SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas, tuluy-tuloy po ang paghahanap ng solusyon ng pamahalaan sa iba’t ibang suliraning hinaharap natin dahil sa COVID-19 kaya naman po narito po kami ngayon para bigyan kayo ng maiinit na balita, importanteng mga balita ukol po sa COVID-19. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Andanar. Kaya naman po samahan ninyo kaming muli upang talakayin ang iba’t ibang issue kasama po ang mga opisyal ng pamahalaan na handang magbahagi po ng kanilang oras at kaalaman sa ating lahat. Ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Ako naman po si Secretary Martin Andanar at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang po makakasama natin sa programa sina Senator Grace Poe, Chairperson ng Senate Committee on Public Services; Ambassador Marichu Mauro, Embassy of the Republic of the Philippines sa Brazil; Union of Local Authorities to the Philippines President and Quirino Province Governor Dax Cua; at Landbank President & CEO Cecilia Borromeo.
USEC. IGNACIO: Secretary, makakasama rin po natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service.
Samantala, para po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
Para po sa ating unang balita ngayong umaga, nagpahayag ng kaniyang pagsuporta si Senator Bong Go kay Pangulong Duterte kaugnay sa nais nitong muling pagtalakay sa death penalty sa bansa at sa kaniyang State of the Nation Address nito lamang pong Lunes ay kung saan binigyang-diin ni Pangulong Duterte ang kampanya laban sa iligal na droga, terorismo at korapsyon kasama na po ang kriminalidad. Binanggit ng Pangulo ang kaniyang pagnanais na maisabatas ang parusang kamatayan para sa mga krimen na kabilang sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa Pangulo, hindi lamang ito makakatulong sa pagsugpo ng kriminalidad sa bansa kundi daan ito para protektahan ang mga kabataan mula sa banta ng ipinagbabawal na droga. Matatandaan nito lamang nakaraang taon, inihain ni Senator Bong Go ang Senate Bill No. 207 na layong amyendahan ang Republic Act 9346. Sa ilalim ng nasabing bill, layon nitong muling ibalik ang death penalty sa bansa para sa mga krimeng may kaugnayan sa iligal na droga at korapsyon.
Sa kabila po ng matinding pangangailangan ng bansa sa pagkakaroon ng maayos na serbisyong medikal dulot ng pandemya, nito po lamang Martes, July 28, pasado na po sa ikatlong pagdinig sa Senado ang pitong hospital bills na naglalayong paunlarin ang paghahatid ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.
Ilan lamang sa mga Senate bills na ito na isinusulong ni Senator Bong Go ay ang House Bill 2444 Establishing the Bicol Women’s and Children’s Hospital sa Pamplona, Camarines Sur; House Bill No. 6280 na layong palawakin pa ang serbisyo ng Malita District Hospital at gawin itong Malita Women’s and Children’s Wellness Center sa Malita, Davao Occidental. Ang ilan sa mga panukalang batas na ito ay naglalayong madagdagan ang bed capacity sa mga ospital, palakasin ang healthcare services at magkaroon ng karagdagang medical personnel.
Samantala, sa isinagawang talumpati ni Pangulong Duterte sa kaniyang SONA, nabanggit po ng Pangulo ang ilan lamang sa mga panukalang batas na inihain ni Senator Go na layong makapagbigay nang maayos na serbisyo publiko sa gitna po ito ng pandemya. Kabilang na riyan ang Senate Bill No. 1738 also known as the E-Governance Act of 2020 na layong gawing digital ang government services; Senate Bill No. 202 or ang Department of Overseas Filipinos Act of 2019 at ang Senate Bill No. 1649 o ang Immigration Modernization Act of 2020.
Samantala, upang palakasin naman ang resiliency ng ating bansa ay inihain din po iyan ni Senator Bong Go. Iyan po ay para bigyan ng daan ang pagkakaroon po ng Department of Disaster Resilience. [Garbled] establishment of mandatory evacuation centers, ang Senate Bill No. 1228 kasama po diyan ang pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan. Kabilang din sa mga inihain ng Senador ay ang Senate Bill No. 1451 also known as the Medical Reserve Corps Act of 2020.
Kasama rin po sa binigyang pansin sa mga panukalang batas ang mga issue gaya ng pagkakaroon nang maayos na tirahan para sa mga Pilipino, pagbibigay suporta para sa mga frontliners sa bansa at [garbled].
SEC. ANDANAR: Kumustahin po naman natin ang lagay ng ating mga kababayan sa bansang Brazil. Makakausap po natin si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro. Magandang araw po sa inyo, Ambassador.
AMBASSADOR MAURO: Magandang araw po Secretary Andanar and Undersecretary Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: [Garbled] ng lahat na ang Brazil ang isa sa pinakaapektadong bansa pagdating po sa COVID-19. Kumusta po ang sitwasyon diyan sa Brazil at gaano po karami ang mga Pinoy na nananatili ngayon sa Brazil?
AMBASSADOR MAURO: Thank you, Mr. Secretary. Hindi naman po masyadong [garbled] ang Brazil ‘no, I mean compared to the number of overseas Filipinos in the Middle East or Asia. Dito sa Brazil, mayroon po tayong mahigit isanlibo, more or less 1,200 Filipinos living and working here in Brazil. Sa awa ng Diyos wala naman po tayong COVID positive na Pilipino so far dito sa Brazil.
