Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Balitang IATF muna po tayo. Naratipikahan po noong Huwebes, ika-20 ng Agosto, ang National Household Targeting System for Poverty Reduction or Listahanan ng DSWD bilang mahalagang serbisyo ng gobyerno.

Ano po ang ibig sabihin nito? Ang mga surveyors, enumerators at supervisors ng DSWD regional offices ay kinukonsidera na pong APOR or Authorized Persons Outside of Residence. Dahil dito, pinapayagan sila ng inter-zonal at intra-zonal travel.

In-adopt ng IATF bilang national policy po ang direktiba sa lahat ng provincial governors, city and municipal mayors at punong barangays na tanggapin at gumawa ng kinakailangang mga hakbang para ma-manage ang pagbabalik po ng kanilang mga residente sa kanilang mga lugar sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Naaprubahan din po ng IATF ang rekomendasyon ng sub-technical working group tungkol sa vaccine development. Una, lahat ng aplikasyon ng clinical trials ay kinakailangan munang isumite sa vaccine expert panel na niri-review ng ethics board at ipinasa sa Food and Drug Administration.

Pangalawa, kinakailangan pong maglabas ang sub-technical working group on vaccine development ng zoning guidelines para sa vaccine clinical trials para maiwasan ang kumpetisyon po.

Pangatlo, kinakailangang bigyang prayoridad ng local government units ang World Health Organization’s solidarity trial bago ang independent trials.Pang-apat, kinakailangang i-review ng Philippine Health Research Ethics Board ang ethical guidelines ng COVID-19 clinical trials at i-standardize ang kompensasyon sa trial participants ng WHO solidarity trials at independent clinical trials.

Naratipikahan din po ng Senado noong Huwebes ang bicameral report ng Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Act. Ngayong araw naman po ay inaasahan na raratipikahin ang bicameral report ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Mataas po ang ating kumpiyansa na malaki ang maitutulong ng Bayanihan II sa muling pagbangon ng ating ekonomiya.

Ito po ang ilan sa mga salient points ng bicam report ng Senado: Sa Bayanihan II ng Senado, mayroon pong 140 billion na galing sa regular appropriations at mayroong 25.5 billion na standby fund na manggagaling sa savings at unused funds. Sumatotal, mayroon pong 165.5 billion na stimulus sa ilalim ng Bayanihan II.

Ito po ang breakdown ng 140 billion package sa Bayanihan II:

  • 13.5 billion para po sa mga sumusunod na health related responses: 3 billion para sa pagbili ng face masks, PPEs, shoe covers at face shields; 4.5 billion para sa pagtayo ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, dormitories at expansion ng government hospital capacity.
  • 13 billion naman po para sa cash-for-work program at iba pang support programs.
  • 39.472 billion as capital infusion para po sa mga government banks – ito po ay para mapautang din ‘no: 5 billion po para sa Philippine Guarantee Corporation; 18.4725 billion para sa LandBank of the Philippines; 6 billion para po sa Development Bank of the Philippines; at 10 billion po para sa DTI Small Business Corporation or Medium and Small scale industries/cooperatives; hospitals, OFWs at turismo.
  • 24 billion assistance sa sektor ng agrikultura para po sa Plant, Plant, Plant initiative ng Department of Agriculture.
  • 9.5 billion assistance sa sektor ng transportasyon.
  • 100 million subsidies at training ng tour guides.
  • 3 billion po, assistance para sa development ng smart campuses ng mga state universities ang colleges.
  • 600 million subsidies at allowances para sa mga kwalipikadong estudyante.
  • 300 million po, subsidies at allowances para sa mga na-displace na teaching at non-teaching personnel.
  • 1 billion additional scholarship funds para po sa TESDA.
  • 6 billion naman po para sa mga programa ng DSWD.
  • 4 billion po para sa Digital Education Information Technology and digital infrastructures and alternative learning modalities ng DepEd – iyan po iyong para sa blended learning.
  • 1.5 billion po assistance sa mga LGUs.
  • 180 million po para sa allowances ng ating mga pambansang atleta at coaches.
  • 820 million assistance para sa overseas Filipinos sa ilalim ng DFA.
  • 4 billion po para sa industriya ng turismo.
  • 4.5 billion para sa pagpapatayo at pagmi-maintain po ng isolation facilities at iba pang requirements tulad ng billings sa mga hotel, pagkain at transportasyon ng mga pasyente na may COVID-29 na ang Office of Civil Defense or National Task Force.
  • 5 billion din po para sa pagkuha ng contact tracers.
  • 2.5 million para sa mga Professional Regulation Commission computer-based licensure examinations.
  • 2 billion para sa pagsa-subsidize ng bayad sa internet ng new and existing loans ng mga LGUs sa LandBank at DBP.
  • 10 million po para sa COVID-19 research.
  • 15 million para sa pagtatayo ng computational research laboratory ng UP Diliman Institute of Mathematics. Ito po ay para magpuproseso ng big data analysis para sa COVID-19 at iba pang pandemic research.

Kasama sa 25.5 billion na standby fund ay ang paglaan ng 10 billion para sa COVID testing at pagbili ng gamot at bakuna kontra COVID-19.

Makakaasa ang taumbayan na bawat sentimo ay mabibilang at magagamit po sa tama. Ito po ay makakarating sa taong lubhang apektado ng COVID-19 at mga sektor na tinamaan ng pandemya.

Ito naman po ang ilan sa naging aksiyon ng pamahalaan sa pag-manage ng COVID-19 sa datos as of August 21, 2020. Makikita sa infographics ngayon po ang distribution ng family food packs quarantine and facilities at accredited laboratories sa bawat rehiyon. Ang sumatotal po, nakapagbigay po tayo ng food packs to 17.96 million households. Ang number po na food packs na distributed ay—mali po. Ang number of poor and low income households po ay 17.96 million. Nakapagbigay po tayo ng food packs sa 1.686 million. Ang available food packs po natin in standby ay 292,941; ang confirmed COVID-19 cases po natin ay 182,365 – this is as of August 21 po.

Bukod po sa food packs ay mayroon din po tayong mga tulong na ibinigay sa ating mga OFWs. Mayroon na po tayong 143,674 OFWs na na-repatriate ‘no. Ang DOTr po ay nakapagpauwi na ng 137,180 returning OFWs and 1,517 stranded seafarers. And DOTr din po ay nag-facilitate ng conduct ng PCR testing sa 152,656 repatriates diyan po sa NAIA One-Stop Shop. At ang DOT naman po ay nakapagbigay ng 53,637 room accommodations para po sa mga umuuwing mga OFWs.

Sa transportasyon naman po, nagbigay po tayo ng 598,771 libreng sakay sa health and frontline workers. Sa mga foreign tourist po, 24,087; iyong mga ambulances po for emergencies, ito pong trips na ginawa ng mga ambulansiya, 1,914; at nakapag-isyu po ng rapid pass QR codes to 343,242.

Sa sanitation po, nag-isyu po ng 1,240 permits ang DENR sa mga permits to transport healthcare wastes. Sa impormasyon naman po, ang DICT ay nakapag-install po ng libreng WiFi sa 38 public health facilities and 221 quarantine and government facilities nationwide.

COVID-19 updates po tayo. Sa buong mundo po, mayroon na pong 23,349,139 ng kaso worldwide. Ang limang pinakamataas po na mga bansa na pinakamaraming kaso ng COVID ay ang Estados Unidos – 5,701,514; Brazil – 3,605,783; India – 3,044,940; at ang Russia – 954,328; at ang panlima po ay ang South Africa – 609,773.

Sa Pilipinas po, mayroon po tayong 52,236 na active cases out of a total case of 189,601. Sa mga aktibong cases po, ang mabuting balita po, asymptomatic ay 6.1%, ang mild po ay 91.5%. ang severe ay 15 lamang po at critical ay 1.4% lamang po.

Marami po ang nag recover na sa sakit – 131, 367 bagaman at 2,998 na po ang mga nasawi. Nakikiramay po kami muli.

Now, sa ating testing po, mayroon na po tayong na-test na 2,150,514 na ating mga kababayan; mayroon na po tayong 82 na licensed RT-PCR laboratories at 27 licensed gene expert laboratories.

Well, kung kayo po ay naguguluhan kung anong iisipin, kung anong nangyayari sa ating COVID      response, well, pakinggan po natin si Doktora Rabindra Abeyasinghe, ang WHO representative sa Pilipinas. Ang sabi po niya, and I quote, “Don’t be discouraged by the fact that you have a lot of cases being reported nationally, that is an acknowledgement of the fact that you have expanded your testing capacity. The fact that you have one of the lowest proportions of fatal cases in the region also is an acknowledgement that you have expanded your clinical capacity, your hospital capacities. You have equipped your clinician through proper training.”

