USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Tuluy-tuloy pa rin po ang ating serbisyo sa bayan sa pamamagitan ng paghahatid sa inyo ng mahalagang impormasyon ukol sa kinakaharap nating krisis dahil sa COVID-19. Kasama po natin dito ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na handang magbahagi ng kanilang kaalaman at serbisyo para sa mamamayan.
Ako po si Undersecretary Rocky Ignacio. Makakasama po natin maya-maya si Secretary Martin Andanar. At ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang ay makakasama natin sa programa sina Roel Martin, OIC-Director ng National Reintegration Center for OFWs; Col. Consolito Yecla, Commander po ng Task Force Davao; at si Dr. Rosana Mula, Deputy Director ng Agricultural Training Institute.
Makakasama rin po natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula po sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala para naman po sa inyong mga katanungan, maari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
Para po sa unang balita ngayong umaga, hinimok po ni Senator Bong Go ang pamahalaan at publiko na tangkilikin ang masks na gawa ng mga Pilipino upang makatulong sa mga mananahi at mga nagbebenta ng raw materials na ginagamit po sa paggawa ng face masks. Bukod pa rin diyan, malaki rin po aniya ang tulong nito sa mga kababayan natin na hindi kayang bumili ng sarili nilang mask. Hinikayat rin nito ang DTI at TESDA at CHEd na gamitin ang available resources upang suportahan at turuan ang may kakayanang mag-produce ng standard face masks na papasa sa health specifications ng DOST at health experts.
SEC. ANDANAR: Samantala, mga importanteng updates naman ukol sa ating OFWs ang ihahatid sa atin ng National Reintegration Center for OFWs. Makakausap po natin ang kanilang OIC and Director Roel Martin. Magandang umaga po sa inyo, sir.
DIR. MARTIN: Magandang umaga Sec. Martin at Usec. Rocky. Magandang umaga po sa ating mga tagasubaybay lalung-lalo na ang mga milyung-milyon na mga migranteng manggagawa.
SEC. ANDANAR: Ilan na po ang mga OFWs na nakauwi na sa ating bansa sa tulong po ng repatriation program ng pamahalaan?
DIR. MARTIN: Yes Sec. Martin ano, base doon sa mga na-capture ho natin more or less mga around 90,000 na po ang nakakauwi at karamihan po nito ay unti-unting umuuwi na po sa kani-kanilang mga probinsya at ito po’y handog na programa, ang repatriation ng Overseas Workers Welfare Administration po, Sec.
SEC. ANDANAR: Doon naman po sa mga nakauwi na sa kani-kanilang probinsya, ano po ang mga reintegration program ang nag-aantay sa kanila?
DIR. MARTIN: Opo, Sec. Martin ano. Ongoing po iyong DOLE AKAP po natin, ito iyong financial assistance na binibigay po natin sa affected OFWs na bumabalik, so ongoing pa rin at marami pong nag-a-apply pa rin ho dito. Pag-uwi po nila sa kani-kanilang mga probinsya ay hinahanda na po ng Regional Welfare Offices po natin ang mga ibang reintegration programs. Ang livelihood program ay pupuwedeng i-offer po sa ating mga returning overseas Filipinos depende po sa kanilang klasipikasyon ano at mayroong kaakibat na training ito para naman ay makuha natin na maging successful sila kung saka-sakaling mag venture sila sa pagnenegosyo.
Ang isa pa sa programa na binibigay ho natin ay base po sa pag-capture ng database of returning OFWs na nakikita ho natin ang kanilang skillset o occupation kaya tinitingnan na ho natin ang mga employment opportunities sa kani-kanilang mga probinsya. So may employment facilitation po na gagawin natin sa kanila para naman po kahit pansamantala sa pag-uwi nila dahil sa COVID-19 ay makakuha sila ng empleyo muna dito sa ating bansa.
SEC. ANDANAR: Saan po at paano po kung ang isang OFW ay hindi OWWA member, saan po sila puwedeng humingi ng tulong; pati rin po ba sila ay entitled sa programa ng inyong tanggapan?
DIR. MARTIN: Opo, Sec. Martin ano. Lahat po ng returning overseas Filipinos ay may mga programa na pupuwedeng ma-avail dito po sa opisina ho namin sa National Reintegration Center for OFWs. Of course, ‘pag ikaw po ay OWWA member ay mayroong privilege na tinatawag ano, may advantage po tayo but nonetheless kahit po mga undocumented or irregular workers ay makaka-avail pa rin po ng programa kagaya ng livelihood at mga training, pati po iyong employment facilitation ay pupuwede nating ibigay po sa kanila.
