SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Well, simulan po natin ang ating briefing sa pamamagitan ng ating COVID-19 update. Pumalo na po sa mahigit apatnapu’t apat na libo or 44,254 ang kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon. May nadagdag pong 2,434 kasong nai-report kahapon, ito po ang pinakamataas na mga bagong kaso sa COVID-19 na naitala sa loob lamang ng isang araw. Marami po ang kinabahan sa ulat na ito na maging kami ay nalungkot nang una naming narinig ito. Ngunit hindi po tayo dapat panghinaan ng loob, tuloy po ang laban.
Kung titingnan natin ang infographics sa ating mga aktibong kaso ng COVID-19 sa ating bansa – 94.3% po ay mga mild cases, 0.5% lamang ang severe at 0.1% lamang po ang kritikal, 5.1% naman po ang asymptomatic. At dahil 0.1% lang ang kritikal, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling, halos labindalawang libo na po or 11,942 ang report na naka-recover kahapon. Samantalang pito ang nai-report na binawian ng buhay dahil sa virus, ang sumatotal po ay 1,297 – so, bagama’t tumataas po ang kaso ng COVID, nananatiling mababa po ang mga namamatay, nananatiling tumataas po ang gumagaling.
Makikita ninyo po sa susunod na infographic iyong ating tinatawag na graph para sa deaths by date of death at makikita ninyo naman po na talagang patuloy na bumababa ang mga namamatay sa COVID.
Ano naman po ang positivity rate natin? Uulitin ko po, ang positivity rate ay ang porsiyento ng actually na-tested na mga indibiduwal ang nagti-test na positive. Ang benchmark po ay 12%, pero ang ating positivity rate po ngayon ay 7.3%, ibig sabihin pitong tao po sa kada 100 ang positive sa COVID. Well, within the benchmark po ng WHO. Kaya naniniwala po tayo na malalampasan po natin ito.
Pag-usapan naman po natin ang critical care utilization, naku napakadami pong fake news na lumulutang tungkol dito ‘no. Ang critical care utilization po ng Metro Manila – at ito po ay kasama na iyong hospital beds, iyong ICU beds, iyong mechanical ventilator at saka mga isolation beds – ay nasa 63% or ito po ay moderate risk pa lamang. Nililinaw po namin na iyong mga kumakalat na fake news na ubos na raw po ang mga hospital beds ng ating mga hospital, hindi po iyan totoo.
Sa katunayan po, nagpulong po ngayon ang ating Department of Health at ang lahat ng mga medical directors ng mga hospital sa Metro Manila.
Ano po ang lumabas sa meeting na ito? Unang-una, mayroon po tayong mandatory – pursuant to an administrative order – na 30% of all bed capacity dapat po ilaan para sa COVID. Now hindi pa po nabi-breach itong 30% na ito. Bakit po? Kasi marami po, lalung-lalo na iyong mga pribadong ospital, less than 30% ang kanilang ina-allot po dahil doon sa tinatawag nilang absorptive capacity.
Pero lahat naman po sila na nandoon sa pulong na binubuo ng mga hospital administrators, lahat po sila ay sinabi na tama kung sasabihin ko na hindi pa po puno iyong 30% capacity ng lahat ng hospital beds na dedicated sa COVID. Pero itong mga hospital beds pong ito ay bukod pa doon sa tinatawag nating critical care na ang sabi nga kanina ‘no, as of July 5 ay 63% pa lamang po or nasa moderate risk.
So ang napagkasunduan po ay talagang mag-a-allot ng 30% of all hospital beds para sa COVID bagama’t humingi po ang mga pribadong ospital na kung pupuwede payagan muna sila hanggang 20% at saka na po mag-i-increase ‘no. Pinag-uusapan pa po iyan, pero malayo pa po tayo doon sa 30% hospital bed allotted for COVID cases.
Now, kaugnay nito, si Health Undersecretary Leopoldo Bong Vega ang magiging Head ng Hospital One Incident Command – siya na po ang magiging point person sa pag-determine ng critical care utilization and hospital care and capacity. So welcome aboard, Usec. Vega.
ECQ, GCQ, MGCQ… habang walang bakuna o gamot, nandiyan na po ang COVID-19. Gawin natin ang nakasulat sa aking harapan – magsuot ng face mask, maghugas ng kamay, i-practice ang social distancing. Ito po ang paraan para mapabagal natin ang pagkalat ng sakit.
Patuloy naman po ang tulong na binibigay ng pamahalaan sa mga apektado ng COVID-19. Ito po ang ilan sa government interventions natin:
Mula sa huling ulat po ni Secretary Bello na personally itinext sa akin, as of July 5, 2020, ito po ang financial assistance para sa mga na-displace na OFWs dahil sa COVID-19 or ang DOLE AKAP Program. Ang total budget niya po ay 2.5 billion, ang target beneficiaries ay 250,000. Ang approved na application po ay 225,977 at ang payout po ay 189,219. Ang actual amount disbursed po ay 1.935 billion;
Ito naman po ang Hatid Tulong Program na isang joint initiative ng Office of the President, COVID-19 National Task Force, Department of Transportation at siyempre po ang tanggapan po ni Senator Bong Go. Ito po ang isang programa ng pamahalaan para matulungan po ang mga ‘Locally Stranded Individuals’ na makauwi. Now, as of July 2, 2020, natulungan na po natin ang 62,762 na mga Locally Stranded Individuals. Sila po ay sumasailalim sa anti-body test bago umalis at pumasa sa screening at nabigyan po ng travel authority ng PNP.
Pero tulad po ng paalala ni Senator Bong Go, Chair ng Senate Committee on Health, sinunod po ang lahat ng proper health protocols. Bukod pa po sa rapid testing, sila po ay isa-subject to PCR kung mayroon po sa pagdating sa probinsiya o ‘di naman po ay doon sa 14-day quarantine. Now kahapon at noong araw ng Sabado mayroon pong apat na libo na napauwing mga LSIs, mula July 4 to 5. Ito po iyong larawan noong sila ay napauwi.
May naiwan po tayong tanong ‘no, kung saan po napunta iyong grant assistance para sa COVID-19? Ito pong grant assistance, bukod pa po ito doon sa utang okay po? Ito po ang datos mula sa DOF, ito po iyong grant assistance ‘no, hindi po ito pinal, ito po ay ilan sa mga assistance. Ang ADB COVID-19 Emergency Response Project ay inilaan sa healthcare and life reserving activities para sa komunidad na apektado ng COVID-19. Ang ADB Rapid Emergency Supplies Provision ay para sa pangangailangan sa pagkain at emergency supplies, at ang government ng Japan Non-Project Grant Aid for the provision of medical equipment to DOH ay para naman po sa kagamitang medikal ng DOH.
