SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Umpisahan po natin ang press briefing ngayong araw na ito sa pamamagitan ng ating COVID-19 update.
Base sa huling ulat po ng Department of Health, mayroon na po tayong 38,679 active cases ng COVID-19 sa bansa. Sa mga active cases na ito 92.2% po ang mild, 7.1% ang asymptomatic, 0.4% ang severe at 0.3% ang critical. Inuulit natin, 0.3% po ang kritikal kaya naman marami po ang mga gumagaling, mahigit dalawang libo nga po or 2,000 po ang nai-report na gumaling as of July 12. Ito po ang pinakamataas nating bilang ng recoveries. Sumatotal ay mayroon na po tayong 16,046 recoveries.
Itong pagtaas sa recoveries ay sang-ayon sa WHO China Mission Report that assumes that mild and asymptomatic cases have recovered after 4 weeks. Samantalang may 162 naman po ang binawian ng buhay ayon sa report. Nakikiramay po kami sa pamilya ng mga namatayan. Ang sumatotal po ay 1,534 reported deaths.
Ito po ang case fatality rate natin ngayon – 2.7% po ang Pilipinas, kumpara sa global average na 4.5% [5.5%]. Makikita po natin sa infographics na may pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa nakaraang mga araw at ang ganitong pagtaas ng mga kaso ay makikita rin sa NCR.
Hindi lang po tayo nag-iisa rito, sa nakaraan na anim na linggo dumoble po ang kaso sa iba’t ibang parte ng mundo ayon sa World Health Organization, pero kaya naman po itong makontrol. Quoting media reports of WHO Chief Tedros, sinabi po niya: “There are many examples from around the world that have shown that even if the outbreak is intense, it can still be brought back under control.”
At ngayon nga po, kasama po natin for the first time sa isang press briefing ang tinaguriang Philippine Anti-COVID Czars para sabihin sa atin paano natin lalabanan ang COVID-19 ngayong tumataas po ang bilang ng mga nagkakasakit. Sino ba ho ang mga kasapi dito sa Philippine National Anti-COVID Czars?
Pinangungunahan po ito ni Secretary Galvez, ang Chief Implementer ng IATF National Task Force; kasama rin po natin ngayon ang Chief Testing Czar, walang iba po kundi si Secretary Vince Dizon; kasama rin po natin ang Chief Isolation Czar na si Secretary Villar; at kasama rin po natin si Chief Tracing Czar, for the first time po na ganiyan ang kaniyang titulo, Mayor Magalong of Baguio; at si Chief Treatment Czar, wala pong iba kundi si Usec. Bong Vega.
Now, ito po ang NCR hospital occupancy sa nakaraang araw, makikita ninyo po na mayroon pong pagtaas.
Pumunta naman po tayo sa konting good news. Ang We Heal as One Center Philippine Arena ay nagpauwi ng mga dalawandaang mga pasyente na gumaling na po kahapon. Nagkaroon po ng sendoff ceremony at ito po ang pinakamalaking single-day tally na gumaling sa inilabas ng We Heal as One Center.
Update naman po sa back riding, balitang IATF. Tingnan po natin ang infographics na inaprubahan ng NTF na mga disenyo para sa back riding effective immediately. Dalawa po iyan, makikita ninyo po ngayon sa infographics natin iyong una, iyong backpack style at iyong pangalawa po iyong shield style na dinisenyo ni Gov. Arthur Yap ng Bohol.
Sa isyu ng back riding, inuulit namin po na it is strictly for husbands and wives, common law couple and live-in partners. Sa mga kasal, magdala po kayo ng pruweba ng inyong pagkakakasal; sa mga live-in or common law relationships, magdala po kayo ng identification card na magpapakita na pareho po ang inyong address.
Sa ibang mga bagay, magandang balita pa rin po. Nagkaroon ng groundbreaking kahapon ang segment 2 and segment 3-A Cavitex na magka-cut ng travel time mula Cavite hanggang Makati nang treinta minutos. Buhay na buhay po ang Build, Build, Build.
Isa pa pong magandang balita, sa mga Pag-IBIG members, may bagong promo rates on home loans. May special low rates ang Pag-IBIG na 4.985% per annum sa ilalim ng isang taon re-pricing period at 5.375% per annum sa ilalim ng 3-year re-pricing period. Ito po ang pinakamababang rates sa ilalim ng regular housing loan program at available po ito sa mga Pag-IBIG members hanggang katapusan ng taon.
Well, dito po nagtatapos iyong ating presentation.
Pero kanina po sabi natin habang tumataas, habang tumitindi ang pagsubok ng COVID-19, pinakikilala naman po natin ang Philippine Anti-COVID Czars. Ang tanong, mga Kalihim, Doctor Bong, paano po natin haharapin ang tumitinding pagsubok ng COVID-19? Let’s begin with the Chief Implementer of the National Task Force on COVID-19, Secretary Galvez.
SEC. GALVEZ: Magandang tanghali po. Sa ngalan po ng lahat ng bumubuo ng National Task Force Against COVID-19 na pinangungunahan ng aming Chairman na si Defense Secretary Delfin N. Lorenzana at ang ating Vice Chairman Eduardo Año, isang magandang tanghali po sa ating lahat.
I will discuss briefly the National Action Against COVID-19, Phase 2. The implementation will cover the months of June to September. Our battle cry under the NAP2 is saving lives and mitigating impact as one towards economic and social recovery. Nandito po tayo sa sitwasyon na dahan-dahan nating binubuksan ang ating ekonomiya. Bagaman nandito po ang threat ng virus, kailangan na nating i-recover ang ating mga ekonomiya para manumbalik po ang negosyo at trabaho ng ating mamamayan.
For the National Action Plan, we will still follow the national strategy on prevent, detect, isolate, treat and re-integrate. The strategy design of Phase 2 concentrates on the 5 strategic objectives wherein to contain and manage the emerging new cases; sustain the gains that we had and learn from the best practices; and continue to capacitating and building resiliency to our hospitals; and then also, we have to re-balance the health and economic objectives using the ‘hammer and dance’ theory, localizing our response by leading our LGU to the front with the people’s support and vigilance; and lastly, to keep the fatality rate low, including the non-COVID cases.
So dito po sa ating operational framework, sinasabi nga po ng ating mahal na Presidente na kailangan po, importante po ang prevention kasi po dito, talaga pong dapat ang ating mamamayan ay maging masigasig sa pagbantay ng kanilang mga self-awareness in order to prevent being infected by the COVID. So pinapaigting din po natin ang tracing at saka ang tinatawag nating testing. Mamaya po, bibigyan po tayo ni Sec. Vince Dizon ng mga report at ito po ay gagawin po natin para at least makayanan po natin ang pagtaas ng tinatawag na new cases.
At to effectively manage COVID, more of the responsibility shift to the LGU, to the private company and to the individual citizens. Meaning ang paglutas po ng COVID ay bibigyan po natin ng halaga ang preparasyon ng ating mga LGUs, ang ating mga private sectors at saka mga individual citizens.
So we will implement iyong localized lockdowns, magkakaroon po tayo ng mga massive information campaign and strict enforcement ng ating minimum health standard. At ang amin pong hinihingi sa ating mga mamamayan, magkaroon po tayo ng disiplina.
Iyon lang po at marami pong salamat.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Galvez. Uulitin ko po ang sinabi ng WHO Chief Tedros: “There are many examples from around the world that have shown that even if the outbreak is intense, it can still be brought back under control.” Our strategy is to intensify our testing, tracing, isolation and treatment.
Sec. Vince Dizon, paano po haharapin natin ang bagong pagsubok ng COVID-19 bilang Testing Czar ng bayan?
SEC. DIZON: Magandang hapon po mga kababayan. Maraming salamat Spox Harry. Maikling report lang po ito. Unang-una alam natin na noong Pebrero, iisa lang po ang ating laboratoryo at maigting pong nagtrabaho ang ating mga kawani ng Department of Health at ng iba’t ibang ahensiya.