SEC. ANDANAR: Director, ano po ang iba pang serbisyo na ino-offer ng inyong tanggapan para naman po sa mga OFWs na gusto nang bumalik at permanenteng manatili dito sa ating bansa?
DIR. MARTIN: Opo. Maliban po Sec. Martin sa mga nabanggit ay mayroon din ho tayong mga loan assistance program na binibigay. Kasama po natin dito ang Landbank of the Philippines na nag-o-offer sa kanila ng loan assistance kung saka-sakaling mayroon silang naiisip na negosyo at kailangan nila ng dagdag na kapital ay puwede ho silang lumapit sa mga Regional Welfare Offices po natin para matulungan po sila sa paggawa ng project proposal and at the same time ma-assist sila sa pag-submit and pag-assess ng Landbank of the Philippines.
Ang training po ay entrepreneurship training ay isang aspeto na pupuwede pa rin po nilang ma-avail. Marami hong ahensya ng gobyerno na tumutulong po sa atin dito kagaya ng DTI, ang TESDA para naman mabigyan pa rin ng training ang ating mga migranteng manggagawa na nag-decide na ma-permanent dito sa ating bansa, Sec.
SEC. ANDANAR: Bago po nagkaroon ng pandemya, paano ninyo po pinapaalam sa ating mga OFWs ang magagandang programa ito ng DOLE, OWWA, NCRO? May isinasagawa po ba kayong briefing sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan, sir?
DIR. MARTIN: Opo, Sec. Martin ano. Mayroon tayong mga advocacy programs na ginagawa sa mga bansang—destination countries ang tawag po natin at pumupunta po tayo sa kanila. Maliban po dito, kahit po sa pag-alis pa lang ay pinaghahandaan natin ang kanilang reintegration dito kasi naisip ho natin at alam ho natin na hindi lang doon sa time na pagbabalik ho nila ay pag-usapan ang reintegration. Dapat po bago pag-alis ay naka-inculcate na ho sa kanila iyong ‘Plan-Save-Invest’ na tinatawag po natin para hindi ho sila mahirapan sa pagbabalik dito sa Pilipinas.
Dahil po sa epekto ng COVID-19 ay minarapat ho namin na hindi ho makaalis ano at pumunta sa iba’t ibang bansa pero open na open po ang aming social media, ang website at of course iyong mga Regional Welfare Offices po natin ay bukas para sa ating mga returning overseas Filipinos.
SEC. ANDANAR: Anu-anong ahensya ng pamahalaan ang katuwang ng DOLE, OWWA, NRCO sa pagpapatupad ng mga reintegration program na nabanggit po ninyo, Director?
DIR. MARTIN: Yes po, Sec. Martin. Marami hong ahensya ang tumutulong sa reintegration ng ating mga returning overseas Filipinos dahil naaayon po sa reintegration framework po ay lahat po ng ahensya ng gobyerno ay tutulong, kagaya po ng DTI sa pagbibigay ng skills training saka entrepreneurship training; ang TESDA po ay malaking tulong ang binibigay din sa ating mga returning overseas Filipinos; at ang Department of Agriculture po at ang DOST ay mga ahensya ng gobyerno nakapaglikha ng mga programa para sa ating mga overseas Filipinos lalung-lalo na kung sila po’y nangangailangan ng capital at kung gusto nilang mag-put up or magtayo ng kanilang technology-based enterprise ay nandoon po ang mga ahensya ng gobyerno na tutulong po sa kanila.
SEC. ANDANAR: Para po sa mga may katanungan o nais na humingi ng assistance hinggil sa inyong mga programa, paano po nila makokontak ang inyong tanggapan, Director?
DIR. MARTIN: Opo, mangyari po lamang na bisitahin po ang aming website at mayroon kaming telephone number, Sec. Martin, na nakalaan para dito at pati po iyong OWWA hotline na 1349 ay bukas po para mag-entertain ng mga katanungan ng ating mga returning Overseas Filipinos at active po tayo sa social media at mayroon tayong mga Facebook pages na pupuwedeng ma-access ng ating mga Overseas Filipinos.
SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe, sir, sa ating mga kababayang OFWs lalung-lalo na doon sa mga nakauwi na sa kani-kanilang lalawigan?