Sang-ayon po sa slide, itong mga program pong ito, ang ADB COVID-19 ay 3 million dollars; ang ADP Rapid Emergency Supplies ay 5 million dollars; ang government ng Japan Non-Project Grant Aid ay 18.3 million dollars at ang total grant assistance po ay 26.36. Okay.
Now, ito naman po ang Project Loan Financing na nakuha natin sa World Bank para sa COVID-19 Emergency Response Project. Ang pondong nakuha natin po dito ay ginamit sa pagbili ng PPEs, medical at lab equipment, gamot at re-agents, enhancing isolation or quarantine facilities at laboratory testing at technical operations support. Ang nakuha po natin para diyan ay 100 million dollars which is in terms of a loan.
Tapos po, sa other matters naman po natin – mabuting balita po, ang Bureau of Treasury ay nag-o-offer po ng Retail Treasury Bonds or RTBs sa publiko mula July 15, Miyerkules po iyan ng susunod na linggo. Dahil ang RTBs po ay government bonds, meaning ito po ay direct obligation ng gobyerno sa investors. Isa po ito sa pinakaligtas na investment na puwede nating paglagyan ng pera. Sa maturity siguradong makukuha ninyo nang buo ang inyong initial investment at siyempre po mayroon namang interest din iyan. Mas mataas po ang interest na makukuha rito kumpara sa kung ilalagay ninyo ang pera ninyo sa ordinary deposits sa mga bangko ngayon.
Kung sakaling magkaroon naman ng emergency at kinakailangan ninyo ng pera, madali pong ibenta ang hawak ninyong RTB. Higit sa lahat, affordable po ang RTBs dahil sa minimum na P5,000 puwede na po kayong mag-invest. So, invest na po tayo sa RTBs. So kung may matitira sa inyong suweldo sa 15th, hinihiyakat po namin kayong mag-invest sa RTBs para sa ating bayan.
Pagdating naman po sa enrollment, ito po ay salamat din kay Secretary Leonor Briones na nag-text sa akin para maanunsiyo po sa inyo. Ayon po kay Secretary Briones, mayroon na po tayong 18,239,528 na nagpa-enroll. Makikita sa infographics ang breakdown ng mga nagpalista sa public school at private school. Sa public school po 17,401,529; sa private schools ay 818,137, ito po ay para sa K to 12.
So, na-extend naman po ang deadline ng enrollment, you have until July 15 to enroll your children. Hindi po dapat matigil ang ating edukasyon. Bagama’t mayroong COVID-19, mayroon naman blended lessons na gagawin.
Okay, dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Ang makakasama po natin ngayon ang Governor ng Bangko Pilipinas, ang ating matalik na kaibigan, Governor Benjamin Diokno para pag-usapan ang mga concerns ng ating mga kababayan na may kinalaman sa mga bangko sa panahon ng pandemya.
Unang-una sa isipan lalung-lalo na iyong mga may mga utang sa bangko at saka sa credit cards. Paano ba bibigyan ng implementasyon ng mga bangko na nasa ilalim po ng supervision ng BSP iyong grace period na ibinigay habang panahon ng ECQ at MGCQ? Pupuwede ba hong pilitin silang magbayad ng buong-buo matapos maging GCQ? Pupuwede bang magpataw ng interest doon sa accumulated na hindi nabayaran noong panahon ng ECQ at MECQ? To answers all these questions, Governor Ben Diokno, the floor is yours.
GOV. DIOKNO: Good afternoon, Harry. And good afternoon, Philippines. This unprecedented crisis is unlike any we have encountered before given the source, the immediate and far reaching consequences on the global economy and the corresponding responses of governments.
Prior to the pandemic, the Philippines has been doing quite well. Over the past decade, economic growth was sustained and strong while inflation was slow and stable. Our economy has been growing at an annual rate of at least 6% since 2012.
Before the pandemic, the Development Budget Coordination Committee projected that the economy will grow by 6.5 to 7.5% for 2020. But with the pandemic, this has been downgraded to a contraction of 2 to 3.4% this year before rebounding to 7.1 to 8.1% in 2020. Unlike other countries, we are in a strong position to face this crisis as we have also greater monetary and fiscal space.
The initial impact of the pandemic is now apparent in the first quarter, GDP numbers worldwide. The economies have either contracted some more severe than others or slowed down significantly and these results are consistent with the latest projection of the IMF, International Monetary Fund that the global economy would contract by 4.9% in 2020, followed by a rebound next year to 5.4%.
Like most economies, the Philippine economy also contracted in the first quarter of 2020 by 0.2%, thus ending 84 consecutive quarters of positive growth.
Without doubt, the downturn in the second quarter of 2020 will be deeper as the extension of the lockdown further dampens domestic demand and lowers production activities and this reflected in the Philippines Manufacturing PMI which fell to a record low of 31.6% in April down from 39.7 in March. It improves slightly in May to 40.1, but it’s still way below the 50-point expansion threshold. The downturn is partly by design and driven by necessity. We wanted to prevent the virus from spreading too fast and thereby overwhelming our healthcare system and so we have to implement containment and mobility restrictions measures to flatten the curve; in other words we prioritized saving lives.
One of the biggest source of stress in emerging markets as the pandemic unfolded was the large capital outflows in March. Fortunately for the Philippines, the low level of government debts below 40% of GDP is well placed to incur larger budget deficits needed to support domestic economic recovery,
Amid the volatility in financial markets, the peso has stood against the US dollar; the peso is among the top performing currencies in the region. Continued investor confidence in the peso can be attributed to the county’s favorable macroeconomic fundamentals relative to its peers.
Meanwhile, the country’s external sector remains manageable with adequate buffers against external headwinds. The Gross International Reserves of the country is estimated at 93.3 billion as of end May 2020, the highest recorded in the Philippine history and by yearend, it will be not less than 95 billion US dollars.
From a public finance perspective the Philippines is in a favorable position. Prior to the pandemic we have a relatively low level of government debt and so we were placed to cope with the prospect of a larger budget deficit that will be needed to support domestic recovery.
Our financial and economic resilience has been recognized and affirmed by several external parties, the most recent of which was Japan’s Credit Rating Agency which upgraded our credit rating from BBB+ to A-. Both S&P and Fitch affirmed their rating of BBB+ and B+ respectively.