At ngayon po as of July 12, 85 na po ang ating laboratoryo nationwide – walumpu’t lima na. So napakarami na po at napakalaki na po ang ating kapasidad na mag-test.
At dahil dito po, makikita natin dahil sa pagtaas ng ating mga laboratoryo, ang ating testing simula noong buwan ng Mayo hanggang June ay halos aabot na tayo ng isang milyong test as of July 11. At siguro sa mga susunod na araw ay lalampas na tayo sa one million test. Kung maaalala ninyo po, ito po ang target na sinet natin noong nakaraang buwan na by the end of July, isang milyon na po ang test natin. At ngayon po ay wala pang kalahati ng buwan ng Hulyo ay nasa isang milyon na tayo; at papunta na po tayo sa nasabing target ng ating Chief Implementer na sampung milyong tests by next year.
Kaya po kung titingnan naman po natin ang ating daily test, iyong dami ng taong tini-test natin o dami ng test natin araw-araw, simula po ng limandaang test lang per day noong Marso ay ngayon, noong July 9, umabot na po tayo ng 25,000 test per day at malapit na malapit na po tayo sa ating goal na makapag-test ng tatlumpung libong tests kada araw ngayong July. So malapit na po tayo diyan at kampante po tayo na maaabot na natin iyan.
At dahil po dito, pati po ang test natin sa National Capital Region, noon pong Abril ay 2,500 test lang po tayo sa NCR, ngayon po ay nasa mahigit 16,000 na po tayo na test per day sa National Capital Region – halos doble po ng testing natin per day noong nakaraang buwan ng Hunyo, at ito po ay dahil sa tulong ng ating mga LGUs. At halimbawa po iyong mga nakikita nating mga litrato sa screen, ito po ang mga mega-swabbing facilities natin sa NCR. Ito po ay nasa Mall of Asia sa Pasay. At ito po ay sa tulong ng ating mga mayors sa NCR, sa tulong ng ating mga LGU, araw-araw po, daan-daan o libu-libong mga kababayan natin ang pumupunta sa mga swabbing facilities na ito sa tulong ng ating mga LGUs para po magpa-test.
Kaya po tuluy-tuloy lang po tayo sa tulong ng ating mga LGUs at ng ating private sector. At kailangan po talagang paigtingin pa natin ang ating pagti-test dahil iyon lang ang paraan para mahanap natin ang mga may sakit sa ating mga komunidad at maa-isolate na natin sila para hindi na sila makahawa at mapabagal natin ang spread ng COVID-19. Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat Testing Czar, Secretary Vince Dizon.
Matapos po ma-trace—matapos pong ma-test, at ang testing po ang pamamaraan natin para malaman kung nasaan ang kalaban natin, ia-isolate po natin sila pero magpapagawa rin tayo ng isang malawakang tracing. Sa kauna-unahang pagkakataon, mga kababayan, ito po ang ating Tracing Czar, ang aming Alkalde sa siyudad ng Baguio, walang iba po kung hindi si Mayor Benjie Magalong.
Mayor, paano po natin ipatutupad na mas matindi at mas malawakang tracing bilang isang Tracing Czar? Well, kung wala pa po si Mayor Magalong, tama naman po na matapos ma-test at nalaman na natin kung nasaan na ang kalaban, ia-isolate po natin sila para hindi po sila makahawa. At kasama po natin via Skype ngayon, walang iba kung hindi ang ating Isolation Czar, DPWH Secretary Villar.
Sec. Villar, paano po natin aadresin [address] itong tumitinding problema sa COVID-19 bilang Isolation Czar?
SEC. VILLAR: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan. Una po, gusto kong i-update po kayo sa ating facilities. Importante po ba ma-isolate po iyong mga either naging COVID positive or iyong mga sintomas, kaya nais ko pong i-report sa ating mga Ligtas COVID Centers, ito po iyong mga local, mayroon na po tayong 52,223 available na beds para sa ating mga pasyente na kailangang i-isolate.
Dito po sa national ay ating Heal as One Mega Ligtas Centers, mayroon na po tayong 3,193 – iyon ang capacity natin. At ngayon po, ang plano po natin ay magtatayo ng quarantine facilities sa buong Pilipinas. So mayroon na po tayong existing na 129 regional evacuation centers at may ginagawa na po kami sa Region VII na 11, sa Region VIII – 16, Region X – 20, Region XII – may na-identify kaming tatlo. So sa ngayon po ay madadagdagan pa dahil may kausap pa kaming mga local governments at magbibigay din sila ng area para sa pagtatayo ng additional centers.
Ang target po namin in the next three weeks, magtatayo po kami ng additional 50 quarantine facilities. At we can expect na every—malaki po ang madadagdag sa ating kapasidad para sa ating mga COVID patients. Kaya iyon po ang plano natin, at asahan ninyo po na walang tigil po ang aming pagtatayo ng quarantine facilities para ma-control po natin ang pagkalat ng COVID-19.
Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Villar. At siyempre, matapos natin silang ma-isolate, kinakailangan hanapin iyong mga taong nakahalubilo ng mga positive ‘no. At sa kauna-unahang pagkakataon po, ito po ang ating Tracing Czar, Mayor Benjie Magalong.
Sir, paano po natin ipapatupad itong ating tracing sa panahon na tumitindi po ang paghamon sa COVID-19?
MAYOR MAGALONG: Magandang tanghali po sa inyong lahat. Unang-una, marami pong nagtatanong, paano maaapektuhan daw iyong trabaho ko bilang mayor ng siyudad ng Baguio. At sabi ko naman sa kanila, ang ating mga ekonomiya ay interdependent kaya kailangan nating magtulungan. Mayroon tayong tinatawag, ang ating pilosopiya is “We work as one, we heal as one.”
Ang approach po na gagawin po natin ngayon is skills training, dalawa po ang components noon – skills training at iyong contact tracing e-system na atin pong i-introduce sa ating mga local government units.
Unang-una, iyong ating skills training, diyan po natin i-introduce iyong tinatawag nating committed interviewing skill para talaga hong mas maayos po iyong pagtatanong, at the same time, natutulungan po iyong mga positive patients na i-recall iyong mga insidenteng nangyari three weeks ago, two weeks ago, para mas madali po nilang matandaan kung sino po iyong mga kanilang na-contact at saan po sila nagpupunta.
And at the same time, dito naman po sa ating contract tracing e-system na isang technology, mayroon pong tatlong components iyan. Ito po iyong data collection tools na ito po’y ipapamahagi natin sa iba’t ibang local government units para iisa na lang po iyong ating pagkuha ng data, and at the same time, ito po ay digitalize now, digitized na po ito.
Second is iyong ating GIS platform na ginagamitan po natin ng isang Geographical Information System para po makita po natin, ma-visualize po natin iyong extent of potential infection sa ibang mga lugar po sa ating locality.
And finally, gumagamit po ulit tayo ng isang sistema, ito po iyong link analysis and this establishes iyong… ini-establish po nito iyong patterns, relationships network para po maintindihan po natin saan po nangyayari iyong mga insidente, sino po iyong mga nakokontak, sino po ang kailangan nating [garbled] i-follow up.
Gusto ko lang pong banggitin sa inyo na radically ay babaguhin po natin iyong structure ng ating contact tracing system. Ang itatawag po natin diyan is iyong “contact tracing (unclear).” And ang component nito, magkakaroon po tayo ng mga interviewers, ito po iyong talagang umiikot na … it’s a partnership between health workers at iyong ating pong law enforcement investigators. Magkakaroon po tayo ng analysts. Magkakaroon din po tayo ng mga encoders. Magkakaroon po tayo ng technical support, and finally iyong atin pong community support system na pinapangunahan po ng ating mga patients.
Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat sa ating Tracing Czar, Mayor Benjie Magalong. So inuna natin ang testing para malaman kung nasaan ang kalaban, sinundan natin ng isolation para hindi na makahawa at siyempre po iyong tracing para malaman kung sino iyong posibleng nahawa at ma-isolate.
Siyempre po pupunta naman tayo sa ating pang-apat na istratehiya – treatment. At para dito po para i-explain kung paano ang ating plano na paigtingin pa ang ating treatment ng mga COVID-19 patients, ito po ang ating Undersecretary Bong Vega, the Treatment Czar.
USEC. VEGA: Magandang hapon po sa ating mga kababayan. In behalf of the Department of Health ni Secretary Francisco Duque, I was given the task of monitoring and tracking the hospitals in the NCR at saka iyong sa Cebu kasi ito iyong mga epicenters ngayon ng pagdami ng mga critically, severe and moderate patients na nagpapa-admit.
Makikita ninyo sa first slide na tumataas ngayon ang occupancy ng COVID isolation beds. Ito ay nata-track po namin ito through the bed tracker system of the Department of Health at ito pong kasama sa aming mga dashboard. Ito ay isang importanteng data kasi dito namin makikita kung saan namin tutulungan at susuportahan iyong mga hospitals lalo na iyong mga pasyente na ma-transfer o mailagay sa ibang facilities.
Kung titingnan naman natin sa next slide, iyong ating ICU beds, ito ay dahan-dahan ding tumataas. Ito iyong isa sa mga reasons na itong task namin to come up with one hospital management para ma-apportion namin ang number of patients na coming in sa private na hindi na mabigyan ng access at saka ma-refer namin ito sa mga public institutions or other specialty centers na nagha-handle ng COVID.
Ang next slide naman, makikita ninyo ang paggamit ng mga ventilators overtime. Ito iyong parameter na mapapansin natin na tumataas din ang mechanical ventilators na used, lalung-lalo na sa critical care. Ito iyong pamamaraan din namin na paano namin ma-monitor at paano namin mabigyan ng suporta ang lahat ng hospitals para sa patients na mabigyan ng proper referral.
Itong One Hospital po namin, One Hospital Command, ito ay sinet-up para mabigyang tugon ang bed allocation guidelines ng Department of Health. Alam naman ninyo ang Department of Health, they have administrative order na 30% ng private hospitals with a minimum of 20; and then kapag nagkaroon ng surge, may 10% roll on sila para ma-accommodate ang the number of COVID clients that they have.
Tapos isa pa, mag-establish kami ng data dashboard para makita namin ang visibility ng planning, ang capacity ng health facilities para matugunan kung saan ang may problema. And then, kailangan din ng triaging and discharging patients, magkakaroon ng standard protocols para mas mapabilis ang turnover ng patients na naa-admit at saka nadi-discharge.
And then, ang pinakaimportante dito, kung makausap din natin ang ating finance mechanism, lalung-lalo sa Philhealth, lalo na sa mga hospitals na nag-partner ng mga temporary treatment facilities na iyong care nila would be end to end. And kapag sila ang nag-admit, sila nagdi-discharge, that will be covered by Philhealth.
At saka ito iyong One Hospital Command, ito din ang mag-establish ng forum between public and private institutions na magkaroon ng mga suggestions on how best we can mitigate and improve the management of critically ill and severe cases.
So ang immediate step po namin ngayon, unang-una, gusto po naming i-expand ang hospital capacity. Ito iyong through the administrative order of the Department of Health, i-ano namin sa private institutions na at least 30% sila lalo na kapag may surge at saka iyong mga government institutions dapat mag-expand. They must be able to accommodate at least 50 to 80% of COVID clients lalung-lalo kapag may surge.
And of course ang pinakaimportante dito, iyong we will be able to provide additional health care personnel through the Department of Health, iyong tinatawag nating Health Resource for Health augmentation. Ang ginawa namin doon sa Cebu, nakikita ninyo na iyong pag-surge doon sa Cebu, ang Department of Health po ay nagbigay ng mga Human Resource to private hospitals para maka-cope up with the volume of cases that they have.
And lastly of course, we will also show na kapag may better partnership between the Temporary Treatment Facilities at saka iyong hospitals, the patients will have the confidence na puwede silang mag-step down sa temporary facilities as long as mayroong doctor sila na nakikita. So iyong partnership, critical din ito. Iyong partnership between the hospital and the treatment facilities must be well-coordinated.
Ito naman ang mga photos para mapakita din kung how nag-expand ang aming mga treatment facilities dito sa NCR, and I think this is across the nation.
Ang pinakaimportante dito sa atin, especially kapag nag-open na iyong economy, tayo lahat ang mga frontliners. So mayroon tayong dapat minimum health standards. Sinasabi nga nila na these are, sinasabi nga nila non-pharmaceutical interventions that we—kailangan talaga you have to wear mask, wash your hands and keep your distance. Ito iyong very effective way of lessening the transmission of the virus.
And lastly, of course, ito iyong pangangalagaan natin iyong mga vulnerable – iyong mga buntis, iyong mga may sakit na mga chronic diseases sa kidney, sa heart. Kailangan kung wala naman silang dapat—hindi naman sila kailangang lumabas, huwag na; if those na hindi na kailangan/essential trips must be avoided. So we have to protect them. Kasi with this kind of virus, which is kind of very infectious, we need to make sure that we need to have the minimum health standard and protect always the vulnerable. Maraming salamat.
SEC. ROQUE: Mga kababayan, narinig po ninyo ang mga tao na inatasan ng ating Presidente para labanan talaga itong kalaban nating COVID-19. Ang ating istratehiya sa matinding pagsubok ng COVID-19, mas malawakang targeted testing, mas maraming isolation centers, mas matinding tracing at mas matinding treatment para sa mga nagkakasakit. Lahat po iyan sa ilalim ng NTF, sa Ilalim ng ating Chief Implementer, Secretary Galvez.
Now, alam kong maraming magtatanong sa atin, pero siguro po dahil inaasahan nating maraming tanong dito sa aming limang resource person, sasagutin ko na po ang isyu ng ABS-CBN dahil ito po iyong kauna-unahang press briefing matapos po magkaroon ng desisyon ang House Committee on Franchises sa ABS-CBN.
Sa mula’t-mula po, sinasabi ng ating Presidente, neutral po siya sa isyu ng ABS-CBN. Dati po mayroon siyang hinanakit; nagpatawad na po ang Presidente at nagdesisyon na po ang Committee on Legislative Franchises ng Mababang Kapulungan. Wala pong ibang ahensiya ng gobyerno na makapagbibigay ng prangkisa kung hindi ang House of Representatives – dapat po magsimula diyan. At sang-ayon po sa rules ng House of Representatives, kinakailangan paboran ng House Committee of Franchise bago po makarating sa plenary.
Sang-ayon o tutol man tayo rito, dumaan po sa proseso at iyan po ang naging desisyon ng komite – kinakailangan po respetuhin ng lahat. Mayroon ba hong malaking kawalan dahil hindi nabigyan ng franchise ang ABS-CBN? Aaminin ko po, mayroon po – dito po sa Office of the Press Secretary, mas matindi pong interview ang gagawin natin dahil nawala po iyong pinakamalaking reach para sa dissemination natin. Pero ganiyan po talaga, tatanggapin lang natin ang desisyon ng Franchise Committee dahil iyan naman po ang nakasaad sa ating Saligang Batas.
Magpatuloy na po tayo sa ating open forum. Joyce Balancio of DZMM please.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Good afternoon po, Secretary at sa iba pa po nating guest. So July 13 na po ngayon, only two days before ang desisyon ng gobyerno on a new quarantine classifications and we still see huge numbers of infected nitong COVID-19. Just today, it took more than 2,000 nga po. Ano po ang recommendation ng National Task Force, this is for Secretary Galvez and also for DOH, on the post July 15 quarantine classifications? These numbers are reported by the Department of Health, do they inspire further relaxation or are we now considering imposing stricter measures, like for example extension of ECQ or reversal to MECQ for GCQ areas? And also for Secretary Roque, when can we expect President Duterte to announce the new quarantine classifications? Thank you.
