FAILON: [Recording cut] … na kayo with the dolphins ano ho, and talking to some people na hindi daw po naka-face mask. Ano po ba ang nangyari dito po, sir, go ahead
SEC. ROQUE: Well, kahapon po ay kauna-unahang araw ng MGCQ. Ako po ay taal na taga-Bataan, so hindi po ako bumibisita doon, tagaroon po ako. Ako po ay APOR dito sa Metro Manila dahil dito lang ako nagtatrabaho, pero ako po talaga ay taga-Bataan. At marami lang po talagang nakabinbin. Ang problema ko po kasi magta-tatlong buwan na ako since bumalik ako sa gobyerno, pero bawal po talaga na magkaroon ng kahit na anong negosyo. So, I was trying to wrap up po iyong mga negosyo ko noong wala ako sa gobyerno, hindi ko naman magawa noong sarado po ang Bataan ‘no, so inasikaso ko po iyan. Pero matapos po ng aking mga interview, kahapon naman po namo-monitor ninyo sa lahat ng interview, every Wednesday nandiyan ako. At dumaan po ako doon, dahil ang aking pinuntahan po ay Mariveles, ang Subic po talaga ay on the way to Mariveles. Kasi after Subic, nandiyan na po iyong Bagac tapos Mariveles ‘no. So iyon po ang konteksto noon hindi ko naman po gagawin iyon kung ipinagbabawal pa rin. Pero kauna-unahang araw nga po ng MGCQ doon at iyon din iyong dahilan kaya din po ako umuwi, hindi naman po ako umuwi noong GCQ pa.
FAILON: Okay, so kayo po ay nagpunta po sa inyong property in Bataan?
SEC. ROQUE: Opo, tagaroon naman po kami at mula po noong lockdown ay talagang ang dami pong nakabinbin diyan at may mga baboy na kailangan ibenta, iyong mga survey na dapat tapusin. So iyan po ang problema, eh lahat po ng iyan ay nabinbin. At kagaya po ng lahat ay talaga naman pong grabe iyong ating mga lugi lalo na sa agrikultura. So, sinamantala ko na po na finally, nag-MGCQ at ginawa ko po lahat. Ang intention ko talaga, sandali lang talaga ako titigil doon dahil talagang ako naman po talaga ay taong dagat, dahil taga-Bataan nga po.
Kaya nga lang po noong matapos kong lumangoy at tinext ko muna kung pupuwedeng lumangoy, eh sabi nila first day nilang open sila, eh nilapitan po ako noong mga taga-Dolphin Encounter, sabi nila nasubukan na ba ninyo iyan? Sabi ko hindi pa ‘no, pero katotohanan, Manong Ted, nag-iisa po ako doon, ako lang po ang bisita nila doon dahil nga po sandali lang din ‘no. Medyo hapon na po ako nakarating doon dahil tinapos ko muna iyong mga interviews ko bago po umalis.
FAILON: Okay, opo, sige po. Well, mayroon pa po ba kayong gustong klaruhin sa bagay na iyon para lang po natin mai-settle po ito. Kasi ako po naman, nauunawaan ko ang inyong sitwasyon. Kasi kahit na rin po ako ang nasa inyo pong posisyon, gagawin ko rin naman iyon kung mayroon akong mga pending na dapat asikasuhin, personal na mga bagay para sa akin at kabuhayan ko rin po naman ano ho, ay talagang pupuntahan ko po kapag puwede ng puntahan iyong lugar na iyon. At the same time, kung ako ay dumaan po for example dito nga po sa Subic at nakita ko rin po na mayroong atraksiyon doon at wala naman akong nilalabag na batas, eh gagawin ko rin po naman.
SEC. ROQUE: Opo, sa katunayan po binili ko lahat iyong aking ginamit doon kasi wala nga akong plano. Pero the opportunity was there, so ang sabi ko naman kauna-unahang pagkakataon na MGCQ at ako naman po ay mayroon po talaga akong pass, dahil hindi ko pa po talaga nabebenta lahat ng aking mga agriculture undertakings, dapat ibenta nga po. So mayroon po talaga akong pass maski wala pa ako sa gobyerno dahil nga po nagdadala kami ng pagkain.
