Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Palace virtual presser
Location PTV-Davao

SEC. ROQUE: Maayong udto Pilipinas, gikan diri sa PTV-Davao.

Nakig-istorya si Presidente sa katawhang Pilipino. Kini ang pipila sa salient points:

[Magandang tanghali Pilipinas, mula dito sa PTV-Davao. Nagsalita ang Pangulo para sa sambayanang Pilipino kagabi. Ito ang iilan sa mga salient points:]

Una, masayang inanunsiyo ni Presidente ang pagbibigay ng Russia sa Pilipinas ng bakuna laban sa COVID-19. Dahil dito nagpasalamat ang ating Presidente kay Russian President Vladimir Putin. Dagdag ni Presidente, willing siya na maging kauna-unahang Pilipino na tatanggap ng anti-COVID-19 shots mula po sa Russia.

The Philippines appreciates Russia’s offer of cooperation to jointly combat the COVID-19 pandemic. The Philippines stands ready to work with Russia on clinical trials, vaccine supply, and production and other areas deem practicable by relevant Philippine and Russian agencies to address this global health emergency. Like similar bilateral and multilateral agreements, all cooperation initiatives will be consistent with protocols for testing and health standards.

International cooperation is key to effectively combat this global pandemic. Consistent with the President’s independent foreign policy, we continue to work with partners across the world to ensure access to safe vaccine.

Tungkol naman po sa telco permits: Nauna nang pinag-utos ni Presidente na pabilisin ang mga prosesong telco application. Ini-report ni Secretary Año kagabi na mayroong 1,930 applications nang nai-file; 1,502 ang approved at 428 na still pending. Iyan po ang tututukan ng DILG.

Iniulat din ng Kalihim na papatawan ng preventive suspension ang limampung barangay captains habang iniimbestigahan ng Ombudsman. Ito po ay tungkol doon sa mga korapsyon sa ating SAP.

At panghuli, ipinakita ni Presidente na seryoso siya sa isyu ng korapsyon sa PhilHealth. Sa bibig mismo ng Pangulo nanggaling, and I quote, “Nakalusot kayo sa ibang presidente. Pero dito sa akin, sadsad talaga kayo.” Dito natin makikita na walang sacred cows sa administrasyong Duterte lalong-lalo na diyan po sa PhilHealth.

Pumunta naman tayo sa health protocol in the workplace na applicable sa MECQ na ini-report kahapon ni Secretary Lopez sa harapan po ni Presidente.

Una po, kinakailangan ang pagbibigay ng shuttle service ng mga malalaking kumpaniya. At habang nasa loob ng shuttle, walang tanggalan ng face mask or face shield.

Walang dine-in sa mga canteen; packed food at delivery lamang po.

Bawal ang common smoking areas. Pinapayagan lang po ang individual smoking areas or booths in open spaces.

Kailangan may physical distancing, kailangan may face mask, face shield kung nasa loob ng isang kuwarto na may higit isang tao o tuwing may meeting o nasa loob ng shuttle.

Madalas na paghuhugas ng kamay at disinfection ng mga lugar.

Pagkuha ng temperature ng mga empleyado at mga panauhin.

Ang pagkakaroon ng health protocol officer at pagbuo ng occupational safety and health protocol committee para istriktong maipatupad ang protocols ng kumpaniya.

Ang pagti-train sa mga empleyado ng bagong health protocol standard.

Company visits and audits ng DOLE, DTI at LGU.

Ito naman po ang August 3 to 9 monitoring report ng ating mga kasamahan sa akademiya ng University of the Philippines. Ito po ang average number of new cases per day sa buong bansa. Makikita na bumababa ang mga bagong kaso mula 3,698 last July 25 to August 2 to 3,194 new cases last August 3 to 9.

Makikita naman natin sa susunod na slide na bagaman at marami po ang mga bagong kaso, ang reproduction number or R0 (pronounced as R-naught) na tinatawag ay patuloy na bumababa. Magandang balita po ito. Ano po ba iyong R0 na tinatawag? Ito po iyong mga numero na nahahawa ng mga COVID positive.

Kung noong unang linggo ng Hulyo ang R0 ay 1.65 o more or less, dalawang nahahawa ng isang COVID positive patient ay bumaba na po ito ng 1.12 – kung ira-round off, isa na lang po ang nahahawa. Ang target po natin siyempre ay dapat less than one.

Ito naman po ang R0 sa NCR mula sa peak na 1.81 noong July 4 to 10 ay naging 1.18 ang R0 noong August 3 to 9.

Ito naman po ang ating NCR hospital utilization: 77% ang occupied ng ating mga ICU, 79% ang hospital beds at 47% naman po ang mga ventilators.

Bagaman at critical level pa rin po ang ICU beds dahil greater than 70% ang occupancy, mayroon naman po tayong mga kinukumpleto na mga additional ICU beds. For instance, sa Quirino Medical Center po ay magkakaroon ng 50-bed integrated emergency room, 50-bed intensive care units at 30 beds for moderate cases.

Atin na ring kinu-convert po ang mga isolation rooms sa Lung Center para maging 20-bed intensive care unit. Kinukumpleto na rin ang East Avenue Medical Center bilang identified 250-bed integrated health facility for COVID. Magkakaroon naman tayo ng modular health facility for moderate cases with dormitory complex strategy diyan po sa Quezon Institute; kasama rito ang 120-bed single dorm for moderate cases and 80 beds for health workers dormitory.

Patuloy naman po ang pagtaas ng testing capacity per day dito po sa NCR. From 11,067 tests last June 27 to July 3 to 14,705 per day last August 3 to 9 – sa NCR lang po iyan.

Tingnan naman po natin ang sitwasyon sa Cebu. Makikita na patuloy ang pagbaba ng mga bagong kaso sa Cebu pagkatapos ma-impose ang ECQ at MECQ. From a peak of 307 new cases last June 27 to July 3 ay naging 92 new cases na lamang po last August 3 to 9.

Naabot na rin ng Cebu ang less than one R0 target – 0.54 na po ang Cebu last August 3 to 9 kumpara sa 1.54 R0 last June 27 to July 3.

At iyong target na less than five percent positivity rate, malapit na rin maabot ng Cebu. Nag-seven percent po ang Cebu noong unang linggo ng Agosto.

Ayon sa UP, MECQ is working pero kinakailangang gawing mas epektibo ang implementasyon nito. Ito po ang gagawin ng ating gobyerno para makamit ito:

  • Una, nagkakaroon po tayo ngayon ng agresibong pagti-test especially doon sa mga lockdown na mga barangays. Sa ngayon, ang Pilipinas po ang pinakamataas mag-test sa ASEAN at mas mataas pa nga po tayo sa Korea at Japan.
  • Pangalawa, agresibong contact tracing gamit ang Magalong Formula. Isang tracer maghahanap po ng 37 close contact ng isang positive.
  • Pangatlo, agresibong isolation through Oplan Kalinga at pagtatayo nang mas marami pang pasilidad kasama na po iyong pagkuha ng mga hotel rooms para maging isolation centers.
  • Panlima, build-up po ng ICU beds ang pag-secure ng effective treatment interventions.

Okay. Nasabi ko na po kanina na medyo kritikal po ang ating mga ospital pero naggagawa po tayo ng mga bagong ICU and bed capacity at kumukuha nang mas maraming doktor, nurse at medical personnel.

Panghuli, makikita sa UP study na ang karanasan ng Cebu ay maaaring maging template natin para ma-reverse po ang surge sa NCR. Ibig sabihin, kaya po nating pababain ang pagkalat ng COVID-19. Nagawa ng Cebu, magagawa ng Metro Manila at ng karatig lugar.

COVID-19 update naman po tayo. Tingnan po natin ang global cases ayon sa Johns Hopkins. Sa Johns Hopkins po, ang pinakarami pa ring kaso ay ang bansang Estados Unidos – 5,089,416; Brazil – 3,057,470; India – 2,215,074.

