Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque with Department of Education Secretary Leonor Briones


Event Press Briefing

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Tayo po ay nagbo-broadcast ngayon para sa ating Press Briefing sa labas po ng Malacañang. Panandalian pong sinarado ang New Executive Building kung nasaan po ang ating tanggapan at kung nasaan ang ating press room. Sa palapit na po ang COVID, nakapasok po sa New Executive Building pero hindi po nating papayagan na matigil ng COVID ang ating pang-araw-araw na katungkulan sa taumbayan na magbigay ng balita sa mga bagay-bagay na nakakaapekto po sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

So umpisahan po natin ang ating press briefing sa pamamagitan po ng pag-summarize noong talumpati ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte tungkol po sa COVID-19 na nangyari po kagabi pero pinalabas po kaninang umaga.

Inaprubahan po ng ating Presidente ang limited face-to-face classes, subject po sa mga sumusunod na mga kondisyon: Una, pinapayagan ang face-to-face classes sa mga low-risk areas o sa mga lugar na at least nasa ilalim ng MGCQ o iyong mga nasa transition phase po ng MGCQ at new normal. Pangalawa, ang face-to-face classes ay pinapayagan simula sa Enero ng susunod na taon o sa 3rd quarter po of the school year; pinayagang magpatuloy ang mga private schools na magsimula na po ng limited face-to-face classes noong Hunyo. Pangatlo, ang desisyon na payagan ang limited, localized face-to-face classes ay dapat na may koordinasyon sa pagitan po ng DepEd, lokal na pamahalaan at local health authorities. Pang-apat at panghuli, mahigpit na pagsunod po sa health standards. Panlima, kinakailangan po magkaroon ng pilot testing at inspeksiyon kasama ang National Task Force Against COVID-19 sa pagsunod ng mga required health standards.

Anu-anu ba ho itong mga health standards na ito? Well, kasama po diyan iyong no-mask, no-entry sa school premises, hand washing and hand hygiene, regular disinfection sa school premises, pag-check sa temperature at mga iba pang sintomas, pagbawas ng class size sa labinlima hanggang dalawampung estudyante po lamang at may physical arrangements ng mga upuan para magkaroon ng distancing. Kinakailangan mayroon pong intermittent attendance sa paaralan to complement distance learning. Pag-control sa pagpasok at paglabas ng mga mag-aaral at personnel, walang mass gathering o pagtipon-tipon, may visible instructions, signages at markings; at panghuli, preparedness in case-management system in coordination with the LGU and local health officials for contact tracing, testing, isolation and treatment.

Mamaya po ay ipaliliwanag ito nang mas detalyado ni Secretary Liling Briones na panauhin natin ngayong umaga.

Mabuting balita po, nagsabi rin po si Presidente na maghahanap siya ng pondo para bumili ng face mask na ipamimigay nang libre – sana po sa lahat, pero kung hindi kakayaning bigyan ang lahat, sa marami pa pong mga Pilipino.

Habang pinag-uusapan natin ang mga masks, congratulations Philippines. Siyam sa sampung Pilipino ang nagsusuot ng mask kapag sila po ay lumabas ng kanilang mga bahay. Ito po ay ayon sa isang UK study. Sang-ayon po sa UK study na ito, ang Pilipinas daw ho ang pinakamataas ang paggamit—pangalawang pinakamataas na paggamit ng mask, pumapangalawa lang po tayo sa bansang Singapore. Ang sabi po sa report na ito, 91% of Filipinos always wear mask whenever they go out. Ang Singapore po bilang number one, 94% of its population ay palagi pong nagsusuot ng mask outdoors.

At ang sabi pa po sa survey na ito, only 1% of Filipinos do not wear masks outside of their homes, 2% sometimes wear masks and 5% frequently wears masks outside. Lumabas din po sa pag-aaral na 83% ng lahat ng Pilipino ay naghuhugas ng kanilang mga kamay with soap and water at 50% po ng ating mga kababayan ay lumalabas ng kanilang tahanan para magtrabaho. Samantala, 42% daw po ng lahat ng ating mga kababayan ay nakasalalay po sa public transportation.

Dahil nagpapababa po ang pagsusuot ng mask doon sa tsansa na mahawa ng sakit, congratulations Philippines. Ipagpatuloy pa po natin ang pagsusuot ng mask, samahan na rin po natin ng social distancing at paghuhugas ng kamay.

Puntahan naman po natin ang COVID-19 updates. Mayroon na po tayong 43,991 active COVID-19 cases, ayon sa latest report ng DOH. sa mga aktibong kaso, 90.6% po ang mild, 8.5% ang asymptomatic, 0.4% ang severe at 0.5% ang critical. Lampas 23,000 na po o 23,072 ang mga gumaling. Samantalang, may apat pong nai-report na binawian ng buhay kahapon kaya ang sumatotal na po ng mga na mga namatay ay 1,835.

Makikita naman po natin sa susunod na infographic ang hospital beds and mechanical ventilators for COVID-19 as of July 19, 2020. Actually po magandang balita ito dahil dumami po iyong mga available na mga ICU beds at hospital beds. Sa katunayan po, mayroon po tayong 1,358 ICU beds, 665 or 49% ang occupied at 693 or 51% pa po ang available. So dumami po ngayon ang ating ICU beds; 10,573 naman po ang ating isolation beds, 5,196 or 49.1% ang occupied, 5,377 or 50.9% ang available.

So iyong mga asymptomatic at mga mild, puwede pa po tayong pumunta sa ating isolation centers at ipapakita po natin kung ano ang mga itsura ng mga isolation centers kung hindi po ngayon, sa mga susunod na press briefings ‘no. Ang bilang naman natin po ng ward beds ay 3,665; 2,013 or 54.9% ay occupied, 1,652 or 45.1% ay available pa po. Sa ventilators marami pa po tayo, mayroon pong 503 or 25.3% ay occupied o ginagamit at 1,485 naman po ang pupuwede pang gamitin, equivalent to 74.7%.

