USEC. IGNACIO: Isang mapagpalang araw ng Miyerkules sa ating lahat. Ngayon po ay August 26, 2020, matapos po ang tatlong linggo, muli pong nagbabalik ang ating programa para maghatid ng tamang impormasyon tungkol sa patuloy na laban ng ating bansa sa COVID-19. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
BENDIJO: Good morning po, Usec. At ako naman si Aljo Bendijo, pansamantalang hahalili kay Secretary Martin Andanar. At para po mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga kasamahan diyan po sa People’s Television Network, sa PTV at bilang pagsunod na rin sa health and safety protocols na ipinatutupad po ng ating pamahalaan ay kinailangan nating pansamantalang tumigil sa pag-ere para mabigyan po ng daan ang swab testing ng ating mga katrabaho at ganoon din ang linggu-linggong pag-disinfect ng PTV Network.
USEC. IGNACIO: Pangunahin po nating prayoridad ang kaligtasan ng lahat pero ngayon po kami po ay nagpapasalamat na muling makapagbalita ng mga pinakahuling hakbangin ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng COVID-19 sa ating mga kababayan at sa ating bansa. Kaya naman po simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Kahapon po, August 25, 2020, araw ng Martes ay nakapagtala po ang DOH ng karagdagang 2,965 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan ay umaabot na sa 197,164 na kaso, 61,730 po sa bilang na iyan ang nananatiling aktibo. Nadagdagan naman ng 368 ang bilang ng recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuang po ay umabot na sa 132,396, habang tatlumpu’t apat (34) naman po ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan po ay nasa 3,038 na.
Makikita sa ating line graph na malaki na ang ibinaba ng kasong naitala kahapon kung ikukumpara sa mga nakalipas na araw kung saan hindi po bumababa sa apat na libo ang reported cases. Ang National Capital Region pa rin po ang pinanggagalingan ng mataas na kaso n COVID-19 na nakapagtala ng 1,575 cases kahapon; pangalawa naman po sa hanay ang Negros Occidental na may 237 cases, sunod ang Laguna with 151 cases; pang-apat ang Cavite na may 129 na kaso, at ang Batangas na nakapag-report po ng 95 cases kahapon.
BENDIJO: Sa bilang naman ng mga aktibong kaso: 91.6% dito ay mild lamang, 6.1% ang walang sintomas, samantalang 0.9% ang severe at 1.4% ang nasa critical na kundisyon. At para tuluyan nang masugpo ang COVID-19, muli po naming ipinapaalala sa lahat na sa tuwing lalabas ng inyo pong mga tahanan ay huwag kakalimutang magsuot ng face mask at face shield at ang pagdadala ng alcohol. Siguruhin ding laging bitbit ang quarantine pass at ang listahan ng mga bibilhin o gagawin sa labas ng bahay. Mainam din na magdala ng bottled water at maging ng tissue paper. Mga simpleng hakbang lang po pero malaki ang maitutulong para maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19. ‘Ika nga ng Department of Health – BIDA Solusyon sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: At para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19 maaari po ninyong i-dial ang 02-894-covid o kaya at 02-89426843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari po ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
BENDIJO: At samantala, para naman sa ating mga balita. Mariing kinondena ng pamahalaan ang ginawang magkadikit na pambubomba o twin bombing sa Jolo, Sulu noong Lunes. Ayon sa Philippine Army, ito ay pinaniniwalaang isinagawa ng dalawang babaeng suicide bombers na diumano ay mga miyembro ng terrorist group na Abu Sayyaf. Ang isa dito ay Indonesian national.
Labing-apat (14) ang nasawi nang dahil sa karumal-dumal na insidenteng ito, habang pitumpu’t lima (75) naman ang sugatan. Naganap ang pagsabog malapit sa simbahan ng Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, na siya ring naging sentro ng pagbomba noong nakaraang taon at kumitil na sa buhay ng mahigit 20 katao.
Narito naman ang naging pahayag ni Senator Christopher Bong Go sa nasabing insidente.