Sa Pilipinas po, mayroon po tayong 136,638 total cases; Indonesia – 127,083.

Sa ngayon po dito sa Pilipinas, mayroon tayong 66,186 total active cases ayon po sa pinakahuling case bulletin ng DOH.

Sa mga aktibong kaso, 91.6% naman po ay mild at 7.2% ay asymptomatic. Tanging 0.6% lang po ang severe at 0.6% lang po ay kritikal.

Patuloy din po ang pagtaas ng recoveries. Mayroon na tayong 68,159 na nai-report na mga gumagaling. Samantala, malungkot kong balita na dalawampu’t apat po ang nai-report na binawian ng buhay kahapon. Suma total, ang ating total deaths po ay 2,294.

Mayroon naman po tayong mahigit pa sa 1.5 million, papunta na po sa two million total individuals tested sa mahigit isandaan or 101 laboratories.

On other matters, may lumabas pong fake news tungkol sa akin sa isang pahayagan. Well, sinabi naman po ng pahayagan na fake news talaga iyon. Ang sinabi ko daw ay, “COVID lang iyan, kaunti lang ang namamatay, kahit umabot pa ng sampung milyon.” Hindi ko po sinabi iyon. Ang sinabi ko po ay ibang-iba ‘no. At mag-ingat po tayo sa mga fake news. Tanging sa web page lang po ng Presidential Spokesperson or sa Harry Roque page kayo kumuha ng impormasyon or ‘di naman kaya sa PCOO webpages.

At iyong mga magkakalat ng fake news, sasampolan ko po kayo. Paiimbestigahan ko kayo at ako po ay magsasampa ng kaso, antayin ninyo po iyan. Okay. Pero sa panahon ng pandemya, iyong mga walang magawa, huwag na po kayong magkalat ng fake news.

Isa pa ring fake news po! Iyong napaulat kahapon na may isang eroplano daw na puno ng OFW at lahat daw po LSI ay dumating sa Bacolod – wala pong ganiyang pangyayari. Wala pong libu-libong mga positibo ang dumating sa Bacolod, hindi po nangyari iyan. Okay? Mamaya po siguro bibigyang-linaw iyan ni NTF Chief Implementer Secretary Galvez para mas lalong bigyang-linaw itong bagay na ito.

Ay, nandito na po pala si Secretary Villar. Welcome Secretary Villar, ang ating Isolation Czar. Tamang-tama po na dumating si Secretary Villar.

Secretary, kanina po binasa ko iyong ilang mga bagong mga ICU beds na ginagawa natin sa East Avenue, sa Quirino at iba pang mga lugar. Ano pa po iyong mga bagong mga isolation facilities at additional bed capacity na tinatayo po ng DPWH bilang kayo po ang Isolation Czar?

DPWH SEC. VILLAR: Salamat po, Sec. Harry. Tama po dahil gusto natin na i-improve ang bed capacity natin pati iyong ICU capacity. On August 17, magkakaroon po tayo ng additional 210 additional ICU capacity, ito po iyong ginagawa sa East Avenue; dito sa DOH, kami po tumutulong kami sa project implementation.

So we can expect by next week malaki po ang magiging improvement sa ICU capacity at mayroon din kaming additional na gagawin sa Quirino Hospital pati sa Quezon Institute. Gagawa kami ng pop-up hospital, ito po ay para madagdagan ang ICU capacity natin by one 110-beds. So marami pa tayong plano para ma-improve po ang critical care utilization.

At sa ating mga quarantine facilities, we will expect that by the end of this month magkakaroon po tayo ng—we’ll be completing about 300 facilities with the total of 12,200 bed capacity. For this month, mayroon po tayong ongoing na 95 facilities, it’s almost worth 3,000 additional bed capacity, kaya marami po tayong projects at kami po nagpapasalamat din kami sa private sector na tumutulong.

Mayroon po tayong tent na tinatayo ngayon sa Nayong Pilipino with the help of the Razon Group at madadagdagan po tayo ng 500 bed capacity. So tuluy-tuloy po ang pagtatayo ng quarantine facilities at isolation facilities.

SEC. ROQUE: Nagpapasalamat po tayo sa Razon Group at nabalitaan ko rin po na nag-offer po na mag-equip ng bagong 250-bed capacity sa East Avenue Medical Center ang MVP Group. Maraming salamat po sa inyong mga tulong, sa Razon at sa MVP Group.

Now habang inaantay po natin si Chief Implementer Secretary Galvez at saka si Chief Testing Czar Vince Dizon, siguro simulan po natin ang ating open forum ‘no. Usec. Rocky… titigil na lang po natin ang ating open forum ‘pag nakapasok na sa linya either si Chief Implementer o si Testing Czar Vince Dizon or si Chief Implementer Secretary Galvez. Yes, Rocky, iyong unang question natin and please if you have question to Secretary Villar, please ask them as well.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. First question galing po kay Ms. Ruth Palo of Manila Times. For Secretary Roque: NDFP Chief Political Consultant Jose Maria Sison has blamed the Duterte administration for the killing of Anakpawis Chairman Randall Echanis yesterday in Quezon City. Any reaction to this?

SEC. ROQUE: Well, antayin po natin ang imbestigasyon ng pulisya diyan ‘no. Ito naman po ay kaso ng murder o homicide at iniimbestigahan po iyan ng ating kapulisan ‘no. Huwag sana pong mabilis magbintang sa gobyerno dahil ang CPP-NPA nagkaroon din naman po sila ng karanasan na sila-sila nagpatayan.

USEC. IGNACIO: From Ruth pa rin po, question for Secretary Villar: Ano na daw po ang update sa Davao-Samal Bridge Project?

DPWH SEC. VILLAR: Iyong Davao-Samal Bridge po, ang target po namin by October or November magkakaroon na po ng bidding and by December this year magkakaroon din ng loan agreement and by next year we will implement the project.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po naman ni Cherry Mae Palicte of PNA para pa rin po kay Secretary Villar on Samal Bridge pa rin: What is the timeline of completion since nagkaaberya ito during the pandemic?

DPWH SEC. VILLAR: We expect na hindi naman magbabago iyong timeline masyado. Siyempre siguro depende rin kung ano magiging… But we expect by next year magiging normal sana ang implementation natin, so we hope to start it by next year and of course the bridge project will take several years to complete. But we’re happy that sa ngayon po we’re in advanced stage and by this year magkakaroon na po ng bidding.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary Villar. Question from Ms. Malou Tolentino of Radyo Pilipinas for Secretary Roque: What are the strategies of the government to lower down the bringing effect of COVID-19 virus as the present reality cases continue to increase? How do these government programs effectively and efficiently lessen the impact of this crisis as the government is striving to save our economy, bringing back to normal the businesses, livelihood and help returning OFWs? Will the calibrated 2021 budget and infrastructure development projects be the saving grace to the effect of the pandemic?

SEC. ROQUE: Napakadami pong tanong actually ano na binalot sa isang tanong. Unang-una, ang istratehiya po natin para doon sa COVID-19 ‘no, pinapaigting po natin ang testing lalung-lalo na doon sa mga areas na mayroon pa ring localized lockdown bagama’t MECQ po tayo. Tanging sa pagpapaigting po ng testing malalaman natin kung sino iyong mga may sakit at matapos nating malaman kung sino may sakit, sila po’y ilalagay natin sa isolation ‘no na ginagawa po at nagpaparami pa po tayo ng isolation facilities gaya ng sinabi po ni Secretary Villar.

Pinapaigting na rin po natin iyong ating tracing ‘no at sinusunod po natin iyong formula ni Mayor Magalong ‘no. Sa Baguio po kasi kada isang kaso, tini-trace nila iyong close contact na up to 37, lahat po iyan binibigyan ng swab test. Now ang alam ko po dahil sa Manila maraming kaso, baka hindi naman po up to 37 pero minimum 10 po ang kanilang iti-trace at karamihan po doon ay mabibigyan na rin ng PCR test dahil napakataas na nga ng ating actual testing na ginagawa sa Metro Manila.