Marami po ang natatakot at kinakabahan na maospital. Makikita naman sa mga sumusunod ang mga larawan ng ating isolation at treatment facilities. Ito po ay dahil hinihimok po natin ang mga asymptomatic, ang mga mild, kung wala po kayong sariling kuwarto, walang sariling banyo, tara na po sa isolation centers. Kung kayo po ay nagtatanong bakit kaya, nagma-mask naman ako, nag-i-stay at home naman ako, patuloy pa rin ang taas ng kaso? Eh siguro nga po dahil hindi masyadong na-explain noong mga unang panahon na kapag ikaw ay mild at asymptomatic, kinakailangan pumunta ka pa rin sa isolation center kung wala kang sariling kuwarto at banyo dahil mahahawa mo ang iyong mga pamilya at iyong mga kapitbahay. Siguro po, ito ay isang dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng mga kaso.

Sabi ko nga po sa inyo, 5-star treatment po ang binibigay ng pamahalaan dito sa mga isolation centers. So tingnan po natin ang ilang mga isolation centers na pupuwede po nating gamitin kung kayo ay mild or asymptomatic. Aircon po silang lahat, mayroon pong tatlong beses sa isang araw na pagkain – libre, mayroon pong Wi-Fi, mayroon din pong mga nurses, mayroon din pong mga doktor at libre pa po ang pick-up o pasundo papunta po sa ating mga isolation centers.

Sa mga kababayan na asymptomatic or mild, mag-hotel muna ho kayo dahil mainit ang panahon naman at ito po talaga ay makakatulong para mapababa po natin iyong dumadaming kaso ng COVID sa ating bayan.

Sa ibang bagay naman po, naglunsad po ang aking alma mater, ang UP, ng programa para makalikom ng pondo para sa mga estudyante. Ang tawag dito po ay ‘Kaagapay sa Pag-aaral, fund-raising and resource-generation campaign’. Gagamitin po nila ang pondong malilikom para po pambili ng laptop at iba pang mga gadgets na magagamit ng mga isko at iska para po sa kanilang blended or flexible learning.

Dito po nagtatapos ang ating presentation. Bago po tayo pumunta sa mga tanong ng MPC, pakinggan po natin ang resource person natin ngayong tanghali. Tulad ng sinabi ko, wala pong iba kundi si Secretary Liling Briones ng Department of Education para pag-usapan ang kaniyang presentasyon sa naaprubahang limited face-to-face classes ng ating Presidente kagabi. Secretary Liling Briones, the floor is yours. Good morning, ma’am.

SEC. BRIONES:  Good morning, Sec. Harry. Maraming salamat sa ibinigay na opportunity para sa amin sa DepEd na mag-present ng main features ng ating limited face to face program. Kailangan i-emphasize na itong face to face na ina-allow natin ay limited, so hindi lahat, hindi pinipilit ang lahat ng mga learners na dumaan sa prosesong ito.

By limited we mean, una, kailangang na-approve ng IATF at saka na-classify ang isang local government o isang eskuwelahan na siya ay low risk. Para lang ito sa mga paaralan, para lang ito sa mga local governments kasi sila ang humihingi nito na low ang kanilang risk assessment.

Pangalawa, kailangan mag-comply sila sa mga requirements ng ating Chief Implementer. Ang ating Chief Implementer may mga payo, na halimbawa, ating i-limit iyong mga mass gatherings; kung air-conditioned man ang ating mga paaralan, ay i-control ang temperatura ng ating classrooms; kailangan ang size ng classrooms lalo na sa public school angkop para sa social distancing; at pinakaimportante, tayo ay compliant sa minimum health standards ng Department of Health.

So hindi ito para sa lahat, hindi ito pinipilit sa lahat ng mga eskuwelahan. Para lang ito sa mga lugar na napakababa ng health risk, kagaya ng mga probinsya, mga isla na zero level na ang kanilang record sa mga bagong COVID cases, sa mga malalayong lugar na hindi naman naabot ng coronavirus.

At importante, sinasabi namin, una, apat itong aspeto, aprubado ng IATF at saka with the consent also of the Chief Implementer; pangalawa, iyong aming mga school buildings kung saan limited face to face classes natin ay harmonious sa mga pangangailangan ng face to face learning ngayon lalo na sa size ng mga classes, hindi puwedeng iyong malalaking classes. Kailangan at the most 20, depende sa size ng school room at saka may mga facilities – mayroong tubig, mayroong stock ng mga gamot at saka every so often binibisita ng health officer.

At mahalagang-mahalaga, dahil sila ang humihingi nito, ang mga local government officials sila naman ang may request na ipagpatuloy itong limited face to face, mahalaga ang suporta ng local government.

Pero para sa amin, mas mahalaga din, kasing halaga din ang suporta at cooperation ng mga parents. Hindi lamang ito hamon sa DepEd, kung paano ipagpatuloy ang edukasyon, maski mayroon tayong COVID, maski mayroon tayong mga sakuna, kasi may mga darating na mga natural disasters in addition to COVID ay tayo ay ipagpatuloy din ang ating pag-aaral ng ating mga anak. Kung ang bata ay mag-miss out, anim na buwan lang o isang taon lamang sa pag-aaral maiiwanan siya ng kaniyang mga age group, hindi lamang sa bansang ito, kung hindi sa mga karatig pook, karatig bansa din.

Halimbawa, ang Vietnam nag umpisa ng klase nila May pa; ang Singapore, June nag-umpisa sila, ngayon nagre-review na sila para sa national assessment; ang Thailand at ibang mga bansa, karamihan sa kanila July. Tayo siguro ang pinakahuling magbukas ng klase, dahil lahat ng pag-iingat ang ating ini-install, lahat ng pag-aaral, lahat ng paraan sa pagpatuloy ng pag-aaral ng ating mga anak, ating mga apo, ang ating mga wards, mga learners natin ay talagang safe na safe.