[Garbled] relatively strong financial strength based on four matrix namely public debts, foreign debts, cost of borrowing and reserve cover. It rated the Philippines as the sixth best among 66 emerging economies and number one among the Southeast Asian countries.
As policy makers, we want to prevent the initial shock from having a long lasting damage to our economy. While fiscal policy placed the leading roles in overall response against this pandemic in that it can provide a targeted relief of the most vulnerable sectors of the society, monetary policy plays an important role as well.
One of the most likely outcomes as we gradually emerge into the new economy is weak aggregate demand. Until we have a vaccine or a successful treatment to the coronavirus, we will see a significant bulk of consumers holding back on their consumption.
With household consumption and balanced set of firms adversely affected, alongside greater precautionary behavior amid continued uncertainty and fear of contagion, this will further dent consumption and investment and ultimately economic growth.
However, we need to carefully balance the objective of restarting the economy as soon as possible, while at the same time ensuring that minimum health standards remain in place to prevent subsequent waves of infection from occurring.
For its part, the BSP is prepared to use the full range of its monetary instruments and to deploy monetary policy and regulatory relief measures as needed in fulfillment of its price and financial stability objectives.
Thus far, the inflation outlook remains benign from 2020 to 2022. For the next three years, the inflation would be within 2 to 4% target bonds.
We note that while the responses of individual governments around the world have been primarily responsible for addressing the pandemic, we are also aware how this challenging period needs international cooperation. In this regard, we have seen the international communities step up by helping their member and non-member economies cope with the economic impact.
Summing up, the Philippine macroeconomic fundamentals were strong going into the pandemic with higher monetary and fiscal space compared to other countries. The BSP did its part by proactively easing monetary policy in launching several liquidity enhancing measures complementing fiscal response from the national government.
To address weaknesses of aggregate demand and mitigate further economic contraction, there is a need for substantial targeted economic policies with fiscal policy at the frontline and the monetary policy playing a supporting role.
Going forward, the BSP will remain data-driven in crafting monetary policy as it considers the range of tools and policy measures available that may be required to combat the crisis.
The BSP is prepared to use the full range of its monetary instruments and to deploy monetary policy and regulatory relief measures as needed to save lives, jobs and livelihood, consistent with its price and financial stability goals.
Thank you.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Gov.
Siguro, ako na po na ang magtatanong dahil ang dami talagang nagtatanong sa atin. Iyong ano po … iyong pagkatapos po ng grace period para bayaran iyong mga loans at saka iyong mga credit card bills, ano ba po… mayroon ba po silang opportunity na bayaran iyong mga accumulated loans na hindi nabayaran na “gives”? At kung babayaran ang gives, dapat ba hong i-impose-an iyon ng interest, interest on interest or penalties?
GOV. DIOKNO: Ang patakaran diyan, Harry, is that there should be no interest on interest and there should be no penalty. So, halimbawa, mayroon kang dapat binayaran noong Marso – ang kasunduan naman natin ay isu-suspend iyon hanggang nasa quarantine period tayo – kung halimbawa, iyong babayaran mo dapat noong Marso, babayaran mo dapat nang, siguro ngayong June or July. Walang interes iyon but kung ano man iyong interest mo noon, kasama pa rin iyon sa babayaran mo dito ngayon pero hindi puwedeng mag-impose ka ng interest ng late payment o kaya interest because the payment was delayed.
Ngayon, kung nahihirapan ka ring magbayad ng interest, puwede mo namang kausapin iyong mga bangko kasi tinulungan namin ang bangko. Tinulungan ng Bangko Sentral ang mga bangko through some relief measures para tulungan rin nila iyong kanilang mga kliyente, either individuals or mga korporasyon.
SEC. ROQUE: Okay, Iyong babayaran po nila, puwede ba hong “gives” na bayaran? At habang nagbabayad sila ng gives, mayroon ba hong interest and penalty iyon?
GOV. DIOKNO: Nasa pag-uusap po iyan ng bangko at saka ng kliyente nila. Siguro naman dahil sa kundisyon natin ngayon eh magtutulungan naman siyempre dapat iyong mga bangko at saka iyong mga kliyente nila.
SEC. ROQUE: Iyong mga credit cards ba ho nasa hurisdiksyon ng Central Bank na kapag nagkaroon ng public clamor na huwag naman sanang bigyan ng interest iyong mga gives, puwede ba hong makatulong ang Central Bank?
GOV. DIOKNO: Kasama iyan doon sa Bayanihan Act, Harry. Lahat iyan, salary loan, personal loan, housing, motor vehicle loans, credit card payments, so kasama lahat iyan. Kung mayroon kayong complaints, puwede po kayong tumawag sa Bangko Sentral, matutulungan po namin kayo.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Governor. Simulan na po natin ang ating open forum, kasama po natin ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps. Si Joyce Balancio po of DZMM.
Thank you, Governor.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon po, Secretary. Doon lang po sa recorded cases natin ng COVID-19 recently na umabot nga po ng 2,434 nitong weekend. Sabi po ng DOH in its statement, the said rise in numbers may be attributed to the increased contact among the population as a result of relaxation of quarantine measures. Tama po ba, Secretary, na nagluwag pa tayo ng quarantine protocols in most areas of the Philippines and can we still say na we are winning against COVID-19 when we see increase in numbers in the past days?
SEC. ROQUE: Well, tingin ko po wala naman tayong alternatibo kung hindi magbukas po talaga ng ekonomiya. Naipakita po natin kung ano na naging impact ng ating COVID-19 kung hindi pa po natin mabubuksan eh baka mamaya buhay nga tayo mamamatay naman tayo dahil wala tayong hanapbuhay.
So, ang tinitingnan po natin ngayon iyong balanse. Ano po ang ibig sabihin natin ngayon diyan? Habang tumataas ang numero tingnan po natin ang mga datos. Ang mabuting balita po, kung matatawag ninyong mabuti iyan ay karamihan po ay asymptomatic o hindi naman kaya mild iyong mga kaso ng nagkakasakit at ang severe at ang critical ay 0.5% at 0.1 o 0.6 lamang.
So, ibig sabihin po, pagdating doon sa critical care capacity natin, mayroon naman po tayong kakayahan na magbigay ng lunas doon sa mga magkakasakit ng severe or critical. At titingnan din po natin iyong positivity rate na sinabi ko kanina, seven out of one hundred po ang nagiging positive.
