Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa ating mga kababayan sa loob at labas ng ating bansa. Ngayon po ay August 28, araw ng Biyernes. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Good morning, Aljo.

BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Rocky. At magandang umaga naman sa lahat ng mga kababayan natin na nanunood at nakikinig. Ako naman po si Aljo Bendijo, pansamantalang hahalili rin kay Secretary Martin Andanar.

Bayan, umabot na po sa 205,581 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos nitong madagdagan ng 3,249 na kaso kahapon; 566 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit na sa kabuuan ay 133,990 recoveries na. Nasa 3,234 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng siyamnapu’t pito kahapon.

USEC. IGNACIO: Bagama’t sabi ng mga eksperto na posibleng ma-flatten ang curve hanggang sa susunod na buwan, mataas pa rin po ang confirmed cases sa araw-araw. Hindi pa rin po tayo dapat maging kampante.

Simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa kasalukuyan, Aljo, ay nasa 68,357 pa rin ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang bilang na iyan ay nasa 33.25% ng kabuuang bilang ng COVID positive sa bansa. Mula naman sa 91.6% ng active cases ay bahagyang bumaba sa 91.3% ang mild cases at umangat naman sa 6.6% walang sintomas o asymptomatic, 0.8% naman ang severe habang 1.2% naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Kung susuriin ang ating line graph, makikitang taas-baba ang bilang ng mga naitatalang kaso kada araw. Mula sa mahigit limang libong kaso na naitala nitong Miyerkules, bumaba naman ito kahapon sa 3,249.

BENDIJO: Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang pinagmumulan ng pinakamataas na kaso na umabot sa 1,584 cases kahapon, sumunod ang probinsya ng Cavite na nakapagtala ng 147 cases at hindi naman nalalayo ang Laguna na may 143 cases. Ang Negros Occidental ay kabilang pa rin sa pinagmumulan ng mataas na kaso na may 140 cases, panlima naman ang Batangas na may 123 cases na naitala kahapon.

Paalala pong muli sa lahat ng ating mga manonood at mga nakikinig ngayon, ugaliin ang pagsusuot ng face mask. Ang simpleng pagsusuot nito ay nakakapigil sa pagkalat ng droplets mula sa iyong bibig at ilong. Nababawasan ito ng 67% ang tiyansang makahawa at mahawaan ng sakit. Bukod sa ating kaligtasan, nagpapakita rin ito ng respeto at kortesiya sa mga taong nakakasalamuha natin. Simpleng paraan lang po pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.

USEC. IGNACIO: At para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02894-COVID o kaya 02894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ninyo po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang www.covid19.gov.ph.

BENDIJO: Samantala para po sa ating mga balita naman, dumulog ng kanilang mga saloobin ang tribal leaders ng North Cotabato kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar tungkol sa mga problema na kanilang kinakaharap lalo na ang pagprotekta ng kanilang mga ancestral domain. Sa isang pagpupulong nitong Huwebes, isinalaysay ng mga dumalong pinuno ang mga naging hamon sa kanila sa pagpapanatiling nakukuha pa rin nila ang patas na oportunidad sa trabaho, pangkabuhayan, edukasyon at pabahay.

Siniguro naman ni Secretary Andanar na ilalapit niya ang kanilang mga hinaing sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para matulungan sila. Ilan sa mga IP community na nasa North Cotabato ay ang mga Manobo, B’laan, T’boli, Igorot at mga Kankanaey.

USEC. IGNACIO: Samantala, pagpapaigting sa national housing program ng bansa isinusulong ni Senator Bong Go. Sa ginanap na hearing ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement noong Miyerkules ay sinabi ng senador na matagal nang may kakulangan sa maayos na tirahan ang ating mga kababayan at nadagdagan pa ang kalbaryong ito dahil sa COVID-19.

Noong nakaraang taon po ay matatandaang inihain ng Senador ang Senate Bill 203 o ang National Housing Development Production and Financing Bill. Ilan lang sa layunin nito ang pagpapalawig sa pagtatayo ng mga murang pabahay at paigtingin ang pagkakaroon ng oportunidad na magkabahay ang mga pamilyang Pilipino na nangangailangan.

Muli ring ipinaalala ni Senator Go ang naging pahayag ng Pangulo sa kaniyang ikalimang SONA kung saan sinabi niyang ang bawat Pilipino, anuman ang katayuan sa buhay ay may karapatang manirahan sa mga disenteng tahanan.

BENDIJO: Usec., maya-maya lang ay kasama rin nating magbabalita sina Czarinah Lusuegro ng Radyo Pilipinas, Alah Sungduan PTV-Cordillera, John Aroa PTV-Cebu at Regine Lanuza PTV-Davao.

Habang makakapanayam naman natin sina Dr. Alejandro Diaz, isang Neuro-Psychiatrist mula sa UST Hospital at St. Lukes Medical Center at si Cainta Mayor Keith Nieto. At kung may mga nais po kayong linawin sa ating mga resource persons, i-comment ninyo lang po iyan sa ating live stream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyo pong mga katanungan.

