USEC. IGNACIO: Isang makabayan at pinagpalang umaga sa lahat ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa. Ngayon po ay Lunes, August 31st, 2020. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
ALJO BENDIJO: Good morning, Usec. At maayong buntag sa inyong tanan, Luzon, Visayas at Mindanao. Ako naman po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Ngayon po ay ipinagdiriwang ang Pambansang Araw ng mga Bayani kaya naman po labis ang aming pagpupugay at pagsaludo sa mga sakripisyo at paglilingkod ng ating mga itinuturing na makabagong bayani, ang mga frontliners, sa labang ito kontra COVID-19.
ALJO BENDIJO: Ang mga frontliners po ang nagsisilbing proteksiyon at sandigan po natin sa panahong ito kung saan lahat tayo ay vulnerable sa hindi nakikitang kalaban, itong COVID-19. Tunay na hindi matatawaran ang dedikasyon at ang serbisyo na kanilang ginagampanan para po sa bayan.
[AVP]
USEC. IGNACIO: Ang araw na ito ay handog po namin sa lahat ng Filipino frontliners sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Aljo, silipin muna natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa bansa. Umabot na nga sa 217,396 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, iyan po ay matapos madagdagan ng 4,284 kahapon. Mahigit sa isandaan naman ang nadagdag sa mga nasawi na sa kabuuan po ay nasa 3,520 na. Sa kabilang banda po ay magandang balita dahil nasa 22,319 ang recoveries na naitala kahapon ng Department of Health. Sa kabuuan ay nasa 157,403 na ang bilang ng mga gumaling mula sa sakit.
ALJO BENDIJO: Kung ihahambing sa nakalipas na tatlong araw, mas mataas ang bilang ng COVID-19 cases na naitala kahapon. Kapansin-pansin din sa mga nakalipas na ilang linggo na hindi bumababa sa dalawang libo ang kasong naitatala kada araw.
Sa talaan po ng mga lugar na pinagmumulan ng mataas ng kaso ng COVID-19, ang National Capital Region pa rin ang nangunguna na nakapagtala ng 2,207 new cases kahapon, sumunod naman ang Probinsiya ng Laguna with 327 cases, pumapangatlo ang Cavite na may 191 na bagong kaso. Hindi naman nalalayo ang Batangas na may 161 cases, at panlima sa hanay ang Rizal na may 147 na bagong kaso ng COVID-19.
Matapos po makapagtala ng malaking bilang ng recoveries kahapon ay nasa 56,473 ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa. Malaki ang ibinaba ng bahagdan na mula sa 34.2% na ating naiulat noong Sabado, nasa 26% na lamang ito kahapon ng total cases sa buong kapuluan.
USEC. IGNACIO: Karamihan po nasa 91.3% sa mga kasong ito ay mild lamang, nasa 6.1% ang hindi kinakitaan ng sintomas, habang 1.1% ang severe cases at 1.6% ang nasa kritikal na kalagayan.
Samantala, muli po naming pinapaalala na maging BIDA solusyon sa COVID-19. Kung kayo po ay lalabas ng bahay ay huwag kalimutan magsuot ng face mask at face shield, at magdala po ng alcohol. Huwag ding kalimutan ang inyong quarantine pass, maging ang listahan ng inyong mga bibilhin o gagawin sa labas ng bahay. Mainam din po na magdala na kayo ng bottled water at tissue paper. Mga simpleng hakbang lang po iyan pero malaki po ang maitutulong para malabanan ang COVID-19.
ALJO BENDIJO: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, SUN at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy din kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, at maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Para naman sa ating mga balita: Muling itinanggi po ni Senador Bong Go ang mga alegasyon na may malalang karamdaman si Pangulong Rodrigo Duterte matapos pong mabanggit ng Pangulo ang tungkol sa Barrett’s esophagus na matagal na umano niyang idinadaing; ito naman daw po ay hindi seryoso. At ayon sa Senador, naaayon din sa edad ang pagkakaroon ng iba’t ibang karamdaman lalo, pa’t ang Pangulo po ay nasa 75 years old na.
Dagdag pa niya na walang dapat pong ikabahala ang ating mga kababayan dahil kayang-kaya pang tapusin ng Pangulo ang kaniyang termino. Aniya, buo ang loob ng Pangulo na gampanan ang kaniyang tungkulin bilang ama ng buong sambayanan.
Ang naging paalala umano ng doktor ng Pangulo ay isang paalala rin sa buong bansa na maging maingat sa ating kalusugan lalo pa’t patuloy na kumakaharap ang bansa sa COVID-19.
ALJO BENDIJO: Samantala, may napipisil na umanong bagong uupo bilang pinuno ng PhilHealth, ang Philippine Health Insurance Corporation, si Pangulong Rodrigo Duterte at maaari niyang ianunsiyo kung sino ito ngayong araw. Ayon iyan sa inilabas na pahayag ni Senador Bong Go kahapon. At bilang Senate Committee Chair on Heath and Demography, sinabi rin ng Senador na dapat ay matapang, may integridad at may political-will ang bagong uupong PhilHealth chief at dapat na maging pangunahing layunin nito ang pagsugpo sa korapsiyong nagaganap sa loob ng ahensiya.
Patuloy din umanong ipaglalaban ang paglilinis sa PhilHealth dahil malaking papel na ginagampanan nito para maging matagumpay ang Universal Healthcare Act at ang paglaban sa COVID-19 sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Nagpasalamat din po si Pangulong Duterte at si Senator Bong Go sa grupong Volunteer Artists for Duterte sa pangunguna po ni Philippine Amusement and Gaming Corporation official Jimmy Bondoc na nagsagawa po ng isang online concert para sa Pangulo kahapon, August 30.
Sa isa pong video message, muling ipinahayag ng Pangulo ang kaniyang pag-asa na magkaroon na ng vaccine sa COVID-19 bago po matapos ang taon.
