Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Christian Mano and Nicole Lopez – (Huntahan-DZRH)


MAÑO:   Good morning, Sec.

LOPEZ:   Good morning, Sec.

SEC. ANDANAR:   Good morning, Christian. Good morning, Nicole. Good morning po sa lahat ng nakikninig at nanonood po sa atin dito sa DZMM.

MAÑO:   DZRH po, sir. Anyway sir, kumusta, handa na po ba ang Pangulo para sa ika-limang State of the Nation Address?

SEC. ANDANAR:   Tayo po ay handang-handa na sa magiging State of the Nation Address ni Presidente Rodrigo Roa Duterte bukas. At kahapon po ay nagkaroon ng mga kaunting pagbabago sa magiging talumpati ni Presidente. According to his directive also, na kailangan iyong mahahalagang bagay lamang para sa State of the Nation Address ang maisama talaga dahil nasa COVID-19 crisis tayo. So, most of the topics will be about the COVID-19.

Noong Biyernes, nagkaroon po ng rehearsal si Presidente at ang mga rehearsal po na ito, even the one that will happen today ay kailangang kakaunti lang po ang makaka-attend. So, very limited lang po talaga ang nandoon. Mostly, mga technical working people at in-charge doon sa magiging address ni Pangulong Duterte bukas.

MAÑO:   Sec., bago ko ibigay kay Nicole, maraming nagtatanong hanggang ngayon. Although nasagot na ito ni Sec. Harry Roque. Ang tanong, live ba, Secretary, na magso-SONA si Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa bukas?

SEC. ANDANAR:   Opo. Ito po ay live na live, hindi po ito recorded. Ito po ay ayon na rin sa tradisyon ng State of the Nation Address kada taon. Ang ipinagkaiba lang po ng State of the Nation Address ngayon ay nasa new normal tayo. So, ibig sabihin, hindi po iyong nakasanayan natin na taon-taon ay nasa Mababang Kapulungan, maraming rumarampa, na mga napakaraming makaka-attend.

MAÑO:   May fashion show.

SEC. ANDANAR:   Oo, punong-punong ang bulwagan. Hindi po-hindi po mangyayari iyan, sa Batasan po ay magiging limitado lamang. I understand nasa around fifty lang ang puwedeng um-attend doon. Siguro, fifty tapos kung mayroon man sigurong dagdag depende na iyan sa Lower House kung papayagan nila.

At ito po ay hindi mangyayari kung wala pong swabbing ang mga bisita.

MAÑO:   Plus sa rapid pa?

SEC. ANDANAR:   Opo, kailangan po talaga ay magkaroon ng swabbing at saka iyong rapid testing. So, maingat po ang ating Presidential Security Group pagdating po dito, pagdating po sa magiging sistema bago po mag- State of the Nation Address, susundin po talaga iyong health protocols.

Now, kapag lumabas na mayroon pong maraming positibo doon sa mga a-attend ay puwede pong mabago and puwede pong mag-option B which is dito po gagawin sa Rizal Hall sa Malacañang. Pero kapag sa Rizal Hall understandably mas kakaunti na lang po ang puwedeng maka-attend talaga.

Pero huwag po tayong mag-alala dahil as usual, ang ating mg kababayan ay puwedeng tumutok dito sa DZRH, puwede pong tumutok sa telebisyon, sa online at sa radyo din, hindi lang ng probadong sektor maging sa ating government media.

Number two, doon po sa mga LGUs, na mga chief executives na hindi po makaka-attend, huwag po kayong mag-alala dahil mayroon po tayong in-arrange na leading forward zoom, viewing room para po sa inyo kasama po ang PCOO, kasama rin po ang ating iba pang mga Kalihim na magbibigay po ng mensahe.

Ganoon din po para sa ating mga Cabinet officers o Cabinet Secretaries, mayroon po kaming hinanda na zoom meeting room para doon po kayo manood na sama-sama ng talumpati ni Presidente Duterte. At mayroon din po tayong… actually, pre-SONA zoom meeting, viewing din ngayong araw na ito – ito po ay kasama din ng mga OFWs… ang OFWs po naman.