USEC. IGNACIO: Bukod po sa sakit pampisikal na dulot ng COVID-19, malaki rin ang nagiging epekto nito sa kaisipan o sa mental health ng bawat isa. Hindi umano pare-pareho ang lamat na naiiwan ng COVID-19 sa mga tao at iyan po ay pinag-aaralan ng mga eksperto sa pamamagitan ng biopsychosocial framework.

Para po pag-usapan iyan, makakausap po natin ang Consultant, Neurologist and Psychiatrist mula sa UST Hospital at St. Lukes Medical Center kasama po natin si Dr. Alejandro Diaz. Good morning po, Doc.

DR. DIAZ: Good morning everyone.

USEC. IGNACIO: Good morning, Doc. Welcome po sa Laging Handa Public Briefing. Una po sa lahat Doc., medyo bago po sa pandinig ng marami sa atin ang term na ‘biopsychosocial’. So ano po ba ito Doc at paano po nadi-determine ang psychological o mental effect ng COVID-19 sa isang tao?

DR. DIAZ: Oo nga, I think kokonti nga ang nakakaalam sa terminolohiyang ‘biopsychosocial’ – parang tatlong terms: biological, psychological at socio-environment. Lahat kasi ito ay interconnected sa health and stress, sakit ng tao at ito ay talagang mas makikita ngayon sa panahon ng pandemya dahilan sa lahat ito ay nag-i-interact, interconnected ito lahat – iyong lakas ng katawan-biological, iyong mental na health – iyong psychological dimension saka iyong mga nakapaligid sa kaniya – iyong pamilya, iyong sosyedad, iyong mga kaibigan – ito iyong mga nag-i-influence sa outcome ng sakit o health ng isang tao o mamamayan or even in some country.

Noong 2003 during the SARS epidemic, hindi natin masyadong naramdaman iyon. Pero iyong sa katulad ng Hong Kong, marami silang natutunang mga lessons learned from SARS, iyong Severe Acute Respiratory Syndrome, coronavirus din iyon at ginamit nila ang natutunan nilang mga lessons doon, iyong biopsychosocial, para ito ay makapaghanda sila sa mga susunod na epidemya or pandemya.

So alam ninyo, kasi itong COVID-19 ay hindi lang ito—kailangan tayo ay maging aktibo at resilient o matatag sapagkat tayo ay dapat maghanda. Because of the climate change ‘no, itong naging impact sa atin, the whole Earth, may connection ito lahat-lahat na ito ay dapat tayo ay matuto. Matuto tayo dito sa COVID-19 para maging laging handa, katulad ng inyong programa, at maging aktibo at huwag tayong mag-panic.

Nakita natin na sa umpisa, lahat tayo ay nabigla; hindi tayo naging handa, kaya ang natural na naging reaksiyon ay talagang severe anxiety, grabe ang anxiety sa lahat, stress, so much more than the illness itself.

Pinakita ninyo kanina na 200 plus na tayo ‘no, 205,000 sa Pilipinas at ang mga namatay ay nasa 3,000 so about 1.5 kung kukumpyutin natin ang case fatality rate. Pero kagabi, tiningnan ko iyan, mayroon akong tiningnan sa Johns Hopkins, WHO, tiningnan ko, kung ikukumpara natin ang curve natin, kumpara with the China, Brazil, Spain and the US, ‘di hamak na mas mababa tayo. So I think ang ating ginagawa sa ngayon, kung tutuusin, kung iyong una, March-April, sobrang nag-panic tayo, sa dami ng kaso ay na-overwhelm iyong mga hospital. Pero alam mo ang Pilipino bilib ako, talagang we are actually resilient; talagang proven natin na resilient tayo in terms of marunong tayong mag-adapt. So iyong gobyerno ay nakapaggawa ng mga dapat gawin, naiano nila sa mga LGUs, sa mga private sectors kung papaano natin …papaano tayo magri-react sa ganito.

Kasi ito naman ay worldwide – what happened in China, affected us; what happened in the US, what happened in Europe, lahat tayo, itong virus na ito ay interconnected lahat-lahat. So I think iyong biopsychosocial, ibig sabihin kailangan iyong physical wellbeing ng lahat tayo ay kailangan aalagaan natin, self-care. Iyong psychological wellbeing natin, okay, instead of iyong mga maladaptive behavioral mechanism like nag-a-isolate ka dahil sa ano … you resort to alcohol or drugs or, you know, increase smoking, lahat-lahat iyan ay maladaptive.

Ang tinatawag kong good adaptive behavior is iyong makipag… continue ka pa rin sa social connection with your friends, with your family – very important iyon.