Kahapon ay personal din na bumisita ang Pangulo sa Jolo, Sulu kung saan naman po naganap ang twin blasts noong August 24, na kumitil sa buhay ng ilang sundalo at sibilyan. Sa kaparehong video message, sinabi ng Pangulo na bilang commander-in-chief ay tungkulin niyang bigyan ng pagpupugay ang kaniyang mga pulis at sundalo na nasawi dahil sa insidente.
Sinabi naman po ni Senator Go na dapat nang gamitin ang ngipin ng Anti-Terrorism Law para puksain ang mga teroristang patuloy na naghahasik ng kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
ALJO BENDIJO: Usec. Rocky, maya-maya lang ay kasama rin nating magbabalita sina John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas, Eddie Carte mula sa PTV Cordillera at si Jay Lagang mula sa PTV-Davao. Habang makakapanayam naman natin sina DTI Secretary Ramon Lopez at Civil Service Commission Commissioner Attorney Aileen Lizada. Kung may mga nais po kayong linawin sa ating mga resource person, i-comment ninyo lang po iyan sa ating live stream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyong mga katanungan.
USEC. IGNACIO: Aljo, umpisahan na natin ang talakayan kasama po ang Kalihim ng Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. Magandang umaga po, Secretary.
SEC LOPEZ: Hello! Magandang umaga po, Usec. Rocky at kay Mr. Aljo. Sa inyo pong mga tagasubaybay, good morning.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Secretary, unahin ko na lang po muna itong tanong ni Joseph Morong ano po para—kasi nakatutok po sila sa atin, ang GMA7. Ito po ang tanong niya: Do we see GCQ as the prevailing community quarantine in Metro Manila for a good amount of time until a vaccine is found? In other words daw po, MGCQ is probably a riskier option and how does an MGCQ appeal to business? Kaya na po ba daw mag-MGCQ?
SEC LOPEZ: Okay. So lahat ito—actually may ongoing IATF ngayon, pinag-uusapan ito sa ngayon at definitely we’re looking into longer term period ng community quarantine. In other words, baka hindi na 14 days, baka one month ang duration at we are also looking into establishing iyong mga patakaran din kapag sinabing… iyong new normal. Parang madalas na natin naririnig itong ‘new normal’ which means iyong very strict mandatory and minimum health standard – iyang wearing of face mask, face shield, iyong frequent washing ‘no saka iyong pag-iwas, iyong physical distancing and of course iyong isolating the positives, iyon ang mga very critical moves natin ngayon.
Parang ang tingin natin dito regardless of iyong community quarantine, kahit gumaan iyong community quarantine, nandito iyong mga very strict na pag-iingat na iyan. But sa ngayon, siyempre hintayin natin ang announcement ng ating Pangulo kung ano ang magiging official na magiging community quarantine natin na tatakbo itong September. So iyon ho ano, but I think from all indications so far iyong mga GCQ parameters naman natin ay nami-maintain ngayon. So ang tanong na lang ay iyong mga panibagong consideration; let’s say for a new quarantine or maybe a new system ng community quarantine.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, iyong pahabol na tanong ni Joseph: How does MGCQ daw po appeal to businesses? Kaya na po ba daw in case po na mag-MGCQ ang… especially ang National Capital Region po?
SEC LOPEZ: Ano iyan, very hypothetical iyong question pero kung tatanungin mo—kasi ‘pag magkaroon ng MGCQ, parang sinabi mo na rin that would be going into a new normal situation. Ito iyong binabanggit natin na assuming magkaroon man ng MGCQ scenario, hindi ibig sabihin nito ay magluluwag na tayo sa ating mga kilos at galaw, iyong sinasabi nating paghigpit ng ating pagsusuot ng—iyong disiplina – pagsuot ng mask, iyong face shield nandiyan pa rin iyan. Hindi ho dapat tayo diyan bibitaw kasi kahit anong luwag ng community quarantine, kahit MGCQ pa iyan, kapag talagang bumitaw tayo doon sa mga principles na iyon, iyong disiplina mawala ay madaling mabalik tayo sa stricter community quarantine.
So iyong principle po ngayon ay talagang hinihikayat ang sambayanan na maging maingat at may responsibilidad sa pag-maintain ng good health, walang transmission sa pagsunod dito sa mga minimum health standard.
So ang sinasabi natin, whether MGCQ iyan or GCQ iyan ay ito ang very consistent dapat tayo dito sa discipline na ito. This is the only way na bababa ang ating mga transmission at kaso. Imadyinin natin na lahat ay magsuot istrikto ng mask at face shield, umiwas at maghugas parati, mag-alcohol ay siguradong bababa iyong transmission natin ‘pag lahat ng tao gagawin iyan.
So iyan iyong talagang panawagan natin talaga ngayon lalo na pala at National Heroes Day, parang lahat tayo puwedeng maging hero ‘pag ginawa natin iyan. At nagpapasalamat din muna ako sa mga frontliners po natin, sila po iyong mga new heroes natin ngayong panahon na ito so God bless you all.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong naman po si Leila Salaverria ng Inquirer. Ito po iyong tanong niya: Could you provide us an update on your coordination with the CPMP [Confederation of Philippine Manufacturers of PPE] regarding daw po sa PPE procurement?
SEC LOPEZ: Ito po iyong mga—iyong local producers. So sila po ay actually sumasali dito sa bidding process naman na ginagawa ng DBM Procurement Service. Noong una po nagkaroon lang ng konting oras or time to get the certification, the necessary certification na pasado sa standard. At ako naman, I’ve seen iyong operation nila and masasabi ko na talagang above standard iyong kanilang mga produkto, even the materials are all medical grade so pasado na sila.
