4 o’clock pa lalabas iyong bago.

Pero ang mayroon po tayo ay iyong confirmed COVID-19 deaths by date of death at makikita po ninyo na patuloy naman talagang bumababa po ang mga namamatay.

Okay. So ano po iyong mga istratehiya uli na nabanggit natin para labanan ang COVID-19 habang patuloy tayong nagbubukas ng ekonomiya, paulit-ulit po ako para huwag nating makalimutan. Very strict enforcement of minimum health standards – i-memorize na lang po ninyo ito: Masks, Hand Washing, Distancing; protection of vulnerable population, mga elderly, iyong may mga sakit at mga buntis; at patuloy na test, trace, isolate and treat.

Now, ano po ba iyong naging rekomendasyon na approved in principle din na pag-i-expand ng ating targeted testing? Well, dahil maliit po ang nasa screen ay nag-printout na po ako para doon aking printout ang aking mababasa, pero—wala pa po pala rito. So, ano po ang gagawin natin, tingnan po natin ngayon ang infographics, ito po ang isinusulong para sa expanded targeted testing natin. Aaprubahan pa po ito, pero in principle na-approve naman po iyan pero wala pang actual approval.

Una po, mula sa hotspot areas, kasama na ang locked down barangays at informal settlements, magti-test kapag nagkaroon po ng risk of—kapag naanunsyo na iyong risk of outbreak. Magti-test din po tayo sa border crossings, ito po iyong mga OFWs na umuuwi sa kanilang mga probinsiya, mga locally stranded individuals, mga inter-island travellers mula sa hotspot areas. Iti-test din po natin ang mga magko-cross ng borders.

Panghuli, iyong mga nagbabalik po sa trabaho, kailangan silang i-test bago bumalik sa trabaho at kada-tatlong buwan.

Okay. Pumunta naman po tayo sa Cebu. Ito po ang mga malalaking isyu sa Cebu ngayon ayon sa National Task Force: Una, ang pag-harmonize ng LGU, healthcare workers, business sectors at religious sectors, kinakailangan po magsama-sama. At totoo naman pong palagi kong naririnig, malaking bagay po ang papel ng pulitika dahil kaya po nagkaganito ang Cebu. Kinakailangan po isantabi po talaga ang pulitika at iyan din po ang patunay sa ating palaging sinasabi sa katunggali ng gobyerno: Mag-antay naman po kayo hanggang matapos itong aberyang ito at saka kayo bumato nang bumato.

Now, kasama na rin po dito sa binibigyan ng importansiya ng IATF sa Cebu ang pagbuo ng organisasyon tulad ng MMDA para sa Metro Cebu.

Now, mayroon din tayong problema kasi mayroon din po silang mga 1,500 na mga nagpapa-dialysis. So saan po sila pupunta dahil ang mga hospital ngayon ay puno ng COVID cases? So, magkakaroon po sila, maglalagay sila ng non-COVID dialysis center para dito sa 1,500 na mga pasyente.

Magbibigay solusyon din po sa kakulangan ng mga doctor, mga nurse at mga nursing staff. Nabalita na po na ang DOH ang siyang nagri-recruit na ng mga nurses para magtrabaho sa mga pribadong ospital at nagpadala na din po ang Hukbong Sandatahan ng mga nurses at mga doctor. Pati po iyong mga doctors to the barrios, iyong mga gustong sumapi ay pinadadala na rin po sa Cebu.

At siyempre po mino-mobilize din po natin ang business sector. Kahapon po, sinabi ni Dra. Minguita Padilla ng Project ARK, kung ano po iyong ginagawa nilang targeted testing sa paggamit po ng rapid test in coordination with PCR test, gagawin din po nila daw iyan sa mga barangays kung saan pinakamarami po ang kaso ng COVID.

At pang-apat. Siyempre po, dahil naka-lockdown ang Cebu na naman, ang Cebu City, prayoridad po ang Cebu City para dito sa second tranche ng SAP distribution.

Okay. So ngayon naman po, maya-maya ewan ko po kung available na si Secretary Cimatu, wala pong mas malinaw na report ang pupuwedeng gawin kung hindi po kasama ang report ng ating Secretary Roy Cimatu na ipinadala po ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa siyudad ng Cebu para maging mata at tenga ng ating Presidente.

So, dito po ako nagtatapos ng ating briefing and we would like to welcome Secretary Roy Cimatu. The floor is yours, Secretary. Ano po ang mga nakita ninyong problema sa Cebu? Anong mga solusyon at ano po ang aasahan natin ngayon sa bagong epicenter ng COVID-19 sa ating bayan, ang Cebu City? The floor is yours, Secretary Cimatu.

SEC. CIMATU: Good afternoon, Secretary.

SEC. ROQUE: Yes, Secretary Cimatu, ano po ang latest na nangyayari diyan sa Cebu; ano po iyong mga hakbang na ginagawa na natin para bigyan ng lunas itong problema natin sa COVID-19?

