Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #102
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang araw po sa lahat ng ating mga kababayan na nakatutok ngayon sa ating programa. Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio makakasama ninyo pong maghahatid ng mga napapanahong impormasyon. Kasama po nating mag-uulat ang atin pong mga kasamahan sa pamahalaan para pa rin sa laban kontra COVID-19.

SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman samahan ninyo kami rito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Secretary Martin, alamin na muna natin ang pinakahuling balita ngayon sa COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. po kahapon ay nakapagtala ang Department of Health ng 57,000 total number of COVID-19 cases sa bansa matapos po itong madagdagan ng 836 reported cases. Malaking bilang naman po ang nadagdag sa mga gumaling na umabot sa 4,325 kung saan po naman nagkaroon ng kabuuang bilang na 20,371, habang 65 po ang naidagdag sa mga nasawi na may kabuuang bilang na 1,599.

Inyo pong mapapansin sa ating line graph na kahapon po ay malaki ang ibinaba ng reported cases na umabot na lamang po sa 836 at ito po ang pinakamababa sa nakalipas na isang linggo. Sa mahigit 57,000 total cases, 35,036 po ang aktibong kaso, labas na po diyan ang bilang ng mga gumaling at pumanaw dahil sa sakit. Sa nasabi pong bilang na active cases, malaking bahagi po o 92.2% ay may mild symptoms lamang, 7.1% ang walang sintomas, 0.4% ang severe, samantalang 0.3% naman ang nasa kritikal na kundisyon.

SEC. ANDANAR: Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, kaya’t pinapaalala pong muli namin na manatili sa ating mga bahay at huwag lumabas kung hindi naman importante o kinakailangan, panatilihin natin ang physical distancing at ang wasto at madalas na paghuhugas ng kamay.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-26883. Para po sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Kasama pa rin nating magbabalita mamaya si Ria Arevalo ng Philippine Broadcasting Service, John Aroa ng PTV Cebu, Regine Lanuza ng PTV Davao.

At sa kabila po naman ng pagpayag ng Inter-Agency Task Force at ng National Task Force for COVID-19 sa motorcycle back riding, hiniling ni Senador Bong Go na pag-aralan pa nang mas maigi ang iba’t ibang proposal na lumalabas para siguruhing ligtas ang parehong rider at pasahero. Aniya, hindi ito dapat madaliin at kailangan ding ikonsulta sa mga motorcycle safety experts para rin masigurong maayos, ligtas at komportable ang maipapatupad ng guidelines lalo pa’t buhay ng ating mga kababayan ang nakasalalay dito. Bago pa ito, nagpakita ng suporta ang Senador sa pagpayag sa back riding lalo pa’t makakatulong ito sa pagbiyahe ng ating mga kababayan sa pagpasok sa kani-kanilang mga trabaho.

Sa patuloy naman na pagtugon ni Senador Bong Go sa mga nabibiktima ng sunog at natural and man-made disasters, sinabi rin niya na dapat ding paigtingin ng pamahalaan ang pagtugon sa mga ganitong klase ng sakuna kasabay pa ng pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic, kaugnay nito ay inihain ng Senador ang Senate Bill 204 o ang Fire Protection Modernization Act at ang Senate Bill 1228 o ang Mandatory Evacuation Center Bill. Dagdag pa ng Senador, bukod sa pagsusulong ng mga panukalang ito ay tuluy-tuloy pa ring tutugon ang kaniyang opisina sa ating mga kababayang nangangailangan at mangangailangan ng tulong dahil sa mga ganitong klase ng sakuna.

Usec. Rocky, simulan na natin ang ating talakayan dito sa Public Briefing. Ngayong Martes makakasama natin sina Department of Trade and Industry Secretary Mon Lopez; Overseas Workers Welfare Administrator Atty. Hans Leo Cacdac; ang Head po ng Davao Public Safety and Security Command Center, Retired Police Colonel Angel Sumagaysay.

Para po sa ating viewers and subscribers, kung kayo po ay mayroong mga katanungan sa ating mga panauhin ay maari kayong magkomento sa aming live feed at sisikapin po namin ito na sagutin o basahin.

Una makakasama natin sa Public Briefing ang ating Kalihim ng Department of Trade and Industry, Secretary Mon Lopez. Magandang umaga po sa inyo, Sec. Mon.