Pagkatapos po niyan ay iyong One Hospital Command nga po ‘no, siya po ngayon ang nagko-coordinate kung saan pupunta ang mga pasyente nang sa ganoon po, hindi mangyayari iyong pasyente na kinakailangan ng ICU bed ay hindi makakakuha ng ICU bed. Napakaganda po ng programa ni Usec. Vega at gumagana po siya ‘no at nagkaroon nga po ng inauguration iyong One Hospital Command Center diyan po sa opisina ng MMDA.

At siyempre po, alam na po natin iyong mga bagong gamot na ginagamit para sa COVID-19, nandiyan po iyong high-flow cannula na ginagamit na alam nating mas nakakasalba ng buhay, iyong Remdesivir, iyong Avigan at iyong pang mga bagong gamot po na ginagamit natin ngayon.

Now pagdating naman po doon sa pagbangon ng ekonomiya, well nandiyan nga po iyong ating Bayanihan II kung saan magbibigay tayo ng ayuda na naman at iba pang mga tulong worth at least a 160 billion pesos at gagamitin din po natin iyong 4.4 trillion plus budget for 2021 bilang stimulus package din para tayo po’y mabilis na makabangon dito sa sigalot na dulot po ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: May tanong pa rin po para po kay Secretary Villar: Secretary Villar, when will be the final schedule daw po of the construction of the bridge linking Davao City and Garden City of Samal? Is there still a need to consider the work specification and variations on the projects? Do you consider a direct connection to the airport terminal as Samal Island is more on tourism hotspot? Aside from Samal Bridge daw po as major project in Mindanao, how about the project on Mindanao Railway System, are you considering to finish this under the administration of President Rodrigo Duterte?

SEC. VILLAR: Salamat po. Sa Davao-Samal Bridge, ang magiging format po ng bridge ngayon is design and build. So ang design and build, ipapa-bid out sa October-November. At kapag natapos po ang bidding, gagawa sila ng mga final designs, so puwedeng magkaroon ng mga design adjustment. Pero, more or less, naka-set na po iyong alignment ng Davao-Samal Bridge and we expect that by next year, we will start the actual construction of the bridge.

And with regard to the Mindanao Railway, a project po ng DOTr, ang alam ko po, well, better siguro, mas mabuti tanungin po natin si Sec. Art Tugade kasi under the DOTr iyong Mindanao Railway.

USEC. IGNACIO: Secretary, may follow up question po si Cherry Mae Palicte ng PNA. How many isolation facilities were built in Davao Region? If there are, when is the expected completion of those facilities?

SEC. VILLAR: Well, we really have some existing facilities because ginagamit po namin iyong mga evacuation centers. At sa Region XI, we have some about 300-bed capacity that is already under construction, pero madadagdagan po ang construction natin. Kahit sa ngayon nag-a-identify po kami ng mga sites and we will be building additional 164 facilities with 4,100-bed capacity after this. Siguro kapag natapos po itong batch na ito, the next batch will include another 4,000. So, tuluy-tuloy po iyong pag-construct namin ng mga isolation. So, at least kapag na-test po at na-trace ang mga COVID positive, puwede nang ilagay kaagad sa mga isolation centers.

SEC. ROQUE: Idadagdag ko lang, Usec, na dahil nga po ang target natin ay minimum sampu ang iti-trace natin at kapag mayroon tayong 6,000 new cases that means 60,000, gagamitin din po natin ang mga public schools. At pumayag naman po si Secretary Leonor Briones na gamitin ang mga public schools hanggang December 31 ng taong ito habang wala pong face to face ang ating mga estudyante. So bukod pa po doon, sa mga istruktura na tinatayo po ni Secretary Villar, ang ating Isolation Czar, nandiyan din po ang ating mga public schools para magsilbing isolation facilities sa level po ng mga barangays dahil importante po talaga ma-isolate kung wala pong sariling kuwarto at walang sariling banyo.

USEC. IGNACIO: Secretary, si Triciah Terada po ng CNN Philippines.

TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Hi, Secretary. Good afternoon po. Sir, doon po sa speech or address ni Pangulo kagabi, the President has repeatedly reiterated our funds are already depleted. Sir, what is the implication of this? Does it mean na we are gearing towards GCQ or easier restrictions come 18th? And nabanggit din po kasi ni Secretary Lorenzana na ready na po iyong Metro Manila and for other provinces for GCQ. And at the same time, sa kabilang banda, there is a recommendation by Dr. Tony Leachon that another two weeks of MECQ will be needed to bring down the number of cases. What are your thoughts about this, sir?

SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo, malinaw naman po ang Presidente ‘no, talagang ang pinakamabisa pong paraan para mapababa ang numero ay patagalin ang MECQ o kaya ang ECQ. Ang problema po ay wala na tayong pang-ayuda. Kung ang tao naman ay hindi makakapagtrabaho, baka mamatay dahil sa kawalan ng hanapbuhay. So, unless si Dr. Leachon po ay pupuwedeng magbigay ng ayuda sa lahat ng nais niya na mapasailalim pa sa MECQ ng dalawang linggo, eh hindi na po talaga kakayanin.

Kaya nga po ang mensahe po ng ating Presidente, matagal pa po itong COVID, iyan na po ang sinasabi ng WHO, kinakailangan po mabuhay tayo despite and in spite of COVID. Kinakailangang ingatan po natin ang ating buhay para po tayo ay makapaghanapbuhay. Kaya po nating gawin iyan at ginagawa naman po iyan ng buong daigdig. At hindi lang naman po Pilipinas ang nagkaroon ng surge, 70% po ng mga bansa sa buong daigdig ay nagkaroon ng surge; 70% ng buong daigdig, lumalaban, pinu-pursue po ang pang-araw-araw na buhay nila despite and in spite of COVID.

TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: So, Secretary, most likely by the 18th, we can expect some easing of restrictions? Kumbaga, most likely babalik po tayo sa GCQ, tama po ba?

SEC. ROQUE: Well, ang naging desisyon nga po dapat GCQ nga tayo, kaya lang nag-apila po ang ating mga frontliners at pinakinggan naman natin sila dahil alam naman natin na talagang pagod na pagod na rin sila. So, habang pinagbigyan natin ang mga frontliners, sinamantala na rin natin para paigtingin nga po iyong ating T3. At inaasahan natin na dahil nga po nag-MECQ tayo ay mapapabagal iyong pagkalat ng sakit.

Pero sa Metro Manila po, ang estimate nila ay hindi po bababa sa 18 billion pesos ang nawawala sa kada araw ng MECQ. Mas malaki pa po ang mawawala kung mag i-ECQ. Pero ang Presidente naman po, straight forward, transparent, wala na pong ayuda para doon sa hindi makapagtrabaho kaya kinakailangan po mabuhay, despite and in spite; protektahan po natin ang ating kalusugan ng tayo po ay makasulong sa ating pang-araw-araw na buhay.

TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Secretary, clarification lang doon sa nabanggit ng Pangulo na the military, including PNP na mag-participate in contact tracing. Sir, what exactly could be their role? Limited lang po ba doon sa pagpo-provide ng transportation doon sa mga contact tracers natin? And if ever, sir, they will actively participate in tracing, are they trained enough or do they have the capacity to be a contact tracer, sir?

SEC. ROQUE: Well, ngayon po, habang tayo ay nasa Davao, nagpupulong po ang regional IATF kaya siguro hindi makapasok si Secretary Galvez sa ating linya at nandito rin po si General Magalong kaya hindi rin siguro siya makapasok sa ating linya. Ang ginagawa po ng Baguio, umaasa po sila sa kapulisan dahil ang kapulisan ay may sasakyan at mayroong manpower at sanay naman po sila sa pag-iimbestiga na sang-ayon kay Mayor Magalong ay isa sa kakayahan na kinakailangan natin para maging epektibong tracers.