(voice clip of Senator Go)
USEC. IGNACIO: Samantala, tuluy-tuloy din po ang ginagawang assistance ng pamahalaan sa ating mga kababayan na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, kabilang na po ang mga Pilipinong atleta. Noong nakaraang linggo po ay binisita ni Senate Committee Chair on sports, Senator Bong Go, ang ilang grupo ng mga boksingero sa Davao City at iba pang bahagi ng Northern Mindanao. Namigay ang opisina ng senador ng food packs, masks at mga gamot para po masiguradong protektado ang kalusugan ng mga atletang ito. Namigay din po ang Senador sa mga piling benepisyaryo ng bisikleta.
Sa tulong naman ng Games and Amusement Board ay namahagi rin ang Department of Social Welfare and Development ng financial assistance at dagdag na food packs para sa mga atletang ito mula po sa Mindanao.
BENDIJO: Samantala, kasama nating magbabalita mamaya sina John Mogul mula po sa Philippine Broadcast Service, Daniel Grace De Guzman ng People’s Television-Cordillera, John Aroa ng PTV-Cebu at si Jay Lagang ng PTV-Davao.
USEC. IGNACIO: Habang makakausap naman natin sina Professor Ranjit Singh Rye, Professor Guido David at si Father Nicanor Austriaco mula po sa UP-OCTA Research Team. Makakasama rin po natin si Mayor Kit Nieto ng Cainta, Rizal.
BENDIJO: Kung may nais po kayong linawin sa ating mga resource person, i-comment lang po ninyo iyan sa ating live stream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyo pong mga katanungan.
USEC. IGNACIO: Simulan na natin, Aljo. Ang una po nating makakasama sa kabilang linya ang ilang mga eksperto na sa mga nakalipas pong buwan ay masusing pinag-aaralan ang mga datos na may kaugnayan sa COVID-19 sa bansa. At para po matukoy ang tamang pagharap o pag-manage sa pandemyang ito, we have on the line po si Professor Ranjit Singh Rye, si Professor Guido David at si Father Nicanor Austriaco mula po sa UP-OCTA Research Team. Sir, magandang umaga po sa inyong lahat at welcome po sa Laging Handa public briefing.
Unahin po natin, base po sa pinakahuling pag-aaral ninyo sa trend ng COVID-19 cases sa bansa, nakita ninyo po most likely ay mag-flatten po ang curve ng COVID-19 by end of August or September. Tayo po ay nasa huling linggo na ng August, posible po ba talagang ma-flatten ang curve ng COVID-19, considering na umaabot pa rin po sa libu-libo ang naitatalang kaso ng COVID sa araw-araw? Kunin ko po muna ang sagot ni Professor Ranjit.
Sir, sino po ang pupuwedeng unang sumagot? Makakasama po ba natin—medyo antabayanan natin, Aljo, nagkakaroon tayo ng medyo problema sa linya ng ating komunikasyon. Si Dr. Guido David po ay—sir, kayo na po ang una nating tatanungin? Puwede po ba nating makuha ang inyong sagot doon sa—ulitin ko na lang po iyong tanong para maintindihan natin: Possible po ba talagang mag-flatten iyong curve ng COVID-19? Kasi kapag po ako ay nanunood ng mga latest data na binibigay po ng DOH, Professor, libu-libo pa rin po. Kasi noong mga nakaraan dati-dati pa parang kapag umabot ng 500, medyo nakakatakot na, pero ito kasi talagang nasa libo pa rin. So, ano po talaga iyong basehan talaga na makikita nating magpa-flatten po iyong curve?
DR. DAVID: Noong sinabi nating magpa-flatten ang curve, ang basis pa lang natin iyon, iyong reproduction number, iyong R0 pababa na siya and nakikita namin iyong trajectory niya ay baba na siya ng below one. Actually, ngayon ay malapit na siya – it’s between 1 and 1.1, so malapit na siyang mag-below one. Ibig sabihin niyan, iyong transmission rate ay bumabagal na at dahil bumabagal siya, ibig sabihin, kumukonti na iyong ano … kukonti na iyong mga number of new cases per day. Hindi ibig sabihin niyan, na-flatten iyong curve, wala na tayong COVID. Ibig sabihin nasa downward trend na tayo, iyon iyong ibig sabihin.