Sabi po ng WHO, huwag naman po tayong ma-discourage ng napakadami nating cases dahil ito po ay dahil na rin po sa pagkilala na tumaas na ang ating actual testing na ginagawa sa ating bansa. At ang katotohanan po na isa po tayo sa pinakamababang mga namamatay sa COVID ay patunay na nagkaroon na po tayo ng mga bagong mga pamamaraan para gamutin ang ating mga pasyente.

Okay! Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon, unang-una po, si USec. Vergeire. Noong huling naging panauhin po natin siya diniscuss po niya in detail iyong Bida Programa ng DOH, ngayon naman po idi-discuss niya in detail iyong tinatawag nating “CODE.” Ito po iyong pagbahay-bahay na paghahanap ng mayroong mga sintomas ng COVID-19. Kasama rin po natin maya-maya lang si USec. Bong Vega para naman po magbigay ng update doon sa ating One Hospital Command Center.

USec. Vergeire, the floor is yours.

USEC. VERGEIRE:   Magandang tanghali po sa inyong lahat. At magandang tanghali, Spokesperson Harry Roque. Magandang tanghali din po, USec. Bong Vega.

Ako po ngayon ay magbibigay ng presentasyon kung saan ipapakita ho natin kung ano po iyong mayroon tayo ngayon sa response galing po sa ating gobyerno and to focus on, as Spokesperson Harry Roque has mentioned, on the CODE strategy.

Can we have my slides, please?

Okay na po iyong slides?

SEC. ROQUE:   Okay…

USEC. VERGEIRE:   So ngayong araw po, dalawang parte po ang magiging presentation ko. The first part would be just an update on the surveillance and the health capacity like testing, hospitals and isolation facilities of the country and iyong kasunod po ng presentation ko, the next part would be the CODE strategy. This is the Coordinated Operations to Defeat the Epidemic.

Magpapakita lang ho tayo ng mga litrato at saka kaunting pagpapaliwanag kung ano pong ginawa natin for these past two weeks sa ating mga piniling barangay na mayroon ho tayong mga special focus on. [Garbled]

SEC. ROQUE:   Ma’am, nasa slide na po iyong ating case summaries. Naka-flash na po iyong ating slides, go ahead po.

USEC. VERGEIRE:   Ay, okay. Okay… Hindi ko po nakikita. Sige, thank you po, sir.

So, katulad po ng sabi ko, dalawa po ang bahagi ng aking presentation. This first slide would show us the case summary wherein as of August 23, 2020, we have a total of 55,236 active cases kung saan kahapon po nakapag-report tayo ng 16,000 recoveries from our regular Oplan Recovery. This brings our recovery rate for all confirmed cases at 69.3%

Next slide, please.

This slide would show us our testing capacity at nakikita po natin na tumataas po talaga ang ating capacity for testing. This shows the number of daily test conducted and the seven day moving average for the past sixty days or two months. From 1,282 actual tests conducted per day by the end of March to an average of more than 10,000 daily tests in early June and now to almost 30,000 tests conducted daily. Katulad po ng sabi ni Spokesperson Harry Roque kanina, we already have tested more than 2.1 million individuals already with a cumulative positivity rate of 10.5%.

Next slide, please.

In the middle of March, we only have more than 2,500 isolation and ward beds, 258 ICU beds, and only 380 mechanical ventilators. But as of August 22, we now have a total of over 17,000 isolation and ward beds, over 1,700 ICU beds, and more than 2,000 mechanical ventilators.

Next slide, please.

As to our quarantine facilities or our means for isolating individuals, from one quarantine facility which was situated in New Clark City in the early response against COVID-19 which only catered to our repatriated Filipinos, now to more than 10,000 LIGTAS COVID facilities or the temporary treatment and monitoring facilities with more than 160,000-bed capacity.

Next slide, please.

And as to human resources for health, as of August 23, 2020, the DOH was able to hire 7,850 health human resources for health out of the 10,468 approved slots for emergency hiring in 355 health facilities. The DOH also has deployed 378 post-residency physicians and 1,356 redeployed NDP nurses in DOH and LGU hospitals handling COVID-19 cases.

In addition, there are 8,874 NDP nurses deployed in their respective communities who are involved in contact tracing and specimen collection and 3,893 public health associates who plays active role in contact tracing and surveillance.

The total funds allotted and transferred to health facilities for our COVID referral hospitals, DOH designated diagnostic facility and DOH hospitals is 1.2 billion.

Next slide, please.

So, we go now to the next part of my presentation which is the Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE).

Sa mga nakaraang linggo po ay bumaba na po tayo sa ating mga komunidad. Hindi lamang po bumisita o mag-inspect kung hindi talaga makipagkapit-bisig sa ating mga local government units lalo na po doon sa mga limitado ang mga resources at mayroon pong matataas na kaso at maraming clustering.

Ito po ay para sa granular implementation ng ating National Action Plan of Preventing, Detecting, Isolating, Treating and Reintegrating. Sa ibang bansa, ang mayroon po sila ay smart lockdowns o kaya sa Mumbai, ito ho iyong tinatawag na “Dharavi model.” Para sa atin po, ang tawag po ng ating protocol ay CODE.

Ang pangunahing objective po ng implementation ng CODE o ang the Coordinated Operations to Defeat Epidemic ay ang pagdurog o ang pagtatanggal ng clusters of COVID-19 cases sa mga identified na areas dito po sa ating bansa. Ang CODE team ay kinabibilangan po ng mga ahensya ng gobyerno na nakatutok po sa ating COVID-19 response.

Next slide, please.

Makikita po sa litratong ito alinsunod po sa model ng Sabayang Patak Kontra Polio, unang-unang ginawa po ay ang pag-upo kasama ng mga local chief executives upang planuhin ang execution ng CODE sa at least 17 barangays sa National Capital Region; dalawa sa Central Luzon; habang 30 barangay naman po sa CALABARZON ang nasa preparatory phase. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa mainit na salubong sa amin ng mga barangay nang kami ay nagpunta roon.

Next slide, please.

Ang susunod po na litrato ay nagpapakita ito pong ating strategy of preventing, detecting, isolating, treating and reintegrating ay ginagawa na po ng ating mga local government units, kinakailangan lamang pong paigtingin. At isa po sa mga nakitang improvements ay kung paano po nila ginagamit at ina-analyze ang kanilang mga datos specially at the barangay level. Ito po ay napakaimportante dahil kung naiintindihan po ng ating mga local officials specially in barangays ang kanilang datos, agaran po nilang mai-implement ang mga karampatang interventions. Hindi naman po kasi one size fits all ang pagreresponde natin natin.

Next slide, please.

Ito pong susunod na litrato ay ipapakita lang kung paano po nagkaroon ng micro planning sa ating mga local government units.

Ngayon naman po ay isa-isahin natin ang mga activities ng CODE na nakapaloob ng po sa  prevent, detect, isolate, treat and reintegrate:

Unang-una po ang prevention, sa tulong po ng Kagawaran ng Kalusuguan at sa implementasyon ng BIDA Solusyon sa COVID-19 campaign, tayo po ay nakapagpamigay ng tarpaulins at nakakapag-distribute ng mga flyers sa loob ng communities upang mapaalalahanan po natin ang bawat miyembro ng pamilya na dapat sumunod po sila sa mga health protocols at maging BIDA: B – Bawal po ang walang mask; I – I-sanitize ang kamay, Iwas hawak sa mga bagay; D – Dumistansiya ng isang metro; at A – Alamin po ang tamang impormasyon.

Bukod po sa mga IEC materials na atin pong naipamigay, kasalukuyan nating tintutulungang magplano po ang 22 na mga barangays para maipatupad natin ang minimum health standards bilang bahagi ng kanilang COVID-19 response. Sa pagpa-plano, sinasama po natin   ang mga suggestions at recommendations ng mga 286 na residents at saka mga health care workers na amin pong nakapanayam.

Makikita po sa litratong ito iyong pagbaba po natin sa ating mga barangay kung saan nakikita po natin diyan si Secretary Duque na nagbibigay po ng ating mga kits at saka ibang mga commodities po sa ating mga barangay officials.