And of course, alam ko na sobra sa sociocultural part, nagkaroon tayo ng significant, tinatawag na financial toxicity. Pero ang Pilipino ay marunong, nakikita ko sa social media na marurunong iyong mga nawalan ng trabaho – they’re able to start doing something para makapag-generate uli ng income sa sariling pamilya.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, bigyan-daan ko lang, Dok, iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Ito po ang tanong ni Nicole Lagrimas ng GMA News Online: COVID-19 has been reported to inflict organ damage even to survivors. What is the extent of the damage? And what is being done to help those who recovered from COVID-19 but are left weakened by the disease?

DR. ALEJANDRO DIAZ: Okay, I think iyong tinatanong niya ay iyong tinatawag na post-COVID-19 infection. Iyong beyond three weeks ng sakit, and even those na nagkaroon ng mild disease, parang may nararamdaman sila na may lingering pa silang nararamdaman, hindi pa sila fully recovered pa. Katulad na naramdaman nila parang palagi silang pagod, okay; may mga nararamdaman sila sa katawan, may mga pains and everything. Ito iyong tinatawag na post-COVID infection experiences.

And mayroon ng mga data na iniipon patungkol dito. Pero ang nakikita nila na solusyon na inu-offer is gradual na pagbalik sa dati, eating healthy, getting more rests and then gradual na pagbalik in exercising for example, breathing. Katulad ng ina-advise ko sa mga pasyente ko, like for example, you try to make your pulmonary function better by proper breathing exercises. Like for example, hawakan mo iyong tiyan mo at hihinga ka sa tiyan and then i-hold mo iyong four seconds tapos i-release, okay. And also for your chest, you exercise that also. So not only you improve your pulmonary function but also you actually making exercises in your lungs or pulmonary … or breathing exercises that can even improve your relaxation.

So tama, mayroong mga—ito iyong mga nakikita namin na post-COVID infection. Siyempre iyong mga … sabihin natin mas naging malala, mas magiging matagal ang recovery nila, but they will slowly recover. Katulad ng kahit na anong sugat, ‘di ba kapag nagkaroon ng sugat ang katawan natin, it really takes a while para mag-recover.

But also, we must admit na ito’y—for the first time kasi, even sabi ni Doctor Anthony Fauci of the US NIH, Infectious Disease expert na talagang ngayon lang siyang nakakita ng viral infection na it’s very [unclear], iba-ibang manipestasyon. Puwedeng mag-manifest na walang nararamdaman ang tao o very mild lang or kailangan magpahinga sa bahay nang matagal; some will get hospitalized; a small portion will become critical at maa-ICU; and a small portion will probably die.

So I think the bio-psychosocial idea of lahatan tayo, puwede ninyong pag-aralan iyan, puwede iyang i-search, tingnan na sa Google kung ano iyan. Iyan ay prinupose ng isang internist psychologist by the name of Andrew Engle in 1977, at iyan ay in-adopt ng WHO sometime in 2002 na ang gobyerno, ang sosyidad, lahat tayo ay tingnan natin kasi ang hierarchy ng health ng tao, ang pinaka-bottom niyan ay iyong sociocultural environment. Nasa taas lang iyong mga chemical intervention, for example, may hypertension ka dapat magti-take ka parati ng regular na gamot kung hindi kasi, during sa COVID-19 makalimutan mong uminom ng gamot, magpatuloy ng iyong paggamot ng sakit mo ay magka-[garbled] stroke also.

So iyong nasa taas pa ninyo, iyong mga eating well, exercising well, pero talaga ang pinakaimportante is alagaan natin iyong kapaligiran natin, iyong komunidad. If we can actually help the government address poverty on all of this—alam ko mahirap gawin ‘no, pero I think the idea is there, na hindi ito nagagamit dahil lang sa pamamagitan ng pag-alam na ng sakit; everything is interconnected, including the psychological wellbeing ng mga tao.

Natutuwa ako kasi magmula ng March and April, noong nagti-telemedicine ako, kumpara ngayon, pakonti na ang naku-communicate sa akin para magpa-schedule ng telehealth or telepsychiatry or telemedicine dahil sa sobrang anxiety and panic and stress nila noong araw. So nakikita ko na dahil diyan, it’s good na siguro the government’s effort and everything na iyong impormasyon na ibinibigay ninyo, okay. And then we are seeing better response of the Filipino people also, nag-uumpisa na tayong mag-open up. Hindi lang naman kasi iyong physical wellbeing but also the economic wellbeing ng country is very, very important.

So the most important is kaalaman. Kaalaman ang magiging best way to do this is i-combine natin, okay, interlink natin ang multifaceted COVID-19 health by understanding a good physical wellbeing, a good psychological wellbeing and a very good sociocultural wellbeing.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, kanina habang nagsasalita ka, iyong sinasabi mong kailangang huminga nang malalim, ginagawa ko, mukha nga po talagang makakatulong na para mawala iyong nerbiyos mo o kung anuman iyong mga isipin mo. Pero, Dok, ano ba iyong mga sintomas na ikaw ay nakakaranas na ng depression, na kailangan mo na talaga ng may makakausap na makakatulong sa iyong eksperto? At saka may mga pag-aaral kasi, Dok, at saka observation daw maging sa ibang bansa na nagsasabi, totoo ba na mas maraming kalalakihan ang nagkakasakit at dumarating sa pagkasawi dahil sa COVID-19 kumpara daw po sa mga kababaihan. Iyan daw po ay base bio-psychosocial framework. Ito po ba ay talagang may basehan talaga or coincidental lang talaga?