DIR. MARTIN: Opo, Sec. Martin. Sa pangunguna po ng ating mahal na Kalihim, Secretary Silvestre H. Bello III at ang OWWA Administrator si sir Hans Leo Cacdac, ang ahensiya po ng gobyerno, specifically ang National Reintegration Center for OFWs ay palagi hong nandito at gagawa ng mga programa at serbisyo para sa ating mga libu-libong papauwi or umuwi ng mga OFWs. Ang hangad po namin ay inyong kaligtasan, ang safety po ninyo pag-uwi at habang nandoon po tayo sa kani-kanilang mga probinsya at bayan ay pupuwede po nating bisitahin ang mga regional or tawagan ang ating regional welfare offices at mayroon po tayong mga reintegration officers na mag-a-assist po sa inyong mga katanungan, lalung-lalo na po sa reintegration programs na pupuwede ninyo makuha or ma-avail sa ating mga tanggapan.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Director Roel Martin ng National Reintegration Center of OFWs.
DIR. MARTIN: Salamat, Sec. Martin, salamat Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay, salamat po. Samantala, sa Davao City malaki naman po ang naitutulong ng Task Force Davao para mapanatili ang kaayusan at labanan ang pagkalat ng COVID-19. At para po alamin ang kanilang aksyon laban sa COVID-19, makakausap po natin ni Col. Consolito Yecla, commander po ng Task Force Davao. Sir, magandang umaga po.
COL. YECLA: Magandang umaga po Usec. Rocky Ignacio at kay Secretary Martin Andanar at sa mga tagapakinig at saka viewers ng ating programang Laging Handa dito sa PTV 4.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Sir, ano po iyong significant contribution ng Task Force Davao para po ma-contain iyong pagkalat po ng COVID-19 diyan po sa Davao City?
COL. YECLA: Una sa lahat, ang misyon po ng Task Force Davao ay i-address ang threat against terrorism. However, Task Force Davao also made ourselves relevant and responsive to the needs of Davaoeños lalo na ngayong may pandemic ng COVID.
Una sa lahat, is mula pa noong pag-start noong ating pandemic, we optimized the potentials of our intel community in contact tracing. As early as March 24, nairekomenda natin sa City Mayor iyong paggamit ng intel community para mapabilis ang contact tracing ng ating mga may infection.
Pangalawa, sa ating pag-deploy ng tropa during the Enhanced Community Quarantine, we used the density map to insure that we are more focused on the areas where we are needed most.
Then pangatlo, during the ECQ din, we volunteered to secure 28 convergence areas which were identified as potential source of community transmission, ito iyong mga merkado, iyong mga distribution ng SAP benefits, iyong TUPAD Program at kahit iyong mobile markets ay sinusundan natin to insure na maintain iyong social distancing during the distribution.
Then lastly, we also support the effort of Davao City in addressing iyong mga may symptoms ng COVID when they are entering he Davao City. Mayroon tayong check points and we have established more than 20 control points sa Davao City. With this effort, we insure that Task Force Davao together with the government ay mararamdaman ng mga tao during the time na kailangang-kailangan tayo.
USEC. IGNACIO: Sir, pero iyong mga dagdag pang measures ng Task Force Davao sa mga galing naman po doon sa airports, tapos magba-by land, papasok ng siyudad. So, papaano po ninyo nakikita kung papano po ninyo ipatutupad iyong mahigpit na pagkilos para—kasi ang alam ko po sa airport, kailangan po negative doon sa PCR test. Pero mayroon po ba kayong measures na ginagawa sa airport o kung wala doon sa airport, iyong magba-by land po papasok ng siyudad?
COL. YECLA: Usec, when the Davao City declared that we will impose swabbing or iyong RT-PCR test as mandatory upon arrival ng mga Locally Stranded Individuals or returning Overseas Filipino Workers, what happened is that we monitored na napakaraming mga individuals ang opted to travel by land or use other airports like airport in GenSan, Cotabato and Cagayan de Oro para maiwasan iyong ating mandatory testing sa Davao International Airport.
So, we were tasked by the City Mayor to intercept iyong mga LSIs and ROF na magla-land trip. As of this morning, naka-intercept na tayo ng 42 LSIs and we escorted them to our testing centers. Ang iba naman na dumadaan lang sa Davao City ay ating ineskortan from one checkpoint to their exit points. Iyon ang ating measure to insure that lahat ng mga magta-travel especially from the National Capital Region ay mai-test natin bago sila pumasok sa Davao City.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may sinusunod na culture o kanina nga po nabanggit ninyo may sinusunod na culture of security ang Davao City. So, papaano po ninyo ipapaliwanag iyan, kasi nga sinabi nga po ninyo kanina na talagang ang mandato ninyo against terrorism?