Itong lahat ay sunod sa mandato ng Presidente na nag-apruba nitong polisiyang ito na limited access or limited. Hindi lamang—hindi general na face to face, kung hindi limited face to face. Thank you, Sec. Harry. I’m prepared to answer questions.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, Secretary Briones. So simulan na po natin ang ating open forum with the members of the Malacañang Press Corps. Let’s start with Joyce Balancio of ABS-CBN?

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Yes po, good afternoon, Secretary Roque and Secretary Briones. On face to face learning lang po, Secretary Briones, dahil sabi nga po ninyo limited po iyong number of students na pupuwede sa classrooms. Ibig sabihin po ba nito magkakaroon tayo ng maraming klase o batches of students and papano din po iyong for example may mga ibang magulang na ayaw nila sa face to face pero gusto pa rin nila mag-aral iyong anak, so blended learning din po ba ang ibibigay sa kanila?

SEC. BRIONES: Yes. Kasi ang ating thrust ngayon ay blended learning. Iyong mga parents na ayaw talaga ng face to face, may choice naman sila na sa online halimbawa; kung hindi puwede ang online dahil problema ang connectivity, nandiyan ang telebisyon, nandiyan ang radio; at saka kung hindi pa rin ito puwede dahil siguro malayong-malayo ang parents o ang lugar ng mga bata ay iyong sinasabi namin na IBM, ‘It’s Better Manual.’ Kaya iyong modular system namin, gagamitin pa rin iyong mga reading materials, mga learning etcetera, ide-deliver iyan sa mga bahay ng mga bata.

Siguro sabihin ninyo, sabihin natin, papano iyan with more than 30 million students, but if they reduce it to the school level, sa tulong ng mga local governments ay ito ay magagawa at the level of the school at saka ang teachers naman ay ma-mobilize din sila.

Sinubukan na natin ito sa Navotas, sinubukan ng ilang eskuwelahan, kasi nagkaroon na tayo ng tinatawag nating simulation ng blended approach na iyong apat na pamamaraan ay sinubukan natin from kindergarten, elementary at hanggang senior high school, junior high school at nakikita natin ito ay umubra. Kailangan ang tulong ng local governments, kailangan ang cooperation ng parents, kailangang of course crucial ang papel ng ating teachers at saka ng DepEd at the support of national government, dahil ang kalakihan, ang bulto ng ating funding, ng ating budget ay galing sa national government, with President Duterte.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Follow up din po, Secretary Liling. Napag-usapan po ba sa meeting with PRRD kung mayroon kayong recommendation to move iyong date ng opening of classes, kinakailangan din po ba ito ng DepEd ngayon?

SEC. BRIONES:  Right now, hindi namin iyan pinag-uusapan iyong opening ng classes, dahil maski mayroon ng batas na iyong bill na nagbigay ng kapangyarihan sa Presidente na mag-determine ng opening of classes, puwede niya iyong baguhin, pero kakapirma pa lang niya, kailangan pa ng Implementing Rules and Regulations. So, iyong current batas na nagsasabi na hindi tayo lalagpas ng August para sa basic education ay nandiyan pa rin, kaya iyong opening natin patuloy pa rin na ipagawa natin at nakakasa na talaga.

By August 24, I’m confident na reding-ready na kasi nasa stage na kami na nagsa-simulation na, nag-dry run na saka iyong materials sa modular para sa iyong sinasabi natin na talagang wala ng ibang paraan ay hindi puwede ay mag-start na ng distribution and production ng mga modules na ito. So lahat naka-schedule, naka-geared towards August 24, dahil nga sinasabi ko wala pa namang Implementing Rules and Regulations ang bagong batas.

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Thank you po, Sec. Liling.

SEC. BRIONES:  Thank you.

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Back to Sec. Roque. Just one question lang po, Sec.?

SEC. ROQUE:   Yes, Joyce.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Opo. Tungkol po doon sa utos ni Pangulong Duterte na aarestuhin na po iyong mga lumalabag sa quarantine protocols. Just to be clear, what specific violations po applicable ito, wearing of face mask and physical distancing din po ba and how are we going to do it – detention po ba or fines? And also iyong worries ng iba na baka magamit daw po ito sa abuse?

SEC. ROQUE:   Kasama po iyan doon sa binubuong unified ordinance na isusulong po ng Metro Manila Councils, sa mga iba’t-ibang konseho ng Metro Manila, so hintayin po natin iyan dahil nasa iba’t-ibang lokal na pamahalaan na po iyong draft ng unified ordinance.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Mayroon po ba, sir, na target date for implementation nito?

SEC. ROQUE:   Wala pa pong nai-set na target date pero that’s as soon as possible kung maisasabatas na po ng mga iba’t-ibang mga konseho.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:   Thank you, Joyce. Punta tayo kay Usec. Rocky, please?

USEC. IGNACIO:  Good afternoon, Sec. Roque. Question from Vanz Fernandez of Police Files: With the IATF allowing the entry of foreign nationals with preexisting visas, how does the DOH and IATF plan to handle foreign nationals who may be infected with COVID-19 entering the country?

SEC. ROQUE:   Susunod po sila sa ating quarantine protocols. Kinakailangan pagdating quarantine muna, magpapa-PCR test sila, kapag sila ay negative saka lang sila pupuwedeng lumabas. Kung sila po ay may sakit, quarantine po sila for fourteen days hanggang sila po ay gumaling.

USEC. IGNACIO:  Questions from Francis Wakefield of Daily Tribune: Reaction po daw sa challenge ni opposition Sen. Kiko Pangilinan for President Duterte to certify as urgent the Anti-Political Dynasty Bill to prove his promise that his administration is willing to dismantle rule of certain groups in the government?

SEC. ROQUE:   Parang mali po iyong pag-hamon niya kasi ang pagpapasa po ng batas ay isang katungkulan ng lehislatibo, so kinakailangan po siguro hamunin niya iyong mga kasama niya sa Senado at sa Kamara na ipasa iyang batas na iyan.