DR. ALEJANDRO DIAZ:  Yes, tama iyan. Kasi nga maski na before the COVID-19, talaga iyong mortality ng men is mas marami kaysa sa babae. So, first iyong biological, okay. So by genes mas mahaba talaga ang buhay ng mga babae kaysa lalake – superior. 

Pangalawa sa health seeking ano, iyong behavior, mas mahina ang lalake. Malakas kasi ang denial ng mga lalake na ayaw nilang magpakonsulta basta-basta. Okay and then of course iyong mga hindi magagandang bisyo, mas marami sa lalake katulad ng smoking, alcohol intake. Saka sila iyong mas siyempre nagtatrabaho. So, all of these factors are contributing and of course iyong psychological part also. Iyong lalake kasi, sabi matibay ako, matapang ako. So, ayaw nilang aminin, so iyong denial, tapos iyong rationalization, ito iyong defense mechanism na ginagamit nila na maaari ring hindi ganoon kaganda kapag ganitong may pandemya.

At saka iyong hypertension, diabetes, mga ganoon although nakikita rin sa babae ay mas madami kasi ang mga lalake. So tama ka, mayroong nag-study na ganiyan na biopsychosocial dimensions or approach to COVID-19. At tiningnan nila iyong aspeto ng, bakit may sex difference between the two, sa obserbasyon nila na mukhang mas maraming mga lalake ang nagkakaroon ng higher mortality.

USEC. IGNACIO:  Opo. Doc, paano ba iyong sintomas, kapag iyong unang-unang sintomas na alam mong ikaw ay nakakaranas na nga ng ganito at saka paano natin masasabing malala na o iyong kailangan talagang may cause for concern na po iyong stress at neurological symptoms ng isang tao?

DR. ALEJANDRO DIAZ:  Sorry, medyo nawala yata kanina iyong ano, hindi ko narinig, sorry.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ano po iyong mga pangunahing sintomas na ikaw ay talagang nadi-depress na at nagkakaroon ka ng problema, isipin at paano po ninyo masasabi na talagang ito po ay cause for concern na ang stress at neurological symptoms ng isang tao?

ALEJANDRO DIAZ:  Iba-iba ang manipestasyon ng depresyon sa bawat tao. Mayroong mga iba kitang-kita mo iyong tahimik, nagiging malungkutin o iyong iba naman parang nagiging magagalitin, irritable, hindi makatulog o kaya nawawalan ng gana o kaya puwede ring   parang fatigue parati, walang gana, iyong ganoon. Mahahalata mo talaga.

So, one-way na ginagawa namin, madali lang, i-Google mo lang iyong tinatawag na PHQ MIND DEPRESSION.  You try to answer that, okay and then kapag pumalo ang score mo ng mga 9 and above, malamang kaysa hindi, mayroon kang mild depression. Tapos kapag mga 16 and above, medical na ano na iyan, moderately severe depression. So, kapag medyo mataas na iyong score, maybe advisable na humingi ka ng tulong sa professional. Maybe you can approach your doctor, you can approach a psychologist na kilala mo or talk to someone. Very important iyan eh, kung wala kang ganoon, talk to somebody, to your friend. Huwag mong sarilihin, ilabas mo iyan.

Now, sometimes kung talagang nakikita namin na may clinical na depression, binibigyan namin iyan ng mga pansamantalang anti-depressant kung wala naman talaga silang grabeng sakit na major clinical depression.  Iyong iba reactive lang naman na tinatawag. So, ibig sabihin, iigi naman sila once na gumanda na ang sitwasyon.

USEC. IGNACIO:  Doc, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan. Kasi po, katulad ko po napakahalaga para sa akin iyong mga mensahe na binibigay ninyo sa amin. Dahil bilang eksperto po dito sa ating mental health. Pagkakataon na po ninyo ito, Doc na bigyan ng mensahe ang ating mg kababayan na nakakaranas po talaga ng stress dahil sa pandemic.

DR. ALEJANDRO DIAZ:   Okay. So very important iyong doon pa rin tayo naka-focus doon sa “Papaano ko alagaan ang aking bio-psychosocial aspect. Iyong mga modifiable factors, iyong may magagawa tayo. So, biologic, see to it na you build a strong body.  Ibig sabihin, hindi strong, you need a healthy, okay. Eat better, iwasan mo iyong mga processed food so, by the time na kumain ka ng mga, kung may tinatanim ka diyan, okay. Exercise, hindi naman kailangan iyong exercise na pupunta ka ng gym – just by walking every day. Ang recommended iyong 4,500 steps minimum, hindi na kailangang umabot ka parati ng 10,000 steps, of course 10,000 steps is better at kung puwede sa umaga ay magpaaraw ka.