So, iyon lang po ang ating inaasikaso. So we were …iyong tinatawag pong Authorized Person Outside Of Residence in an MGCQ area. Wala pong nalabag; pero kung mayroon pong mga na-offend, paumanhin po. Hindi po natin intensiyon na tayo po ay mang-offend ng kahit sino. Pero I can assure po na dahil paulit-ulit natin namang sinasabi ang mga rules – we were in compliance, pero paumanhin pa rin po kung hindi po nagustuhan iyong mga larawan.
FAILON: Yes, sir. Well said. Ako rin nga po ay ano ay ingat na ingat sa mga bagay ngayon. Iyon ngang pagbaba-badminton, pinaklaro ko muna kay Luis kung talaga bang pupuwede nang mag-badminton ngayon. Puwede na bang mag-badminton, Sec?
SEC. ROQUE: Ayaw ko na tuloy sumagot.
FAILON: Puwede na ba?
SEC. ROQUE: Nakakatakot magkamali.
FAILON: Puwede na po ba, Sec., mag-badminton?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po non-contact sports ay allowed naman po even sa GCQ ‘no, iyon po ang aking alam. Ang alam ko po ang swimming, even during ECQ dahil non-contact sports at naalala ko na si Secretary Duque sinabi na iyong virus cannot survive sa tubig lalung-lalo na po sa tubig-dagat, ay allowed din po. Iyong golf po na outdoor sports, na non-contact sports allowed din po. Ang ipinagbabawal po iyong contact sports kagaya po ng basketball.
FAILON: Ah, okay basta po doon sa gym, sa badminton court, mayroon din pong … iyon nga 30% pa rin, saka iyong physical distancing at kinakailangan po ng mga protocol, kaya nga ingat na ingat din ako. Puwede ba akong magpunta sa badminton court na … kasi baka pagpunta ko doon, ma-raid iyan, masama ako sa raid.
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo noong nag-usap sa IATF, kinakailangan talagang balansehin na kasi itong sports naman ay kabahagi po ng health promotion at ang panlaban po talaga natin sa COVID, hindi lang iyong minimum hygiene, kung hindi iyong fit/healthy, being fit at kailangan po talaga exercise.
FAILON: Sir, matanong ko lang po kayo: Tapos na po iyong bisa ng Bayanihan to Heal as One Act, and then ngayon po kasi, may problema baga ang DOH doon po, mayroon pa po kasing namatay na health worker ano po, ika-34. Eh tapos na po iyong Bayanihan to Heal as One Act. So ang binabanggit po ng aking mga nababasang balita na mukha pong problema kung saan kukuha ngayon ng pondo at kung dapat pa bang bigyan ng karampatang benepisyo as provided for by the Bayanihan to Heal as One Act iyong mga namatay po na Health worker. And sa ngayon, ano ang sitwasyon ng mga frontliners natin sa usapin po ng benepisyo kung iyong batas po ay nawalan na po ng bisa?
SEC. ROQUE: Well, tama po iyan na iyong P1 million at saka iyong P100,000 na binibigay sa mga namamatay, nagkakasakit ay kabahagi po ng Bayanihan. Pero alam ko po, narinig ko na po ang Presidenteng magsalita tungkol dito noong hindi nga po naibigay sa lalong mabilis na panahon siya po ay talagang nagalit. Hindi pa po niya alam itong kasong ito, kagabi ko rin po nalaman lang na mayroong 34th victim na hindi pa nababayaran. Alam po ninyo ang Presidente, kapag mayroon pong namamatay na sundalo ay siya po talaga ay nagbibigay ng ayuda galing po sa kaniyang pondo sa Office of the President. So huwag po kayong mag-alala kapag napagbigay-alam na po natin sa Presidente at ma-explain na hindi na pupuwede dahil wala ng Bayanihan Act, kukunin na po niya iyan sa pondo ng Office of the President.
FAILON: Okay, sige po. Pero, sir, kung magawan po ng paraan ito kung papaano po mapopondohan at mabigyan po ng benepisyo iyong ating health worker kasi hindi pa po tapos ang pandemya, hindi pa nga tayo nakakapagdeklara ho talaga na na-flatten na po iyong curve as of now, so papaano po, ano po ang magiging sandalan/sandigan po ng mga health workers natin sa usapin po nang hindi sila mangangamba kasi anuman po ang mangyari ngayon, may benepisyo pa rin sila? Papaano po kaya ito, Sec?