COL. YECLA: Una sa lahat is we observed na… during the last bombing incident nalaman namin na mayroon naman pa lang nakakita na isang tao na may iniwang backpack sa massage area. However, because wala ngang sistema or walang sense of responsibility among the people, walang nag-report o hindi nila ni-report sa ating authority. With this, we want to inculcate among Davaoeños na lahat ng individuals bata man o matanda ay stakeholders in protecting the City. So, for the past year or more than one year na tayong ginagawa ito, we propagated the culture of security among Davaoeños.
Iyong concept of culture of security ay nag-i-involve ng support ng ating tao by reporting suspicious persons; by volunteering themselves for inspection, para hindi mahirap mag-inspect sa mga checkpoints natin. We encourage them to remind others on the policies of the City and for them to participate in the community defense system ng Davao City.
As of this time nasa institutionalization stage na tayo, mayroon na tayong mga executive orders to insure na iyong propagation ng ating culture of security ay may legal basis at ma-perform not just by our stakeholders but also buy LGUs up to the barangay level.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa kabila nga po ng pandemya patuloy pa rin po ba iyong ginagawa ninyong security meetings; at anu-ano po iyong sector na kasama dito? Nakaapekto po ba iyong COVID-19 dito sa inyong mga operasyon?
COL. YECLA: Ngayong may COVID tayo, we made it clear that even with the pandemic we will not lower our guards against terrorism kasi ang mga terorista they are just looking for opportunity to execute their plan that’s why kahit may pandemic tayo ay tuloy-tuloy iyong ating engagement following the protocol established by DOH. And for the past weeks, naipatawag na natin iyong sektor ng mga galing sa Simbahan, iyong mga taxis drivers, iyong mga bus operators and yesterday ipinatawag din natin iyong mga security providers to ensure na iyong kanilang dapat gagawin as an organization ay ma-perform to make Davao City safe.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ang susunod kong tanong sa inyo, gaano kalaking challenge po na hinaharap ng Task Force Davao kontra terorismo ngayong may mga istriktong ipinatutupad katulad po ng paggamit ng face mask sa mga pampublikong lugar? So, gaano po nakakaapekto ito doon sa inyong kampanya kontra-terorismo kasama na rin po iyong ating mga laban sa ilegal na droga dito sa ating mga checkpoints?
COL. YECLA: Napakahirap mag-implement ng security measures ngayon sapagkat with the use of face mask mahirap ang identification of individuals sa mga checkpoints. Pangalawa, dahil sa pandemic iyong mga forces natin ay nahati na iyong attention, hindi lang iyong pag-implement ng security measures, we are also implementing or imposing safety measures to protect the people from the effect of COVID-19.
However, dahil nga sa hard work and commitment ng ating mga sundalo at CAFGUs sa mga checkpoints, nanatiling ligtas ang Davao City, wala namang nakapasok na mga IEDs. Pangalawa, on our campaign against illegal drugs, we’re happy to report that we continue to support the anti-drug campaign of our President to make the future of our Davaoeños better.
Ang na-apprehend na ng Task Force for 18 months since January 1 last year, nakapag-apprehend tayo ng 127 individuals sa checkpoint lang; for the drugs amounting to P14.5 million. At ang maganda nito ay we accomplished this with zero fatality. Ang ibig sabihin ay kayang-kaya pala natin mag-neutralize ng more than 120 individuals na walang namamatay sa checkpoint. And we are also proud to inform you that na-accomplish natin ito with zero allegations of human rights violations.
USEC. IGNACIO: At least magandang balita iyan, sir. Pero dahil alam namin na masigasig talaga kayo sa pagbabantay ng inyong lugar eh maituturing din talaga kayong mga frontliners. Kumusta na po ang inyong hanay, itong Task Force, paano naman po ang ginagawa ninyong pag-iingat para naman po hindi rin kayo maapektuhan nitong COVID-19?
COL. YECLA: Again, we are happy to report that as of this time, zero case pa tayo ng COVID-19 sa Task Force Davao. Kung titingnan nga natin iyong situation ng Task Force Davao is napakahirap sapagkat within one kilometer radius from the Task Force Headquarters, mayroong 197 cases within one kilometer radius but still we were able to prevent infection by religiously adhering to the protocols established by DOH.
