SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Umpisahan po natin ang ating press briefing sa pagbisita ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa ating mga tropa sa 11th Infantry Division sa Jolo, Sulu.
Sa mga hindi nakapanood kanina, ito po ang mahalagang punto na sinabi ni Presidente: Una, personal na nagpasalamat si Presidente sa ating mga sundalo sa kanilang serbisyo sa bansa lalo na sa panahon ng pandemya. Ang mga terorista ay hindi tumitigil na paghasik ng lagim. Pangalawa, ipinangako ni Presidente na makukuha ng pamilya ng mga sundalong napaslang ang hustisya. Dadagdagan pa ng Pangulo ang dapat lumabas ang katotohanan be it in favor of the police or the military. Pangatlo, nagpahayag din ang Pangulo ng kaniyang opinyon ukol sa korapsyon.
Ipinaliwanag ko sa nakaraang press briefing ang ating istratehiya sa matinding pagsubok ng COVID-19 – mas malawakang targeted testing, mas maraming isolation centers, mas matinding tracing at mas matinding treatment para sa mga nagkakasakit. Pinakilala ng inyong Spox ang apat na Philippine Anti-COVID-19 Czars: si Secretary Vince Dizon bilang Chief Testing Czar; Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Chief Tracing Czar; Public Works and Highways Secretary Mark Villar bilang Chief Isolation Czar; and Health Undersecretary at Head of the One Hospital Incident Command, Usec. Leopoldo ‘Bong’ Vega bilang Chief Treatment Czar.
Silang apat ay nasa ilalim ng National Task Force Against COVID-19 sa pamumuno ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr. Maliwanag po ang trabaho ng bawat isa at kung halimbawang may pagkukulang, matutukoy agad kung saan. It will be accountable—all will be accountable for the COVID response.
COVID-19 updates naman po tayo ‘no. Ano po ang sitwasyon sa COVID-19 sa bansa? Mayroon po tayong 35,036 active cases based sa huling report ng DOH. Sa mga active cases, 92.2% ang mild; 7.1% ang asymptomatic; 0.4% ang severe; at 0.3% ang critical. Ang magandang balita po ay patuloy ang pagtaas ng mga gumagaling, may 4,325 ang nai-report na gumaling kahapon po. Ito po ang pinakamataas na bilang na naka-recover sa loob ng isang araw; ang sumatotal ay mahigit 20,371 ang ating recoveries.
Animnapu’t lima naman po ang nai-report na binawian ng buhay ng dahil sa COVID-19. Nakikiramay po kami sa mga pamilya. Sumatotal ay mayroon na po tayong 1,599 na deaths. Sana po ay patuloy na bumaba ang namamatay araw-araw po. Ito po ang dalangin ng lahat.
Ang inyong lingkod kasama ng iba pang mga miyembro ng IATF ay naimbitahan po ng Lungsod ng Taguig. Doon po inanunsiyo ni Secretary Duque at ni Secretary Vince Dizon ang Oplan Kalinga. Ano ba ho ibig sabihin nito? Nilinaw po nila na ang pupuwede lamang mag-home quarantine ay iyong mayroong mga sariling kuwarto, mayroong sariling toilet at wala pong kasamang matanda, ‘di naman kaya may sakit or buntis sa kanilang mga tahanan. Kung mayroon po at kung wala po talagang sariling kuwarto at walang sariling banyo, ang Oplan po ay sila na po ang susundo sa atin at magdadala po sa mga isolation centers. Air conditioned po lahat ng isolation centers natin, libre ang pagkain at mayroon pang libreng Wi-Fi. So sa lahat po ng asymptomatic or mild na walang sariling kuwarto, walang sariling banyo, may kasamang matanda, buntis or mayroong karamdaman, welcome po kayo sa ating mga isolation centers.
Isa pa pong magandang balita, naanunsiyo po kanina ni Secretary Vince Dizon, ang ating Testing Czar na umabot na po sa isang milyon ang ating na-test sa pamamagitan ng PCR. Nakaka-25,000 na po tayo kada araw na actual testing at malapit na po tayo sa target natin na 30,000 PCR test daily.
Mayroon din pong 500 bed capacity na bubuksan ang Taguig local government sa Upper Bicutan. At sa Taguig po, ito pong mabuting balita sa mga taga-Taguig o iyong mayroon pong interes sa Taguig gaya ng mga nagtatrabaho sa Taguig, libre po ang PCR tests. At kanina po, tayo po ay gumamit ng kanilang drive-thru swabbing facility. Hayan po ang aking larawan, mabuti na lang hindi nakita habang pinapasok ang swab sa aking ilong.
Pero ito po ay proyekto ng Taguig local government, nagpapasalamat po kami at nagpupugay po sa Taguig local government.
Maya-maya lamang po kasama po natin si Mayor Lino Cayetano para siya na po ang magbalita kung anong mga hakbang na ginawa ng local government ng Taguig para po labanan itong pagsubok ng COVID-19.
On other matters naman po, isa na namang good news. Nagsimula na po ang operasyon ng kauna-unahang airport sa Pilipinas na may dedicated COVID-19 PCR testing with molecular laboratory, ito po ang Mactan-Cebu International Airport. Kaya ng lab na mag-process ng 1,500 to 3,000 tests kada araw at kayang makuha ang test results sa loob ng 24 oras; ito po ang shortest time in the country to release swab test results.