So, habang wala pong bakuna, habang wala pong gamot ay talagang patuloy pong tataas ang kaso ng COVID-19 pero ang ginagawa po ng Pilipinas at ng buong mundo at napanood ko nga po over the weekend itong si… iyong pinuno ng United Kingdom, parang parehong-pareho po kami ng sinasabi na istratehiya – kinakailangan nang buksan ang ekonomiya pero patuloy pa rin po ang pag-iingat.
Napatunayan na po na sa pamamagitan nitong tatlong bagay na ito: social distancing; pagsusuot ng mask; at pananatiling malusog, mapapabagal natin ang pagkalat ng sakit. Sasamahan pa po natin ng…iyong pinaigting nating T3 strategy at saka siyempre po, mayroon pa rin tayong mga localized or granular lockdowns. Wala na tayong alternatibo, Joyce, dahil talagang sagad na rin po ang ating ekonomiya, kinakailangan na tayong maghanapbuhay lahat.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. So, iyong reversal back to stricter quarantine hindi na po ito option para po mapigilan na dumami pa iyong COVID cases in the next days, po?
SEC. ROQUE: Hindi ko naman sinasabi iyan ano, dahil kapag lumala talaga at mawalan tayo ng critical care capacity o hindi kaya iyong kaniyang case doubling rate ay bumalik uli sa dati na napakabilis, wala po tayong alternatibo pero iyon nga po ang ating pinapakiusap sa ating kababayan.
Kapag tayo po ay bumalik sa mas istriktong quarantine, baka wala na po tayong hanapbuhay na pupuwedeng gawin, so kinakailangan ngayon pa lang po gamitin na natin ang mga sandata na alam nating epektibo sa pagpapabagal po ng sakit.
SEC. ROQUE: At si Dr. Fauci naman po, kung napanood ninyo ang kaniyang interview, sabi ni Dr. Fauci inaasahan naman niya na magkakabakuna either at the end of this year at the beginning of 2021. Sana nga po ano at sana mas mapabilis pa pero meanwhile, pabagalin po natin ang sakit; buksan natin ang ekonomiya; mag-ingat po tayo; gamitin natin ang localized lockdowns at siyempre po, iyong testing natin papaigtingin pa natin at saka iyong ating tracing and isolation and treatment.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Sir, sa MRT po may 186 personnel that have tested positive for the virus, most of them are depot workers pero mayroon din pong na nakaistasyon, mga personnel nandoon mismo sa MRT stations and some drivers. Should the DOTr consider temporarily suspending the operations of MRT and, you know, reassess the protocols being implemented there? Kasi po, marami pa rin po, hundreds of passengers are still using MRT as mode of public transportation and they are risk to their health safety.
SEC. ROQUE: Sa huling pagkadinig ko po kay Secretary Tugade, from zero na gumagamit ng MRT noong tayo po ay nagsarado sa ECQ, we’re now servicing, more or less about 63,000 passengers daily. At habang nga po tayo ay nagbubukas ng ekonomiya, bagama’t hindi pa tayo tuluyang bukas dahil nasa GCQ pa rin tayo ay kinakailangan talaga nating palawigin pa iyong ating public transportation dahil hindi naman makakarating sa trabaho iyong mga magtatrabaho.
Pero pagdating po dito, naintindihan ko na iyong mga nagkasakit sa depot, nasa depot naman po sila ‘no; hindi sila nakikihalubilo sa mga pasahero. So nagkaroon din po ng konting decrease ng serbisyo pero dahil kinakailangan din po nilang mag-repair at mag-upgrade ng kanilang facilities, hindi lang po dahil sa COVID-19. So nagkataon lang po na ngayon mas kaunti pa rin po ang pasahero ngayon dahil mayroon po silang mga konting inaayos ‘no. Pero sa tingin ko po, kung ang mga nagkasakit naman ay hindi nakakahalubilo sa mga pasahero, it’s a matter of disinfecting the MRTs. At kung maayos na po iyong mga sigalot na kaunti sa technical operations, pupuwede naman pong bumalik iyan sa 50% capacity.
Thank you, Joyce. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Question from Francis Wakefield of Daily Tribune: Kumusta na po si Presidente Duterte? During his speech in Zamboanga City last Friday night, marami pong nakapansin na mukhang matamlay siya at mabagal po ang kaniyang pananalita. Is it something to do with his health o napagod lang siya sa biyahe because he directly came from Manila?
SEC. ROQUE: [OFF MIC] …sa kalusugan. Matamlay po talaga siya dahil talagang kusang malungkot. Doon ko lang po nakita na talagang napakalungkot ng ating Presidente. Para siyang ama na namatayan ng mga anak dahil nag-away-away. Talagang emotional po siya. At some point, nagka-crack po iyong kaniyang voice at doon ko lang po nakita na talagang he took it very personal itong nangyari po sa Jolo, at kaya nga po nangako rin siya na bibigyan po ng katarungan. Iyan po ang kaniyang hiling sa lahat po na involved, sa ating kasundaluhan, sa ating mga kapulisan, hayaan muna nating mag-imbestiga ang NBI dahil siya ho mismo ang naging parang pinakaapektado bukod pa po sa mga pamilya nang namatayan. So that’s not health-related; it’s more of an emotional issue.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Francis: Reaction lang po sa pagtanggi ni Justice Secretary Guevarra sa pag-nominate sa kaniya sa Supreme Court para mapakag-concentrate siya sa work niya sa Department of Justice given the ongoing pandemic. Personal decision po ba ito or hinikayat din siya ng Palasyo to stay?
SEC. ROQUE: Ang alam ko po personal na desisyon ito. Ang huling narinig ko po kay Presidente ay kinakailangan lang naman magdesisyon si Secretary Meynard Guevarra, at nagdesisyon na po si Secretary Guevarra.
USEC. IGNACIO: From Reina Tolentino of Manila Times: Is the Palace confident that the Anti-Terrorism Act of 2020 will stand scrutiny at the Supreme Court?
SEC. ROQUE: Siguro hindi po dapat tayong mag-unahan—pangunahan ang Supreme Court. Nasa korte na po iyan, hayaan natin ang proseso. Bagama’t ang sasabihin ko lang po, ang Korte Suprema naman po, hindi pupuwedeng humingi ng advisory opinion; kinakailangan mayroon po talagang mga tao na na-violate, nalabag ang kanilang mga karapatan, pero hanggang doon na lang po tayo ‘no.