SEC. ROQUE: Yes, Sec. Galvez?
SEC. GALVEZ: Nagkaroon po ng pulong ang ating IATF nang dalawang sunod na araw, noong Thursday at saka Friday at napagkasunduan po doon na may mga area po na mag-e-escalate considering that nakita po natin na tumataas po ang ating mga severe at critical cases at the same time iyong new cases tumataas rin po.
So, sa ngayon po nakikita po natin—miniting din po namin nang dalawang beses ang ating mga Manila mayors and they are recommending na talagang ma-maintain rin ang ano nila dahil kasi nakita natin iyong mga hospital nga natin sa Manila ay medyo napupuno po iyong iba.
So, hindi po namin po ibibigay po ngayon iyon dahil kasi si Presidente po ang mag-a-announce. Pero ang ano po namin, mayroon pong mag-e-escalate at ang mga area po na ito ay iyong mga nakita natin na nagkaroon ng new cases at saka mga spikes.
SEC. ROQUE: Yes, USec. Bong? Thank you, Sec. Galvez.
USEC. VEGA: Sa DOH naman, itong pag-form ng one hospital command, ito ay parang preparedness of all DOH hospitals, sa mga retain at saka iyong both private. Nakita naman natin na tumataas ang incidence ng positive cases natin and ang alam naman natin kapag tumataas iyan, may correlation iyan sa number of mga severe and critical patients na papasok sa hospital.
Ito iyong task namin na makasiguro—that we have to make sure na lahat ng mga intensive care unit at saka iyong mga critical patients ay mabigyan ng full access to other hospitals. Ito iyong sinasabi namin na we have to prepare the hospitals na in terms of the number of patients coming in with COVID.
Itong preparedness na ito, ito iyong isang pamamaraan na we can do something about the patients mostly, lalong-lalo na iyong mga severe and critical na mabigyan ng better clinical management.
SEC. ROQUE: Posible pong Miyerkules ma-anunsyo ang classification dahil mayroon pa pong last meeting ang IATF bukas po, araw ng Tuesday, para sa final recommendation sa Presidente.
Lilinawin ko lang po na bagamat wala pong desisyon ang Presidente ang mag-iisyu, datos po ang tinitingnan natin kung tayo po ay magluluwag at siguro po at this point, the data does not indicate na pupuwedeng magluwag po at least sa Metro Manila, para lang po to manage the expectations.
Next question, please?
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo—
SEC. ROQUE: Tatlong question na iyon huh!
USEC. IGNACIO: Just to follow-up lang po kay Sec. Galvez. He mentioned kanina na mayroon pong mga ibang lugar na mag-e-escalate iyong quarantine protocols na ipatutupad. How many places po ito, Sec. Galvez?
SEC. GALVEZ: May mga cities po na talagang tumaas iyong mga ano natin, hindi ko lang po masabi kasi we don’t want to preempt iyong announcement po ng ating mahal na Presidente. At saka mayroon pa po tayong tinatawag na meeting bukas para po magkaroon ng tinatawag na evaluation sa mga appeal ng mga different LGUs.
SEC. ROQUE: Yes. Thank you, Joyce.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Sir, last na lang po, pahabol lang po na question. I know nagbigay na po kayo ng opening statement about the franchise ng ABS-CBN but I just like to ask your comment on this. Si Vice President Leni Robredo, she likened the denial of ABS-CBN franchise to the closure of a network in the hands of a dictator during the Martial Law. And I will quote her, “Akala ko noong tayo ay lumalaban sa diktador ay natuto na tayo ng mga leksyon pero nauulit ang kasaysayan. Iyong aral mauulit din.”
Secretary, is the denial of ABS-CBN franchise a dictator move?
SEC. ROQUE: With all due respect we disagree, but we do so vehemently. Alam po natin ang nangyari doon sa panahon ng Martial Law, may prangkisa po, ipinasara. Pero ang nangyari po ngayon, napaso ang prangkisa, hindi po na-renew.
Alam ko po na ang sinasabi nila na ang isyung ito ay karapatan ng malayang pamamahayag pero kapag ang pamamahayag po ay nakadepende sa prangkisa, kinakailangan masunod din ang probisyon ng Konstitusyon na dapat mayroong prangkisa na nanggaling sa Mababang Kapulungan.
We beg to differ with due respect to the Vice President.
USec. Rocky, please.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary.
USEC. IGNACIO: Sec. Roque, from Francis Wakefield of Daily Tribune: Kung nakausap ninyo na daw po si Presidente regarding ABS-CBN?
SEC. ROQUE: Well, iyon nga po, nag-opening statement na ako sa ABS-CBN. Ang posisyon po ng Presidente, hinayaan po niya sa Kongreso, nag-desisyon na, respetuhin po natin ang desisyon ng Kongreso.
USEC. IGNACIO: Nasaan daw po si Presidente? Nasa Maynila po ba siya?
SEC. ROQUE: Hindi ko po nakuha ang question.
USEC. IGNACIO: Kung nasa Maynila daw po si President Duterte?
SEC. ROQUE: Parating po mamaya ang Presidente galing sa Mindanao.
USEC. IGNACIO: Sa last meeting daw po ng IATF, do they think ready na po ba ang Metro Manila mag-MGCQ?
SEC. ROQUE: That was not part of any recommendation made, that’s all I can say until i-announce po ng Presidente.
Yes, Pia Gutierrez, ABS-CBN.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir! Good afternoon! Sir, I’m sure that the President is aware of the decision of Congress, so ano po iyong reaction ni Pangulong Duterte doon sa denial ng franchise po ng ABS-CBN?
SEC. ROQUE: Nirerespeto po niya ang poder ng Kongreso dahil tanging ang Mababang Kapulungan lang po ang pupuwedeng magsimula ng proseso para maaprubahan ang bagong prangkisa ng ABS-CBN. Respeto po dahil sa separation of powers amongst co-equal branches of government.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, you said that President Duterte is for workers and the President has repeatedly claimed that he wants a comfortable life for all. So, what can prod President Duterte to abandon his so-called neutrality and support the plight of thousands of workers of the network who are facing uncertainties because of this decision?
SEC. ROQUE: Well, kagaya ng sinabi ko po, desisyon po iyan ng Kongreso. The most the President can do is to remain neutral. Walang pabor, iyong tututol, iyong galit sa susuporta. Hinayaan po niya na bumoto sang-ayon sa kanilang konsensiya ang mga kongresista at bumoto na po sila.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Okay, sir. Sir, don’t you think iyong SWS poll conducted by the same pollster that reported Duterte’s high ratings or President Duterte’s high ratings, sorry, that found an overwhelming majority in favor of ABS-CBN franchise renewal, actually contradict your claim that the decision to reject the franchise is the decision of the people?
SEC. ROQUE: Hindi po kasi sa ating Saligang Batas ang mayroon tayo ay representative democracy. So, nakasang-ayon po ang ating demokrasya sa mga halal na representante ng taumbayan. Ang husga po sa mga representante ay pagdating po ng eleksyon.
So, tama pa rin po iyong aking sinabi dahil nakasaad po sa ating Saligang Batas iyan.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Alright. Sir, last na lang, sir… request lang. Can I ask you to talk to the thousands of ABS-CBN workers who are now facing the very real possibility of losing their jobs in the middle of the pandemic because of the denial of the network’s franchise? And can I also ask you to give a message to the millions of Kapamilya viewers who look to ABS-CBN for entertainment, information and public service in the middle of this pandemic?
SEC. ROQUE: Well, masakit din po sa akin ang nangyari sa ABS-CBN. Hindi naman po sikreto na Kapamilya rin ako. Nakilala po ako dahil sa ABS-CBN, panahon pa ni Jing Magsaysay ng ANC. So, malaki po ang utang na loob ko sa ABS-CBN. At noong ako po ay naging tagapagsalita, malaki rin po ang naging utang na loob ko dahil number one naman po talaga sa reach ang ABS-CBN.