SEC. CIMATU: Kahapon ay nag-meeting kami diyan sa City Hall, nagbigay sila ng opisina namin diyan sa kanilang building at saka binuo ko iyon aking advisory council. Ang advisory council ko ay composed of some independent persons, including iyong ating mga personnel ng Department of Health at saka iyong ating military at saka police para sa enforcement and also some business members of the business sector.
Pinagmitingan namin kung ano iyong mga specific guidelines natin na i-provide sa mga tao in order for them to follow iyong ating mga protocols dito during the ECQ. Kasi nga naman, nagkaroon kasi ng violations recently especially sa pag-comply ng ating ECQ katulad iyong lockdown ay dapat hindi sila lalabas sa kanilang bahay. Kasi it is attributed, iyong pag-increase ng mga cases dito, dahil sa biglang lumalabas ang mga tao without the necessary precautionary measures, the health standards na ilinatag, dine-direct natin for them to do, like for example iyong sinasabi ninyo kanina Secretary na iyong distancing, iyong washing of hands at saka iyong… tawag nilang distancing. Mas kailangan naman talaga na—nagkaroon kasi sila ng mass gatherings sa isang barangay dito. At itong barangay na ito ay very notorious, kasi marami ang kanilang naging… may mga namatay diyan at saka nagkasakit.

And yet, nagkaroon pa sila ng procession ng June 27 which is really a blatant disregard of our protocols. But pinaimbestiga naman ito, then they were given cases like administrative cases especially iyong barangay captain – nagbigay ng authority na parang pinayagan itong ganito na parang celebration sa pista nila doon.

Likewise, Mr. Secretary, ang aking ginawa rin ay naghanap ako ng mga ibang structures, facilities na puwedeng paglagyan ng ating mga isolation cases. Kasi iyong isolation buildings nila rito, karamihan ang mga eskuwelahan ay ito ang ginamit nilang isolation centers. Itong eskuwelahan naman nasa gitna ng barangay ito, so sinu-suspect ko talaga na dito nanggaling iyong mga pagkalat ng sakit sa mga barangays, itong isolation centers dito sa gitna ng barangay mismo.

So ang aking pinaplano ay ilabas ito, out of the barangays, naghahanap ako ng medyo malayu-layo, malapit sa dagat, iyong puwede silang paglagyan muna. In the meantime, ang quarantine at saka itong mga isolation cases ay papapuntahin ko sana sila doon sa lugar na iyan as soon as possible. In fact, nakakita na ako ng lugar dito sa may NOAH, ang tawag nila ay NOAH Building, operated by the city government.

So ito iyong tinitingnan ko. Mayroon pa akong pinahanap sa mga … iyong Cebu coliseum nila so puwede nating ma-convert ito para katulad ng ginawa rin nila diyan sa Manila. So ito iyong mga nakikita ko ngayon, and likewise, Mr. Secretary, mayroon din tayong na-receive dito na about 32 military personnel from GHQ. Nagbigay sila ng siyam na doktor, sampung nurses at saka health aides. Ito ay inilagay namin dito sa mga public hospitals dito. And we are awaiting sana iyong mga hinihintay namin na galing from other regions, itong bed naman ng mga doctors and nurses dito.

So far, okay naman. And later, we’ll be joining iyong ating business sector because I would like to …I would like them to know really what they should do at the moment. Kasi maganda kasi iyong pinapakita rin naman nila kasi iyong naging problema kasi rito, medyo low morale ang karamihan ang mga medical practitioners dito dahil sa sunud-sunod kasi, araw-araw ay nagkaroon ng casualties.

They were supposed to enjoy already the—being GCQ, but all of the sudden nag-rise immediately, that’s why immediately after that, wala pa ngang isang buwan, ay in-endorse natin iyong ECQ. So medyo mababa iyong kanilang ano, pero this time, medyo nabuhayan naman sila dahil we are doing something about it, Mr. Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Secretary Cimatu. I’m sure the media would have many, many questions for you, sir. I hope you can stay and answer po their queries. Punta na po tayo sa tanungan kaagad dahil mainit ang isyu sa Cebu. Maricel Halili/TV5.

MARICEL HALILI/TV5: Hi sir, magandang hapon po. Sir, tungkol lang po doon sa Sulu misencounter. What did the President say about the Sulu misencounter? What are his directives? And how can the people trust our law enforcers to implement the Anti-Terrorism Bill once it becomes a law if the law enforcers themselves cannot identify their enemies?

SEC. ROQUE: Well, siguro po hintayin muna natin ang imbestigasyon ‘no. Parehong ang kapulisan at Hukbong Sandatahan po ay humingi na ng tulong sa NBI para imbestigahan nang maintindihan natin kung ano talaga ang nangyari.

Pero, Maricel, siguro let’s be fair, hotspots po talaga ang Jolo ngayon, patuloy po ang aktibidades ng mga terorista diyan. So tingin ko po, medyo nag-iingat at medyo mataas ang tension diyan sa area na iyan so, I will not make any conclusion sa ngayon po hanggang hindi po natatapos ang imbestigasyon ng NBI.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, before I ask my question to Secretary Cimatu, pahabol lang po. Because yesterday, you mentioned na umabot tayo ng more than 1.3 million na na-distribute for the second tranche of SAP. But it seems na medyo wala po masyadong progress from the distribution last week. So what happened? Ano po iyong bago nating target sa pagtatapos ng distribution?

SEC. ROQUE: Well, I think they’re dealing with the fact that it is now being distributed electronically. Huwag naman po tayong masyadong mainip dahil kapag napagana na po iyang electronic distribution, in one to two days, tapos po iyan.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, for Secretary Cimatu po. Sec., given the major issues now in Cebu, ano po iyong recommendation ninyo kay President Duterte na dapat maging status? Should we continue implementing the Enhanced Community Quarantine in Cebu or should we impose hard lockdown? Paano po?