The next strategies would be detecting, isolating and treating. Dito po sa litratong ito, makikita natin iyong layunin po ng CODE na mas mapaigting ang contact tracing at immediate quarantine and isolation.

Dito po sa ginawa natin sa CODE nagbahay-bahay po tayo, ang mga CODE Teams natin sa 17 priority NCR LGUs. Anim po na LGUs sa Laguna, apat na LGUs sa Rizal area, apat po na LGUs sa Cavite, apat sa Bulacan. Nakatapos po sila ng 1,334 households kung saan lahat po ng confirmed cases which has a total of 1,500 pati na rin po iyong halos 10,000 closed contacts ay agarang na-quarantine at na-isolate. Hindi man lahat ay nasa facility isolation or  temporary treatment and monitoring facilities, ang lahat po naman ng na-quarantine or na-isolate sa kanilang tahanan ay bantay-sarado ng mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) ng kani-kanilang barangay.

Ito pong litrato na ito ay magpapakita lang po na ginagawa nga natin, katulad ng sabi ko kanina tayo ay nagbahay-bahay, tayo ay nag-symptom check, tayo po ay nagkaroon ng pakikipagpanayam sa mga pamilya, upang malaman kung sino ang mga na-expose sa mga taong may COVID-19.

Lahat din po ng may sintomas ay atin pong pina-swab gamit po ang RT-PCR. So, kapag nagbahay-bahay na po ang ating mga healthcare workers, kasama na po diyan if they identify a person as vulnerable, o di kaya ay may sintomas ay agad-agad po na sina-swab na isla doon po sa komunidad. Inuna po nating i-swab o i-undergo ang ating mga vulnerable for RT-PCR testing, ito po iyong ating mga nakakatanda, iyon pong mga may ibang sakit o comorbidities at iyong mga buntis.

Doon naman po sa mga close contacts na na-identify natin, na wala naman silang sintomas, mino-monitor po sila kung sila po ay magkakaroon ng sintomas at kakailanganin pa hong magpa-test. Kung hindi na po magpapakita ng sintomas, basta matapos lang po ang 14 na araw na isolation or quarantine ay maaari na po silang ma-discharge base po sa assessment ng doktor, makapagbigay ng clearance ang doktor at makakabalik na po sila sa trabaho o makakapag-reintegrate again to the community.

Ang atin pong golden rules sa ngayon, when in doubt, we need to isolate. Huwag po nating antayin ang mga test na lalabas ng resulta, bago po natin i-isolate ang ating mga kababayan na nagpapakita ng sintomas o di kaya ay naging close contacts ng mga taong may COVID-19.

Para naman po sa reintegration, babalikan po natin ang mga barangay na nauna nang nagpatupad ng CODE. Inaasahan po natin na talagang nadurog na po o nabawasan ang mga COVID-19 cases sa mga lugar na ito. Patuloy lang po tayo sa ating pagpapatupad ng CODE sa iba pang mga barangay o areas na kinakailangang puksain ang COVID-19. Sa mga nakaraang linggo, naipamalas po ng mga local government units ang strengthened implementation nila ng detect and isolate. Tinatapatan ito ng ating mga czars sa patuloy na pagdadagdag po ng isolation beds, pagbubukas po ng 250 COVID-19 beds sa East Avenue at iyon pong ating patuloy na pagtaas ng ating testing capacity.

Tayo din po ay nakipag-ugnayan sa ilang malalaking industriya upang maipatupad po natin ang CODE sa mga workplaces kung ang kaso ng COVID-19 ay patuloy pong tumataas. Nabigyan po sila ng orientation, nabigyan sila ng guidance kung ano po ang dapat nilang gawin to avoid or to further contain the transmission within their workplaces.

Pakiusap lamang po namin, huwag po kayong matatakot o magtatago sa mga health care workers na kakatok sa inyong mga bahay upang mag-symptom check, parte po ito talaga ng efforts ng national government at ng local government units para sa CODE protocol para po tayo ay magkaroon nang further na pagtigil nitong mga kaso sa pataas at atin pong maalagaan ang ating mga kababayan. Hinihikayat din po namin na makipag-ugnayan sa inyong barangay kung sakali pong sumama ang inyong pakiramdam.

Again, uulitin ko po, when in doubt, please isolate. Palagian po tayong maghugas ng kamay, gumamit po tayo ng sabon at tubig sa paghuhugas, mag-mask po tayo lagi at lagi po tayong didistansiya.

Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Vergeire. Mga kababayan, ito pong tinatawag nating CODE ay kabahagi po ng ating refreshed response to COVID-19 na sinimulan po nating ipatupad noong tayo po‘y nag-two-week na MECQ. Kabahagi rin po dito sa ating refreshed responses to COVID-19 ay ang One Hospital Command Center at kasama po natin ngayon walang iba kung hindi ang Treatment Czar, si DOH Undersecretary Bong Vega.

Usec., para doon sa hindi nakakaalam, ano ba ho itong One Hospital Command Center at ano na ba hong bed capacity, porsiyento ng bed capacity ang binibigay ng mga pribado at pampublikong hospital para sa mga COVID patients? Usec. Vega, the floor is yours.

USEC. VEGA: Magandang tanghali po, Sec. Harry. Magandang tanghali din kay Usec. Vergeire. Kasama po din natin ngayon iyong mga Operations Manager ko sa One Hospital Command Center.

Now, updates muna sa One Hospital Center, slide please, para ipakita sa lahat kung ano iyong pinapa-task ng mga taga-One Hospital Command.

Iyong first slide, ito ho iyon makikita ninyo na itong One Hospital Command Center ay isang COVID-19 response ano at ito ho ay tumutukoy sa mga hospitals and Oplan Kalinga, kung anong mga kailangan po ng mga pasyente o kaya mga positive sa COVID kung saan sila puwedeng mag-stay or magpa-admit sa hospital or mag-stay sa Oplan Kalinga, sa mga iba’t ibang temporary treatment facilities at saka mga Command din na hotels.

Ito din ang mag-aano ng aggressive community testing kasi nakikipag-ugnayan din kami sa mga lahat-lahat ng laboratory at saka sa mga LGU sa contact tracing. So ito iyong pinaka-task na One Hospital Command para magkaroon ng coordinated care and proper referrals sa mga hospitals at saka sa community at saka LGU para matugunan ang mga laban sa COVID-19.

Kung makikita ninyo itong next slide ho, ito iyong process flow po namin ngayon. Mayroon kaming dalawang call center ngayon – isang call center ng Pure Force at saka isang call center din ng ICON ng FPH company. Sila po ay nag-volunteer po na magbigay ng serbisyo sa One Hospital Command. Ito po’y off site. Lahat ng mga tawag ho ng mga callers coming from the community, coming from the citizen, doon ho naka-connect sa mga call center agents namin at saka po iyong mga frequently asked questions, gumagawa na ho kami ng mga script para malaman kung paano ang swabbing, ang reporting, quarantine, consultation at iba pang mga tinatanong sa mga frequently asked questions lalung-lalo na sa bahagi ng COVID-19.

Once makuha iyong call ho, ita-triage po nila iyan. Kung kailangan ho ng hospital, ipapasa ho iyan sa MMDA responders namin, nandoon sa MMDA. Ito iyong doctor/coordinator namin sa different hospitals. Sila ang mamamahala sa pag-coordinated care o pag-transfer or pag-refer from one hospital to the other. Kung kailangan ho naman nila ng temporary treatment facility, mayroon din kaming point person doon sa MMDA Command kung saan sila ho hahanapan ng place of stay para sa temporary quarantine facility nila.

Pagkatapos ho, tatawagan din ng MMDA responders iyong mga receiving facility, lahat ng mga TTMFs, mga hospitals at saka mga other agencies lalung-lalo na sa LGU na makipag-ugnayan sa mga contact tracing or isolation ng mga pasyenteng nasa kaniya-kaniyang lugar sa LGU.

Next slide please.

So sa three weeks ho namin ng operations, nakikita ho namin mataas-taas na rin ang aming calls. Umabot na ho kami ng 1,813 calls at saka ang na-resolve po namin ay 1,131. Itong calls na ito ay siguro aabot sa mga 65% na na close iyong cases dahil na-resolve.

Iyong iba naman ho, ang problema ho namin nakikita din ay iyong hindi on time na pagbigay ng data sa bawat TTMF at saka sa hospital sa kanilang mga data, kung ano iyong mga vacancies. Kailangan talaga dito, ang pinaka-challenge ho rito iyong magkakaroon kami ng real time data sa aming dashboard so mas maganda ang coordinated care.