SEC. LOPEZ: Magandang umaga po, Sec. Martin at kay Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat na nakikinig at nanonood.

SEC. ANDANAR: Kahapon ay nakapagtala ang Department of Health ng 57,006 total number of COVID-19 cases sa bansa. Karamihan din po sa mga bagong kaso ay mga nagtatrabaho. Kumusta po ang pagpapatupad ng DTI sa measures at adjustment protocols para sa mga kumpanya at business establishments?

SEC. LOPEZ: Ang sagot po doon ay napakaganda ng compliance rate po natin. Actually ang range po namin ay nagmumula sa 92% up to 100% dahil po every day we monitor about 400 establishments everyday at ito po ay digitally done, ibig sabihin at the same day nakukuha natin ang resulta. And nakikita po natin doon sa bawat protocol, for example kung ang lahat ng tao ba doon sa restaurant o iyong mga waiters ay kinukuha ang temperatura at nagsusuot po ba sila ng mask habang papasok at may mga sanitation equipment, may mga dividers ba sa table, etcetera, ito po ay mino-monitor; so diyan po nakikita natin maganda iyong compliance rate.

In fact noong nag-inspect po kami ni Secretary Charlie Galvez, natuwa ho kami dahil actually mas dinagdagan pa nila iyong protocol na inisyu ng Department of Trade and Industry, DOLE at DOH, at saka DOT.

SEC. ANDANAR: Sec. Mon, sa patuloy po na pagtugon ng ating bansa sa pangangailangan ng ating ekonomiya na sinasabi pa nga na gradual reopening of the economy, kamakailan po ay inilabas ang Memorandum Circular No. 2038 na kung saan patataasin ang operational capacity ng mga barber shops at salons. Anu-ano ang mga magiging pagbabago Secretary Mon at kailan sisimulan?

SEC. LOPEZ: Ito po ay sisimulan sa July 16 ang pagtataas po ng operating capacity, iyong mga nasa GCQ ay puwede na pong from 30% maging 50% at iyong nasa Modified GCQ ay iyong 50% magiging 75%. Ito po ay aligned sa atin pong hangarin na magkaroon ng gradual reopening at unti-unti pong makabalik po ang mga trabahador, ang mga workers, mas dumami po ang kanilang … hopefully ang kanilang trabaho pati po iyong kikitain, iyong income po, take home income nila.

Dahil isa rin po, kasama doon sa memorandum circular ay iyong pag-increase ng services, marami ho kasi nag-submit po ng mga position paper ang maraming associations involving the salons and barber shop industry at pinapakita po nila na—actually iyong dati hong ni-rule natin na basic care [unclear] ay hindi po sapat para—talagang break even po.

Subalit iyon naman po talaga was intentional in the sense na para ho magkaroon lamang ng gradual at dahan-dahang pagsimula, at makabalik lamang sa trabaho. At least ni-ready ninyo na po, may trabaho na po iyong ating mga kababayan.

And we’d also—at that time, we would like really to test iyong compliance rate, kung susunod po ba ang mga barbers and salons dito po sa patakaran sa new health protocol. And given the very good compliance rate kaya po natin ini-improve ang kanila pong operating capacity para ho mas madami. Hopefully, kumita nang maayos ang ating mga kababayan, iyong mga workers doon, pati po—iyon nga, pagdagdag ng services from basic hair cutting to all hair treatments. Iyan po ang sabi nila na iyon lamang ay mas gaganda na po ang take home pay ng ating mga workers by adding iyong mga hair treatments.

SEC. ANDANAR: A new memorandum circular expanding restaurants ang fast food dine-in capacity will be issued this week, pakipaliwanag lang po kung anu-ano ang mga safety protocols na dapat ipatupad sa mga restaurants? At may mga additional guidelines po ba na dapat ma-meet to operate?

SEC. LOPEZ: Opo, iyon po iyon—dahil kung maaalala po natin, iyong dine-in part ng restaurants, dati po ang restaurants ay take out and deliveries lang; and obviously, below breakeven uli lahat at konti lang ang taong nakakapasok. Noong in-allow po iyong dine-in, mas marami na hong workers ang nakapasok at maganda rin iyong compliance rate po diyan. Ganoon din ang level po nila, mga 94% to 100%. At dahil po doon, noong inumpisahan po iyan noong June 21, iyong 30% operating capacity ng dine-in restaurants in GCQ areas, iyon po ay maa-adjust na rin po sa July 21 to 50% – from 30% to 50% sa GCQ areas.