SEC. CIMATU: Ito, combination doon sa dalawa. ECQ then after na medyo mag-die down na iyong sudden increase of cases, ma-maintain pa rin iyong lockdown doon sa medyo mataas pa rin na mga barangay, especially itong 12 na sinasabi nila, hopefully, na hindi na madagdagan itong 12. Ito ang tinututukan natin ngayon kasi dito ang ano eh, majority of the cases in Cebu ay nanggaling doon sa 12 na iyan.

So ito ngayon ang aking ano, i-continue natin ang ECQ because to them, umpisa pa lang ito eh. Kasi noong una na na-announce iyong the increase to ECQ ay hindi kaagad na naipatupad. Kulang iyong mga pulis, hindi masyadong na-implement. So far, dumating itong ating additional forces, additional police, medyo nag ano na rin, mayroon ng semblance already of compliance.

So i-continue na natin dito kasi ang rise kasi ng ano especially dito sa cases ay biglang magtaas nang husto ‘no. For the first one week ay steady ang pag-akyat. Tapos just only yesterday nag-accelerate ang mga patay—namatay from six (6) naging 13 ang namatay. So if that is the case, kung 13 na ang namamatay dito sa isang araw, ang national data for death is only between 10 to 11 – national iyon. So ito, dito sa isang araw lang ay 13 kaagad. So medyo ano pa, nasa pataas pa iyong mga namamatay at saka including iyong mga cases, tumaas rin kaagad ng medyo umabot na ng ano eh, ng 1,500 cases na for the City of Cebu lang iyan. Compare to our highest there in NCR ay halos doble.

So ito ngayon ang nakikita ko that we have to ano muna ito, contain muna ito bago luwagan natin itong ECQ. Then kung naluwagan na natin ang ECQ, i-concentrate na natin dito sa lockdown, iyong granular na tawag namin na doon lang, naka-focus lang dito sa 12 na barangay. So iyan lang muna ang aking pinaplano.

SEC. ROQUE: Thank you, Maricel. Let’s go to Usec. Rocky now.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. From Aileen Taliping of Abante Tonite. Wala ba daw pong mas mabigat na parusa sa mga lalabag sa community quarantine dahil tila binabalewala ito ng publiko. Kagaya na lang po ng pagdagsa ng tao sa PICC, pati mga pulis na nasa likod lang ng PICC ay walang ginawang aksiyon para maipatupad ang social distancing kaya daw po nagmistulang piyesta sa lugar?
SEC. ROQUE: Mayroon po, napakabigat ng parusa sa mga pasaway at hindi nagso-social distancing. Ang tawag po sa parusang iyan, kamatayan! Kung hindi po kamatayan, matinding pagkakasakit; kasama na rin po diyan ang gastos para magpagaling kung kaya pang gumaling; kasama rin po diyan ang hinagpis ng mga kamag-anak ‘pag ikaw po ay pumanaw; kasama pa rin diyan na susunugin ang iyong katawan nang wala na pong lamay, wala pong sugal, walang kikitain sa paglamay dahil diretso sunog po iyan. Napakatindi po ng parusa [na] pinapataw po ng batas kalikasan.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po mula kay Aileen Taliping: Kahit bawal pa ang angkas sa motorsiklo, marami pa rin daw ang hindi sumusunod. Kanino ba ang problema? Ang may problema ang LGUs or mga pulis?

SEC. ROQUE: It is an entire nation approach po. Siguro may konting problema sa law enforcement dahil kinakailangan hinuhuli lahat iyan. Pero ako naman sa kalye, ang dami kong nakikitang hinuhuli na back riding, so parang hindi ako makapaniwala na hindi sinasaway ng mga pulis iyan. Pero siyempre nasa katigasan din po ng ulo ng ilan nating mga kababayan iyan.

Alam ninyo po, wala naman pong mahihita ang ating Presidente kapag siya’y gumagawa ng mga bagay-bagay na ito. Ang ninanais lang niya, magsalba po ng mga buhay. Sana po maintindihan natin iyan, na ang tunay na parusa po ‘pag tayo’y matigas ang ulo at pasaway, kamatayan, pagkakasakit.

Joseph Morong…

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, good afternoon po. Sir, first off, iyon pong kanina ‘no, iyong WHO Representative was guest at Laging Handa and he said that Metro Manila does not require a reversal of the community quarantine, meaning going back to MECQ. Your comment first, please?

SEC. ROQUE: Well, I cannot comment po because I would preempt the President’s announcement. Antayin po natin kung ano ang desisyon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, what are the disadvantages of returning to MECQ? Ano po iyong changes na mangyayari? Are we going to close down the businesses that we have already permitted to operate under GCQ, iyong mga ganoong bagay na magbabago ‘pag sa MECQ?

SEC. ROQUE: Well, Joseph, you’re asking me to speculate. Hindi pa nga natin alam kung anong desisyon ng Presidente. Pero kung babalik sa MECQ iyan, eh alam naman natin kung anong patakaran doon, mas maraming industriya na magsasara ‘no, pati iyong dine-in mawawala ‘no. Pero sa tingin ko, antayin muna natin ang desisyon po ng Presidente.

Ang aking sinabi kanina, iyong pagpulong na napakahaba kahapon ng IATF, ang consensus talagang matapos ang in excess of 100 days, importante na buksan ang ekonomiya at kaya naman balansehin iyong kalusugan at iyong pagbubukas ng ekonomiya, pero kinakailangan kooperasyon ng taumbayan, kinakailangan iyong minimum health standards at saka iyong ating T3 strategy.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just one last question and then before I can go to Secretary Cimatu. Sir iyong pong data ng UP ‘no, first off, ilan po ba iyong backlogs na hawak natin, ng gobyerno? Would you know?

SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po kahapon, nag-usap lang kami ni Secretary Vince Dizon, one thousand plus lang po iyong backlog natin ngayon ‘no.

JOSEPH MORONG/GMA7: So if you add that, below 40,000 pa rin, that’s the position of government.

SEC. ROQUE: Yes, well, kahit papaano I think the people are cooperating and ito po ngayon ang ating gagawing interactive na activity ‘no. Let us prove the UP data wrong, let us observe minimum health standards and we can beat the UP prediction.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Can I go to Secretary Cimatu, please?

SEC. ROQUE: Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Good morning. Sec. Cimatu? Sir, may nabanggit po kayo na 13 na namamatay, is that a daily average or isang araw lang iyon na may namatay na 13 and can you give us a situation of the hospital in Cebu? Puno po ba sila? Madami po ba ang pumapanaw because of the disease? Marami po bang dinadala? Are they over capacity? Situational report lang, sir.

SEC. CIMATU: Well, iyong sinasabi kong 13, dati ano eh, mga isa/dalawa lang sila araw-araw dito, tatlo ganoon pinakamarami. Then the other day anim na; so kahapon 13, so mukhang tumataas ito. So sana hindi naman ano pero hindi naman ito ang average, ito iyong one of the highest so far, iyong 13. Now if you have a city na 13 ang namatay ay medyo bumibigat na ito. Now hopefully ma-arrest natin ito and we can—ma-arrest natin ito by, ito iyong tinatawag nating strictly comply or follow itong mga advice sa mga tao.

And also, mayroon kasing ano rito eh, iyong mga barangays dito, nilagay nila iyong isolation rooms sa buildings nila right in the center of the barangay. So alam mo naman kung center of the barangay iyan, talagang malapit palapitin ang mga tao at doon na nagkakahawa. So I’m looking forward na ilayo po ito from the center of the city. Sana mabawasan natin ito at saka mayroon pang isang statistics na corroborate or very alarming eh, iyong especially itong testing na, itong swabbing testing. Ang naano ko kanina, ang ina-aspire na ng national government, bababa iyong—let’s say kung 100 ang magpa-swab ay out of that 100, tatlo lang sana maging positive iyan. So that is the goal ano, goal of our testing.

So kasi ang average na natin ngayon ay bumaba na, dati 18 iyon eh, bumaba ito to below 10 ang percent. Pero dito, out of 100, treinta ang positive, mataas ang positivity so nagtataka ako bakit anong diperensiya ito kung bakit ang laki-laki naman ang percentage na maging positive ka kasi very confident ka naman na mababa lang naman na maging positive dito. Pero dito, treinta ang average ngayon na nangyayari, maging positive so tiningnan namin anong reason.

So ang nakikita ko ito nga, iyong sinasabi na iyong social distancing sa loob ng barangay. Pero mayroon rin akong isa pa, iyong pagdating ng mga Filipino workers, OFWs at saka iyong stranded na bumalik dito, so ito rin ang nakikitang possible na sources na pag-angat kaagad ang mga ito.

Now I have a—we have 12,000 dito na Locally Stranded Individuals dito sa Cebu and they have been trying to go out already of Cebu, uuwi na sa probinsya nila but na-overtaken sila ng events sa ECQ. So ang aking ano rito, sinabi ko kay Mayor ay huwag natin sila payagang lumabas because it is ECQ, they have to be ano muna rito, lalong stranded muna sila because we don’t like naman na magmu-move sila during a scenario of ECQ.

So ang gagawin nila ay they are staying muna sa kanilang relatives then when mag-subside na ang ECQ, we will quarantine them some more and lalagyan na iyan ng itong testing bago namin i-allow to go to their respective places. Kasi nagrereklamo po iyong mga probinsya dito na huwag muna natin sila paalisin dito kung hindi ma-assure iyong kanilang health condition na sila ay negative sa virus.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you very much, Secretary. Thank you, Joseph. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary from Bella Cariaso of Bandera: Iyon pong new UP study na 6,000 COVID case by end of July, hindi ba daw po ito nakakaalarma o dapat ikaalarma? Halos maabot na ang earlier projection na 40,000 ng UP. Ibig sabihin, accurate ang scientific formula na kanilang ginagamit. Hindi ba kulang ang kampanya ng gobyerno kontra COVID kung dumarami pa rin ang kaso?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, iyang pagdami ng kaso talaga, ang tanging sandata natin diyan ay social distancing, good hygiene. Pero pagdating naman po sa istratehiya ng gobyerno, ang ginagawa naman po natin ay—para sa lockdown diyan sa Cebu ‘no, sa ECQ, eh para nga po mapaigting o mapalakas iyong ating response, medical response sa mga pupuwedeng magkasakit.

So ngayon po bagama’t dumadami ang mga kaso, tayo po ay nagwawagi sa COVID-19. Bakit? Una, patuloy pong bumababa ang namamatay dahil sa COVID. Patuloy pong tumataas ang mga nagri-recover at bukod pa po diyan, sinisigurado po natin na mayroon tayong kakayahan na gamutin ang mga nagkakasakit, ito po iyong critical care capacity ng ating bayan. So iyon po ang ating kasagutan diyan.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Bella Cariaso: Sabi ng World Health Organization, after six months po na pananalasa ng COVID-19, the worst is far from over. Handa ba ang Pilipinas sa sinasabing worst ng WHO na dulot ng COVID?