Sa ngayon po, ang sinasabi natin, gagamitin natin ang kapulisan, gagamitin natin ang mga barangay health workers. Bagama’t sang-ayon nga po sa desisyon ng Korte Suprema, kung kulang pa rin iyan, pupuwede naman nating i-tap din ang Hukbong Sandatahan. Wala pong paglabag sa ating Saligang Batas kung gagawin natin iyan at iyan po ay sang-ayon sa desisyon ng Supreme Court sa Sanlakas versus Executive Secretary.

TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Secretary, [garbled] about sa PhilHealth naman po. Si General Ricardo Morales filed for a medical leave. Sir, inaprubahan na po ba ito? [Garbled] sir, does the President see or is he eyeing a new PhilHealth Chief? Kasi po iyong mga empleyado rin po ng PhilHealth, they raised a call na magkaroon po muna ng caretaker ang PhilHealth. And isabay ko na rin, may update na po ba na nakarating sa Malacañang about the investigation on PhilHealth?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po dahil binuo ng Presidente itong task force na na mayroong extraordinary powers, including the power to impose preventive suspension, hinahayaan na po muna ni Presidente na gumalaw itong task force na ito. Rerespetuhin po niya ang mga desisyon ng Task Force na ito. So dahil nagtalaga po siya ng ganiyang task force, hihintayin po niya ang aksiyon ng mga task force. At ang sabi naman po ni Secretary Meynard Guevarra, ang chairman ng task force na ito, ay madalian po silang mag-iisyu ng mga order for preventive suspension. Kung magtatalaga po ng bagong presidente ng PhilHealth si Presidente, wala pa pong ganoong sinasabi ang ating Presidente; hihintayin niya ang rekomendasyon at ang mga desisyon ng task force.

USEC. IGNACIO: Question from Virgil Lopez ng GMA News online. Vice President Robredo said yesterday that the country’s COVID-19 cases cannot be attributed to an increased testing alone. She said that community transmission is really bad now. Does the Palace agree with her assessment?

SEC. ROQUE: Siyempre po, hindi po imposible na ganito karami ang numero natin dahil lamang sa increased testing, iyan naman po ay kinikilala natin. Talaga naman pong patuloy pa rin ang community transmission. Pero ang susi nga po para mapabagal ang community transmission eh mapaigting na testing nga po para ma-isolate natin dahil kapag hindi na-isolate ang mga positive ay patuloy po ang community transmission.

Uulitin ko lang po, talaga pong may community transmission pero kaya nga po pinaigting natin ang testing para ma-isolate natin at matigil po iyong pagkalat ng sakit.

USEC. IGNACIO: Ang second question po ni—

SEC. ROQUE: At iyan ho ang dahilan kung bakit gaya nga ng sinabi ni Sec. Villar, nagtatayo nang mabilisan na additional isolation centers dahil ito po’y mga susi para mapabagal iyong community transmission.

USEC. IGNACIO: Second question from Virgil—

SEC. ROQUE: Okay. Joyce Balancio, please—

USEC. IGNACIO: Okay, Secretary.

SEC. ROQUE: Yes, iyon muna, go – Virgil.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong lang ni Virgil, follow-up lang po doon kay… NDFP Joma Sison has blamed President Duterte and his alleged gang of butchers for the killing of activist Randy Echanis and his neighbors. Sison said the Echanis killing will only intensify the struggle against the Duterte government. Any reaction to this?

SEC. ROQUE: Naku, iniimbestigahan pa po iyan at saka—huwag na po ninyo akong tanungin ng kahit anong komento tungkol sa mga sinasabi ng terorista. Hindi ko na po sasagutin iyan dahil that would be to dignify statements made by a worldwide notorious terrorist named Joma Sison.

Yes, si Joyce Balancio of DZMM, please.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Good afternoon po, Sec. Roque. Setting aside itong ongoing investigation ng task force na pinabuo nga po ni Pangulong Duterte to investigate PhilHealth. Talking about health of PhilHealth President Ricardo Morales, si Senate President Tito Sotto mentioned that he should – out of delicadeza – either take a leave for recovery o hindi kaya kung hindi po niya kaya ay mag-resign na lang po sa kaniyang puwesto kasi baka naman nasho-short-change daw po ang PhilHealth. What do you think of this lalo na nga po in-admit ni PhilHealth President that he’s undergoing chemotherapy?

SEC. ROQUE: Well, the President wishes president Morales speedy recovery, iyon lang po. Hindi naman po niya didiinan ang tao na nagsasabi na na mayroong malubhang karamdaman. We wish him the best and we hope that he recovers right away.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Hindi naman po napapansin na o makikita natin na baka po ma-compromise naman iyong work ni General Morales if he chooses to stay in PhilHealth while he is undergoing chemotherapy?

SEC. ROQUE: Kahit anong organisasyon po hindi naman po magkakaroon ng leadership vacuum. Kahit ano pong maging desisyon ni General Morales ay mayroon po talagang system in place para magpatuloy po ang trabaho ng kahit anong organisasyon sa gobyerno.

USEC. IGNACIO: Okay po. Si President Duterte, he mentioned last night that he will volunteer to be injected first with the vaccine from Russia at sabi nga po niya eh willing siyang gawin pa ito in public. Is the President serious about this, Sec. Roque? And papayagan din po ba ito ng government and the (signal disruption) knowing na… ang sabi nga niya maeeksperimentuhan siya to test kung okay iyong vaccine. Kung okay ang vaccine sa kaniya, okay para sa mga Pilipino. Will this pose a risk to the President’s health?

SEC. ROQUE: Well, iyan po siguro ay saloobin na ng Presidente. Ang kaniyang mensahe sa taumbayan, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Nag-uunahan po ang mga bansa sa buong daigdig na magkaroon ng vaccine laban sa COVID-19 at kung kinakailangan na isugal nga niya ang buhay niya para masigurado na itong vaccine na ito ay makakasalba ng buhay dito sa Pilipinas, gagawin niya po iyon.

Ang sentimyento niya, handa po siyang ialay ang sarili niyang buhay para po maisalba ang buhay ng ating mga kababayan.

Now, para sa ating mga kasama sa media, kung mayroon pa po kayong tanong para kay Sec. Villar, si Sec. Villar po ay pabitaw na. So, siguro, USec. Rocky kung mayroon pang mga tanong para kay Sec. Villar unahin na po nating itanong kay Sec. Villar. At kung mayroon pong online na kasama natin sa Malacañang Press Corps na may tanong kay Sec. Villar?

Okay… So, apparently wala na. Sige, USEc. Rocky next question, please.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir—

USEC. IGNACIO: Opo. ques—Yes, Joyce?

JOYCE BALANCIO/DZMM: Reaction lang po natin sa headline ng isang Thai newspaper calling the Philippines ‘Land of COVID’ when it reported about 165 Filipino teachers arriving there.

SEC. ROQUE: Ito iyong sa Thailand? Ito ba iyong sa Thailand?

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes po.

SEC. ROQUE: Well, kung ito iyong sa headline sa Thailand, alam ninyo po, bilang isang abogado na nagtatanggol sa karapatan ng mga mamamahayag at bloggers, napakadami ko na pong mga kliyenteng mga Thai bloggers at journalists. Wala po kasi talagang kalayaan ng malayang pamamahayag at pananalita diyan sa Thailand; kapag pinulaan mo ang Hari, pupuwede kang makulong. So sa tingin ko po, dahil marami silang hindi pupwedeng pulaan sa Thailand, pinulaan na lang nila tayo. Intindihin na lang po natin iyan. Tayo naman dito sa Pilipinas, alam natin ang kahalagahan ng malayang pananalita, tanggapin na rin po natin iyan bilang input sa malayong merkado ng ideas.