SEC. ROQUE: Well, uulitin ko po, in the same way nga po na lahat po ng nagkakasakit at iyong mga injured in combat at mga namamatay ay ang Presidente po ang nagbibigay ng ayuda galing po sa kaniyang pondo bilang isang Presidente, gagawin din po iyan ng Presidente. Iko-confirm ko lang po within the day para magkaroon talaga ng confirmation na huwag pong mag-aalala ang mga health workers, sagot muna po ng Office of the President iyan.
Pero ang mabuting balita naman po, noong huling pag-ulat ni Presidente sa taumbayan, nandoon po si Secretary Dominguez at sinabi rin po niya sa akin na halos nagkasundo na o halos plantsado na iyong Bayanihan II at magpapatawag na nga po ng special session. Dahil talagang importante naman talaga na ma-renew o ma-extend po iyang Bayanihan dahil napakadami pong mga benepisyo, kagaya nitong sa health workers na natigil noong napaso na po itong Bayanihan Act.
FAILON: You mentioned magpapatawag ng special session. Ipo-formalize na po ito ng Executive, sir?
SEC. ROQUE: Opo. Iyan po ang sabi ni Secretary Dominguez. For the first time po kinunpirma niya na magpapatawag ng special session. Palagi ko pong ini-inquire kung magkaka-special session and no one could tell me kasi nga po hindi pa nagkakasundo doon sa probisyon ng stimulus package. Pero for the first time, sinabing may linaw na po at nagpapatawag at ang sabi pa nga si Secretary Dominguez, importante po na magkaroon ng Bayanihan II.
FAILON: Okay, that’s news, na ito po ay napakaimportanteng balita ngayon. At kung inyo pong mararapatin, Sec., hindi po naman sa kami po ay nagsasamantala sa inyong panahon today, matanong ko lang po kayo: Kumusta po iyong pag-aaral ng tanggapan ng Pangulo doon po sa Anti-Terrorism Act of 2020?
SEC. ROQUE: Well, magkakaroon po ako ng answer ngayon. Kasi noong last press briefing ko, talagang nangako ako na kukulitin ko si Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Bryan Acosta kung ano na, kung nandoon na ba sa lamesa mismo ng Presidente iyong legal opinion at iyong batas. Pero by 12 o’clock sa press briefing, malalaman po natin iyan dahil nagbigay-abiso na po ako kay DESLA.
FAILON: Okay, opo. Iyon ho bang July 15 na pananatili supposed to be po ng GCQ status sa Metro Manila ay hanggang—talagang July 15 o may possibility na mapakinggan po ang request ni Finance Secretary Dominguez na gawing MGCQ na para po mas magkaroon na ho tayo ng kalakalan to revive our economy?
SEC. ROQUE: Well, siyempre po datos pa rin ang titingnan ‘no. Pero nagkaroon naman po ng parang kasunduan na talagang nagawa na po natin at ginagawa pa rin po natin ang lahat ng hakbang para mapangalagaan ang kalusugan. Pero dumating na tayo sa punto na kapag hindi pa tayo nagbukas eh talagang baka mamatay na tayo sa gutom ‘no, nandoon na po tayo sa puntong iyon talaga na kinakailangan na talagang buksan ang ekonomiya.
So pupuwede naman pong gawin iyan na hindi po natin sinasakripisyo ang kalusugan dahil unang-una, papaigtingin pa po natin iyong ating testing, tracing at saka treatment ‘no. Kasi basta naman mahanap natin kung sino may sakit, mati-trace natin iyong mga nakahalubilo niya, pupuwede natin siyang i-isolate at gamutin ‘no.
Tapos pangalawa po, instead of iyong mga GCQ/ECQ eh pupuwede naman tayong granular lockdown kasi ganoon din po ang epekto noon, mukhang titingnan natin baka mas epektibo pa nga na iyong mga lugar kung saan iyon lang ang ila-lockdown mo nang hayaan naman nating magbukas ang ekonomiya ‘no. At siyempre, iyong pagbubukas po ng transport sector ‘no dahil kinakailangan na may masasakyan ang tao kung sila ay babalik talaga sa trabaho ‘no.