At ganoon din po, sa Modified GCQ ay from 50% naman po sila to 75%. So parang 75%, parang three-fourths – iyong apat na upuan dati, iyong tatlo ang pupunuan. At ang istriktong papairalin din doon ay iyong social distancing at pagkatapos po ay siguraduhing maganda ang ventilation, iyong exhaust system. At kung saan pupuwedeng magkaroon ng acrylic, clear acrylic dividers para po iyong mga medyo magkakatabi or hindi eksaktong magkatapatan ay siguradong safe sila na walang transmission; hindi mag-spread ang anumang disease doon po sa mga kumakain, sa mga costumers.

Ano po iyan, Sec. Martin, iyan po ay dinadagdag natin para lang makadagdag ingat dito po sa dine-in and restaurants. Ina-advise din po natin, ini-enjoin din natin sana ang mga local government units na i-allow po nila sana iyong extension ng curfew nila, imbes na 10 P.M. ay gawing 12 P.M., para po iyong mga restaurants can operate up to about 10 to 11 P.M., at doon po iyong maximum operating hours nila. Sana magawa po iyon dahil makakadagdag po sa, again, makakadagdag po sa kikitain ng mga workers iyon, iyong mga pag-extend po. Kasi it will add more turnover doon sa, at least sa dinner.

Kung alam po natin—ano po kasi iyan, ang dinner po would normally account for 40-50 percent of the revenue sa isang araw. So kung mapuputol po nang maaga ay bawas kita po sa ating mga manggagawa at saka micro SMEs.

SEC. ANDANAR: Sec. Mon, laganap po ang online selling sa panahon ngayon, talamak din po ang online scams, paano po sinusolusyunan ng DTI ang mga complaints ng ating mga kababayan? Ano po ang mensahe ninyo sa ating mga online sellers?

SEC. LOPEZ: Well, sa atin pong online sellers, mayroon po tayong kampanya na i-encourage po lahat sana mag-register. Mag-register po sila sa DTI at pati na rin sa BIR, iyon po iyong naging kampanya namin a few weeks ago para ho, again, ma-improve po iyong trust, iyong tiwala sa online selling, kasama na rin po iyong e-commerce as an industry. Dahil po kung wala iyong trust ay hindi naman po lalago ang industriya na ito dahil maraming magdududa pa rin kung ang kanila pong produkto ay may diperensiya: Mahahabol ko ba, makikita ko ba, mapapalitan ko ba ang produkto na ito; makikita ko ba iyong naging seller nito, papalitan ba niya; iri-refund ba niya, iri-replace ba niya iyong nabili kong defective na produkto?

So it will add really to consumer protection. It will add to the element of trust para ho lumago pa iyong negosyo na ito. And we always say na kahit anong negosyo, whether ito po ay pangkaraniwang negosyo na nasa mga commercial stores, department stores or malls, or ito ay online, dapat po talaga ay nagri-register ang mga businesses. Iyon po iyong ever since na pinu-promote po ng DTI dahil po hindi lalaki ang negosyo kung hindi po registered. Eventually po kasi kapag registered ay makakabenta na kayo pati sa mga malalaking kliyente na magri-require ng resibo, mayroon kayong resibong ipapakita.

Eventually po, lahat ng mga maliliit na negosyo ay lumalaki rin po. Para lumaki, kailangan registered. Iyong iba po ay kailangan ng financial statements para makahiram sa bangko so kailangan registered talaga sila. So iyon po iyong ini-encourage talaga natin – again, para ho dagdag proteksiyon sa consumers.

Ngayon, dito po sa nga nagrereklamo naman po sa online sa ngayon, hinahabol naman po iyan, traceability, hinahanap po kung sino iyong nagbenta. At katuwang natin ang PNP-CIDG at ang NBI sa paghanap po sa mga sellers na ito, nagsi-sell ng mga fake, defective products. Kaya po ang advice natin sa ating mamimili, maging mapanuri, maging maingat. Become smart consumers; na sila po ay isipin nila iyong bibilhin nila ay nasa isang registered establishment. For example, ito po iyong mga major platforms, iyong mga Shopee and Lazada, Zalora na alam natin na iyong nagtitinda rin doon ay may responsibilidad doon sa mga produktong binibenta nila.