So totoo na marami pa rin tayong bilang ng kaso, mga 3,000 plus cases per day pa rin. So hindi pa tapos iyong laban kapag na-flatten iyong curve, ibig sabihin niyan ay sustained dapat iyong efforts natin para mapababa natin iyong bilang ng kaso. So target natin mapababa iyan to 2,000 to 1,000.
So it can takes several months pa bago natin ma-achieve iyong gusto natin which is talagang ma-manage na natin iyong pandemic. So start pa lang ito ng process kumbaga. And as an example, sa Cebu na na-flatten natin iyong curve more than 30 days ago, 300 new cases, hanggang ngayon ay flattened iyong curve nila, hindi pa naman nag-i- increases iyong transmissions pero bumaba na iyong number of new cases nila from 300 to less than 80. So iyan iyong gusto nating makitang result dito sa Metro Manila, mapababa natin iyong number of cases.
So hindi ibig sabihin na flatten ang curve, puwede na tayong magpabaya at puwede na tayong bumalik sa dati; hindi pa tayo babalik sa dati. It’s still the same. We have to sustain the efforts and reduce the number of cases.
USEC. IGNACIO: Opo. Dr. David, kunin ko lang po itong tanong ng ating kasamahang si Gillian Cortez ng Business World kasi medyo may kaugnayan din po sa inyong sinasabi ito: When the COVID-19 case curve does flatten as predicted, is it still recommended that the Philippine will still maintain this quarantine or can the authorities relax the lockdown more and fully re-open the economy? Dr. David?
DR. DAVID: Yes, hello. We don’t necessarily recommend na fully opening the economy because this is just the start of the recovery process, iyong pag-flatten ng curve. Like I said, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang laban; it doesn’t mean that the pandemic is over. The virus is still alive and spreading. Pero ang ibig sabihin lang nito, this is the start of the recovery; this is the start of the downward trend, kumukonti na iyong cases.
And hindi ibig sabihin kapag sinabi nating nagpa-flatten na iyong curve na irreversible siya. The trend can always reverse. We can always have another surge if we are not careful. That’s why we should be careful. If we’re going to re-open certain economies, we have to evaluate each one and make sure na hindi tayo magli-lead to transmission.
So right now, we learned from our past mistakes siguro. Noong una tayong nag-re-open ng GCQ, nagka-surge tayo because there were things na hindi natin na-anticipate – iyong infectivity ng virus. So right now, I think we’re better prepared for that pero we still have to tread carefully, we still have to be very, very careful about not letting this get out of control.
Remember, we’re still getting more than 3,000 cases per day; our hospitals are still full, so hindi pa tayo tapos sa laban. So we have to remind people na the recovery is just beginning.
USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po, Doctor David. Punta naman po ako kay Father Nick. Father, ano daw po iyong mga determining factors or iyong mga tinitingnan ninyong datos para po mag-come up sa ganitong projection?
FATHER AUSTRIACO: First of all, I apologize, I’m going to answer primarily in English because I’m a Filipino-American. But basically, we are looking at several things. We are looking at, one, the infectivity rate. My colleague, si Professor Guido pointed about the R0 or the Rt, and that number tells us how often one person will infect other people. So when that R0 is below 1, that means that the number of cases is going to decrease in the population, which is good.
We also look at hospitalization. We look at the number of people who are going to the hospital especially those who are going to the ICU because we don’t want to overwhelm our hospital and exhaust our medical frontliners.
We look at test positivity rate which is the number of tests that are positive for COVID over time. And we want to look at that because it gives a sense of two things – it gives us a sense of how extensive the … what our testing capacity is for a particular location, maybe the NCR or the Philippines as a whole. It also gives us a sense of … depending upon the trend, if the positivity rate is going up, it suggests that the pandemic is slowly spreading; if the positivity rate is going down, it suggests that the pandemic is stabilizing and maybe even coming down.
So these are the basic numbers that we look at. There are numbers too including things like average number of people that are contact traced. This is just to give you a sense of how efficient the contact tracing is. But some of these numbers are more difficult to find here in the Philippines.
USEC. IGNACIO: Punta naman po ako kay—nabanggit din po kanina ni Doctor David na magkakaroon po ng significant decrease reproduction rate ng COVID-19 noong nagbalik po sa MECQ for two weeks ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Ngayon po, one week na po tayong naka-GCQ, are you still seeing the same downward trend sa reproduction rate ng COVID-19?