Well dito po nagtatapos ang ating presentasyon, ang ating panauhin gaya ng aking sinabi kanina, walang iba po kundi si Mayor Lino Cayetano. Ay, wala pa pala si Mayor Cayetano pero siguro po habang wala pa si Mayor Cayetano, mag-proceed na po tayo sa ating open forum at kung nandiyan na po si Mayor Cayetano ay pagbibigyan po natin siya ‘no. So ang unang question, Joyce Balancio of DZMM, please.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes po. Good afternoon, Secretary. Sa speech po ni President Duterte, he mentioned about an oligarchy na binuwag at sinira po niya. Just for the record, who is the President referring to?
SEC. ROQUE: He’s referring po the oligarchies that he has dealt with personally, nandiyan po iyong unang away niya with Lucio Tan pero nagbayad po ng pagkakautang sa airport si Lucio Tan at nandiyan po iyong mga water concessionaires ‘no. At dahil talaga namang sinabihan niya, talagang baguhin ninyo ang kontrata, hindi dapat maging agrabyado ang taumbayan, kung hindi ay ipakukulong ko kayo ‘no at pumayag naman po na magkaroon ng amended concession agreement ang dalawang taipans na MVP Group at ang Ayala Group.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Are you saying, sir, that this is just a coincidence that the President mentioned this immediately after Congress denied the franchise application of ABS-CBN?
SEC. ROQUE: I believe so, kasi palagi naman niyang sinasabi sa mga talumpati niya iyong mga oligarchs na talagang siya mismo ang bumuwag ‘no. Ito naman pong kaso kasi ng ABS-CBN eh kaso po na nag-expire ang prangkisa at hindi po na-renew ng Kongreso.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. On another topic po, still on the speech of the President. He also mentioned about discouraging his daughter Sara Duterte from running for presidency. Clarify ko lang po kung anong ibig sabihin ni Pangulo dito sa linya na ito: “Sabi ko magtrabaho ka diyan, wala kang makuha unless gusto mong mamera, ah kaya.” What does this mean, sir? And how do we reconcile this statement to his, you know, previous statements na galit siya sa korapsyon, ayaw niya na binubulsa ang pera ng gobyerno?
SEC. ROQUE: Malinaw naman po ang palaging sinasabi ni Presidente kay Mayor Sara, talagang it’s a thankless job. It’s all sacrifice, walang return and ayaw niya na ganiyan iyong buhay ng kaniyang anak ‘no. So he’s saying it’s the most thankless job in the country and he has said that consistently.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Pero, sir, iyong part po ng sinabi niya, “Wala kang makuha unless gusto mong mamera, ah kaya.” Ano pong ibig sabihin noon, sir?
SEC. ROQUE: Well, talagang wala kang—iyon nga eh, thankless nga po eh. There is no gain to becoming a president unless you’re corrupt so it’s all public service, that’s what he is saying.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay, last na lang po for me, sir. He also mentioned about being open doon sa borders ng country for trade lalo na daw po ang coal. Can you give us more details on this, sir? What will be our next steps?
SEC. ROQUE: Ano iyong last na sinabi mo? Iyong maging open sa borders?
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes po, may binanggit po si Pangulong Duterte na he’s ready daw po i-open ang borders ng Philippines for trade. He also mentioned coal, very important daw po ang coal sa trade. Ano po ang details nito, sir? And ano iyong next steps for this?
SEC. ROQUE: That’s about the economic integration that is being implemented through ASEAN po. That’s really a zero tariff or minimum tariff for intra-ASEAN trade. It’s a common market po.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, sir.
SEC. ROQUE: Well, nandito na po sa linya natin si Mayor Lino Cayetano. Mayor, congratulations sa iyong event kanina. So we invited you to share with you the experience of Taguig by way of best practice ng LGU. The floor is yours, Mayor Lino Cayetano of Taguig.
MAYOR CAYETANO: Magandang tanghali, Sec. Harry. Thank you for visiting us also in the [garbled]. Puwede pong i-share ko lang po iyong aming [garbled] that was adopted, locally adopted [garbled] national framework for public [garbled]. So ito po ay isang programa na in-adopt namin sa LGU base po sa ibinaba sa amin na kautusan ng national government [garbled]. Next slide po.
So unang-una po, may be the key from transitioning to ECQ to the new normal ay talagang[garbled] natin itong [garbled] able to trace … to be able to test, to trace, to treat. Nakita po natin talaga [garbled] ng total lockdown. So habang dahan-dahan tayong nagbubukas ng ating ekonomiya, makabalik na sa trabaho ang ating mga kababayan, kailangan ho mas maging agresibo tayo dito sa test, trace and treat. Next slide po.
So, ito ho iyong daily update namin ‘no sa Lungsod ng Taguig. Next slide.
Ito ho ang mga criteria namin for testing. Next slide po.
So unang-una ho, paano tayo nakakapag-test ng agresibo? Sa Lungsod ho ng Taguig, ang ginawa po namin, more ways so that citizens can be tested. Mas maraming paraan para ho ma-test natin ang ating mga kababayan. Kanina po ay masaya kami dahil nasaksihan po first hand ng ating Kalihim, Secretary Harry, ang aming drive-thru testing. So doon po sa may mga sasakyan, mayroon kaming drive-thru testing every Wednesday and every Friday.
Sa aming mga health centers naman [garbled] one health center [garbled] one health center has the capacity to do testing. So lahat ng mga health centers namin ay nagti-testing. Ang aming local hospitals, mayroon na ring testing. At mayroon kaming [garbled] testing team na naka-ambulansiya na pupuntahan ka sa bahay.
So iyong isa ho naming nakikitang key ay to make testing really available. Konti lang iyong access to laboratories na ibinibigay sa amin ng national government [garbled] more testing laboratories pero iyong kakayahan din ng LGU na [garbled]. Next slide po.