SEC. ANDANAR: Ilan po ang naitalang positibo na Pinoy kung mayroon man ano Ambassador diyan po sa Brazil, naitalang positibo sa COVID-19 at kumusta po ang kanilang kalagayan, kung mayroon man po?
AMBASSADOR MAURO: Sa mga nakatira po dito at nagtatrabaho sa Brazil, wala po tayong COVID positive kababayan so far. Sana manatili pong ganoon sa mga susunod na linggo o buwan.
Ngunit Mr. Secretary, gusto ko lang pong sabihin na mayroon tayong Filipino seafarers, hindi po sila nakatira dito sa Brazil ngunit dumaong [garbled]. Mayroon po tayong [garbled] mga 14 Filipino seafarers who were found out to be COVID positive. Pero doon po sa labing apat na iyon, nakauwi na po ang labing isa at iyong dalawa nasa ospital pa dito sa Brazil at sa kasamaang-palad isa po ang namatay na Filipino seafarer. Iyon po ang ating masasabi tungkol sa mga Pilipino na natamaan po ng COVID positive, mga Filipino seafarers po.
SEC. ANDANAR: Ngayon pong higit dalawang milyon na ang mga kaso ng COVID-19 sa Brazil, ano po ang mga ipinapatupad ninyong measures para makatulong po sa kaligtasan ng ating mga kababayan diyan sa Brazil?
AMBASSADOR MAURO: Thank you, Secretary. We conduct a very active information campaign through our Facebook page. Alam ninyo po Mr. Secretary, ang Facebook po ang pinaka-common means of communication with our kababayans here in Brazil and in other countries under the responsibility of the Philippine Embassy tulad po ng Columbia, Guyana, Suriname at Venezuela.
Sa Facebook po kami nakikipag-usap sa kanila, kung mayroon po tayong mga announcement ‘no tulad po ng mga bagong guidelines at mga batas na pinatutupad ng IATF, ito po ay aming pino-post sa aming Facebook at marami pong nagshi-share, marami pong mga engagement ang naitatala namin sa aming Facebook page.
So, ganoon po ang aming ipinapatupad na measure ngayon, and also we maintain close contact sa ating mga kababayan through our honorary consuls. Alam ninyo, ang Brazil ay napakalaki, kasing laki ho ng Amerika, at hindi ho natin sila mapupuntahan at wala nga hong mga flights. At through our honorary consuls, nalalaman ho namin ang condition nila.
At mayroon po tayong hotline 24/7. We check also our e-mails for urgent emergency request for assistance. Mayroon po tayong assistance to nationals’ desk, at ganoon po ang aming pinatutupad ngayon sa Embassy.
SEC. ANDANAR: Ambassador, mayroon po bang mga nawalan ng hanapbuhay na mga Pinoy diyan sa Brazil sanhi ng COVID-19? At ano po ang karaniwang hinaing ng mga kababayan po natin diyan?
AMBASSADOR MAURO: Mayroon po, Mr. Secretary, kasi mayroon din po tayong mga kababayan na ‘no work, no pay’. So sa kasamaang-palad, mga nagsara po, for example, mga restaurants, hotels at iyong mga ibang establisimiento. Ngayon po ay humihingi kami ng financial resources para makabigay po tayo ng ayuda sa kanila ‘no, mga food baskets. Hinihintay po natin itong resources na ito sa ating headquarter sa DFA.
SEC. ANDANAR: Ambassador, ano po ang inyong mensahe, ma’am, para sa ating mga kababayan? Please go ahead.
AMBASSADOR MAURO: Unang-una, Mr. Secretary, nakaka-receive po kami ng mga requests na umuwi sa Pilipinas. Itong reaksiyon po ng ating mga kababayan ay normal, normal reaction po na kapag may ganitong pandemya, siyempre gusto nating maging … to be together with our loved ones. So mayroon pong mga gustong umuwi. Ito po ay binigay na namin, in-endorse na natin ito sa DFA at naghihintay na lang po kami ng desisyon ng DFA kung kailan po sila mapapauwi.
Iyong mga iba naman, wala naman hong rason na gustong umuwi ay gusto rin po nila siyempreng umuwi sa Pilipinas, ina-advise po natin sila to stay in the countries where they live, because it is not safe to travel. Ina-advise-an po natin sila na baka ma-catch natin iyong COVID sa airport kapag tayo ay nagta-travel. So it is not really advisable for them to travel. Sabi namin, maghintay-hintay lang muna nang kaunti para makontrol iyong health situation dito sa Brazil at sa Pilipinas na rin.
So iyon po ang aming ina-advise sa kanila at makipag-ugnayan po sa amin. Twenty-four/seven kaming bukas, anytime; may hotline po kami; may e-mails kami. May Facebook kami, sinasagot namin iyan within 24 hours iyong mga comments and questions sa Facebook. At open po kami at huwag po silang mahihiya kasi kailangan po nating magtulungan during these challenging and difficult times. Iyon po ang aming advice sa ating sa mga kababayan, Mr. Secretary.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Marichu Mauro. Mabuhay po kayo.
AMBASSADOR MAURO: Salamat po.
SEC. ANDANAR: Samantala, mainit na usapin po ang kalagayan ng ating telecommunications company at mabagal na internet service sa ating bansa lalo na ngayong napakahalaga po para sa atin ang patuloy na paghahanapbuhay sa gitna ng pandemya. Kaya naman po para sagutin ang ating mga katanungan ukol dito, makakasama natin si Senator Grace Poe, c
Chairperson ng Senate Committee on Public Services. Magandang umaga po, Senator Grace Poe.
