USEC. IGNACIO: Magandang araw po sa lahat ng ating mga manonood sa loob at labas ng ating bansa. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod Undersecretary Rocky Ignacio, mula po sa Presidential Communications Operations Office. Good morning, Aljo.
BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Rocky. Ako naman si Aljo Bendijo kasama ninyong maghahatid po ng mga pinakasariwang mga impormasyon sa mga hakbangin ng pamahalaan para labanan ang COVID-19.
USEC. IGNACIO: Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Simulan na natin ang makabuluhang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
As of 4 P.M. kahapon ng Miyerkules ay nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 5,277 reported COVID-19 cases sa bansa na sa kabuuan ay umaabot na po sa 202,361 na kaso. 65,764 po nang bilang na iyan ay nananatiling active cases. Nadagdagan naman ng 1,131 ang bilang nang recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan po ay umabot na sa 133,460 habang 99 cases naman po ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan po ay nasa 3,137 na.
Bagama’t bumaba ang COVID-19 cases na naitala nitong Martes, kahapon po ay halos nadoble naman ito na umabot nga sa 5,277. Ito na po ang pinakamataas sa bilang sa nakalipas na isang linggo. Malaking bahagi sa mga kasong naitala ay mula pa rin sa National Capital Region na nasa 3,157. Nagpalit naman ng puwesto ang Laguna at Negros Occidental na may 403 cases at 304 cases. Nasa ikaapat na puwesto ang lalawigan ng Rizal na may 237 cases at ang Cavite na nakapagtala ng 228 na kaso.
Nadagdagan naman po nang mahigit na 4,000 ang bilang ng active cases na ngayon po ay nasa 65,764 na 32.5% po niyan ang total COVID-19 cases sa bansa.
BENDIJO: Nananatili pa rin sa 91 [garbled] ang aktibong kaso ang mild [garbled] ang [garbled] ang severe at [garbled] ang kritikal.
Samantala, muling paalala sa lahat ng mga [garbled] ang pagdi-disinfect [garbled]. Siguraduhin [garbled] ang mga ito gamit ang [garbled]. Madali lang po itong gawin, ihalo ang [garbled] na bahagi ng [garbled] sa pagdi-disinfect ng mga [garbled] ng lamesa at iba pa. Mga simpleng paraan lang po pero malaki ang maitutulong po niyan para labanan ang COVID-19.
USEC. IGNACIO: At para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02894-COVID o kaya ay 02894-26843. Para po naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.
BENDIJO: Para naman po sa ating mga balita, walang dapat ipag-alala ang taumbayan dahil inaalagaan po nang mabuti ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kaniyang sarili at walang iniindang seryosong sakit, iyan ang pagtitiyak ni Senator Christopher ‘Bong’ Go. Aniya, sa higit na dalawang dekada na nakasama niya ang Pangulo ay alam na ni Senador Go ang lagay ng kaniyang kalusugan. Ganoon pa man dahil nasa 75 years old na rin ang Pangulo, natural lamang na makaranas ito ng sakit. Ito aniya ang dahilan kung bakit mahigpit ang PSG at mga doktor sa kaniya lalo na ngayong may pandemic.
Magkaganoon pa man ay ginagawa pa rin ng Pangulo ang lahat para magampanan ang kaniyang tungkulin sa sambayanang Pilipino. Kaya naman nanawagan si Senator Bong Go sa lahat na magkaisa sa paglaban sa krisis na ating nararanasan ngayon.
USEC. IGNACIO: Samantala, sa isinagawang press briefing sa Cotabato City kahapon ay binigyang papuri nina National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, Jr., PCOO Secretary Martin Andanar at Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga epektibong hakbang ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao o BARMM laban po sa COVID-19 kahit limitado ang kanilang mga pasilidad. Ganoon pa man, mas mabuti pa ring doblehin nito ang kanilang contact tracing effort.
Ipinahayag naman ni PCOO Secretary Martin Andanar na patuloy ang kaniyang tanggapan sa pagbibigay ng makabuluhang impormasyon sa mga hakbang ng pamahalaan para malabanan ang pandemya sa tulong ng mga programa kagaya ng Public Briefing #LagingHandaPH.
[VTR]
BENDIJO: Samantala, gumawa po ng bagong marka sa kasaysayan ang bansa. Ang pagdaraos na flag raising ceremony sa pangunguna ng Northern Luzon Command’s Naval Forces Northern Luzon o NFNL sa Fuga Island. Makikita sa video na bukod sa mga miyembro ng NFNL ay nakiisa rin ang mga residente, estudyante at mga opisyal ng komunidad sa nasabing aktibidad. Labis din ang pasasalamat ng mga sibilyan sa patuloy na pagprotekta ng mga alagad ng batas sa kanilang lugar. Ang Fuga Island ay kabilang sa tatlong isla na bumubuo sa Babuyan Group of Islands.
USEC. IGNACIO: Samantala, pinapurihan din ni Senator Bong Go ang ginawang pamamahagi ng lupain ng Department of Agrarian Reform o DAR sa mga magsasaka ng mga munisipalidad ng Arakan at President Roxas, sa probinsiya po iyan ng North Cotabato. Sa kabuuan ay nasa 4,500 hectares of land na dating pag-aari ng University of Southern Mindanao at Cotabato Foundation College of Science and Technology ang ipinagkaloob ng DAR sa nasa 3,035 Agrarian Reform beneficiaries.