Huwag po silang bibili sa mga hindi natin kilala or nagbebenta lang sa Facebook or sa Instagram na hindi natin kilala kung sino iyong nagbebenta. Para ho iyang bumili rin tayo sa gilid-gilid diyan na hindi natin kilala at hindi na natin mahahabol kapag defective ang produkto.

SEC. ANDANAR: Mayroon pong karagdagang tanong galing sa ating mga kasamahan sa media. Mula po ito kay Cleizl Pardilla ng PTV: Ano ang masasabi ng DTI sa barter trade na nauuso ngayon online at sa mga communities, at ano po ang dapat tiyakin ng both parties in engaging in this kind of activity?

SEC. LOPEZ: Well, ngayon ko lang narinig iyang barter trades sa online, and very unusual iyan. Ang barter trade ho ay allowed po iyan doon po sa mga limited places sa Mindanao dahil po sa nature po ng … iyong mga lugar doon na kailangan ma-improve iyong livelihood, iyong mga hanapbuhay po lalo na sa tabi ng dagat. Mayroon po tayong mga na-allow na barter trade according to the EO issued by the President. Very limited po iyan sa Sulu – Jolo, at Tawi-Tawi.

Pero po sa ibang lugar ay hindi po allowed iyong barter trade. At saka kailangan ho, ano pa, iyong regular transaction tayo diyan at saka dapat ho ay may tax na binabayaran.

SEC. ANDANAR: Rocky, are you there?

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, follow up lang po kay Secretary Mon mula pa rin kay Cleizl Pardilla: Wala ba daw pong nalalabag na trade and consumer tax law at anu-ano daw pong items ang puwedeng i-barter, ano iyong bawal or unlawful items?

SEC. LOPEZ: Well, bawal nga po so – at saka nalalabag nila iyong tax law diyan – anyway, ipapahanap po natin iyon dahil illegal po iyong activity. So diyan po, umaaksiyon naman po iyong ating team, composite team ng DTI at ng PNP, NBI. So marami na rin ho tayong natanggap na complaints but not on barter. But in general dito po sa mga online from 1,000 I think, in January of this year to 10,000, ang ibig sabihin ang mga complaints. Ganoon din kadami kasi tumalon ang transaksiyon sa online selling lalo na iyong quarantine, the height of the quarantine period.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon po tayong tanong mula kay Joseph Morong ng GMA-7, ito po iyong tanong niya: Can we afford to return to MGCQ—teka, mali po iyan. Sandal lang po ha. Ito po ang tanong niya: Can we afford to return to MECQ in Metro Manila? When are the industries under Category 4 going to open?

SEC. LOPEZ: Iyong industries under Category 4 ay mag-o-open sa Modified GCQ. Ngayon pong nasa GCQ, kung titingnan po natin ang percentage ng number ng sectors na open na, allowed na, actually po nasa mga 95% na. So, nasabi na natin na unti-unti ng nagri-reopen iyong economy.

Tulad nga po iyong nung—aside from all other manufacturing sectors, in-allow na po iyan up to 100%. Subalit ini-encourage lang iyong work from home when we can para po hindi po maging mabigat sa transportation needs at saka pati sa possible transmission ma-prevent pa rin po. Subalit, at least in the spirit of gradually opening of the economy, under GCQ marami na pong in-allow na magbukas. Iyong hindi na lang in-allow dito, ito iyong nasa Category 4 na nalista dito na malakas iyong transmission rate kapag in-allow silang mag-operate. So, ito po iyong entertainment centers, mga sinehan, pati ko convergence areas at saka iyong events, concerts. So marami pong activities na hindi pa in-allow, subalit ito po ay mga 5% na lamang ng remaining industries.

Dati po nandiyan din ang dine-in at saka po iyong barber shop ang salon sa Category 4. But again, more than a month ago, na-allow na rin pong naisama under GCQ at hindi na hihintayin iyong Modified GCQ.