USec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Joyce Balancio. From Jay Lagang of PTV Davao: Matapos ang ginawang mandatory ang pagsusuot ng face shields sa land, sea and air public transportation, ano po ang assurance ng pamahalaan na may sapat na supply ng face shields sa bansa lalo na po doon sa far-flung areas ng Mindanao na una na ring nahirapan sa pagbili noon ng face masks?

SEC. ROQUE: Sisiguraduhin naman po ng ating DTI at ang DOH na dahil ginawang mandatory iyan sa pagsakay sa pampublikong sasakyan, magkakaroon po ng supply ang buong Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Jay Lagang: Maliban sa police stations, ano pa ang posibleng gamiting COVID-19 vaccination center ng bansa kung sakaling may supply na po ng bakuna?

SEC. ROQUE: Lahat po ng ating mga barangay health centers ay naririyan para maging network din natin kapag mayroon na pong bakuna.

USEC. IGNACIO: Iyong susunod pong tanong galing kay Kris Jose ng Remate, nasagot ninyo na po ito. Ito po iyong dapat magiging reaksyon ng Malacañang sa tabloid ng Thailand na tinaguriang ‘COVID-19 Land’ ang Pilipinas.

SEC. ROQUE: Okay. Si Joseph Morong of GMA.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! Good afternoon. Sir, first question doon sa statement ni Presidente na as much as he wanted to and he wanted to listen sa mga doctors, he really couldn’t because nga wala na daw pera sa gobyerno. Now, is that the President’s decision now after August 18, i-GCQ tayo?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam kung anong magiging desisyon dahil nakabase naman po iyan sa datos ‘no. Pero tingin ko po, mahihirapan manatili sa MECQ dahil nga wala na po tayong pang-ayuda. Ano naman ang gagawin natin sa ating mga kababayan kung hindi sila pupuwedeng magtrabaho at walang ayuda?

So, sa akin po, ang bagong mensahe natin ay ingat kalusugan po para sa hanapbuhay. Alam naman po natin kung paano mapapabagal ang pagkalat ng sakit na ito, gawin na po natin ito: Pagsusuot ng mask, social distancing, paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong transportasyon.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, still on this subject. Mukhang nakarating na, sir, kay Presidente iyong report ng OCTA Research and I’m sure the President has read that. In that report, ang sabi iyong R0 is slowing down – 1.18, so bumabagal iyong pagkalat ng COVID. However, as you said, there’s community transmission kasi 17—because the positivity rate is 17% na dapat 5%. What does the President think of this observation by this OCTA Research? Will this factor in the decision or will he disregard this because we have to put more weight on the economy?

SEC. ROQUE: Well, kung pupuwede po talaga na magbigay pa ng ayuda, siguro po pupuwede pang mapahabaan itong mas istriktong community quarantine. Pero iyon na nga po, bottom line po, naubos na po ang ating resources for ayuda.

So ang ating mensahe po, uulitin ko po iyan: Ingatan po ang kalusugan para sa hanapbuhay. At alam naman po natin ang gagawin sa ating mga pansarili, iyong tinatawag nga nating mask, wash your hands and social distancing.

At sa parte naman ng gobyerno, nakikita ninyo naman po, ngayon po nandito, nagti-train si Mayor Magalong sa buong rehiyon ng Davao kung paano talaga dapat gawin iyong tracing dahil talagang aminado naman tayo na kinakailangang mas paigtingin pa natin iyong tracing.

Kung tayo na ngayon ang isang pinakamataas pagdating sa actual testing sa buong Asya at hindi lang sa Southeast Asia, magkakaroon din po tayo ng isa sa pinakamagaling na tracing effort dahil nga po dito sa model ni Mayor Magalong.

Medyo po may panahon para diyan na kinakailangang i-invest. Pero kung paano po tayong the best and the most tests in the whole of Asia now, gagawin din po natin, magkakaroon tayo ng the best tracing and the most isolation facilities possible in the whole of Asia if not Southeast Asia. Iyan po ang ating ginagawa.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Alright. Sir, sa PhilHealth, of course, this investigation is a top to bottom investigation. Yesterday, the President said yayariin niya iyong mga involved sa corruption, however, iyong mga innocent ay walang dapat ipag-alala. What does the President think of President Morales’ involvement or non-involvement in the allegations of corruptions in PhilHealth?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo ang sinasabi ni Presidente, kilala niya bilang isang marangal na sundalo itong si General Morales; nais niyang makita ang ebidensiya ‘no. Consistent naman po siya kaya inaantay po niya ang resulta ng imbestigasyon ng task force na binuo niya at kasama naman po diyan kasi iyong PACC na mayroon nang nagawang imbestigasyon. So, hintayin na lang po natin ang gagawin ng task force.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Thank you for your time.

SEC. ROQUE: Last question? ‘Di ba three—okay. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Question from Francis Wakefield of Daily Tribune regarding po to the country’s claim on Sabah: Has President Rodrigo Duterte give any specific instructions or order on how this will come to be? Kasama po ba ito sa gusto niyang maisakatuparan before his term ends in June 2022?

SEC. ROQUE: Well, let’s put it this way ‘no, kakaiba po ang ating Saligang Batas sa buong mundo kasi tayo lang ang mayroong depenisyon ng teritoryo natin, at kasama sa depenisyon ng teritoryo natin diyan ay iyong historical claim to Sabah. So hindi po iyan binibitawan ng Presidente pero hindi rin po magiging dahilan iyan para magkaroon ng gusot sa ating mabuting samahan sa ating karatig-bansa na Malaysia.

Alam ninyo, tayong mga Pilipino bagama’t mayroon tayong mga issues na hindi nari-resolve ay talagang binibigyan natin ng importansiya ang mabuting relasyon lalong-lalo na sa kapitbahay ‘no, sa karatig-bansa, dahil mayroon tayong kasabihan, “Awayin mo na ang kamag-anak, huwag mo lang aawayin ang iyong mga kapitbahay.”

USEC. IGNACIO: Ang next question po niya: President is being harping about the vaccine being developed in Russia. Nabanggit pa niya, hopeful siya of a COVID-free December with the possible arrival of the vaccine. Some are saying na medyo counter-productive po ang pag-tout ni PRRD o ni President Duterte ng vaccine dahil baka isipin ng mga tao na dahil parating na ang vaccine ay maging complacent sila at lalong hindi sumunod sa quarantine guidelines. Wala pa naman kasing assurance daw na effective ito at nasa clinical trials pa lamang.

SEC. ROQUE: Francis, alam mo, napakahirap maging presidente. Hindi mo lang kinakailangang sabihin kung ano ang dapat gawin ng taumbayan sa panahon ng pandemya na tila nawawalan ng pag-asa ang taumbayan. So hayaan na po natin na magbigay ng pag-asa ang ating Presidente – libre naman po ang pag-asang iyan.

Pero doon sa sinasabi ninyong magiging counter-productive, hindi po. Kaya nga po kada-press briefing natin: Keep distance, wash hands and wear mask ‘no, dahil alam po natin na hindi po dapat kalimutan iyong mga bagay-bagay na alam nating sigurado po na magpapabagal ng pagkalat ng sakit. At kasabay nga niyan, uulitin ko, ginagawa rin po ng gobyerno pangnasyonal, panlokal ang dapat nilang gawin pagdating po sa testing, tracing and treatment.

USEC. IGNACIO: Third question po ni Francis: President Duterte has threatened to deploy military forces to enforce lockdown measures should there be a runaway contagion, saying that quarantine violators continue to disobey the rules set by the government to curb coronavirus transmission. Are we going to see in the next few days more troops in Metro Manila? Did the President also mentioned during the meeting last night na pabor siya na i-extend ang MECQ sa Metro Manila given the continued rise in COVID-19 cases kahit mabigat para sa ekonomiya?

SEC. ROQUE: Ang gagawin po nating istratehiya ‘no iyong dapat ginawa natin bago po nakiusap ang ating frontliners. Ang gagawin po natin ay localized and granular. Pagdating po sa localized and granular lockdown, siguro po hihingiin nga natin ang tulong, hindi lang ng kapulisan, kung hindi pati na rin po ng hukbong sandatahan.