So ibig sabihin viable at ano sila, eligible sumali dito sa mga bidding procedures. So iyon po iyong ipinapatupad naman ngayon na dahil kailangan ding sumunod sa mga procedures dito sa Bayanihan II, iyon din po ang pangangailangan din ‘no sa ating procurement system ay kailangan manggagaling sa isang reputable na manufacturer at competitive prices, and of course, above standard.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong follow up question po niya, Secretary: Has the government committed daw po to purchase a particular number or amount of PPE from local manufacturers?
USEC. IGNACIO: Wala ho tayong commitment as to the number but dito po sa Bayanihan II, all things equal lalo na iyong standard, may preference din po sa local manufacturer. So I’m sure with all the capacity now—kasi iyong capacity rin ng ating local PPE producers pati iyong mga face masks, ngayon lang talaga lumaki iyan ano na talagang makaka-supply sa atin. Kaya I’m sure ngayon makaka-participate na sila nang mas maayos at mas aktibo ‘no. So iyon po ang inaasahan nating mangyayari way forward.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Cleizl Pardilla ng PTV: Ano daw po ang gagawin ng DTI sa apela ng Philippine Association of Meat Processors o PAMPI na i-lift daw po ang ban sa pag-aangkat ng mechanically deboned meat mula po sa Brazil na pinaniniwalaang may COVID-19? Mauubos daw po kasi ang raw materials na ginagamit nila sa mga delata na diumano’y kailangan ng mga tao ngayong may pandemic.
Secretary Lopez? Mukhang nawala sa ating linya si Secretary Lopez. Babalikan po natin siya maya-maya lamang para po maibigay pa rin po iyong iba pang mahahalagang katanungan kasi ngayong araw po ay posibleng may ianunsiyo muli, Aljo, si Pangulong Duterte kung ano iyong magiging category o iyong restriction ulit sa community quarantine.
Kanina nga tinatanong ng ating mga kasamahan sa media kung kakayanin ba nating mag-MGCQ or mananatili tayo sa GCQ.
BENDIJO: Kanina Usec., nakausap ko sa telepono sa programa sa radyo – ako’y pansamantalang humalili kay Erwin Tulfo – nakausap ko kanina si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, mayroon silang recommendation, 30 days ‘no GCQ ang Metro Manila; 30 days or 15 days pinag-uusapan nila ngayon. So ang malamang ang IATF pa rin ang magdi-decide diyan at ang Pangulo so hintayin natin mamaya kasi ang magiging anunsiyo ng Pangulo. Tinitimbang nila rito ekonomiya at ang buhay ng tao talaga at talagang apektado na ekonomiya ng bansa.
USEC. IGNACIO: Katulad nga ng sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, kailangan talagang balanse. Hindi talaga pupuwede na tayo ay—‘pag sinabing nilagay ka sa community quarantine na ganitong kategorya ay talagang ibabalewala, magpapakakampante.
Okay, Aljo, babalikan na natin si Secretary Lopez. Secretary Lopez…
SEC LOPEZ: Hello, sorry ho nawala tayo. So, I’m back.
USEC. IGNACIO: Yes. Paumanhin po, Secretary, naputol po tayo kanina. Ito po iyong tanong ng ating kasamahan naman na si Cleizl Pardilla ng PTV: Ano po ang gagawin daw po ng DTI sa apela ng Philippine Association of Meat Processors o PAMPI na i-lift daw po ang ban sa pag-aangkat ng mechanically deboned meat mula po sa Brazil na pinaniniwalaang daw pong may COVID-19? Mauubos daw po kasi iyong sinasabi nilang raw materials na ginagamit nila sa mga delata na diumano’y kailangan ng mga tao ngayong may pandemic po.
SEC. LOPEZ: Opo. Well, we support po iyong position na iyon. Kasi iyong basehan daw po ng pag-ban ng importation ng mga chicken and chicken products mula sa Brazil ay wala pong scientific basis na ito po ay may dalang COVID at makakahawa. Kaya ho kami may sulat po kay Secretary Dar para ho sana i-lift na uli iyong ban na iyon, dahil kung hindi ay mati-threaten po ang ating food supply, lalo na iyong galing dito sa mga meat processors na isang malaking food category na binibili po ng ating mga kababayan, itong mga nasa delata na mga meat-based, meat processed, processed meat products at para maiwasan ang shortage na maaaring harapin natin sa mga isang buwan from now.
Kasi ang supply ng kanilang major raw material nanggagaling sa Brazil ay posibleng maubos na in less than one month. So, i-imagine natin, kapag kulang ang supply na iyan, hindi sila makaka-produce ng required na, wala sila noong required ingredients para ma-produce iyong produkto. Kaya kailangan para maiwasan ito, kailangang walang mapigil dito sa supply chain sa mga requirements na raw materials.
USEC. IGNACIO: May pahabol na tanong po mula kay Cleizl Pardilla pa rin: Sabi daw po ng PAPI, maaari daw pong magmahal ang presyo ng mga delata kapag wala silang supply na makuha and how likely is it to happen? At gaano daw po karami iyong supply ng canned meat products sa bansa kung may banta pa po talaga ng supply natin ngayong may pandemya?
SEC. LOPEZ: Oho, so iyon din ang sinasabi ko na posibleng magka-shortage kapag hindi pinayagan iyong pag-angkat ng raw material na hinihiling nila. At titingnan din natin iyong impact sa presyo, sa cost ng raw material na iyon, kasi sa Brazil, doon sila nakaka-import ng mura. Kapag mag-source sila sa ibang bansa, posibleng siyempre, with limited supply na ngayon, baka magtaasan iyong presyo rin ng ingredient na iyon. Kaya delikado itong nangyayari ngayon in the sense na puwedeng magtaas din iyong cost ng raw material na iyon. At siyempre kapag nangyari iyan hihingi ng pagtaas ng presyo ang mga meat processors. So, but we will not automatically give it, in other words kailangang pag-aralan iyong cost impact. Pero sinasabi natin may impact ito sa presyo, kapag hindi na-solve itong problema na ito.