And to ensure compliance ng mga tropa natin lalo na sa checkpoints operations, nag-deploy tayo ng mga intel operatives natin to check or to conduct CI sa mga tropa natin kung talagang sinusuot nila iyong mask, nagsusuot sila ng face shields, so may CI tayo diyan and may nahuli kaming dalawa. We immediately enforced punishment para hindi gayahin.
Then, pangalawa is that mayroon kaming ginawang checklist, iyong parang gaya nito na laminated as reference of our soldiers when they are outside on what to do to protect themselves against COVID infection.
Iyong pangatlong initiative namin na bago lang namin in-impose is that iyong aming headquarters dito sa Sta. Ana Wharf ay hinati namin into five zones at nilagyan namin ng mga temporary barriers na see through lang to ensure that individuals or soldiers within that zone will only interact with the other soldiers dito din sa zone nila.
Napakahalaga nito lalo na sa malalaking kampo to ensure na kung hindi talaga namin maiwasan iyong infection ng COVID sa kasama namin, mali-limit lang iyong pag-lockdown doon sa area na tinitirahan ng ating sundalo, doon lang sa zone kung saan may infection. With this, kahit na magkaroon ng infection sa Task Force Davao, we will be able to accomplish our task of protecting Davao City and helping the Davao City Government under our City Mayor Inday Sara Duterte contain the spread of coronavirus in the city.
USEC. IGNACIO: Opo. Alam natin napakahalaga rin niyan para siyempre, kayo iyong frontliner, kayo ang nagbabantay sa Davao so kailangan ligtas din kayo sa COVId-19, sir. Sir, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa mga Davaoeños ngayong patuloy pa rin na hinaharap natin iyong COVID-19.
COL. YECLA: Sa ating mga kasama dito sa Davao, sa mga Davaoeños, ang aming mensahe galing sa Task Force Davao is that we should not consider iyong mga protocols established by our local government as a hassle. Dapat hindi natin siya isipin na ito ay pabigat but we should consider this as a means to protect ourselves, our families, our relatives and our neighbors.
Hindi dapat iisipin na dahil may mga inspeksiyon sa Davao International Airport is dadaan na lang tayo sa ibang airport para mag-by land. So, iyon dapat ang proper mindset. This is to protect bilang isang responsible Davaoeño, responsible citizens of the country. Let us protect others din hindi lang iyong ating sarili.
On the part of Task Force Davao, we promise the Davaoeños to serve and continue what we are doing not just in the area of countering terrorism; we will also continue our support against illegal drugs and continue supporting Davao City para mabawas-bawasan iyong ating problema in this time of pandemic.
USEC. IGNACIO: Okay, Maraming salamat po, Col. Consolito Yecla, commander po ng Task Force Davao. Sir, stay safe po!
COL. YECLA: Maraming salamat din po, ma’am.
SEC. ANDANAR: Usapin tungkol sa pagsasaka ng bigas na ating pangunahing pagkain sa bansa ang ating pag-uusapan ngayon. Para alamin ang mga serbisyong inihanda ng pamahalaan kaugnay dito lalo na ngayong humaharap tayo sa pandemya, makakausap po natin si Dr. Rosana, deputy director ng Agricultural Training Institute.
Good morning po sa inyo, Dra.!
DR. MULA: Magandang umaga, Sec. Andanar at maraming salamat po sa inyong pag-imbita sa amin; at of course sa lahat ng mga tagapakinig at tagasubaybay ng PTV 4.
SEC. ANDANAR: Doc, ano po ang Rice Extension Services Program ng Rice Competitiveness Enhancement Program (RCEF)? Ano po ang layunin ng programang ito?
DR. MULA: Okay, Secretary. Ang Extension Services po ay isa lang sa mga apat na component po ng Rice Competitiveness Enhancement Fund or kagaya noong sinasabi ninyo, RCEF. At ang layunin po nitong extension service na ito ay ang itaas ang antas ng kakayahan at kaalaman ng ating mga rice farmers.
Tinutugunan nito ang problema ng low productivity kung kaya’t binibigyan-diin ng aming mga training o pagsasanay ang paggamit ng mga moderno at makabagong teknolohiya lalung-lalo na po sa paggamit ng dekalidad at mataas na klase ng punla o seeds, at tamang [garbled] ng mga machinery or farm mechanization. Ito po iyong dalawang areas na mas masasabi nating napakaimportante kung kaya’t magiging competitive po sa merkado ang ating mga farmers.
