URI: Let’s all welcome, Sec. Martin Andanar – Secretary, good morning.
SEC. ANDANAR: Good morning Missy, good morning Henry, at good morning sa lahat ng nakikinig sa atin.
HISTA: Good morning.
SEC. ANDANAR: Good morning.
URI: Yes, sir. Thank you for your time. Siguro marami na ring nakapagtanong sa inyo pero the nation is listening – marami pong mga kababayan natin simula Aparri hanggang Jolo ngayon ang nakikinig.
Ano ang assurance daw po ng gobyernong ito, ng administrasyong ito at kayo sa PCOO na sa kabila ng pagkakaroon natin ng Anti-Terrorism Law ay hindi manganganib dito ang kalayaan sa pamamahayag at kalayaan sa pagsasalita at pagbibigay ng sariling opinyon ng publiko?
SEC. ANDANAR: Alam mo, malinaw naman dito sa ating Article III, Section 4, 1987 Constitution na nakalagay dito na talagang malinaw at very unequivocal iyong ating nakasulat diyan: “Provided that terrorism as defined in the Section, shall not include advocacy, protest, dissent, stoppage of work, industrial or mass action and other similar exercises of civil and political rights which are not intended to cause death or serious physical harm to a person; to endanger a person’s life or to create serious risk to public safety.”
So, malinaw na malinaw na protektado ang ating freedom of speech, malinaw na protektado ang ating freedom of press. Walang dapat ikabahala ang ating mga kababayan dahil itong ATA (Anti-Terrorism Act) ay para lang talaga ito sa mga taong nais maghasik ng gulo, iyong nakakabahalang gulo, nakakasira ng ating national security, nakaka [unclear] ng mga establisyemento ng gobyerno, ng pribadong sektor, at nakamamatay ng tao na may pursuit talaga na guluhin ang ating bansa.
URI: Iyong pagsasahimpapawid, pagsusulat, pagsasatinig, pagpo-post sa mga social media, iyan ay nakakintal sa ating Saligang Batas, pero tama ba iyon, Secretary, partner, na there should also a responsibility dapat. Dapat din mayroon kang limitasyon, Secretary?
SEC. ANDANAR: That is another story. Ayan naman ay para sa atin na mga propesyunal na mga mamamahayag. Alam naman natin ang—mayroon tayong tinatawag na accountability, hindi ba?
URI: Oo.
SEC. ANDANAR: Accountability sa ating mga sinasabi, sa ating mga sinusulat. We are accountable to ourselves, to our company, we are accountable to the public. Puwede tayong kasuhan ng libel or slander, eh, nasa batas naman iyan.
Lahat naman ng ito, Henry at Missy ay dumadaan sa proseso. Mayroon namang Saligang Batas, you have the right to defend yourself at court, you have the right also to file a case in court, lahat naman ito ay nasa batas, hindi naman ito iyong isang bagay na dinesisyunan na lamang na walang proseso, hindi ba? Malinaw pa sa—
URI: Missy?
HISTA: Ka Henry, Secretary, if I may?
SEC. ANDANAR: Yes. Go ahead, please.
HISTA: I just would like to ask kasi mayroon po dito na ang sinasabi na posting, writing, sharing and/or re-tweeting post even memes related to terrorist activities are considered terrorism?
SEC. ANDANAR: Well, again, you will go through the process, you will have to defend yourself. In the first place, bakit ka magpo-post ng mga bagay na bobombahin mo itong lugar na ito? Siyempre, mababahala talaga ang buong bayan niyan, isusumbong ka na. Kasi kung halimbawa, may nakita kang post na mayroong bomba dito sa isang lugar, sasabog ito within one day or within hours tapos maglalagay ka doon na gusto mong [garbled]. Siyempre, [garbled] ikaw talaga ay kukuwesyunin ng mga kababayan at isusumbong ka sa otoridad.
URI: So, malinaw kapag ang iyong post ay may anggulo ng pagsuporta, pagbubunyi at may anggulo na parang ikaw ay natutuwa pa sa kanilang ginagawa eh magiging subject ka, magiging person of interest ka?
SEC. ANDANAR: Hindi ko nabasa ang area na iyan pero alam mo naman, dati pa naman eh talagang isusumbong ka eh, hindi ba?
URI: Oo.
SEC. ANDANAR: Kung sisigaw ka nga lang sa isang public place na may bomba eh—
URI: Kung sa bagay, oo…
HISTA: Uhm…
SEC. ANDANAR: —puwede kang arestuhin eh.
URI: Hindi ba nga kapag halimbawa daw ay—halimbawa, papasok ka sa isang establisyemento tapos tsinek ng guwardiya iyong bag at sinabi mo na—
HISTA: May bomba diyan.