USEC. IGNACIO: Secretary, noong nakaraang buwan po ay nakapag-secure po ang inyong ahensiya ng karagdagang P1 billion para sa COVID-19 assistance para po mag-restart enterprises o CARES program at ito po ay nag-resume ng mid-August. Kumusta na po iyong turn-out ng programa? At ilan na po iyong nabigyan ng loan assistance? At magkano po iyong total amount na na-disburse na sa ilalim po ng MSME?
SEC. LOPEZ: Dito po sa report sa amin last week na naalala ko over 70o million up to P1 billion na ang na-approved na loan dito. Iyong na-review nila, na-evaluate nila ay over P1 billion worth kaya lang, iyong the other parts, ito iyong mga disapproved, kaya of course, in other words may natitira pa na kaunti na lang dito sa first billion.
Ang maganda pong nangyari, dito po sa bill na napirmahan na po, na-ratify sa Kongreso at saka sa Senado ay madadagdagan naman po iyong budget nitong CARES ng small business corporation para talaga makatulong sa mga micro SMEs pati doon sa ibang related sector tulad ng tourism, mga cooperatives, OFWs. So, ito po ay nailaan din or mailalaan, padadaanin mula sa SB Corporation. So, iyon po iyong magandang balita, so sana po mapirmahan ng ating Pangulo itong na-ratify na ng Congress at Senado na bill na Bayanihan II.
USEC. IGNACIO: Secretary, hindi po ba pansamantalang tumigil iyong programa noong June dahil hindi daw po sumapat iyong unang budget para dito? Ito po kayang additional budget, Secretary, sasapat na po para sa lahat ng gusto pong mag-loan?
SEC. LOPEZ: Sa tingin po natin malaking tulong na ito. Tingin natin sasapat na po ito in the next, siguro hanggang katapusan ng taon na ito. So, sisikapin natin na mapabilis din ang processing, magko-computerize din ang proseso nito para mas mabilis ang proseso lalo na kung ganitong mayroong additional budget na.
USEC. IGNACIO: Kayo po ay naatasan rin ni Pangulong Duterte na mag-oversee ng Mandaluyong City, bilang bahagi daw po ito ng pagpapaigting sa local governments efforts para po labanan ang COVID-19. Kumusta na po iyong pakikipag-usap ninyo kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos? At ano po iyong mga hakbang na napag-usapan ninyo tungkol dito?
SEC. LOPEZ: Maganda po iyong naging meeting namin last week ni Mayor Menchie Abalos. Marami din po silang ginagawang maganda na puwedeng sabihing best practices. Ang role po namin doon ay mag-share din ng ilang mga best practices na ginagawa sa iba’t ibang lugar tulad ng mga napi-present sa IATF. Pero ang mga magandang nakita natin sa City of Mandaluyong, kina Mayor Menchie Abalos ay iyong kanilang inisyatibo para mapalakas iyong kampanya nila sa disiplina ng mga taga-Mandaluyong, in a sense na iyong pinag-uusapan nating istriktong implementasyon ng mandatory health standard ay ito po ay talagang ibinababa hanggang sa lahat ng tao, lahat ng kababayan natin sa Mandaluyong.
So, even in one barangay, pinuntahan namin iyong pinaka-populated na barangay sa Addition Hills, ang sistema talaga doon, ang barangay mas malapit na nakikipag-usap sa taumbayan, nagkaroon sila ng mga PA system sa bawat kalye doon. Talagang to communicate ano iyong mga dapat behavior ng mga kababayan natin sa Addition Hills, doon sa barangay na iyon.
Tulad noong kapag may nakita naglalakad na hindi naka-mask o kaya ay nagkukumpul-kumpol, ito po ay nasasabihan kaagad right there and then. So, doon pa lang iyong behavior ng tao nababago na at iyon nga towards doon tinatawag sa natin na dapat behavior din natin kapag new normal na. Ito na iyong talagang bagong normal sa kilos at saka sa gawa na may mga mask at may mga distancing at para hindi talaga maghawaan. At sa ganoon, kaunti ang magiging positive, kaunti ang magiging pasyente sa ospital. So, ito po iyong talagang inaambisyon ng bawat Pilipino ngayon.
So, aside from that, of course nandiyan po iyong kanilang efforts doon sa contact tracing, sa kanilang pag-isolate dahil napaka-importante and of course, iyong treatment. So, nagpapasalamat po kami sa bayan, sa City ng Mandaluyong, Mayor Menchie Abalos at sa kaniyang team dahil talagang seryoso po sila sa efforts na ito at nakita din natin iyong mababang incidence po ng COVID sa Mandaluyong City.
USEC. IGNACIO: Opo, Secretary iyong private business sector po ay isinali na po iyong mga opisyal ng Philippine Chamber of Commerce and Industry or PCCI bilang resource person po sa bawat pagpupulong na ginagawa ng IATF. Sa paanong paraan po makakatulong ang private sector para po maibalik ang sigla ng ating business sa bansa?
SEC. LOPEZ: Well, sila po ay inimbitahan natin maging resource persons kapag ang topic po ay tungkol sa economic recovery, pagpapasigla ng ating bayan. At siyempre marami po silang maitutulong, iyong mga suggestion nila, ano ang mga puwedeng gawin pa natin.
As to the sectors, marami naman tayong nabuksan na sector, pero siguro kung ano ang mga puwedeng i-allow. Tulad ng isa dito iyong pagluluwag uli, let say, dito sa sektor noong dine-in for example. By tomorrow mayroon po tayong—iyong mga na-defer po natin na mga sector na hindi muna binuksan dahil nag-MECQ tayo at naka-suspend pa rin siya up to August 31, hanggang ngayong araw; iyong mga ibang sector na iyon, tulad ng mga personal grooming services, testing, tutorial, review centers, iyong mga gyms, iyon po ay itutuloy na sa pagbubukas at starting tomorrow, September 1.