Ang Extension Service Program po ng RCEP ay ini-implement ng apat na ahensiya na binubuo po ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice, ang Philippine Center for Postharvest Development and Farm Mechanization o ang PhilMech, ang Technical Education and Skills Development Authority o ang TESDA; at, of course, ang Agricultural Training Institute na siyang nagle-lead po ng extension service.
SEC. ANDANAR: Mayroon pong iba’t ibang ahensiya na nagtutulungan para ipatupad ang programang ito. Alin po ba ang mga ito; at ano po ang papel ng bawat isa para sa implementasyon nito?
DR. MULA: Okay. Gaya nang nasabi ko po kanina, ang apat na ahensiya na ito, ang PhilRice for instance, ang kaniya pong ini-implement na training ay iyong mga specialists, iyon po iyong sa mga experts na siya pong magti-train naman sa mga trainers. Ang trainors’ training po ay ini-implement naman po ng ATI at saka ng PhilRice din na siya pong magti-train din po sa mga farmers kung kaya’t ang mga farmers po, ang nagti-training po nito ay ang mga trainers, at ang pinaka-main na nangangasiwa po nito ay ang TESDA. At iyong sa machinery training po, ang nangangasiwa naman po ay ang PhilMech.
SEC. ANDANAR: Ma’am, ano po ba ang tinatawag na modern rice farming? What is modern rice farming? Nasaan po ba ang Pilipinas pagdating sa pagpapatupad nitong modern rice farming? Wala na ba tayong makikitang kalabaw sa modern rice farming?
DR. MULA: Hindi naman po sa ganoon. When we say modern rice farming, as mentioned po kanina, unang-una po sa lahat, ang paggamit po ng dekalidad na seeds lalung-lalo na po iyong papaano imi-maintain ito ng sa gayun ay magiging mataas po ang ani.
At iyong paggamit naman po ng makinarya, halimbawa po kung ang Vietnam, ang labor cost po ng seeds halimbawa ay 12 pesos, kung mapababa p0 natin ito ng [garbled] o magiging 9, iyan po ay magandang balita o magandang reduction in terms of cost of production ng rice. At kung atin lamang maipataas ang production o yield from four tons to five to six tons per hectare, iyan din po ay magiging competitive po ang ating mga farmers.
So ibig sabihin po, tamang paggamit lang po ng mga seeds at tamang pag-i-implement at pag-a-adapt po ng mga makinarya kagaya po ng drying and milling, kagaya po ng rice machinery at paggamit po halimbawa ng solar irrigation, malaking bagay po ito para makapagdulot ng increase in terms of yield ng ating mga farmers.
At ang extension service po, iyan po ang nagbibigay ng training o pagsasanay na towards ito po sa paggamit ng mga machinery, at the same ng good seeds.
SEC. ANDANAR: Ma’am, kumusta po ang skills naman ng ating mga magsasaka? You mentioned earlier na tuturuan, pero kumusta po iyong kanilang current skills pagdating sa modern rice farming ayon po sa inyong assessment po, iyong talagang honest to goodness assessment?
DR. MULA: Opo. That’s a very good question po. Ang honesty to goodness assessment ng ating mga farmers ay kulang po sila talaga sa training when it comes to skills. Halimbawa po iyong paggamit ng seeds, kung paano po i-maintain, iyon po iyong binibigyan-diin namin ng training.
Marami po sa kanila ang hindi pa rin marunong mag-maintain ng mga seeds kaya po pinu-push namin iyong inbred. Iyong inbred po na seeds na ito, ito po ay kapag itinanim nila, puwede po silang magtago ng part of their production para gamitin po ito sa susunod na kanilang pagtatanim. Iyan po ang kulang pa rin sa ating mga farmers. Hindi po nila masyadong na-appreciate iyon.
Hindi rin po nila masyadong na-appreciate ang paggamit ng mga machines kung kaya po ang PhilMech, through RCEP, nagbibigay po ngayon ng through the farmer’s cooperative or association, mayroon po itong binibigay na machines para ito po ay gamitin ng mga farmers.
Iyon po namang pagsasanay ng mga farmers, iyong sa farmer’s field school, ito po ay libre. Mayroon pong scholarship po ito na ang namamahala po dito ay ang TESDA.