Siguro kailangan nating ayusin ang audio ni Senator Grace Poe, hindi ko po marinig – studio?
Okay, so habang inaayos po ang audio ni Senator Grace Poe ay nais lang po nating pasalamatan ang ating mga kasamahan sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas dahil sa kanilang patuloy na pag-broadcast ng Laging Handa, Public Briefing sa kanilang mga telebisyon at radyo sa buong Pilipinas. Napakalaking tulong po ito sa ating pamahalaan.
Okay, Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat, Secretary Martin. Samantala, inilunsad po ng pamahalaan noong May 20, 2020 ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program upang matulungan ang ating mga kababayan na nais na pong makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya. Pero pansamantala po munang sinuspinde o pinagpaliban ito para bigyang-daan ang Hatid Tulong Program na layon ding mapauwi ang mga kababayan natin po na na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine. Para po sa iba pang detalye, panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, update naman po tayo kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng DOH as of July 29, 2020, umabot na po sa 85,486 ang total number of confirmed cases; 1,874 new cases po ang nai-report kahapon. Nadagdagan po ng labing-anim na katao ang mga naitalang nasawi, kaya umabot na po sa 1,962 ang total COVID-19 deaths sa buong bansa.
Samantala, ang bilang naman po ng mga naka-recover ay umakyat din sa 26,996 with 388 new recoveries, recorded po iyan as of yesterday. And kabuuang bilang po ay umabot na po sa 56,528 pong active cases. Kaya po hindi kami magsasawang ipaalala sa lahat iyon pong ating laging sinasabi na maghugas ng kamay, magsuot po ng facemasks at social distancing. At ang atin pong sinasabi, na para mapagtagumpayan ang ating laban sa COVID-19, ang sinasabi natin lagi: Bahay muna, buhay muna.
Okay, Sec. Martin?
SEC. ANDANAR: Partner, hinihintay natin na mare-establish ang linya natin with Senator Grace Poe para matanong natin siya sa isyu ng telco na siyang binanggit din ni Presidente Duterte sa kanyang State of the Nation Address and the nation is actually waiting for the next events that would transpire because of the State of the Nation Address.
Balikan natin Usec. Rocky si Senator Grace Poe, sana ay klaro na po ang ating linya ng komukinasyon with her. Senator Grace Poe, good morning po muli.
SEN. POE: Hi, good morning ulit, Sec. Martin at kay Rocky at sa lahat ng nanunuod at nakikinig.
SEC. ANDANAR: Ma’am, ano po ang reaksyon ninyo sa naging banta ni Presidente Duterte sa mga telecommunications company sa kanyang State of the Nation Address noong nakaraang Lunes?
SEN. POE: Alam mo sa tingin ko, bugso na rin ng puso iyan ng Presidente sapagkat siyempre lahat naman tayo ay may kanya-kanyang opinion at reklamo sa serbisyo. Kaya bagama’t sinabi niya iyon, na hindi naman ako nagulat na mayroon talaga siyang pagka-dismaya, siyempre hindi natin akalain na babanggitin sa State of the Nation Address.
Pero kung iisipin naman natin kasi, sa panahon ngayon, talagang napakahalaga ng internet connection, pati ng cell connection. Dahil nga marami sa atin hindi naman makapasok ng physical sa trabaho, iyong mga anak natin hindi rin puwedeng pumasok sa kanilang mga paaralan. Kaya importante na maayos ang koneksyon.
SEC. ANDANAR: Sa inyo pong patuloy na pag-aaral at imbestigasyon, ano po ba talaga ang mga kakulangan ng mga Telcos sa kanilang pagbibigay serbisyo sa mamamayan? Sapagkat kung sila po ay tatanungin natin, Ma’am, eh sasabihin din po nila ay mabagal po ang pagbibigay ng permit naman pagdating sa LGU.
SEN. POE: Hati kasi talaga ang dahilan, Secretary Martin. Hindi natin sinasabi na walang kasalanan ang Telco, mayroon rin naman siguro dahil sila talagang nag-pursige na kung problema talaga ang pagbibigay ng permit, eh dapat naglantad sila at sinabi nila na ito ang mga tao na nasa likod nito na nagpapahirap. Pero ang totoo kasi noon, talagang mabagal ang pag-isyu ng mga permits rin.
Ikumpara natin ang ating sarili dito sa ating bansa, mga 20,000 cell towers lang mayroon tayo, samantalang sa Indonesia nasa 90,000; sa Vietnam nasa 70,000, so makikita mo ang layo talaga ng agwat. Kaya dalawang grupo dito ang kailangan talagang magpursige: Ito iyong pribadong sector na dapat magtaguyod ng serbisyo; at ang pampublikong sector o iyong government service naman na dapat ay matugunan na itong Anti-Red Tape Act na batas na ipinasa natin, dahil ito ay isa rin sa mga prayoridad ng administrasyon na ito, para mapabilis ang pagkuha nitong mga permits na ito.
Kasi ito na lang ha, Secretary Martin, bibigyan kita ng halimbawa. Ganito ka hindi maayos ang ating mga datos at talagang malaki rin ang pagkukulang dito ng National Telecommunications Communications, iyong NTC natin.