Sa ngayon ho, pina-improve po namin itong mga proseso na ito sa One Hospital Command at saka nagkakaroon kami ng—mas maganda nga iyong process flow sa dalawang call center agents namin ng off site para mabigyan ng magandang serbisyo ang publiko.

Ito lang po, Sec. Harry.

SEC. ROQUE: Yes. Thank you, Usec. Vega. Mayroon lang nakakarating po na mga komento na medyo mahirap daw ho tawagan iyong ating call centers ‘no. So kung kinakailangan po natin, tatawagan po natin si Mr. MVP ng PLDT at Mr. Zobel ng Globe para po mas mabigyan tayo nang mas maraming linya. Kailangan ba ho natin nang mas maraming linya para ngayon pa lang sa press briefing natin matawagan po natin si Mr. Pangilinan at si Mr. Zobel? Nagri-request pa ba ho tayo ng additional line?

USEC. VEGA: Tama iyon, Sec. Harry, kasi ang hirap talaga kumuha ng linya ngayon. Ang ginagamit po namin iyong mga cellphones lang po, pero kung may fixed lines ho tayo mas maganda kung mayroon kaming dedicated na land lines po sa aming One Hospital—

SEC. ROQUE: Can we connect with Mr. Pangilinan and Mr. Zobel in our program now para ma-request natin iyong additional lines para sa One Hospital Command Center? Director Ting, can you contact them now? Okay, i-connect na lang natin. Sige po, tatawagan po natin sila ngayon, iyong dalawang telecoms provider natin.

Punta na po tayo kay Usec. Rocky para po sa mga paunang mga katanungan.

USEC. IGNACIO: Okay. Good afternoon, Secretary Roque. Ang tanong po mula kay Francis Wakefield of Daily Tribune: Following the call by a group called People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change appealing to the Filipino people to join them in declaring a revolutionary government and for charter change. Will Malacañang order the PNP, NBI and other law enforcement groups to investigate those behind this?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, nilinaw po natin na ang Presidente po natin ay pinuno ng isang constitutional government at hindi po natin kinakailangan ang revolutionary government sa ngayon. Ganoon pa man, ang mga nagsusulong po niyan ay mayroon naman po silang karapatan ng malayang pamamahayag so hayaan na po natin sila. Ang importante po, malinaw po na iyan po ay isang pribadong initiative ay iyan po ay hindi kabahagi ng priorities ng ating Pangulo sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Ang tanong po niya: What’s the President’s take on the matter, sir?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po ang Presidente ay nakatutok naman siya sa COVID-19 responses natin ngayon at paulit-ulit na po niyang sinasabi, he’s looking forward to the end of his term and he wants to live a quiet life again. So sa tingin ko po, moot and academic as far as the President is concerned dahil nga po constitutional government siya and come 2022, he is welcoming transferring the reign of power to his duly elected successor kung sino man po iyon.

USEC. IGNACIO: Last question po ni Francis Wakefield: When is the President coming back to Manila? Will Cabinet members physically joining him later during their meeting and his address to the nation? Ano kaya ang posibleng pag-usapan later?

SEC. ROQUE: Well, papunta po kami ng Davao ngayon. Aalis po ang C-130 na sasakyan namin nang 2 o’clock galing po sa Villamor. Mag-a-address po ang ating Presidente. Isa po sa hiningi ni Presidente ngayon para sa talumpati niya ay iyong report sa lahat ng ahensiya ng gobyerno kung paano po nagastos ang mga COVID related expenses. So, iri-report po iyan ng ating Presidente.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat, Secretary.

SEC. ROQUE: Nasa linya na po natin ngayon si Mr. Fernando Zobel. Sir, good afternoon. You’re live, sir, in our presidential press briefing today at noon. Sir, earlier we had Usec. Vega po on the line doon sa One Hospital Command Center, medyo mahirap lang daw po ma-contact dahil puro cellular phones lang po ang ginagamit. Can we request po Globe for additional lines for the One Hospital Command Center, sir?

MR. ZOBEL: How many lines would you need, Secretary?

SEC. ROQUE: As many as you can give po kasi ito pong One Hospital Command Center, sir, siya po iyong tinatawagan ng lahat para kung may tanong sila … kung sa testing, sa tracing at saka sa treatment po.

MR. ZOBEL: Yes. Let me check with—Can we have someone from Globe contact you, Secretary?

SEC. ROQUE: Yes, sir. Yes, sir. But we appreciate, oo—

MR. ZOBEL: [Overlapping voices] someone contact you right away.

SEC. ROQUE: Okay. But it can be done po ‘no para mas madaling matawagan iyong hotline ng One Hospital Command Center?

MR. ZOBEL: We’ll do, and you know that we’re always assisting, Secretary. It really depends on the requirements, but we’ll do our best to do assist you.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Mr. Zobel. Thank you and have a good afternoon.

Kino-contact pa rin po natin ngayon si Mr. Pangilinan para doon sa ating request ng additional telephone lines para sa One Hospital Command Center.

Yes, our first question from Triciah Terada of CNN.ph please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Hi, Secretary. Magandang tanghali po. Sir, mag follow up lang ako doon sa question ni Francis ‘no, doon sa revolutionary government. I understand nabanggit ninyo na po na iyong tutok nga po ni Pangulo ngayon ay nasa COVID-19 effort, sir. But what are the chances, sir, that the government can, or the President can consider this or work around to make this possible the same way na napagbigyan po iyong Anti-Terrorism Bill? And iyong position po ba Presidente, because I remember during the elections or the campaign, he is for revolutionary government. Ngayon po, tama po na narinig ko kanina nagbago. Pero, sir, what would it take for the President to give it a go signal or to reconsider this?

SEC. ROQUE: Okay, Trish, I’ll answer you ‘no but we also have on the line Mr. Manny Pangilinan of Smart and PLDT. Sir, magandang umaga po. Pasensiya na po kayo, we are live

… you’re live in our press briefing right now. Na-report po kasi kanina na medyo mahirap matawagan iyong One Hospital Command Center na pinamumunuan po ni DOH Usec. Vega. So hihingi lang po kami ng tulong, puwede ba ho natin sila bigyan ng fixed line sa PLDT dahil puro cellular lines po daw sila ngayon kaya medyo mahirap ma-contact iyong One Hospital Command Center. Mr. Pangilinan, you’re live, sir.

MR. PANGILINAN: Yes, sir, we will do that, we will do that right away. And then who do we talk [garbled] the need to know how many voice lines and data lines you need?

SEC. ROQUE: Oo, I’ll forward po the name and number of the DOH Undersecretary Bong Vega.

MR. PANGILINAN: Okay. We know him, Sec. We know him also because—

SEC. ROQUE: Okay and thank you, Mr. Pangilinan, also for the 45 million worth of equipment that you donated to East Avenue Medical Center lately.

MR. PANGILINAN: More to come, Mr. Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, sir. Maraming salamat po and good afternoon, sir.

MR. PANGILINAN: Thank you.

SEC. ROQUE: So that was MVP on the line committing additional lines po, landlines from PLDT for the One Hospital Command Center.

Answering Trish… Well, Trish unang-una po ‘no, iyong mga na-mention po ni Presidente na dati po na suporta sa revgov, that was early on his term po ‘no at mukha naman pong nagbago na dahil bago na rin po ang prayoridad natin. Ang prayoridad po natin ngayon ay COVID-19. At siya po ay on his last two years in office where he has expressed his desire to, in fact, finish his term and turnover the reign of leadership doon nga po sa kung sinong ihahalal ng taumbayan sa eleksiyon ng Mayo ng 2022.

So sa ngayon po, siya ay constitutional government. Kung kayo po ay nagkakaroon ng agam-agam na he will stay beyond his term, naku that’s the farthest from the mind of the President and I can assure you that po ‘no. So ngayon po, wala pong magiging silbi ang revolutionary government, tuluy-tuloy lang po tayo na ginagawa ang ating mga tungkulin.

Okay next question, Trish.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Sir, doon naman ho sa issue natin with China amid their diplomatic protest, ‘China ordered the Philippines to stop its provocations’. Sir, tanong ko lang po, with all these that’s happening although marami po silang natulong, is our friendships with China still worth it kung nagkakaroon po tayo ng mga ganitong problema with our territories po?