Nalulungkot po ako na dumating sa punto na hindi po na-renew ang prangkisa pero sa tingin ko naman po, nagkaroon naman po ng sapat na panahon para paghandaan itong takdang panahon na napaso na nga po ang prangkisa. Huwag po kayong mag-alala, kasama po ng lahat ng mga Pilipino na alam nating humarap sa pagsubok, nandiyan po ang ating Presidente, gagastusin po niya ang huling centavos/sentimo ng ating kaban ng bayan para sa inyong kapakanan.
Thank you very much, Pia. USec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Kris Jose of Remate. Ang tanong po niya, kaya lang tungkol pa rin sa ABS-CBN. Iyong reaksyon ninyo na lang po sa sinabi daw ni Sen. Leila de Lima na tinokhang at pinatay ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation nang walang kalaban-laban, walang katarungan at walang konsensya.
SEC. ROQUE: Sang-ayon po sa Saligang Batas ang desisyon, sa tingin ko po, mali iyong ganiyang obserbasyon.
USEC. IGNACIO: Hindi ba daw po nanghihinayang ang Malacañang sa maaaring maitulong ng ABS-CBN sa DepEd sa nalalapit na pasukan? Sa ilalim po kasi ng blended learning, gagamit ang DepEd ng online printing, modules, radyo at telebisyon na paraan para sa pagtuturo sa mga bata.
SEC. ROQUE: Well, maski po tayo ay manghinayang eh tapos na po ang boxing at dumaan na po sa proseso sang-ayon po sa Saligang Batas, wala na po tayong magagawa. Let’s move on.
Thank you, USec. Maricel Halili of TV5, please.
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir! Magandang hapon po. Sir, how does the government plan to address the possible unemployment of ABS-CBN workers considering that we’re still in a crisis, we’re facing the pandemic and even the Labor Department admitted that we have limited budget and funds? So, how do we plan to address this kung dadagdagan pa natin iyong unemployment, sir?
SEC. ROQUE: Siguro po ako lahat noong—sigurado po ako na lahat po ng mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN ay pupuwede ring kumuha ng mga benepisyo na ibinibigay natin sa lahat po ng nawawalan ng trabaho. Mayroon po tayong TUPAD at mayroon pa po tayong isang programa ng DOLE at makakapag-utang rin po sila sa Pag-IBIG, makakautang rin sila sa LandBank para sa edukasyon ng kanilang mga kaanak at mayroon din po tayong pautang galing sa DTI at sa Department og Agriculture kung gusto po nilang magsimula ng negosyo.
In other words, iyong binibigay po nating mga benepisyo at pagkakataon sa lahat ng nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19, ibibigay rin po sa mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, even though Malacañang has repeatedly said that the President has been neutral in this issue, Senator Panfilo Lacson described this move as a Machiavellian style of leadership. Sabi po niya, accept it or not, the President’s body language was obvious enough for the House leadership and allies not to read and interpret the way they voted. What can you say about this, sir?
SEC. ROQUE: Eh ako po, I go beyond the body language of the President. Sinabi po ng Presidente, “Pinatawad ko na ang ABS-CBN.” Despite that po, ganito pa rin ang boto ng Kamara, respetuhin na lang po natin iyan.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, last question na lang po. Don’t you find it so ironic, sir, that some of the government officials focused on the non-renewal of ABS-CBN franchise and yet the problems in government stations remained to be fixed? For example in IBC-13, some of their employees have yet to receive compensation that they rightfully deserve?
SEC. ROQUE: Hindi ko po makita kung ano iyong relasyon ng IBC-13 sa Channel 2 sa totoo lang po ‘no. That’s an expiration of franchise and let’s leave it at that.
Thank you, Maricel. Back to Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Rose Novenario of Hataw: Sa pag-usad ng Jeepney Modernization Program, ano ang maitutulong ng gobyerno sa mga jeepney operators? Ano po ang papel ng Jordan Transport Cooperative at ng isang Mark Garvina sa programa ng LTFRB? Tanong po mula kay Rose Novenario ng Hataw.
SEC. ROQUE: Rose, mayroon pong programa ang ating LTFRB na nagbibigay po ng 160,000 na subsidy para doon sa mga sasapi sa Jeepney Modernization Program. Iyong tanong mo diyan sa kooperatiba, naku, iiwan ko na po iyan sa LTFRB, para namang hindi para sa Presidente magkomento diyan. So we’ll ask the LTFRB about it po and ask them to reply to you directly.
Thank you, Usec. Joseph Morong, please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Good afternoon. Sir, you mentioned kanina na the data does not indicate that we can relax iyong sa Metro Manila. What data are you referring to?
SEC. ROQUE: Case doubling rate and critical care capacity.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Sir, question for you and maybe also for Secretary Galvez. Sir, good afternoon.
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, are we relying on local governments to impose localized lockdowns after July 15 at ibig sabihin, ganiyan na lang at hindi na tayo magta-tighten ng MECQ?
SEC. ROQUE: I think the Chief Implementer should respond. Yes, Secretary Galvez.
SEC. GALVEZ: Sa nakikita natin ngayon, sa Phase 2 kasi nagkakaroon tayo ng re-balancing ng economy at saka ng health. At nakita na natin na sinabi nga ni Secretary Dominguez na the economy is now in the tipping point, meaning napakahirap na po ang sitwasyon kapag once na hindi po natin na-recover ngayon, mahihirapan na—mayroon po talagang tinatawag na mas malaking crisis.
So, ang ginagawa po natin ngayon ay bumibisita po kami ngayon sa lahat ng mayor ng Metro Manila at tinitingnan po namin kung paano nila ini-implement ang localized lockdown. Nakikita po natin talaga kahit sa lahat ng laban, ang talagang implementasyon nandoon po sa baba. So kung nakaangkla po iyong ating implementasyon sa baba at saka ini-empower po natin ang mga leader po natin, mas maganda po ang implementasyon kasi mas mabilis po ang response.
So nakita po natin na iyong ginagawa po sa Manila, ginagawa sa Makati at saka ginagawa sa Taguig, in order to really preserve iyong economic gains, ang nila-lockdown lang po nila iyong mga concerned na mga establishment. I will give an example sa Taguig, kung ni-lockdown ni Mayor Lino ang buong BGC, we will have a loss of 17 billion. Noong makita niya na iyong kaniyang tinutukoy na mga new cases ay sa isang construction building lang, ang ginawa niya, ni-lockdown niya lang iyong isang construction site, more than 300 ang new cases.
So sa ganoon na pamamaraan, nakikita natin magagaling ang ating mga mayors especially dito sa Metro Manila na ginagamit nila ang lahat ng kanilang kaalaman at ang kanilang mga impluwensiya sa kanilang mga tao para at least ma-prevent natin ang spread at ma-contain po natin.
Sa mga ganoong pamamaraan, hindi nagiging malawakan iyong ECQ kasi kapag nakita natin, kapag ginawa natin ang ECQ, buong NCR, ang buong isang siyudad, babagsak po ang ekonomiya. At nakikita rin po natin may limitasyon din po ang ECQ. Mas maganda rin po ang implementasyon na local para malapit po siya sa tao dahil kasi ang tao po ang importante na maging frontliners po natin.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, you mentioned kanina that the Metro Manila mayors, you talked to them and the request was to maintain iyong GCQ. Mukhang ganoon po iyong direction natin because we have to balance the economy, correct?