Kasi very important sa kaalaman ng mga Pilipino na hanggang 80% ng mga Pinoy, mabababa ang vitamin D level. Bakit? Hindi sila nagpapaaraw enough o kaya kapag nasa labas sila nagsa-sunbath sila. At karamihan nasa loob lang ng bahay, opisina. So, kapag mababa ang vitamin D level ninyo sa dugo – by the way puwede ng i-measure, kailangan at least 30 nano grams per ml sa dugo – kung mababa iyan at iyong immune system mo bumababa rin. Kaya sa pag-aaral ng COVID-19 nakita nila sa abroad na iyong mga mabababa ang COVID-19 na naho-hospitalized, sila iyong mas grabe, nagiging most severe, critical or namamatay. So, may fighting chance ka kung maganda ang—

Pangalawa, since ang utak natin parte ng katawan natin, iyong physical activity and exercise is very important also to reduce anxiety, hindi lang iyong mga psychological, mga mental na exercises na gagawin mo. So, physical isa very important. Pangalawa, for a psychological well-being naman, importante iyong positive psychology tayo, positive outlook. Tingnan natin ang sarili natin, ano ba ang ginagawa ko, paano ba ang pag deal nito. So, isusulat mo kung ano iyong nagpa-panic ka; isulat mo iyong in control ka. Katulad ng breathing exercises, matulog ka at least seven hours a day, very important iyan, kasi mababa lahat iyan, nakaka-affect ng mental health.

Iyong social well-being naman is very important, that we keep our social connections, very important, ang pinaka … at the end of the day is family. So iyong pamilya ninyo, you see to it that everybody is okay.

Of course, very important also sa social well-being that we follow the minimum health protocol. Alam na ninyo iyong WMD, wash your hand properly, 20 seconds at least every day, many times a day. Iyong mask, iyong tamang pagsuot ng mask at saka tamang pagtanggal ng mask, kasi kung minsan kung malapit sa exposure, hinawakan mo iyong mask, nandidiyan iyong virus at hindi tama iyon.

So, dapat iyong tamang pagtanggal ng mask tapos siyempre iyong distansiya. Napakaimportante iyong distansiya. Kapag ginawa mo iyong tatlong iyan, washing, mask and face shield din tapos iyong distansiya, practically 99% nalalayo ka na sa risk mag-develop, magkaroon ng COVID-19 kung iyon ang kinakatakot mo.

Of course, kapag nandoon ka sa enclosed space, kung matagal ka masyado diyan, you put yourself at risk. So better siyempre kung nandoon ka sa mga enclosed space, medyo mas malayo pa rin kayo kung pupuwede. Kung pupuwede nga kung nasa sasakyan kayo, buksan na lang ninyo iyong mga bintana, hayaan lang ninyong nakabukas ang bintana, may aircon para may sirkulasyon and that is a very important way of protecting ourselves especially kapag dry na iyong ano, kunwari may aircon ka, iyong humidity bumababa, iyong virus kasi gumagaan so mas nag-i-stay siya.

Supposed kunwari, mayroon diyan hindi niya alam may virus pala siya, asymptomatic siya, so malakas siya magsalita, tumatawa siya nag-i-aerosolize siya. So, kapag matagal sa tiyan mas matagal nagsi-circulate, pero kung nakabukas iyan humid, iyong tubig kasi sa humidity, parang inaano niya tubig doon sa virus mas bumibigat iyong virus, bumabagsak siya, so mas less ang chance na magkaroon ng COVID virus transmission in higher humidity. So napatunayan na iyan sa mga studies na na-publish na.

So, ulitin ko ulit, so don’t forget to do all the three things, but of course tayo especially sa Christian nation natin, iyong bio-psychosocial and spiritual. So our faith is very important in making us strong, resilient, matatag and how to be able to handle this in the next one to two years more.

And sigurado ako na kapag dumating na iyong bakuna kailangan din nating maging ano kasi alam ko maraming natatakot, nagkakaroon ng vaccine phobia dahil sa kung anong mga narinig nila.

To create iyong herd immunity ng at least 80% sa kombinasyon ng vaccination at saka iyong mga gumaling sa mga previous infection that’s the only way mapipigil natin itong COVID-19 virus.

Okay?

USEC. IGNACIO:  Okay. Doc, maraming salamat po sa inyong paliwanag kasi karamihan sa atin naka-work from home, so kailangan medyo lumabas ka para magpa-araw, napakahalaga din po niyan. Doc, salamat po kasi para sa akin, napakalaking tulong po ng naging paliwanag ngayon sa amin.

Maraming salamat po, Doctor Alejandro Diaz. Ingat po kayo.