SEC. ROQUE: Consistent naman po ang ating Presidente, he will not give even an inch of our national territory or sovereign rights to any other state. May problema po talaga tayo sa pinag-aagawang teritoryo with China; diyan po sa Bajo de Masinloc, malinaw po, lahat po tayo pupuwedeng mangisda, ang mga Pilipino, Tsino at mga Vietnamese at iyan naman po ay kinikilala ng lahat. Pero ang consistent policy rin po ng ating gobyerno, hindi po magiging dahilan itong unresolved issue sa ating teritoryo bilang hadlang para isulong sa ating diplomatic bilateral relations with China iyong mga bagay na pupuwede namang isulong kagaya po ng kalakal at investments.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  So kumbaga, sir, sa issue po na ito, we will, more or less, to defend our fishermen. And, sir, finally ‘no, iyong huling question ko po. May study po or may binabanggit po iyong ating UP-OCTA na iyong Philippines may flatten the curve by August or September. May we know your reaction to this, and is this doable?

SEC. ROQUE: Sana nga po mangyari iyon ‘no dahil ang inaantay lang natin pagdating ng katapusan ng buwan na ito eh kung mas mababa po iyong mare-record na kaso kung ikukumpara natin doon sa naging forecast ng UP study group ‘no. Kung hindi po ako nagkakamali parang 250,000 yata ang kanilang forecast so tingnan po natin. We will reserve whether or not we will congratulate the Filipino people anew or better luck next time.

Okay. Usec. Vergeire, would you like to add?

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Thank you, Secretary

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Katulad po ng sinabi ni Secretary Roque, titingnan po natin ano, nothing is certain at this point in time. We will continue to monitor the cases. And we enjoin all of our kababayans ‘no, na ipagpatuloy po natin ang ating mga minimum health standards para kung saka-sakali marating po natin iyang pino-forecast ng UP-OCTA Group.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you very much, Trish. Thank you very much, Usec. Hindi ko yata napasalamatan kanina iyong dalawang kinausap ko sa telepono. Thank you, Mr. Zobel; and thank you, Mr. Pangilinan.

Yes, Usec. Rocky for questions again.

USEC. IGNACIO: Okay. Ang question from Sam Medenilla of Business Mirror. Ang una niyang tanong Secretary: Nakarating na po ba kay President Duterte iyong copy ng Bayanihan II bill? If yes, kailangan kaya ito expected na mapirmahan?

SEC. ROQUE: Sigurado po ako, hindi pa kasi hindi pa naman po iyan naisasabatas na kumpleto. Mamaya pa lang po ira-ratify iyong bicameral report ng Kamara. And I believe the earliest that it can reach the desk of the President will be tomorrow.

USEC. IGNACIO: Ang second question niya Secretary: Mayroon na kayang na-submit na report ang DILG sa Malacañang regarding sa action of concerned LGUs on the construction of more telecommunication towers?

SEC. ROQUE: I promise to follow up on that tomorrow, so please… I’ll assign, si Director Ting to follow up on that point with DILG.

Next question please. Thank you, Usec. Maricel Halili of Channel 5, please.

MARICEL HALILI/TV5:  Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, follow up lang po doon sa revolutionary government. Please correct me if I am wrong, sir. So, does it mean that Malacañang is rejecting the proposal of revolutionary government and you have no intention of supporting it now until the end of the term of the President?

SEC. ROQUE:  Well, it does not enjoy any support po from government right now, it is a private initiative; but the private individuals can express freely their views as part of freedom of speech.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, mahingi ko rin po iyong inyong reaksyon. Kasi sinasabi po ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na this proposal is such a joke and obviously mayroon daw pong criminal liabilities or isa raw pong krimen iyong panawagan na iyon. Even Senator Villanueva shares the same view and sinasabi niya that this amounts to inciting to sedition under Revised Penal Code. Sir kayo po, are there any violations of the move of these people behind the revolutionary government and should they be held liable?

SEC. ROQUE:  Consistent po ang ating hukuman pagdating sa mga desisyon nila ukol po sa karapatan ng malayang pamamahayag. Kinakailangan mayroon pong clear and present danger para masupil po iyong ganyang pananalita; at wala naman pong clear and present danger, dahil ang Presidente mismo ay constitutional government at tutok po siya ngayon sa COVID-19.

MARICEL HALILI/TV5:  Panghuli na lamang po, sir. Mayroon pong comment si Dean Tony Lavina saying na ito daw pong isyu on revolutionary government is just a mere diversionary tactic out of frustration daw po on the issue on COVID-19. What can you say about that, sir?

SEC. ROQUE:  Eh hinahayaan ko na po iyong mga pribadong nagsusulong niyan na sabihin kung ano ang motibo nila. I cannot speak for them.

USEC. IGNACIO:  Secretary, mula kay Reina Tolentino of Manila Times: Does the Palace support the passage of 1.3 trillion pesos Accelerated Recovery and Investment Stimulus for the Economy – ARISE Bill?

SEC. ROQUE: Sabihin na lang po natin, we will support any and all stimulus packages provided kaya po natin bayaran iyan. Ang posisyon lang naman po ni Secretary Dominguez na sinusuportahan po ni Presidente Duterte, kinakailangan talaga nating magkaroon ng additional stimulus package. Siguro po ang susunod pagkatapos ng Bayanihan II ay iyong pambansang budget po na isusulong na rin ngayong taon na ito. Pero kinakailangan po malinaw kung saan natin kukunin ang pondo para sa kahit anong stimulus package po na isusulong natin.   

USEC. IGNACIO:  From Rose Novenario of Hataw. Ano daw po ang reaksyon ng Palasyo sa panawagan ng IBc-13 employees union na paimbestigahan ang sabwatan ng sindikato sa IBC-13 at PCOO na nagpabagsak sa kalagayan ng state-run network at nagkaroon ng gabundok na utang sa mga benepisyo at suweldo sa kanila?

SEC. ROQUE:  Hinahayaan po natin ang PCOO ang sumagot diyan dahil iyan po ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng kanilang departamento.   

USEC. IGNACIO: From Prince Golez of Pulitiko Abante. May isa daw pong juvenile vlogger recently na naging viral because of alleged lockdown violations; nag-film outside of his residents past curfew at walang facemask. Should creators be held accountable for their irresponsible online content considering these actions may influence their followers or subscribers?

SEC. ROQUE:  Again po, dahil sa freedom of speech, eh kinakailangan ipakita po natin ang clear and present danger kung gusto nating tanggalin iyong content na iyan dahil sa Saligang Batas po content-based restrictions are presumed to be unconstitutional. Pero ire-refer po natin ito sa lokal na pamahalaan, dahil ang mga lokal na pamahalaan po, sila naman po ang magpapatupad ng mga violations ng mga ordinansa na related po sa quarantine. So katungkulan po iyan ng mga lokal na pamahalaan na ipatupad iyong kanilang mga local ordinances.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Yes. Good afternoon po, Secretary and to our guest. Again follow-up question lang doon sa revolutionary government. I think ang sinasabi po ng supporters ni Pangulong Duterte, that is why they are pushing for revolutionary government, is to help President Duterte sa kanyang campaign promise for Charter Change or iyong shift to federalism. Now that you are saying that the calls for revolutionary government are not being supported by the government, ibig sabihin po ba nito, the President is dropping his campaign promise for a shift to federalism?             

SEC. ROQUE:  Hindi po, not at all. Kasi ang mga pamamaraan naman po for Charter Change for federal form of government is Constitutional Convention, Constitutional Assembly at pupuwede rin po diyan iyong tinatawag nating ‘pirma’ ano, iyong people’s initiative. So, one of the three po, any of the three will do para po isulong iyong Charter Change para sa federalism.      

JOYCE BALANCIO/DZMM:  But not necessarily revolutionary government po.      

SEC. ROQUE: Hindi naman po iyan kasama sa constitutional options dahil constitutionally elected President po si Presidente Duterte.

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Thank you, Secretary. Kay Usec. Vergeire lang po. Usec. Vergeire doon po sa prediksyon ng UP-OCTA na we will see a flatting of curve by the end of month or iyong September. First, ano po ba ang ibig sabihin when we say that may flatten curve na? How do we measure it and with the current trend we see right now, is this something that we lead to a flatten curve eventually?

USEC. VERGEIRE: Yes, thank you for that question. When we say we flattened the curve, you measure the number of cases overtime. So kapag tiningnan po natin iyong curve na iyan, sa ngayon po iyong ating epidemiologic curve na tinatawag, nakikita po natin siyang tumataas. ‘Pag dumating po tayo doon sa punto na parang nababali na po or nabi-bend or nagpa-plateau po tayo, ibig sabihin—or pababa na po, that is the time that they say that you are now flattening the curve.