SEC. GALVEZ: Opo. Ang inaano nga po nila, parang nirerekomenda—mayroon pa silang recommendation na parang hybrid ang recommendation. Pero pag-uusapan pa po namin sa IATF po iyan at may mga appeal pa po iyong mga ibang lugar. At nakikita po natin na ang maganda diyan sa NCR ay very collective po iyong desisyon po nila under the MMDA and we would like to congratulate, ang sabi nga nila one for all, all for one; kung ano ang desisyon ng isang city mayor ay susundin po nila. Kung ano po ang desisyon ng IATF, susundin po nila. Pero ang ano po nila is—ang hinihiling po nila ay magkaroon na parang stricter ang control but we can open iyong other economic activity kaya nga tinatawag nilang parang hybrid.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, can we elaborate—sir, just one last question on you and then maybe I can go to Dr. Vega. Sir, papaano iyong hybrid ulit? Sorry.
SEC. GALVEZ: Ang inaano po natin, ang isang quarantine control ay imi-maintain po natin iyong restrictions sa social control but we will open up some economic activity provided that the economic sector will be responsible for their workers. So ang ibig sabihin, magkakaroon po tayo ng tinatawag na compromise na io-open po natin ang economy but the economic sector, the economic team and even the private sector should take equal responsibility of containing the spread.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Sir, thank you. Kay Dr. Vega, please.
SEC. ROQUE: Yes. Go ahead, please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Good afternoon, sir. Joseph Morong, GMA-7. Sir, okay, you noted that there are several increases in the COVID … utility of the COVID-19 facilities, iyong beds natin and even the ventilators. Given the trend now that we are experiencing for the past, maybe week, do you see this as overwhelming, our facilities in the future if this trend continues?
- VEGA: Actually, Joseph, the capacity right now, the critical bed capacity especially for the ICUs according to our data, nasa ano na, nasa danger zone and more than—that was about mga 70%. Mayroon pa ring kailangan na tugunan and we have to make sure na if ever there is a rise in the number of severe and critical patients, kailangan maka-adjust ang mga hospitals in terms of providing critical care and expanding their intensive care units.
So iyon ang—this is what we are trying to do. We are trying to prepare public hospitals, especially the government retained hospitals na they have to adjust in the number of their ICU beds because we have to be ready for this because we’re in a crisis and we are also asking the private institutions na—to implement the 30% allocation for beds, especially if there is a rise in the number of COVID cases.
So this is what we are trying to do, parang we are trying to collaborate with the different health facilities so that we will work as a network and there’s a system to it rather than, you know, parang nasa silos lang tayo na move independently with each other. So iyon ang pinakaimportante right now with this crisis, is that we need to come up with a system and move as one.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Thank you very much for your time.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Joseph. Usec. Rocky again, please.
USEC. IGNACIO: Ang question po Arianne Merez, sinagot ninyo na po iyong una, tungkol sa ABS-CBN franchise. Pero iyong follow up question po niya: Will the Palace concede that the President’s previous threats versus ABS-CBN affected the company’s application for a new franchise?
SEC. ROQUE: Hindi po, kasi po mapagpatawad po ang Presidente. Pinatawad po niya publicly ang ABS-CBN. Pinatawad po niya ang MVP Group. Pinatawad po niya ang Ayala.
So alam po ng taumbayan naman iyan, lalung-lalo na ang mga taga-Davao, na napakatagal niyang nakasama bilang Mayor na kapag nagalit po ang Presidente, hindi naman po siya nagkikimkim; nagpapatawad po. Pero despite that po, iyan po ang desisyon ng ating Kongreso, respetuhin na lang po natin.
USEC. IGNACIO: Economic managers have highlighted the need to keep the economy of National Capital Region and Calabarzon open. Does that mean that the government will keep the two regions under MGCQ?
SEC. ROQUE: Let’s just say tama po iyan. Iyan ang gustong mangyari ng economic managers pero hindi po iyan naging rekomendasyon ng kahit sino, mayor o IATF, sa mga naganap na mga pagpupulong.
Thank you, Usec. Again, Melo Acuña of Asia Pacific Daily.
MELO ACUÑA: Good afternoon, Secretary. My questions will be for Mayor Magalong. I am interested in finding out the qualifications of people who will be taken in as contact tracers. What qualifications do they have? How long the training will be? Are they aware of the privacy provisions in our laws? For Mayor Magalong, please.
SEC. ROQUE: Our Tracing Czar, Mayor Magalong, ano daw po ang kuwalipikasyon ng mga tracers?
MAYOR MAGALONG: Yes po.
SEC. ROQUE: Ano daw po ang qualifications ng ating mga tracers?
MAYOR MAGALONG: Ang isa sa mga qualifications po natin—and we are talking about the interviewers because this will be composed of PNP investigators at health workers. Unang-una, partnership po ito, kailangan din po natin ng doctors, kailangan din po natin ng nurses, kailangan din po natin ng mga retired investigators or law enforcement investigators. Probably, kung talagang kulang na kulang na po tayo, kailangan po nating kumuha ng mga dating mga criminologist. Puwede rin po nating kunin iyong mga retired na intelligence personnel.
Ang pinakaimportante po dito na qualification ay mayroon kahit papano pong tinatawag nating investigative mindset, iyong inquisitive iyong tao. Anyway, kaya naman nating i-train iyan. At the same time, kailangan din po natin, dahil it is a contract tracing ecosystem, kailangan din po natin ng mga analysts, people who are trained po sa ICT o kaya sa IT. Kailangan din po natin ang mga taong technical support, so we need also itong mga IT graduate. Pero ang pinaka-critical po talaga dito iyong mga interviewers po natin.
SEC. ROQUE: Next question, Melo.
MELO ACUÑA: Gaano po katagal iyong pagsasanay, baka po mahuli tayo sa ating targets? Gaano po katagal ang pagsasanay?
MAYOR MAGALONG: Pagdating po doon a training ng cognitive interviewing, kaya naman po natin ng dalawang araw. Looking at about 80 students or 80 participants, puwede po nating gawing dalawang araw. Iyong ating mga pag-aaralan, iyong technology, siguro po aabot po iyon ng isang linggo. Kaya talagang mag-i-immerse po iyong mga nagti-training tungkol sa GIS applications at saka doon po sa link analysis.
MELO ACUÑA: Para po kay Usec. Vega. Usec, isang tanong lang po: Tumatanggap pa po ba ang Philippine Heart Center ng cardio cases because of the onset of COVID-19? Do you still have space for cardiac, Usec?
USEC. VEGA: Yes, I think ang Heart Center naman ay open sa mga non- COVID clients lalo na sa may mga heart kasi mayroon na silang protocol on how to go about non-COVID and COVID clients. So mayroon na po silang parameters for that, sir.
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, from Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Is President Duterte or Malacañang satisfied with the House Committee’s denial of the ABS-CBN franchise?
SEC. ROQUE: He respects the decision of a co-equal branch of government.
USEC. IGNACIO: What will the government do with the ABS-CBN frequency?
SEC. ROQUE: Hayaan na po natin iyan sa NTC dahil ang sabi ko nga po, quasi-judicial naman ang NTC.
USEC. IGNACIO: Is the government still firm on further opening up the economy despite rising COVID cases or will you consider tightening lockdown measures in high risk areas?
SEC. ROQUE: We want to open the economy, but we want to protect also the health of the people kaya nga po we are being careful doon sa desisyon na gagawin pagdating po ng 16.
Trish Terrada? Thank you, Usec.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, my questions would be about the ABS-CBN franchise then I can go to our—sir, first of, because the government has been saying that issue of the ABS-CBN franchise is not to suppress freedom issue. If this is the case, sir, how does the government want to respond to different media groups, media organizations or press corps, reacting on the negative condemning denial of ABS-CBN’s franchise?
SEC. ROQUE: Well, on two front po. Gaya ng sinabi ko kanina, bago ka magkaroon ng karapatan para mamahayag, kung ikaw ay required ng franchise sang-ayon sa Saligang Batas, kinakailangan magkaroon ka muna ng franchise. In other words, although we recognize freedom of the press, if it is in a medium that requires a franchise, dapat mayroon ka munang franchise.