BENDIJO: Kamakailan po ay napabalita naman ang magandang recovery rate mula sa COVID-19 ng bayan ng Cainta, Rizal dahil naging kapansin-pansin ang mas mataas na bilang ng gumaling, ng recoveries kung ikukumpara sa araw-araw na dagdag na kaso dito po sa Cainta particularly.

Para pag-usapan iyan, makakapanayam natin si Mayor Keith Nieto ng Cainta, Rizal. Mayor Keith, magandang umaga.

Mayor? Mayor Keith Nieto, good morning po.

Babalikan natin mamaya si Mayor Keith Nieto.

Work from home pa rin po tayo—ayan na si Mayor Keith. Good morning po.

Mayor Keith, can you hear me?

Ayusin lang natin ang linya ng komunikasyon natin kay Mayor Keith.

All right… So…Mayor Keith? Hello?

All right. Again, work from home pa rin tayo at ako po ay nakatira dito po sa boundary ng Pasig and Cainta at magandang balita po iyan na marami ang gumagaling dito po sa bayan ng Cainta.

Mayor Keith, are you there? USec.—

MAYOR NIETO:   Yeah, I can hear you. Magandang tanghali.

BENDIJO:   Yeah, okay. Mayor Keith, good morning po.

MAYOR NIETO:   Magandang tanghali sa inyo.

BENDIJO:   Magandang tanghali. Base sa mga datos, Mayor, na inilalabas po ng inyong opisina sa mga nagdaang araw very promising ang recovery rate sa bayan po ng Cainta, dito po sa Cainta, kung ikukumpara sa mga kalapit na lugar sa Rizal katulad ng Taytay at ilan pang mga lugar sa probinsiya ng Rizal at maging sa Metro Manila.

Mayor, ano po ang masasabi ninyong nakatulong sa magandang resultang ito sa bayan po ng Cainta?

MAYOR NIETO:   Actually, we just engaged all our consultants and assigned to them at least five COVID patients who are under home quarantine para bantayan at i-manage nila. We already disregarded specializations because I just believe na kung doktor ka, you will be able to treat and manage a COVID patient kung anuman ang specialization mo.

Since we had forty on the onset, I assigned at least five cases per every doctor which translated to at least 200 cases na hina-handle nila who are under home quarantine. Nung lumabas ang aking post, there were at least three other doctors who volunteered their services for free para maibigay namin, matutukan din nila iyong mga ilang mga cases na hindi pa ma-handle ng ating mga consultants na na-assign na natin.

With the number of doctors na nakatutok doon sa mga pasyente, lumaki ang probability namin na mas ma-manage nila at matutukan at ma-declare kung alin doon iyong mga recovered. So, they don’t really have to wait a long line siguro para maisyuhan ng mga certifications coming from the doctors, na tatawagan sila every day at least a five-minute call advising them exactly what they should be doing at kung ano iyong condition nila na dapat gawin rin nila para mas lalo silang gumaling.

We were able to distribute as well iyong mga medicines na sina-suggest nila naibigay na rin namin sa home quarantine. Pati iyong Chinese herbal medicine na in-approve na ng FDA, we distributed it. Nag-suggest sila na bigyan ko ng mga pulse oximeters iyong mga pasyente for self-monitoring. Binigyan namin kada isang pasyente noon, kapag nag-recover sila kukuhanin namin ulit iyong oximeter tapos ibibigay naman namin sa mga bagong active cases.

So, for the last four consecutive days pababa nang pababa iyong numero ng ating active case. From 200, I think 10 or 15 we are down to 198 at this point. We already received additional volunteer doctors kanina. They came from Greenwoods and the nearby Vista Verde Subdivision na they would do a telemed in accordance with the program that we launched here in Cainta. So, I guess iyong dami ng doktor na nakatutok doon sa mga pasyente ang nagpabilis siguro ng proseso ng paggaling nila.

BENDIJO:   Opo. For that magandang balita po iyan at maraming mga volunteer doctors mula dito sa Cainta, dito po sa Greenwood Executive Village kung saan din po ako nakatira. Nabanggit ninyo po iyong telemed, Mayor Keith, papaano po iyong sistema niyan? Papaano po ang proseso niyang telemed, Mayor Keith?

MAYOR NIETO:   Okay. May mga coordinators kasi ako na in-assign per 40 patients. Iyong coordinator na iyon is tasked now to monitor kung ano iyong treatment na ginagawa ng mga doctors na ina-assign namin; at iyong mga doctors naman are obliged now to report daily kung ano iyong kundisyon ng mga pasyente.

Itong coordinators na ito ang magtatapon naman sa amin ng datos para malaman namin kung anong estado ng mga pasyente. Lahat naman ng natatanggap naming mga new cases, we assign it and farm it again to these 40 doctors lalo na iyong mga mayroon ng nakaka-recover na mga pasyente kasi ang sabi ko nga, ang minimum assignment nila would at least be five. So, kung makakapagpagaling sila ng four that leaves to be just one patient, we will be able to come up with another four patients para maging five ulit iyong kanilang babantayan.

