Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Deo Macalma and Karen Ow Yong (DZRH – Breaktime)


Event Media Interview

URI:   Secretary, magandang hapon po sa inyo. Live tayo with Deo Macalma and Karen Ow Yong.

SEC. ROQUE:   Yes, Henry, Deo at Karen, magandang hapon po.

OW YONG:   Good afternoon.

SEC. ROQUE:   Kinokondena nga po natin iyong pagsabog na nangyari sa Sulu. Iyan po ay karumal-dumal at ina-assure po natin ang ating pakikiramay at ang ating tulong doon sa mga nasawi at nasugatan po diyan sa karumal-dumal na pagsabog na iyan.

URI:   Ito ho ba ay nakarating na, Secretary, kay Pangulong Rodrigo Duterte at ano po ang sabi niya?

SEC. ROQUE:   Nakarating na po bagama’t hindi ko pa po alam kung anong sabi niya dahil kaka-landing ko lang po ngayon sa Davao.

URI:   All right. Deo?

MACALMA:   So, anong oras po ang inyong meeting sa gabinete at IATF, Secretary sir?

SEC. ROQUE:   Well, medyo nale-late na nga po kami dahil medyo ma-traffic po pero 5:30 po. Dalawa po iyong pagpupulong na mangyayari at ang mga miyembro ng gabinete na nandito po ay sina Sec. Galvez, Sec. Lorenzana, Sec. Bautista, Sec. Lim, Sec. Dar. Nandito na rin po, dumating na nang mas maaga pa si Exec. Sec. Medialdea, si Sec. Meynard Guevarra at saka si Sec. Dominguez ng Finance.

OW YONG:   Sec. Harry Roque, dahil dito po sa mga latest developments sa bombing sa Jolo, Sulu, ito po ba ay kasama rin sa inyong pagme-meetingan mamaya kasama si Pangulong Rodrigo Duterte?

SEC. ROQUE:   Well, siyempre po, bagong pangyayari ito, wala ito sa orihinal na agenda pero I’m sure po may masasabi po ang Presidente natin mamaya lalo na sa kaniyang talumpati sa ating mga kababayan.

MACALMA:   Anong aasahan natin sa talumpati mamaya ng Pangulong Duterte, Sec. Roque sir?

SEC. ROQUE:   Well, kagaya ng sinabi ko po kanina, iyong pagkakaroon po siguro ng report doon sa mga kung paano nagastos ang mga pondo para sa COVID. At dahil kasama po ngayon dito sila Sec. Lim ng MMDA at saka si Sec. Dar ng Agrikultura, mayroon din pong report siguro iyan tungkol sa mga pangyayari diyan sa Metro Manila at saka diyan po sa ating food supply doon sa Plant, Plant, Plant Program natin sa ilalim po ng Department of Agriculture.

OW YONG:   Sec. Harry Roque, may plano pa po ba si Pangulong Duterte na bumalik o mamalagi dito sa Metro Manila o diyan na po siya talaga magdaraos ng mga cabinet meetings at diyan na rin po sa Davao muna mamamalagi si Pangulong Rodrigo Duterte habang may pandemic po?

SEC. ROQUE:   Well, it does not matter naman po kung saan, dahil dito po sa Davao mayroon po tayong tinatawag na Panacañang. Ito po ay ipinagawa ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo para bilang maging Malacañang ng Mindanao at hindi naman siguro akalain ni Presidente Arroyo na talagang may taga-Davao na mahahalal na Presidente.

Pero hindi naman po permanente dito si Presidente, sigurado po ako babalik din po siya sa Maynila dahil gusto rin po niyang makita ang kondisyon sa ground, ayon sa kasabihan nga po, ano. At bagamat alam ninyo naman po, mas kakaunti ang COVID, iyong kaso ng COVID dito sa Mindanao kaysa po sa Manila kung saan nandiyan po pa rin ang epicenter ng COVID.

MACALMA:   Secretary, sir, maraming salamat! Magandang hapon po sa inyo. Thank you.

Henry?

OW YONG:   Thank you, sir.

SEC. ROQUE:   Salamat po. Magandang gabi po.

URI:   Secretary, thank you so much.

 

 

***

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)