Kasi iyong kanilang data ay hindi man lang tugma doon sa Globe or sa Smart. Sinasabi ng Globe mayroon silang 9,535 cell sites; ang sabi ng NTC – National Telecommunications Company pala – ay 17,292 ang kanilang cell site. Ang Smart 24,600 ang station; ang sabi ng NTC mayroon daw silang 23,000.
Ang sinasabi na total ng mga Telcos, mayroon silang 34,000 cell sites; pero ang sinasabi ng NTC 40,000 daw ang mayroon, at ang sinasabi naman ng DICT, 18,000 ang cell tower. So ano ba talaga ang totoo?
Pagdating lamang sa datos, hindi na tayo kumpleto, so hindi talaga nagkakaintindihan ang ating mga regulator at ang mga pribadong kampanya, hindi siguro naguusap-usap ng maayos.
At saka kung dati pa itong problema dapat ang NTC mismo ang nagsasabi, ‘hoy, bilisan na ninyo ang inyong serbisyo, ito ang inyong mga penalties,’ eh wala naman tayong naririning na ganoon.
Kaya sa tingin ko, Sec. Martin, maganda na alam ng Pangulo ang problema na ito na talagang kailangan natin bilisan ang internet service at maging maayos. Pero sana mabigyan din ng Pangulo ng banta ang mga regulators natin sa gobyerno at ang mga local governments na huwag ninyong ipitin ito dahil ito ay importante para sa kabuhayan, para sa pag-aaral ng ating mga kababayan.
SEC. ANDANAR: Senator, isa po sa mga panukalang batas ninyo sa Senado ang Senate Bill 471 na naglalayong mag-provide ng minimum standard for internet connections speed ang mga internet service providers po naman. Ano po ba ang mga nalalaman ng Senate Bill na ito at sa ngayon, ano po ang status nito, Ma’am? Kasi napakahalaga po talaga ng internet speed, masuwerte kung kayo ay nasa Maynila, pero kapag nasa labas doon po nagkakaproblema.
SEN. POE: Ngayon kasi ang itinakda ng NTC, Sec. Martin, ay 256 Kbps lamang, ang ibig sabihin nito ang kaya lang nito magbukas siguro ng email, pero hindi puwede mag-download. Eh papano na ngayon iyong educational content na kailangan sa home schooling.
Ang hinihingi ng Senate Bill 471 namin ay dapat magkaroon ng minimum internet speed na 20 MBPS. Ito ay kalahati lamang sa regional average actually, pero ang sinasabi pa rin ng ating mga providers mukhang hindi kakayanin iyan kaagad-agad. Kaya ang sinasabi namin, siguro sa ating mga pagdinig dito sa internet connection, dapat magtalaga ang NTC at DICT ng tamang internet speed. Kasi siyempre, kami, mga mambabatas, sila ang mga may eksperto doon na nakakalaalam, so iyon ang ating mga panukala sana na magbigay ng standard.
Alam mo, hindi puwede din kasing isabatas ang actual speed, Sec. Martin, sapagkat nag-iiba-iba ang teknolohiya. So, ngayon mabilis na ang – sabihin na natin 30 – 40 mbps, sa mga darating na panahon mas may bibilis pa diyan. Dati may 3G ngayon may LTE na kaya hindi puwede din ipanukala ang actual speed.
SEC. ANDANAR: Tama po kayo, Senator. Eh, kanina lang ay may nakita ako na ipinost ng aking kaibigan na taga-Smart at mayroon silang sinusubukang technology, umabot na sa 800, 900 mbps ang bilis ng internet sa cellphone kaya tama po kayo, nagbabago po talaga. Ukol naman po sa kakulangan ng competitors ng mga giant telcos sa bansa, do you think na iyong third telco entry would be enough to improve the competition?
SEN. POE: Secretary Martin, mabalik lang ako doon sa huling sinabi ninyo tungkol doon sa Smart launch eh. Mayroon silang tinatawag yata ngayon na 5G technology para sa mga business center ngayon like in Makati or BGC at sinasabi nga nila na bibilis talaga ang connection. So, we are anticipating that and excitedly looking forward to something like this as an improvement to our connectivity.
Ngayon doon sa sinasabi ninyong competition o iyong papgasok ng third player napakahalaga niyan. Hinihikayat natin na mamuhunan ang mga puwedeng magtayo ng mga telecommunications company sa ating bansa hindi lamang third player, fourth player. Sana marami pang iba kasi alam naman natin na kapag pumupunta tayo sa isang lugar, halimbawa – ito palagi ang aking analogy – kung pupunta ka sa isang grocery, kapag may nakita kang maraming brand ng sabon may pagpipilian ka. Anong pinakamura, anong pinakamagaling, anong epektibo? Ganoon din kung marami kang pagpipilian at hindi lang dalawa o tatlong service providers. Kaya pinayagan natin ang DITO Communication sapagkat magbibigay sila ng pagkakataon na mamili ang ating mga kababayan sa serbisyo kung ano ang mas makakabuti.
SEC. ANDANAR: Mayroon po ba kayong bagong deadline para sa DITO Telecommunity na unfortunately ay hindi pa po na-meet ang targets this July to build more cell sites dahil daw po sa pandemya?
SEN. POE: Oo nga po. Sec. Martin. Doon sa kanilang unang agreement, ang kanilang sinumite ay
2,500 cell sites by July 2020 tapos binabaan ito ng 1,600 at napayagan naman dahil this will be able to cover iyong pangako nila na 37% coverage.