SEC. ROQUE: Ginamit po natin iyong panahon na tayo’y nag-lockdown para palakasin ang ating health sector at sa ngayon po nasa 30/35 percent utilization pa lang tayo ng critical care capacity. Pinaghandaan po natin iyan at pinaghahandaan pa rin.

Trish Terada of CNN?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Good afternoon, Secretary. Sir, doon po sa Bayanihan II. What is the actual timeline of the government for it, when he target to have it passed, sir, as a law? Because I understand, malaking bagay po ito especially doon sa pagsa-subsidize noong plano po nating intensified target testing?

SEC. ROQUE: Well, sinisigurado lang po natin na mayroong sapat na pondo na magagamit para sa stimulus package. So, hayaan po ninyo, kapag mayroon nang linaw at ngayon po ang posisyon po ni Secretary Dominguez, hanggang 140 billion na muna po tayo ngayon. So, sa tingin ko naman po mangyayari iyan.

Pero hindi naman po kinakailangan mabilisin dahil lahat po ng ating mga kinakailangan para dito sa COVID-19 ay mayroon na po tayo. So sa tingin ko po, it is not—Well, it does not have to happen overnight. I hope it happens soon, pero sa ngayon po, wala pa po tayong request na mag-special session at mukhang kakayanin naman po na i-discuss na itong Bayanihan II, during the regular congress because, after all, State of the Nation is just around the corner in July.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, may I please go to Secretary Cimatu?

SEC. ROQUE: Yes, please, Secretary Cimatu.

TRICIAH TERADA/CNN. PHILS: Sir, diyan po sa Cebu, sir, I understand marami pa pong kailangang gawin. Sir, ibig sabihin po ba nito noong sa three-month’s time na naka-ECQ iyong maraming lugar sa atin, nagkulang pa rin po sa preparation? And at same time, sir, kumusta po iyong testing natin sa Cebu City? Are we planning or is it on the pipeline to increase our testing capacity in Cebu? Kailangan ba iyon ngayon?

SEC. CIMATU: Ina-accelerate nila iyong pag-test dito kasi ito iyong complementary dito sa ating ginagawa, iyong testing, napakaimportante iyan. Ilalayo muna natin iyong mga isolation buildings nila out of the barangay, ilayo natin, and at the same time itong testing, i-aggressive testing tayo ngayon.

Pero iyong nabanggit ko nga kanina na itong testing natin, maganda naman ito. Pero very different from the other areas, iyong mataas ang positive compared to other areas, mataas ang positive dito. Tinatanong ko nga sa mga medical practitioner, why bakit naman ganoon, mataas dito? So iyon nga, naging center kasi dito ng mga pag-transit ng mga OFW, mga nag-land muna. So, iyan ang tinatanong nila baka ito naman ang possible na sources na pinagmulan. Kasi through the number of days, since March hanggang dumating nang May ay medyo maganda naman iyong kanilang response sa health ng mga tao rito. But, nag-rise ito noong nagkaroon ng mga movement and transit ng mga OFWs at saka locally stranded individuals.

TRICIAH TERADA/CNN. PHILS: Sir, very brief lang po, doon po sa na-mention ninyo kanina na nagpa-positive na 30 people out of 100 na tine-test. Sir, can you share with us iyong profile po nito? Marami po ba dito asymptomatic or are these 30 people mostly symptomatic po?
SEC. CIMATU: Well, ito kasi iyong ano nila eh, iyong mga asymptomatic na nakukuha nilang positive, iniiwan dito sa may isolation centers. Now, hindi ko nga makuha ang out of the positive, kung ilan ang symptomatic, hindi ko alam ang percentage nito. I will check it para masabihan ko kayo diyan.

Ito ngayon iyong nakikita ko that iyong mga asymptomatic, think they are just allowed to ano naman lahat-lahat doon, ito na siguro nagkahawa-hawa. Pero iyong mga mild or moderate cases dito sa Cebu na nako-confine eh mataas ang survival. In fact, wala pang namatay doon sa ospital na iyon eh. So iyong moderate at saka mild ay medyo wala tayong casualties doon. Ito na lang iyong mga severe at saka critical. So, ito lang ang ating nakikita ngayon. But iyong 13 na namatay kahapon, this is one of the highest per day dito sa Cebu.

USEC. IGNACIO: From Virgil Lopez of GMA News online: Four soldiers who were allegedly on an official mission were killed following an alleged misencounter with policemen in Jolo, Sulu on Monday?

SEC. ROQUE: Well, nasagot ko na po iyan, hintayin po natin ang imbestigasyon ng NBI.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Virgil: Will the President visit the soldiers killed as a result of the misencounter?

SEC. ROQUE: If he can, he will. Pero I am not at liberty po to say kung kailan talaga ang bisita ng Presidente sa Jolo, obviously for security reasons.

USEC. IGNACIO: From Francis Wakefield of Daily Tribune: May we know kung kailan matutuloy ang plano ni PRRD o Presidente Duterte bumisita sa mga sundalo sa Mindanao? It was mentioned before na plano niya pong mag-ikot, may schedule na po ba?

SEC. ROQUE: Mayroon po, but I can’t discuss the schedule.

Usec. Rocky—si Pia Gutierrez pala of ABS-CBN.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir. Good afternoon. Sir, preview lang po doon sa mangyayari mamaya. I know wala pa pong desisyon si President Duterte, pero base po sa recommendation ng IATF, we will we be seeing a general relaxation of quarantine protocols in many parts of the country following your pronouncement that the Philippines is actually winning its war against COVID-19?