So as to whether we can afford, mahirap na pong isipin na magsasara uli iyong mga kumpanya dahil humahabol po tayo sa pag-increase po ng ating economic activities dahil po marami po talagang nahirapan, nawalan ng mga trabaho, nawalan ng kita at umaasa rin po siyempre sa mga SAP natin. So lalo pong mabibigatan ang pressure din po sa gobyerno na magbigay ng more Social Amelioration Package kapag may isasara ba tayong mga industriya. Kaya po nililimitahan na lang po ito at ang intension po ay unti-unting magbukas.

Ngayon, dahil po we also realized na iyong virus po, hindi po madaling mawala, it will be here to stay, we really just have to learn how to manage it, live with it and in a way control it pa din so we can reopen the economy and yet we can maintain iyong safety ng ating mga kababayan. Again, nandiyan po iyong parating ipinapaalala sa atin ang pag-iingat. So kahit magre-open ang economy, tayo po ay siguraduhing maingat at ginagawa natin iyong mga health protocols; malinaw na diyan iyong pagsusuot ng mask, iyong social distancing, iyong frequent sanitation ng kamay. Dito po sa—even as we reopen the economy, mahigpit po ang protocol natin na pinapasunod diyan pati iyong pagkuha ng mga temperatura, pag-declare ng health condition po ng bawat customer, iyan po ay mga requirements. So that matuluy-tuloy iyong gradual reopening po ng ating economy.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Secretary Mon Lopez. Mabuhay po kayo, sir.

SEC. LOPEZ: Mabuhay din po, Sec. Martin, Usec. Rocky. Thank you.

USEC. IGNACIO: Sa punto pong ito, makakausap po natin ang head ng Davao Public Safety and Security Command Center, Retired Police Lieutenant Coronel Angel Sumagaysay.

RET. PLTCOL. SUMAGAYSAY: Yes, Ma’am. Good morning. Good morning sa lahat po.

USEC. IGNACIO: Salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa amin. Ano po ang ginagawa ng PSSCC sa pagpapatupad po ng barangay lockdown? At kumusta naman po iyong pagtiyak ng seguridad sa lugar?

RET. PLTCOL. SUMAGAYSAY: Yes, Ma’am. Ang Public Safety and Security Command Center, this is under the office of the City Mayor, kami po iyong nag-o-orchestrate ng coordination ng lahat ng mga security and safety units within Davao City. So ibig sabihin niyan, ma’am, once may ipatupad po tayong mga like for instance itong barangay lockdown madali lang po natin magamit iyong mga security units because templated na po ito at alam na po nila ang kanilang gagawin.

Sa ngayon po, mayroon tayong mga nala-lockdown at maganda naman ang takbo, properly deployed iyong mga security personnel natin and of course this is in coordination with our City Health Office, ang barangay captains, ang mga functionaries po ng certain barangay.

USEC. IGNACIO: Sir, since extra frontliners po ang CSU o iyong Civil Security Unit, kasama po ang ating sundalo at pulis, kumusta naman po sila ngayon? Mayroon ba positive sa kanila?

RET. PLTCOL. SUMAGAYSAY: Actually, malaking tulong po itong Civil Security Unit personnel natin, under din ito sa pamamalakad ng Public Safety and Security Command Center. And itong mga Civil Security personnel natin, ma’am, dini-deploy din natin ito in tandem with the uniformed units particularly sa mga checkpoints natin within Davao City. Dini-deploy din natin ito sa mga COVID health centers, sa mga isolations facilities natin, even sa airports, seaports and dito sa Davao over land transport terminals.

Aside from that, ang mandato talaga nila eh itong mga city-owned establishments and itong public schools, high school and elementary. So, dito sila naka-deploy sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Nagdagdag daw po tayo ng CCTV sa buong siyudad since the pandemic started?

RET. PLTCOL. SUMAGAYSAY: Yeah, actually may mga CCTV na tayo ngayon, ma’am. Ang tinitingnan lang natin ngayon at pinagtuunan ng pansin iyong ibang facilities na mayroon na tayong CCTV at nakikita natin dito sa aming opisina. Say for instance, ang ating Davao City Recreation Center kung saan nandoon iyong isang facility natin at least kahit papaano nakikita natin. Ito naman ay nakapagdagdag proteksyon aside sa human resources na dine-deploy natin; technology-wise medyo nakakatulong ito sa atin.