On the other hand, Sec. Martin, sa ngayon ang napapatayo lamang nila ay mga 600 cell sites at ang kanilang idinahilan ay dahil nga sa pandemya. Naiintindihan natin iyon na talagang hindi puwedeng lumabas ang ating mga manggagawa para gumawa ng mga cell sites pero Secretary Martin, sa kanilang prangkisa o kasunduan sa gobyerno, walang nakalagay na allowable force majeure as a reason for the delay.
Ibig sabihin, kapag mayroong pandemya o natural disasters, hindi dahilan iyon para ma-delay ang kanilang serbisyo. Pero mayroon ding isang probisyon na nagsasabi na puwede silang humingi ng grace period for whatever reason for up to one year, so six months – six months. Kaya ang commercial launch nila or ang kanilang completion is by January 2021 imbes na July 2020 at ang commercial launch nila apparently is March 2021.
So, tingnan natin. Kung hindi nila iyan magagawa, nakalagay sa mga probisyon ng kanilang prangkisa mababawi ng ating gobyerno ang P25 billion fund na nakalaan para sa kanilang prangkisa.
SEC. ANDANAR: Nagbigay rin po kayo ng deadline sa mga government agencies at telcos para mag-submit ng plano to improve internet services last July 13. Nakapag-comply po ba ang lahat at anu-ano po ba ang nilalaman ng mga plans na ito, ma’am?
SEN. POE: Sec. Martin, mabilis na nagsumite ang Smart at Globe. Hindi pa nagsu-submit ang DITO Communication; ang NTC, hindi pa rin talaga kumpleto iyong kanilang submission although mayroon na silang nai-submit in term of data of the cell towers.
So, iyon ang ating sitwasyon ngayon. Ang isa pang hinihintay natin ay ang actual copy of the memorandum of agreement to be submitted by the DICT. Nais kong i-esplika sa ating mga manonood ang ibig sabihin nitong memorandum of agreement na ito.
Sa direktiba ng DICT Secretary ay magkakaroon ng pagkakasundo ang mga ahensiya ng gobyerno katulad ng DPWH, ng DILG, ng DOH, ng Housing, na gagawin nila ang kanilang makakaya para sa pagpapabilis ng proseso ng pagpapatayo ng mga cell towers sa ating bansa.
So, sa DILG, dapat implementahin nila ang Anti- Red Tape Act sa mga local government units na hindi na pahahabain pa ang pagkukuha ng permits sapagkat ngayon parang 25 proseso o mga lagda o pirma ang kailangan para magpatayo ng isang cell tower na nagtatagal from 6 months to 1 year. Parang bahay na iyong ipinatayo mo nang ganoon.
At saka Sec. Martin, sinasabi natin na ayaw natin ng kurapsiyon, ay dapat talagang mabantayan – hindi ko sinasabing lahat – pero may mga iba sa local government leaders na nagsasabi, “dito ninyo ipatayo ang cell tower ninyo sa lupa namin pero kung hindi ninyo iyan gagawin hindi namin kayo bibigyan ng permit.”
Sana lumantad na ang mga whistleblowers ng mga kompanya imbes na magreklamo sila na mabagal ang permit, sabihin nila sa atin, sino ba sa gobyerno ang umiipit sa kanila. Alam kong hindi magiging madali iyan sapagkat natatakot sila na baka mas lalo silang ipitin. Pero kung seryoso talaga ang ating gobyerno at ang ating Pangulo na mapabilis ang internet, alam ko na hindi pababayaan ang hinanaing ng ating mga kababayan na mabigyan na ng tamang serbisyo.
SEC. ANDANAR: Ang deadline po ng Pangulo sa mga telcos to improve ay December. Sa tingin ninyo po ba ay posible itong maabot ng mga telcos?
SEN. POE: Kapag sinabi ng Pangulo ang deadline sa mga telcos, ano ang ekspektasyon dito? Na magiging mas malinaw at mabilis ang ating serbisyo? Alam natin na iyan ay nakasasalalay sa maraming bagay. Halimbawa, imprastraktura. Ang imprastraktura diyan iyong sinasabi nating cell tower. Hindi lamang iyon, pati mga landing site na ipinapagawa.
Iyan ay kung tayo ay magiging reasonable, hindi lahat iyan matatapos by December pero dapat magkaroon ng marked improvement with existing infrastructure and services na ibinibigay nila. So, sa tingin ko, bugso ng damdamin rin ng ating Presidente kaya niya nasabi iyan dahil nga talagang nakakabigo, very frustrating.
Pero sana mayroon ding magsabi at mag-esplika sa ating Presidente na marami sa ating gobyernong regulator ang hindi gumagawa ng tamang trabaho. Ang corrupt, ang hindi nagbibigay ng permit on time, dahil I’m sure kapag sila ang tinawagan ng Presidente ay manginginig lahat ng mga iyan at bibilisan nila ang kanilang pagtugon dito sa pangangailangan natin.
SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe, Sen. Grace Poe para sa mamamayanang Pilipino?