Thank you very much, Usec. Si Trish Terada please of CNN.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, Secretary. Good afternoon po. Sir, iyong surge of cases natin nitong past few days sa COVID-19, ano po iyong nakikita nating problema and paano po kaya mag-a-adjust iyong IATF in terms of the guidelines and measures? Is it possible for the IATF to consider putting us back to stricter measures?
And, sir, sorry, dagdag ko na rin po ‘no kasi mayroon pong study and reports na lumalabas na iyong mga scientists are urging the WHO to reverse its earlier pronouncement that COVID is not airborne. Sinasabi po nila ngayon na possibly airborne ito. Ito naman po, paano po ito makakaapekto sa magiging protocols and guidelines din po ng IATF?
SEC. ROQUE: Malinaw pa naman po ang ating decision-making process sa IATF – case doubling rate and critical care capacity. So bagama’t lumalakas po ang numero, the critical care naman po has been expanded. Kaya nga po tayo nag-quarantine para paghandaan kaya po mayroon lang … hindi lang tayo mayroon mga ordinaryong hospital beds at ICU, mayroon din po tayong mga We Heal as One Centers ‘no at pinarami na po natin iyan at pinararami pa natin sa buong bansa para nga po magbigay-lunas doon sa mga magkakasakit.
So I think wala pong mababago sa decision-making process dahil mayroon naman tayong fixed criteria.
Doon po sa recommendation sa WHO, antayin na lang po natin ang recommendation ng WHO bagama’t tayo naman po dito sa Pilipinas, palagi nating sinasabi, kinakailangang magsuot po ng facemasks.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, in case po patuloy na tumaas iyong number ng cases po natin, can we afford another ECQ po, another implementation of stricter protocol? And sabay ko na rin, sir, iyong tanong ‘no: Kailan po kaya tayo ulit makakausap ni Presidente? Will he have a public address tonight or tomorrow po?
SEC. ROQUE: On the first question, well, depende po iyan sa datos ‘no pagdating po ng a-kinse. Kung talagang bumaba po ang critical care capacity, na hindi naman po nangyayari, we are still at moderate risk, as I said earlier. At kung mapabilis po iyong doubling rate ay may possibility po.
Pero ang sabi nga po ng economic managers, and they have gone public, we cannot afford another complete lockdown. Kaya nga po panawagan natin, labanan po natin ang COVID-19 sa pamamagitan ng nakikita ninyo sa entablado po natin ngayon.
Now, kailan po ang susunod na mensahe ng ating Presidente: Bukas po, galing sa siyudad ng Davao.
Yes, thank you, Trish.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, last question po.
SEC. ROQUE: Last question, okay. Sige, go ahead.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Opo. Three weeks, sir, exactly three weeks before po ng SONA, kumusta po iyong preparations natin? And may final guidelines na po ba kung paano po iyong magiging nature ng SONA natin?
SEC. ROQUE: Dalawa nga lang po ang pinag-uusapan ‘no: Pupuwedeng pumunta physically si Presidente na mayroon lang around 50 members of Congress, both from the House and the Senate; or pupuwedeng live telecast na lang siya pero reduced capacity rin ‘no dahil even under MGCQ, it will have to be 50% of capacity of Congress.
Thank you, Trish. Back to Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: From Kris Jose of Remate/Remate Online: Follow up po sa Anti-Terrorism Act. Sinabi po ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na inaasahan na niya ang desisyon ni Pangulong Duterte sa Anti-Terrorism Act of 2020. Pero binigyan-diin po ng Senador, hindi pa tapos ang laban; kukwestiyunin daw ito sa Korte Suprema at tinawag pa rin ng Senador bilang umano’y basura at pilit na isinusubo umano sa taumbayan. Ipinakita raw ng administrasyon ang brand of leadership nito gamit ang draconian at authoritarian measures. Ano po ang masasabi ninyo dito?
SEC. ROQUE: Ang Anti-Terror Bill po ay isang produkto ng Kongreso, kabahagi po ang Senado. So hindi ko po maintindihan bakit maaanghang ang salita ni Senator Francis Pangilinan samantalang kasama po niya sa Senado ang mga nagsulong nitong batas na ito, kasama na po diyan ang sarili niyang Senate President Tito Sotto at saka Senator Ping Lacson. Hayaan na po natin ang proseso na umusad sa ating Korte Suprema bagama’t puwede rin pong sabihin na nirerespeto po, paulit-ulit ng Korte Suprema ang produkto ng mga halal na mga mambabatas and ang general rule po, is that every law passed by Congress enjoys the very heavy presumption of constitutionality.
USEC. IGNACIO: Question po mula kay Rose Novenario ng Hataw: Ano po ang reaksiyon ninyo sa statement ni BARMM Parliament Member Zia Alonto Adiong na dapat may kinatawan ang BARMM sa ATC para maipaliwanag ang konteksto ng terorismo on the ground?
SEC. ROQUE: Well, hindi po sila makakasama sa—iyong ATC mismo, iyong Terror Council mismo pero kasama po sila doon sa mga ahensiya, nakalagay po ito sa batas na makikipag-ugnayan po pagdating sa implementasyon ng batas. So, nasa probisyon po iyan ng batas, hindi nga lang po full membership into the Anti-Terrorism Council but they are one of the agencies that the Anti-Terrorism Council is duty bound to consult po. So mayroon pong proseso para madinig ang BARMM na nakasaad po sa batas mismo.
USEC. IGNACIO: Follow up pa po ni Rose Novenario: Sabi pa ni Alonto, hindi kinonsulta ang BARMM nang binabalangkas pa lamang ang Anti-Terror Bill. Bakit po kaya hindi sila nabigyan ng boses sa batas gayong sila ang pangunahing biktima ng terorismo sa Pilipinas?
SEC. ROQUE: Well, kagaya po ng sinabi ko doon sa Tawi-Tawi noong nagpunta po ako roon para i-welcome iyong mga napauwi galing sa Sabah ‘no, alam ninyo po ang Presidente, hindi po iyan papayag na magkakaroon ng class legislation laban sa mga Muslim. Bakit po? May dugong Muslim din po ang ating Presidente, ang lola po niya Tausug. So ina-assure po natin ang ating mga kapatid na mga Muslim eh kasama ninyo po sa inyong hanay ang ating Presidente, hinding-hindi po niya i-implementa ang batas laban sa sarili niyang angkan.