URI: …Bomba ang laman niyan. The mere statement iho-hold ka na nila, hindi ba Secretary?
HISTA: Dambahin ka na.
SEC. ANDANAR: Siyempre. Kung sisigaw ka ibig sabihin you are—number one, you are armed or you have a bomb or you could be in the act of terrorism, baka pasabugin mo iyon, so doon pa lang puwede ka ng arestuhin eh.
URI: So, kahit nagbibiro ka lang? Hindi ka nga daw puwedeng magbiro daw ng ganoon, “Hindi sir, okay iyan, huwag mo ng tsekin iyan wala namang laman iyan, bomba lang,” – iyong ganoon hindi ba?
SEC. ANDANAR: Hindi ba mayroon sa ating Konstitusyon, iyong warrantless arrest, hindi ba? Mayroong ganoon eh, kapagnakakita ka ng isang tao whether ikaw ay isang peace officer or ikaw ay isang pribadong indibidwal at may nakita kang isang tao na is in the act of committing—
URI: or about to commit yata iyang tawag diyan.
SEC. ANDANAR: is about to commit or who have already committed a crime na nakita mo ay puwede mong arestuhin.
URI: Ayun…
SEC. ANDANAR: Kahit na hindi ka pulis, kahit na ikaw ay isang pribadong indibidwal. Kapag mayroong offense na na-commit, and he has probable cause to believe na based on his personal knowledge na ito nga ay gumawa ng isang krimen ay puwede mong arestuhin.
URI: Okay. Last question from me: Sino ang dapat matakot dito sa—kung mayroon man, sino ang dapat matakot, sino ang hindi dapat matakot—
HISTA: Kabahan,
URI: —dito sa batas na ito?
SEC. ANDANAR: Ang dapat matakot dito, numero uno iyong mga terorista; Pangalawa, dapat matakot dito iyong mga taong gustong mag-commit ng isang act of terrorism. Gustong manira ng—manunog ng vital installation ng gobyerno or private company na gustong guluhin ang kapayapaan ng isang lugar, gustong pumatay – sila dapat ang matakot.
Pero iyong mga peace loving, law abiding citizens, wala naman dapat ikabahala, dapat nga sila ay mapanatag pa iyong kanilang loob dahil mayroong isang batas doon na poprotektahan ang buhay ng mga law abiding citizens.
URI: Especially journalist and activists?
SEC. ANDANAR: Well, lahat. Lahat tayo, Henry hindi lang tayong mga journalists, lahat ng mga kababayan natin ay poprotektahan ng batas na ito.
Siguro kung tatawagin natin iyong pamilya ng mga naging biktima ng mga bombing doon sa Davao, sa Jolo, kung saan-saan; iyong mga biktima ng acts of terrorism eh sila rin mismo magpapatunay na itong batas na ito ay para sa pangkaraniwang Pilipino.
HISTA: Ka Henry, Secretary, I just would like to ask, mayroon na po ba tayong specific na pini-pinpoint or tina-target na mapapatikim natin ng batas na ito?
SEC. ANDANAR: Mayroon tayong tina-target na? Sorry, hindi ko nakuha.
HISTA: Na mapapatikim po—
URI: Papatikimin daw, papatikimin.
HISTA: —na mahahagupit na.
SEC. ANDANAR: Hindi ko masasagot iyan kasi iyan naman ay nasa Philippine National Police, nasa Armed Forces of the Philippines, nasa National Security Administration na iyan. Pero ang mahalaga ay mayroon tayong batas na napirmahan na ni Presidente Duterte na sinang-ayunan ng Kongreso at Senado at maraming kababayan natin ang sang-ayon dito.
URI: Alright. Thank you for the assurance na hindi makukurtinahan ang kalayaan sa pamamahayag. Now, Secretary, can we ask you about naman dito sa State of the Nation Address. Ano ho iyong mga paghahanda at siguro ang talagang pangunahing tanong diyan, ang Pangulo ba ay magsasagawa ng kaniyang State of the Nation Address sa Kongreso mismo o magiging virtual na lamang ang kaniyang talumpati.
SEC. ANDANAR: Well, kausap ko nga si Executive Director Demic Pabalan ng RTVM at siya ring in-charge nitong ating SONA technical. Dalawang opsyon iyan, Henry at Missy: Ang isang opsyon, iyong gagawin sa plenaryo, tapos of course, mayroong physical distancing. Iyong House of Representatives at iyong Senado ay mayroong mga representatives na bilang din. Halimbawa, dalawampu’t lima sa Kongreso, dalawampu’t lima sa Executive naman, tapos iyong iba ay naka-video conferencing na;
Iyong pangalawang option dito ay puwedeng sa Malacañang manggagaling ang talumpati ni Presidente kasama ng ilang miyembro ng Gabinete at nandiyan din ang directive na papunta sa Senado/Kongreso pero hindi rin lalampas sa limampung tao o limampung katao sa bawat venue dahil para maobserbahan itong physical distancing. Si Direk Joyce pa rin iyong ating director, iyon nga, mayroon siyang planong magpalabas ng mga materyales na ipapakita.