SEN. POE: Sa ating mga kababayan, itong pandemya talaga na ito ay nakaapekto sa atin. Marami ang nawawalan ng pagkakataong maghanapbuhay at talagang nakakalungkot at ako ay nagsisimpatya kaya nga sa aking maliit na makakaya, itong ating pagsusuri ng ating serbisyo para sa internet, kaisa ako ng ating gobyerno at ng ating mga kababayan na sana ay mas mapabilis ang serbisyo.
Kaya kailangan ay matunton natin sino ba talaga ang repsonsable? Dalawang bagay iyan: Ang pribadong sektor – oo, pero pati na rin ang gobyerno. Kailangan ay maging mabilis ang aksyon ng gobyerno sa pagbibigay ng permit. Kailangan ay nakatutok ang National Telecommunications Corporation at hindi nila palusutin kung ano man ang dapat na maayos. Kaya sana ay ang ating Pangulo rin ay matawag ang atensiyon ng mga regulators natin.
So, iyon lamang. Maraming salamat, Sec. Martin at Rocky sa lahat ng mga nakikinig.
SEC. ANDANAR: Maraming sakamat po Sen. Grace Poe, Senate Committee Chairman on Public Services.
USEC. IGNACIO: Samantala, sa puntong ito makakapanayam natin ang president ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), si Quirino Gov. Dakila Carlo Cua at Landbank President at CEO Cecilia Borromeo para po alamin ang pinakabagong economic recovery lending program para sa mg LGUs. Magandang araw po sa inyong dalawa, governor, ma’am.
GOV. CUA: Magandang araw, Usec. Rocky and to my friend, ma’am Cecilia.
USEC. IGNACIO: Para po muna kay ma’am Borromeo. Ma’am Cecilia, ano po ba itong RISE-UP LGUs Program na ini-launch ninyo together with ULAP?
Ma’am Cecil? Ma’am Cecil, medyo hindi po namin kayo naririnig.
Medyo hindi po namin kayo narinig, Ms. Cecil. Ulitin ko na lang po iyon ano—puntahan ko muna po si Gov. Cua. Aayusin po natin ang linya ng komunikasyon naming sa inyo. Sayang naman po kapag hindi namin marinig iyong sinasabi ninyo.
Para po kay Gov. Cua. Governor?
GOV. CUA: Hi, Usec.
USEC. IGNACIO: Sir, gaano po kalaki iyong maitutulong noong programang ito para po sa lahat ng LGUs at ano po iyong kinaibahan nitong lending program na ito lalo ngayon po kasi kailangang-kailangan talaga natin tulungan iyong ating mga kababayan gawa po ng pandemic?
GOV. CUA: Salamat sa tanong Usec. Rocky. Ngayon kasi, maraming hinaharap na challenges ang ating mga mamamayan at sinusubukan ng ating mga local governments na maging bahagi ng solusyon at maghanap ng mga paraan. So nandiyan ang aspeto ng healthcare, alam natin iyan na gusto nating pagandahin ang mga ospital, gusto nating maging effective ang response natin sa COVID para proteksiyunan ang mga mamamayan.
Nandiyan ang larangan ng ICT na hindi naman kailangan naghihintay lang ang LGU. In fact a lot of LGUs are trying their best to expand the reach of internet connectivity para mas lalong maging convenient ang services ng government at pagtatrabaho using the internet so nandiyan iyong mga investment in that field. Ang mga livelihood programs kailangan nating isulong at siyempre higit sa lahat ang agrikultura ‘no dahil itong farmers natin kailangan natin bigyan talaga ng support para kanilang ma-market iyong mga pagkaing napo-produce natin at ma-modernize din ang ating mga farms.
So there are many fields and many things that LGUs want to spend on more today than ever because of the pandemic at naniniwala tayo na it is the role of government today to lead kasi nga dahil sa COVID-19 Usec., medyo malaki ang risk, nangangamba ang mga negosyante na mamuhunan. So ako naniniwala na kailangan ang gobyerno ang mag-take ng lead in investing in critically-needed infrastructures, services and facilities na kakailanganin ng ating mga mamamayan.
So iyan po at malaking maitutulong nitong Landbank kasi hindi nga naman sapat lahat ng kaperahan ng mga LGU at kung tayo ay mangungutang, sana maging mabilis ang pagpoproseso ng utang, maging transparent kasi siyempre gusto naman natin transparent at hindi mawawaldas ang kuwartang ito at talagang pupunta sa pag-improve ng sitwasyon o kalagayan ng ating mga mamamayan. So that’s why together with Landbank, we have partnered to help enable LGUs to have their own stimulus programs in their own localities.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyan Governor, sa tulong nga po Landbank paano po magagamit ng mga LGUs iyong loan facility na para po ma-stimulate naman po iyong local economy? Napakahalaga po nito kasi may mga nag-uuwian na rin po sa inyong mga lugar, siyempre kailangan pong mabigyan iyan ng hanapbuhay. So ano po ang mga sektor ng ekonomiya na dapat unang bigyang-pansin ng LGUs para buhayin muli ang local economy?
GOV. CUA: Alam mo Rocky, napakaganda ng tanong mo. I just have to appreciate it ‘no. Kinonek mo na, itinuhog mo na iyong Balik Probinsya na sa aking own personal way gusto kong tawaging ‘Buhayin ang Probinsya’ o ‘Buhay Probinsya’ na dapat magkaroon ng mga pagkakataon, opportunities, investment—in terms of investments and employment in the provinces para iyong ating mga mamamayan hindi na kailangan—usong-uso noon iyong salitang ‘makikipagsapalaran sa Maynila’. Dapat ngayon kung mayroon namang opportunities in the province, eh bakit hindi.