Ang ipinakita po ni Secretary Dominguez, maski po dito sa MGCQ, dahil nga po hindi pa 100% ang transpo, parang 50% pa lang ng ekonomiya ang bukas under MGCQ. So sa kaniyang suhestiyon eh totally buksan na natin ang transport nang maging at least 78% bukas na ang ekonomiya under MGCQ.
So, tingin ko naman po noong nakita nang lahat ang datos sa IATF at noong siya po ay nag-ulat sa ating Presidente eh na-realize ng lahat na iba na nga po talaga, kinakailangan nang magkaroon ng hanapbuhay ang taumbayan dahil siyempre po kung walang hanapbuhay, wala rin tayong buwis at kung wala tayong buwis, wala rin tayong magagastos para sa COVID-19 response.
FAILON: Opo, sige po. Okay. Kasi nga din po bagama’t may risk iyong pagbubukas talaga ho ng transportation natin ‘no, sabi nga ho ninyo at the end of the day ang magiging desisyon pa rin – pagkatapos ninyo, kung gagawin iyon – iyong magiging datos nang dami pa rin po ng bilang ng COVID-19 cases sa araw-araw ‘no, Sec.?
SEC. ROQUE: Opo, opo. Iyon pa rin po, pero siyempre po titingnan na rin natin talaga kung pupuwede na, dahil mayroon naman tayong, kumbaga sapat na safeguard ‘no dahil dati-dati nga kasi iisa lang ang laboratoryo natin, export test kits, eh ngayon laganap na at ang kailangang gawin na lang natin is talagang mapataas lalo pa iyong actual testing na nangyayari up to 32,000 a day.
FAILON: Okay. Sec., kayo po kasi ay naupo rin po naman sa IATF; ito ho kasi gusto kong i-relay po kay Secretary Mon Lopez eh baka ho hindi ko siya ma-contact this morning. Kung mamarapatin din po ninyo, masabi ko lang po itong damdamin po; dalawa ho lang itong sektor na humihingi po ng pagkakataon na mapakinggan sila ‘no, dinadaan po sa akin.
Iyong mga restaurant owners, ang kanila pong dalangin baka daw po mai-reconsider na hindi lang po 30% ang payagan. Baka naman pupuwede daw po at least 40 or 50 percent kasi po sa kanila hong pagkuwenta ngayon, iyong mga nag-o-operate na, hindi sila maka-break even man lamang at iyong gusto hong magbukas, iyon daw ho ang posibilidad na sila’y magbubukas kung tataasan po iyong percentage ng occupancy sa mga restaurants, sir. Pupuwede ho kaya ito ay mai-feed po ninyo sa IATF?
SEC. ROQUE: Ipararating ko po kasi ang IATF meeting ay mamayang hapon po ‘no. Normally po iyan Mondays/Fridays pero ngayon po nabago, Thursday po ang meeting – mamaya po.
FAILON: Okay, please. One more thing. Sir, iyon pong category 4, bagama’t GCQ na po tayo, iyon pong mga operators ng—iyong mga travel agencies, sila po ay umaaray kasi under po sa GCQ iyong category 4 hindi pa daw ho sila pinapayagang magbukas man lang ng opisina. Iyong mga travel agencies po ngayon, iyong mga malalaki lalo na, ang pending nila na mga refund ay libu-libo. May mga aabot po ng almost 6,000/5,000 refund; ito ho iyong mga cruise ‘di ba, iyong mga—marami hong mga naka-sched kasi na mga travel eh na hindi po nakuha so hindi nila nagamit. Ang dami ho nilang trabaho na pending at iyon pong mga taong nagre-refund sa kanila, galit na rin. So alam ninyo ho iyon sir, baka daw ho pupuwede rin pong mai-reconsider na papasukin na sila sa trabaho sa dami po ng pending nilang mga dapat trabahuhin.
SEC. ROQUE: Okay, ipararating ko rin po ‘no at bagama’t ang aking personal assessment po is naging very, very persuasive po si Secretary Dominguez. So basta [garbled] po natin iyong ating mga safeguard, iyong ating minimum health standards at iyong ating T3, eh baka naman po mapapakinggan po iyan ‘no. Pero isasangguni ko po iyan mamaya sa IATF.