SEC. ANDANAR: Gaano po kahalaga para sa mga magsasakang Pilipino ang i-advance ang kanilang kaalaman at kakayahan pagdating sa modern rice farming?
DR. MULA: I think na mention ko din po, Secretary, na very, very important po ito dahil medyo mahihirapan po tayong maging competitive ang ating production kung hindi po ito natin i-implement iyong modernization, at the same time, the use of good seeds.
Halimbawa po, for instance, sa aming mga training programs, noong 2019 po, lahat po ng—marami na rin po kaming natulungan na farmers. So sa scholarship alone ay mayroon po kaming mga 15,000; ngayon pong 2020, dahil medyo inaayos pa po namin ang aming pag-i-implement ng programa, tina-target po namin na in total, 160,000 farmers. Kasama na po ito iyong sa machinery, sa pagti-train sa machinery at sa pagti-train po sa paggamit ng tamang seeds at paggamit ng tamang pamamaraan ng rice farming.
Mayroon po kaming sinusundan na module. Ito po ay ginawa ng aming mga eksperto sa PhilRice, at ito po ang sinusundan ng lahat ng mga training ng sa gayun po ay pare-parehas po more or less ang aming [garbled] at ang aming mga information na binibigay sa mga farmers. Napakaimportante po ito.
SEC. ANDANAR: Ma’am, kung titingnan po natin ang mga rice farmers o rice farms geographically in the country, aling region po ang masasabi nating pinakamagaling, pinaka-advanced, sumusunod sa inyong mga payo para maging modelo po ng iba pang mga rice farmers sa buong Pilipinas?
- MULA: Okay. Base po sa analysis din ng PhilRice ano po, mayroon po kaming 57 provinces na tinutulungan dito po sa RCEP. Kung titingnan po natin when it comes to adoption ng mga modern technologies, malaki po ang nagagawa at ito po ay very common sa Region III kaya included po diyan ang … kung kaya ito po iyong Central Luzon area, ito po iyong mga… okay ang Bicol Region. At marami rin po sa [garbled] na ito, hindi pa masyado sa rice farming, gaya po halimbawa iyong areas ng mga Cordillera, medyo mababa po iyong adaption doon.
At naiintindihan din naman po natin dahil in the case iyong geographical location ay malaking bagay iyon. Kaya kami po ay napo-focus sa extension services program, (garbled) na ang aming mga areas na bibigyan ng diin o pansin ay ito po iyong mga areas na nasa masasabi natin nasa (garbled) kagaya po ng Ifugao, Cotabato at marami pa pong probinsya.
SEC. ANDANAR: Ulitin po natin, Doktora, paano po specifically mai-improve ng RCEP program ang competitiveness ng rice farmers sa ating bansa, ano po ang scope ng mga trainings na ino-offer po ng programa ng inyong tanggapan at ano po ang mga strategies para maipagpatuloy ang programa sa kabila po ng pandemya? Ulitin po natin para sa kapakanan ng ating mga magsasaka na nanunuod po ngayon.
DRA. MULA: In summary po, ang importante pong dalawang areas na tinutuunan pansin ng ating RCEP program ay iyong paggamit po ng good seeds, iyong maitaas ang kalidad ng particularly iyong seeds, number one. Number two po, iyong farm mechanization na tinatawag.
Ngayon, mayroon po kaming mga trainings Farmer’s Field School on High Quality Inbred Rice, seed certification and farm mechanization; mayroon din pong mga trainings on rice machinery operation, small engine maintenance, drying and milling at solar irrigation. Iyan po iyong mga trainings na aming binibigyang-pansin.
Of course, mayroon po kaming—on top of that, nagbibigay din po kami ng aming… ginagampanan po din namin iyong mga strategic communication, kagaya po iyong pagbibigay ng mga advisory, mayroon din po kaming school on the air, mayroon din po kaming radio broadcast at all of these together we integrate this so that mas marami po ang reach at mas maganda po ang pagkaintindi ng mga mensaheng gusto naming ipaabot sa ating mga rice farming communities.
SEC. ANDANAR: Napakagandang proyekto po niyan Doktora. As a matter of fact, sa palagay ko ay maganda rin na puwedeng dumiretso na sa inyo, bukod doon sa mga kooperatiba ng mga magsasaka na puwede ring dumiretso doon. Ano po iyong pinakamagandang paraan, is it through on air, is it through your office, sa mga regional offices o sa pamamagitan ng mga kooperatiba para mas madaling makakuha po ng mga benepisyo mula po sa inyong tanggapan?