And as to a survey that was recently conducted, marami tayong kababayan that would prefer to stay in the provinces kung mayroon ding mga trabaho, mga opportunities. And ito nga, itong loan facility that will help LGUs take the investment—the lead in investments para nga ma-generate ang employment, ang paglikha ng mga trabaho, pag-akit ng mga investors sa ating mga kanayunan.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, babalikan po natin si President Cecilia Borromeo. Ma’am, pasensya na po kanina. Ulitin ko lang po iyong tanong ko kanina, iyong coverage po at duration noong RISE UP LGUs na napapanahon pong proyekto sa tulong ng Landbank. So sino po iyong mga eligible na maging borrowers nito? ‘Ayan po, nakikinig po si Gov. Cua.
LANDBANK PRES. & CEO BORROMEO: Oo. Lahat ho ng mga municipalities, cities at mga probinsya ay eligible po dito sa RISE UP Lending Program of Landbank for the LGUs. At katulad ho ng nabanggit ni Gov. Cua, ito po ang suporta ng Landbank para maipatupad ng mga local government units ang kanilang mga programa para ma-revive ang kanilang local economy.
So maidagdag lang doon sa mga projects na nabanggit ni Gov. Cua, example po is that kung kailangan nila dagdagan ang hospital capacity, hospital beds, number of hospital beds nila, this program can also finance that such a project. Kung kailangan nila mag-rollout ng mga mobile palengke para mas accessible sa mga constituents nila, iyong mga pangangailangan nila araw-araw, puwede rin ho iyan sa RISE UP for LGUs Lending Program ng Landbank.
At uulitin ko ho, I think nabanggit ni Gov. Cua as ULAP President, ang Landbank ay naglaan po ng 10 billion pesos for this program at naghahanap pa ho kami ng mga ibang pondo sa tulong din ni Gov. Cua as ULAP President if he can generate additional funds, then we can expand the ___ of funds for RISE UP LGU.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Cecil, magkano po iyong magiging interest rate at ano po iyong loan tenor payment term? Mayroon po ba kayong mga grace period and penalties na ibibigay pero sana naman po kasi alam naman po natin iyong epekto ng pandemic? So mayroon po ba kayong inilatag na, mukhang parang win-win solution naman po para sa ating mga LGUs?
LANDBANK PRES. & CEO BORROMEO: Oho. Ang interest rate po ay 4 ½ percent fixed for 1 year. Alam ko rin ho na may mga local government units who are clamoring for a lower interest rate and as I mentioned during the launch yesterday, the Landbank will endeavor to look for funds that we can blend with our internally-generated funds so that we can give the loans at probably even 3 ½ percent. But I really would like to repeat na this is the best time for the LGUs to make these investments because the interest rates are all-time low. So yeah, it’s 4 ½ but we will look for ways to further reduce the interest rate to the LGUs.
Sa tenor naman po, depende ho sa cash flow ng mga LGUs pero kung gusto nilang bumili ng mga hospital equipment or even vehicles to transport the goods and even for ambulances, we can give a tenor of 10 years. Iyong grace period is also available for the LGUs and again that will depend on the cash flow of the LGU. So it’s really a partnership between Landbank and the local government unit to study how the loan can be repaid in an orderly manner based on what the LGU can afford.
USEC. IGNACIO: Opo. Punta naman po tayo kay Governor Cua. Governor Cua, so ano po iyong magiging komento ninyo sa naging pahayag ng ating Landbank President dahil alam po natin na sigurado po marami na ring mga LGUs nakikipag-usap sa inyo tungkol dito?
GOV. CUA: Oo, Usec. So gusto ko lang sana mag-react doon sa isang sinabi ni Ma’am Cecile na nakikipag-ugnayan tayo sa national government. Humihingi tayo actually ng tulong na alam natin na mayroong pinag-uusapan na Bayanihan II na kung maaari ay tingnan nila kung may paraan doon na magkaroon ng sistemang maipababa naman o magkaroon ng assistance from national government. These days, we keep talking about a whole of nation approach to defeat COVID, and it is … what better example than to enable a local government-led local economic stimulus, empowered by the funds of Landbank of the Philippines. And also, kung puwede, kung may konting ayuda, subsidized by the national government through the Bayanihan to Heal as One part 2 na nakasalang ngayon sa Kongreso.
So nakikiusap tayo nang konting flexibility, nakikiusap tayo nang konting tulong. But I believed this goes a long way in helping improve the lives and secure a brighter future for our mga kababayan nating Pilipino.
So iyon. The LGUs kasi, Ma’am Rocky, is in a different position kasi mas puwede nating i-micro manage iyong mga pangangailangan ng ating mga kababayan. Hindi naman po kasi pare-pareho lahat ng sitwasyon. Some LGUs, tulad ng alam naman natin, are richer, are more financially independent, lalung-lalo na iyong mga highly urbanized cities. Lalo na iyong nasa NCR, iyong Cebu, iyong Davao, they have resources that are ample and can fund many, many programs. And they can probably look into more sophisticated investments.
Pero may mga local government na 5th class, 6th class na very agricultural, very rural, iba naman ang pangangailangan – talagang ayuda sa farmers, pag-improve ng ating mga ospital, pagpapaayos ng COVID response, pag-invest sa transportation and maybe re-tooling of tourism. At higit sa lahat, sa tingin ko dapat mabigyan natin ng pamamaraan na maka-adapt ang ating mga OFWs na sa ngayon ay nawalan ng trabaho pansamantala.