Ang batas po ay laban po sa terorismo at nakita ko po kung anong resulta kapag magkaroon po ng katahimikan, kapayapaan – nagkakaroon po ng pag-unlad sa mga lugar gaya ng Tawi-Tawi na pinakatahimik po sa buong BARMM. Ninanais po natin sa pamamagitan ng batas na ito na ang buong BARMM maging kasing-tahimik at progresibo po ng Tawi-Tawi.
Joseph Morong of GMA. Thank you, Usec.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, good afternoon po. Sir, question ko muna doon sa surge of cases natin. Would you have a profile of the new cases? I know that it’s coming from NCR and Region VII, but in terms of ‘who these people are’, kasi baka iyong mga tao natatakot na sila iyong mga—are they the commuters, are they iyong mga tao sa palengke… iyong profile po ng mga new infections natin?
SEC. ROQUE: I don’t have that right now but I will ask the DOH po.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, can I go to the Anti-Terror Act? Sir, sa Section 9, ang sabi doon, iyon iyong inciting to sedition ‘no. Ang sabi, any person who without taking any direct part in the commission of terrorism shall incite others to the execution of any of the acts prohibited hereby by means of speeches, proclamations, writings, emblems, banners tending to the same end shall suffer the penalty of imprisonment of 12 years. Question ko, sir, is: Iyong inciting to terrorism, can you illustrate what kinds of speeches, what kinds of proclamations, what kinds of writings ay puwedeng pumasok doon sa inciting to terrorism?
SEC. ROQUE: Kapag sinabi po ng leader ng Abu Sayyaf, pugutan ng ulo ang mga Kristiyano, iyan po ay ehemplo ng inciting to terrorism. Ibig sabihin po kasi, kinakailangan i-apply mo rin iyong jurisprudence ng ating bayan pagdating sa free speech. Hindi naman po lahat ng salita ay actionable, kinakailangan ang nagsasalita ay may kapangyarihan na bigyan ng riyalidad iyong kaniyang sinasabi ‘no.
So kung ganiyang salita po ay sasabihin ng isang wala namang involvement sa kahit anong teroristang group, eh wala pong clear and present danger na dapat sugpuin ng ating gobyerno. So the law is written in the context of our existing jurisprudence saying that free speech can only be curtailed if there is a clear and present danger and although the law provides for penalties for speech that tend to incite towards the acts of terrorism, it is subject to the clear and present danger rule.
At iyan naman po ang naging dahilan kung bakit iyong ilang mga kaso ngayon sa internet ‘no, na nagpapataw ng parusa kung papatayin ang Presidente ay na-dismiss po kasi wala pong clear and present danger dahil depende rin po iyon sa kakayahan ng nagsasalita na mapatupad iyong kaniyang mga sinasabi.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, if I have to be forthright about it, right now ang sinabi ni Secretary Esperon ng NSA is that they are in the process of drawing up the list. Ngayon ang sinasabi, iyon bang mga left-leaning groups puwedeng sumabat dito? And then related question is—[SIGNAL CUT]
SEC. ROQUE: Nawala ka ‘no, but I will answer your question on left-leaning groups ‘no. Unang-una, ang unang isasali po nila sa listahan at nabasa ko naman po ito at narinig ko rin ‘no, na iyong mga listahan ng mga teroristang grupo na kina-classify na as terrorist by the United Nations itself.
Ang reklamo nga po ni Senator Lacson, isa sa mga nagsulong ng batas eh kinokontra ng UN iyong sinasabi mismo ng UN. Ang UN po mismo ay mayroon nang listahan ng mga terorista, so totoo po ang problema ng terorista na pinapatupad din ang mga hakbang laban sa kanila ng UN mismo. So ang unang-una nilang isasama, iyong mga grupo na classified as terrorist na ng United Nations mismo.
Now, can the left leaning groups be classified? Well depende po iyan sa ebidensiya ‘no. Kinakailangan mapakita na sila po ay kabahagi/kaalyado ng isang grupo na na-classify na po as terrorist groups.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, baka hindi ninyo narinig iyong question – is criticism now a crime?
SEC. ROQUE: No, it is not. It’s expressly provided in the law that it is not. Thank you, Joseph. Usec. Rocky again.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Arianne Merez ng ABS-CBN, for BSP Governor Diokno. Ito po ang tanong niya, Governor Diokno: Trade Secretary Lopez earlier said that the government is working to boost consumer confidence again. What are some of the measures being considered by the BSP to boost consumer consumption?
GOV. DIOKNO: Well unang-una iyong pagbaba namin ng interest rate ano. We have actually cut the interest rate by 175% or 175 basis points ‘no. Ngayon ang interest rate noong policy rate natin ngayon is 2.25. So if you are a consumer at mayroon kang—halimbawa mayroon kang project to home, improvement project, gawin mo na ngayon kasi napakababa ng interest. This is the lowest interest rate I can remember in history ‘no, sa Pilipinas.
So iniengganyo natin iyong mga consumers na gawin na nila ang kanilang mga pangangailangan. If you are an investor or businessman ka, may naisip kang… may idea ka na isang business na gusto mong i-fund ngayon, punta ka sa bangko, tapos manghiram ka ng pera.
So we want to encourage consumption, we want to encourage production, we want to encourage investment. Kasi kailangan na natin na i-open up iyong economy. Kasi for as long as we are afraid to consume, to buy, we are afraid to invest, we are afraid to produce, walang mangyayari sa ekonomiya natin.
USEC. IGNACIO: Opo, ang second question po ni Arianne ng ABS-CBN: Can we get daw po your inflation outlook for the second quarter?
GOV. DIOKNO: Well, ang inflation outlook namin, we expect inflation to be benign. Meaning, it’s within our target which is 2 to 4% for the next three years ha, ganoon kaganda ang inflation outlook natin. Remember noong 2018, napakataas ng presyo noon; ngayon napababa na natin. In fact, for this year, we expect inflation to average about 2.3% for the whole year and for next year about 2.6%, that’s within the target of 2 to 4%, in fact, lower to … to the lower number rather than to the higher number.
USEC. IGNACIO: Huling question po ni Arianne: What is the latest update on the Wirecard investigation?