Pero overnight po, masaya ho kami dahil biglang dumoble iyong aming kapasidad. Kahit na ho agresibo na ho kaming mag-test, we were happy when the national government opened iyong national testing facilities. Iyong isa ho ay malapit lang dito sa Lungsod ng Taguig, bukas po sa ibang mga siyudad, at automatically from 1,000 a day ay kaya na namin mag-2,000 a day because of these testing facilities. So it’s really the work of the national and the local government working closely together and the private sector. Next slide.
So kung mapapansin ninyo, dahil maraming nagtatanong, nakikita natin na tumataas iyong ating mga kaso. Totoo ho iyon. Pero isa rin sa mga rason bukod doon sa transition natin sa GCQ, mas maraming taong gumagalaw, mas marami nang bumabalik sa trabaho, kailangan na ho nating [garbled], mas malaki ho iyong kapasidad natin for testing, hindi po natin maihihiwalay iyon. Kung titingnan ninyo iyong graph na ito, iyong blue line, iyan iyong number of test. Makikita ninyo, after nag-test kami ng tatlo, apatnalibo sa isang linggo, after one week, tumaas iyong mga kaso natin. So lagi kong pinapaalala dito sa Taguig, sa mga kababayan ko, hindi ho masama na agresibo tayong nagtutukoy ng mga may sakit kasi mas maganda ho ay nakikita natin sino ang may sakit. So talagang as we aggressively test the number of cases will also go up. Next slide po.
Sa testing ho, we are happy to report na na-hit po natin iyong target [garbled] population. So compared ho sa ibang mga bansa [garbled]iba-ibang mga benchmark [garbled], Secretary Vince Dizon [garbled] that we have a target of 2% in July and ten percent by the end of the year. So right now, ang Taguig ho [garbled]. Next slide ho.
So iyon ho ang [garbled] test as much as possible. Pangalawa ho, trace. Ito ho iyong contact tracing team naman ho namin [garbled] Lungsod ng Taguig, unang-una ho iyong aming CEDSU team, iyong City Epidemiology and Disease Surveillance Unit [garbled] simula ho noong March, iyan pa lang ho iyong umiikot. Ngunit habang dumadami po, nagkaroon tayo ng community transmission habang dumadami iyong kaso dito sa NCR [garbled]. So unang-una, iyong emergency response for notifiable infections and [garbled]. So we have 13-man team na konektado sa mga health centers namin. We have 28 barangays, 31 health centers, mayroong dedicated team, contact tracing team, 5 members each. And then mayroon po kaming dalawa pa for the businesses dahil minsan ho iyong infection ay nangyayari sa opisina, kailangan din ho mayroong [garbled]. So that’s a full time contact tracing team.
Ngunit minsan, kulang pa rin iyan lalo kung sabay-sabay sa isang lugar, nandiyan po iyong BHERT natin, Barangay Health Emergency Response Team, at ito ho iyong isa sa mga sikreto natin sa Lungsod ng Taguig. Talaga iyong tumutulong po diyan, iyong pundasyon doon sa contact tracing at [garbled] surveillance ay iyong barangay health workers. We have more than 800 barangay health workers [garbled] Taguig, at iyan ho ay sanay talagang magbahay-bahay. Sanay magbahay-bahay para [garbled] like diabetes, dahil sa Taguig po ay nagde-deliver kami ng gamot [garbled] sila ngayon iyong nag-a-assist sa [garbled] surveillance at contact tracing.
Huling-huli ay iyong ating mga kababayan, citizen, number five, and that’s very important. In fact, sa pyramid namin, iyan iyong pundasyon. Dahil sabi nga ni Sec. Duque, we need to active [garbled] surveillance. Ibig sabihin, hindi puwede iyong gobyerno lang na nagkakatok, kailangan ho iyong mga kababayan natin ay agresibo. Kapag alam nilang mayroon sa komunidad o sila man sa pamilya nila ay may sakit, kailangan itawag kaagad nila. Next slide.
So huling-huli ho, iyong treat ‘no. Kapag sinabi nating treat, kasama ho dito iyong ating ospital—[signal cut]
SEC. ROQUE: Nawala ang sound system ni Mayor Cayetano ‘no. So anyway—
MAYOR CAYETANO: Hello po.
SEC. ROQUE: Go ahead, Mayor.
MAYOR CAYETANO: Sir, sorry. So last po iyong treat ‘no. Kapag sinabi nating treat, kasama ho diyan iyong pagpapa-ospital natin sa mga kailangan pagamutin. Ngunit kasama rin diyan iyong ikinuwento kanina ng Kalihim ‘no na si Secretary Vince Dizon iyong pagka-quarantine natin sa ating mga kababayan na asymptomatic o may mild na kaso. Ito ho iyong mga hindi naman kailangan maospital, puwede pang manatili sa bahay. Pero kung walang kapasidad ho na mag-quarantine sa kanilang bahay at maaaring makahawa pa sila ng kanilang mga kapamilya ay iimbitahan natin, na ika-quarantine natin at aalagaan natin.
So ngayon ho we have four facilities. Pero we are happy to announce earlier today that we will open a 500- bed capacity facility dito sa may Lower Bicutan, and a 100-bed capacity dito po sa BGC. Next slide ho.
MAYOR CAYETANO: So ito po iyong 500-bed facility that we will be launching [garbled].