So, iyon po ay close coordination po kami with Metro Manila mayor. Every week po nakikipag-meeting po ang ilang IATF secretaries sa Metro Manila mayors para mas smooth iyong operation po natin. Iyong transition into reopening the economy. So ka-partner po natin sila pagbalangkas din ng mga guidelines, sa pag-implement nitong mga bagong paraan, bagong normal sa pagbubukas ng ekonomiya.
USEC. IGNACIO: [OFF MIC] po kasi sa—siguro problema po ng ilang private businesses daw po iyong tinatawag na ‘One Size Fits All’ policy ng IATF pagdating sa mga health and safety guidelines na required na ipatupad ng mga employers. Ang epektibo o posibleng ipatupad sa isa raw daw po ay hindi daw po epektibo. Kung halimbawa sa kabila epektibo pero dito sa ibang lugar ay hindi daw po epektibo. So, papaano ninyo po tinutugunan iyong mga ganitong concern ng ating private business?
SEC. LOPEZ: Well, actually ho dito sa sector na binuksan natin, bawat sector – tulad iyong bubuksan bukas – bawat sector ay may kaniya-kaniyang health protocol na mas angkop doon sa sector na iyon. Kaya hindi siya one size fits all.
Ngayon, pero kapag iyong—pinaka-overall guidelines, siyempre mayroon pang overall guidelines na iyan; kung mayroon namang kailangang i-adjust, ina-adjust din natin, nakikinig tayo sa mga recommendation nila.
For example, ito na lang—particular example, iyong naglabas ho tayo ng panibagong strict protocol para sa workplace, kasama ho diyan let’s say iyong unang protocol measures sana namin, wala ng kakain sa loob ng canteen kasi ho base doon sa pagbisita sa mga workplaces, diyan po maraming transmission – galing sa canteen, sa smoking areas at saka sa shuttle buses.
So, hindi po… parang ang unang recommendation ay iwasan na iyong kakain sa loob ng canteen at magpa-pack food na lang, iyong naka-pakete na pagkain at dadalhin na lang sa kanilang mga workplace. Subalit dahil nga sa feedback din from the private sectors, sinasabi nila na na-prepare nila iyong mga canteens nila na magkakalayo na at hindi magkakalapit, may mga barriers. At minsan kapag dinala sa workplace, bawal ang pagkain doon sa workplace kasi let’s say, clean room iyong area lalo na sa mga business establishments ng mga electronics, for example. So, hindi puwedeng kumain doon sa mga lugar na iyon.
So, iyong mga ganoon ina-adjust ho natin iyan. Ganoon din sa mga smoking areas, naging individual smoking area imbes na sama-sama. Kasi ang nangyayari, binababa iyong mask at nagsisigarilyo at nagkukuwentuhan. So, doon nagkakaroon ngayon ng pagbitaw sa minimum health standards natin.
So, iyan iyong mga example na maraming adjustment tayo po na ginagawa para maipasok natin iyong inputs mula sa private sector.
So, tuloy ho ang ating pakikipag-ugnayan sa kanila. In fact, may Viber group kami, parati kong sinasabi na kung mayroon pa silang suggestion sabihin lang sa amin at ipinaparating natin sa IATF. At kapag kailangan iyong…tulad noong isang grupo, iyong Resto PH, mini-meet po natin sila kasama ng mga secretaries para talaga marinig iyong mga suggestions din nila.
So, very close coordination pa kami sa iba-ibang sektor kasama na rin ho iyong ilang pamunuan po diyan sa PCCI. Pero with all the sectors – retailers, isang grupo iyan; manufacturers, isang grupo iyan; mga restaurants, isang grupo; the salons, we are meeting with all those different groups. Nagzo-Zoom meeting iyan at kung kailangan ay iniimbitahan din sila.
USEC. IGNACIO: Secretary, finally, naging significant po iyong pagbaba ng GDP ng ating bansa noong second quarter. Ngayon pong papasok na iyong third quarter ng taon, ano po iyong nakikita ninyong projection natin? Papaano po makakabawi ang ating bansa considering nga po na hindi natin alam kung kailan matatapos itong pandemic pero may mga ginagawa naman po tayong paraan para mapanatiling matatag ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbalanse nga po ng kalusugan at siyempre, iyong pag-open ng ating ekonomiya, Secretary?
SEC. LOPEZ: Opo. Talaga hong ang dapat na move natin at ito ho, nanggaling na rin sa ating Pangulo, na ibalik na iyong mga trabaho sa ating mga kababayan lalo na iyong mga nahihirapan. So, unang-una, pagbukas uli ng ekonomiya in a safe way.
Ito po talaga, the pandemic ay hindi ho aalis hanggang next year ho iyan, hanggang wala iyong vaccine. So, talagang ang aasahan ho natin dito, habang nagbubukas iyong ekonomiya at bumababa iyong quarantine clearance, hindi ibig sabihin nito ay magiging pabaya na tayo, ang mga taumbayan, tayo po.
Nandiyan, kahit anong quarantine clearance, nandiyan po iyong talagang istrikto, discipline na pagsunod pa rin dito sa ating mandatory health standard; iyan po iyong paulit-ulit ho nating sinasabi, habang ginagawa ho iyan para talagang to allow us to move around safely. To allow us to go back to work nang hindi ho naghahawaan. Nandiyan ho talaga iyong talagang lahat ho ng ating mask at face shield, importante ho iyan kahit nagtatrabaho ho.
At ang talagang magfo-focus doon sa health efforts po natin, pag-isolate noong positive, una, mag-contact trace, mag-isolate doon sa positive at iyong suspect at maggawa ng testing doon sa mga symptomatics, at of course, iyong treatment. So, iyon po iyong kailangang magtuluy-tuloy po iyan. Kahit ho sabihin nating MGCQ na tayo, iyan ang pinaka-campaign natin, iyong tuloy-tuloy na efforts na ho na iyan.