SEC. ROQUE: Eh siguro po hintayin natin, pero that is not a wrong hypothesis, ganoon na lang po ang sabihin natin.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Okay, sir. Sir, may mga LGUs na po bang nag-appeal ng kanilang bagong classification sa IATF?

SEC. ROQUE: Mayroon po, naresolba po ang mga apela nila kahapon.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So, will it be taken into account, sir, doon sa finalization ng recommendation, sir?

SEC. ROQUE: Of course, it will be po. I remember that some of the appeals are from Cebu province, the province of Bulacan, the province of Cagayan and one more are—I cannot remember the fourth area, pero apat lang po iyong nag-apela kahapon.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Opo, sir, iyong appeals nila is, for a relaxation of quarantine protocols or parang mas higpitan pa iyong kanilang classification?

SEC. ROQUE: Mas marami po gustong mas higpitan. Parang tatlo po iyong mas gustong mas higpitan, isa po iyong downgrading.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, last question na lang kay Secretary Cimatu. Sir, may mga LGU officials pa po ba tayong sasampahan ng administrative cases because of their earlier failure to implement the ECQ o may gagawin po ba tayo to at least make them accountable dahil hinayaan nila iyong sinasabi po ninyong blatant disregard for quarantine protocols in Cebu City?

SEC. CIMATU: So, far itong nangyari doon sa Basak, San Nicolas noong June 27, iyong barangay captain nagbigay ng permit, na magkaroon sila ng parang procession, ito iyong nabigyan ng administrative case and also iyong mga organizers. Ito naman talaga sa ano, alam naman nila na talagang mayroong ECQ, pero despite of that ay ginawa nila. They have to answer what they have done. Ngayon kung may susunod pang gagawa ng mga similar actions na ganoon ay talagang susunod naman silang makasuhan uli.

USEC. IGNACIO: For Secretary Cimatu po. Ang tanong mula kay Rose Novenario ng Hataw: Kasama po ba daw sa misyon ninyo sa Cebu City ang alamin ang umano ay mga anomalya kaugnay sa paggasta sa may isang bilyong pisong pondo para sa kampanya laban sa COVID-19? Sa laki po ng pondong inilaan ng Cebu City, pero tinagurian pa rin ang siyudad na epicenter ng COVID-19. Ginastos po kaya nang wasto ang kanilang budget? Kailangan po ba ng Cebu City ang 240 million pesos na halagang command center para sa anti-COVID-19 initiatives kaysa magtayo ng isolation quarantine facilities?

SEC. CIMATU: Oo… Yes, oo…iyong command center na sinasabi na nandoon sa city hall, ito iyong pinaggamitan ng the whole operation center ng Cebu City, nandiyan na iyan noon pa. Ngayon, pina-upgrade-upgrade lang nila.

So, nakapunta rin ako kahapon for the first time doon para tingnan, doon kami nagkaroon ng komperensiya. So, iyon naman… ang advantage naman doon is right at the center of the city hall ay nandoon ang mga activities and operations na gagawin. Nakita ko rin iyong mga ano doon… karton-karton na mga equipments, mga mattresses na gagamitin yata nila doon.

So, ako muna ay hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon na bulatlatin ang mga ito kasi ang akin namang priority talaga is to bringdown muna iyong ating mga cases at saka deaths, para sa akin ay that can come later eventually kapag natapos na itong crisis na ito.

SEC. ROQUE: Okay, yes. Next question, Melo Acuña.

MELO ACUÑA: Magandang hapon po, Sec. Roque. Ano po kaya ang mga programa ang nakalaan para maka-generate tayo ng employment dahilan sa pagkawala ng trabaho noong lockdown?

SEC. ROQUE: Naku, napakadami naman po nating programa diyan. Magkakaroon po tayo ng marami talagang mga pautang para po makapagsimula ng negosyo ang ating mga mamamayan.

Sa ngayon po, kaniya-kaniyang departamento, mayroon silang lending program for livelihood, mayroon po ang OWWA; mayroon po ang DOLE; mayroon po ang DA; mayroon po ang DTI.

So, ang ating istratehiya po, gagamitin natin ang pondo ng kaban ng bayan para bigyan ng kapital ang ating mga mamamayan. Magkakaroon po tayo ng cash for work; mayroon na po tayong guarantee program; mayroon po tayong salary subsidy for small and medium enterprises at kasama pa rin po iyong ayuda na naibigay na at ilan pang mga ayuda na ibibigay natin at siyempre po—

MELO ACUÑA: Pahabol lamang po—

SEC. ROQUE: — patuloy na implementasyon ng Build Build Build. Hindi po natin ia-abandon iyang programang iyan.

MELO ACUÑA: Opo. Pahabol ko lang po. Iyong atong contact tracers para sa buong bansa at para sa Cebu?

SEC. ROQUE: Well, mayroon po tayong budget for 50,000 contact tracers and siguro po in the next press briefings we will have Sec. Año give us an update kung ano na po iyong plano ng DILG because tracing will be conducted by the DILG. Opo.

MELO ACUÑA: Thank you very much. Salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you, Melo. Back to USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Secretary, mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Sabi po ninyo kahapon hindi nangyari ang prediction ng UP experts na 40,000 COVID-19 cases by end of June pero po ang backlog sa COVID-19 test results ay nasa 10,000 plus pa, kalahati lang dito ang nag-positive. Lampas na po sa 40,000 plus ang kaso. Ano daw po ang reaksyon ninyo dito? Are you still confident to say we are winning the battle versus COVID-19 despite the backlog and why?