USEC. IGNACIO:  From Pia Rañada of Rappler: Can we ask if President Duterte approved DepEd proposal on limited face-to-face classes?

SEC. ROQUE:   He did po, subject to the guidelines discussed just now by Sec. Liling.

Sec. Liling, perhaps you can address this. Sigurado po ako naaprubahan na ni Presidente pero in the actual implementation, sino po ang iko-coordinate ng DepEd for the actual implementation of this limited face-to-face?

SEC. BRIONES: Sa actual implementation–tama ka Sec. Harry, kagabi in-approve ni President. Ang liwanag naman ng sinabi niya na sang-ayon siya sa programang ito. Ang mag-implement of course is the Department of Education because iyan ang may mandato para mag-implement ng polisiya na inaprubahan ng Presidente, ng Kongreso at saka ng Senado.

Ngayon, paano ito maipatupad? Kumpleto naman ang istraktura ng Department of Education direct from the central office down to the regional office, bawat lugar, bawat probinsiya, mayroon division superintendents, mayroong supervisors, mayroong principals, etc.

Now, iyong talagang gustong-gusto at saka eager sila to go into limited face-to-face, susulatan nila ang regional director – kasi sobrang malayo na kung sa Maynila o sa Pasig pa sila susulat – susulatan nila ang regional director. Napagsabihan ko na ang aming mga regional directors na i-monitor na nila dahil sa lebel nila makikita naman nila, malalaman naman nila, alam nila kung aling ang mga eskuwelahan na handa o interesado na mag-implement ng limited face-to-face.

Ang mag-aapruba nito ay iyong regional directors pero subject to review by the Secretary of Education. Sa palagay ko, ang implementation nito ay hindi naman masyadong kumplikado dahil kumpleto ang istraktura ng Department of Education.

Ang magpapatagal lang siguro dito, iyong pag-inspect ng facilities ng eskuwelahan na gustong mag-limited face-to-face kasi kailangang ma-satisfy ang requirement ng ating chief implementer ng physical arrangement at saka iyong mga activities na gagawin ng mga bata.

Halimbawa, walang contact sports sa Physical Education; galing sa school i-encourage silang umuwi kaagad diretso sa kanilang bahay; ventilation ng mga school rooms – lahat. Doon magtatagal siguro dahil iinspeksiyunin talaga iyan as requested by the chief implementer.

SEC. ROQUE:   Thank you very much. Sec Liling.

Triciah Terada of CNN, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Hi, good afternoon, Secretary. Sir, my first question is for Sec. Briones po. Ma’am, ano po iyong mga areas kumbaga na iko-consider natin or paano natin sasabihin na isang low risk area puwede na pong mag-operate iyong mga schools doon on a limited face-to-face learning and ano po iyong kumbaga magiging guidelines natin? Kumbaga, halimbawa po doon sa low risk area bigla pong nagkaroon ng surge ng cases, tama po—well, automatically babalik po doon sa blended learning, tama po ba?

SEC. BRIONES:   Mayroon na kaming guidelines diyan, ang IATF mayroon ding guidelines kung ano ang definition ng low risk area pero that is only at the start of the evaluation dahil pangalawa, tingnan natin iyong physical facilities ng eskuwelahan at ang responsable nito ay ang Department of Education, chief implementer, at ang eskuwelahan mismo.

Kailangang puntahan iyan, makikita iyong kanilang facilities, ang aming facilities kung public school man iyan, kung puwede ba ang limited face-to-face. Pagkatapos, tingnan din iyong ating compliance with the health requirements. Mayroon na kaming existing minimum health guidelines; mayroon na kaming guidelines tungkol sa facilities namin.

Halimbawa, hindi lamang titingnan natin kung mayroong space available, titingnan din natin dahil ang ating mga school building natamaan ng bagyo, natamaan ng lindol, natamaan ng baha, eh kung physically fit ba iyong ating mga schools para sa ganitong klaseng arrangements.

Dito siguro, kaya gusto naming sana na puwedeng third quarter na, pero may naka-umpisa na, na mga eskuwelahan tulad halimbawa ng La Salle at saka iyong palagi kong sina-cite na isang maliit na eskuwelahan sa city hall, last June pa sila nag-umpisa. Maliit sila, ang La Salle naman napakalaking paaralan.

So, iyan ang gagawin natin. but going to your question, halimbawa, biglang may surge, mayroon kaming protocol diyan kasi… mayroon na kaming established na protocol kapag may surge—siyempre, you immediately do what should be done. Kapag nagsabi si IATF na shutdown, shutdown. Kung magsabi sila na kailangan ganitong klaseng precautions, susundin iyan. Hindi natin ipipilit iyong ginagawa natin dahil nagbabago ang panahon.

Okay?

SEC. ROQUE:   Thank you, Sec.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Thank you, Secretary. Spox, my question is for you naman po. Sir, kasi kagabi po sa briefing, tatanong lang po sana naming kung napag-usapan po ba or nabanggit po ba ni Presidente or na-discuss sa kaniya iyong pagkamatay po ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian? I think additional question na rin, sir, kasi ngayon parang may debate about doon sa pag-i-invoke ng Data Privacy Law. Some are saying na hindi ito applicable doon kay high profile inmate Jaybee Sebastian; others are saying na kahit na preso ito, kahit na ganoon ang sitwasyon niya, it should still be respected iyong—or kailangan pa ring i-invoke ang Data Privacy Act, sir?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una, hindi po nabanggit iyan kahapon. Pangalawa, kagaya ng sinabi ko kahapon, nagpulong na po si Sec. Meynard at iyong ating head ng Muntinlupa at kinonfirm nila iyong pagkamatay po ni Sebastian.

As to whether na the Data Privacy is applicable, ang pagkakaintindi ko naman, kinakailangang mag-report ang Muntinlupa kung sino iyong mga detainees na namatay and that I think is not covered by the Data Privacy Law because they died actually not only because of COVID but also died while in custody of the national penitentiary.