Sa naging pahayag naman ng Senador, sinabi niyang nawa ay gamitin ito ng mga magsasaka para mapabuti ang kanilang pamumuhay at makapag-ambag sa inaasam na food security ng bansa. Dagdag pa niya na malaki ang papel na ginagampanan ng mga magsasaka para muling mapalakas ang ating bansa at makabangon mula sa epektong dulot ng COVID-19.
BENDIJO: Samantala, kasama nating magbabalita naman mamaya sina Czarina Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service at John Aroa mula sa PTV-Cebu.
USEC. IGNACIO: Habang makakausap naman natin sina Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco ng Department of Labor and Employment, Director General Jeremiah Belgica ng Anti-Red Tape Authority at si Dr. Minguita Padilla, ang Medical Team Leader ng Project ARK.
BENDIJO: Kung mayroon po kayong nais na linawin sa ating mga resource persons ay i-comment lamang ninyo iyan sa ating live stream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyo pong mga concerns sa inyong mga katanungan.
USEC. IGNACIO: Samantala Aljo, simulan na natin ang ating Public Briefing. Makakasama natin ang Medical Team Leader ng Project ARK, Dr. Minguita Padilla. Magandang umaga po, Doktora.
DR. PADILLA: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat ng mga nakikinig at nanunood. [Garbled] iyong gwapong lalaking kasama ninyo.
USEC. IGNACIO: Si Aljo po. Doktora, recently po ay nababalitaan natin ang ilang mga gumaling na po mula sa COVID-19 pero nagkakaroon ulit po ng sakit o iyong re-infection. ‘Di po ba kapag gumaling na ay nakakapag-develop na supposedly po ng antibody para labanan ang COVID-19. Pero bakit posible na nangyari ito? Should this be a cause for concern ng pamahalaan at sa publiko po?
DR. PADILLA: Okay, salamat sa tanong. Actually, naging parang concern ito dahil especially iyong nangyari kay Doctor Senen ‘no, kay Karen, sa UP.
Marami na kaming nabalitaan—marami na hong healthcare workers nabalitaan na gumaling tapos mukhang nagkaroon ng re-infection. Is there re-infection? Recently, before this week, maraming haka-haka, maraming anecdotal evidence ‘no. Kaya lang last Monday, naglabas ang Hong Kong ng kauna-unahang documented re-infection for COVID. Ito ay isang 33-year old na lalaki na nagkaroon ng COVID, documented, March ng taon na ito tapos gumaling, then four and a half months later ay lumakbay siya sa Europe and then he came back, he had again symptoms of COVID. Tapos, they did again the test, nag-PCR sila uli at nakita nila, oo nga may COVID kaya lang itong COVID… iyong SARS-CoV virus niya ngayon ay iba kaysa sa SARS-CoV virus niya noong March.
So he was re-infected with SARS-CoV-2 again causing COVID but a different genome. Iba iyong mga letra ng RNA nitong virus na ito. Kasi iyong SARS-CoV virus is composed of … it’s an RNA virus, iyong mga genes niya, mga letra iyan, mga proteins. Iba iyong sequence, iba itong bagong infection niya kaysa noong March. So it is now documented that indeed it can happen.
Now, ang kagandahan nito is that itong second infection niya wasn’t as bad as the first. So parang may antibodies na siya, ito also maybe, perhaps helped. Isa pa ito, Usec. Rocky, it’s not just the antibodies that go into the picture when you have iyong resistance sa infection o paglaban. Maraming nalalaman na ngayon, hindi lang antibody M or G; may antibody A pa rin, iyong nasa ilong. Tapos may mga tinatawag na T cells. Itong T cells, kumbaga kung ang antibody ay pinapatay iyong virus, itong T cells pinapatay niya pati iyong mga cells na nalalaman ng mga virus. So kumbaga, mas grabe, mas matindi ang kanilang defense.
So yes, there is evidence of re-infection but we still don’t know much about … is it less severe, is it more severe? Ito bang virus na ito ay parang iyong herpes virus na natutulog lang at naghihintay na puwedeng ma-re-infect ‘no? Are all the re-infections new viruses or are they just re-activation of an old virus? These are many questions.
Sa ngayon, there are six strains of SARS-CoV-2 na natuklasan na that can cause COVID-19. Ito ay bago ring publication galing sa University of Bologna sa Italy, they found six different kinds of SARS-CoV na nakaka-cause ng COVID – hindi lang isa. Noong March, akala nila isa lang; ngayon, anim na ang natutuklasan. Pinag-aralan nila ang mga 43,000 na kaso mula sa iba’t ibang parte ng mundo and they found six.
But ang kagandahan nito, sabi niya, lahat ng mga virus na ito nagka-cause ng COVID ay pare-pareho iyong behavior; hindi sila nagkakaiba, so this is good because that means lahat ng mga ginagawa ng mga doktor ay effective anumang klaseng … effective whatever kind of SARS-CoV virus you have.
Now, so yes, there is re-infection. Kailangan ba tayong mabahala? I think ang pinakaimportanteng mensahe dito sa re-infection is that kahit nagkaroon ka na ng COVID, you should not feel that invincible ka na o hindi ka na puwedeng magkaroon. Kahit nagkaroon ka na ng COVID, nag-recover ka na, you still have to protect yourself. Kaya ang sinasabi natin, sinasabi ng DOH, sinasabi ng mga doktor, kaming lahat ng mga doktor ay sinasabi namin, pati sa mga kapwa naming doktor na nagkaroon na ng COVID, you can never let your guard down. Kailangan laging naka-mask, laging iniisip mo na puwede ka pa ring ma-infect, laging physical distancing of six feet, laging hand washing. And the vigilance has to go on.