SEC. ROQUE: I’ve answered this. Wala pong katotohanan iyong 10,000, 1,000 plus na lang po ang ating backlog which means we did not hit 40,000 or we will not hit 40,000 by end of June which is only a few days which is what two days? One day?

Today is the last day na pala! Ano bang sinasabi ko. Wala na po, panalo na tayo. We beat the UP prediction po. We beat it! So, congratulations, Philippines! Let’s do it again in July.

So, we are winning, Ros and I’ve said ang titingnan natin declining mortality; iyong case doubling rate; at saka siyempre po iyong positivity rate na patuloy pong bumababa.

USEC. IGNACIO: From Arianne Merez ng ABS-CBN Online: Ano daw po ang update on the Anti-Terrorism Bill; has the President reviewed the Anti-Terrorism Bill?

SEC. ROQUE: Wala pa po pero I promise na tatawagan ko po si Deputy Executive Secretary for Legal Affairs, itatanong ko kung mayroon na siyang isinumite for the President after this press briefing.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Arianne: Sen. Imee Marcos said she would have push for face-to-face classes to resume in areas with low COVID-19 cases. Is the President still open to changing his mind on this?

SEC. ROQUE: We appreciate the offer of Sen. Marcos. Baka naman ma-charm si Presidente dahil sa simula’t simula po, ang rekomendasyon po ng IATF is to resume face-to-face in areas na under new normal but let’s wait for the President’s advice. Alam ko naman malakas si Sen. Marcos kay Presidente so, we’ll see po if she can convince the President.

USEC. IGNACIO: Galing pa rin po kay Arianne: Today is the last day of enrolment set by DepEd and there only over fifteen million who enrolled compared to the 27 million last year. What is the Palace’s assessment of the month-long enrolment and DepEd’s readiness for the upcoming school year?

SEC. ROQUE: Well, matumal po talaga ang naging enrolment lalong-lalo na sa mga pribadong eskwelahan. Ang data po at binabasa ko po itong text ni Sec. Leonor Briones – ma’am, thank you very much for sending me this text.

Ang public only na nag-enroll po ay 15,223,315; ang private only ay 672,403. Now, ang ginawa po nila, the first 15 days of June online enrolment pagkatapos po beginning the 16th of June eh nagbigay sila ng mga forms that can be submitted by the parents, iyong mga para sa walang access sa online.

At ang mabuting balita po mga magulang, extended po ang enrolment until July 15. Pero puwede ba ho huwag na nating hintayin ang July 15? Puwede ba hong ngayon pa lang kung pupuwede na, i-enroll na natin ang ating mga anak. Huwag naman pong hayaan na matigil ang proseso ng edukasyon ng ating mga anak bagamat mayroon pong COVID-19.

USEC. IGNACIO: From Tina Mendez of Philippine Star: Is it true that Balik Probinsiya Program will resume on first week of July with 9,000 to 10,000 people being organized to return to their provinces? Pick-up point daw po sa Quirino Grandstand. Are we not concerned that this will worsen the situation in the provinces because government is relying on rapid testing than PCR test as part of the supposed SOPs in COVID-19 testing for this program? Ano daw po ang process dito?

SEC. ROQUE: Hindi po totoo iyan. Ang programa po na mangyayari sa Grandstand ay ang programa ni Sen. Bong Go, ang tawag po ay Hatid Tulong kung saan ihahatid po ang mga LSIs. Inaasahan po natin na mayroong mga 6,000 LSIs ang iuuwi po tanggapan po ni Sen. Bong Go.

Tama po kayo, magkakaroon naman sila ng testing. Bago umalis po ng Manila magkakaroon sila ng rapid testing, pagdating po sa probinsiya magkakaroon po ng PCR testing at mandatory quarantine.

Now, ang tanong po kanina ay parang balewala itong rapid testing, hindi po totoo iyan. For your education, ito po ang pinaka-latest study ng Johns Hopkins, alam ninyo naman po ang Johns Hopkins Medical School, iyan po ang pinaka-prestihiyosong medical school na siguro sa buong mundo.

Iyong itim po ay iyong accuracy ng PCR; iyong pula, iyong accuracy ng rapid testing at saka makikita ninyo iyong green, iyong IgG, iyong antibodies na tinatawag. Makikita ninyo po na bagamat sinasabi nating gold standard ang PCR, epektibo lang siya kapag ang test ay mula 3 days from the onset of the disease until seven days, iyon iyong pinaka-accurate na resulta niya; pero kung titingnan ninyo po iyong IgM ng rapid testing eh between day zero, ibig sabihin maski wala ka pang sintomas hanggang all the way to 35 days.

At kaya nga po sa Amerika nagkaroon din sila ng national project na rapid testing ang ginamit nila, blood test ang ginamit nila at sinasabi nila ngayon na iyong kanilang mga kaso ng COVID-19 ay mas malaki pa compared to what was reported kasi iyong ni-report ay PCR testing lamang.

Pero tama po ang ginagawa ng tanggapan ni Sen. Go, hindi lang po sila umaasa sa rapid testing kasi pagdating po ng probinsiya, ipi-PCR test pa rin po iyan. Pero ang protocol po na sinusunod ng medical bureau ng Project ARK, gagamitan po ang mga komunidad ng rapid test, iyong mga nagpopositibo subject po to verification ng PCR tests.

So, hindi po totoo iyon na palibhasa rapid test lang hindi accurate, iyan po ay Johns Hopkins University.