So far so good kasi mas marami ngayon iyong nagri-recover sa active cases which means dumadami ngayon iyong doktor pa namin at nagiging mas available pa sila para sa proseso ng pagma-manage ng COVID.

As an incentive, sabi ko nga ipinangako ko na rin iyong aking suweldo para sa Agosto ngayong taon. Iyong buong suweldo ibibigay ko doon sa doktor na magpapagaling ng pinakaraming pasyente na ia-assign namin sa kanila under home quarantine.

BENDIJO:   Good news, Mayor Keith. Nabanggit ninyo rin ang Chinese herbal medicine. Ang pangalan niyan ay Lianhua Qingwen Chinese medical herb na napabalitang epektibo sa paggamot sa mild and moderate COVID-19 cases. Iyong prescription po niyan, Mayor, naaayon ba iyan sa medical experts ng Cainta?

MAYOR NIETO:   Like I said, we will only be giving it out base na rin sa mga prescription na ginagawa ng mga doktor na naka-assign sa kanila. Pati ang pag-take will be dependent on the doctor assigned. I have received a lot of posts coming from people who were able to take that medicine na na-expedite nga daw ang kanilang paggaling but I just leave it again to the sound expression of our doctors to tell us if it is really worth it.

Nakatanggap ako ng maraming mga donasyon na pera at gamit. Part of the funds that I got on a private capacity ipinambili ng mga gamot na ito, itong mga herbal meds upon the prodding na rin and recommendations of the doctors assigned sa mga COVID patients namin.

BENDIJO:   Opo. Kumusta naman po ang pag-assist ninyo sa mga constituents dito po sa bayan ng Cainta na nagpositibo sa COVID-19, Mayor Keith?

MAYOR NIETO:   Okay. Let’s focus on the emergency employment program that we have kasi base na rin sa economics natin lumalabas kasi na marami ang na-layoff or mga suspended ang work specially these are constructions workers.

So, we came up with the infra program that’s admin in nature where we hire them on a monthly basis, gave them at least an allowance that would at least sustain their families in the next 30 days and assign work para magsemento ng mga kalye, bangketa, maglinis, magpintura; all the stuff that they can actually do in the meantime while hindi pa sila nakukuha at nari-rehire noong kanilang mga private companies.

As a whole naman, the misting activity continues. We have our [garbled] sila iyong mga taong nagbabantay sa mga bahay ng mga mayroon tayong tinatawag na mga COVID patients, probable patients. We restrict movement, we’ve provided the sustenance they need just so there will be no reason for them to leave their homes. Lahat – pagkain pati iyong mga personal necessities nila we provide.

And then the person who is outside their house manning the area is given at least some discretion to assist them in any way they can para magkaroon sila ng leeway para magka-access sa labas nang hindi na sila kailangang lumabas.

Iyong mucosal vaccine namin ngayon ay pinapa-injection namin ang mga senior citizens because they happen to be the most vulnerable sector dito sa Cainta, and we’ve zeroed it on Barangay San Isidro kasi mataas-taas ang kaso diyan tapos lilipat kami ng Barangay San Andres. The activity is being headed now by our health officer.

I have appointed one of the senior doctors here in Cainta, Doctor San Diego, to head the COVID patient management program kasi nga iyong aming main hospital kinonvert ko na siya into a COVID institute. We transferred much of the operations ng aming hospital doon sa kabila naming… what we called the hospital in Parola para mag-focus na ang mga tao rito sa hospital number one sa mga COVID patients na dinadala rito.

I understand kasi na mayroon ng scarcity yata sa mga beds para ma-confine iyong mga pasyente. Ayaw ko namang pumila pa ang mga taga-Cainta sa ibang mga lugar kung kaya rin lang namin silang i-handle. Pero if the doctors would say or advise them to stay home, diyan na papasok iyong in-assign kong mga consultants to monitor and manage their health issues.

BENDIJO: Mayor, bilang near exhaustion na nga ang medical practitioners sa buong kapuluan dahil iyong ilan ay nahawaan ng COVID-19, sila po ay naka-quarantine ngayon. Dito po sa bayan ng Cainta, Mayor Keith, bukod doon sa pagbibigay ninyo ng bonus sa maraming mapapagaling na mga pasyente, in fact sinabi ninyo po isang buwang sahod ninyo ng buwan ng Agosto ibibigay ninyo sa mga volunteer doctors. May mga programa o mga karagdagang initiative ba na ginagawa ang bayan ng Cainta para po mabibigyan ng assistance or compensation ang mga health workers natin dito sa bayan ng Cainta?

MAYOR NIETO: Okay. We start first with protecting them ‘no, so lahat ng mga PPEs that they will be required to have, I’ve already assigned one team ‘no to handle and ensure na at any point in time na sila ay nasa ospital, they will have all these gears ‘no and equipment. We’ve installed this ultrasonic atomizer machine ‘no that supposed to be cleansing the air. Mayroon kaming ducting pipe na i-install ngayon sa ospital just to make sure na iyong negative air pressure na niri-require ngayon ng WHO would be complied with para maprotektahan din sila ‘no.