So yes there is …there seems to be re-infection, at least we have one documented na talaga sa Hong Kong. Iyong mga iba ay tinatawag na anecdotal, naka-register even dito may mga re-infection, but I don’t think pinag-aralan iyong different genomes kung talagang same infection, same virus or ibang strain. Kasi kahit sa Pilipinas ay may bagong strain na tayong nakita ‘no. So marami pang hindi alam, marami pang mga tanong. At sa medisina, we have to let the public know, the more you know, habang dumadami ang kaalaman, mas marami rin tayong natutuklasan na hindi pa natin alam. Ganiyan ang medisina, ganiyan ang sensiya, kaya kung minsan frustrating para sa mga taong nagmamasid o sumusubaybay, parang “Wala pa bang sigurado?” Wala pa. May mga ibang …we know some for sure, but there are still much we don’t know. So that’s the re-infection. Opo may ebidensiya, may ebidensiya na mayroong re-infection.
USEC. IGNACIO: Pero, Doktora, itong sinabi ninyong re-infection na na-discover din ninyo, puwede ninyo po bang sabihin na ito po ay mas tinitingnan ninyong magiging kasing deadly nitong COVID-19 lalo kapag—opo. Doktora, sige po.
- PADILLA: Hindi pa natin alam, as I’ve said. Kaya lang, itong documented na re-infection sa Hong Kong, hindi siya kasing tindi. Ang nangyari dito sa taong ito, nagka-infection siya sa March tapos gumaling, pumunta sa Europe, bumalik, nagka-infection uli. Pero ang kagandahan sa second infection niya ay hindi siya kasing tindi; mild lang siya. So we cannot say what it would be like.
A lot will also depend doon sa immune system, doon sa health ng tao na nagkaroon na ng COVID. Kasi alam ninyo, itong COVID, itong SARS-CoV na nagku-cause ng COVID ay isang virus. Ang ating immune system, iyong ating lakas ng katawan, iyong resistensiya, iyan ang mga nakaka … ito iyong magiging—how do you say this? Diperensiya kung ano ang magiging kalabasan ng COVID sa katawan mo, paano ka makakapaglaban. So we cannot say for sure, the first documented case in Hong Kong, ang naging effect sa pasyente na ito ay hindi siya kasing tindi as the first.
So iyong mga theories nila is that iyong immune system ng pasyente ang nakalaban din doon sa bagong COVID infection. At iyong immune system, hindi lang iyong antibodies pati iyong tinatawag nating mga T cells na pinag-aaralan pa rin.
Now, ang nangyayari sa iba naman, if they have other sicknesses – kunwari diabetiko sila, hypertensive, talagang mayroon silang sakit na mababa ang resistance, immune system – now, when they have a re-infection, I think it’s possible na sila baka hindi kasing suwerte; baka maging mas matindi. Pero sinasabi ko sa’yo, hindi pa natin alam. Ang alam lang natin ay na-document na na may re-infection. At itong taong [garbled] as bad as the first.
And I’d like to segue now on how to take care of ourselves and how to prevent re-infection and also how to take care of ourselves mentally, emotionally and spiritually. Kasi alam mo, Usec. Rocky, na-prolong talaga itong ating pandemic ‘no. It’s a pandemic. Iyong pandemic ng 2018, two years; bago noon, seven years. So hopefully naman because there’s vaccines, there are other things that we’re doing, hindi kasing tagal.
Pero ang isa sa mga nakakalungkot is that, tumataas ang rate ng suicide, okay. Sinabi nga ni Secretary Guevarra noong isang araw, mas marami silang nakikitang suicide ngayon. At nanawagan siya sa simbahan para mag-spiritual guidance ang mga taumbayan. Pero talagang totoo na mas maraming taong nadi-depress especially iyong mga elderly and the very young, iyong mga bata na hindi makapasok. There’s a very big emotional toll on these people. So maybe we can also talk about that because kapag depress ka, kapag stressed ka, iyong immune system mo rin ay naaapektuhan, humihina rin siya. At kapag humina ang immune system mo, mas lalo kang puwedeng dapuan ng mga sakit like SARS-CoV-2 na nagku-cause ng COVID. So that’s one of the things we can also talk about.
USEC. IGNACIO: Doktora, bilang eksperto sa kalusugan, ano po iyong maipapayo ninyo dito sa mga taong sinasabi ngang nagkakaroon ng depression, nagsu-suicide para lang po ma-assure, kasi kailangan po ng mga taong ito, kailangan po namin iyong assurance ng mga eksperto sa kalusugan na katulad ninyo para po maintindihan namin lahat na hindi po kami madi-depress. Papaano ninyo po tinutugunan itong mga ganito?
- PADILLA: Okay, alam mo Usec. Rocky, lahat tayo human beings, iyong mga tao. Tayo ay very social beings eh, kailangan natin ng kaibigan. This is the normal person, di ba. Kailangan natin na magyakapan, maghalikan, you know, makahalubilo iyong mga ibang tao. That is why, to say, you must be socially distanced is difficult, mahirap talaga.
Mas gusto naming gamitin iyong salita na lang na physical distancing, kasi physically distant tayo, pero dapat, we should strive na hindi tayo maging socially distant. Especially now dapat malaman natin na mas malaki ang pangangailangan naman natin ngayon upang mag-reach out or talagang alagaan natin ang isa’t isa at bantayan natin ang isa’t isa para hindi maging depressed – what can we do? Ngayon kung nasa bahay ka lang, especially iyong mga seniors na hindi masyadong healthy na talagang limitado sa bahay, especially kung wala silang kasama, iyon ang talagang grabe.