GOV. DIOKNO: Well, unang-una gusto kong sabihin na iyong nawawalang 1.9 billions Euros of the German firm Wirecard, hindi iyon pumasok sa Pilipinas. It didn’t enter the Philippine financial system. So, the international financial scandal used the names of our two biggest banks, BDO and BPI, in an attempt to cover the perpetrators track. But iyong both banks – BDO at BPI – nagsabi na wala silang kinalaman, hindi nila kliyente itong Wirecard and they don’t have business with the Wirecard. So ngayon inimbestigahan ito ng NBI, iniimbestigahan ito ng Anti Money Laundering Secretariat, and let’s leave it at that because I can’t say anything more than that ‘no.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Usec. Melo Acuña, please? Happy anniversary, Melo Acuña, sa Tapatan mo.
MELO ACUÑA: Thank you very much. Thank you, Secretary. Ano po ang tingin ng pamahalaan sa industriya ng taxi sapagkat mayroon pong mga operator na kung maningil sa kanilang taxi driver ay ang boundary ay 24 oras pa samantalang hindi na nakakapamasada ang mga ito ng 24 oras? Hindi po kaya mayroong injustice sa pagtrato ng operator sa taxi drivers?
SEC. ROQUE: Ang masasabi ko lang po mayroon tayong hinahain na subsidy program para sa ating public transportation para maka-recover po sila doon sa limitasyon pagdating sa mga pasahero. Antay-antayin lang po natin dahil babalangkasin na po iyan sa lalong mabilis na panahon ng ating Kongreso, itong tinatawag nating Bayanihan II Package.
MELO ACUÑA: Salamat po, Secretary. Para kay Governor Ben Diokno po. Magandang araw po. Ang tanong ko po ay kumusta na po ang rural banks natin? Mayroon na po bang mga rural banks na nagsara sapagkat hindi nakakolekta sa kanilang mga sinisingil na magsasaka?
GOV. DIOKNO: Wala pa naman po kaming nakikita na nagsasarang bangko as a result of this pandemic although nabawasan na po ng marami iyong mga rural banks. Dahil alam ninyo kung sa panahon natin ngayon talagang mahirap iyong magkaroon ka ng rural bank kasi itong mga big banks ay pumapasok na sa mga malilit na mga towns so nagko-compete sila sa mga Rural Banks.
Sa kasalukuyan wala po kaming nakikita pa nagsara na mga bangko as a result of pandemic. In fact, maganda po iyong kanilang tinatawag na capital adequacy ratio, iyong non-performing loan at the moment.
MELO ACUÑA: Governor, pahabol lang po. Sa pag-uwi po ng halos 60,000 OFWs, ano po ang impact nito sa foreign remittances na binabantayan natin sa Bangko Sentral ng Pilipinas?
GOV. DIOKNO: May epekto po ito definitely dahil global po ito. For example, marami tayong mga kababayan na sumasakay sila doon… nagsisilbi sila doon sa cruise ships, eh maraming babalik dito.
Because trade is much lower now than before, so iyon iyong mga sumasakay din sa mga barko na nagdadala ng mga goods maapektuhan din po iyan. So, binago na po namin iyong dating 2% growth na sinasabi namin noon. So baka bumaba po ng 5% iyong remittance, so iyong dati natin na 38 billion, eh baka maging 28.5 billion na lang po ang dadating.
Pero inaasahan po natin na iyon naman po ay ma-o-offset ng pagiging mas dynamic itong tinatawag namin na BPO industry. Kasi alam ninyo maraming transaction ngayon eh using mga digital, mga technology na ganyan, eh in demand po naman iyon.
At saka hindi po tayo dapat ma-bother na maliit ngayon taon na ito kasi sa tingin po namin ay temporary lang po itong nangyari sa atin at ang maganda po dito, on the bright side makikita naman po ninyo kung gaano (garbled) iyong mga kababayan natin, iyong mga nasa health industry, mga nurses, mga doctors working abroad ay talaga po namang namamayagpag po sila ngayon. They are being admired, too.
So siguro nga po looking forward dapat siguro mag-export pa tayo ng madaming nurses, mga doctor, maraming computer specialist in the future. Napakaganda po ng advantage, malaki po ang advantage natin dahil mga bata natin, ang average age po natin 24 eh, iyong medial age, kung ite-train po natin sila na maging best tayo sa pag-aaral nila sa nursing, medicines, computer science ganoon malaki po ang magiging balik po nito kapag nag-normalize po.
USEC. IGNACIO: From Celerina Monte of Manila Shimbun: Bangsamoro Chief Minister Al-Hajj Murad Ebrahim wants Bangsamoro to have representation in the Anti-Terrorism Council. Will the government consider the call of Mr. Ebrahim?
SEC. ROQUE: Nasabi ko na po iyan. Bagama’t it’s not in the law, they are one of the agencies na dapat kinukonsulta po ng Anti-Terror Council.
USEC IGNACIO: Mula pa rin kay Celerina: According to Vice President Leni Robredo, the safeguards in the Anti-Terrorism Law are not enough to prevent abuses. Any comment?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, iyang pagpasa ng batas, hindi po iyan nakakaapekto doon sa mga remedyo na mayroon na tayo. Kung mali po talaga iyong pre-detention na tinatawag natin, puwede naman po tayong maghain ng writ of habeas corpus, patuloy pa rin po iyan, hindi po iyan sinususpinde ng batas.
At mayroon pa po tayong mga additional na mga remedy ano, kung feeling ninyo ay kayo ay pag-iinitan nang walang dahilan, mayroon po tayong writ of amparo – to protect the right to life and liberty.
So, sapat-sapat po ang remedyo, nandiyan na po iyan bagamat may bagong batas, lahat po iyang mga writs na ginawa po ng ating Korte Suprema at nasa ating Saligang Batas ay patuloy pa rin pong magagamit.
USEC. IGNACIO: Iyong third question po niya, natanong na ni Francis Wakefield. Ito na lang po ang tanong ni Virgil Lopez of GMA News Online: May we get Palace reaction to National Security Adviser Hermogenes Esperon’s statement yesterday that those who think Anti-Terror Law threatens human rights probably support terrorists?
SEC. ROQUE: Siguro, I will phrase it differently. Terrorists, beware of the Anti-Terror Law, pero iyong mga hindi naman po mga terorista, huwag po kayong mag-alala, sapat-sapat po ang mga safeguards sa batas mismo at sa ating umiiral na rules of court para pangalagaan po ang karapatan ng kalayaan at karapatang mabuhay.
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Good afternoon, Secretary
SEC. ROQUE: Yes.