URI: Oo. Iyon bang mga opsiyon na ito ho ay nabanggit ninyo sa Pangulo, Secretary? Nabanggit na ninyo sa Pangulo itong mga opsiyon na ito at ano po ang sabi niya?
SEC. ANDANAR: Hindi pa, hindi pa ito—ako personally, hindi pa kami nagkakausap ni Presidente mula noong nag-lockdown. Pero ang Office of the President, ang PCOO at ang Kongreso ay in close coordination, iyon lang ang masasabi ko kasi personally hindi pa kami nagkikita ni Presidente mula noong May 15.
URI: So hindi na ho kagaya noong maraming imbitado na mga pribado at mga representative ng iba’t ibang ahensiya, na medyo pagarbohan ng kasuotan – wala nang magiging ganoon?
SEC. ANDANAR: Ay sigurado ako na iyong SONA noong nakaraang taon ay hindi mauulit ngayong taon na ito, because SONA noong mga nakaraang taon ‘no, hindi mauulit sa panahong ito dahil nga sa COVID-19.
URI: ‘Ayan, so hindi na—
MISSY: Pagarbohan, wala nang fashion show.
SEC. ANDANAR: Eh wala, eh siguro maging sensitive tayo sa mga kababayan nating naghihirap.
URI: Oo, tama naman.
SEC. ANDANAR: Hindi naman siguro maganda na magpakita ka ng magarbong barong o gown ngayon eh. Eh kung puwede lang, iyong office attire lang isuot mo para walang issue.
URI: Tama iyan, sang-ayon ako riyan. Baka masabihan tayo ng ating mga kababayan talaga na napaka-insensitive ninyo naman, habang iyong iba ay halos wala nang makain. But anyway, if you have question Missy on that matter, please may itatanong lang din tayo kay Secretary Andanar, oo.
MISSY: Ano po kaya ang mga iko-cover, sa SONA na darating po, ni Pangulo?
URI: Saka ano ang tema, ano ang tema? Anong highlights?
SEC. ANDANAR: Iyan ang aabangan natin. Pero what I can tell you kung ano iyong tema ng pre-SONA, ‘di ba may pre-SONA tayo eh starting this week may pre-SONA tayo. Ang masasagot ko lang sa pre-SONA ay ang tema magiging ano ba ang aabangan ng tao. Ano ba ang susunod na mangyayari, kasi kung titingnan mo Henry at Missy, sa mga nakaraang SONA, ano iyong mga naging accomplishment ‘di ba, accomplishment for the last year.
Pero pagpasok ng COVID-19, mayroong pangamba ang ating mga kababayan kung ano na ang susunod, anong mangyayari kasi tumigil iyong ekonomiya, unti-unting bumabalik sa new normal at since ito ay new normal, hindi natin alam kung anong magiging hitsura ng new normal eh. Hindi talaga natin alam kung ano ang mangyayari sa new normal.
URI: We can assume ba Secretary na ang lalamanin ng speech ng Pangulo ay ano ang nagawa na nitong mga nakalipas bago mag-COVID-19 at papaano niya haharapin, paano natin haharapin ang bukas sa napakalaking problemang ito ng virus na ating pinag-uusapan?
SEC. ANDANAR: Personally, hindi ko pa nakikita iyong laman ng speech ni Presidente, so hindi ko masasagot kung anong magiging laman ng speech. Pero sa pre-SONA nga, ang magiging itsura nito, starting Wednesday pre-SONA ay anong mangyayari, what will happen to us ngayong COVID-19:
May trabaho pa ba ako; Papaano ako magkakatrabaho; Paano ibabalik ang ekonomiya; Papaano ibabalik ang sigla ng kalakalan; Papaano papasok ng eskuwela iyong aking mga anak; Papaano na lang ang mga utang ko; Papaano ko babayaran ito; Kung babalik ito sa normal, anong klaseng normal; New normal, anong itsura ng new normal; Anong gagawing ng gobyerno para hindi mahirapan ang ating mga kababayan at paano sumipa muli ang ating ekonomiya.
So iyon po iyong mga sasagutin ng pre-SONA, pero pagdating doon sa speech ni Presidente ay hindi ko pa masasagot dahil hindi ko pa nakikita.