So, ang mangyayari dito, Christian, Nicole ay si Direk Joyce mula doon sa control room ay [unclear] niya, “o ito iyong mga Cabinet officers na nanonood, ito iyong mga LGUs na nanonood.” So, para maipakita pa rin sa buong kababayan natin, sa madlang bayan natin na nandiyan pa rin although, iba lang nga kasi virtual ang panonood pero makikita nila na present iyong mga LGUs, present ang Kongreso, present ang iba pang mga sektor ng ating lipunan. Present din ang mga congressman sa pamamagitan ng sarili nilang virtual viewing, present din ang senado sa pamamagitan ng kanilang sariling virtual viewing.

Mahalaga po itong report, SONA na ito bukas po napakahalaga po nito because ‘ika nga ay we are making an appointment with destiny at bukas po natin malalaman kung ano po iyong magiging mensahe at kung saan tayo dadalhin ni Presidente Duterte sa darating na mga buwan para atin pong malabanan itong COVID-19 at tayo po ay makabangon din mula sa naidulot nitong kahirapan.

MAÑO:   Nicole?

LOPEZ:   Sec., by this time wala pa naman pong last minute changes sa SONA bukas ni Presidente?

SEC. ANDANAR:   Well, mayroong mangyayaring rehearsal ngayon, Nicole, within the day I understand, so hindi ko alam kung mayroon pang mga maidadagdag o maibabawas doon sa magiging talumpati ni Presidente.

Again, as I said earlier, nakadepende ang State of the Nation Address location ni Pesidente sa magiging kahihinatnan ng swabbing at iba pang forms of rapid testing.

MAÑO:   Sec., speaking of swabbing, si Pangulong Rodrigo Duterte ba ay nag-undergo na ng COVD-19 test o iyong swab test, Secretary?

SEC. ANDANAR:   Si spokesperson Harry Roque ang makakasagot niyan dahil siya talaga ang nakakaalam ng detalyadong activities ni Presidente Duterte. Pasensiya na po, hindi ko alam.

MAÑO:   Nicole?

LOPEZ:   Sec. Andanar, curious lang po ako. Would you know kung ilan na po ba ang kaso ngayon sa Batasan at mayroon po bang figures na magiging batayan ang Palasyo kung dapat ba sa Batasan ituloy ang SONA o ililipat po sa Malacañang?

SEC. ANDANAR:   Nicole, wala akong datos sa Batasan pero I can give you the PCOO dahil sa nakalipas na ilang araw ay tumaas po ang bilang ng mga active cases ng COVId-19 sa Presidential Communications Operations Office. As a matter of fact, ngayong umaga na ito as of 6 A.M. ay tumaas na po sa kinse ang active cases sa PCOO. PCOO lang iyan, wala pa iyong—

MAÑO: RTVM.

SEC. ANDANAR:   Agencies under the PCOO. Nasa fifteen, iyong active po dito ay nasa katorse. Isa po ang deceased, namayapa na po ang isa. So, within a week lang po, actually within last week lang po ay ganoon kataas ang bilang na na-detect na mayroong COVID-19. Mayroong asymptomatic—

MAÑO:   Pero Sec., makakaapekto ba iyang 15 positive cases na iyan sa SONA o hindi naman?

SEC. ANDANAR:   Positive 14 – 14 po iyong positive.

MAÑO:   Oo, iyong 14 na positive, sir.

SEC. ANDANAR:   Now, isa po iyong namatay.

MAÑO:   Nasawi.

SEC. ANDANAR:   Isa po iyong namayapa na.

MAÑO:   Pero sir, makakaapekto ba iyan sa SONA, ang paghahanda natin, hindi naman?

SEC. ANDANAR:   Hindi po makakaapekto ito sapagkat mayroon po tayong mga naka-assign na facilities. Naka-isolate na po sila na wala pong physical contact dito sa 14 na ito. Ganoon din po sa ating mga line agencies, Christian, Nicole. Ang bago po dito ay nasa labing tatlo (13) na po ang active cases ngayon tapos mayroon po tayong isang recovered, tapos mayroon po tayong isang deceased o namayapa.

Now, ang RTVM mayroong dalawa; ang PTV may isang recovered; ang PIA may dalawa; APO Production Unit mayroon pong isang namayapa at mayroon pong dalawang active cases. So—

MAÑO:   Nicole?

LOPEZ:   So, Secretary, all in all ilan po iyong kaso ng COVID po sa government agencies? Fifty—

SEC. ANDANAR:   I-clarify ko lang. Ang PCOO, nasa 15 hindi ba?

MAÑO:   Oo.