At itong template po na ito nakuha namin sa DPWH. Napakaganda noong plano, disenyo at porma na inihanda ni Kalihim Mark Villar. So sa Lungsod ng Taguig, we adapted the design although locally funded ito, we will be coordinating with the national government. [Garbled] individual iyan, 500 individual. Diyan po natin iimbitahin iyong mga kababayan natin, ika-quarantine para maalagaan at matutukan sila hanggang sa paggaling nila.
Iyon po iyong aming istratihiya sa Test, Trace and Threat; iyan po iyong adaptation, iyong implementation. The strategy came from the national government, guidance and the direction straight from the national government. But ang laging bilin nga ng magaling at masipag nating DILG Secretary, Secretary Año na talagang kailangan tutok sa implementasyon kaming mga LGU. So, we continue to work closely with the national government and we continue to follow the directions set by the Inter-Agency Task Force and the Joint Task Force. Iyan po iyong T3 strategy natin.
SEC. ROQUE: Mabilis lang po, ano po iyong granular lockdown na ginawa ninyo sa isang construction area diyan sa Taguig na naging dahilan na hindi ninyo na isinara iyong buong BGC? Dahil kung sinarado ang BGC, you would have lost more or less 16 billion pesos. Paano po ninyo ginawa iyang granular lockdown sa isang construction site?
MAYOR CAYETANO: If you will allow, Sec. Harry, we have a few slides, lima lang po. So, napabalita ‘no, puwede na pong i-flash iyong slide ‘no. Pero siguro po nabalitaan ng ating mga kababayan, mayroon kaming lugar ito sa BGC na nagkaroon ng 300 cases, pero maraming hindi nakakaalam ho na iyong lugar na ito, iyong construction site na ito ay ngayon ay ginagamit namin na ehemplo para doon sa granular or sa localized quarantine. Nangyari po ito sa malapit na koordinasyon ng aming local stakeholders, iyong BGC community. Maaga pa lang po noong makita natin na mayroong may sakit doon, pinuntahan na kaagad ng aming local CEDSU on the same day, that was June 24. We immediately conducted test for Zika, for dengue and for COVID. On the same day, wala pa pong kumpirmasyon, wala pa pong positibong kasong, isinara na po namin.
So, on June 24, when it was first reported at in-inspection namin iyong construction site, we did testing, but we already closed the location. So three days later, noong lumabas po iyong resulta na mayroong seven positive cases, we decided with the help of Secretary Vince Dizon because I reported to him the case. Sabi niya, “Ilan ba ang construction workers diyan?” Sabi namin, around 700. So sabi niya sa tulong ng National Testing Facility, we can test everyone. So we tested all 700, ngunit mula sa unang pagpasok pa lang namin noong June 24, wala na pong lumalabas at wala nang pumapasok. Even before the first reported case in the construction site, the place was already locked down.
So ngayon po, we are excited in ten days, i-clear iyong lugar, iyong first batch na nag positibo. Gusto kong makita na ma-report namin sa inyo na recovered na po sila. And in 15 days, inaasahan namin hopefully, god-willing, all 300 will recover. And we really feel na dahil maaga at agresibo iyong naging pag-lockdown natin dito, iyong 300 na kaso na iyon napigilan namin doon sa pag-ikot sa buong siyudad amin. So BGC is a city of hundred thousand residents, iyong 300 po sa loob ng construction site, na-contain natin, they are around 20 current infections lang, current cases in the rest of Barangay Fort Bonifacio. So naniniwala kami iyong agresibong localized lockdown [garbled] para po [garbled] test, trace and threat.
SEC. ROQUE: Thank you very much and congratulations, Mayor Lino. Please remain to be with us dahil baka mayroon pong mga tanong ang mga members ng Malacañang Press Corps. Usec, Rocky for your questions please?
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Question from Virgil Lopez of GMA News Online: China on Monday rejected the Philippines’ call comply with the 2016 Arbitration ruling that nullified its massive claim over the South China Sea calling the decision illegal and invalid. May we get Palace’s reaction to this? What can the government do in order for China to comply with the ruling?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, talagang hindi tayo nagkakasundo sa bansang Tsina tungkol diyan sa arbitral award na iyan ‘no. Sinasabi natin na partido ang Tsina sa UNCLOS na mayroon pong mandatory dispute resolution na ginamit natin at ang naging resulta nga iyong award.
Pero let’s just say that we will agree to disagree. Pero meanwhile itong disagreement natin na ito ay hindi dahilan at hindi naman po ito ang suma-tutal ng ating relasyon sa Tsina. We will proceed po, isusulong natin ang pupuwede nating isulong sa ating pagkakaibigan sa Tsina, iyong mga bagay-bagay na may relasyon sa ekonomiya at sa kalakal, at isasantabi muna po natin iyong mga bagay na hindi mapagkasunduan, kasama na po itong territorial dispute na ito.
USEC. IGNACIO: From Celerina Monte ng Manila Shimbun. Reaction daw po ng Palace on the statement of US Secretary of State Mike Pompeo that that world will not allow Beijing to threat the South China Sea as its maritime empire. The statement came a day after Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin said that the ruling of the Permanent Court of Arbitration four years ago is non-negotiable.
SEC. ROQUE: Well, siyempre po ako ay Tagapagsalita ng Pangulo, uulitin ko lang po ang sinabi ng Pangulo. Ang huling pronouncement po ng Pangulo tungkol dito ay sinabi po niya doon sa ASEAN Summit na ginanap po na online. Ang sabi po ng Pangulo ay talaga naman pong iyong mga bansang Amerika at ang Tsina ay patuloy na hihikayatin tayo na sumapi sa kanilang kampo. Kinakailangan eh—ang ating posisyon po dito ay isulong natin ang pang- national na interest natin at kinakailangan po ang resolusyon sa South China Sea ay sang-ayon po sa batas at sinasabi nga po natin na ang lahat ng mga interesado dito sa West Philippine Sea dispute, kinakailangan maresolba ito sang-ayon sa UN Convention on the Law of the Sea.
