SEC. ROQUE: [AIRING STARTS] …Ito po iyong mga tinatawag nating mga returning residents sa panahon po ng pandemya. At siyempre po, nandiyan po iyong recommendation natin na in-adopt po ng IATF, iyong SAP Technical Working Group on Vaccine Development na ang protocol po natin sa mga clinical trials ay unang-una: Lahat po ng mga nag-a-apply for clinical trials firstly be submitted to vaccine expert panels, reviewed by designated head of panels as submitted to the Food and Drugs Administration for approval. Magkakaroon po tayo ng zoning guidelines para sa mga clinical trials na i-isyu po ng working group on vaccine development to avoid competition po para sa sites, iyong mga lugar kung saan gagawin itong mga pag-aaral na ito.
Iyong mga lokal na pamahalaan ay dapat bigyan ng prayoridad iyong World Health Organization on Solidarity Trials or working development trials at saka iyong Philippine Research Ethics Board ay dapat i-review iyong Ethical Guidelines para sa COVID-19 trials at saka iyong mga standard compensation na binibigay po doon sa mga sasapi sa WHO Solidarity Trial at iyong mga iba pang clinical trials.
Bukod pa dito, noong isang araw ay napagkasunduan din po ng National Task Force on COVID-19, na bukod po doon sa pagsusuot ng face shields sa pampublikong transportasyon, sa trabaho, ay dapat isinusuot na rin ang face shield sa mga nakasaradong commercial establishments kagaya ng mga malls.
So, iyan po ang anunsiyo. Iyong listahanan, iyong mga tao ng listahanan, APORs po sila, they are allowed to travel inter and intra-zone of travels. Pangalawa po, iyong polisiya na ang mga lokal na pamahalaan ay dapat tanggapin ang mga nagbabalik nilang mga residente; at pangatlo, tungkol po sa clinical trials.
LESMORAS: Opo. Sir, bukod po sa ating anunsiyo, inaabangan din kasi ng ating mga kababayan ang tungkol sa next IATF meeting na nasabi ninyo na rin po, sa Lunes na po iyan. Kailan po kaya iyong swab test po ninyo at tulad noong nakaraan, via video conferencing po ba ito o personal po kayong pupunta sa Davao City?
SEC. ROQUE: Hindi pa po namin alam. Wala pa po kaming advise kung saan magaganap ang susunod na pagpupulong kay Presidente. Pero kami po, naka-schedule po kami ng swab test bukas. Matatapos po iyong fourteen days namin mula kami magkaroon ng huling pagkikita ni Secretary Año sa Lunes, pero minabuti pa rin po namin na sa Sabado ay magpa-swab test pa rin.
LESMORAS: Opo. And sir sa Bayanihan 2 lang po, nabanggit po natin sa press briefing natin kahapon wala pa tayong natatanggap na kopya. Ngayon po ba ay natanggap na natin ito at meron po ba tayong kumento rito sa nilalaman nung bicam na Bayanihan 2 Bill?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po minimum P140 billion nga iyang stimulus package natin bukod pa doon sa pag-i-extend ng mga specials powers na ibinigay sa ating Presidente noong Bayanihan 1. So karamihan po dito cash for work at mga pautang po sa iba-ibang sektor po ng ating lipunan.
LESMORAS: At panghuli na lang po sir, ang update kasi mula kagabi ay naghain ang DFA ng panibagong protesta laban sa China this time ay about naman po sa confiscation ng materials ng mga Pilipinong mangigisda noong Abril. Ano po ang komento dito ng Palasyo at makakaapekto po kaya ito sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa China para naman sa COVID-19 vaccine?
SEC. ROQUE: Hindi naman po ‘no, iyang mga protesta naman ginagawa talaga iyan ng ating mga diplomats kung meron sa tingin natin nalalabag sa ating soberenya o doon sa tinatawag nating sovereign rights. Pero hindi naman po makakaapekto iyan doon sa kabuuan ng ating matalik na pagsasamahan sa panig ng bansa natin at ng bansang Tsina.
LESMORAS: Okay po. At iyan si Presidential Spokesperson Harry Roque; maraming salamat po sa inyong mga update sa atin ngayong umaga.
SEC. ROQUE: Magandang umaga po sa inyong lahat at maraming salamat po.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)