USEC. IGNACIO: May statement po si Mayor Sara Duterte na posible daw pong ibalik ang quarantine status ng siyudad sa GCQ ito pong July 15 o bukas. Sa tingin po ba ninyo mas makakabuti na gawin ito ni Mayor Sara Duterte?

RET. PLTCOL. SUMAGAYSAY: Alam mo, ma’am, dito sa Davao City ang mga advisers talaga natin dito ay iyong mga health experts natin na mga doctor. So kung iyan ang recommendation nila sa ating butihing Mayora and nakakabuti ito para mapadali natin na ma-resolve ang problema. Ang security cluster naman is always ready to provide support whatever na mga hakbangin ng ating local government unit.

But then kung ito ang nakikita ngayon na medyo mapaigi natin ang laban against this pandemic, why not, after all ito iyong magiging … nagiging recommendation ng ating mga health experts.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa apat na buwan po, gaano po karaming quarantine violators na hindi maiiwasan iyong ating naitala? At ano po iyong penalties na ipinapataw po ninyo sa kanila para naman huwag na pong umulit, ano po?

RET. PLTCOL. SUMAGAYSAY: Yes, ma’am, very strict and Davao City ever since, basta mga violation. From – ito ma’am, mayroon akong papel – since March 15, 2020, mayroon na po tayong 4,219 na apprehensions. Itong mga apprehensions na ito, ito iyong mga violators sa curfew, sa liquor ban, sa social distancing and face mask and we include also FM Pass – food and medicine pass.

So, nakapag-file tayo ng kaso through regular filing kaya marami ring mga kaso or appropriate charges na nai-file natin sa kanila like for instance, itong RA 11332, RA 11469 and of course iyong mga special laws natin, lalo na dito sa PD 449 sa cockfighting, 1602 sa illegal gambling and 9287 – iyong illegal number games.

So nakapag-file tayo, ma’am, through regular filing kasi kung i-inquest natin ito mapupuno iyong bilangguan natin. After all, mayroong guidance naman from DOJ na basta ECQ o CQ violations, through regular filing na tayo, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, gaano po kalaking tulong naman iyong mandatory wearing ng face masks sa inyong siyudad para makatulong po sa laban kontra COVID-19?

RET. PLTCOL. SUMAGAYSAY: Yes, ma’am. Ito palagi iyong pinag-iigihan natin, iyong compliance ng mga tao lalo na itong social distancing and even itong wearing of face mask. Good to note that the city government natin through the 19th City Council of Davao City, nagpasa po ng isang City Ordinance.

So, it’s a mandatory for everybody to wear mask at kahit na wala itong … wala pa ito. Ito palagi ang ini-emphasize natin na kung puwede lang lahat talaga magsusuot ng face mask kasi nga doon sa health protocols. Inuulit-ulit iyon ng ating mga doctors, at ito naman ay nagiging aggressive iyong dissemination natin dito sa mga barangays na talagang magsusuot ng face mask kasi ito nga, isang paraan ito na mapigilan man lang natin ang pag-spread ng coronavirus.

Hopefully lahat ng tao, not only in Davao, magiging habit na ito na lahat tayo ay talagang magsusuot ng face mask.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, panghuling mensahe na lang po sa ating mga kababayan natin diyan sa Davao?

RET. PLTCOL. SUMAGAYSAY: Yes, ma’am. Actually, itong laban sa pandemic, ma’am, hindi ito laban ng health sector. Actually, ang kagandahan lang dito sa Davao City, halos lahat nag-participate – ang security cluster natin; ang ating CSSDO, iyong Davao City or Davao City Social Health Development Office; and City Agri; ang City Vet; City Engineering Office.

Halos lahat kami dito talagang tulung-tulong na kasi hindi ito laban ng isang ahensiya, pero dapat itong pagtulong-tulungan natin. And nagpapasalamat din kami, of course, sa leadership ng aming butihing mayor, si Mayor Inday Sara at iyong mga leadership ng mga barangay captains kasi gamit na gamit ito sila at lalo na itong purok leaders. Kasi ang nakikipag-engage talaga sa ground—ang mag-e-engage sa ground hindi tayo pero itong mga purok leaders, that’s why isinisingit na rin iyong mga psychosocial interventions. Once na mag-lock tayo ng isang lugar, hindi natin ito dapat pabayaan bagkus iyong mga interventions dapat ibigay ng gobyerno.