So, iyon lang po ang sagot ko.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Secretary, follow-up lang po, kasi I think last week, Sec. Vince Dizon said na ire-release na po iyong guidelines for expanded testing. Is that available now? Mas marami na po ba iyong… kumbaga masasakop doon sa bagong testing? May guidelines na po ba tayo for that?

SEC. ROQUE:   Well, hintayin po natin iyong release ng guidelines but what was approve in principle by the IATF is we will certainly… mas marami tayong ite-test, hindi lang iyong mga asymptomatic, hindi lang iyong mga nagkaroon ng contact sa mga COVID positive, lahat po ng frontliners ite-test na natin at kasama po sa frontliners ang mga security guards, ang mga sales clerks sa mga tindahan at kasama na rin po ang mga miyembro ng media.

So, expanded po ang definition natin ng frontliners. At pati po mga asymptomatic dahil sila nga po iyong mga silent carriers, isasama na rin po natin iyan sa testing.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:   Thank you, Trish. Usec. Rocky again, please.

USEC. IGNACIO:  Secretary Roque, ang tanong mula kay Julie Aurelio, ang nakalagay naman dito same request daw po sa limited face to face. Ang tinatanong po daw niya kung may condition ba na gusto na ma-impose si Pangulong Duterte or directive to IATF to operationalize how it’s going to be done?

SEC. ROQUE:  What was shown, I think, this morning was exactly everything that he said, he approved it and pursuant to the guidelines then reported to him by Secretary Briones. Ang sabi lang niya talaga namang even with COVID-19 the process of learning should continue. Next question please?

USEC. IGNACIO:  From Rose Novenario of Hataw. Kung para po sa Pag-IBIG Fund, puwede kaya na i-defer muna ang salary loan payment ng mga empleyado na naging daily wage earners at three times a week na lang po muna ang pasok sa trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

SEC. ROQUE:  Well, ang sabi po ng isang Pag-IBIG Trustee, ang Pag-IBIG daw po is in the process of crafting a campaign to help its members who have religiously been paying, but whose work is now affected by the pandemic. So, magkakaroon po ng bagong polisiya pagdating diyan. Pero hinaylight po ng Pag-IBIG na ang Pag-IBIG pagdating sa mga penalty rates mas magpatawad, more forgiving compared to commercial banks. So abangan po natin iyang bagong polisiya.

Thank you. Maricel Halili, please of TV 5.

MARICEL HALILI/TV5:  Hi sir, magandang hapon po. Sir, tungkol lang po doon sa rekomendasyon ni Secretary Galvez na magkaroon ng for COVID Centered hospitals dito sa Metro Manila. Mayroon na po ba tayong mga ina-eye na mga existing hospitals or potential   na puwede nating i-convert na maging COVID Center or are we planning to kumbaga start from scratch kagaya ng ginawa ng China that they built a hospital for ten days. Can we do that?

SEC. ROQUE:  Hindi po ngayon mayroon na tayo. Ang PGH, ang National Kidney at saka ang Quirino Memorial. So dadagdagan lang po natin iyong mga COVID hospitals na iyan. Ang ehemplo po na sinabi kahapon in Secretary Galvez nga, doon po sa Quirino nagkaroon na sila ng expanded emergency room para ma-accommodate po iyong mga additional COVID patients.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, tungkol lang po doon sa opening of classes. What made the President change his mind, kasi siya po iyong nagsabi before na no face to face, but then   before po the opening of classes, he decided na o puwede naman pala iyong limited face to face. What made change his mind, sir?

SEC. ROQUE:  Simple lang po iyan. Secretary Leonor Briones!

MARICEL HALILI/TV5:  Secretary Briones, convinced the President. Ma’am, opo clarification lang po doon sa procedure ng pag-accredit ng mga schools, kailangan po ba iyong mga schools sa mga low risk areas iyong mag-apply sa DepEd or sa IATF bago po ma-approve na iyong kanilang limited face to face or will DepEd decide kung ano iyong mga areas na sisimulan iyong inspection? And I remember po, Secretary Galvez mentioned before na dapat wala munang playground, i-check muna iyong mga canteen na walang buffet. So, you will also follow this, Ma’am?

SEC. BRIONES:  Thank you for that question dahil maganda ito kasi operations already implementation na. Sabi ko nga, at the level of the regional directors or on the level of the superintendents, alam nila sa teritoryo nila kung aling mga eskuwelahan na may posibilidad na magka-limited ng face to face. Kaya sinasabi ko rin sa kanila tingnan na nila, i-survey na nila, just in case kung i-apruba ang policy ng Presidente.

So, mag-indicate ng kanilang interest in face to face at saka i–process iyan at saka mayroon naman tayong istraktura, mayroon naman tayong proseso at saka at the level of as I said, the region, the municipality, the province, nagkakaalaman naman lahat. Alam naman natin na maski na sa low risk area ka, for all you know, hindi siguro puwede pa ring mag-face to face dahil kulang pa sa ibang mga requirements.

At saka iyong mga advise ng ating Chief Implementer, talagang susundin natin iyan. Halimbawa, iyong circulation ng air, eh kung halimbawa, kasi maraming private schools ang may gusto nitong limited face to face. Kung air-conditioned ang classrooms nila, kailangan may certain temperature which has to be maintained, kasi sobra-sobrang lamig na parang refrigerator ay hindi naman iyan healthy para sa mga bata at close ang kuwarto, mag-iikot-ikot lang kung mayroong mang maligaw na mga viruses.

So, ito lahat iko-consider, iyong inspection process kailangan talagang gawin dahil ni-require ito at sa palagay ko, hindi naman… how many thousands schools ang magkakaroon ng interest o magpa-participate dito dahil alam nila na mayroong requirements.