It’s very important na gumawa ng mga bagay-bagay to keep your mind busy and healthy. Kung puwede kayong mag-crossword puzzle sa internet, mag-crossword puzzle kayo. Kung kailangan ninyong mag jigsaw puzzle; kumanta kayo, matuto kayong kumanta; matuto kayong sumayaw; matuto kayong gumawa ng bagong bagay, like bagong language. Try to do something with your mind. And mind yourself, temporary lang po itong sitwasyon natin. Although it might take longer, it take months more – temporary siya.
So, one is keep your mind busy. Mind muna tayo, para hindi maging mapurol iyong utak natin. Kasi kung wala kang kausap, wala kang ginagawang bago, at ang ginagawa mo lang social media na puro marami namang mga fake news alam mo iyon, tapos tinatakot lang tayo, mas nai-stress ka and hindi ito healthy, it’s not healthy. So, one is do something new, keep your mind busy para hindi kayo mapurol – ang isip natin. Kailangang matulog ng seven hours a day.
USEC. IGNACIO: Opo, kailangan po talaga. Iyon nga, maganda po iyong mga sinasabi ninyo, at least, kabilang po kami, lalo na ako, nakikinig ako sa mga ekspertong katulad ninyo kasi nababalitaan nga natin na talagang parang nakakatakot talaga, tapos alam naman natin na ginagawa nang government ang lahat. Katulad rin po noong mga proyekto ninyo, iyong mayroon kayong—pag-usapan po natin ng isang mabilis iyong sa swab testing po, kumusta na po ito?
- PADILLA: Okay, na-launch na itong tinatawag namin na pooled testing sa Makati, pati sa Iloilo ngayon at sa iba’t ibang mga LGUs. Itong pooled testing ang balak nito ay para mapadami ang maaaring ma-test sa mas mas mababang halaga, with less resources. Pooling of five, so isang test for five people can be done, we are using one test. Sinimulan na namin ito sa iba’t ibang mga LGUs at iyong ibang companies with the capacity ay gagawin na ho. May protocol kami na sinusundan, ito ay recommendation po ng Philippine Society of Pathologist, so nangyayari na ho. Tapos bukod pa dito ay ang Project ARK ay nagtayo ng mga 11 Molecular Biology Labs for PCR testing na napababa rin po namin iyong presyo. Kahit hindi pooled, mga 1,900 lang ho, kung pooled we can go down to even lower, mga 350 pesos each, so makakatulong po ito.
Isa pa hong initiative na tinitingnan namin ngayon is antigen testing, rapid antigen testing. So ARK can also stand for antigen rapid testing. Because itong antigen ay tine-testing niya iyong presensiya or iyong presence ng virus mismo sa pamamagitan ng virus doon sa – iyong protein ng virus.
Ngayon ang mayroon tayo ngayon sa gobyerno, sa Pilipinas na FDA-approved at pinag-aaralan na ng gobyerno at ginagamit na sa mga maraming laboratory ay iyong swab test na rin ng antigen, ito ay very, very specific kaya kung positive siya ay positive siya. Less sensitive ng PCR kapag sinasabi ng maraming eksperto, kahit less sensitive siya, nakukuha niya iyong virus doon sa period ng time kung saan ka talagang infectious.
Ang saliva test naman, antigen test, ito talaga hinihintay ng marami, kasi magagawa mo ito sa bahay, ginagawa sa Israel at sa San Francisco. Ito na iyong ginagawa nila, dudura ka lang sa isang kit tapos malalaman mo na kung may COVID ka. Again, it’s not yet here, but this is very promising.
Ito iyong mga initiatives ngayon ng Project ARK, iyong pooled-PCR testing, iyong antigen and the swab and iyong antigen testing saliva, once it will be here. Susubukan na rin ipasok for Project ARK together with of course with the FDA and the RITM of course and the DOH.
So, marami pong puwedeng gawin, you know in San Francisco ngayon and some other countries, itong saliva test puwedeng gawin araw-araw, kasi one dollar lang yata. So, you can test before you go to school, before you go out, bago ka pumunta sa opisina – game changer talaga ito kung maipasok sa Pilipinas. We just have to check the sensitivity and specificity, pero marami tayong puwedeng gawin and we have a lot to look forward to. At hindi titigil ang Project ARK finding ways to test and test and test; cheaper, cheaper; mas mura, mas maraming tao. Para makabalik tayo sa more normal, more socially integrated as soon as possible kung maiwasan iyong mga depression din.
USEC. IGNACIO: Yes, okay. Maraming salamat, Doktora sa inyong panahon at kami po ay maraming nalaman tungkol sa mga sakit na COVID-19. Salamat po sa inyong panahon, Dra. Minguita Padilla. Sana po sa mga susunod makakasama pa rin namin kayo. Salamat po.
DR. PADILLA: Anytime, thank you very much.
BENDIJO: Usec, makakapanayam naman natin mula sa Anti-Red Tape Authority si Director General Jeremiah Belgica. Magandang umaga po sa inyo, Atty. Belgica.