USEC. IGNACIO: Okay. From Ryan Macasero of Rappler: Para po kay Gen. Cimatu also, as of Thursday, the Cebu City Health Department is reporting 5,141 confirmed cases with 169 deaths in the city while the DOH is reporting 5,915 cases already with 166 deaths. Have you gotten an explanation from them as to why the big discrepancy and which number is the correct one?

SEC. CIMATU: Ginawa ko po iyan na ayusin itong mga differences sa kanilang data. Tatlong data kasi ang nagbibigay rito, iyong Department of Health, iyong city government at saka iyong mga LGUs. Magkakaiba iyong mga figures nila kasi like for example, kung sa local government figures, if you total all the cases sa kanilang barangay, lahat-lahat iyan ay dapat magpakareho naman dito sa figure ng city hall at saka naman sa Department of Health dito—region.

Nag-usap-usap sila, nag-umpisa na sila ng reconciliation two days ago based on my instruction for them and they will be completing that activity para magkaroon lang ng isang figure. So far, iyong ginagamit na figure ngayon ay ang figure ng city hall. Iyon muna ang accepted ngayon for the moment iyong city hall pero i-ano pa rin ito, i-correct para magkaroon ng harmonization of their figures.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Sec. Cimatu.

Sec. Roque, question from Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Ano daw po ang masasabi ninyo ngayong itinanggi ni Dr. Rabindra ng WHO ang nagsabing nangunguna ang Pilipinas sa pagtaas ng COVID-19 positive sa Western Pacific Region taliwas sa naglabasang report sa media?

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. Rabindra. Kung hindi mo binawi iyan, lalabanan kita.

Okay…

USEC. IGNACIO: From Ruel(?) Banat Pilipinas News of Davao media: Reaksyon po ng Palasyo sa ginawang hearing ng Kongreso kung saan nasabon po ang mga opisyal ng DSWD dahil sa mabagal daw na pamamahagi ng SAP especially ang second tranche na hanggang ngayon daw po ay mga waitlisted pa rin ang nabibigyan?

SEC. ROQUE: Eh, ganiyan po talaga ang buhay gobyerno. Talagang may kapangyarihan ang oversight ng Kongreso, respetuhin po natin ang kapangyarihan ng Kongreso na iyan.

USEC. IGNACIO: Follow-up question pa rin ni Ruel(?): In a column of Mr. Mon Tulfo, he said that BSP and DSWD are playing favors na i-award nila ang contract for online money transfer sa GCash, PayMaya at Union Bank. Kung titingnan ay kaunti lang daw po ang outlet compared to Western Union and Lhuillier na mas maraming branches all over the country.

SEC. ROQUE: Naku, wala pa po akong nalalaman tungkol sa bagay na iyan. Hayaan ninyo po, pag-aralan natin. Mahirap pong magkomento kung wala sa atin ang mga facts.

USEC. IGNACIO: Mula po kay Sam Medenilla of Business Mirror: Magkano na po ang nakuhang financial donation ng government for its COVID-19 response? Magkano po ang donation came from foreign donors at ilan din po ang mula sa local donors? Saan daw po gagamitin ng government ang nasabing donasyon?

SEC. ROQUE: Sa susunod na briefing ay kukuhanin ko po iyang datos na iyan.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Sam: Is the government considering the proposal from the private sector to use pooled testing?

SEC. ROQUE: Yes! Sec. Vince Dizon already mentioned in his last press briefing here na gagamitin din nila iyong pooled testing gaya ng ginagawa po ng pribadong sektor?

USEC. IGNACIO: Secretary, last question from Celerina Monte from Manila Shimbun: May plano na po ba o pinag-usapan ang IATF na possibility na mag-operate na ang mga hotels sa regular guests? And how about po sa regular international commercial flights, may plano na rin po bang mag-resume at kung may plano, why and why not?

SEC. ROQUE: Sa MGCQ areas po, 50% pupuwede na silang mag-operate. Ang mga flights, hindi naman po natin itinigil kaya lang kaunti lang ang pinapapasok natin. Ang pupuwede lang pumasok sa Pilipinas ngayon, mga Pilipino, kanilang mga esposo at mga miyembro ng diplomatic corps.

So, kung wala na pong ibang mga katanungan – Sec. Cimatu, maraming, maraming salamat po. Sa Thursday po mayroon tayong press briefing muli, ang alam ko po pupunta ang ilang Kalihim diyan, sana po we can invite all of you again for our Thursday press briefing. Ang pangako ko po bibigyan ko kayo nang mas maraming oras, siguro ten minutes lang iyong aking presentation and the rest of the fifty minutes we will devote to Cebu. Okay ba ho, Sec. Cimatu?

SEC. CIMATU: It’s okay.

SEC. ROQUE: Okay.

SEC. CIMATU: We’ll be expecting you here.
SEC. ROQUE: Okay. And then maraming salamat din po sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps. Maraming salamat po kay USec. Rocky.

Ang ating mensahe po sa aking mga kababayang taga-Sugbu: Sugbu, mag-tinabangay ‘ta; kuyob ta sa pagtindog. Kuhaon nato ang pulitika; huna-hunaon ang kaayuhan sa tanan. Ayaw kalimot suot sa mask, hugas sa kamot, kanang mag-social distancing. [Sugbu, magtulungan tayo; sabay tayo sa pagbangon. Alisin natin ang pulitika; isa-isip natin ang makakabuti sa lahat. Huwag kalimutang magsuot ng mask, maghugas ng kamay, ang mag social distancing.]

Maayong udto Sugbu, maayong udto Pilipinas! [Magandang tanghali Sugbu, magandang tanghali Pilipinas]

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Keep safe and healthy, Philippines.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)