So hindi naman po ibig sabihin palibhasa magkakaroon tayo nang mas less strict na community quarantine na hindi na po tayo magpapatupad ng ECQ. Ang localized at ang granular lockdown po, ECQ po iyan. Iyong ibang mga lugar nga kagaya ng Quezon City, sabi ni Mayor Joy Belmonte, total lockdown; pati sa trabaho ay hindi ka papapasukin at padadalhan ng liham iyong employer na hindi ka pupuwedeng lumabas ng bahay. So ganiyan katindi naman po iyong gagawin natin para nga ma-contain po iyong pagkalat ng sakit. At na-identify naman po natin ang mga clusters kung nasaan iyong mga kaso ng COVID-19 dito po sa Metro Manila. So kaya po nating i-localize or granular lockdown iyang mga areas na iyan.

Pia Rañada of Rappler.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Good afternoon, Secretary. Sir, just on the Russian vaccine. So last night, the President spoke as if it was a done deal na, he will distribute the Russian vaccine to Filipinos po iyong trials. Sir, has the government thoroughly assessed the safety of this vaccine? Because health experts have raised concerns that Russia is shortcutting their vaccine trial’s process and they actually skipped daw phase 3, and so parang may …there might be a compromise to safety. So, sir, may assessment po muna before the actual trial among Filipinos?

SEC. ROQUE: Hindi naman po ano. Ang sabi po ni Presidente, nagpapasalamat siya. He is grateful doon sa offer ng Russia. Pero sinabi rin niya na kinakailangan din nating sundin ang batas na umiiral sa Pilipinas dahil nga po walang gamot na pupuwedeng ibigay sa publiko na hindi dumadaan sa FDA. Ang FDA naman po ay hindi mag-iisyu ng permit to utilize sa isang gamot kung wala po iyong clinical trial.

So dadaan din po iyan sa proseso natin iyan. At naiintindihan naman po ng mga Russians iyan dahil may batas po kasi. Unless the FDA declares nga an emergency, compassionate use, iyon po pupuwede ‘no. Pero for mass distribution, tingin ko po, dapat sundin pa rin iyong batas and that calls for clinical trials po. Puwede naman po ang gobyerno gumastos diyan sa clinical trials na iyan.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, kung hindi po pumasa, possible na walang Russian vaccine to be tried on Filipinos here. If so, sir, isn’t it premature for the President to be talking about ironing out, like supplies, amounts, etc., to Russia or even … iyon, sir, iyong those details, sir?

SEC. ROQUE: Hindi naman po ‘no because, number one, it was a generous offer for which we have to be thankful for ‘no. Tayong mga Pilipino naman ay pulaan na tayo, pero ang utang na loob ay isa talagang binibigyan natin ng halaga.

So tingin ko naman ay in-articulate ni Presidente iyong gratefulness at iyong utang na loob natin dahil isa sila … sila ang pinakaunang nag-offer ng vaccine sa atin ‘no, at hinding-hindi makakalimutan ng sambayanang Pilipino iyang kabutihang-loob na iyan.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, Quezon City Mayor Joy Belmonte says the DOH is providing incomplete data to LGUs and this is delaying their contact tracing efforts. So, sir, how does the national government aim to reach its contact tracing targets when something as basic as providing case information can’t be done? What will Malacañang do about this?

SEC. ROQUE: Alam ko naman po ay may sariling epidemiological office ang Quezon City ‘no. So siguro kung ano iyong kakulangan ng nasyonal, pupuwede naman pong ma-supplement iyan ng Quezon City. Okay?

By the way ha, may lumabas na nga pala sa Rappler na artikulo tungkol sa aking press briefing. Linawin ko lang po ‘no iyong “Willie Revillame hijacks Roque press briefing to promote charity.” Wala pong ganoong nangyari ‘no. Pinatapos po natin ang press briefing bago natin pinasalamatan at binigyan ng pagkakataon si Kuya Wil na magsalita.

So sa amin naman po, nakisuyo tayo kay Kuya Wil kung puwedeng magamit iyong kaniyang studio dahil naka-lockdown nga po ang NEB at kung nasaan ang amin ang briefing room na pinagbigyan naman po. So bilang pasasalamat lang po ang ginawa natin na niyaya po natin siyang magpakita sa huling parte ng briefing. Likas na matulungin naman po si Willie, walang pinagkaiba ang pagtulong niya sa panahon ng pandemya noong panahon ng Yolanda. Wala pong pulitika roon at wala pong hijacking.

Next po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Roque, question from Jopel Pelenio of DWIZ: Posible po bang manatili sa MECQ classification ang National Capital Region at ilang karatig-lalawigan nito after August 18 at kakayanin pa ba ng ekonomiya kung muling palalawigin ang MECQ?

SEC. ROQUE: Ang tanong ay kung posible, ang sagot ko ay anything is possible but highly unlikely. Next question, please.

USEC. IGNACIO: Magkakaroon ba ng epekto sa opening ng online classes ngayong August 24 ang posibleng susunod na quarantine classification ng National Capital Region at ilang karatig-lalawigan?

SEC. ROQUE: Wala naman po kasing face-to-face class na gagawin. Lahat po tayo ay blended learning at wala pa pong utos si Presidente na huwag ituloy ang blended learning. So tuloy po tayo sa pagbukas po ng klase bagaman at prerogative po ni Presidente na pigilan iyan kung gugustuhin niya ‘no. Sa ngayon po, wala pang ganoong order.

Melo Acuña? Yes, Melo.

MELO ACUÑA: Good afternoon, Secretary. Unang tanong: May paraan po ba ang pamahalaan [garbled] noong kanilang rental? May mga restaurants na nagsasarado dahil sa mataas na rental [garbled] mga landlords na magbawas man lang kahit kaunti?

SEC. ROQUE: Tingnan po natin kung maisisingit iyan sa Bayanihan II. Pero sa ngayon po, pakiusap ng Presidente, huwag naman po sana magbigay pa ng additional na pahirap sa ating mga kababayan ‘no kung puwede po. Lahat po tayo talaga ay nagkaroon ng danyos dito sa pandemyang ito. So ang pakiusap po ng Presidente sa lahat lalo na iyong mga nagpapautang, kung pupuwede po bigyan natin ng konsiderasyon iyong mga umuupa sa atin. Talagang napakahirap po ng buhay para sa lahat ngayong mayroong pandemya.

MELO ACUÑA: Mayroon po bang sapat [garbled] tugunan ninyo iyong pangangailangan ng mga guro at iba pang government workers na maaring magkaroon ng COVID-19 [garbled]?

SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo iyong mga guro natin considered na rin silang frontliners, kasama na rin po sila doon sila doon expanded targeted testing natin. At lahat naman po ng magkakasakit ay tinutulungan ng ating gobyerno sa pamamagitan ng PhilHealth, mayroon po silang case rates na ibabayad sa mga ospital depende kung gaano kalala po ang mga sakit. Kung hindi po ako nagkakamali, kung talagang seryosong sakit ng COVID, up to 700,000 naman po iyong binibigay naman ng PhilHealth. So lahat po makikinabang doon po sa ating isinulong sa Universal Healthcare.

MELO ACUÑA: [Garbled] mukhang may problema pa roon. Magtataas po ba ng alert level ang [garbled]

SEC. ROQUE: Hindi ko po nakuha ang tanong ninyo, garbled po kayo. Ano po iyong tanong ninyong last question?

MELO ACUÑA: [Garbled] gobyerno sa Lebanon nagbitiw, parang may problema pa ngayon matapos iyong pagsabog noong nakalipas na Martes. [Garbled] makauwi iyong ating mga kababayan na maaaring apektado sa Lebanon?