Kaya po kami ay naniniwala na we can go eventually to an MGCQ basta ho talaga gawin itong trabaho na ito ng contact trace, isolate, i-test at i-treat. Tapos iyong mga taumbayan po, magsuot ng mask, face shield, hugas at saka pag-iwas. Iyan iyong tuloy-tuloy nating gagawin. At kapag ganiyan ang gagawin natin, iyong transmission ho bababa, iyong hospital cases bababa rin at makakabalik tayo—ito na nga iyong new normal na kapag sinabing new normal, required pa rin ho iyan kahit Modified GCQ na tayo.
So, iyan ho iyong nakikita natin in the future. And with that, makabangon uli ang ekonomiya, mabalik iyong trabaho kasi ang problema natin kapag hindi nabalik ito, iyong maraming unemployment ay will lead to of course, tataas ang poverty level natin at mas maraming social problems ho tayong maaaring ma-experience kapag hindi ho natin na-solve ito. So, it’s very important ho that we go back to opening the economy but safely; at magiging safe iyan kapag nagtulung-tulong ang buong sambayanan.
USEC. IGNACIO: Pasensya na, Secretary, pero may pahabol po na tanong si Leila sa inyo at nakita ko rin po si Joseph. Ang pahabol po na tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer: Ano po iyong dahilan sa pag-consider ng longer term ng community quarantine na one month instead of fifteen days? Ano ang benefits at advantage po nito?
SEC. LOPEZ: Unang-una, proposal pa ho namin iyan, bahala po ang ating Pangulo mag-confirm po niyan. Ang pinaka-benefit po nito, of course, mas may stability ho sa ating pagkilos, sa pag-prepare rin ng reopening of the economy; hindi ho pabagu-bago in 14 or 15 days, may kaunting stability. And again, kasi ho kung nagmo-move na tayo towards iyong more community granular lockdown, so talagang mas iyon ang parang kailangang ma-perfect natin pati nga iyong sinasabi nating ano natin… trace, isolate, test and treat.
So, parang talagang magkaroon lang ng sense of iyong stability, so iyon ang importante ho diyan sa making it, you know, longer ang ating range po ng community quarantine lalo na kung eventually lahat po ay magiging lowering ng community quarantine. Hopefully, diyan na talaga pumunta but again it will depend talaga sa disiplina po ng buong sambayanan.
USEC. IGNACIO: Last question na lang po, Secretary, mula kay Joseph Morong ng GMA 7: How many percent daw po of the businesses are open now and how much is the additional?
SEC. LOPEZ: Well, sa GCQ po, ang estimate ho natin mga around 75 na ho ang open. If you count the sectors, it can go up to mga 90 plus or 94% pero ang nakita nga ho natin hindi lahat nagbubukas eh. Maaaring marami na nga hong nagsara although iyong iba temporarily closed kasi kahit iyong mga nagbukas hindi kaagad ganoon kadami iyong naging customer.
In other words, itong recovery hindi ho ganoon kabilis dahil, unang-una, iyong main market din po natin, iyong twenty-one and below at saka sixty and above ay recommended to stay at home. So, big part of the market hindi rin po nakakalabas. So, iyon po iyong limitasyon dito ho sa pagbubukas din ng business lalo na sa retailing.
But when it comes to manufacturing, yes, nakakatrabaho, nakaka-open. But again, some are not into 100% yet. Kaya kung bibilangin mo iyong number of sectors, 95% open dapat iyong sector. Pero in terms of business that are really open, our estimate is about 75% under GCQ in general.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Trade Secretary Ramon Lopez. Stay safe, Secretary.
SEC. LOPEZ: Kayo rin po. Thank you. Happy Heroes Day.
ALJO BENDIJO: Makakapanayam naman natin ang isa mga commissioners ng Civil Service Commission, si CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada. Maayong buntag, Ma’am.
CSC COMMISIONER LIZADA: Maayong buntag, Aljo at Usec. Rocky at sa lahat ng mga nanunood.
ALJO BENDIJO: Sa naging hearing po ng Kongreso tungkol sa diumano’y korapsyon ng ilang PhilHealth officials, Commissioner, naging kontrobersiyal po itong naging pahayag ninyo tungkol sa diumano ay pag-uutos ni CSC Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala na mag-suppress ng mga impormasyon na may kaugnayan sa mga PhilHealth officials na ito. Sinabi po niyang false and misleading ang naging pahayag ninyo. Naaayon din daw sa protocol na mag-restrict sa pagbibigay ng impormasyon na may kaugnayan sa mga kasong may pending adjudication pa sa inyong ahensiya. Ano po ang reaksiyon ninyo tungkol dito, Commissioner?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Unang-una, hindi po iyon false; iyon ho ay totoo. The records will bear me out, iyong recording po and that is why nakasulat nga ako ng memo, nagri-react po ako na bakit hindi iyong message nga, ay naka-reflect sa minutes, number one.
Number two, doon sa mga protocols po mayroon po tayong Supreme Court decision, Romero versus Estrada GR#174105, sinasabi po dito na sub-judice does not apply a case under investigation if it is done in aid of legislation.
At pangatlo, mismong CSC Citizen’s charter amended 2020 edition ay pumapayag po para mag-release kami ng decisions and resolutions. This is, number one, request for certified true copy of CSC decisions or resolutions. Item number 4, who may avail: Courts and administrative bodies exercising quasi-judicial and or investigative functions, by means of the compulsory process of subpoena duces tecum in aid of investigation and or determination of resolution of pending cases.