Yes, thank you, Usec. Triciah Terada, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS.: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, how does the IATF interpret this data, iyong pagdami po ng kaso ng COVID cases natin vis-a-vis ho ang hospital capacity? Hanggang saan po, sir, iyong kaya natin and at the [unclear], where a number of hospitals expressed that they had reached their full capacity for COVID cases. Do you see our healthcare capacity getting overwhelmed too soon or if overwhelmed—and sir, sabay ko na rin po ano, there are unverified reports na some hospitals are having a hard time collecting from PhilHealth. Has this reached the government? Ano po ang plano natin tungkol dito?
SEC. ROQUE: On your first question, dalawa po iyan – iyong doubling rate, daily doubling rate na nasa 7 to 10 days po ang Metro Manila. So, mabuti naman po talaga tayo ano na hindi po tayo talaga dapat tumaas ng klasipikasyon. Pero hindi po pupuwedeng magluwag, kasi ang MGCQ po ay almost 18 days po iyan, iyong case doubling rate.
Sa critical care capacity, iyong nag-meeting po kami, eh 60%. Ang sabi po ni Usec. Vega ngayon ay nasa 70% na manageable naman po iyan. I-explain ko lang po na ang trabaho talaga ni Usec. Vega ngayon ay siya iyong nagko-coordinate sa mga ospital, siya iyong nagli-liaison para kung puno ang ICU ng isang pribadong hospital, mayroong mapagre-refer-an na hospital, hindi itataboy ang pasyente dahil wala na rin silang espasyo; sasabihin kung saan dapat pumunta. Dahil overall, sapat-sapat naman po ang ating mga hospital beds kasama na na po diyan iyong ating mga ICU beds. So, kung puno na ang ospital na gusto ninyong pasukan, sasabihin naman kayo kung saan pupuwedeng magpunta kung kinakailangan ng ICU care.
Now, last point po iyong hindi pagbabayad ng PhilHealth. Alam naman po ninyo talagang ang PhilHealth malapit po sa aking advocacy iyan. Pero sabihin na lang po natin na this has been discussed at ang alam ko po si National Implementer will have discussions with General Morales. Dahil importante po na ang mga hospital will have confidence to admit COVID patients dahil alam nilang mababayaran naman sila ng case rates for COVID. Yes, next question please—oh, tapos na ba si Trish, nag-freeze?
TRICIAH TERADA/CNN PHILS.: Doon sa IATF po na meeting, based po doon sa initial recommendation sa mga local government units, sir, mayroon na po bang nag-apela na LGU if they want to have an easing in the restriction or stricter restrictions? And si President po, sir, I understand bukas po magsasalita. So bukas po ba siya makikipagpulong sa IATF or ngayong gabi po?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, mamaya pa lang po iyong aming pagpupulong, mamayang hapon po dahil maraming mga schedules iyong mga miyembro ng IATF. Hindi po pupuwedeng ganapin nang mas maaga iyong meeting.
So, mamaya ko rin po malalaman kung mayroong mga siyudad at mga probinsiya at mga rehiyon na umapela, at mamaya rin po iyan dedesisyunan para magkaroon ng final recommendation sa ating Presidente.
Well, nabanggit ko na po iyan dahil mamaya pa lang ang meeting natin ng IATF, umaabot po iyan ng hanggang alas nuwebe ng gabi lalo na kapag mayroong mga apela, bukas na po maaanunsyo ng Presidente dahil mamaya pa po mafi-finalize ang recommendations.
Okay?
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, my last question po. Since malapit na po iyong SONA, sir, kumusta iyong [garbled] natin, medyo ibang topic naman po. Saan na po tayo sa laban sa droga po?
SEC. ROQUE: Naku… bago nga iyang topic na iyan ‘no but I will have figures siguro in a later press briefing because I don’t have the figures now. But the President remains confident that we are winning the war against prohibited drugs. Record hauls po or record na paghuhuli ng mga ipinagbabawal na droga ang nangyari sa mga nakalipas na mga araw; bilyon-bilyong halaga po ang nahuli ng PDEA at ng ating kapulisan. But I can probably give you a more comprehensive response, if you want, in a later briefing.
Thank you.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Back to USec. Rocky. Thank you, Trish.
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong from Francis Wakefield of Daily Tribune about ABS-CBN pa rin: PRRD in a speech to Sulu commented on destroying oligarchy without declaring Martial Law. Obvious na he is referring to the Lopezes of ABS-CBN. Any comment on this, sir?
SEC. ROQUE: Hindi po obvious iyon. Ang sabi ko po, he must be referring to the oligarchs which he named and he actually threatened to destroy but reconsidered matapos po, unang-una, si Lucio Tan nagbayad ng pagkakautang sa airport; pangalawa, si MVP Group at ang Ayala Group po, dahil sa matindi nilang pagtulong sa panahon ng COVID.
That’s a matter of record naman po. So Francis, it’s not obvious.
USEC. IGNACIO: From Jopel Pelenio of DWIZ: Dumating na po dito sa bansa mula abroad ang OFW na ina ng dalagitang ginahasa at pinatay ng dalawang pulis sa Cabugao, Ilocos Sur. Hiling po niya ay agad siyang makauwi at huwag na po sana siyang paabutin ng dalawang linggo sa isang quarantine facility. Humihingi lang po siya ng kahit kaunting pang-unawa o kunsiderasyon para daw po masilip iyong bangkay ng kaniyang anak at matutukan na po ang kaso nito.