URI: Lalo na kung ilang minuto lang ito, iyan ang mga pinag-usapan diyan, ilang minuto ba lalamanin, matagal ba, mahaba ba, simple ba – wala pa, wala pang detalye niyan, Secretary?
SEC. ANDANAR: Wala pang detalye Henry, pero one thing is for sure – kung ang ating mga kababayan ay nakaabang sa kanilang mga TV, sa kanilang mga radyo, sa kanilang mga Facebook noong nakaraang taon eh malaki ang chance na mas kaabang-abang talaga ang SONA na ito dahil nga sa COVID-19.
URI: All right. Last question from my end: Nakarating na ba sa inyo iyong umano ay hindi pinayagang mag-taping si Direk Joyce Bernal at saka si Piolo Pascual sa Sagada, na ito ay gagamitin yata sa SONA, Secretary – ano po ang naging reaksiyon dito ninyo?
SEC. ANDANAR: Opo, nakarating na po iyan sa akin. As a matter of fact, I’m in close coordination with Director Demic Pabalan, kasi nga si Director Joyce Bernal ang aming Chief Director ng SONA at kumukuha siya ng mga video ng Pilipinas. Sumusunod naman at sumunod naman sa LGU rules and regulations ang ating mga kasamahan sa RTVM at si Bb. Joyce Bernal. As a matter of fact, noong dineny (deny) sila sa Sagada ay sumunod naman sila at bumalik naman. Okay, so walang problema. Ang mahalaga dito ay sumusunod ang ating mga kasamahan, hindi naman para sumuway sa mga patakaran ng LGU.
URI: Oho. So anong mangyayari doon sa bahaging iyon na ipiprisenta, papalitan ba iyon ng ibang lokasyon? Pupunta ba sila sa ibang lugar para mag-shooting?
SEC. ANDANAR: Oo, oo… madali na lang palitan ng video iyong mga iyan. Pero okay lang kasi nirerespeto natin ang LGU.
URI: Oho. So walang anumang sama ng loob ang PCOO, ang RTVM sa local government ng Sagada?
SEC. ANDANAR: Ay wala, walang sama ng loob kasi ang importante ay sumunod sa rules and regulations, sumunod sa panuntunan, kumuha ng medical certificate, sumunod sa triage. Ngayon, nasa LGU na iyan kung idi-deny nila o hindi kasi at the end of the day eh batay sa IATF ay sila pa rin ang may say sa lahat. Kapag sinabi ng local government na kami masusunod – ganito. Pero kapag sinabi ng LGU, eh pasensiya na ho kayo dahil kami ay—
MISSY: Nag-iingat.
SEC. ANDANAR: Dapat nag-iingat, then ayaw naming makapasok kung sinu-sino doon sa lugar namin, eh nasa kanila iyon.
URI: ‘Ayun… So, nirerespeto ng Malacañang naman itong desisyong ito ng LGU-Sagada?
SEC. ANDANAR: Oo, at si Piolo Pascual naman ay volunteer lamang ni Director Joyce Bernal. Ang talagang ano namin ay si Bb. Joyce Bernal at nag-volunteer, gustong tumulong sa production ng State of the Nation which to us, eh siyempre Piolo Pascual iyan, nag-volunteer, ayaw magpabayad, eh hindi naman natin ma-afford si Piolo eh, ito nagbo-volunteer.
URI: Ah, so volunteer lang pala siya.
MISSY: Puwede rin bang mag-volunteer si Ka Henry, Secretary, at Missy?
SEC. ANDANAR: Oo—ay hindi pero ang inyong… sobra-sobra na.
URI: Hindi, pero si Piolo talagang ano, ni singko hindi siya sisingil?
SEC. ANDANAR: Wala, wala… Si Piolo kasi gustong tumulong kay Bb. Joyce, kasi photographer siya, techie, mayroon siyang mga camera na gusto niyang gamitin para pampaganda ng State of the Nation Address, iyon ang ipinarating sa akin. So of course si Bb. Joyce naman bilang head ng aming production ay mayroon siyang creative decisions na, siyempre papabayaan namin siya kung sino ang gusto niyang isama sa kaniyang team ‘di ba? So ganoon lang kasimple iyan. Now sumunod naman, hindi naman umangal. Noong sinabing hindi puwede, ‘di hindi puwede, balik tayo.
URI: All right, malinaw. Secretary, maraming salamat po sa inyo at well, ilang araw na lamang din at SONA na. Alam ko ito ay mairaraos natin nang maayos at makapagbibigay inspirasyon sa ating mga kababayan.
SEC. ANDANAR: Opo. Kaabang-abang po. Maraming salamat Henry at maraming salamat Missy. Mabuhay po ang DZRH.
MISSY: Ingat po kayo.
URI: Salamat. Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Operations Office.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)