FATHER AUSTRIACO: So [garbled] end of July, the reproduction rate was in about 1.4, and we’re now, as my colleague Professor David pointed out, it is now between 1 and 1.1. And the downward trend as you see in the graph is still going down. And our basic message to the government and to our fellow Filipinos is that we have to maintain the momentum to keep this downward trend going. And so we have to try to learn from the first GCQ, to improve on the GCQ this time so that we would break the viral chain of transmissions.
USEC. IGNACIO: Yes. Punta naman po tayo kay Doctor David. Salamat, Father Nick. Tuluy-tuloy din daw po ang efforts ng pamahalaan na paigtingin po ang testing, tracing at treatment ng COVID-19 sa bansa. Doctor. David, masasabi ba nating naging factor din ito para po bumaba iyong transmission rate ng COVID?
DOCTOR DAVID: Yes, of course. We all played a role dito sa pag-manage ng pandemic; so not just national government, pati iyong local government, business sectors and iyong private individuals and the media. So this is a collective effort.
And kung hindi effective iyong mga measures na ginagawa ng government, definitely we will see some kind of surge. So ngayon, hindi pa natin nakikita. So the fact na the trend is going down, it means effective iyong mga ginagawa natin and also the people.
USEC. IGNACIO: Opo. Doctor David, ihahabol ko lang po iyong tanong ni Arianne Merez ng ABS-CBN sa inyo. Ito po iyong tanong niya, although medyo may binigay na rin po, may sinabi na rin po kayo tungkol dito. How high daw po or low is the chance that the Philippines can flatten the COVID-19 curve by September given the current trend of cases?
DOCTOR DAVID: Yes. I think the chances are very good kasi we’re close to flattening the curve. Pero like I said, it does not mean na kapag nag-flatten siya even for one week, we’re okay. I mean, it has to basically flatten and not start increasing again. So we have to sustain this transmission rate na R0 below one for a period of months actually, kailangan nating i-sustain iyan. It’s not just two weeks na flatten tapos we’ll be okay; we have to sustain this.
We can siguro, as the number of cases decrease, we can reevaluate certain economies, business sectors, if we can re-open them. Pero definitely, we have to be very careful in doing this and we have to have a feedback system na if certain economic sectors that we open lead to increase transmission. So kailangan very gradual iyong pag-open natin when we do decide to open.
But we have to have a sustained flattening. The moment that this starts increasing again, we have to be alert and take action immediately, na hindi natin mapapabayaan like what happened before. So we can’t let this get out of hand. So we have to be very proactive and monitor this closely, and we are trying to help the public and the government do that by monitoring this para makita natin if the trends are starting to reverse.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Doctor David. Punta po ako kay Professor Ranjit Rye.
Good morning, Professor. Sa mga nagdaang buwan po ay naging very crucial po ang data encoding ng mga laboratories para po sa COVID-19 na naging dahilan po sa pagkakaroon din ng backlog doon po sa datos na inilalabas ng Department of Health. Ito po ba ay nagkaroon ng epekto sa analysis ng inyong grupo?
PROFESSOR RYE: Well, oo, kasi ang backlog po talagang problema iyan sa datos. Matagal—dalawang buwan na naming sinasabi sa DOH iyan. At alam mo, ang datos kasi, sa ating mga nakikinig at nanunood, napakaimportante niyan para sa mga modelong ginagawa namin, sa mga projections. Para mas maging accurate iyong projections namin eh kailangan namin iyong malinis at accurate rin na datos, so, iyon ang panawagan namin.
At malaki rin ang impact niyan sa policy making kasi kung maganda iyong mga models at projections natin iyan ang ebidensiya na ginagamit para gumawa ng magandang programa, mag-ayos ng polisiya na gagamitin natin para sa laban sa COVID. So, importante ho ang datos moving forward, kasi itong sakit na ito ay nakakahawa. Gusto ko sanang i-reemphasize, hindi pa ho tayo—wala pang solusyon po, nasa gitna tayo ng napakahirap na pandemya, nasa crisis level po tayo.