SEC. ROQUE: Mayor Lino, are you on the line? Mayor Lino?
MAYOR CAYETANO: Yes, sir.
SEC. ROQUE: Puwede ba hong i-request ko na magpadala na lang kayo ng swabber kung nasaan naman itong nanay ng biktima na napatay? Dahil alam ko sa Taguig one day lang, para after one day makauwi na siya sa Ilocos Sur. Can I ask that from you?
MAYOR CAYETANO: Yes, Sec. Please—
SEC. ROQUE: Okay! Iyan po ang kasagutan—
MAYOR CAYETANO: Within the day po we’ll…
SEC. ROQUE: Okay. Iyan po ang kasagutan. Aksyon agad kay Mayor Lino Cayetano. Magpapadala po siya ng swabber kung nasaan naman si nanay at within the day may resulta na nang siya’y makauwi na sa Ilocos Sur.
Next question, please.
Thank you, Mayor!
USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz of UNTV: Bakit po hindi si Sec. Duque ang treatment czar? Does this mean po eventually USec. Vega will replace the Health chief?
SEC. ROQUE: Okay. Linawin ko lang po. Ang designation po ni USec. Vega is he is the One Hospital Incident Command, so kaya po tinawag namin siyang treatment czar kasi siya iyong nagko-coordinate sa lahat ng mga ospital kung saan pupuwedeng pumunta ang mga pasyente. Iyon lang po iyon, because he is the One Hospital Incident Command in charge/head.
Okay?
Joseph Morong, please.
Thank you, USec.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! Good afternoon! Sir, regarding the community. Sir, over the weekend, si Sec. Nograles said that mag-e-MGCQ kapag kaya at mabilis iyong mga LGU na makapag-lockdown or another option is MGCQ para to give them time to adjust. Mayroon ba siyang alam na mga areas already na you also know na kung saan ilalagay MGCQ or GCQ?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam dahil sa huling meeting ng IATF talagang hindi po na-discuss ang MGCQ for Metro Manila. I’ll leave it at that.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, si Mayor Sara po sa Davao already announced yesterday that Davao is going back to GCQ. Ngayon, that means na iyon pong LGUs have been informed by the IATF, meaning, number one, iyon IATF already has a list of recommendations with regard to LGUs and their corresponding CQs.
Specific to that sir, can we already announce iyon pong recommendation that will be up for the President’s signature or approval?
SEC. ROQUE: Hindi pa, Joseph, kasi pag-uusapan pa lang mamaya iyong mga apela. So, wala pa pong pinal na rekomendasyon para kay Presidente. Hindi ko po alam kung nag-apela po ang Davao City kasi mamaya ko pa lang malalaman iyong mga lugar. Ang positibo ako na nag-appeal po, Bacolod. Bacolod City I’m positive they appealed.
Okay?
JOSEPH MORONG/GMA 7: Into what CQ, sir?
SEC. ROQUE: I think… hindi ko po maalala but I’m sure there was an appeal filed by Bacolod City.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Tightened? Tighten sila?
SEC. ROQUE: Hindi ko maalala, all I know is that there is an appeal from Bacolod. Hindi ko po ako sure kung nag-appeal ang Davao, mamaya ko pa po malalaman, Joseph, kasi hindi ko naman kinakausap araw-araw iyong secretariat ng IATF, only during the meetings.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, kahapon, sabi ni Sec. Vega—USec. Vega na iyong mga ICU ay on the danger zone. Will we ever run out of hospitals for COVID patients?
SEC. ROQUE: Not under the system adopted by USec. Vega kasi nga, ang pakiusap lang natin sa mga pasyente, makinig lang po tayo kung saan tayo dapat pumunta at huwag na tayong mag-insist, huwag na tayong mag-worry kung puno ang isang ospital, ire-refer naman po kayo sa iba pang ospital.
Pangalawa po, pinakikiusapan din natin ang mga ospital kasi talagang mayroon silang allotment for both hospital beds and ICU beds for COVID patients. So, isa sa ginagawa po ni USec. Vega, pinakikiusapan din niya kung pupuwedeng ma-increase pa rin iyong allotment for COVID patients.
I understand dito sa mga pribadong ospital na ito, nakikiusap po ngayon ang gobyerno kung puno na iyong 30% capacity for ICU beds, kung pupuwede gawing 50% capacity naman for COVID patients.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, last two questions. Sa arbitration, sir, China has called it illegal, invalid, pero sabi din ni Presidente before that he will raise it at the right time. Now, question is: Kailan iyong right time na iyon? Is it too late because China is being confident of its position? And where does that confidence come from you think?
SEC. ROQUE: Maraming beses ko na sinagot po iyan. Hindi po mabubura iyong desisyon na iyan. And that decision under international law is evidence of the applicable customary norm. It is there as subsidiary’s norm, subsidiaries source of international law. So, wala pong kahit anong pupuwedeng mangyari, na hindi po mabubura iyan unless completely sabihin natin na itinatakwil natin iyan at hinding-hindi po natin gagawin iyan because the ruling was to our favor. Pero gaya ng aking sinabi, we will agree to disagree on the arbitral award and we will proceed with our friendly relations and iyong mga bagay-bagay na pupuwedeng isulong, isusulong; iyong mga hindi pa pupuwedeng maresolba ngayon, isasantabi.