First step lamang iyong sabihin natin iyong assessment ng low risk that is only first step; the other is what is the physical state of your school. Iyong amin na iyan, that is from our end, kasi kami we know what is the status of our schools. Kung halimbawa, ang isang building iyong ceiling niya ay nakatiwangwang o medyo weakened na iyong structure niya dahil sa mga bagyo, mga natural disasters, hindi pa rin namin iyan papayagan. Kasi ibang klaseng risk iyan, that’s physical risk already. O kung walang lugar para sa social distancing.

So, first step lamang iyong low risk areas assessment, the others have also to be put in place as well. But it can be oden because at the level of the province, at the local level, we more or less know what is happening and which schools are very likely to be interested. Like iyong iba nag-umpisa na sila and they have shown that it can be done, mga private schools ang karamihan na nagpa-practice na nitong mixture of face to face, limited face to face and the other approach is to blended learning. Thank you.

Hindi naman siguro ang Secretary of Education lang ang nagpakita sa Presidente na ito ang policy, ito ay hinihingi ito ng mga local governments at siyempre malaking tulong ang Spokesperson to arrange dialogues, exchange of information and so on. Lahat-lahat tayo involved dito sa policy na ito. Thank you.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Secretary Leonor Briones. But it was still primarily, Secretary Leonor Briones. But anyway, Joseph Morong—oh ikaw pa pala, go ahead Maricel for your next question. Sorry Joseph. Maricel has another question pala.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, follow up na lang po doon sa SONA. Will the family of the President attend the State of the Nation Address on Monday; who else did the President invite to personally attend the SONA in Congress?

SEC. ROQUE:  Hindi ko pa po alam kung sino iyong magiging kasama ng Presidente, ang alam ko lang po marami po iyong kasama ng Presidente pero karamihan po diyan ay siyempre ang Presidential Security Group, ang PSG.

So, limitado lang po ang mga miyembro ng Gabinete na makakarating, sa kinse lang po at sa panig naman po ng mga mambabatas, 25 po galing ata sa Kamara at lahat po ng miyembro ng Senado. Parang singkuwenta lang po iyong mga mambabatas.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, kasama po kayo doon sa 15?

SEC. ROQUE:   Hindi pa po sigurado, kasi hindi pa po alam kung magkakaroon ng press conference pagkatapos ng SONA. Kung magkakaroon po ng press conference hindi po ako makakasama sa Kongreso, makakasama ko po kayo ang problema sarado nga po ang NEB. So, lahat po iyan ay nakasalalay kung ano ang mangyayari sa NEB, kung hindi na po tayo magpe-press conference o ang press conference na ay parang ganito na linked up na diretso sa Kongreso o sa Batasan, baka makasama po; but basically, hindi ko po kayo iiwanan, Malacañang Press Corps, magkakasama po tayo.

USEC. IGNACIO:  Secretary, may tanong mula kay Rose Novenario ng Hataw para daw po kay Secretary Briones. Marami daw po ang nalilito at gustong maliwanagan sa direktiba ng DepEd tungkol sa mga pinapayagang lugar na mag face to face classes. Ano daw po iyong assurance na ang mga lugar na ito ay COVID-free na?

SEC. BRIONES:  Thank you for that question. Ang assurance natin diyan – first stage lang iyon ng sinasabi ko – ay ang risk rating ng IATF at saka ang punto de vista ng chief implementer kasi iyon ang starting point.

Kasi mayroon naman tayong every fifteen days, mayroong risk assessment classification, iyon ang nire-release, ina-announce ng Office of the Presidential Spokesman, sa PCOO at mismong ang Presidente ang nag-a-announce niyan. Pero number one lang iyan sa ano… first step lang iyan sa ating process of allowing limited face-to-face learning.

Ang sunod ay iyong physical facilities natin sa, DepEd ba o kung sa private schools ba. So, it will involve inspection dahil chief implementer insists on physical inspection of the schools. At saka sa tingin natin, hindi naman sobra-sobrang marami itong mga schools na ito. So, iyon ang—we start form that kind of assurance.

At saka makikita natin kasi takot tayo siyempre sa epekto ng COVID sa mga bata. Ang istatisko natin is very, very clear. Halimbawa, sa mga nagiging biktima ng COVID sa atin, kaunting-kaunti lang ang mga bata at sa 0.87% lang sa ilang libong—1,831 deaths halimbawa, at present na recorded natin, 16 ang sa mga bata at saka ang sinasabi natin, iyong mga bata nakuha lang nila iyon sa mga parents nila, kasamahan sa bahay, etc., — 0.87% lamang.

At saka ang global standard is from 1 – 5% of the total COVID victims, napakaliit talaga ang epekto ng COVID sa mga bata. Siguro, isang blessing iyan sa ating mga kabataan na hindi sila masyadong naaapektuhan ng COVID pandemic na ito.

So, thank you.

USEC. IGNACIO:  Opo. May tanong din po si Einjhel Ronquillo: Sec. Briones, may mga napili na po bang lugar o probinsiya for limited face-to-face learning?

SEC. ROQUE:  Walang audio.

SEC. BRIONES:  Ang pagkakaalam ko ay ang De La Salle System which is countrywide, nag-start sila June pa at saka may mga eskuwelahan, mga certain private schools dahil ang official start ng classes puwede naman sa June up to August eh nag-umpisa sila ng August pero itong dalawang ito, kabisado namin dahil talagang amin itong na-monitor at tinitingnan natin ito.

Sa mga private schools, kadalasan naman talaga even before COVID – COVID or no COVID, they have already been involved in blended learning, ginagawa na nila ito na mayroon talagang face-to-face. Ako, naniniwala ako na maski limited, dapat ipagpatuloy natin itong limited na face-to-face dahil ang ating mga bata, ating mga anak, mga apo – pinapalaki natin bilang human beings.

Mahalaga ang human interaction na matuto silang makikitungo sa kapwa bata, sa mga adults sa loob ng eskuwelahan. And if we can do this inspite of COVID on a limited scale, then we will have fulfilled our mandate to help nurture a complete, a full, a whole individual, and not a robot.