So, sa akin naman, dahil ako naman ang responsable pa sa paglo-lock ng mga area dito, ang atin lang, iyong cooperation ng mga tao. Alam ko, alam nating lahat na balang araw malalampasan natin itong problema na ito. So, sunod lang tayo kung anong ipapagawa sa atin ng gobyerno at mag-cooperate lang po tayo lahat.

Salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa pagsama ninyo dito sa aming programa. Sir, mabuhay po kayo.

RET. PLTCOL. SUMAGAYSAY: Maraming salamat, ma’am. Mabuhay rin po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula po sa ating mga lalawigan kasama si Ria Arevalo.

[NEWS REPORT BY MILDRED COQUIA]

[NEWS REPORT BY DANDEE MACARAMBON]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo.

[AD]

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si Regine Lanuza ng PTV Davao. Maayong buntag, Regine.

[NEWS REPORT BY REGINE LANUZA]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Regine Lanuza ng PTV Davao.

Rocky, pasalamatan din natin ang ating mga kasamahan sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas at ating mga kasamahan sa Cable Organization of the Philippines dahil nakapanayam namin o nakapagpulong tayo kasama si Kat de Castro kahapon at sila ay susuporta sa ating mga programa dito sa PTV.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, nagpapabati rin po si Edwin Eusebio ng DWIZ, sila daw po ay naka-simulcast dito sa ating Laging Handa.

Samantala, pansamantala naman itinigil po iyong Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program para bigyang-daan ang pagtulong sa mga Locally Stranded Individuals sa bansa. Sa ilalim ng Hatid Tulong Program, iisa lang naman po ang layunin ng parehong programang ito, ang matulungan ang mga kababayan nating nais nang makapiling ang kani-kanilang pamilya.

Panoorin po natin ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PTV Cebu, makakasama natin si John Aroa.

John, kumusta na kayo diyan?

[NEWS REPORT BY JOHN AROA]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa. Iyong kuwento mo po na dating beauty queen ay alam nating magbibigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Hindi ba Rocky, naging beauty queen ka rin sa Lucena?

USEC. IGNACIO: Parang … sa school lang naman iyon, Secretary.

SEC. ANDANAR: Puwede tayong … sasamahan kita maglalako tayo ng—

USEC. IGNACIO: Kinalimutan ko na iyong yugto na iyon, Secretary eh …

SEC. ANDANAR: Samahan kita maglalako tayo ng banana cue sa Lucena.

USEC. IGNACIO: Secretary, batiin ko muna iyong nanay ko kasi birthday niya bukas – si Ellen Rodriguez Tobias. Happy birthday sa nanay ko. Pasensiya na talaga hindi pa rin ako makakapunta sa iyo. Alam ninyo naman po na mahal na mahal ko kayo. Nandiyan naman iyong mga kapatid ko at saka alam kong hindi naman nila kayo pababayaan. Pagdating ng panahon, basta… magkikita-kita pa tayo kapag puwede na akong pumunta at talagang makikita ninyo ako.

Nakakatakot lang kasi, Secretary, hindi ba basta lang tayo pupunta? Dahil senior citizen na iyong nanay ko, ayaw ko, nag-iingat din po talaga rin ako.

SEC. ANDANAR: Kailangan talagang mag-ingat. Happy birthday po sa kay nanay ni Rocky Ignacio, ni Usec. Ma’am, happy birthday po sa inyo, at sa lahat ng mga nagbi-birthday, happy birthday po at sana kahit papaano tayo ay nakakapag-celebrate kahit, you know … kahit kaunti lang pero ang mahalaga po diyan ay magpasalamat sa Panginoon at tayo ay nabubuhay pa.

Anyway, maraming salamat po sa lahat ng mga naging panauhin natin ngayong araw at ang ating partner agencies, sa kanilang patuloy na suporta at walang sawang paghahatid ng balita at impormasyon.

Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 para sa inyong suporta sa ating programa. Mabuhay po kayo!

At diyan nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Sec. Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.

USEC. IGNACIO: Ako po, Secretary, binibiro na nila Joseph Morong, nila Julie Aurelio at ni Joee Guillas dahil sa sinabi ninyo.

At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Salamat, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)