Iyan ang mga pressing concerns ng mga LGUs ngayon, Usec. Rocky. And I believe that this financial availability or bridge financing from Landbank, malaking maitutulong sa atin. Iyon lang. With the help of Ma’am Cecile, pagtulungan natin na kung puwede mas mababa, mas friendly, mas flexible pa iyong rates at sana tumulong po ang ating mga minamahal na legislators at ang ating Pangulo.
USEC. IGNACIO: Opo. Kunin ko na lang po iyong inyong mensahe sa publiko. Unahin ko na po si Ma’am Cecile. Ma’am Cecile, narinig ninyo naman po iyong apila ni Governor. Kunin ko po iyong mensahe ninyong dalawa at pasensiya na po, sana po ay magkaroon pa rin kami ng pagkakataon na makasama kayo dito sa Laging Handa Public Briefing para pag-usapan ang inyong mga proyekto. Mensahe na lang po, Ma’am Cecile.
LBP PRES/CEO BORROMEO: Okay. Salamat, Usec. So gaya ho ng napag-usapan namin sa mga iba-ibang liga ng mga LGUs kahapon, at kami nga ho ay lumagda sa memorandum of agreement para iyong leadership ng mga iba-ibang liga ay tulungan ang Landbank na ma-disseminate sa lahat ng mga local government units na mayroon itong programa ng Landbank na ten billion ang una naming nilaan para makapaggawa na sila po ng mga projects at ma-revive ang kanilang mga local economies.
So iyong four and a half percent na interest rate ay iyan pikit-mata ibibigay namin sa lahat ng mga LGUs regardless of their credit ratings. Kasi alam ninyo naman ho, tulad ng nabanggit ng ating ULAP President, may mga malalakas na LGUs na mas maganda ang credit rating versus sa smaller ones with higher credit risk. But Landbank is now prepared to give them the same interest rate.
So this is a very good time even for the smaller LGUs to embark on their projects to really rev-up their own local economies, big and small. Iyong mga LGUs, the RISE UP lending Program of Landbank is available to all of you. And I hope you take this opportunity really to invest so that you will build better and more resilient communities for your constituents.
Thank you so much for this opportunity given to Landbank to make this lending program known by, not only the LGU leadership but also the constituents who should also demand the same service from their leaders. Thank you.
USEC. IGNACIO: Salamat po, Ma’am Cecile. Kunin ko po iyong mensahe naman, final message ni Governor Cua.
GOVERNOR CUA: Salamat, Usec. Rocky and to our dear friend, the friend of the LGUs, Ma’am Cecile – you have well-articulated the situation.
Usec. Rocky, kasi karaniwan kasi ang pag-uutang lalo na sa larangan ng mga LGUs ay nagiging isang mapulitikang usapin ‘no kasi umuutang in behalf of the local government. Sa tingin ko po ngayon, iba ang sitwasyon. Ito ang aking pananaw po bilang pangulo ng ULAP o ang samahan ng mga LGUs at mga local officials sa buong Pilipinas na, now is the time to act accordingly to the demands of our constituents, ang ating mga kababayan. Kasi sa ngayon, maraming pangangailangan, maraming concerns at agam-agam, very uncertain po ang kinabukasan ng ating mga mamamayan at sila ay naghahanap ng direksiyon.
So it is, I believe, dapat tungkulin nating mga LGUs to lead the way, find solutions, of course, dapat naman very transparent ang ating paggagasta. Dapat ipaalam natin sa taumbayan kung ano ang plano at kung bakit tayo uutang – okay naman iyon. But sa tingin ko, mas mabuti na na umaksiyon tayo at kailangan umutang at humingi ng tulong sa Landbank ay mas mabuti na iyon kaysa wala tayong gawin at hayaan na lang na hindi natin hanapan ng solusyon iyong mga hinaharap na suliranin ng ating mga mamamayan.
So I believe today, it is the time to reflect on what are the needs of our people and to act decisively. Kung mayroon tayong financial capability, then that’s fine. Pero kung may kakulangan, mayroon itong inu-offer ng Landbank as a possible means of solving the financial problem.
But again, in behalf of the Union of Local Authorities of the Philippines, kami po ay nagpapasalamat sa inyong programa, Usec. Rocky, at siyempre sa ating kaibigan sa Landbank headed by Ma’am Cecile Borromeo. And siguro ang oath sa aming mga kababayan, we will be very transparent and responsible about using funds especially when it involves borrowing.
So maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, ULAP President and Governor Dakila Carlo Cua at siyempre sa Landbank President and CEO Cecilia Borromeo. Salamat po.
LBP PRES/CEO BORROMEO: Thank you.
USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PTV Davao, may ulat ang ating kasama si Regina Lanuza. Regine?
[NEWS REPORTING BY REGINE LANUZA]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza ng PTV-Davao.
SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si Breves Bulsao mula sa PTV-Cordillera.
[NEWS REPORTING BY BREVES BULSAO]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Breves Bulsao ng PTV-Cordillera.
Iyan ang mga balitang nakalap natin ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
SEC. ANDANAR: Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
USEC. IGNACIO: Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: At mula rin po sa PCOO, ako po si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayong muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)