DRA. MULA: Okay, ganito po. Puwede po kayong makipag-ugnayan sa TESDA, sa regional at saka sa provincial offices, puwede po iyon. Mayroon din po kaming 15 centers, ang Agricultural Training Institute na puwede din po ninyong kausapin at magpatulong po sa kanila at maaari din po ninyong i-kontak ang mga partner agencies namin like PhilRice at PhilMech. Pero mas maigi po kung kayo po ay makipag-ugnayan sa Agricultural Training Institute at kami na po ang bahalang ipaabot ang inyong mga katanungan at ipaabot po iyong mga inyong pangangailangan sa aming mga respective partner agencies.
At before I forget po, Secretary, napakaimportante din po pala sa aming RCEP program iyong pag-develop po ng farm schools. Ang farm schools po kasi dito po nagaganap iyong mga training ng mga farmers. Kung wala po tayong mga farm schools, mahihirapan po natin ipatupad ang mga training activity sa mga farmers.
Ito po ang nangangasiwa po ng mga farm schools, sa training ng mga farm schools ay ang TESDA po; pero iyong pagpo-form ng farm school, Agricultural Training Institute po iyan. So kung interesado po kayong maging farm school, puwede rin po ninyo kaming tanungin sa Agricultural Training Institute or puwede din po kayong… to get online sa aming mga websites at madali lang naman po namin kayong tugunan.
SEC. ANDANAR: Lastly, Doktora mensahe po para sa mga manunuod at imbitasyon para sa mga rice farmers o iyong mga hindi pa nagra-rice farming, pero nandiyan po iyong opportunity dahil andiyan po ang inyong tanggapan.
DRA. MULA: Okay. Thank you po. Ang mensahe ko lang po ay ang mga farmers kung gusto po ninyong mag-avail ng RCEP programs, lalung-lalo na po iyong mga pagsasanay o training kayo po ay dapat mag-register sa RSBSA na tinatawag o iyong Registry System for Basic Sector in Agriculture, iyan po ang importante; at number two po, kung gusto po ninyong maging farm school, puwede din po kayong makipag-ugnayan sa Agricultural Training Institute at kami po ay bukas ang aming loob na para kayo ay tulungan maging farm school.
And of course, maraming-maraming salamat po sa government especially po sa ating Pangulo at ang ating mahal na senadora na walang iba po si Ma’am Cynthia Villar and of course ang aming Kalihim na si Secretary William Dar na siya pong lead agency sa pagpapatupad o pagpapa-implement ng buong RCEP program po sa Pilipinas. So iyon po, we are always open sa mga katanungan po ninyo at saka sa mga gusto nga pong mag-avail ng aming mga programs.
SEC. ANDANAR: Marami pong salamat. Dra. Rosana, Deputy Director ng Agricultural Institute of the Philippines.
DRA. MULA: Thank you po, Secretary Andanar.
USEC. IGNACIO: Samantala, inilunsad ng pamahalaan noon lamang May 20,2020 ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program upang matulungan ang ating mga kababayan na nais na makauwi sa kani-kanilang mga probinsya. Pero pansamantala po itong ipinagpaliban upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layon ding mapauwi ang mga kababayan na na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine. At para po sa ibang detalye panuorin po ninyo ito.
VTR
SEC. ANDANAR: Sa puntong ito puntahan naman natin si Brevis Bulsao mula sa PTV Cordillera.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Samantala, update naman po tayo kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.
Base po sa tala ng Department of Health, as of July 23, 2020, umabot na po sa 74,390 ang total number of confirmed cases; 2,200 new cases po ang nai-report kahapon. Nadagdagan ng 28 na katao ang mga naitalang nasawi, kaya umabot na po ito sa 1,871 na total COVID-19 deaths sa buong bansa. Sa kabilang banda, ang bilang naman po ng nakaka-recover, umakyat rin sa 24,383 with 760 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang bilang ng ating mga active cases ay 48,136.
Kaya hindi po kami magsasawang ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsusuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay. Tandaan sa pagsunod po at pakikiisa sa ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan makakatulong ka upang tuluyan na nating mapagtagumpayan ang laban natin sa COVID-19. Bahay muna, buhay muna!
SEC. ANDANAR: At iyan ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
SEC. ANDANAR: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
USEC. IGNACIO: At mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Mula rin po sa PCOO, ako si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayo muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)