SEC. ANDANAR:   Tapos fourteen ang active cases. Ang ating mga line agencies ay mayroon pong… bilangin ko lang ha…Mayroon pong walo—

MAÑO:   Walo sa line agencies ng PCOO.

LOPEZ:   Walo…

SEC. ANDANAR:  —na cases, isang namayapa; dalawang active sa APO; dalawang active sa PIA, so that makes it four; tapos mayroon pong isang recovered sa PTV – five; tapos mayroon po tayong dalawa sa RTVM na active, so seven. So, walo po lahat iyong kaso sa mga line agencies plus fifteen.

MAÑO:   Naku. Dumadami pala, Secretary… Nicole, sige.

SEC. ANDANAR:   Eh kasi po mula noong nagkaroon po ng asymptomatic na kaso [unclear].

MAÑO:   Nag-swab na kayo.

SEC. ANDANAR:   Sa hanay ko, sa mga kasama ko sa (signal fade) natin, sa pagti-TV natin ay nag-swabbing. So, noong nag-swabbing, nakita na talagang asymptomatic, active ay kagyat na naglunsad po ang PCOO—

MAÑO:   testing?

SEC. ANDANAR:   Sa pangunguna ni Undersecretary Gatpayat ng isang COVID-19 warrior mechanism. So, nag apply po kami ng—nag-appoint po kami ng mga…mga personnel na mangangasiwa doon sa tracing, mangangasiwa doon sa mga barangay para tulungan iyon mga kasamahan naming  positive, iyong  mangangasiwa para  sa DOH, sa DILG.

So mayroon po kaming  isang team na wala pong ginawa kung hindi ito po, maasikaso  lahat ng kasamahan namin sa PCOO, kasama iyong mga line agencies na sila ay mabigyan ng assistance, lahat po from contact tracing all the way to taking care of them in the hospitals  or in  the isolation facilities at sa kanilang mga bahay.

MAÑO:  Pero, Sec madadagdagan pa ba iyan?

SEC. ANDANAR:  Para ang pamilya ay hindi napapabayaan.

MAÑO:  Sec, madadagdagan pa ba iyan, may mga mga inaantay pa ba tayong resulta?

LOPEZ:  Test results.

SEC. ANDANAR:  Sorry, pakiulit, Christian.

MAÑO:  Sec, mayroon pa ba tayong inaantay na resulta na ibang empleyado ng PCOO saka inyong line agencies o lahat  na iyon o posible pang madagdagan?

SEC. ANDANAR:  Christian mayroon pa tayong hinihintay na mga resulta and the results are coming in slowly by the day, by the hour. Tapos mayroon po tayong isa pang batch na isa-swab. If I understand, it’s going to be today or tomorrow. So, we are still waiting for the results of the last one, na kasama ako noong Thursday, tapos mayroon pa tayong magiging swabbing pa, iyong pangatlo nga, either today or tomorrow. So, we are awaiting for the results. So, ang ating panalangin ay hindi na po madagdagan. Kaya ang sabi ko nga sa RTVM at saka ko rin sa PIA director General at RTVM Director na pagkatapos nitong SONA ay mag mandatory two weeks quarantine tayong lahat sa PCOO, sapagkat very alarming.

MAÑO:  Yes, tumataas eh.

LOPEZ:  Ang dami bigla eh.

SEC. ANDANAR:  Pero, iyon nga Christian at saka Nicole, you know the nature of our works sa PCOO ay hindi naman tayo tumigil.

MAÑO:  Dire-diretso.

LOPEZ:  Tuluy-tuloy ang Laging Handa.

SEC. ANDANAR:  ‘Di ba noong nagkaroon tayo ng Laging Handa noong nagkaroon tayo ng total lockdown, eh walang tigil po iyong trabaho natin, lahat ng PCOO.

MAÑO:  Ngayon tayo kailangan, Sec., ‘di ba ng ating mga kababayan?

SEC. ANDANAR:  Pati nga iyong mga naging positive ay iniisa-isa kong tini-text at kinukumusta.

LOPEZ:  Sec., so bale rush po iyong pagpapalabas dapat ng test result, kasi parang may deadline po ba na dapat within the day o kaya bukas bago magsimula ang SONA, eh dapat may resulta na rin po sa PCOO?