Thank you.

SEC. ROQUE:  Okay. Joseph, one more question?

Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:  Ace Romero: You said the number of ICU ward and isolation bed have increased. Is the critical care capacity of the country still in the danger zone?

SEC. ROQUE:  Medyo bumaba po tayo dahil nasa 50% na po tayo. Ang danger point po ay nasa 70%; ang 50% po ay nasa medium risk, so nasa medium risk po tayo ngayon as far as critical care capacity is concerned.

Joseph Morong?

JOSEPH MORONG/GMA 7:  Hi sir, Good afternoon. Sir, doon muna ako sa mask. Yesterday—last night, the President said that he will buy as many as he can afford na mga mask and then he said that under normal times, medyo trivial iyong pag-arrest sa mga hindi nagsusuot ng mask but then he said, this is a pandemic and now he wants the police to intensify iyong implementation of this health protocol. So, number question sir is that, can we expect or are we expecting that the police will arrest iyong mga hindi nagsusuot ng mga mask? And with regards to the procurement, iyong cost noon sir, how much will this cost the government and papaano po idi-distribute iyan?

SEC. ROQUE:  On the first question, nasagot ko na po iyan, it will depend on the uniformed ordinance to be passed by the different councils of Metro Manila and in different parts of the Philippines.

Pangalawa po, wala pa pong halaga na nabanggit ang ating Presidente, pero ang sabi nga niya, kung hindi mabibigyan ang lahat, then iyong mga mahihirap talagang dapat mabigyan. Iyon pa lang po dahil kagabi lang po iyan nabanggit ng ating Presidente.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  Sir, just a tiny question related to that. Sir, ibig sabihin iyong mga pulis will be very strict, aarestuhin na nila iyong mga hindi nagma-mask from this point on?

SEC. ROQUE:  The police can tell individuals to wear mask, they can ask the individuals to go home and get their mask and put it on at nangyari na sa akin minsan iyan, sa aking sariling barangay. Pero sa ngayon po, it is just to encourage people to wear masks, hintayin po natin iyong ordinansa dahil kinakailangan nating malaman kung ano iyong magiging parusa doon sa mga hindi magsusuot ng mask sa publiko.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  All right. Sir, may next topic will be the mass testing. The President asked Sec. Duque last night if we can test every citizen in this country. What does the President mean by that, he wants mass testing for Filipinos?

SEC. ROQUE:  If we can afford it, why not? But the reality is, hindi natin maa-afford ang testing sa lahat ng 110 million Filipinos. Pero gagawa po ng hakbang ang ating gobyerno para mas maparami ang testing natin.

Ngayon po, humigit na tayo sa isang milyon, mayroon pa po tayong sampung milyong nakahandang mga testing pero kinokonsidera na po natin iyong tinatawag na pooled testing, iyong sa isang kit na testing sampung tao ang isa-swab at ite-test para makita kung mayroong positibo sa kanila. Kung mayroong positibo sa kanila, lahat sila individually, ipi-PCR.

So, iyong ating ten million po kung sampung tao kaya pong maging—ten million times ten is hundred million. So, hindi naman po siguro lahat iyan mafu-full testing kung ia-allot lang natin ang 25% ng ating ten million na natitira, that would be 2.5 million times ten. Easily twenty five million people can be tested through pooled testing.

At iyan na po ang hakbang na ginagawa ng gobyerno dahil alam natin na kapag na-test at nahanap natin kung sino ang mayroong COVID-19, pupuwede na silang i-isolate nang hindi na makahawa at pararamihin din po natin ang mga isolation centers dahil nga alam natin na mas marami tayong mahahanap na mga positibong indibidwal. Pagkatapos gagamutin po natin at ire-reintegrate natin sa ating lipunan.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  Sir, sa SONA na lang. Sir, iyong issue [unclear] has reported its 18th case and now iyong NEB natin mayroon tayong positive. So, sir, are we not changing the plan of the President to go physically to SONA? How will these infections going to factor-in in our decision, in the President’s decision to go to SONA? Ibig sabihin, hindi ba tayo worried na iyong paglabas-labas ni Presidente eh maging dahilan para you know?

SEC. ROQUE:  Siyempre po, worried dahil senior citizen ang ating Presidente and he’s particularly vulnerable to the disease. Pero para rin po iyang press briefing natin ngayon, sarado ang N-E-B pero hindi naman pupuwedeng hindi na natin gagawin ang ating mga katungkulan. Ganoon din po si Presidente, he may be vulnerable pero patuloy pa rin po ang kaniyang trabaho bilang isang Presidente at nakasaad po sa Saligang Batas na sa takdang araw ng buwan ng Hulyo siya ay magre-report sa Kongreso at gagawin po niya iyan. Sasayawan po natin ang sakit; gagawin po natin ang katungkulan, mabubuhay po tayo sa kabila ng COVID-19.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  Sir, physical pa rin, sir, hindi na iyong parang virtual, another plan is being put up?

SEC. ROQUE:  Physically, he has said he will go. I think it’s also to send the message that we continue to live our lives despite COVID-19.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  All right, sir. Thank you for the answer.

SEC. ROQUE:  Thank you, Joseph. Usec. Rocky, please?

USEC. IGNACIO: From Francis Wakefield: Effective na po ba this August iyong limited physical classes? What if magkaroon ng COVID-19 cases sa mga bata? May assurance po ba na sasagutin ng government ang pagpapagamot sa mga bata/teachers na posibleng mahawa?

SEC. ROQUE: Correct me if I’m wrong Secretary Liling, pero third quarter pa po ipapatupad ang face-to-face classes at sagot naman po ng PhilHealth ang mga pagpapagamot ng nagkakasakit ng COVID-19. Next question, please. Si Melo Acuña ng Asia Pacific Daily.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC:  Good afternoon, Secretary. I have several [garbled] for Secretary Briones. Karaniwang ginagamit ang mga silid-paaralan bilang evacuation center, ngayon ay panahon po tayo ng bagyo; siyam na bagyo ang pumapasok at nagla-landfall; dalawampu ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility. Ano po ang guidelines sa paggamit ng silid-paaralan bilang quarantine at evacuation center, Secretary?