FAILON: Opo. Kasi ako naman po ‘no, ang sa akin naman, makes sense kung mag-oopisina lang naman ‘di ba, kasi sa dami ho ng trabaho na nape-pending, hindi naman ho magbubukas sila ng mga panibagong mga tour packages but ito lang po ‘no, makahabol doon sa dami po ng refund na hinihingi ng kanila pong mga parokyano.
Last po lamang Sec., I hope you don’t mind ha.
SEC. ROQUE: Opo.
FAILON: Nag-react daw po iyong mga UP professors ‘no, na hindi laro-laro ang ginagawa nilang projection sa COVID-19 cases referring po doon sa ating victory statement sir. Go ahead.
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po kalahati ng buhay ko nasa UP, high school pa lang po nasa UP na ako ‘no at labinlimang taon din akong nagturo diyan pero hindi ko sinasabi na ang kalaban ay UP. Pero hinihimok ko po iyong taumbayan na bagama’t mayroon tayong mathematical forecast na ang sabi nila noong isang buwan ay 40,000 eh mayroon naman tayong puwedeng mga sandatang gamitin laban sa COVID-19 – iyon nga pong social distancing, wearing of mask, pananatiling malusog at huwag nating tanggapin na ganiyan pala talaga karami ang magiging kaso.
Gumawa tayo ng mga hakbang para mapabawasan, iyon po iyong konteksto at alam ko po na napakaliit noong diperensiya, 37,000 and 40,000. Pero ako naman po ay kahit papaano eh nagalak pa rin kasi sinabi po natin iyan sa taumbayan na huwag natin tanggapin itong forecast, gumawa tayo ng hakbang para mapababa pa, mga two weeks ago at nagawa naman po natin ‘no. Kaya po ganoon na lang iyong aking kasiyahan dahil maski dalawang libo lang iyang hindi natin inabot ‘no eh kahit papaano eh napapatunayan natin siguro kung conscious tayo talaga kung anong dapat gawin sa COVID-19 ay kakayanin natin.
So iyon po iyong konteksto ng aking sinabi, hindi lang siguro naintindihan noong marami pero iyong nakakakilala sa akin, hinding-hindi ko po iko-consider na kalaban ang UP dahil 25 years po akong nasa UP ‘no. At minsan nga inisip ko dapat hindi na ako umalis ng UP para sa Kongreso ‘no pero tapos na po iyon ‘no. So—pero ewan ko po, ako ay magpapatuloy po na himukin ang taumbayan. Ang susunod pong forecast ay 60 to 70 thousand, kaya po nating gumawa ng hakbang para hindi po tayo umabot ng 60,000 – social distancing, wearing of mask, use of disinfectants, kayanin po natin iyon.
FAILON: Opo. Ako ho naman ‘no sabi ko nga, sorry po na-excite lang [laughs].
SEC. ROQUE: [Laughs] Talaga naman pong na-excite ako kasi po hindi ko akalaing last day na. Alam ninyo po itong trabaho ko, minsan hindi mo na alam kung anong araw, ganiyan ‘no, talagang if you do it on day-to-day basis. Tapos sabi ko last day na pala, uy hindi tayo umabot ng 40,000,so natural po iyong aking naging reaksiyon. Siguro po next time dapat mas maintain ‘no at—
FAILON: Opo. Naku Sec. sorry po, may pahabol pa. Naku talaga naman kapag ho kayo naisalang sa aming programa, ang dami ho talaga.
SEC. ROQUE: Okay lang po.
FAILON: Sir, may balak daw ho bang dalawin ng Pangulo iyong mga namatay po na mga Army soldiers natin?
SEC. ROQUE: Mayroon pong balak si Presidente mag-out of town, may kinalaman din po iyan kung bakit sinamantala ko na kahapon iyong pag-uwi ko ‘no dahil mukhang magtatrabaho po kami ng weekend. Pero hayaan na po natin na hanggang doon na lang.
FAILON: Okay, sige po. So Sec. Harry, thank you for taking our call this morning and thank you for serving the people.
SEC. ROQUE: Salamat din po at magandang umaga po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)