Nasa Citizen’s Charter po namin iyan, sir. So, I say it again, may evidence mayroon po tayong basehan. That is why I am saying, it is true, iyong recollection ko and mayroon po tayong dalawang references, mismong Citizen’s Charter ng CSC ay pumapayag po.
ALJO BENDIJO: Opo. Since the incident ay nagkausap na ba kayo ni Chairman Bala, Commissioner?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Kaninang umaga, we just had our meeting kasi we are supposed to have a budget hearing tomorrow kay Senator Marcos. So, mayroon po kaming meeting kanina po prior to this. Doon po kami, nagkaroon po kaming meeting, via a zoom po kami.
ALJO BENDIJO: Ma’am, kung ito po ay mapapatunayang totoo, ano po sa tingin ninyo ang motibo behind this? Maaari ba ninyong masasabing ito ay may kaugnayan sa chairperson, si Chairperson Bala, bilang dating ex-officio member ng PhilHealth as some news article imply?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Motive is personal to one. I do not know, if ever, kung ano ang motive po. Pero recently ko lang din po nalaman na former ex-officio member siya ng PhilHealth. On my end, Sir Aljo at Usec. Rocky, on my end, ang gusto ko lang ho talagang tingnan, iyong pattern, iyong pattern ng mga cases ever since 2010 to 2020, kung pagbalik-balik ba ang mga kinakasuhan at iyong mga pabalik-balik ba, ano ang mga cases, ano ang mga dispositions ng mga case, because may nakikita kasi akong pattern, ang office namin, Sir Aljo. Mayroong dapat ang jurisdiction ay region, pero inaakyat sa central office or dapat naman nasa central office ang jurisdiction pero binababa sa region. As to why, it will prolong or delay the procedure as to who is favoring it, that is a one question to ask.
Pangalawa, mayroong iba, ang bilis-bilis ma-resolve, mayroong three months, mayroong five months. Pero iyong iba may mga kaso pa rin ho, still for action, wala pa hong action 12 months, 15 months, walang action. So, ito po iyong based on the list na binibigay ng office of legal affairs sa amin, sa aking opisina. And based on the case summary na nakikita ko, we are evaluating based on sa binibigay nila. So, there is somehow a pattern na puwedeng, it appears na longer period sa iba, shorter period sa iba, ang iba niri-refer, pero dapat central office or iba ang nasa region, pero iaakyat sa central office.
So, iyon iyong—at saka iyong isang point na gusto kong i-take up dito, the propriety of a former PhilHealth lawyer resolving PhilHealth cases sa CSC. Because it happened right in our commission meeting makakalusot na sana iyong isang kaso. Mismong respondent, siya ang nag-isyu ng kanyang medical certificate, siya ang nag-certify ng document na hindi naman siya custodian ng document na iyon. So, kung hindi po titingnan ang case records, kung hindi mo babasahin ang kada-papel, puwede ka talagang malusutan. Yes, it is the commission that signs. Kaya nga ayaw kong malusutan during my time. That is why I asked my legal, we be thorough in examining – we need the case records. Kasi, ever since pala na magri-review ang commission noon, walang case records na inaakyat sa Komisyon. It is just the draft resolution na binibigay. So, how sure am I that the draft resolution is supported by the case records?
Kami po, when we review, we get the case records. Wala pong nagri-review – sa Ombudsman, dati po ako doon – wala hong nagri-review na walang case records. To be fair to the parties, you have to look at each and every page of your case folder. Iyon lang ang gusto kong ayusin dito, Sir Aljo.
ALJO BENDIJO: Opo. Moving forward po, Commissioner, papaano po kaya iha-handle ng CSC ang tuluy-tuloy na investigation tungkol pa rin sa anomalya o korapsyon diyan po sa PhilHealth?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Based sa binigay sa akin ng office of legal affairs, there is a need to reach out to the regions kasi baka ang regions, kasi nakikita ko sa mga ibang decision, tama ang region, tama ang region. Pero pagdating sa taas, binalik lang ng central office after one year at sinabing kayo ang may jurisdiction. So we need to protect as well the jurisdiction of the regions a dapat kung ano iyong sa kanila, i-remain sa kanila at huwag kukunin at huwag po tayo magri-refer na dapat naman nasa central office.
So, I would like to, moving forward, I would like to get more evidence, look into the patterns sa regions po, with the end result of crafting policies para hindi na po ito maulit.
ALJO BENDIJO: Maiba po tayo, Commissioner. Sa patuloy po na pagtaas ng COVID-19 sa bansa, itong hawaan, dumadami na rin ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit sa hanay po ng mga government employees, mga government workers. Ang lahat po ba ng mga empleyado ng pamahalaan, regardless po ng kanilang employment status ay dapat makatanggap ng assistance mula sa kanilang pinagtatrabahuhan?
CSC COMMISSIONER LIZADA: That would be internal po iyan sa kanila, Sir Aljo, internal to the agency concern. Pero mayroon pong guidelines na nilalabas ang CSC regarding support mechanisms. So, mismong ahensiya dapat nila – hopefully to all heads of agencies listening – kung mayroon pong nagkakasakit, kung mayroon pong kailangan nang ika-quarantine, tingnan po natin ano po iyong puwede nating ma-extend na assistance po sa kanila kasi we need to protect as well iyong ating mga empleyado ng gobyerno. Internal po doon po sa ahensiya ng gobyerno, but we give guidelines, sir.
ALJO BENDIJO: Karamihan din sa mga tanggapan ngayon, Commissioner, ng pamahalaan ay nag-shift na sa online platform para tuluy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo sa taumbayan. Papaano po natin nasisiguro na talagang maayos ang serbisyo at natutugunan natin, ng mga tanggapang ito, ang mga pangangailangan ng mga kababayan natin, Commissioner?
COMMISSIONER LIZADA: May ilalabas ang Civil Service Commission na bagong memorandum circular po on the matter para mayroon po tayong ilalagay na mga point system, mayroon hong mga checks and balances po especially for those working from home. May ilalabas ho ang Komisyon na memorandum circular – hintayin lang ho natin.