Babalikan natin mamaya, may problema lang tayo sa linya ng ating komunikasyon with ARTA (Anti-Red Tape Authority) Director General, Atty. Jeremiah Belgica. Atty. Belgica, are you there? Usec, babalikan natin mamaya si Atty. Belgica. Ito ay marami tayong tanong
USEC. IGNACIO: Narinig mo iyong nabanggit ni Dr. Minguita Padilla. Isa doon sa mga sinasabi niya, isa sa proyekto nitong Project ARK, isa sa paraan ng pag-test iyong saliva lang, makikita mo na kung ikaw ay positive or negative, kahit araw-araw puwede mong gawin. Sinabi niya na ginagawa na sa Israel at saka sa San Francisco na hopefully makakarating na rin sa Pilipinas. Napakalaking bagay nito kasi, siyempre, sabi nga ni Dr. Minguita, bago ka lumabas ng bahay, i-test mo na iyong sarili mo, mabilis lang alam mo na kaagad, alam mo na rin kung ano ang gagawin mo.
BENDIJO: Hopefully, makarating na sa atin iyan sa bansang Pilipinas, pero inaasahan ko talaga dito, Usec, iyong bakuna, iyong vaccine talaga ng COVID-19. Hopefully, bago matapos ang taong 2020. Kasi katulad ng ating Pangulo, 75 years old. Alam naman natin kapag 60 years old and above, kahit na ikaw ay halal na opisyal, pinakamataas na opisyal ng pamahalaan ay kinakailangan talagang mag-ingat dahil sa vulnerability nitong sakit na ito, COVID-19.
USEC. IGNACIO: Okay, Aljo babalikan natin mamaya si Director General Belgica. Samantala sa puntong ito po ay muli naman nating pag-uusapan ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa gitna ng pandemya, makakausap po natin si Assistant Secretary Ma. Teresita Cucueco ng Department of Labor and Employment. Magandang umaga po, ASec.
ASEC. CUCUECO: Good morning po, Usec. Rocky at Aljo. Thank you po sa pag-imbita ho sa DOLE para maibahagi po itong mga bagong mga guidelines, lalo na po sa ating mga work places
USEC. IGNACIO: Ma’am, sa panahon po ng pandemic, hindi lamang po ang mga health workers ang maaaring mahawa ng virus mula po sa kanilang mga pasyente, maging mga empleyado rin po mula sa iba’t ibang workplace ay maaaring magkahawahan. Ano po ang ginagawang hakbang ng DOLE para po mapigilan ang pagkalat ng virus sa mga opisina/pagawaan dito po sa bansa?
ASEC. CUCUECO: Tama ka, USec. Mula noong nagsimula po itong COVID, talagang—naatasan na po talaga hindi lang ang DOLE pati iyong DTI ng Inter-Agency Task Force na gumawa ng mga guidelines lalo na sa mga kompanya. At para hindi lang sa makatulong pero para mabigyan ba ng giya itong mga workplace at iyong mga employers at siyempre iyong mga workers kung papaano nila mapanatiling maayo—nasa kaligtasan ang kanilang lugar ng paggawa at lalung-lalo na ngayong COVID-19.
Mula noong—naglabas na po ang DTI, DOLE ng interim guidelines noong April 30 at ito naman ho ay naka-align sa minimum public health standards at strategies ng DOH sa kung papaano natin ilagay sa workplaces itong mga sinasabi nilang strategy on the minimum public health standards.
Tapos because of nagtagal na nga ang COVID sa atin at nagkaroon din ho talaga ng mga kaso dito sa mga lugar ng paggawa, naglabas po ang DTI at DOLE ng supplemental guidelines last week. Ito iyong Joint Memo Circular 20-04-A on workplace prevention and control of COVID-19 in workplaces. So, nandoon na po iyon at para mabigyan pa ng linaw itong guidelines, naglabas po ng Clarificatory Advisory 01 following this supplemental guidelines.
So, ano ang naging laman nitong mga guidelines natin? Nandoon naman ho iyong apat na main strategies na mapanatili ng isang manggagawa ang kanilang resistensiya at ang mental health. Nabanggit kanina ni Doktora Minguita na talagang napakalaking concern ngayon ang mental health.
Nandoon na ho iyon sa unang interim, nandito na rin ho ngayon sa supplemental at nagbigay na ho kami ng detalye kung papaano sila makakontak sa National Center for Mental Health at kung… masabi ko rin, pumunta ho kayo sa website ng DOLE, iyong Bureau of Working Conditions, nandoon po ang karagdagang mga numero ng mga experts on mental health na puwede na ho ninyong… magkonekta na po kayo doon para makatanong ho kayo at ibigay ninyo sa mga workers kung may katanungan ho sila sa mental health.
Nandoon pa rin ho sa guidelines natin kung ano ang mga minimum public health standards sa ating mga empleyado at siyempre, sundan din ng mga employers iyong wearing of face mask, nandoon na ho iyon noon. Nagdagdag na ho kami ngayon even the use of face shield kasi alam na ho natin na ang face shields ay dagdag na proteksiyon sa manggagawa dahil proteksiyon sa kaniya at saka sa mga kausap din niya.
At nabanggit ho kasi sa amin ng mga eksperto na ang mask, mga 70-80% protection, dagdagan ninyo ho ng face shield ay nagiging 90-95%. Hindi ba malaking karagdagang proteksiyon po iyan? At sinasabi pa rin ho natin dumistansiya, iyong physical distancing nandoon ho iyan na pati iyong layout ng workplace sundan ho na may one meter physical distancing at the minimum, the farther away the better.
Of course, dito lalo na sa supplemental guideline iyong the disinfection. Kung iyong mga detalye ng disinfection kasi ho nakita ho namin na sa unang labas ng interim guidelines nagkaroon ng survey ang DOH at nandoon iyong kakulangan sa awareness din ng mga workers at workplaces nitong mga bakit importante. Ano ho ba ang sinasabing frequent disinfection?