JOSEPH MORONG/GMA-7: Sir, bakit kaya emboldened iyong China to make such statements—
SEC. ROQUE: I don’t think they are emboldened. They have been consistent in their position and so have we been. Iyon lang po iyon.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, last concern lang. Iyon pong ilang members ng MPC are kind of concerned that the speech of the President in Jolo is again edited. Is this going to be a policy already of the Malacañang to edit the President’s address and air it at a later time?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung edited iyan. Unfortunately, hindi po ako nakasama. And, Joseph, I’m telling you the truth, I was weighing the option of going to Jolo dahil hindi pa ako nakakarating sa Jolo and not hold the press briefing because the departure time yesterday was twelve noon. Sasabay sana ako ako kay Sec. Lorenzana. But I opted to discharge my job, I held the press briefing, so wala po ako doon. I don’t think it was—hindi ko po alam if it was edited. Okay?
JOSEPH MORONG/GMA 7: Hindi naman siya, sir, policy na edited na tayo lagi?
SEC. ROQUE: Hindi naman po iyan policy ‘no. I don’t think there’s ever a policy in that regard.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Thank you for the answer.
SEC. ROQUE: Thank you. Thank you, Joseph.
Next, back to USec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, from Cecil Morella of French news AFP: May we have the Philippines’ reaction po. US Secretary of State Mike Pompeo comments on the South China Sea, well it seems the US is now taking the side of the Philippines, Malaysia, Indonesia, Vietnam and Brunei against China claims?
SEC. ROQUE: Well, I’ve answered that po ‘no. The great powers as they escalate their rivalry will woo us into their side, we will be sure that we will advance our national interest and meanwhile we want all parties involved to abide with the rule of law particularly with the UN Convention on the Law of the Sea.
Ang importante po ngayon atupagin natin iyong pagbubuo at pagpapatupad ng Code of Conduct nang maiwasan po iyong tensyon sa lugar na iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may—
SEC. ROQUE: Next question please.
USEC. IGNACIO: Secretary, basahin ko na lang din po iyong tanong ni Julie Aurelio about sa South China Sea pa rin po. Ito po iyong sinabi niya na iyong comment daw po ng Palasyo on the US formal opposition of China’s claim in the South China Sea. US State Mike Pompeo described China’s campaign as a might makes right to coerce and intimidate Southeast Asian countries. Also, what is the—ano daw ang take ng Palace on China’s rejection of DFA Sec. Teodoro Locsin Jr.’s appeal for China to respect the 2016 arbitral award. The Chinese embassy said the award was illegal and invalid?
SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan. We have—mayroon po talaga tayong differences pagdating doon sa arbitral award. We will agree to disagree; we will proceed with our bilateral relations because after all, the arbitral award is not a sum total of our relations with China.
Yes, Melo Acuña.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Good afternoon, Secretary. The Chinese Embassy’s Spokesperson in Washington was quoted as saying that the US is not directly involved in disputes, and it has been interfering in the issue under the pretexts of preserving stability, it is flexing its muscles, instilling tension, inciting confrontation in the region. So, where do we stand?
SEC. ROQUE: Well, malinaw po ang salita ng ating Presidente, habang umiinit ang rivalry sa dalawang bansang Amerika at Tsina, kinakailangan itaguyod natin at isulong ang pang-nasyonal na interes ng Pilipinas – that’s where we stand.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Okay. On another thing, Secretary, you mentioned that Mactan Airport has already come up with a new strategy for testing. Dr. Rabindra Abeyasinghe in a forum with FOCAP a few minutes ago, telling it would be best to reduce the waiting time for tests to 24 hours. What other strategies that we have that it becomes a national program?
SEC. ROQUE: In fact po, ang pag-hihintay natin ngayon sa resulta 24 hours. Sa Taguig po, ganiyan ang polisiya – 24 hours. Ako po nagpa-swab din ako, iyong before today nagpa-swab ako sa Sta. Ana, programa po ng Manila government, 24 hours po kuha ang resulta. Ang San Miguel Foundation po para sa empleyado niya at mga pribadong indibidwal, nakukuha rin po ng 24 hours. So hindi lang po natin pinararami ang ating testing at kagaya ng aking sinabi kanina, umabot na po tayo ng 1 million PCR testing. Hindi pa natin binibilang ang ating rapid test na ginagawa po ng pribadong sektor at ng mga lokal na pamahalaan at ang resulta po ngayon ay within 24 hours.
Ang ginawa na po natin, hinayaan na po natin iyong mga laboratoryo na hindi lang po iisang laboratoryo na mag-test po, lalung-lalo na sa mga bumabalik na OFWs at mga seamen dahil hindi nga po natin kakayanin na sustentuhin iyong mga OFWs na bumabalik na mas mahigit pa sa dalawa o tatlong araw sa mga hotels ‘no habang nag-hihintay ng PCR test. So importante po na hindi lang mas marami ang testing, importante rin na mas mabilis po ang resulta dahil gobyerno po ang nagbabayad kapag kinu-quarantine natin ang mga OFWs na umuuwi po galing sa iba’t-ibang parte ng daigdig.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Opo. Masisiyasat po kaya ng Tanggapan ng Pangulo o Department of Health iyong nangyari sa Cebu na isang nasawi ay nabigyan pa ng clearance, wala na siyang COVID-19?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, I understand that the City Health Officer has taken full responsibility for it and we leave it at that. Pero panawagan po, ingatan natin ang ating data-gathering.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Thank you. Salamat po.
SEC. ROQUE: Thank you, Melo. Usec. Rocky again, please.