But we have to be cautious, when we interpret these curves, because it is not just the numbers that we look at, we also look at the capacity of the health system in any given time frame. So, when we look at the number of cases, we also have to look at the capacity of the health system alongside with it and the number of deaths.

So, even though that we have these numbers rising, we can see that our health system is managing and we can see that the deaths are not increasing and it is at that steady a state, where we have 1.58 case fatality rate.

So, kapag ganiyan po ang nakikita natin, nakikita natin na nama-manage naman natin ang ating mga kaso sa ngayon. Nakikita po natin mas madami ang mild and asymptomatic rather that those are critical or severe.

Now, as to the question of kung tayo po ba ay makakarating doon sa punto na  makapag-flatten tayo ng curve by that time that they had forecasted, as I have said a while ago, nothing is certain at this point. We will see if our recalibrated strategies would be effective or we still need to further these strategies so that we can eventually lower the cases and  have our health system breathe again.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you po, Usec. Vergeire. Last question ko na lang po, Secretary, about the supporters of the President po. Si Actor Robin Padilla has been picked to lead the Strategic Communication Committee of the Philippine Army multi-sectoral advisory board. Many netizens have reacted negatively to this; some are questioning his qualification for the said position. Any thoughts po, sir, sa kaniyang appointment dito sa posisyon na ito?              

SEC. ROQUE: Eh ipinauubaya ko na po iyan sa AFP ba ho o DND.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sa sa AFP po, Philippine Army po.      

SEC. ROQUE:  Pinapabayaan po natin iyan sa AFP dahil alam naman nila ang kanilang pangangailangan at saka siyempre po hindi natin matatangihan na iyong mga media personalities like Robin Padilla, eh sila po talaga ay kilala ng tao at pinakikinggan po ng tao. Thank you, Joyce.

USEC. IGNACIO:  Question from Louell Requilman of Banat Pilipinas News Davao Media. First question po niya: Ano daw po ang assessment ng Malacañang sa naging performance ng DSWD sa pagtapos na distribution ng second tranche ng SAP? Considering daw po iyong delay sa pamamahagi at iyong problema at kung problema sa relief, agad na nagresulta sa problema sa pag-claim ng mga beneficiary like sa Davao City na 2 A.M. pa lang po ay nakapila na ang mga kukuha ng SAP sa mga remittance center kasi limited lang po ang number of beneficiary na binibigiyan sa isang araw. Bakit hindi po nalinaw ang concerns na ito bago piliin ang gagawing financial partners?                          

SEC. ROQUE:  Siguro po hindi magna cum laude ang grade, pero pasado naman po ’no. Dahil unang-una, iyong delay naman po eh dahil po talagang nag-verify sila na walang double entries at ito po iyong dahilan kung bakit nabawasan po sila ng mahigit kumulang ng isang milyon; at iyong sa limang milyon naman na mga bagong pangalan na bibigyan ay mahigit tatlong milyon lang po ang naibigay ng mga LGUs at DSWD, kaya nga po hindi nila maibigay iyong buong five million sa mga bagong mga pangalan.

Gayunpaman, humihingi po kami ng abiso kung nagkaroon po ng inconvenience doon sa mahahabang pila. Pero I can assure you po na nakipag-coordinate naman po ang DSWD  doon sa ating FSPs [Financial Service Providers] at saka kino-communicate naman po natin sa ating mga recipients na hindi naman kinakailangang mag-unahan para kunin iyong kanilang mga pera sa mga FSPs at hindi naman po mawawala iyon at pupuwede ring gamitin para pambili ng iba’t-ibang mga bagay. Sa susunod po, now that we have used sa FSPs, mas mabilis na po ang pamimigay ng ayuda kung mayroon man.

USEC. IGNACIO: Ang second question niya: Reaksiyon sa mga nagrereklamo kung bakit daw po instead 18 million ay nanindigan ang DSWD na 14.1 million lang ang bibigyan ng SAP sa kabila ng sinabi niya noon na base sa Bayanihan law ay dapat 18 million ang bibigyan na dapat na ayuda?

SEC. ROQUE: Well, gaya ng nasabi ko po ‘no, iyong five million ay hindi po nakumpleto kasi three million plus lang ang naibigay na mga additional names ng mga LGUs. At iyong mga one million naman po ay natanggal nga dahil mga double entries.

Now, hindi naman po masasayang iyang perang iyan. Isang opsyon is pupuwedeng ibigay iyan ng DSWD sa mga bagong pangalan dahil iyan naman po ay hindi napapaso bagama’t napaso na iyong Bayanihan I package.

Pangalawa po, kung hindi maibibigay po iyan, babalik po iyan sa national coffers at gagamitin po natin sa Bayanihan II.

Okay? Thank you, Usec. Let’s go to Joseph Morong of GMA 7, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, good afternoon po. Good afternoon kay Usec. Vergeire and Dr. Bong.

Sir, sa inyo muna, iyon pong sa China. China said that the Philippines infringes on China’s sovereignty and security by sending military aircraft into air space adjacent to Nansha islands and reefs garrisoned by China. Sir, is this correct or wrong statement?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung talagang nagkaroon ng ganiyang flights. Ang alam ko lang po ay iyong pagkukumpiska ng Tsina ng mga fishing gears ng ating mga mangingisda sa Bajo de Masinloc. Dahil hindi ko po alam kung nagkaroon tayo ng over flight diyan ay hindi ko po masasagot iyan, I will refer it to both the DND and the DFA. Pero hindi ko po alam iyan over flight na sinasabi nila.

JOSEPH MORONG/GMA7: But, sir, iyon pong movement ng ating troops on a general term, if we have ships, if we have aircraft in … somewhere in Spratlys or even in Bajo de Masinloc is that infringement on China’s alleged sovereignty?

SEC. ROQUE: Well, siguro po opinyon ng Tsina iyan. Pero tayo po, patuloy po tayong nagpapalipad ng mga supplies papunta po sa Kalayaan, at patuloy po tayong nagpapalipad or nagkakaroon ng over flights diyan po sa Bajo de Masinloc, and we maintain also that it’s part of our sovereignty or our sovereign rights.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Thank you.

Kay Usec. Vergeire, please.

SEC. ROQUE: Yes, please, Usec. Vergeire.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, ma’am. Good afternoon po. Ma’am, okay, so August 24 na, August 14 tayo nag-start ng MECQ. So technically, dapat makita na natin iyong effect ng MECQ kasi dumaan na tayo ng 14 days na incubation period ng virus.

Mayroon pong data iyong UP-OCTA, we’ll mention it later. But what do we have on the DOH and as far as the effect of the MECQ was on our numbers, infection numbers?

USEC. VERGEIRE: Yes, good afternoon, Joseph. It has to be understood that when we implemented this two weeks reprieve, it was not really to immediately bring down the cases or immediately decongest the hospital for these two weeks that have passed. This was really giving our healthcare workers that reprieve or breather that they were asking for.

But anyhow, with these two weeks, we were able to recalibrate our strategies and started implementing it to prime the system. So ito pong ating dalawang linggo, of course, mayroon naman po tayong mga isinagawa ano. At base po sa pinag-aaralan nating datos ngayon, ang tinitingnan po natin ay iyong kapasidad. Iyon po ang ginawa natin ng paraan so that our capacity for our health system would further be improved at ma-address po natin iyong mga bottlenecks.

Katulad ng sinabi natin ano, iyong One Hospital Command, nailagay po natin para po hindi mag-choke ang ating mga ospital, magkaroon ng access ang atin pong mga kababayan kapag kailangan nilang ma-admit sa ospital.

Pangalawa, tiningnan po natin iyong ating mga datos sa hospitals. Although, hindi po  ganoon kalaking porsiyento ang nawawala, pero nakita na ho natin na nagkakaroon na tayo ng available beds especially in those areas which are of high priority like the National Capital Region. And we can now refer patients and they get to be admitted; wala na hong masyadong talagang naghihintay na pasyente na tinitingnan natin.

As to the number of cases, we are still trying to monitor ‘no this trend because as I’ve said, these two weeks would not really give us that immediate, the decrease in the number of cases. We like to monitor it longer so that we can give this accurate information for everybody.

JOSEPH MORONG/GMA7: Correct. Yes, ma’am. Si Dr. Ranjit, I was texting him kanina na he said that our R0 now is at 1.1. And that because of that number, 1.1, iyon pong daily cases natin would be reduced from 2,000 to a little more than 1,000 a day. And they can  expect, according to their projections, that it could be less than one by September. Your comment and how do we sustain that trend given that we have opened up to GCQ?