ALJO BENDIJO: Sa palagay ninyo po ba ay panahon na talaga at handa na ang ating bansa para mag-shift sa digital o itong tinatawag na electronic governance gaya ng isinusulong ng ilang mga mambabatas natin?
COMMISSIONER LIZADA: Tama ho. I agree, Chairman Bala likewise agrees. Kasi ang nangyayari, kung mayroong pandemic, lalabas kami ng guidelines; kung mayroong earthquake, you refer to one guideline, one guidance. So kailangan ho nating i-streamline lahat, ayusin na natin, na sasabihin natin when is work from home applicable? Kailan puwede tayong mag-skeleton workforce? Kailan tayo puwede mag-staggered working hours? Kailan tayo flexible? So we are moving towards that direction para hindi ho tayo reactive na kung may nangyari, doon pa ho tayo gagawa ng polisiya.
So we are considering iyong mga work from home, digitization, depende ho sa trabaho, sa kind of work. Towards that direction po iyong Komisyon, sir.
ALJO BENDIJO: Opo. September po ay magaganap ang ika-20th anniversary ng Civil Service Commission [120th of Philippine Civil Service anniversary], at kayo po ay magkakaroon yata ng government online career fair. Papaano po ito puwedeng ma-access ng mga interesadong maglilingkod sa pamahalaan, Commissioner?
COMMISSIONER LIZADA: Good news po sa mga naghahanap ng trabaho, we have more or less 729 job vacancies involving 76 government agencies. But we have extended the deadline for the government agencies to register, to enroll, hanggang September 10 po.
So sa ibang mga ahensiya ng gobyerno na gusto pang sumama, sumali, this is the time po. At least sa mga bahay ninyo, in the confines of your home, you can access jobstreet.com – this is a tie-up with jobstreet.com. The job’s fair is on September 14 to 18. Tingnan ninyo lang ho doon sa jobstreet.com, mayroon hong proseso on how to get it. Hopefully, we will be able to give more jobs sa mga taong naghahanap po. Thank you.
ALJO BENDIJO: Lilinawin ko lang: 120th of Philippine Civil Service anniversary.
Commissioner, bukod po dito, ano pa ang ibang mga activities at mga programa na nakalatag sa month-long celebration?
COMMISSIONER LIZADA: Mayroon tayong … we have divided September into four weeks. Kasi September, based on Presidential Proclamation # 1050 Series of 1997 which declares the month of September as the Civil Service month. Hindi ho ito month ng Civil Service Commission ha – month po ito ng Civil Service, the whole Philippine civil service. Meaning to say, all government’s agencies and instrumentalities.
Going back to your question, sir – apat po ang themes natin. The first week is Linggo ng Lingkod Bayani; pangalawa is Linggo ng Yamang Tao. Mayroon ho tayo diyang September 10 Public Sector, Leaders and HR Forum.
Mayroon din ho tayong Online Photography Contest na ang awarding po ay September 15. Mayroon din po tayo diyan sa second week, Recognition in Prime HRM Awardees.
Third week is Linggo ng Malasakit. And then nandiyan ho iyong Government Online Career Fair.
And ang pang-apat na week po ay Linggo ng Pasasalamat. Ito po, we give commendations for service in times of calamity. Mayroon din ho tayong virtual agency family day which is internal to the different agencies.
And for the whole month of September, mayroon hong mga treats, may treats po ang government employees and officials. Hintayin ninyo lang ho, tingnan ninyo ho iyong mga advisories namin, so may mga discounts sa ibang stores. Makikita ninyo ho iyan kung sino po iyong mga ka-partners na natin sa CSC for the Philippine Civil Service anniversary. Just check the website po ng Civil Service Commission.
ALJO BENDIJO: Commissioner, hingin na lang po namin ang panghuling mensahe ninyo.
COMMISSIONER LIZADA: Sa lahat ho ng mga kawani ng gobyerno, let us pride ourselves—let our virtue be integrity as we serve the public. Let us pride ourselves with professionalism, integrity, excellence and spirituality. Let us do our best for the public that we serve, whom we serve. Taumbayan po ang nagpapasuweldo sa atin. The higher ranks, the higher we go; the higher ranks we have, the lower we must go. We must serve with humility, utmost humility, integrity, honesty. Let us lead by example.
Kung mayroon pong mga pinapagawa sa inyo na hindi po tama, mag-isip po kayo nang dalawa, tatlong beses because our loyalty is not to a person; our loyalty is to our office, to our countrymen, sa ating bansa. Thank you very much.
ALJO BENDIJO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Commissioner, at more power po sa inyo. Amping kanunay, ma’am.
COMMISSIONER LIZADA: Salamat.
USEC. IGNACIO: Salamat po kay Atty. Lizada sa inyong napakagandang mensahe sa ating mga kawani ng pamahalaan at maging sa opisyal ng pamahalaan. Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol mula sa Radyo Pilipinas. Go ahead, John.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.
ALJO BENDIJO: Alamin naman natin ang pinakahuling mga balita mula sa PTV-Cordillera, kasama si Eddie Carta.
(NEWS REPORTING)
ALJO: Maraming salamat, Eddie Carta mula sa PTV-Cordillera.
USEC. IGNACIO: Mula naman po sa Cordillera puntahan natin ang mga kaganapan sa Davao City kasama si Jay Lagang, Jay?
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jay Lagang ng PTV-Davao. Pasalamatan na rin po natin ang ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino sign Language Access Team for COVID-19 – mabuhay po kayo.
At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
ALJO BENDIJO: Ako naman po si Aljo Bendijo. Thank you, Usec.
USEC. IGNACIO: Salamat din sa iyon, Aljo. Muli po ang aming pagsaludo sa mga Filipino Frontliners dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)