Pangalawa po, hindi naman po talagang nasupil pa ang ABS-CBN because they continue to broadcast. Nanunood pa rin ako ng balita sa cable, bagama’t kasabay naman po iyan ng 24 Oras dahil trabaho ko po talaga iyan, and napapakinggan din po sila sa digital platforms.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, thank you po. Can we go to Secretary Galvez po?
SEC. ROQUE: Yes, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary Galvez, follow up lang po doon sa question ni Joseph kanina. So ibig sabihin po, whatever the decision will be on July 15, kumbaga isang community quarantine or isang kind of classification lang po ang ibaba pa rin sa Metro Manila, tama po ba?
SEC. GALVEZ: Opo, iyon nga ang parang napagkasunduan po ng MMDA, dalawang araw po kaming nagpulung-pulong. Ang gusto po nila talaga dahil kasi ang NCR is interlocking iyan eh mas lalong mahihirapan kung iyong isa mag-ECQ, mag-GCQ or mag-MGCQ iyong isa. So, napagkasunduan po nila na kung mayroon pong isang classification, kung ano po ang recommendation ng IATF ay tatanggapin po nila.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, sir. Sir, kay Secretary Vince Dizon naman po and to Usec. Bong Vega po. Kasi po last week, I think, DOH said that iyong transmission, it eems—because of community transmission or late community transmission. Ibig sabihin, hindi na raw po sila nakakakita ng link ng infection to any positive case or the infection is coming from everywhere. So, may questions is, paano po ngayon nalalaman ng ordinaryong tao – especially flu season as well – kung halimbawa magkaroon siya ng sintomas, paano niya malalaman kung dapat na po siyang pumunta sa ospital at magpatingin? And sino na po ngayon iyong puwedeng suriin po magpa-swab test?
SEC. DIZON: Thank you very much. I’ll answer the non-pharmaceutical part ‘no. Alam ninyo, sa nakikita natin sa ibang bansa … gaya ng nakikita natin sa ibang bansa, ang transmission ng COVID-19 ay kapag nandito na siya sa community ay kailangan na talagang senyales iyan na kailangan na talagang paigtingin pa talaga ang testing and tracing kagaya ng sinabi ni Mayor Magalong kanina.
Critical iyan, bakit? Dahil kailangan nating mabilis na ma-isolate ang mga mayroong sakit lalo na iyong mga asymptomatic. Kaya ngayon nakikita natin na dumadami ang mga kaso, isang rason dito ay dumadami tayong … maraming tine-test. Pero ang pinakaimportante dito ay paulit-ulit nating sasabihin sa ating mga kababayan na kahit na nag-o-open up na tayo at lumuluwag na tayo sa ating mga restriction ay iyong COVID-19 ay hindi siya lumuluwag, nandiyan pa rin siya kasing tindi tulad noong mga nakaraang buwan. At kung hindi natin poprotektahan ang sarili natin, kung hindi natin isususot ang ating maskara, kung hindi natin huhugasan ang ating kamay at hindi tayo mag-i-exercise ng distancing, eh malaki ang posibilidad na mahahawa tayo.
Kaya kailangan tayong mag-test, kailangan tayong mag-trace, kailangan tayong mag-isolate, pero kailangan nating paulit-ulit na i-remind ang ating mga kababayan na protektahan natin ang sarili natin.
USEC. VEGA: Doon naman sa mga pasyenteng may sintomas like fever ‘no, influenza-like sickness kung tawagin nga iyan eh dapat magpakita sa doctor at kailangan talagang ma-test. Kasi ngayon with the high transmission rate dito ng coronavirus, kailangang ma-test, at alam naman natin na marami na tayong testing areas dito sa Metro Manila. And kung symptomatic talaga siya at nagpa-test, kailangan siyang suspect and probable ang kanyang classification.
Now, kung may symptoms siya, puwede siyang ilagay sa isang holding area para maprotektahan naman ang kanyang family at saka iyong kanyang community. Kapag lumabas iyong test na negative, doon lang siya madi-discharge from the facility. However, kung nag-positive siya, nasa holding area siya, dapat ilagay siya sa temporary treatment facility for mild positive COVID. So, ibang facility na naman iyon kung saan siya ita-transfer. Pero kung severe and critical kaagad, kailangan suspect ka or probable, diretso ka na sa hospital, doon ka ite-test whether positive ka for COVID or not.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, sorry, important follow up lang po on that ‘no. So ibig sabihin po, kung nakaramdam ka na ng sintomas regardless kung alam mong may interaction ka with a positive or wala, best decision to do now is to really have yourself checked?
USEC. VEGA: Yes.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: And you can be checked now in any hospital facility, tama po ba?
USEC. VEGA: Yes, lalung-lalo na iyong tinatawag na influenza-like illness. Iyong parang flu, fever, myalgia, muscle pains, kailangan magpa-check ka kasi ito iyong mga sintomas din ng COVID.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Kaya na po tayong i-accommodate sa testing facilities, wala na po iyong … kumbaga, before kasi ‘di ba kung may mga classification lang po or categories kung sino po iyong puwedeng i-test?
SEC. ROQUE: Secretary Vince, iyong bagong expanded na … those who can be tested?
SEC. DIZON: Opo. Ngayon pong linggo ay lalabas na ang expanded testing guidelines galing sa ating Department of Health. Ito po ay napakagandang development dahil nakikita natin na pataas nang pataas ang ating testing numbers. Pero kapag lumabas ang guidelines na ito, lalo pang tataas dahil marami na sa ating mga kababayan, lalung-lalo na iyong mga mataas ang risk na mai-expose at mahawa at mataas din ang risk ng makahawa sa ating mga kababayan ay iti-test na: Ito ang mga frontliners natin tulad ng ating mga kapulisan; ang ating mga nagbabantay sa ating mga barangay; ang mga frontliners natin sa mga private establishments tulad ng mga waiter, tulad ng mga security guards, tulad ng mga cashiers ng mga sales personnel sa mga mall. Lahat po sila ay considered frontliners at iku-cover na rin ang kanilang test ng PhilHealth kapag lumabas na po ang guidelines. Kaya naghihintay na lang tayo pero sa tingin ko sa mga susunod na araw ay lalabas na ito.
SEC. ROQUE: Gaya ng ating pangako po ‘no sa Malacañang Press Corps, siguro po sa linggong ito o sa susunod na linggo, magkakaroon po tayo ng libreng testing para sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.
Back to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong from Jo Montemayor ng Malaya: Maaari po bang makahingi ng komento sa suggestion ni Iligan Representative Siao, na PCR test ang dapat gamitin sa halip na rapid test bago payagan ang mga nag-negative na LSI na makauwi sa probinsiya. Hindi raw po sapat ang rapid test dahil madami pa rin ang nagpopositibo sa mga LSI pagdating nila sa probinsiya?
SEC. ROQUE: Sec. Charlie?
SEC. GALVEZ: Iyon po ang ginagawa po natin. Actually, ang primary tool po natin is PCR, dahil po ang ating mga PCR labs ay nationwide na po, ang nakikita po natin sa ating policy, mas maganda po sa receiving LGU po siya magkaroon ng PCR test. Kasi po marami pong variables kung dito pa po sa Manila o sa pinanggalingan, marami pong instances na nag-negative po dito ay nag-positive pa rin po doon sa LGU at para maiwasan po iyong tinatawag na double handling.
So ang sinasabi po natin, talagang pinaka-ano pa rin, mataas ang antas po natin na ginagamit na rin po natin iyong PCR as a primary tool para po malaman natin po na kung mayroon siyang COVID or wala. Ang ano po natin, ginagamit lang po natin ang ating antibody dito kasi considering na iyong iba ay kulang po ng PCR test so iyon muna ang ginagamit. Pero ang atin pong polisiya sa mga LSI ay papahintulutan na po natin ang paggamit ng PCR lalung-lalo na po doon sa receiving end na LGU.