USEC. VERGEIRE: Yes, Joseph. So again, let me just say that ang DOH naman po at ang gobyerno, welcome po tayo dito sa mga sinasabi ng ating mga institutions especially iyong mga forecasts nila, at ito po ang minsan ay nagiging batayan natin kung paano tayo makakapagresponde. Maganda po iyong sinasabi ni Dr. Ranjit, at sana po ay ma-attain nga po natin iyang mga pagbaba ng mga kaso na iyan.

At this point, based on the transmission rate and based on the number of cases, we still cannot release [garbled] ngayon at sasabihin ko sa inyo kung talagang mangyayari. Let us try to monitor it for a longer period pa para makita natin talaga if the trends are really accordingly doon po sa mga sinasabing forecasts ng ating mga kasama dito sa academe.

The second question, Joseph, is paano tayo ‘no, how will we be able to live or paano ba itong next weeks or …nagbukas na kasi tayo ng ating ekonomiya ulit, nag-GCQ tayo. Iisa lang naman ang sagot natin simula’t sapul pa ‘di ba, we comply with the minimum health standards. Kung tayo lang, sa bawat isa sa atin dito sa ating bansa ay susunod at magku-comply dito po sa mga sinasabi nating minimum health standards and we will have that responsibility also aside from that minimum health standards of really isolating ourselves when we feel symptoms or kapag nasa work place tayo ay hindi na tayo papasok  kung may mga sintomas tayo at immediately ay magri-report tayo sa mga health officials kung may nararamdaman o di kaya ay na-expose, sa tingin ko ay atin pong makukontrol itong pagdami ng kaso and eventually we will have that number of cases decrease at marating natin iyong mga forecasts na sinasabi ng ating mga partner institutions sa academe.

JOSEPH MORONG/GMA7: Thank you. Secretary Roque, do we expect a speech from the President tonight?

SEC. ROQUE: Yes, there will be an address, I believe. Usec. Rocky? Thank you, Joseph.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, tanong mula kay Cresilyn of SMNI/DZAR/Sonshine Radio: Reaksiyon po sa sabi ni Senator Joel Villanueva na dapat kasuhan ng inciting to sedition ang mga nagsusulong ng revolutionary government?

SEC. ROQUE: Protected speech pa rin po iyan because there is no clear and present danger arising from their expressions.

USEC. IGNACIO: Second question niya, Secretary. Ano po ang masasabi ninyo sa panukalang toll fee sa mga motorista sa EDSA?

SEC. ROQUE: Wala pong ganoong initiatives sa pamahalaan ni Presidente Duterte. Kung mayroon man, sa ibang presidente po iyon.

Thank you, Usec. Punta tayo kay Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang tanghali po, Secretary. Mayroon pong naganap na pagsabog sa Jolo, Sulu mga katanghalian. May detalyes na po ba tayo?

SEC. ROQUE: Wala pa po. This is the first time we hear about it dahil nagsimula po tayo ng ating press briefing ng mga 10 to 11 ‘no.

MELO ACUÑA: Mga 10 to 12, yeah.

SEC. ROQUE: Oo, 10 to 12. So I will definitely check. I get hourly monitors naman po; my phone is not here. But I will confirm it kung mayroon na po tayong detalye. And as I said, lilipad po kami maya-maya. Kasama ko po si SND, and we will find out po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Secretary, naganap daw po iyong pang-aagaw ng [unclear] doon sa Bajo de Masinloc noong Mayo. Nagprotesta pa lamang ang DFA kamakailan. Gaano po katagal ang pagsusuri ng task force on West Philippine Sea bago makakilos kung may mga ganitong pagkakataon?

SEC. ROQUE: Siyempre po bini-verify muna, nagkakaroon ng fact-checking bago maghain ng diplomatic protest.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Para po kay Undersecretary Vergeire at kay Undersecretary Bong Vega. May tanong lang po ako. Magandang tanghali po sa inyo. Gusto ko lamang pong malaman kung mayroon tayong profile ng mga nationalities na nagkaroon ng COVID-19 sa Pilipinas? Pawang mga Pilipino lamang po ba o may mga Tsino ba, may Amerikano? Ano po kaya ang datos ng Department of Health dito.

USEC. VERGEIRE:   Yes, sir. USec. Bong, I’ll answer ahead.

Mayroon po tayong datos na ganiyan but I do not have the data right now. But yes, we have this data where we enlist kung ano-ano pong mga foreign nationalities ang mayroon pong nagkakaroon ng COVID dito sa ating bansa.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Yeah. Siguro po puwede ninyo kaming i-update kung kumusta na sila at kung naka-recover, nakauwi na ba sa kanilang mga bansa. That would be a good story.

And then iyong pangalawang concern ko po ay: Can you give us a profile of those who were admitted sa hospital dahilan sa COVID-19? Anong edad, ang pinagmulan, anong trabaho, saan sila nakatira? Maganda rin po itong isulat. Salamat po.

USEC. VERGEIRE:   Siguro po—USec. Bong, you’d like to answer?

USEC. VEGA:   Thank you, USec. Rosario. Anyway, Sir Melo, iyong data on age, usually nakikita namin working age eh, aabot mga 30 to 50 years old iyong ano talaga … iyong average number [age] of people getting infected kasi ito iyong mga nagtatrabaho talaga and then most them are workers.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Opo. Pero iyong kanilang kasarian – babae/lalake? Anong trabaho? Saan nakatira? Mas maganda rin po siguro na maliwanag iyon.

USEC. VEGA:   Sige po, all right. I’ll give you the data for parang ano ho… iyong complete profile ng mga nagkakasakit ng COVID-19.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Salamat po! Salamat po! Have a nice day! Thank you, Sec. Harry.

SEC. ROQUE:   Thank you, Melo. Let’s go back to USec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:   Okay. Secretary, mayroon na lang tayong limang tanong dito mula sa ating kasamahan sa media. Unang tanong mula kay Red Mendoza ng Manila Times para daw po kay USec. Vergeire.

Ito po ang tanong niya, USec. Vergeire: Former Rep. Anna York Bondoc has warned on the use of some rapid test kits that were banned in countries such as Australia, UAE and India for inaccurate results such as the Biosensor and RapiGEN na currently ginagamit daw po dito sa Pilipinas. Ano po ang reaction and sagot ng Department of Health regarding this?

USEC. VERGEIRE:   Yes, USec. Rocky. Unang-una po, iyong rapid antibody test. Kamakailan lang nagkaroon po tayo ng pagbibigay ng rekomendasyon and even at the outset sinasabi ho natin na we should not use the rapid antibody test for screening patients to see if they have COVID or not. It has another purpose where we use it where we use it, it is really to detect if there are antibodies that have developed doon po sa katawan ng ating mga COVID-19 patients.

As to this inaccurate rapid antibody test based on articles or studies that has been made abroad, dito po sa atin, ang ginagamit ho natin, rehistrado po dapat ng FDA at saka dapat po validated ng ating RITM. Ngayon, ang atin pong RITM, hindi pa ho sila nakakaagapay dito sa pagba-validate, parang iilan pa lang ang na-validate nilang rapid antibodies. So, we are using iyong FIND, which is affiliated with WHO kung saan na-validate na po nila ang most of the rapid tests all over the world that we can use and we can refer to this first in transition while RITM is trying to validate the kits that we have right now here.

So, ito pong mga sinabing mga brands na mayroon tayo, tingnan lang ho natin kung rehistrado at validated. Kung hindi naman po, huwag po nating gamitin. Pero ang akin lang pong masasabi, mayroon ho talagang inherent weakness ang ating rapid antibody test kung ito po ay gagamitin for screening and we will really get inaccurate results, we might get false positives or false negatives kaya nga po gusto namin na cautious ang ating mga implementers in using this for screening individuals.

USEC. IGNACIO:   Thank you, USec. Vergeire. Ang tanong naman po ni Aiko Miguel ng UNTV, nasagot ninyo na rin po, USec. Vergeire, about sa iyong reaction ng DOH sa UP-OCTA research group. Ang tanong naman po ni Jovy [?] ng Inquirer para kay USec. Vergeire po about iyong lifting ng deployment ban for HCWs: Is DOH inclined daw po to recommend the lifting of the ban? Isn’t it counterproductive to keep HCWs in the country if a number of them don’t want to apply in the emergency hiring program? Also remittances from OFW HCWs will not only help their struggling families but also the economy.