May nakikita kaming positive na development, ang gusto lang naming sabihin, sana mag-take advantage tayo doon sa positive development, magtulung-tulong tayo, huwag tayo magpabaya at mag-ingat pa lalo tayo para lalo nating ma-sustain iyong gains na nakuha natin sa MECQ na napakamahal ano. Ang laki ng ibinayad natin sa MECQ na iyan from the economic and social standpoint.
So, iyon ang panawagan namin, magtulungan na po tayo. Lalo tayong mag-ingat at huwag nang lumabas kung hindi kailangan. Huwag tayong magpabaya at maging maagap lalo. Iyon lang.
USEC. IGNACIO: Opo. Professor, bilang panghuli po, base doon sa inyong expert opinion po, ano po iyong aasahan naman ng ating mga kababayan sa mga susunod na araw? Sinasabi ninyo nga po may positive development, pupuwede po bang sabihin na agad na ba nating makikita iyong pagbaba ng daily recorded case? Sa palagay ninyo po ba mas magiging manageable ang epekto ng COVID-19 sa bansa?
PROFESSOR RYE: Alam mo, napakahirap ho, napakasalimuot ho ng problema at ang tingin ng marami kagaya rin namin, pataas lahat ng datos, iyong trend. Pero iyon nga, dahil nag-MECQ tayo, nagkaroon tayo ng kaunting positive na development na iyong trends ngayon, pababa.
Pero ang hinihingi namin sa lahat, dalawa ho ang puwedeng mangyari eh – lumaki at lumaki ito at wala na tayong control, masasagad na naman iyong ating mga hospital at saka frontliners at maraming mamamatay. Pero kaya nating i-prevent ito eh kung magtutulungan po tayo. So, iyon ho iyong goal natin – i-inform iyong public na mayroong downward trend, kailangang mag-double time tayo sa ating mga efforts bilang individual, bilang member ng private sector, pati iyong gobyerno.
Dapat paigtingin pa natin iyong mga strategies natin against COVID. Malayo pa at matagal pa iyong laban at medyo natambakan tayo ng kaso kaya it will take time ho. Pero kapag pinapababa natin iyong ‘R’, iyong pagkalat, iyong rate ng pagkalat, iyong bilis ng pagkalat, nakakatulong tayo sa laban ng pandemya.
So, iyan ho ang goal – i-sustain ho iyong gains na na-create ng MECQ para in the long run mapababa natin iyong mga kaso. Hindi ito mangyayari sa isang buwan, sa dalawang buwan, o tatlong buwan, so, kailangan tayo ang laging focus tayo sa laban kung hindi dadami at dadami itong cases natin. So, kailangan tayong maging mas maingat, mas maagap, kung hindi kailangang lumabas, huwag lumabas. Tumulong tayo sa national effort against COVID-19.
So, iyon lang ang panawagan natin, ng grupo namin. Every week maglalabas kami ng mga datos para sa media at para sa gobyerno natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po, Professor Ranjit. Kunin ko naman po si Doctor David and si Father Nick. Unahin ko po si Doctor David. Message na lang po, mensahe na lang po sa ating mga kababayan, Doctor David
DOCTOR DAVID: As we mentioned kanina, this is a collective effort, so, hindi pa tapos iyong laban. So, we have to sustain this momentum natin and it will take a while pero ang inaasahan natin, you know, sana by Christmas okay na lahat. So, let’s work together so we’ll have a happy finish for 2020 kahit papaano. Kahit iyong most of 2020 nahirapan tayo pero kung maganda iyong finish natin baka we’ll end on a good note and start 2021 with a fresh energy and fresh vibes. So, iyon lang. So, we have to work together; so, we need your help, we all need to work together.
USEC. IGNACIO: Opo. Salamat, Doctor David. Naku, inaasahan po natin iyan. Sana naman po pagdating ng Pasko talaga namang tayo ay medyo nakahinga talaga na nang husto sa COVID-19.
Puntahan ko po si Father Nic. Father Nic, can we get your message po sa ating mga kababayan?
FATHER AUSTRIACO: I would say the same thing as Professor Guido but I will also, you know, I’m a scientist and I think it’s important to tell everyone that there are people all over the world working very hard to find a vaccine and to find a cure for COVID-19.