DEPED SEC. BRIONES:  Mayroon na tayong mga existing guidelines niyan dahil ina-anticipate natin iyong mga possibilities na iyan. Ang sinasabi nga natin, it’s not only the space na maka-maintain tayo ng social distancing, it’s the state of the buildings themselves dahil may mga buildings tayo na apektado dahil sa baha, sa lindol, nakatiwangwang ang ceiling. Eh maski ba low-risk sila, hindi din namin iyan ipapagamit, hindi rin namin iyan ia-allow na magkaroon ng face-to-face na may physical risk ang mga bata. Because the risk that a child is exposed to is not only to COVID, a child is exposed to all sorts of risks on the way to the school or on the way from the school and we want to minimize all of these risks that’s why may mga guidelines tayo. Nag-put out na ng guidelines ang DepEd tungkol dito. Thank you

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC:  Secretary, ano po ang inyong gagawin sapagkat nabanggit ni Atty. Joseph Noel Estrada ng PAPSCU at COCOPEA na mayroong mga apatnaraang pribadong paaralan na napipintong magsara. Kung magsasara po ang mga ito, lilipat ang mga estudyante sa public schools. Kakayanin po ba ng public schools matanggap ang mga lilipat na mag-aaral?

SEC. ROQUE: Sa ngayon po lahat naman po noong mga lumipat sa pampublikong paaralan ay tinanggap natin. Pero perhaps Secretary Briones, can we absorb even more from the private schools?

DEPED SEC. BRIONES:  Usually ang parents namimili sila kung aling public school sila lilipat but siyempre, marami nang mga parents din na nag-reserve; February pa nag-reserve na sila sa mga public schools natin. So halimbawa, oversubscribed ang Manila, Manila over 100% na ang pinagbibigyan namin iyong mga parents na gusto talagang ipasok nila sa Maynila dahil may mga benefits, mga perks na binibigay ang Maynila. May own city oversubscribed, over 100% na compared to last year ‘no pero there are other schools also in the surrounding cities na puwede nilang mapuntahan.

So basta hindi lang sila mamimili kung saan sila pupunta, kung alin ang mga schools na available puwede nilang mapuntahan. First come, first serve ito kasi eh, February pa nag-start ang reservations. So iyong mga nakauna, binibigyan sila ng preference at saka ang mga local governments kasi ang pinipili din nila, tinatanggap iyong taga-kanila. Halimbawa Maynila, gusto nila taga-Maynila; kung Quezon City, gusto nila taga-Quezon pero tatanggapin din.

Tama si Sec. Harry kasi nasa Konstitusyon iyan, dapat hindi natin tanggihan ang isang bata na gustong mag-aral, medyo nahuli lang kasi ngayon lang siguro naka-decide ang parents but tatanggapin sila. We will allow even late enrollment para makahabol lang ang mga bata.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC:  Opo. Secretary Liling, paki-imbentaryo din po noong mga paaralan na walang tubig na magagamit panghugas ng kamay ng mga mag-aaral. Hindi na po ako binalikan ni Usec. Vergeire ng DOH, sabi niya mayroon silang datos. Paki suyo lang po.

DEPED SEC. BRIONES:  Yes, kasi very efficient naman ang aming information system. Mayroon kaming such a list kung how many percent na ang naano o oversubscribe na ba, kung sumobra na kasi may mga schools over 100% na talaga at pinagbibigyan pa rin namin o mag-open kami ng additional classes, etcetera para ma-accommodate. Pero ang local governments din have a role dahil ang preference nila iyong taga-kanila – kung mag-aral sa Maynila, taga-Maynila; mag-aral Quezon City, taga-Quezon City.

Pero sa kabuuan, we always try to make space for everyone but this is a problem which started even before COVID. Iyong migration nag-umpisa na iyan wala pang COVID. Hindi lamang ang learners ang nagma-migrate kundi teachers as well na nagma-migrate so kailangan din nitong masusi at malalim na pag-aaral, itong phenomenon of migration which we are very concerned about as well.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC:  Opo. Iyon pong tubig sa paghuhugas ng kamay paki suyo lang po, paki-check lang, baka kulang tayo ng facilities.

DEPED SEC. BRIONES:  Iyon nga ang isa sa standard natin kasi karamihan mga schools makita natin sa labas pa lang, you will see washing areas already. Even before COVID, that’s part of the training of the child kasi eh. Pero iyong water supply, kung minsan out of the control of DepEd iyan, iyong supply and availability of water kaya nakikiusap din kami sa mga concerned agencies. Isa sa mga factors iyon na titingnan namin na availability of water, of medicines, etcetera bago tayo mag-allow ng limited face-to-face.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC:  Salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you. Well, we’re out of time. Maraming salamat, Secretary Liling Briones.

Alam ninyo po sa mga nanonood ngayon, sa inyo po ordinaryong araw lang po sa inyong panonood ng press briefing ang nangyari ngayon. Pero sa amin po dito sa Malacañang, ito po’y isang malaking accomplishment. Pinasok po ang Malacañang ng COVID at hindi po kami nagpapigil sa COVID para magampanan ang aming katungkulan. Congratulations Office of the Press Secretary. Congratulations PTV-4. Congratulations RTVM.

At ito po ang mensahe ng ating Presidente: Nandiyan pa po ang COVID-19, wala pa pong bakuna, wala pa pong gamot. Pero hindi tayo po magpapapigil ng ating buhay, tuloy po ang pang-araw-araw na buhay and Philippines, we will heal as one.

Good afternoon to all of you.

###

 

 

 

 

News and Information Bureau-Data Processing Center