USEC. VERGEIRE:   Yes. USec. Rocky. I think this is the purview of the IATF already, dito po sa usaping ito. Ang pagkakaalam ko po and sa DOH din naman po, ita-tackle ito at pag-uusapan sa IATF. This is not—I am not in authority to discuss this po.

SEC. ROQUE:   Sa panig naman po ng Presidente at ng IATF, ang unang-unang konsiderasyon po ng Presidente ay pangalagaan po ang kalusugan ng ating mga health workers dahil ang pupuntahan po nila ay mas malala pong kaso ng COVID-19.

We are number 22 in the world as far as number of COVID cases, at halos lahat po ng aalis ay going to places na mas marami pong mga kaso ng COVID doon.

Pangalawa po, charity begins at home; mayroon naman po tayong mga bakanteng mga posisyon, dito po muna po tayo sana po magtrabaho.

And speaking as someone with experience in the recruitment industry of nurses, iyong mga bagong graduates po at saka iyong mga hindi na po clinical, kinakailangan po kung gusto ninyong magtrabaho abroad, magkaroon po kayo ng clinical experience dito. Sa tingin ko po, kapag kayo po ay nag-apply dito sa emergency recruitment ng ating gobyerno at nagtrabaho po habang may COVID, naku, pag-aagawan po kayo lalo kapag natapos na itong pandemic na ito dahil with your clinical experience at the time of COVID, you will become po the subject of head hunters.

So, kaunting tiyaga lang po but take advantage of the opportunity na rin po to prove your worth in the Philippines as clinical nurses.

USEC. IGNACIO:   Tanong po para kay Sec. Roque mula kay Vanz Fernandez ng Police Files/ DZRJ: Ano daw po an comment ng Palace sa objection ng PNP and Department of Defense to the Duterte supporters seeking to establish a revolutionary government?

SEC. ROQUE:   Gaya ng sinabi ko po, karapatan nila na magsalita nang malaya. Hayaan na po natin sila magsalita. Pero gaya ng sinabi ko po, hindi po iyan polisiya ng gobyerno.

USEC. IGNACIO:   Iyong tanong po ni Mela Lesmoras about diplomatic protest ng Pilipinas sa China, nasagot na rin po, Secretary. From Celerina Monte, follow-up daw po: Will the Palace ask or urge those pushing for revolutionary government to stop their calls as this could just divide the Filipinos right now?

SEC. ROQUE:   As I said po ‘no, freedom of speech. Let there be free exchange of ideas in the free marketplace of ideas.

USEC. IGNACIO:   From Heidi Sampang: Tumaas daw po ang suicide rate sa bansa dahil marami ang nawalan ng kabuhayan mula nang magkaroon ng pandemya. Naaalarma po ba dito ang Palasyo? Also, may panawagan ang Simbahan na payagan na silang magbukas at huwag ng limitahan lamang sa sampung katao ang puwede sa religious services para palakasin ang koneksyon ng mga tao sa Diyos.

SEC. ROQUE:   Well, unang-una, hindi ko po alam kung talagang iyong datos ay nagpapakita na tumataas ang suicide rates. Ganoon pa man po, isa po ako sa nagsulong doon sa 17th Congress ng Mental Health Act kung saan mayroon po tayong nga hotlines at iba pang mga tulong na ibinibigay doon sa mga nangangailangan ng tulong para sa kanilang mental health.

Perhaps USec. Vergeire, you can tell our viewers kung ano po iyong mga tulong na maibibigay ng DOH under the Mental Health Act po.

USEC. VERGEIRE:   Yes, sir. Katulad po ng sabi ninyo, we have hotlines. Ang amin pong laging ipinapaalala sa ating mga kababayan simula’t-sapul ng sitwasyon na ito, hindi lang po dapat physical health ang tinitingnan ang natin kung hindi dapat healthy rin po tayo mentally.

So, ito pong ating mga kababayan na nakakaranas ng fears, anxieties, depression, feeling of hopelessness and helplessness, maaari po kayong tumawag dito po sa mga hotlines natin ng National Center for Mental Health.

Mayroon din po tayo doon sa mga partner institutions natin katulad po ng Philippine Mental Health Association, mayroon din po ang University of the Philippines–Diliman Psychosocial Services and also Ateneo Bulatao Psychological Services. So, ito pong lahat ay mayroon tayong mga hotlines na ibibigay po namin sa inyo mamaya.

Ang gusto ko lang hong iparating sa ating mga kababayan, unang-una, it’s okay not to be okay. Lahat po tayo nakakaranas ng mga ganiyang pakiramdam sa ngayon dahil sa sitwasyon na ito pero kailangan lang po ang suporta ng pamilya, suporta ng komunidad. So, kailangan lang po huwag nating i-stigmatize ang disease na ito para po ang ating mga kababayan pagkatapos nilang magkasakit ay makabalik uli sa kanilang komunidad at makapagtrabaho nang maayos.

SEC. ROQUE:   Tama po ang sinabi ni USec. Vergeire, sa mga panahon po ng pandemya, okay lang po na hindi maging okay. Someone who has had experience when I had health conditions, health challenges myself, ako po I went to my spiritual leader for lots… for many, many sessions of counseling. So, whether be it a medical professional or a spiritual leader, kinakailangan lang po humanap tayo ng kausap.

Yes? Are there any further questions?

USEC. IGNACIO:   Secretary, may pahabol po si Francis Wakefield. Ito po ang tanong niya: May we get daw po Palace reaction on the reported existence within the central office of PhilHealth who are members of the policymaking executive committee who are competing against the regional vice presidents in siphoning off the agency’s funds? High ranking sources disclosed that the Mindanao group composed of RVP [regional vice presidents] remain secured in their positions as they count on being protected by influential politicians, many bound by school fraternities, some even hold sensitive positions?

SEC. ROQUE:   Ewan ko po kung anong isasagot ko diyan. Kung may ebidensiya po, ilabas ninyo ang ebidensiya ninyo dito po sa task force na binuo ni Presidente. Pero ang Palasyo naman po ay nirirespeto iyong sinasabi ni Sen. Lacson na iyong mga regional vice presidents ay hindi naman po sila daw miyembro ng tunay na sindikato. At nirirespeto rin po natin iyong sinasabi ni Dir. Cabading na ang mga regional vice presidents daw po ang mga tunay na bayani in the same way na nirerespeto natin itong tanong ng ating kasama sa Malacañang Press Corps na siguro nanggaling doon sa mga miyembro ng executive committee na hindi daw sila. Lahat naman po, ang katotohanan, lalabas po iyan dahil nga po dito sa task force.

Okay?

USEC. IGNACIO:   Okay. Salamat po, Sec. Roque.

SEC. ROQUE:   So, maraming salamat po dahil wala na po tayong tanong. Papunta po tayo ng Davao mamaya, kasama po natin ang ilang mga miyembro pa ng Gabinete para sa pagpupulong ng ating Presidente. Inaasahan po natin na magkakaroon po ng mensahe ang ating Presidente sa taumbayan.

Oo nga pala po, balik na po tayo sa NEB, ang aming bahay po dito sa Office of the Presidential Spokesperson. Nagpapasalamat po kami sa lahat ng tao that made it possible for us to return.

At humihingi rin po ako ng abiso doon sa aming kakulangan for the past three weeks na kami po ay nag-improvise, unang-una, noong sarado po ang NEB; pangalawa, noong tayo naman po ay nalagay sa isolation dahil tayo po ay na-expose kay Sec. Año. Pero natapos na po iyong aming two-week isolation from the time that we had close contact with Sec. Año and nagpa-PCR test na rin po tayo, preparatory to our trip to Davao and we tested negative naman po.

Bagamat makikita ko po si Presidente mamaya, baka wala po akong pagkakataon, I’d like to publicly apologize to the President for the past mistakes I had last Monday, lalong-lalo na po doon po sa sinabi kong ‘perpetual isolation.’ Wrong choice of words po pero what I meant only was that the Presidential Security Group has been doing a good job at ensuring that there is social distancing between anyone who wants to talk to the President.

Pasensya po.

Okay. With that po, I’d like to thank everyone for joining our press briefing – USec. Vergeire, USec. Vega. I’d like to thank the men and women of the Malacañang Press Corps, and of course, USec. Rocky. Thank you very much to RTVM, to PTV-4 and, of course, to all my colleagues in the Office of the Presidential Spokesperson. It’s good to be home and until tomorrow po!

On behalf of the President, President Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing – Let’s keep healthy, Philippines.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)