Kasi may mga sumagot doon sa survey frequent daw ho doon sa kanila iyong dalawang beses. Hindi ho iyan iyong frequent kasi kung ano iyong hinawakan na hindi ninyo—that would be contaminated aba’y dapat maghugas or gumamit ng alcohol or sanitizer pati sa paghawak ng mask bago isuot ang mask, pagkatapos tanggalin ang mask o kung hinawakan ang mask, dapat nagsa-sanitize ho.
So, nandoon po lahat iyon sa ating supplemental guidelines pati ho iyong sa shuttle services na iyong mga nakasakay ho shuttle services ay naka-mask, naka-shield, huwag hong magsalita, huwag hong kumain, puwede hong mag-text. Kasi ho nakita na ho na puwedeng source of infection ho iyong mga sumasakay na biglang tanggalin ang face shield at biglang tanggalin ang mask at nagkukuwentuhan.
Lahat po iyan nandoon. Ang naging karagdagan po sa aming supplemental iyong managing of cases kasi nga ho mayroon naman talagang na nangyari na. So, once na may sintomas sinasabi pa rin ho namin, inuulit namin huwag muna ho kayong mag-report para sa trabaho. Tumawag na po kayo sa mga Telemedicine o kung nasa micro ho kayo, pumunta na kayo sa barangay para makapagkonsulta at mabigyan kayo ng tamang pamamaraan kung papaano ang mga gagawin ninyo.
Nandoon ho iyong contact tracing na ginagawa dapat din ng workplace at para sabihin din ho sa local health office at saka sa barangay na residence ng worker, nandoon iyong pati reporting po and of course the testing kasi iyan ho ang naging very big issue on sino ba ang dapat ma-test. Siyempre ho, sinasabi natin dito ma-test ho iyong mga sintomas pero ang parating tinatanong, lahat ba ng manggagawa bago pumasok ay mag-test? Hindi ho kung wala naman ho siyang contact to any COVID case at wala rin siyang sintomas, bakit ho ninyo naman kailangan pang ipa-test.
Ngayon, mayroon ho doon sa supplemental na nagbigay din ng abiso ang DOH na may mga frontline priority economic sector workers na dapat ma-test. So, nandoon ho iyon. Kung ano ho ang sinabi ng DOH ibinahagi din ho natin iyan sa supplemental guidelines dahil ito iyong mga nasa transportation, nandoon ho iyong sa construction kasi lalo sa transportation may frequent interaction with the public.
Tapos export processing zone nandoon din ho kasi siyempre kung sila ay nagkaroon din ng kaso o hindi kaya mayroon din ho silang mga interaction with the public, nandoon ho iyan. At ito ho kung nandoon ho sa mga sinasabing priority workers in the priority sectors, maire-reimburse po iyan ng po iyan ng PhilHealth. And of course, dahil sa private sector ito, iyong mga paiiralin ho na leaves na dapat ibigay din ng kompanya sa mga workers na naging positive.
These are all part of the supplemental guidelines para sundan po. It is in for companies to comply but it is really looking at the minimum public health standards na idinetalye po namin para mabigyan ng liwanag sa mga kompanya kung papaano iyong mga gagawin nila para maiwasan iyong COVID o hindi kaya kung may magkakaso ho na empleyado, ano ang mga pamamaraan na dapat nilang gawin.
USEC. IGNACIO: ASec., mabilis lang po at tayo po ay medyo nauubusan ng oras. Pasensya na po. Uunahin ko na po itong tanong ng aming kasamahan dito, ang reporter na si Kenneth Paciente mula po sa PTV. Ito po ang tanong niya sa inyo, ASec.: Kung may data na ba ang DOLE ng mga empleyado na kumpirmado sa trabaho daw po nakukuha ang COVID-19? Ano po ang ginagawa para hindi dumami pa ang mga kaso sa workplace? And is it true that DOLE is looking to redeploy displaced OFWs to new markets like China and Russia?
ASEC. CUCUECO: Iyong unang tanong lang ho muna tayo. Yes, there are—iyong mga nire-report ho, talagang reportable naman po ito. Ang DOH ang talagang repository nitong mga information. But yes, we also know na marami na ring kaso po ang nangyayari sa workplaces dahil nga nagsagawa rin ho sila ng testing sa kanilang mga lugar ng paggawa at nakita na kasunod ho ng isang positibong kaso, dumami.
So… but of course more of the details on this because these are health details, these are also confi—you know, they are with the DOH but we also know na we have also been alerted na yes, the companies also report but not specifically to the names of the workers that they do have COVID cases in their work areas.
Ano ba iyong kasunod noon bago iyong OFW? Iyong…So, iyon ho—
USEC. IGNACIO: Ano po iyong ginawa ninyo para—
ASEC. CUCUECO: —ang pagmo-monitor ho ng aming inspector ng DOLE ay talagang ginagawa ho nila. Naka-inspect na ho sila ng 45,000 establishments nationwide.
Now, on the OFWs being deployed to other areas, kung may kontrata naman ho sila, nirerespeto naman din iyon ng DOLE pero kung healthcare workers nandoon ho tayo sa sinasabi ng ating gobyerno – dito naman po kasi kailangan ho sila dito.
USEC. IGNACIO: ASec., panghuli na lang po. Iyong DOLE guidelines po na binanggit ninyo, may sanction po ba iyong mga kompanya na hindi susunod dito? Papaano ninyo po natitiyak na sumusunod po iyong mga kompanya dito sa guidelines ng DOLE?