SEC. ROQUE: Patuloy po ang DFA na gumagawa ng hakbang na pauwiin ang lahat ng gustong umuwi galing po diyan sa bansang Lebanon, hindi po tumigil iyan. Okay. Maraming salamat, Melo. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay, question from Rose Novenario of Hataw: Ilang beses inihayag ng ilang admin officials ang maayos na quarantine isolation facilities para sa COVID-19 patients. Pero mismong OP Engineering Office na pinamumunuan ni Engineer Torres ay inilagak nang mahigit dalawang linggo ang dalawang COVID-19 positive nilang empleyado sa tambakan ng constructions materials at sirang gamit, tumutulong ang bubong, walang kusina, silid at tulugan. Pananagutin ba ng Palasyo si Torres sa hindi makataong trato sa mga empleyado at paglabag sa itinakdang quarantine protocols ng IATF?

SEC. ROQUE: Rose, in fact, nakarating sa akin iyan humingi ako ng detalye, pero hindi ko po nakuha iyong pangalan at kung saan talaga sila naka-quarantine. Dahil ang Oplan Kalinga naman po, iyan po ay pinapatupad ng lokal na pamahalaan so lokal na pamahalaan sana po ang pasusundo ko. Pero hindi ko po nakuha iyong pangalan nitong dalawang COVID positive at kung exactly saan sila sa Malacañang, we could have helped.

Pero kung totoo po na doon sila pina-quarantine, under inhumane conditions, siyempre po, I will call out the attention of Mr. Torres coursing it through the Executive Secretary dahil siya naman po kumbaga ang tumatayong boss ng Office of the President bukod kay Presidente siyempre. Asahan ninyo po iyan.

USEC. IGNACIO: Question from Arianne Merez of ABS-CBN Online. Defense Secretary Lorenzana said Metro Manila is ready to return to GCQ after MECQ. Does the Palace agree and why?

SEC. ROQUE: Tagapagsalita rin po kasi ako ng IATF. Hayaan na po muna nating i-discuss iyan ng IATF. Ang mga sinasagot ko lang kanina iyong sinabi mismo ni Presidente na ubos na ang ating pang-ayuda. Pero doon sa actual decision, I cannot preempt po the IATF. So, let’s wait for the IATF decision.

USEC. IGNACIO: With the President’s remarks last night daw po, does this mean that Philippines will get is first COVID-19 vaccine from Russia and not in China?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo ang dilemma ni Presidente noong sinabi niya na siya ang mangunguna na kumuha ng vaccine. Ang tanong niya: Kung magpa-vaccine ako sa Russia, puwede pa ba akong magpa-vaccine sa China? Puwede pa ba ako magpa-vaccine sa England at sa Amerika? So siyempre ang sagot in Secretary Duque ay baka hindi. So tingnan lang po natin kung ano talaga ang mangyayari. Sa ngayon, ang nangyari po talaga ay sinabi po ng Russia puwede silang magbigay ng vaccine, tinanggap po natin iyan. Pero siyempre po kinakilangan ipatupad natin iyong mga umiiral na batas.

USEC. IGNACIO: Question from Mela Lesmoras of PTV: May hazard pay po ba sa government workers under MECQ ulit? At ano pong tulong ang maibibigay ng government sa mga kawani na nagka-COVID matapos po mag-expire ang Bayanihan Act 1.

SEC. ROQUE: Well, ang hazard pay po sa MECQ – iyong pulis, sundalo talagang mayroon naman po iyan. Pero iyong hazard pay po na sang-ayon sa We Heal as One Bayanihan Act 1 ay hindi pa po iyan na re-renew, bagama’t alam naman po ninyo parehong Mababang Kapulungan at ang Senado ay tapos na ng kanilang bersiyon at papunta na po ito sa bicameral committee. Ibig sabihin magkakaroon na po tayo ng Bayahinan II. So, tingnan po natin kung ano ang nakasaad sa Bayanihan II.

USEC. IGNACIO: From Tina Mendez ng Philippine Star: Apart from China and Russia, Ambassador Romualdez said Secretary of State Mike Pompeo also vowed US help in securing vaccine which are now being developed by big pharmas in the US. How come the President is more optimistic with Russia’s promise to provide us with the vaccine? Will President Duterte also subject himself to clinical trial if US finds a vaccine first?

SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo ang Presidente naman noong nag-offer ang Russia nagagalak siya kasi parang nagbunga na nga iyong kanyang independent foreign policy na tayo ay kaibigan ng lahat at wala tayong kalaban. Dahil kung sinusunod natin iyong polisiya dati na ang kaibigan lang natin ay Estados Unidos, siyempre hindi naman mag-o-offer ang China at Russia.

Pero ngayon na mayroong ganitong pandemya, pinapakita niya sa taumbayan na it helps and it pays na kaibigan tayo ng lahat dahil lahat ng kaibigan natin nagbigay na po ng assurance na makakakuha tayo ng vaccine kapag sila po ay nag-develop. Kung inaway po natin ang isa o dalawa sa kanila, eh di walang ganyang offer; aasa lang tayo sa isang bansa. Ngayon po, puwede nating asahan dahil sa ating independent foreign policy, lahat po ng makaka-develop ng vaccine ay mabibigyan po tayo.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Tina. As of yesterday, there are new cases of 6,958 with 4,163 recorded in Metro Manila. Can you please give us an idea how do the government is implementing step by step contract tracing on these cases? Gaano po kabilis ang paghanap sa exposed individuals? Ano ang challenges na-meet sa pag-contact tracing?

SEC. ROQUE: Well, okay, unang-una po dahil napakadami nga po ng ating kaso, hindi siguro natin magagawa iyong ginagawa sa Baguio na 1 is to 37 close contacts ang hahanapin ng tracers. Ngayon po, minimum 1 is to 10.

Pangalawa po, siguro po ang isa talagang i-activate na natin at iyong computer program, iyong apps na dinevelop po ng Google at saka ng Apple jointly. Tinanggap naman po natin iyang program na iyan at iyan po ay ipapatupad noong safety.ph ‘no. So naantala po ng somehow itong implementation na ito kasi kinakilangan na ibigay iyong datos na hawak po ng safety.ph doon po sa DOH dahil otherwise ay baka magkaroon po tayo ng paglabag doon sa ating batas na tinatawag nating Data Privacy Act. Pero ngayong nai-assign na po lahat ng datos at gobyerno na po ang mag-aari ng datos na makakalap natin dahil sa app na ito, inaasahan po natin na talagang mas mapapaigting na natin itong tracing.

USEC. IGNACIO: Question form, Angel Ronquilio of DZXL-RMN. Palace reaction po sa sinabi ni Senator Hontiveros na ang record high na almost 7,000 COVID cases kahapon po ay wakeup call sa gobyerno at panahon na para rebisahin ito ang strategy sa pagtugon sa COVID-19.

SEC. ROQUE: Alam ninyo po araw-araw niri-revise po iyan at araw-araw po iniisip talaga ng lahat sa gobyerno, lahat po kami wala nang hindi nagtatrabaho nang minimum of 14 hours a day para makahanap po ng mas mabuting pamamaraan para ma-control po itong COVID-19. We may not be as successful, but I can assure you, everyone is working darn hard to find a solution to the problem. Kung magkulang man, well, pagpasensiyahan po pero hindi ninyo po maaakusa ang gobyernong ito na natutulog sa pansitan.

USEC. IGNACIO: Reaksiyon din daw po ng Palasyo sa suhestiyon ni Vice President Leni Robredo na gumamit ng online platform ang pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19. Inihalimbawa nito ang mobile phone app sa Singapore na Trace Together kung saan madi-detect ang lokasyon ng isang tao at bibigyang babala ito kung mayroong nagpositibo sa virus na malapit sa kaniyang lugar.

SEC. ROQUE: Ginagawa po natin iyan doon sa safety.ph kaya lang po mayroon tayong privacy law na kinailangang ipatupad at ito po iyong naging dahilan kung bakit naantala ang paggamit ng computerized app dahil sensitibo po iyong batas natin sa privacy. Hindi ko po alam kung may ganiyang batas sa Singapore dahil alam naman natin ang Singapore, talagang Big Brother watching its citizen. So hindi naman po tayo ganoon, so kinakailangan sumunod po sa batas.