The vaccines will all be available to them, iyong swabbing is something that they would have access to ‘no. I’m just considering now the idea of putting up our own laboratory in the next, siguro month ‘no, just to be sure that we will have our own allocation and hindi na kami pipila sa ibang mga lugar just to have that.

Pagdating naman doon sa financial side, I’m talking to my budget officer and checking what’s left with us from now which we’ll be able to, siguro ipamigay, kung ipa-prioritize namin ang health workers ‘no. It’s going to be by financial assistance na lang kasi we will just be following the national policy on hazard pay. It actually covers everyone kasi, a part of the health sector ‘no, and we cannot move much as we want to, considering the limited and scarcity of the budget that we have.

Alam ninyo naman that we have to consider as a whole iyong kabayanan natin at iyong mga taong naapektuhan dahil ang kagandahan lang naman ng nasa gobyerno, iyong suweldo naman dito tuluy-tuloy eh, hindi naman sila talaga natanggalan ng trabaho. Kahit na magkaroon tayo ng skeletal force, iyong suweldo will still be complete ‘no because that is actually discretion that’s being made by the person in-charge ‘no, iyong may authority sa kanila.

So we also focus of course, apart from that, siyempre iyong mga tao naman na maaapektuhan sa labas noong munisipyo natin, that they will be able to fend for themselves kasi they also have to—umaasa rin sila sa gobyerno for assistance kasi kami naman talaga iyong last bastion of support eh. Mag give-up na ang lahat, dapat iyong gobyerno nandiyan.

BENDIJO: Mayor Keith, from Cedric GMA-7: Iyong Chinese herbal medicine na ipinamimigay ninyo dito sa bayan ng Cainta, kailangan ba ng clearance ng Department of Health bago ma-distribute? Sigurado bang walang risk na dala ito sa may mga COVID-19?

MAYOR NIETO: As I’ve said, it’s an FDA approved supplement. There’s already a license for it to be distributed. It’s actually being prescribed ‘no under strict doctor’s advice. Mayroong mga doktor na naka-assign for them to take it. They are mature enough to check on it and just make sure that it is something that has efficacy and that’s something that will not be detrimental to their health.

BENDIJO: Opo. Mayor Keith, mensahe na lang po ninyo sa inyong mga constituents dito po sa bayan ng Cainta. Siguro may iba pa rin diyan na mga violators ng quarantine at sa mga patuloy ding nagbibigay ng donasyon sa inyo.

MAYOR NIETO: I don’t claim any monopoly of knowledge now but whatever it is that I do, it is actually geared towards resolving this matter at the most expeditious time. I seek your help in making me think about the stuff na I should know, I should adopt, I should implement just to make sure that we get to have a better Cainta and a healthier Cainta for everyone.

Sa mga taong tumutulong sa amin, who follow my post salamat. Salamat sa inyong generosity because with that, I mean, I get to inspire more people to think that we’re doing it right. Hindi lang kasi ako nagpapatakbo nito, it’s actually a whole gamut of team and members who are actually painstakingly exerting just so much effort just to make sure that this works ‘no.

Matatapos din ‘to, this will all come to pass but for now let’s just be resilient enough and obedient enough to at least comply with whatever government mandate comes ‘no. Iyon lang ang sitwasyon natin for now and you can just be assured that we will be doing everything we can just to make life at least healthier for everyone.

Marami pong salamat. Magandang tanghali.

BENDIJO: Maraming salamat sa inyong panahon, Mayor Keith Nieto ng Cainta, Rizal. Mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni Czarinah Lusuegro mula sa Radyo Pilipinas. Go ahead, Czarinah.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Czarinah Lusuegro mula po sa PBS Radyo Pilipinas.

ALJO BENDIJO:  Alamin naman natin ang pinakahuling mga balita mula sa PTV Cordillera kasama si Alah Sungduan. Alah, magandang araw.

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO:  Maraming salamat, Alah Sungduan PTV Cordillera.

USEC. IGNACIO: Mula naman sa Cordillera, puntahan natin ang mga kaganapan sa Cebu kasama si John Aroa. John, maayong buntag.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Salamat sa’yo, John Aroa ng PTV Cebu.

ALJO BENDIJO:  Samantala, dumako naman tayo sa Davao. Kasama nating mag-uulat si Regine Lanuza. Regine, maayong udto.

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO:  Daghang salamat, Regine Lanuza ng PTV Davao.

USEC. IGNACIO: Aljo, pasalamatan na rin natin ang ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa, at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 – mabuhay po kayo.

At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Aljo?

ALJO BENDIJO: Maraming salamat din, Usec. Rocky. Thank you, Secretary Martin Andanar. Ako naman po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)