SEC. ANDANAR:  Opo, iyong mga naka-assign sa RTVM para mag-cover talaga doon sa SONA ni Presidente, naka-isolate na iyong mga iyon. Ang ano lang naman dito Nicole at Christian ay iyong kukuha ng video doon sa kapulungan, kukuha ng feed, tapos eh malayo din naman iyong van saka iyong camera nakalagay doon, ilang cameraman lang. Eh, si Director Joyce   eh malayo din naman nasa control room.  So, iyon talaga iyong mahalaga doon and, of course, lalo na iyong mga a-attend na  mga mambabatas at iyong staff nila kailangan talagang negative.

MAÑO:  Sec, maghiwalay lang ako ng kaunti doon sa topic ‘no. Dahil bukas, siyempre tuwing SONA inaasahan na natin ito, maraming kilos-protesta, Secretary. Bukas mukhang kakaiba din, new normal din itong protesta dahil hindi papayagan sa Commonwealth. Secretary mensahe doon sa mga planong magsagawa ng kilos-protesta mula bukas ng umaga?

SEC. ANDANAR:  Ito naman ay karapatan ng bawat Pilipino. Mayroon kayong freedom of expression, freedom of speech na inherent iyan sa kada-Pilipino, nakabatay sa Constitution, gawin ninyo ang lahat ng inyong puwedeng gawin para maihayag ninyo ang iyong saloobin. Marami naman tayong pamamaraan para gawin iyan ngayong new normal: Nandiyan po iyong internet, nandiyan po iyong Facebook, nandiyan po iyong television, puwede kayo maghayag doon ng inyong saloobin. We encourage every Filipino   to speak their minds. Iyon lang nga, kailangan din nating isipin ang kapakanan ng mga kasamahan natin, kasamahan natin sa pag-protesta o kasamahan natin sa ating kabahayan, pamilya. Dahil tayo ngayon ay nahaharap sa isang napakatinding pandemya na hindi po excuse dito, kahit na mga raliyista ay tatamaan po kayo nito kung hindi kayo mag-ingat. So mahirap po iyan kapag tayo ay tinamaan!

MAÑO:  Kaya dapat doble ingat.

SEC. ANDANAR:  Ang mahalaga dito, oo, buhay, kung wala ka nang buhay paano ka pa mag-protesta.

MAÑO:  Kung puwede sa bahay na lang, online na lang.

LOPEZ:  Oo, online nga daw sabi ng PNP.

MAÑO:  Online na lang.

SEC. ANDANAR:  Puwede naman eh, di ba iyong Facebook, nandiyan naman ang Facebook.

MAÑO:  Saka twitter, ano.

LOPEZ:  Facebook live.

SEC. ANDANAR:  Covered naman iyan ng DZRH, makikita kung masigla ang inyong zoom meeting di ba, pasukin ninyo iyong mga media doon, makikita nila, di ba, kung kaya. I mean ganoon naman iyon eh, di ba.

MAÑO:  New normal ha. Secretary may tanong tanong pa daw si Nicole.

LOPEZ:  Naku, Secretary last na. Balik na po ako sa usapang SONA. Would you know kung a-attend po ba ang pamilya ni Pangulong Duterte sa SONA, bukas?

SEC. ANDANAR:  Sorry naputol po, so hindi po natin nakuha.

LOPEZ:  Sec, would you know po kung darating po ang pamilya ni Pangulong Duterte bukas sa SONA sa Batasan?

SEC. ANDANAR:  Naku, Nicole, gustuhin ko mang sagutin iyan, pero wala—talagang [garbled]. Ang alam ko lang po ay iyong mga mambabatas, iyong mga senador at congressman, higit limampu at mayroon ding ilang miyembro gabinete. Pagdating po sa pamilya ay siguro si Senator Bong Go na ang tanungin natin doon, dahil siya talaga iyong malapit sa pamilya.

MAÑO:  Pero Sec., panghuli na lang ha, siyempre PCOO kayo, nakita ninyo na po ba o nabasa na po ba ninyo iyong lalamanin na mensahe ni Pagulong Rodrigo Duterte bukas?

SEC. ANDANAR:  Hindi ko pa po nababasa, iyong impormasyon ko lang na maibibigay ay iyong impormasyon lang ho ng nai-re-relay sa akin. Hindi ko nababasa iyong speech, hindi ko pa ho napakinggan iyong rehearsal dahil nga sobrang security ng Presidente at hindi ka puwedeng umatend basta-basta, kahit sino, like last year na puwede kang pumunta doon sa rehearsal – wala po talaga eh.

MAÑO:  Ngayon talagang very strategic ang ating mga galaw.