USEC. IGNACIO: From Louell Requilman of Banat Pilipinas News Davao Media: Kapag po ba sinasabi ng Pangulo na wala nang pera pang-ayuda, ibig sabihin po ninyo dito ay naubos na ang pondo under Bayanihan I? Ngayon po na pumasa na sa Congress and Senate ang Bayanihan II, masasabi po ba na may pondo na ulit tayo to combat COVID-19 kapag napirmahan na ng Pangulo ang batas na ito?

SEC. ROQUE: Iyong 160 billion po na nasa Bayanihan II package ng Kamara, alam ko po iyan ay para naman makabangon tayo ‘no. Alam ko po mayroon tayong maraming subsidiya para sa mga apektadong mga industriya, marami tayong mga pautang para magkaroon ng hanapbuhay muli ang ating mga kababayan pero hindi po ako sigurado kung magkakaroon ng ayuda na kagaya noong ayuda na pinamigay natin sang-ayon po sa Bayanihan I.

Okay, one last question po. Parang ang dami nating question ngayon. Parang the fact that I’m in Davao inspired the Malacañang Press Corps, the Panacañang Press Corps to ask questions ha. Sige po, one last question po.

USEC. IGNACIO: Secretary, last two na lang po, last two questions. Ito iyong isa, follow up po ito ni—

SEC. ROQUE: O sige, last two questions.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up niya: May maaasahan po bang ayuda ang mga napailalim na sa MECQ na areas that Bayanihan II passed Congress and Senate?

SEC. ROQUE: Tingnan po natin kung anong batas na ipapasa po ng ating Kongreso. Nakabase po iyan sa Bayanihan II dahil alam ninyo naman nakasaad sa ating Saligang Batas, walang pondo na galing sa kaban ng bayan ang pupuwedeng gastusin na walang batas na binuo po ng representante ng taumbayan.

USEC. IGNACIO: Okay. Last question po, pero bago ang last question, Secretary, Happy Birthday po kay Asec. Queenie Rodulfo and si Rhoda Hernandez po nandiyan sa PTV-Davao. Question from—

SEC. ROQUE: Inunahan mo naman ako [laughs]. Happy Birthday kay Rhoda at happy birthday Asec. Queenie.

USEC. IGNACIO: Kasi baka putulin ninyo ako, Secretary [laughs]. From Vanz Fernandez: Bakit po sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala tayong pera in his public address last night samantalang sinabi po ng DBM and Bangko Sentral ng Pilipinas we have enough funds. Now, which is which?

SEC. ROQUE: Iyan po ay para sa ayuda, kasi nga po nakasaad sa ating Bayanihan: We Heal as One Act na mayroon tayong ayuda na ibibigay sa 18 million na mga kababayan in two tranches ‘no. So iyon po iyong naubos ‘no. Well I just got a message na hahabol daw po si Secretary Galvez ‘no, so please feel free to ask more questions Malacañang and Panacañang Press Corps.

Habang inaantay natin si Secretary Galvez, siya po ay nanggaling sa regional IATF meeting na pinamunuan po ni Mayor Sara Duterte sa PNP Headquarters at siya po ay ora-oradang nagbibiyahe para sana po ay makaabot sa ating press briefing dahil as Chief Implementer ng COVID-19 Task Force, nais nating malaman matapos ang mahigit isang linggo ng MECQ, ano na ang aasahan, ano na ang nagawa natin sa mga bagay-bagay na nais nating makamit.

So yes Usec., kung mayroon ka pang mga tanong please ask them or puwedeng mag-round 2.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, wala na pong tanong dito iyong ibang mga reporters pero si Joseph Morong po yata may—hindi ko lang po alam kung na-contact na siya ng PTV sa vMix.

SEC. ROQUE: Parang may utang ako sa kaniya eh, dahil parang dalawa lang iyong natanong ni Joseph Morong. So please…

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa Russia, the President’s statement last night was, the last time he went there sabi ni President Putin that if there’s anybody who might need a confinement or treatment in Russia, willing iyong Russia to extend help. But at that time, October 2019, that was the last time the President went there, wala pang COVID. But can you explain to us the context of why President Putin would tell President Duterte that, you know, kung may gustong magpa-confine sa inyo eh okay sa Russia?

SEC. ROQUE: Well, iyan po ay tingin ko patunay na mayroong tunay na pagkakaibigan sa panig po ng bansang Russia at sa bansa ng Pilipinas. Alam ninyo po, malapit talaga tayo sa Russia pagdating po sa medisina kasi noong panahon po na bumisita si Russia, Kongresista pa ako noon, sinusulong natin iyong Universal Healthcare at binigyan po kami ng briefing ‘no.

Dapat nga po pupunta ng St. Petersburg para talaga makarating doon sa Health Ministry ng Russia. Binigyan kami ng briefing at nagkaroon po ako ng karanasan diyan na naiwan ko iyong aking insulin, so bumili ako ng insulin sa Russia at nadiskubre ko na 10% lang iyong presyo ng insulin sa Russia kumpara dito sa Pilipinas.

So sinabi ko kay Presidente, tinanong naman namin doon sa Ambassador at tinanong sa Ministry of Health nila, ang sabi kasi nila mayroon silang centralized purchasing ng lahat ng gamot ‘no so talagang napapababa nila iyong mga gamot. So matapos po iyan ay dapat nagkaroon ng full pledge briefing ang Presidente on the universal healthcare policy ng Russia, hindi nga lang po natuloy dahil pumutok ang Marawi at kinailangang umuwi kaagad.

So talaga pong malalim iyong pagsasamahan ng Pilipinas at ng Russia dahil naintriga po talaga si Presidente; number one, paano napababa ng Russia iyong halaga ng gamot at pangalawa, paano nalilibre ng Russia ang medical care at medicine talaga sa kaniyang mga kababayan. So iyon po iyong nais talaga nating matutunan sa Russia at ngayong mayroon silang vaccine, siyempre po nais din nating makinabang kung talaga po ito ay ang magiging susi sa laban sa COVID-19.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, just one last, sir. I’m not sure alam ninyo na po but si former Comelec chairman Sixto Brillantes has passed on just a couple of hours ago. The family confirmed it. Any statement.

SEC. ROQUE: We condole po with the family of Chair Brillantes and of course, he served the nation well when he was chairman of the Comelec. Our condolences po.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Sino pa po ang mayroong tanong habang hinihintay natin si Secretary Galvez?

Well, wala ng tanong eh, so sabihin na lang natin kay Secretary Galvez igi-guest natin siya on Thursday kasi wala ng tanong but… nandito ba?

Wala eh… wala eh…

Okay. Maraming salamat po! Hindi na po natin mahihintay si Secretary Galvez pero mayroon pong tele—So, sa susunod po ige-guest po natin si Secretary Galvez at saka si Secretary Vince. Paumanhin po dahil nga po ito sa nagaganap na regional IATF meeting. Sinamantala rin po ng ating mga czars at ni Secretary Año at ni Secretary Lopez iyong pagkakataon na ito na nandito sila sa Davao para pulungin po iyong regional IATF.

Well, isasara ko po ang ating press briefing this time with a verse from the Bible, kasi hindi lang naman po tracing, testing at treatment ang sagot sa COVID-19.

And I’m quoting from Psalm 91, verses 1 – 3: Whoever dwells in the shelter of the Most High will rest in the shadow of the Almighty. I will say of the LORD, “He is my refuge and my fortress, my God, in whom I trust. Surely, He will save you from the fowler’s snare and from the deadly pestilence.

Panginoon po, hindi tayo papabayaan sa pandemyang ito.

Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, broadcasting from Davao, ito po ang inyong Spox Harry Roque saying, stay safe and healthy, Pilipinas.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)