SEC. ROQUE: Okay. Next question or shall we go to—next question, Usec?
USEC. IGNACIO: Okay. Question from Reina Tolentino ng Manila Times, although nabanggit na ninyo kanina na kung may changes po ba sa quarantine classifications starting July 16. And iyong tanong naman po ni—para daw po kay Usec. Vega from Sheila Crisostomo ng Philippine Star. One of the reasons daw po being eyed for the increase in cases is those undergoing home quarantine. They are supposed to be monitored closely by the barangay o iyong tinatawag na BHRET. What is the liability of the barangay LGUs? May monitoring system ba sa barangay para malaman kung sumusunod po sila?
USEC. VEGA: Alam ninyo kapag positive, mild positive COVID at saka naghingi ng quarantine, mahirap i-quarantine sa bahay kapag wala siyang sariling banyo, wala siyang sariling space for isolation. Mas maigi kung mag-quarantine sila sa temporary treatment facilities kung walang structure na puwede siyang ma-isolate.
Ang mga LGUs naman, mayroon silang mga holding areas for quarantine, mga temporary treatment areas na ginagamit nila sa holding areas for suspects and probable. Kapag na-test ka tapos wala ka pang results sa PCR mo, doon ka muna ihu-hold sa holding area ng temporary facility bago ka ma-discharge or bago ka mapaalis doon sa quarantine na iyon.
Iniiwasan namin na parang mag-quarantine ka sa bahay kasi ang hirap talaga, ma-contaminate mo ang buong family and the whole community kapag ginawa iyon.
SEC. ROQUE: Yes, uulitin ko lang po na hindi naman ito bago ‘no. April pa po, nagkaroon na ng ganitong rekumendasyon ang DOH. Pero in practice po, sinisiguro naman ng DOH na kung mayroong sariling banyo, pupuwede siyang mag-isolate sa bahay, kagaya ng sinabi ni Undersecretary Bong Vega.
Yes, next question please. Wala na? Si Mela kaya. Mela, are you there?
MELA LESMORAS/PTV4: Yes, Secretary.
SEC. ROQUE: Yes, go ahead, Mela.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo, yes, Secretary Roque. Just to reiterate: Ano po ba iyong policy natin against shaming sa ating frontliners? May isa po kasing viral post ngayon sa Lapu-Lapu City sa Cebu, isang private house of doctors ang nilagyan ng tarpaulin allegedly by the LGU which says, “Keep out. Lockdown area.” Ano po ang masasabi natin dito?
SEC. ROQUE: Iyan po ay iligal ‘no. Nasa batas po natin iyan ‘no na hindi po nagdi-discriminate against both frontliners and COVID patients.
MELA LESMORAS/PTV4: Paano po kaya iyong magandang step nating gawin dito, Secretary?
SEC. ROQUE: Ipa-blotter ninyo po sa pulis at magsampa ng complaint sa piskalya.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And my question number two lang po, Secretary, para naman po sa Hatid Tulong. May plano na po ba iyong IATF o napag-usapan na po ba natin iyong moratorium naman po sa Region VI, Region VIII at Caraga at iba pang probinsiya? Mai-extend po kaya iyong moratorium or may update po ba tayo dito?
SEC. ROQUE: Nagkaroon po ng moratorium dahil kulang po iyong mga quarantine spaces ng mga rehiyon na ito ‘no, pero wala pa pong bagong desisyon ang IATF. Perhaps, si Chief Implementer can also comment.
SEC. GALVEZ: Iyon po, napag-isahan po na this coming 25, 26 po ang isang hatid na naman sa Balik Probinsiya. So ganoon po ang ginagawa po natin na tinitingnan po natin na binibigyan po natin ng 15 days para at least mabakante po ang quarantine.
Noong last na nagkaroon po tayo ng Hatid Probinsiya is iyong 4 and 5. Ngayon po ay mayroon kaming tinitingnan na magkaroon po tayo ng nationwide Hatid Probinsiya this coming 25 and 26.
So kinakausap po namin iyong mga mayors at saka iyong mga governors na given the time na more than 15 days na allowable na iyon, puwede na siguro iyong ibang nagkaroon ng moratorium dahil wala na po, natapos na po ang quarantine ng kanilang mga LSI ay puwede na pong magpatuloy na po.
Kasi ang talagang ano po ng ating mahal na Presidente ay talagang maibsan po ang paghihirap ng mga LSI. Kasi nang makita niya po na inuulan sa mga pier at saka walang makain, at saka mayroon pong namatay dito sa ilalim ng Terminal 3, ay talagang nabagabag po ang kalooban ng ating mahal na Presidente. So ang ano po natin ay dapat po na ang LGU, na tanggapin po natin ang LSI.
So magpupulong pa po kami ng member ng mga ULAP at saka ni SILG para maipaliwanag ang gagawin po natin na mga new protocols po sa LSI.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po.
SEC. ROQUE: Thank you, Mela. Usec. Rocky, you have further questions?
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, may tanong po si Julie Aurelio: Usec. Vergeire reports more cases. Task Force’s level of quarantine depends on LGU’s quick response. In Navotas, the number of cases is twice more than its bed capacity. While Quezon City and Manila have the most number of cases in NCR. Is the Task Force inclined to keep GCQ or transition to MECQ for Metro Manila, or will it ease further into MGCQ?
SEC. ROQUE: Well, iku-correct ko lang po iyong assumption ng question ‘no. Nagkakaisa po ang lokal na pamahalaan at ang IATF, at hindi po kasama sa rekomendasyon at kinukunsidera ang mas maluwag na MGCQ.
Okay? Mayroon pang isang question, Usec?
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong pa po from Ace Romero: What was the basis of the IATF for discouraging home quarantine for asymptomatic and mild COVID-19 cases?
SEC. ROQUE: Doc. Bong or Chief Implementer? Chief Implementer.
SEC. GALVEZ: Nakita po natin sa Cebu, more than 1,900 po iyong hinome [home] quarantine nila at hindi na po nila napigilan na iyong mga barangay ay talagang halos buong barangay ay na-infect. So iyon po ang nakita natin na isang very ano, great disadvantage ng home quarantine. Kasi talaga po hindi natin mapigilan na iyong mga positive ay makipagkuwentuhan sa kanilang pamilya at sa kanilang mga kamag-anak at bumibisita pa, at iyong ibang ay nakikipag-inuman pa doon sa mga hindi positive.
So ang nakita po natin, mahirap pong mapigilan ang virus kung magkakaroon po tayo talaga nang malawakang home quarantine, 1,900 na home quarantine, mahihirapan po talaga tayo na ma-supervise po iyong ganitong karaming tao.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Rose Novenario of Hataw: ABS-CBN writer Jerry Gracio resigns as Samar-Leyte Languages Commissioner at the Komisyon sa Wikang Filipino. He announced in a tweet on Monday, and I quote, “I cannot anymore serve a fascist government even on a hold-over capacity,” he said.
SEC. ROQUE: That’s his prerogative and that’s his opinion. We let it be.
Okay? So kung wala na pong mga tanong: Mga kababayan, dumadami pa rin ang kaso ng COVID, dumadami ang naho-hospital, pero hindi naman po nag-iisa ang Pilipinas sa ganitong problema; ang buong daigdig po ay ito rin ang hinaharap.
Pero habang tumitindi po ang pagsubok, mas matindi rin ang ating paghahanda. Ngayon pong araw, nakita ninyo po sa isang pagpupulong ang lahat nang pinagkatiwalaan ng Presidente para labanan ang COVID-19 na ito.
Maraming salamat po sa Chief Implementer, Secretary Galvez; sa ating Testing Czar, Secretary Dizon; sa ating Isolation Czar, Secretary Villar; sa ating Tracing Czar, Mayor Magalong; at sa ating Treatment Czar, Dr. Bong Vega.
Sa ngalan po ng ating Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabi: Pilipinas, we will heal as one. Keep safe.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)