ASEC. CUCUECO: Unang-una, kung paano sumunod, nandoon nga ho ang inspeksiyon, may mga inspector po kami, DOLE at DTI na pumupunta talaga sa mga work places at itong mga nakasulat po sa aming supplemental guidelines ay may check list po sila a tinitingnan po nila iyan at ini-interview pa ho nila iyong mga workers ngayon, dahil alam nga ho natin na iyong maibabahagi ng mga workers na impormasyon ay importante. Dahil minsan, maski sasabihin natin or ipakita, pero iyong kung ano talaga ang mga nangyayari, nandoon ho iyan at inaalam po ng mga inspector ng DOLE.
Now, iyong penalty, alam po ninyo, ang mga guidelines namin from the start, hindi po natin sinusulat iyon, pero because this is safety and health, alam naman natin na kaligtasan at kalusugan ho iyan, mayroon ho tayong batas ng kaligtasan at kalusugan. At sa batas na iyon nandoon po iyong penalty, na kung nagwi-willfully violate ang isang kumpanya, puwede po talaga siyang ma-penalized. Although ang priority namin ngayon at ang thrust naman ng gobyerno ay makatulong at bigyan ng lahat ng suporta para makapag-comply, alam po natin nahihirapan talaga ang mga kumpanya. Pero sa mga pamamaraan na puwede naming tulungan na technical from the government or maka-coordinate with other private sectors para makatulong, we will do that, so that they can comply.
But if they will still willfully violate, may penalty po iyan, ito iyong nakasaad sa Republic Act 11058 or the OSHS Law and mas na detalye po iyan ng DOLE Department Order 198.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco ng Department of Labor and Employment.
ASEC. CUCUECO: Tess na lang po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Miss Tess, sana po makasama ulit namin kayo at marami pa tayong dapat mapag-usapan tungkol diyan sa DOLE. Mabuhay po kayo. Stay safe.
ASEC. CUCUECO: Thank you po.
ALJO: Okay balikan po natin ang Anti Red Tape Authority, si Director General Jeremiah Belgica. Magandang umaga po sa inyo Atty. Belgica.
DG BELGICA: Magandang umaga po sa inyo Sir Aljo at sa ating kasamahan na si USec. Rocky. Magandang, magandang umaga po sa inyo.
ALJO: Oo, kaugnay ng mga kumakalat na mga balita hinggil raw sa isyu ng red tapes sa aplikasyon ng mga Telco towers sa mga local government units. Nag-implement po kayo ng 7 day rules sa pagpoproseso sa mga ganitong uri ng transaction. Attorney, puwede ba nating muling ipaliwanag lang ito?
DG BELGICA: Opo, maraming salamat, dahil ito pong isyu po ng sa Telco towers malinaw na po at naresolba na po iyang mga pending na iyan ayon po sa Republic Act 11032 or iyong ease of doing business and efficient government service act noong 2018 na kung saan sinasabi na lahat ng aplikasyon na concerning at may kinalaman sa telecommunications sa kahit anong sangay ng gobyerno, anong level, national man, local man o barangay ay hindi dapat lumagpas sa pitong araw ang pending nito at dapat kung ito ay kumpleto na, bayad na ay kinakailangang ito ay automatically approved sinabi ng batas. Kaya tayo ay actually ini-implement lang at pinapaalala natin sa mga ahensiya lalung-lalo na sa mga LGUs na ito ay deemed automatically approved, basta ito ay kumpleto na sa mga requirements ‘no. Kung kaya hiningan nga natin ang mga Telco companies ng mga listahan ng kanilang mga naka-pending na mga applications.
Gusto ko lang sabihin din na noong sa ating pag-iimbestiga ay sinabi nga ng mga LGUs sa iba’t ibang mga leagues, league of cities, league of municipalities, iyong ating mga league of local officials, sinabi nila na karamihan sa mga applications daw dito ay hindi naman kumpleto at hindi mga bayad. So kaya hindi naman daw ito ay talagang maaaprubahan. So, what we did is, kinuha na natin ang mga listahan na galing sa mga Telco companies at nagbigay naman sila, kaya tayo ay pinadala natin ang compliance order ang mga LGUs.
Marami nga doon sa aming nakita ay talagang kulang pa iyong kanilang mga documents at kulang pa iyong kanilang mga—at hindi pa bayad iyong ibang mga applications. Pero doon sa mga kumpleto ay mayroon na ring mga in-automatic approval noong mga LGUs natin. So, ito ay ongoing nating tinututukan.
ALJO: Opo, may tanong lang, Atty. Belgica, si Leila Salaverria ng Inquirer. Update on LGUs compliance with your order to release order permits from applications deemed automatically approved as they have been pending for some time?
DG BELGICA: Okay, bigyan ko po kayo ng quick rundown noong figures, nagbigay po ang mga Telcos sa atin ng 1,571 na submissions according sa kanila. Pero noong atin pong sinuri at tiningnan po doon sa mga listahan, lumalabas around 122 lang doon sa mga list nila ang—doon mismo sa kanilang listahan ang lumalabas na pending na kumpleto na at bayad. Kaya nga medyo kailangan din tayong maging fair minsan doon sa mga sinasabi nila na mabagal ang mga LGUs dahil karamihan naman pala dito is kailangan pang punuin iyong kanilang mga submissions.