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Secretary, alam natin tumataas, may kaso pa rin na—under ECQ pa rin ang Cebu dahil doon sa mataas na kaso natin ng COVID cases ano. May grupo po ng mga nurses sa Cebu ang nananawagan sa gobyerno po. Ang apela po nila ay tutukan po sila ngayon dahil kulang po sila sa tao; overburden po sila sa sobrang dami ng kanilang mga pasyente; burnout na po sila; nagkukulang sila ng mga PPE. Paano po natin tutugunan iyong kahilingan ng mga nurses sa Cebu po?
SEC. ROQUE: Sa kakulangan po sa parehong pribado at pampublikong hospital, nagha-hire na po ang DOH. They have resorted to emergency hiring para po maibsan iyong kakulangan. Pagdating po sa PPE, ventilators, kung anong kinakailangan nila, first priority po ngayon ang Cebu.
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Hinihiling din po nila, Secretary, na mapataas iyong kanilang suweldo at ma-regularize iyong marami sa kanila na contractual pa rin hanggang ngayon at lalo na ngayon na kinakaharap nila iyong mga pasyente na may mga COVID cases nga po. Posible po bang ma-konsidera na sila po ay maging regular po sa kanilang trabaho?
SEC. ROQUE: Ang alam ko po, ang gobyerno ng lokal ng Cebu ay nagbibigay na po ng subsidy sa lahat po ng mga health workers dahil nga po sa tindi ng problema diyan sa Cebu.
At pagdating naman po sa contact tracers, well, kasama rin po iyan sa second Bayanihan Act. Magbibigay pa tayo ng mas malaking pondo at mas marami pang contact tracers. Kaunting pasensiya lang po.
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Okay. Sir, si Sec. Bello po, sinabi po niya nasa 3,000 businesses na po ang nag-notify sa DOLE na temporarily magsasara po sila at around 200 companies na po ang nagsasabi na permanently magshu-shutdown na po sila. Noong April po, sir, around 7.3 million na po ng mga kababayan natin ang wala ng trabaho, so, paano po natin inihahanda o paano po naghahanda ang gobyerno sa posibilidad na mas lalo pa pong tumaas ang bilang po ng mawawalan po ng trabaho dahil po dito sa pandemic?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, kaya nga po kinakailangan buksan ang ekonomiya at kaya nga po nabubuo ang desisyon ay himukin ang ating mga kababayan, gamitin ang sandata laban sa COVID-19; paigtingin pa ang ating T3 capability dahil habang naman mataas ang ating testing, maa-isolate naman iyong mga nagkasakit para hindi na lalong kumalat ang sakit at magre-resort pa rin tayo to localized lockdowns.
Ibig sabihin talaga, dumating na tayo sa punto na taumbayan na po ang magdedesisyon, hindi na po ang gobyerno, kung anong mangyayari sa ating mga sariling buhay at lipunan. Nasa kamay na po natin ang pagkalat kung gaano kabilis ito. Kinakailangan tanggapin na po ng indibidwal, mga komunidad ang responsibilidad at hindi lang po ang national government.
Thank you very much—
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Sir, pa-follow-up lang po ako regarding doon sa MRT?
SEC. ROQUE: Yes, nasagot ko na po iyong MRT.
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Yes, sir. May idagdag lang po ako doon sa tanong ni Joyce kanina. Kasi sabi ninyo kasi sir iyong sa depot lang po iyong nagpositibo, sir. Kasi doon sa latest po sir, iyong nagbebenta po ng ticket at driver po ng bagon ang nagpositibo po ng COVID. Sila po may direkta po silang—nakikihalubilo po sila, nagbebenta sila ng ticket, may mga pasahero silang in contact po. Would that be in consideration sa Palasyo na temporary ma-shutdown po kaya ang operations ng MRT?
SEC. ROQUE: Well, tingin ko po kung may pangangailangan, gagawin naman po iyan although iyon nga po, huling rinig ko 63,000 ang gumagamit niyan under GCQ sa Metro Manila. Pero ang driver naman po harinawa limited ang contact sa pasahero; ang mga nagbebenta po ng tickets harinawa eh nag-observe po sila noong less contact with the passengers.
So, tingin ko po magkakaroon ng bagong polisiya sila na ite-test muna nila talaga iyong kanilang mga drivers at mga ticket vendors, kung may sakit sila bago sila patrabahuhin. Magagawa naman po ito sa rapid test.
Thank you. Siguro last na ito dahil alam ninyo po, mayroong importanteng pagpupulong na nagsimula noong 12:30, kinakailangan ko na po talagang umupo doon sa pagpupulong na iyon.
Mela Lesmoras of PTV4, our last question, please.
MELA LESMORAS/PTV 4: Sir, for Sec. Diokno and also you can answer din po ito. Concern lang po ng ilan—
SEC. ROQUE: Sec. Diokno na lang.
MELA LESMORAS/PTV 4: Opo. Concern lang po ng ilan nating kababayan: Paano po kaya makakatulong iyong gobyerno sa mga pamilyang nagbabayad ng monthly amortization ng bahay o kotse lalo na doon sa mga bangko na nanggigipit sa kanila, na kailangan na nilang makabayad o pinapatungan pa po ng interest?
GOV. DIOKNO: Well, sabi ko nga, binabaan na namin ang interest rate, lowest ever. Kausapin po ninyo iyong bangko ninyo, I think they will help you.
MELA LESMORAS/PTV 4: Sir, saan po kaya sila puwedeng magsumbong if ever? Sa BSP po ba puwede silang dumiretso?
GOV. DIOKNO: Unang-una, dapat sa bangko nila sila makipag-usap. And kung iyong bangk0 naman eh tinatrato nila iyong kanilang mga borrowers as their clients, I think in the spirit of Bayanihan talagang puwede naman nilang tulungan actually, kasi nga mababa na ang interest rate ngayon.
They just have to, maybe, repackage or restructure iyong loan para makabayad sila. Habaan nila iyong period, halimbawa, kung it’s a five-year loan, gawin nilang seven years. Magagawa ng bangko iyan.
MELA LESMORAS/PTV 4: Okay. Thank you so much.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Mela. Maraming salamat, Gov. Diokno. I hope we can invite you soon again but we appreciate your time and effort to explain po ang estado ng ating ekonomiya at iyong tanong ng marami po lalung-lalo na ng middle class kung paano na ang mangyayari sa kanilang mga utang.
Maraming, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa ating press briefing ngayon. Salamat din po kay Usec. Rocky at sa lahat po ng miyembro ng Malacañang Press Corps.
But we’re out of time. So sa ngalan po ng ating Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong spox, Harry Roque nagsasabing: Keep safe, Philippines, and until tomorrow.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)