SEC. ANDANAR:  OO, very strict talaga iyong PSG. Because alam naman natin, si Presidente rin ay senior citizen na rin, di ba, at ang COVID-19 ay talagang tumatama ito lalo na sa mga senior citizen. So, kailangan talaga ay ingatan talaga ang kalusugan ng lahat ng senior citizens, dapat mag-ingat po talaga!

MAÑO:  Okay, lastly na lang, sir mensahe sa lahat ng mag-aabang sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas ng hapon. May oras na ba, alas-kuwatro magsisimula, Sec. Kasi last year parang na-late ng isang oras yata?

SEC. ANDANAR:  Iyong alas-kuwatro iyong pag-introduce ng Kongreso, ng Speaker at ng Senate President. Tapos iyong flag ceremony, tapos iyong mga prayers, speech ni Presidente – the usual, the usual po. So palagay ko mas mabilis po ngayon eh, iyong magiging sistema, kasi nga, di ba walang rampa sa Kongreso. Siguro, iyong mga puwedeng mangyari, iyong mga drama sa loob ng Kongreso.

MAÑO:  Mga inaabangan iyan eh, iyong mga biglang magpapasiklab.

LOPEZ:  Oo, di ba?

SEC. ANDANAR:  Oo,  pero alam mo iyong mga cabinet members  na mag-attend doon sa zoom meeting at saka iyong mga LGU Chief Executive ay ini-encourage pa rin natin na mag-barong, para you know,  respeto, in deterrence to the tradition, di ba?

LOPEZ:  Regardless po kung physical or online, dapat naka-formal attire, barong.

SEC. ANDANAR:  Oo, naka-barong, naka-Filipiniana. Irespeto natin itong tradisyon na State of the Nation Address.

MAÑO:  Okay, message na lang Sec. sa lahat ng maghihintay bukas.

SEC. ANDANAR:  Abangan po ninyo ang State of the Nation Address ni Presidente Duterte. Sinabi ko po kanina, we are making an appointment with destiny. Ang SONA bukas ay isa sa  pinakamahalagang SONA sa lahat ng mga SONA na nagdaan, dahil tayo po ay nasa gitna ng pandemya at pinadapa ito lahat ng mga activities  ng ating bansa at ng buong mundo.

Ito na siguro ang pinakamahalagang SONA sa nakalipas nang mga SONAs, animnapung taon o pitumpung taon. Siguro, ito na siguro iyong  SONA na talagang dapat nating pakinggan, panoorin, isaisip, isapuso dahil dito nakasalalay  ang kinabukasan ng bawat Pilipino sa SONA na ito na sasabihin ni Presidente. Dito natin titingnan kung saan tayo dadalhin ni Presidente sa susunod na ilang buwan o sa nalalabing dalawang taon or less ng pamumuno ng Duterte administration.

Papaano tayo babangon, paano natin masisiguro na mayroon pa tayong trabaho bukas, papaano natin masisiguro na ang ating mga OFWs ay makakabalik pa sa mga bansang pinagta-trabahuhan nila; na ang pamilya ay makakakain tatlong beses isang araw.

Ito po iyong SONA na kailangang malaman natin ano ang plano ni Presidente, so that we can heal and we can move as one nation.

MAÑO:  Sec., may pahabol lang na question ‘no, sorry. Pinapatanong lang dito. Sec, iyong SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, ito ba ay magiging purely Tagalog, purely English or Taglish?

SEC. ANDANAR:  Iyon nga Christian, hindi ko pa nababasa talaga eh.

MAÑO:  May idea kayo, sir?

SEC. ANDANAR:  Zero po talaga kasi wala nga ako doon sa rehearsal. Alam mo, ang speech naman ni Presidente ay talagang secured iyan eh, hindi nakakalabas iyan eh.

MAÑO:  Pero knowing the President, gusto niya iyong naiintindihan siya ng sambayanang Pilipino, Sec., ‘no?

SEC. ANDANAR:  Anything is possible.  Whether it’s a Tagalog or English ang mahalaga doon iyong mensahe.

MAÑO:  Yes, with that note, Secretary. Maraming, maraming salamat and good luck at saka mag-ingat din kayo dahil lagi kayong—frontliner din tayong lahat dito.

LOPEZ:  Ingat Sec. at salamat po.

SEC. ANDANAR:  Salamat Nicole at Christian, mabuhay po ang DZRH, ang number one radio station nationwide.

##

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)