USEC. IGNACIO: Tanong mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: Umapela po si Senator Imee Marcos sa pamahalaan na ibenta na lamang ang ari-arian ng gobyerno na wala namang pakinabang upang makalikom ng dagdag na pondo pantugon daw po sa pandemyang COVID-19. Kulang daw po kasi ang 140 billion pesos na inilaan ng mga economic managers sa ikalawang stimulus package. Mas mabuti na po ang magbenta ng mga ari-arian ng pamahalaan na wala namang pakinabang kaysa daw po mangutang. Ano ang reaction daw po ng Palasyo dito?
SEC. ROQUE: Ulitin ko lang po ang sinabi ng Presidente, talagang ibebenta niya ang lahat kung kinakailangan ng taumbayan. I know that Secretary Dominguez has expressed a different view but as a Spokesperson, I just have to repeat what the President has said. Iyon po ang sinabi ng Presidente, kung kinakailangan ibenta iyong mga ari-arian na iyan, ibebenta para sa taumbayan, doon na lang po iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong mula kay Randy Canedo of DABIGC Radio: Posible po ba na dinggin ang apela ng Davao City na huwag nang ibalik sa GCQ ang Davao City? Kontrolado at disiplinado naman ang karamihan sa Davao.
SEC. ROQUE: May proseso pong pinagdadaanan iyan sa IATF, may mga criteria, titingnan po natin hindi lang iyong bed capacity, titingnan natin iyong threat to the economy at magkakaroon naman po ng desisyon iyan.
Next question… Okay, mukhang wala ng question. Si Pia Gutierrez please of ABS-CBN.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir. Good afternoon. Sir, regarding the speech of President Duterte yesterday, you said that you were unaware that the speech of the President was actually edited, so this means that you are not able to watch the speech in full. So, how can you be so certain, sir, that the President was not actually referring to ABS-CBN in the context of the oligarchy that he was able to dismantle?
SEC. ROQUE: Because I go by his prior statements. Alam ninyo po kami dito sa opisina ko, lahat po ng sinasabi ni Presidente kina-capture po namin iyan at ini-index namin ‘no. So pagdating sa oligarchy, paulit-ulit po niyang sinasabi—well, bati na naman sila ngayon pero palagi po niyang sinasabi MVP, Ayala, Lucio Tan dahil ito po iyong siya mismo talaga ang umaksiyon. Sinabi talaga niya at ako pa nga ang tinalaga niya, naalala ninyo, noong wala ako sa gobyerno, ‘Si Harry Roque ang ipasasampa ko ng kaso laban kay MVP at sa mga Ayala dahil sa water concession agreement ‘no.’ So, it’s on the basis of his prior contemporaneous statements po.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: But can we ask Malacañang to air the entire speech na lang, sir?
SEC. ROQUE: Well, hindi po ako iyan ‘no, that’s PCOO-RTVM.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, kasi on the same day that President Duterte talked about dismantling the oligarchs, House Speaker Alan Peter Cayetano posted in Facebook saying that the denial of ABS-CBN’s franchise was actually a move against the oligarchs. He claimed that the owners of the ABS-CBN, and I’m quoting from his Facebook post, “Actually protect and grow their fortunes by controlling and abusing the system and that they also deprived the country of billions in much-needed funds by skirting and bending the law.” Do you think that this is coincidence or is this connected with the President’s statement regarding his claim that he has dismantled the oligarchs?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, I have no authority to speak for Speaker Cayetano ‘no. So perhaps you can ask that question to Speaker Cayetano.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, last na lang. So what can you say to critics who point out that while President Duterte moves to dismantle oligarchs, he is in fact building his own brand of cronyism, he is building his own ‘oligarchs’. For instance, I’m referring to an article in Nikkei Asian review published last year who pointed out to the spectacular rise of Dennis Uy, for example, during the Duterte administration?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko naman po mayaman na si Dennis Uy dati pa [laughs]. So kung akalain ninyo pong yumaman si Dennis Uy, siguro po mas mayaman na siya ngayon pero sa mula’t mula mining po sila, sila po iyong sa Diwalwal so hindi na po sila kinakailangan tulungan ng Presidente para lumaki. Iyan po ang pagkakaalam ko sa background ni Dennis Uy.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So, no cronies po? President has no cronies?
SEC. ROQUE: Wala po, kasi si Dennis Uy po, they built their fortune because of mining in gold in Diwalwal. So no one can doubt naman po na talagang gold-producing iyong Diwalwal ‘no. So huwag po nating isipin na iyong kayamanan niya is because of Presidente Duterte. Dati na po siyang mayaman, okay.
Thank you Pia. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Francis Wakefield of Daily Tribune: Russia, according to reports, has become the first nation to complete clinical trials of COVID-19 vaccine on humans. According to the reports, the vaccine has proven the medication’s effectiveness. There was, however, no further information on when this vaccine would enter the commercial production stage. Can we get daw po the Palace comment on this?
SEC. ROQUE: I hope it’s true kasi alam ninyo naman po hindi mababalik sa normal ang buhay natin kung walang vaccine. At dahil naman po sa bagong polisiya ng Presidente natin na independent foreign policy kung saan kaibigan tayo ng lahat at kalaban ng walang kahit sinong bansa, inaasahan po natin na kung mayroon mang vaccine ma-develop ang mga Russians ay ishi-share po nila iyan sa atin.
Okay. Wait, mayroon pa palang—maraming salamat kay Mayor Lino Cayetano. Mayor, congratulations and thank you. And of course dahil wala na pong further questions, I’d like to thank the members of the Malacañang Press Corps, as well as Usec. Rocky.
So, Pilipinas, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi, ingat po tayo. Magandang hapon po sa inyong lahat.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)