Now because I’m a priest, I’m a priest-scientist, I want to say we have to pray. We have to pray for a healthy Christmas and for rest for everyone for Christmas. So, you know, we do everything together, we work together, we stay home together, we social distance together, we pray together. This is the fight in the Philippines.
USEC. IGNACIO: Thank you, Father at maraming salamat po sa inyong panahon dito sa Laging Handa.
Muli po naming nakausap nga sina Professor Ranjit Rye, Professor Guido David, si Father Nic Austriaco. Maraming salamat po sa inyo. Mabuhay po kayo, sirs!
FATHER AUSTRIACO: Salamat
DOCTOR DAVID: Thank you.
PROFESSOR RYE: Mabuhay.
USEC. IGNACIO: Sa atin pong tatlong linggong pahinga sa programa ay hindi po ibig sabihin nito nagpahinga rin ang ating pamahalaan sa pangunguna po ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paghahanap po ng solusyon para po tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa araw-araw na pakikibaka laban po sa COVID-19.
Makikibalita po tayo mula mismo sa Kalihim ng PCOO, Secretary Martin Andanar, live po iyan mula po sa Cotabato. Good morning, Secretary!
Secretary Martin, good morning po.
Good morning, Secretary Martin?
Medyo nagkakaroon lang po tayo ng problema sa linya ng komunikasyon with Secretary Martin. Alam ko po kayo ay bising-busy sa inyong pagganap sa tungkulin. Nandiyan kayo sa Cotabato.
Aljo?
BENDIJO: Yeah. Usec., balikan natin mamaya si Secretary Martin Andanar. Maganda iyong sinabi ng ating mga nakapanayam kanina, mga eksperto. Ito ay collective effort, lahat tayo ay magtutulungan na imbes na magsiraan eh dapat tayo ay magkapit-bisig para tugunan natin ang problemang ito.
Hopefully ay isang malusog, COVID-free Christmas ang 2020, Usec.
USEC. IGNACIO: Yeah… Oo nga. Hindi—at saka alam natin, Aljo, napakahalaga talaga ng papel ng local government units. Sa sinasabi ng ating mga expert from UP, iyong research team, na talagang kailangang magtulungan kasi hindi ka dapat nagpapabaya na nakikita nga na nagkakaroon ng pagbaba ng kaso pero hindi ka dapat talaga maging kampante dahil kapag muling nangyari ito, mahihirapan talaga ang ating bansa lalo na iyong ating ekonomiya. Kapag naapektuhan ang ekonomiya, talagang lahat apektado, ang kabuhayan ng mga tao na napakahirap talaga.
BENDIJO: Kaya nga, kung ano iyong—
USEC. IGNACIO: Okay, Aljo, magbabalik …
BENDIJO: Opo. Sige po, Usec. Kung ano iyong nagawa natin – ECQ, MECQ – i-sustain lang natin iyon para hindi mawalan po ng saysay iyong effort na ibinigay natin doon.
Samantala, Usec., magbabalik po ang ating programa matapos lamang ang ilang paalala. Magbabalik po kami.
[AD]
BENDIJO: Nagbabalik po ang public briefing #Laginghanda.ph. Puntahan na natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan. Mula diyan sa Cebu, PTV-Cebu kasama natin si John Aroa, John, maayong buntag.
[NEWS REPORTING]
BENDIJO: Usec., pasalamatan natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Okay, Aljo si Secretary Andanar ay nasa Cotabato kung saan ay nagkaroon nga tayo ng problema sa linya sa komunikasyon, pero doon ibinahagi niya na ang sabi niya pairalin ng lahat ang Bayanihan spirit para malabanan ang COVID-19. Si Secretary Andanar po ay nasa bahagi ng Cotabato City.
At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli’t muli po ang aming paalala, BIDA, the part of the solution: Wear mask, wash hands, keep distance, stay at home. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
BENDIJO: At ako naman po si Aljo Bendijo. Thank you so much, Usec. and Secretary Martin Andanar – ingat po kayo diyan sa Mindanao.
USEC. IGNACIO: Hanggang bukas pong muli, dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)