So, out of that 122 na claimed na complete, this is across about 44 LGUs, iyong mga 122 na applications na nakita namin na kumpleto na at bayad na, kaya nagpadala tayo ng 55 na compliance orders sa 44 LGUs na iyan. Doon sa compliance order, sila ay inatasan natin na magbigay ng compliance report. So out of the 44 LGUs mayroong 21 na LGUs ang nag-submit na ng kanilang compliance report and doon sa 21 na LGUs na nag-submit ng kanilang compliance report, ang coverage is about 47 na mga applications ang covered noong 21 LGUs na iyan, na kung saan iyong 52 doon sa mga applications na iyon ay deemed automatically approved at iyong iba naman iyong 40 applications naman diyan ay kino-contest nila, it’s either wala naman daw talagang application na pending sa kanila o kaya hindi pa rin daw kumpleto at hindi pa rin daw bayad.
So ang ARTA ngayon is conducting, a summary hearing, kasi mayroong claim at saka counterclaim ang magkabilang kampo. So, we would be conducting a summary hearing by next week para makita natin kung kumpleto ba talaga ito o hindi and immediately maglalabas tayo ng automatic approval notice or iyong certificate of automatic approval galing sa ARTA.
ALJO: Follow up pa rin mula kay Leila, may mga na-penalize na bang mga LGUs dito, Attorney or maaari pang ma-penalize sa patanggi for refusing to release permits top Telcos kahit na na-comply naman lahat iyong mga requirements at mayroon bang mga bagong direktiba sa mga LGUs tungkol naman sa Telco permits?
DG BELGICA: Definitely, dito ay mayroon na po tayong nakasuhan, even prior to this incident ng mga local chief executives. Pero ang kinakailangan kasi, we have to know the facts kung talagang kumpleto o hindi. So sa ngayon doon sa mga sinasabi na nag-submit ang Globe at ang Smart sa amin ng initial list nila na tinatawag na mga kumpleto na daw, totally sinasabi ko 122 applications ang sinasabi nilang kumpleto at bayad, ngayon kung ito ay kino-contest ng LGU, then we would be asking them actually to bring the documents at titingnan talaga diyan. At kapag nakita natin na kumpleto na iyan, ang next step natin diyan ay ide-declare ng ARTA na automatically approved and we would be telling the LGUs automatic approval na po iyan, kaya ilabas po ninyo iyong papel and upon their refusal, kung sila po ay magre-refuse, hopefully hindi na sila mag-refuse, ay doon po sila talaga makakasuhan, masususpindi at maaari pa pong matanggal kung labis po sa isang beses nila itong ulitin. So iyan po ay malinaw na direktiba po at sa tulong din po ng DILG at tutulungan po ng ARTA iyan, sisiguraduhin po natin ang implementation niya.
ALJO: Opo, recently po ay nakipagpulong kayo kayo Manila City Mayor Isko Moreno matapos po kayong maitalaga as Big Brothers ng COVID-19 response ng pamahalaan kasama si DICT Secretary Gringo Honasan, kumusta po ang turnout ng meeting, Director?
DG BELGICA: Maganda po, kasi maganda po sa Manila is they have a very organized and capable team. There have been several challenges of course, alam po natin na ang Manila ay isa po sa may pinakamarami pong barangay. Ang alam ko po ay 896 barangays po diyan sa Manila. Pero ang maganda po dito, iyong dami po na iyan ay nagiging force multiplier din po kapag mahusay po ang leadership which nakikita po natin sa pamumuno po ni Mayor Moreno. And at the same time, nalinaw po natin na kailangang magtulungan talaga sa more accurate interfacing ng data na kung saan magtutugma talaga ang data sa local at saka sa national at ito ay ating tinututukan, I think across all over the NCR at sa buong Pilipinas.
So, iyan ang ilang napag-usapan. Pero ang maganda dito na nai-raise natin, is dahil nga ARTA at DICT ang magkasama dito sa Manila ay maaari tayong mag-push talaga ng stronger e-governance strategies diyan and with the leadership of strong local government mandate and leadership and together with the expertise of ARTA which is the processes, streamlining and processes and the DICT naman, sa pamumuno ni Secretary Honasan, on the information technology, maganda pong mixture iyan na makakita po tayo noong sinasabi ng ating Pangulo na e-governance.
ALJO: Opo, maigsing mensahe na lang po sa ating mga kababayan, Atty. Belgica?
DG BELGICA: Maraming salamat po. Gusto po naming malaman ninyo ang Anti-Red Tape Authority ay para po sa ating lahat, para po sa taumbayan, huwag po kayong matatakot magsumbong dahil kung wala pong magsusumbong, wala pong magbabago. Sinabi po ng ating Pangulo na ang reporma po sa ease of doing business and efficient government delivery of services act of 2018 is really gaining momentum. Ang trend po ng pagbabago laban sa red tape ay pabilis po ng pabilis at tayo po ay kailangang magsama-sama at kung sino po ang haharang dito sa tren ng taumbayan ay sigurado pong masasagasaan. Samahan po ninyo kami sa pamumuno po ng ating Pangulo at ng buo pong gabinete at ng ating red tape authority na wakasan ang red tape po sa atin pong bayan at lipunan.
ALJO: Maraming salamat po sa inyong panahon at more power sa inyo Director General Jeremiah Belgica ng ARTA – Anti Red Tape Authorities. Stay safe po.
DG BELGICA: Salamat ganoon din po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Okay at diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Salamat sa iyo, Aljo.
ALJO: Walang anuman Usec. Daghang salamat po at ako naman si Aljo Bendijo. Thank you so much Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Hanggang bukas po muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)